Crossroads

12 06 2008

Sa buong buhay ng isang empleyadong Pinoy nakakalimang palit siya ng trabaho. San ko nakuha ang statistics ko? Diyan lang sa mga tambay sa kanto. Tsaka napanaginipan ko din kagabi. Tsaka try mong mag-google, ganun din ang lalabas. At ngayon, aabot na ko sa panglimang trabaho ko. Pag sumobra pa ako sa lima, isa lang ang ibig sabihin nito, malamang mali ang statistics ko, hindi ako Pinoy, o taga-Jupiter nga talaga ako.

Sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, malaking porsiyento nito ang pag-aari ng Microsoft. Ngayong umalis na ko, di na talaga mangyayaring makaka-rubbing elbows ko pa si Bill Gates. Plano ko pa naman, pag nagpunta si Bill dito sa Pinas, aayain ko siyang makipag-inuman sa Tondo at patikimin ng gin bulag, ‘yung gin na nakakaduling sa mga hindi sanay tapos ipapahabol ko siya sa mga excon ng taga. Pano sinira ng Vista Ultimate edition ‘yung kabagu-bagong kompyuter ko. Ngayon, hindi na mangyayari ‘yun. Di ko na rin siya matatanong kung bakit ayaw nyang bumili ng sex appeal gayong bilyones naman ang pera nya.

Trabaho ko lang ang legal na karibal ng misis ko sa atensiyon. Pasensiya na, pero labs ko talaga ‘tong kumpanya at trabaho kong ‘to. Sinabihan na ako ng kuya ko na maling mahalin mo ang trabaho mo. ‘Trabaho lang ‘yan, pag hindi ka na malakas, hindi ka na nyan kailangan’. Para palang pokpok ang trabaho. Ewan, pero masarap talaga ang pag-ibig na pinagbabawalan.

Nakaka-guilty na umalis dito dahil una, walang pulitika sa trabaho. Lahat ng kaopismeyt mo propesyunal kausap. Lahat yata dito asal tao. Kaya tuloy napipilitan din akong magkunwaring normal. Pero paminsan-minsan di ko pa din makontrol ang biglang bibirit ng kanta sa loob ng elevator. Na punumpuno ng mga bosing at senior executives. Kung may siraulo man dito, ako lang ‘yun. At kung meron nga talaga akong kalahi dito, swerte kong di ko pa sila nakasalamuha.

Halos lahat din ng mga luho binibigay ng kumpanya. San ka pa nakakita ng kumpanyang may sariling kindergarten para sa mga anak ng empleyado, resident doctors, gym, boxing class, recreation center etc. Meron pang breastfeeding room na di ko naman alam gamitin. At san ka pa nakakita ng kumpanyang ipinapasara ang buong Greenbelt cinema para lang makapanood ang kanyang mga papampam na mga empleyado? San ka pa.

Andami ko nang pinanggalingang trabaho pero wala man lang akong maikumpara kahit abot hanggang kalingkingan man lang dito. Nakapagtrabaho na din ako sa gobyerno pagkagradweyt ng kolehiyo pero langya, unang sabak ko dun kelangang makisama sa mga sangkatutak na palautos na airheads. Ultimo ‘school projects’ ng kaibigan ng assistant ng boss mo e kelangang ipagawa sa ‘yo. Putangina. At mas matino pa nga ‘yun dahil ‘yung ibang katropa ko e tagabili ng banana cue pagpatak ng alas tres ng hapon. Para bang nag-hire sila ng college graduate para ma-garantiya na may sapat itong kakayanan na bumili ng banana cue at turon. Buti na lang at di sila tinanong noong nag-aapply pa lang sila ng trabaho ng ‘Totoo ba ’tong nasa resume’ mo na mahusay ka daw magbalik ng sukli? Marunong ka bang maglagay ng babana cue sa supot? Magaling ka bang magmasahe?’

Hanggang sa huli, kinukumbinsi pa din ako ni pareng Mark ‘The Big Man’, ‘yung HR namin na sa taong 2040 na lang daw ako magresign. Alangan, sabi ko bigay nya muna sakin sweldo nya para di na ako magresign, ayaw ba naman. Hehe. Mukampera kasi ako kaya nasilaw ako sa ‘job offer’ ng ‘the dark side’.

Pero dahil buo na ang loob kong umalis, gusto ko lang sanang magtenkyu. Sa mga nakilala ko, mga barkada kong ‘gobilam’, mga nakabatuhan ng football sa mukha, at mga hindi sinasadyang nakahawakan ng pwet sa elevator, maraming salamat sa mga makulay na alaala. Salamat din sa nagsoli ng wallet kong nawala kani-kanina lang sa opis. Inisnab ba naman ‘yung milyones sa wallet ko. Kaazar. Hehe. Alam ko namang uber honest kayo, masyado niyo namang pinapahalata.Wala nakong masasabi sa inyo. Paalam na lang, wala na akong makikitang mga taong katulad nyo – mababait, matatalino at siyempre, artistahin. Basta, tsienes tsienes na lang. In inglis, see you when I see you. It has been a pleasure! See you at the crossroads.

Advertisements

Mga Tugon

Information

46 responses

12 06 2008
The Gasoline Dude

Nabasa ko na din ang statistics na ‘yan. Hindi ko lang sigurado kung sa Men’s Health or Entrepreneur.

Naging job hopper din ako. A total of six jobs in seven years. Pucha hindi na ko na kuntento! Kaya ayun, wala akong trabaho ngayon. Titingin naman kase ako ng oportunidad sa ibang bansa. Sana swertehin this time. Kakapagod din kaseng magpalipat-lipat.

badoodles: @gasDude 6 jobs in 7 years? typical characteristik yan ng isang taga-planetang Mercury. hehe. alien invasion na to. nate-tempt din akong subukan sa US kaso istrikto sila sa mga alien nationals. pag natuloy kang makakita ng oportunidad sa ibang bansa, andito lang kami naghihintay matimbrehan. wag kalimutang lumingon sa pinanggalingan

12 06 2008
R.J.

mukhang mas maganda nga ang offer ng ‘the dark side’ ah, ipagpalit ba naman ba ang mga perks na ganun. bihira lang ang mga ganung company kaya kung naisipan mong lumipat, malamang mas big time iyan. hehehe.
goodluck! =D

badoodles: @pareng rj sabi sa isang independot survey, ‘perks outweigh salary in employee retention’. ewan, hindi siguro ako nasama sa survey na un o baka pang normal na tao lang ung survey na un.

12 06 2008
ponchong

after college, naka-apat ng trabaho ako. at sa pangatlo kong trabaho bago ako lumipad dito, ang hirap magpaalam. hindi ko ugali ang magpalipat-lipat ng trabaho kasi panibagong adjustment na naman. pero sa panahon ngayon kung saan ang greener pasture doon tayo.

sana palarin ka bossing.

badoodles: @ponchong [corny alert] pag sinabi bang mapalad, marami bang palad? dalawa lang palad ko pero sana tubuan pa ako ng maraming palad para palarin pa ako.

tama ka, mahirap adjustment kasi back to zero. di tulad sa dati kong trabaho na akong hari-harian. naglalakad pa lang ako sa corridor humahawi na mga gwardiya tapos may kasama pang saludo at ‘gud morning ser!’. at pag inuumang ko pa ang kamay ko na itsurang baril marunong mag play dead ang mga gwardiya. mami-miss ko ung ganun.

12 06 2008
Maldito

ano ang address ng crossroad bossing?baka naman magkita pa tayu dun..mauna ka na bossing..ako din naman ang susunod pag natawagan na ako ng big company.ganyan talaga ang tao..pleasure seeker..

badoodles: @maldito kung ako lang, ok na ako sa dati kong trabaho, kayang kaya akong buhayin. kaso naka depende sakin kalahati ng populasyon ng pilipinas para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

12 06 2008
antuken

i’m on my third job. at sa ngayon i have no plans of finding a better one. happy naman ako (besides, i hate selling myself — aka job interviews! sobra!). naalala ko tuloy yung isa sa mga assessors ng kakatapos lang na business excellence assessment namin dito. he asked us what made us stay with the company, at karamihan ang sagot eh culture at team/officemates.

the only thing i hate about my job is the shifting schedule. sa totoo lang i want to work in the gov’t. kse fixed 8-hour, 5-day workweek sila. unlike sa manufacturing na 10 hours/5 days workweek.

goodluck sa bago mong work. at i’m sure jan sa darkside na yan eh limpak limpak na salapi na naman matatamo mo.

badoodles: @mareng antuken hahaha! 🙂 naalala ko tuloy ung huling nag-interbyu saking panel kasama ang presidente ng kumpanya. tinanong ako ng presidente ng ‘why should i hire u?’, nag-aantay na lektyuran ko ng heroic deeds ko. pagod nakong magdetalye ng mga kapakipakinabang kong nagawa kaya wala sa sariling sinabi ko na ‘because i’m good looking?’. nung araw ding un may job offer ako agad. isang misteryo kung pano nangyari un.

12 06 2008
MARU

parang naaamoy ko na ang malapit mong pagkamal ng limpak-limpak na salapi, pareng badoods. parang nakikita ko na ang di-mapigilang pagyaman mo sa lilipatan mong trabaho. siempre kaengotan naman yun kung hindi mas maganda dun sa lilipatan mo.

yesssss! parang nai-imadyin ko na bongga ang magiging pamasko mo sa akin sa december dahil mas malaki na ngayon ang sahod mo. yessss!

badoodles: @mareKo oo ireregalo ko sau kalahati ng davao. hehe.

12 06 2008
ka silyas

gudlak na lang sa bagong trabaho … diba masarap din namang magtrabaho sa gobyerno, mas madaling mangurakot, mas mabilis yumaman

badoodles: @ka silyas hindi naman lahat kurakot sa gobyerno. sa pagkakaalam ko sa buong pilipinas, merong isa o dalawang matinong empleyado.

12 06 2008
xG

wow selfish ka
gusto mo ikaw lang ang abnormal sa opisina
hahahaha

bigyan mo naman ng chance yung iba
na maging self nila
hahahaha

kailangan mo na makarekober
para rin sa inyo ni bebe at litol baduds

ps
di kaya kasi lagi mo inaaway
si papa jeus
kaya ka nagkaganyan
labyu o lord
hahahahaaha
🙂

badoodles: @xG nakarekober nako. bak to normal ang lahat. nakakatalon na ulit ako mula sa 10th floor ng building. papuntang 9th floor. hehe, kala mo ha. hindi ko na iniistorbo si papa jesus. sabado ngayon, sabi nagpapahinga siya. oo natutulog din ang Diyos.

12 06 2008
Jeck

mabuti ka pa, nakarating ka na sa punto ng buhay mong lilipat ka sa mas magandang trabaho. ako, naghahanap pa rin. pero dito ka pa rin ba sa makati?

badoodles: @jeck oo, sa rcbc plaza lang ako.

12 06 2008
mr_d

pwede bang tumambay sa breastfeeding room? hahahahahaha

dito sa kumpanya ko 3 taon na ako. kahit na peon talaga ang turing sa amin ng mga kano, nakakatiis pa ako dahil maganda makisama ang mga katrabaho kong pinoy. pero oras na may magoffer ng doble sa sahod ko batsi na rin ako. bahala sila sa buhay nila hahahahaha

badoodles: @mr d haha! sabi nga, walang personalan trabaho lang. saka pwede lang nating idaan sa tawa ang mga pressure sa trabaho, pinoy kasi. sabi nung dati kong bisor na Polish, ‘u pinoys are always laughing even if there’s nothing funny’. ayaw nya lang akong diretsuhin ng ‘taga mental ka ba?’

12 06 2008
tiger

hindi ka na pala tiger…

nagugulumihanan pa rin ako kung ano ang koneksyon kung bakit napasama ako sa farewell email mo kahapon… ^_^

maaaring nakasabay kita sa panonood sa sinehan ng greenbelt, robinson… o kaya nakasabay kita sa sandamakmak na training na ang masaya lang ay libre tsibog masaya rin bumalik sa work na may dalang ballpen at pouch para bibo ang dating… sabi sa min yon ng facilitator… ^_^

salamat… goodluck sa bagong work…

wala ng free juices at iced tea at unlimited coffee…

badoodles: @tiger ibig sabihin frens tau di mo palang alam. tama ka, paalam na din sa oberflowing iced tea saka juice. wala na ding iba’t ibang klaseng kape na libre lang. ngayon gustong maawa ng misis ko sakin kasi nagbabaon nako ng 3 in 1 saka sariling mug pagpasok sa trabaho. nakakamiss

12 06 2008
leila

hi, makikitambay na din. hmm… ang swerte mo naman sa career mo. ako eto bago pa lang sa ika-3rd job ko. 1st job ko – 7 yrs ako dun, kaya ko umalis dun kasi nag-asawa na ko at gusto ko nang magkababy. nakunan ako at first kasi siguro masyadong tagtag sa byahe. padilla (antipolo to makati and vice versa, mon to sat!) 2nd job ko – 5 yrs din mahigit, bakit ako umalis? hay naku never mind… sabi kase ng nanay ko pag wala kang magandang sasabihin tumahimik ka na lang… 4 yrs kong pinag-isipan kung aalis ako dun o hindi hahaha! matiisin kase ko. hangga’t may dahilan pa para mag-stay… ayun, naubusan na ko ng dahilan kaya umalis na ko dun.

link ko to ha. thanks.

badoodles: @leila tambay ka lang dito anytime. faithful ka pala sa work mo, pang long term magtrabaho. yan kasi ang definition ko sa isang professional: can commit to work come hell or high waters. /strong>

12 06 2008
kingdaddyrich

crossroads diba kapag mamamatay na?

lols.

alam ko darating ang panahon na mararanasan ko iyan. kaya kailangang pagbutihan ko ang pagpili ng trabahong papasukan ko. sa panahon pa naman ngayon, matindi ang kumpetisyon.

badoodles: @kingdaddyrich san ka na naman ba nagsusuot at nagiging korny ka na? pearly gates naman ang tawag dun kapag deadbol ka na.

wala naman akong nararanasang kompetitisyon ngayon. hayup kasi ako sa galing – rockstar mode. saka andami namang trabaho it’s a matter of being qualified [im speaking of the technology industry]

12 06 2008
sugarushafterglow

ganun ata talaga. we’re all out to seek greener pastures. i left my first and only “corporate” job after a year. i declined several offers and made a drastic career shift. now i’m planning to put up an office. i’ve recently put a stop to taking in pro-bono projects. hehehe.

good luck on your new venture. sana they’d cut you some slack and give you more time to blog. or they’d pay you to blog na lang.

badoodles: @sugarush mukang ok nga kasi hindi naka-block ang blog ko, pwede akong sumilip silip sa kwentong barbero pag lunch break. dun sa dati nakablock tapos may warning na explicit content. kelan pa naging explicit ang pagiging pogi at mukang anghel.

12 06 2008
kulot

chenes chenes! milyones! karubbing elbow si bill gates, isa kang karimarimarim na nilalang hanga ako sayo

badoodles: @kulot salamat sa paghanga matapos mo akong tawaging karimarimarim.

12 06 2008
gasti

pre goodluck dyan sa bagong lilipatan mong work..tama kaya ang hinala ko na nasa pagitan ng 60-80k ang suswelduhin mo sa bago mong work? hehe! mahirap talaga tumanggi kung pangkabuhayan showcase ang i-offer sayo.

badoodles: @gasti salamat sa gudlak pre. di daw ako pasuswelduhin. pero ung mga lupain sa mindanao ililipat sa pangalan ko. hehe.

12 06 2008
co-tiger(aka tukmol)

potek. kaw pala ung nagemail khpon ng gudbye speech mo. sabi namin ng mga kateam ko sino naman kaya tong abnormal na to at pati sa GT eh nagpaalam. kanina ko lang nakita sa email ung blogsite mo kaya sabi ko looks family.
Wiishu well sa bagong landas mo. email mo ko next year kung may opening dyan.

badoodles: @tukmol hindi pwedeng aalis ako sa kumpanyang yan ng hindi nagpapapansin. hehe. kaya inispam ko na kayo. send to all. kaadik-adikang hayuf.

salamat. sabi ng HR di daw ako pwedeng mamirata kundi uubusin nila lahi ko. after one year na lang daw. haha.

12 06 2008
har har

WOW! totoo b un? 60-80K? Hehe.. Good decision kung ganun. Goodluck poh. 🙂

badoodles: @har har higher higher. haha.

12 06 2008
beero

crossroads ba kamo kuya bossing? san ba yun?hehe. alam ko title yun ng kanta ng bone thugs n harmony eh.

so much for my ka-cornyhan. gud lak sa magiging bago mong trabaho. mas maganda talagang maghanap ng greener posture, este pasture pala. alam kong kahit saan ka isabak eh magi-excel ka ng todo. nakaya mo ngang bumili ng banana cue eh, waffle pa kaya. LOL. way to go, kuya bossing!

badoodles: @beero welcome to da real world. masyado akong naging brat sa dati kong trabaho. its time na ako naman ang matutong makisama.

12 06 2008
jhayneelou

langya naman tong blog na to..

kakapost nga lang, tambak na agad ang comments.. para bang hobby na ng bayan ang bantayan kung anong bagong maisusulat ni badoodles.. at parang langgam na pinatakan ng asukal na magkakandarapang basahin ang bagong post..

tsk tsk tsk..

astig ka tagala…

god bless sa bagong trabaho mo kuya.. naway mabiyayaan ka ng sangkatutak na pera para me pambili ka na rin ng sangkatutak sa diaper..

woohoo!!!

ciao! =)

badoodles: @consha nice blog u got. sige na nga kulit din, basta ba ako ang pinakakulit. pano mo nalamang kailangan kong bumili ng sangkatutak na diaper? siguro alam mo ding umiihi pa din ako sa higaan hanggang ngayon ano? hehe

12 06 2008
ulan

malapit ko nang maramdaman yan…paalis na rin ako sa trabaho ko…problema ko lang e, may bond pa ako. kaya pinagdadasal ko na lang na hindi ako habulin…hehehe. ayaw ko mang isipin, i feel the same way. okay kumpanya namin, kailangan lang talagang sumunod sa aking bitter half sa malayong lugar. second job ko pa lang ito, kaya it’s either bata pa ako, tamad lang humanap ng ibang trabaho, o walang ambisyon sa buhay.

badoodles: @ulan ipatago mo na lang sakin pambayad ng bond mo, ako nang bahala. haha! pero mas ok sanang umalis na tapos na ung bond, malinis ang record tsaka pwede ka pang bumalik kung gugustuhin mo. ako pebrero pa lang tinutukso-tukso na ako ng mga ibat ibang kumpanya. pakipot ako kailangang mahaba-habang panunukso. saka tinapos ko muna ang bond. gudlak satin.

12 06 2008
watusiboy

tiger ka pala badoodles. napaniginipan ko lang ba na sa stock exchange ka nagtatrabaho? kung tamang tiger ang iniisip ko, marami akong nababalitaang nagsisialisan dyan dahil in demand daw kapag galing dyan. at marami ring nagsasabing stressful daw dyan. nagcocobol daw kayo at black and green sceen daw ang ilang pc dyan. totoo ba yun? nababasa ko lang sa mga forums.

badoodles: @watusiboy hindi nako tiger, leon nako ngayon. stressful pero machachallenge ung utak mo to go beyond what ur capable of. on the contrary, im working on the bleeding edge technology with deep industry expertise in enterprise solutions. depende kasi kung saan ung career path mo saka clients. malamang ung nagcocobol working on tradings, banks, and other financial instutions.

12 06 2008
madbong

bro, nakasampung trabaho na ako, e di taga jupiter din ako

badoodles: @madbong bro sampu? unportunately, hindi ka taga-jupiter, higante lang talaga ang nunal mo sa paa. hehe. pero to test u further, may isang katanungang kailangan mong sagutin para malaman kung talagang taga-jupiter ka nga: marami ka bang account sa porn sites? oo? wow! certified kababayan nga kita.

12 06 2008
tiamy

Grabe ka…Ginulat mo ako sa farewell email mo…at nagulat din mga ka-project ko…”sino ba tong si ^&%^*(((_*)*????”. Well…at least may idea ako kung sino ka…sila wala…hahha…

Cguro mas ma-aappreciate ko etong company na to pag umalis na rin ako dito. Syempre, first job ko ‘to…hindi ko alam kung ano ba sa ibang company. So far, masaya pa ako d2 at hndi pa gaano nasisilaw sa pera…hehhe…

Basta…pag na realize mo na isa palang malaking pagkakamali ang pag-alis mo…just don’t hesitate to come back. Welcome na welcome ka pa rin d2. Iha-hug ka pa namin. 😀

badoodles: @tiamy haha! papansin kasi ako kaya pagbigyan mo na. ngayon pang certified ka na din, malakas ang tukso sa labas, sought after talent in da market ka na. babalik din ako sooner or later. kaya ihanda ang bear hug ng mga bebot.

13 06 2008
gabo^(di-blager)

Gusto ko ung part na nakakahawak ka ng wetpaks sa elevator parang ansaya non ah.. hehehe..Seryoso.. ako pang-4 na to work ko sana nga dito na me magtgal para malaki laki namn seperation pay.. Kaw prekoy guro laki separasyon pey mo. pautang naman (nyehehe) anyway, Goodluck!!!

badoodles: @gabo may panahong pure accident lang, pero pansin ko may mga bebot na nananadya, ang hihilig pumilis ng pwet. napapa-aleluya tuloy ako ng wala sa oras.

13 06 2008
cruisin 4 bruisin

[…] Stumbled upon this blog a few weeks ago. I adore his humor! The love letter he wrote to his wife was both sweet and hilarious. But boy, does this person love his job (and you can tell why). Here’s an excerpt from his most recent post: […]

13 06 2008
shao

ako mag-isang taon pa lang dito sa first work ever ko at e2 nga, tinatamad nren at nagsasawa na pumasok..am luking for sumthing bigger and different hehe at sa edad kong 52 cguro ok lang sken ang magpalipat-lipat ng trabaho

palagay ko lahat naman eh ngdadaan sa ganyan – – un nasisilaw sa malaking ‘job offer’ of the ‘dark side’ ..hehe
dumadating tlaga dun sa puntong nagmumuka tayong pera, ganun talaga lalo na ngayun meron ka ng dyunyor..

tapang nga eh kasi panibagong adjustments na naman yan pero dahil ikaw naman si super badoodles, alam kong yakang yaka mu yan!!
GOODLUCK POH..

badoodles: @shao nakakalungkot din kasi maiiwan ko ung mga barkada kong ‘gobilam’. tapos back to zero lahat. iniisip ko na lang, fortune favors the brave.

13 06 2008
Rowjie

wow, ang ganda naman sa iyong dating opisina. pero i bet, mas maganda sa nilipatan mo.

ganyan talaga ang buhay. kailangang kumita ng pera para mabuhay at makabuhay.

badoodles: @rowjie ok talaga dun. dun ako natutong mag asal tao, magdamit tao at mahasa ang talentong magmura ng di lumalabas sa bibig.

13 06 2008
popoy

“see yah at the crossroads…”

naku umalis ka na pala kuya badoods sa work mo no?
minsan kailangan mo talagang mamili, ndi pedeng 2 parati.
gudlak sa bagong trabaho at sana jan sa new work nyo kaya nilang ipasara ang greenbelt para iloot naman ng mga empleyado nila hehehe.

GUDLAK KUYA!!!

badoodles: @popoy sa tingin ko hinde. nag-iisa lang ang kumpanyang naimpress ako ng sobra sobra. nasa klase na din siguro ng tao na hina-hire nila kumbakit ganun ang kanilang corporate culture. alala ko nung huling football match namin sa mga empleyado ng kumpanya, mainit ang laban, aksidenteng nagkakasapakan na pero cool pa din lahat. sa iba un, baka nagkaresbakan na at nagkaabangan na sa may kanto.

13 06 2008
Kotsengkuba

Yan ba ang sinasabing “there’s always a bigger fish?” laos na kase ang “greener pastures” kaya yun nalang. Mahirap din umalis sa dating trabaho pero pano mo ba naman hihindian ang kinang ng kadatungan. Hehehe.

Sabi nga ni Eva Duarte: There is no one, no one at all. Never has been and never will be a lover. Male or female. Who hasn’t an eye on, in fact they rely on tricks they can try on their partner. They’re hoping their lover will help them or keep them, support them, promote them. Don’t blame them, you’re the same.

LSS…

badoodles: @kotsengkuba kaw talaga pre pinapaulanan mo ko ng words of wisdom ng ibat ibang personalities. meron bang pang-kanto boy quote dyan o kaya ung galing pegasus? hehe.

mukang ok ung bigger fish. pag sinabing greener pasture parang lahat ng tao kambing. nice one.

13 06 2008
dimaks

pano yan pare, kung sa iba ay looking for greener pasture, yan ba ay looking for deeper ocean? regards mo na lang ako ke bill goats.. gates pala.

badoodles: @pareng dimaks malabo na kitang mairegards kay bill gates. sayang dahil wala na ako dun, wala nang maglalakas loob na i-tour siya sa tondo.

13 06 2008
cecille

ang sarap naman! mukhang mas maganda talaga ang ibang offer dahil pinakawalan mo ang kumpanyang may breastfeeding room. naman! hehehe. ako, magti-23, 3 years na mula ng grumadweyt ng college at nagsisimula sa pangatlo kong trabaho. oh layp. see ya at the crossroads bossing. baka magkatopak na naman ako. teka, mahal ba pamasahe papunta dun? 🙂

badoodles: @cecille mura lang. basta meron kang sapat na kapalmuks para i-dare ang sarili mo at mag-explore beyond ur comfort zone. 3 jobs in 3 years, parang taun-taong kinakati ang paa mo ah. hehe.

14 06 2008
McRey

Hmm…

Ano kayang company yan para paggraduate ko eh mahunting ang mga taga-HR nila… hahaha, para naman makanood ako sa big screen…

Gudluck sa bagong daang iyong tatahakin!

Sabi nga nila, the road ends when there is a dead end…. – wala lang sinabi ko lang.

badoodles: @mcrey talentado ka naman, tingin ko with ur talent u can go places. gud lak

15 06 2008
Jon Cabron

good luck kung san ka man mapapadpad’

at salamat sa humor blogger of the month, yey!

badoodles: @joncabron long overdue na nga yan ngayon ko lang na upload. nabura ng virus lahat ng files ko sa computer yan lang natira. weird. susubukan ko nga ngayong iprint baka pwedeng pamalit ng baygon katol sa bahay.

15 06 2008
Cliffnotes

hiningal ako sa kaka-scroll down dito sa comment box mo ah!hehe
…andami kasi nila. i salute!

hahayyy…ang hirap talaga maghanap ng swerte..
..yung trabahong pangmatagalan.

good luck nalang sa atin!;0)

badoodles: @cliffnotes maghirap mag take risk pero sabi nga fortune favors the brave. gudlak to both of us [parang inulit ko lang sinabi mo]

15 06 2008
Jhia

SOBRANG NAMISS KO ANG BLOG MO!

muling nagbabalik 😀

badoodles: @jhia nasabik din akong magreply sa mga comments mo. welkam bak babaeng palalayas.

15 06 2008
annenoneymous

huwaw new job… greener pasture… gudluck!

malayo ang workplace ko sa bahay namin (sabi ko nga pag pupunta ako don e mamumundok ako :p), malayo sa tinapos ko ang trabaho (uber layooo :p), malayo sa gimikan ang opisina (sobra, alang nyt lyf man lang! :p), malayo sa position namin ang sweldo (gosh global chuva pero hangsagwa ng paylalu), mahirap matulog sa umaga (more than 3 years na kong night shift, uu night shift! at more than 3 years na kong may utang na tulog!) – what makes coming to work worthwhile are the people i’m with. grabe ansaya ng team namin. guess kung ndi dahil doon, matagal na kong namaalam sa pinakamamahal (anodaw?) kong kompanya… ang kukulet ng kasama ko. AS INNN. :p

as always, nice reading your blog… post more! 🙂

badoodles: @annenoneymous salamat. sana nga naging tarantado na lang mga kasama ko para wala akong guilt na umalis. tingin ko nga greener pasture to, pag tumitingin ako sa paligid puro damo nakikita ko, asa gitna ata kami ng gubat.

15 06 2008
wei vines

NICE ANG HAHABA naman ng comments..at binasa ko isa isa para di ko lang ulitin sasabihin nila…heheheh…

reality kasi to eh… walang stagnant sa mundo 😀

badoodles: @wei vines. himala, napadpad ka ulit. sobrang tagal mong hindi tumambay dito kala ko kakaririn mo ang pagiging magikero. nawawala kang parang bula.

17 06 2008
Marman

Bagong dating lang ako dito sa tambayan mo pero makikigulo na rin ako at mukhang masaya dito. Good luck sa bagong tarbaho mo… sana ma-challenge at mag-enjoy ka lalo para mas dumami pa ang mga kapana-panabik at kaaliw-aliw mong anekdot(parang bastos pag tinagalog ang accent ano?).

badoodles: @marman oo. sa wakas makakapagsulat na din ako tungkol sa mga balahurang opismeyts. magkakaroon ako ng mga bloggable encounters, at mapaparami ako ng beses ng pagba-blog

18 06 2008
Aling Baby

kung marami lang talagang nagkalat na offers from dark side…sa Pinas na lang ako mag-work kaso kahit ok sweldo, nagdidilim din ang mukha ko sa pagkakakita ng mga tax na kinakaltas nila sa sweldo ko amp. kaya nga kahit ayokong iwan ang mga ka-opismeyts ko doon…wala akong choice.

muka nga talagang maganda ang offer sayo pra iwan ang mga benepisyo ng kumpanya, well kung hindi ka na talaga maligaya eh go na! gudlak!! 😀

badoodles: @aling baby sari-saring tax na nga ang naimbento dito sa pinas. buti na lang may goodnews, tumaas na din sa wakas ang tax deduction for qualified dependents mula walong libo naging 25,000. yohooo! magpaparami nako ng lahi.

20 06 2008
wei vines

hehe…binabasa ko lagi blog niyo po… di lang ako nag ccomment…wala naman ako sasabihin eh 😀

badoodles: @wei vines ganun? kaya naman pala.

20 06 2008
butterfingers

sir badoods sabi na nga ba at ikaw yung nagspam sa buong company last june 11 eh medyo ngayon ko lang narealyze (medyo slow ba??? hehehe)… napaisip pa tuloy ako non, sino ba kako itong ungas na toh’ na pati pagkawala ng wallet eh itsinismiz pa… hehehe…

anyways, gud lak sa bago mong work, nawa’y magtagal ka jan at ng mabili mo na ang davao tapos isunod mo ang basilan den sulu naman… hehehe

badoodles: @butterfingers oo ungas talaga ako. sa dami nating 15,000 na empleyado, anhirap alamin kung sino-sino mga naka-rubbing elbows ko. kaya send to all na lang. pati kay miss beth l. na din. effortless. 🙂

23 06 2008
shang

eto
lang
masasabi
kuh…..

CONGRATS……

30 07 2008
ronturon

Naku mukang uumpisahan ko na ring sumali sa trend… magreresign na ko sa work ko at magiging bum muna tapos tsaka hahanap ng bagong trabaho jan naman sa Pinas… hehehe

19 02 2009
idmorps

almost three years p lng ako nagwwork.. pero 4 jobs na.. hehe..

10 04 2009
trick

Mukhang alam ko yung dati mong kumpanya.. starts with letter A, di ba? Haha. Gud luck dyan sa the dark side!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: