War of the Roaches

22 06 2008

Hindi ka ba nababanas sa mga ipis dito sa siyudad? Anlalakas ng attitude problem, sobrang aangas. Malayong malayo sa mga ipis sa probinsiya na mahiyain, konserbatibo, at marunong magtago pag may nakikitang tao. Dito dumating ka na’t lahat sa bahay, dedma pa din. Tuloy tuloy lang sila sa kung anong pinagkakaabalahan nilang gawin. Para tuloy ako ang nakikitira, nakikisama at sila ang nagbabayad ng buwanang renta sa bahay. ‘Eksyusmi, parang ako yata nagbabayad ng renta dito’.

May kakaibang ugali ang mga ipis sa tinitirhan namin ngayon. Mahilig makinood ng tv. Sabi sa Google, ganun lang daw talaga, attracted ang mga ipis sa screen ng tv. Imposibleng ganun lang ‘yun. Kulang na nga lang ipalipat sakin ‘yung channel. ‘Krrt… krrtt… Badoodles, madaling araw na, palipat nga sa channel 100, ‘yung may bold’.

Pano ba gigiyerahin ang lahi ng mga ipis? Waepeks na kasi ang paggamit ko ng Baygon spray. Binabalewala lang ng mga ipis ang spray kaya tinigilan ko na din. Pag nag-iispray ako, para lang silang mga adik na tumatakbo paikot-ikot ng kabahayan pero di naman namamatay. Immune na yata. Mamya makikita mo pang nag-oorgy sa harapan mo na parang nasa taunang Woodstock concert sa Amerika. Taenang mga totnakerong sanamabits. Tinigilan ko na ang pagbili ng Baygon. Ano sila sinusuwerte? Ako tagabili ng pampa-high nila. Kung gusto nilang magpakaadik, bumili sila ng sarili nilang Baygon spray.

Ano ba talagang silbi ng mga ipis? Bakit ba sila ginawa ng Diyos? Alam naman ng Diyos na ‘bad’ sila at wala silang ibang pupuntahan pag namatay kundi sa impiyerno lang.

Si BebeKo naman kinagat din ng ipis sa paa. Sa buong magdamag, tatlong beses yatang binalik-balikan ang kanyang inosenteng paa. Inunahan pa nila akong dila-dilaan ang paa ng BebeKo, mga hayup na perverts. Dahil ayaw naman magkulambo ni BebeKo, sinusuotan ko na lang si BebeKo ng medyas kahit pa labag sa kanyang kalooban. Konting bola lang na astig pamatay ipis ang medyas, sabi sa medyas commercial ni Manny Pacquiao –anti-bacterial ‘yun – mabisang pang-knockout sa pasaway ni ipis.

Nung isang araw, nakagat ng ipis ang daliri sa paa ko. Sobrang kati di ko mapigilang ikaskas sa pader. Buti na lang pala hindi ako sa etits kinagat. Isipin mo na lang itsura ko habang kinikiskis ang sarili sa kahabaan ng pader sa EDSA. Kung may instant headliner sa TV Patrol at Bente Kwatro Oras, alam niyo na kung sinong tatawanan niyo.

Kahit diyahe mang ipa-check up ang pangangati ng paa ko, pinacheckup ko na din kay doktor kuwan. Nakalimutan ko ang pangalan ni doc, basta katunog ng bayag ang apelyido niya. Pero kung inaakala kong tatawanin ako ni doc dahil sa pagpapachekup ko ng kagat ipis, nagkamali ako.

‘Nung isang linggo nagpachekup sakin dito si US Ambassador Kristie Kenney. Nakagat ng insekto ang mata.’, expressionless na sagot ni Doc Bayag.

Naisip ko, mukhang nagkaroon ng masinsinang annual conference ang mga insekto at gustong puntiryahin ang mga high profile na mga tao. Kaya babala na din ito, konting ingat na lang sa inyo, mga katulad kong magagaling, matatalino at artistahin. Tayo ngayon ang target ng mga insekto. Di ko alam kung bakit, ‘wag nyo saking itanong. Baka trip-trip lang nila, pauso ba. Nagbigay na din ng prescription si doc na Chlorpheniramine para kay BebeKo, safe na antihistamine para sa buntis.

Kagabi ang oras ng paghihiganti. Magdamag kong inabangan ang ipis na salarin. Habang naghihintay, inumpisahan kong basahin ang Art of War ni Sun Tzu. Tinandaan ko ang sinabi ni Sun Tzu na ‘Speed is the essence of war’. Alas dose na pero di pa dumadating ang manyakis na ipis. Bumibigat na mata ko pero mukhang iisnabin ng ipis ang duwelong pinaghandaan ko. Madaling araw nang maalimpungatan ako. Isang maitim na bagay ang dahan dahang umaakyat sa aming higaan malapit sa paanan ni BebeKo. Ilang hakbang pa, mayabang na nitong inaangkin at minamarkahan ang teritoryong dapat ay sa akin. Kailangan kong ipaglaban ang aking karapatan. Ito ang nasasabi sa batas. Ang karapatan ay isang bagay na hindi binibigay sa iyong harapan, kailangan mo itong angkinin at ipaglaban kahit pa sa marahas na paraan. Itinaas ko ang aking hawak na Spartan tsinelas. At sa isang iglap, isang malakas na hataw ang tumapos sa walang kakwenta-kwentang buhay ng ipis. Patay ang ipis. Ito ang bihirang pagkakataong masasabi kong may katarungan pa rin sa mundo.

Advertisements

Mga Tugon

Information

68 responses

22 06 2008
tough-happy girl

Yahoo!!! first time ko mag-comment tapos una din ako..hehe..
About the topic, inis din ako sa mga ipis,actually problem din namin yan dito sa condo unit namin, kahit ilang beses na kami nag-anti-ipis-general-cleaning wala pa din effect,ilang araw lang meron na naman. Pero yung mga ipis dito,maliliit lang nman (im here sa Malaysia) compared dyan satin, pero just the same ipis pa din..hehe..Kapag alam mo na ang solution kung pano sila mawala,gawan mo din ng blog ha? Habang hindi