In Memoriam

15 06 2008

Tatlong sunod-sunod na gabi na kitang napapanaginipan.  Weird.  Wag mong sabihing nagpaparamdam ka lang dahil Father’s Day na.  Imposible ‘yun,  bertdey mo nga nakakalimutan mo, ‘yung father’s day pa kaya.  Matagal tayong nag-uusap sa panaginip na parang magdamagan.  Tumatagay ako tapos nagkakape ka naman.  Binibiro nga kitang ‘clean living’ ka na ngayon.  Sabi mo papogi points lang, may nakilala kang tsiks dyan sa kabilang buhay. 

 

‘Malaki ba boobs?’, awtomatikong tanong ko sa ‘yo.

‘Estupido’

‘Bakit ka pa naghahanap ng iba, kala ko mahal mo Mommy ko’.

‘Mahal ko naman Mommy mo…’

‘Hindi na nag-asawa si Mommy mula ng mamatay ka’, pangongonsensiya ko.  Hindi ka na sumagot.

‘Uwi na ako’, pinutol mo na ang usapan.

‘San ka uuwi?’, pahabol ko pa pero hindi ka na sumagot.  Lumakad ka nang papalayo hanggang nilamon ka na ng dilim. Sa puntong ‘yon nagigising na ako dala na rin ng ingay ng malakas na ulan sa labas.  Mabigat ang patak ng ulan,  bumubulong ng isang malungkot na nakaraan.  Bakit ba ang ulan may pagka-emo, tuwing pumapatak lagi na lang may dalang malungkot na alaala?

 

Mahirap magkaroon ng tatay na tulad mong siga.  Kelangan kong i-meet ‘yung expectations ng pagiging anak ng isang siga.  Naalala ko noong bata pa ako, tuwing napapadaan ka kasama ang mga alipores mong bandido, kailangang pinapakita ko sa ‘yong binabatuk-batukan ko o kaya inuuntog sa pader ang mga kalaro ko.  Clueless tuloy sila kung anong nagawa nilang malaking kasalanan sa kin.  Kaya tuloy naubusan ako ng kaibigan.  Kung meron man akong natirang tapat na kaibigan, si Kojak na sintu-sinto lang saka si Apeng pilay.  Di kasi nila ako kayang takbuhan.

 

Lumaki din akong tigas ulo.  Hehe.  Hindi mo nga ako mapalo noon.  Alam mo kasing pag pinalo mo ako ng dos por dos, inuunahan na kita ng ‘Sige sumbong kita sa pulis.  Sabihin ko andito ka lang sa bahay nagtatago’.  Takot ka naman.  Hehe.  Kala mo, mas wais yata ako sa ‘yo.  At pag nagpapabunot ka pa ng puting buhok sa akin noon sa halagang piso bawat puting buhok, ngayon aaminin ko na, hindi mo talaga puting buhok ‘yon.  Puting sinulid lang ‘yun na pinutol ko ng maiikli.  Oo, ‘yung buhok mong itim ‘yung binubunot ko kaya ka nagkapoknat sa tagiliran ng ulo.  Walang personalan, trabaho lang. 

 

Di ka marunong magbasa at sumulat.  Numero lang at sugal ang alam mo sa buhay.  Pero salamat na din sa naituro mo sa aking pangungupit at pandudugas sa kapwa, nakatulong talaga ng malaki sa buhay ko.  Hayskul ako ng nawala ka pero natuto akong mabuhay sa tagilid na lupa.  Biruin mo, nakagradweyt pa ako ng kolehiyo na pandudugas at laway lang ang puhunan.  Do I make you proud?

 

Wala ka man lang naipamana sa aking good manners and right conduct.  Kung bakit naman kasi wala kang manners.  Hirap tuloy ako pag kumakain kami sa labas kasama ang mga bosing ko.  Lumalagutok sa ingay ang pakikipag-wrestlingan ko sa mga lobster at red crabs.  Tuloy bihira na nila akong sinasama ngayon.  Okey lang.  Puking ina nila.  Ansarap kayang humigop ng sabaw na may kasamang sound epeks. 

 

Pa, paano pala kung wala ka diyan sa langit?  Pwede bang magpakasamang tao na din ako para magkita pa din tayo?  Kahit gago ka, wala na akong magagawa dun, tatay kita.  Pagbali-baliktarin ko man ang mundo, hindi maikakailang nanggaling ako sa betlog mo kaya  kailangang irespeto kita, alalahanin, at bigyang pugay.

 

Ngapala, wag mong kalimutan, June 18 ang bertdey mo.  Hapi Bertdey na lang sa ‘yo.  Sayang di ka na makakatikim ng umuusok sa lamig na beer at super sarap na sizzling hot fried chicken.  Cheers.

Advertisements

Mga Tugon

Information

38 responses

16 06 2008
aleihs

haey..

kkalungkot..

cgro mgpare na papa ntn sa langit at ngchchiks na dun..

nga pala!! hapi faders day!! =D

yahoo!!!

una aq!!

ahaha..

badoodles: @aleihs salamat. ok ka din magreply para lang tayong txtmate.

16 06 2008
xienahgirl

ops
pinakealaman ang layout
hahaha

happy fathers day kay tataynibadoodles
saka happy birthday na rin
one tie big time

sa tatay ni badoodles
paki sumbong na lang po siya
kay lord
minsan baka kako
di naririnig na nagjoke time siya
tungkol kay papa jesus

hahahaha

happy fathers day din sa iyo badoodles
ikeeee
🙂

badoodles: @xG hindi lang po ako ang nagjo-joke time. minsan din po si xG. pakiparusahan din po siya. damay damay na to.

16 06 2008
ilocano

astig toy article mo lakay. ngem pumustaak nga napasangit ka iti panagsurat mo datoy. kaskasdi pay, happy future father’s day!

badoodles: @ilocano siyak agsangit? alangan. [hehe, ulbud nga talaga]. belated hapi father’s day met kinyam lakay.

16 06 2008
ka silyas

wow ang sabaw… wow ang swit pala, naiyak ako dun ah with matching tulo uhog

badoodles: @kasilyas bakit ikaw naiyak ako hindi. mukang may diperensiya tear duct ko. pwedeng palit muna tayo? isauli ko din next week.

16 06 2008
Lenggai

belated happy fathers’ day ka badz… and i’m sure, masaya na papa mo, wherever he is right now. 😀

badoodles: @lenggai mukha ngang masaya tatay ko kung asang lupalop man siya ngayon. may tsik na pinopormahan eh.

16 06 2008
McRey

Happy father’s day sa tatay mo, sa tatay ko, at sa tatay nating lahat!!!

Ang sa iyo na rin.

badoodles: @mcrey hapi father’s day din sa pari nyo.

16 06 2008
kulot

happy father’s day sa lahat ng tatay

badoodles: @kulot at sa mga nanay na ginagampanan ang responsibilidad bilang tatay.

16 06 2008
dAKILAngKatulong

happy fathers day tataynibadoodles… paluin nyo sa betlog yan si badoodles pra tumino paminsan minsa

san ka pla lumipat ng trabaho, dati preho tayong company e..

badoodles: @dakilangkatulong naka onshore ka ba? parang iba ibang bansa ka pumupunta. dyan lang ako lumipat sa tabi tabi. sa isang microchip industry kasama ang mga robot at mga taong robot.

16 06 2008
MARU

magiging daddylicious ka na rin lang sa mga susunod na buwan… babatiin pa rin kita ngayon….happy father’s day!

badoodles: @mareKo sige batiin mo ako. batiiii!!!! salamat maru. hapi father’s day din sau.

16 06 2008
beero

“si Kojak na sintu-sinto lang saka si Apeng pilay.” – haha. astig mga kabarkada mo kuya bosing. kaya pala matalino ka eh. LOL.

Happy father’s day sa erpat mo. proud na proud yun sayo dahil lumaki kang isang “mabuting” tao. hapi father’s day na rin sayo. few months from now, daddy ka na rin! cheers! hehe

badoodles: @beero no choice sina kojak at apeng pilay. hindi nila ako kayang takbuhan, madali ko lang silang naabutan. oo, tingin ko nga, lumaki akong isang maboteng tao.

16 06 2008
brokenman

happy father’s day dude. God bless!

happy father’s day at happy bday na rin sa tatay mo! 🙂

badoodles: @brokenman hapi father’s day din sau dude.

16 06 2008
kengkay

am sure nag enjoy si tatay mo sa pagbasa nito. advance happy birthday sa tatay mo.

badoodles: @kengkay no read no rayt ang tatay ko.

16 06 2008
byter

para akong krungecks ng mabasa ko tong blog mo, naiiyak na natatawa ako. beacuse i miss my father too, 6 ft below the ground na rin kasi si faderaka ko. pero one thing lang sigurado ko, nasa heaven talaga si faderaka kasi mabait talaga ang may-ari ng sperm na gumawa sa akin.

Hapi father’s day sau papi badoodles, at hapi father’s day sa tatay ko. Mabuhay ang mga mababait na tatay sa boung world wide world.

badoodles: @byter pano mo nalaman nasa langit tatay mo? pano kung hindi talga siya mabait? siya ang pinakapinuno ng mafia at budol-budol gang? maraming paano. hehe. joke lang. ginugulo lang kita para naman may kasama akong clueless kung asang lupalop na ang tatay nila.

16 06 2008
Maylette

Happy Father’s day sa’yo at goodluck sa new Job.
Parang I know na kung saan ka. Ganyang-ganyan ang perks ng kasama ko sa bahay. Pero sa QA sya. Hehe. God bless. 🙂

badoodles: @maylette malamang. iisa lang ang ganung kumpanya. sandamakmak na perks tapos kakarampot ang sweldo.

16 06 2008
dimaks

belated happy fathers day! di ko alam kung matatawa ako o malulungkot hehe.

badoodles: @dimaks naunahan kasi ako ng senti kaya parang anhirap tumawa. next time baliktarin natin pre.

17 06 2008
gabo^(di-blager)

Pag napaniginipan mo ulet erpats mo pre pakitanong nman kung may kakilala sya na Casto.. Tatay ko un tepok na rin e.. Btw, Happy Fathers Day.

badoodles: @gabo oo nakainuman daw ng erpats ko ang erpats mo nung nasa limbo pa lang sila. nag-agawan pa nga sila ng kateybol na tsiks. tsk tsk.

17 06 2008
MisyeL

belated happy father’s day po! kapag nagkita kayo ulit ng tatay mo sa dreams pakibati na lang ako ng happy birthday sa kanya. 🙂

badoodles: @misyel sige. pero sana wag na nya akong bisitahin sa panaginip, nagiging emo ako. sana magpakita na lang siya bilang mumo.

17 06 2008
Ulan

Lungkot naman ako…wala na rin ang dad ko e. Siguro in a way, parehas tayo kasi hindi na nya naabutan nung pumasa ako sa bar. Sayang nga e, hindi na rin nya naabutan na kahit papaano, may narating na ako, maayos family life ko. Lungkot talaga ako…as in!

badoodles: @ulan yan din ung mga ‘sana’ ko noon. nakakarelate ako sayo. ako nawalan na ng interes magpatuloy sa pag-aabugado kasi wala na si Papa na i-dedepensa sa korte.

17 06 2008
jhayneelou

magiging magaling kang tatay..

tulad mo, kahit papano ay pipilitin din ng anak mo na maging proud ka sa kanya.. at dahil isa kang pasaway na tao, susubukin niya ring maging kasing kulit mo para ma live up ang expectations ng mga tao at lalong lalo na ang sa’yo..

wag ka lang sanang mawala pag high school na siya.. hehehe..

GOD SPEED sa mga tatay..

badoodles: @jhaynelou ano ang tagalog ng god speed? kaskaserong panginoon? sige makiki-kaskaserong panginoon na din ako para sa lahat ng mga etits na tamad magsuot ng kondom.

17 06 2008
antuken

haay. baket ko ba binasa tong post na to? na-miss ko tuloy tatay ko. magkasalungat ang tatay natin. ang dad ko epitome of coolness. hehe.
i went home last sunday kse nga father’s day. kaya lang, wala rin. mahirap talaga pag nadapuan ka ng sakit na kasumpa-sumpa. sabagay, sabi nga nila, he doesn’t really know na something’s wrong with him.
at kahit di ka pa talaga ganap na tatay, slight lang, happy father’s day! i’m sure you’ll be one hell of a sooper cool dad. ay, strict ka nga pala, binabawi ko na. hehe.

badoodles: @antuken oo, kahit pa kasing ugali ni homer simpson ang tatay ko, ewan ko, parang may bumubulong sa likod ko na ‘sana’ andito pa din siya. hindi ko man lang napakilala sa kanya si bebeKo. di man lang nya nakita kung paano ako nagpursige at nakatapos. di ko man lang siya naturuang magblog

17 06 2008
mang tomas

parang badoodles pa-advertise naman ng blog ko kagagawa ko lang nyan kanina… pero may kasalanan ako sayo kasi wala nako makuhang magandang themes sa wordpress ginaya ko na lang yung sayo… ang kaibahan nga lang e yung header at yun lang… pero dont worry bumawi naman ako kasi nilagay ko yung link mo…

natapos ko ng basahin lahat ng post mo mula may 2002 hangang ngayon… tagal mo kasi mag post e kaya gumana nako ng sakin… hahahhahah..

sa mga nag-babasa ng blog ni badoodles pa check naman yung site ko at laitin nyo rin para naman mag-improve… heheheh salamat try ko lang kung may tinatago akong talento sa pag-susulat… or ititigil ko na lang hahaah!!!

http://talambuhay.wordpress.com/ >>>> check mo pleaseeeeeee

ako din si dadkumag at si dakilangkatulong pero ngayon ako na si mang badoy ang pinsan ni mang tomas

18 06 2008
zealard

Hayyysss….. Gusto ko sanang umiyak kaso natatawa rin ako sa ibang banat mo eh… Halos parehas tau ng na may madilim na pinagdaanan sa Dad, kaso di ganun kawalang manners ang Papa ko, naturuan naman ako ng “left and right” at “right and wrong”… Wala na rin sya… Namiss ko tuloy si Papa…

badoodles: @zealard ewan ko emotik ata ako ngayon. ganun siguro nangyayari pag hindi naliligo araw-araw.

18 06 2008
koreanmine

satirical pero super kaka tats pa din. . . im sure magiging mabuti kang tatay ng iyong magiging inakay .. hapi paders day !

badoodles: @koreanmine talagang may super ka pa. sige, super hapi father’s day din sa tatay mo. pati na din kay super man.

18 06 2008
mang badoy

badoodles… happy fathers day!!!

guys check out my site din nag-ba blog na din ako wala kasi magawa sa opis e tapos tagal pa magpost ng ibang blogger kaya gumawa na rin ako hahahah!!!

badoodles: @mang badoy anong nangyari at lumipat ka na sa wordpress? hehe. welkam dito sa wordpress community.

18 06 2008
popoy

hapi fathers day kuya badoods. 🙂 belated masyado nang late 🙂

badoodles: @popoy hekshuli sobrang advanced. next year pa un.

18 06 2008
tita

naiyak ako. grabe.kalungkot.

badoodles: @tita nagsesenti ka pa lang. ako patapos na. mabilis talaga ako. in my father’s sperm bank, i must be the quickest.

19 06 2008
popoymura

Clap! clap! clap! wala kong masabi. Astig!

badoodles: @popoymura. meron ka namang nasabi. ayan sa taas, sabi mo astig. pinagluluko mo ako ah. hehe. welkam, bagong recruit dito sa kwentong barbero.

19 06 2008
linglingbells

kaya naman pala malakas ka kay lord, may backer ka dun sa taas.. 😀

badoodles: @linglingbells sana nga nasa langit siya. kung hindi mas gusto ko pang sa impyerno na din ako

19 06 2008
paula

hindi kita kilala… pero natutuwa ako sa blog mo (malalim, nakakatawa)… nahanap ko ‘to kasi sinend mo ata sa lahat ung goodbye letter mo, hehe… parang yoko na mag trabaho, basahin ko nlng ung mga kwento mo…

19 06 2008
Marman

Husay talaga ng abilidad mong paghaluin ang profundity at saka astig humour. Bagsik pala ng istorya ng buhay mo, galing mong mag dala pare ko… bilib.

19 06 2008
popoymura

ahahahaha…may nasabi nga ko…sori namn….lam mu pangarap ko ding mapunta ng impiyerno kasu walang challenge…ang daling magpaka-sama. mas may challenge gumawa ng mabuti ka si mahirap para sa ipinanganak na gago ang ganun….nyahahaha…at hindi ko pala kayang mabuhay ng mainit….hindi ako makatulog….nyahahaha

20 06 2008
Kotsengkuba

na-block ng hinayupak na great firewall of china ang blog ko. ang dami ko pa naman gustong ipagmayabang.

nga pala pareng badoods, di muna ulit kita babatiin ng happy fathers day, pag official nalang ulit. remember, ganito rin nung hindi ka pa official na kasal. haha

cheers!

badoodles: @kotsengkuba langya naman pre. lagi na lang akong salingpusa. sige na nga, makapaghintay na lang para official miyembro nako ng daddy bloggers. hehe.

20 06 2008
ayyzzz

nakkiusyoso lang po
kuya badoods!

hahaha:D

maligayang ama!
este maligayang araw ng mga ama :D!

badoodles: @ayyzzzzz usisera. haha! biro lang. salamat sa pagbati. belated pader’s day sa dadi mo.

21 06 2008
Palito

Weird. Mejo napa-emo ako sa post na ito, close to tears. No kidding. Hindi porket naulan ngayon (or bagyo daw sabi ng pag-asa). Maybe, I’m missing my father too.

badoodles: @palitoking talagang mami-miss mo un, lakwatsa ka ng lakwatsa. sige, regards mo na lang ako sa mga tsikas ko jan sa bora [ambisyosong badoodles]

22 06 2008
FerBert

nakakiyak kahit medyo kumocomedy ka na eh nakakaiyak pa rin.. tsktsktsk.. kasalanan to ng ulan eh..

you’ll be a good dad badoodles.. ramdam ko naman na mabuti ka ng nilalang.. lagi ka ngang binibida ni xienah eh.. 😛

badoodles: @fb dinadaan na lang sa patawa baka mamya tumulo luha ko sa left cheek [dramatic actor epeks] at magpabitin bitin sipon ko sa nostrils sira ang karespe-respetong imahe ko. hehe

hehe. di ako mabait. kung meron mang ganun, un ung taong mapagbigay ng domain name. kelangan pa ba ng clue? haha.

30 06 2008
stiphen

pareng badoodles..
kabertday ko pa pala erpats mo..
haha akalain mo yun…
anyways..
may emo side ka din pala..

badoodles: @stiphen belated hapi bertdey sau. oo nagiging emo ako kapag nasosobrahan ng kain ng bagoong at mangga.

14 07 2008
Anju

Muntik na akong maiyak. Kala ko tuloy koreanovela kaso merong “Galing sa betlog mo” akong nabasa, biglang nagrewind ung luha at uhog ko, bigla akong natawa. Haha. Hay, ang tao nga naman, lalong nagiging astig pag naging emo, next time iwas ka sa mangga.

15 11 2008
don pulubi

ngayon ko lang nabasa yang blogs mo.. natutuwa naman ako.. base dun sa sinulat mo malamang sa malamang papa’s boy ka din.. tulad ko kayalang di ako lalaki.. hehe.. papa’s girl ako.. kahit ganun ang tatay mo mahal na mahal mo ano? ganun din ako.. tulad ng paguntog mo sa kalaro mo ganun din ako magpasikat sa tatay ko. hehe.. sana mabisita mo rin yung bago kong blog.. malamang magkasundo tayo 😛

badoodles: @don pulubi sige post mo lang dito yung blog mo para mabisita naman.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: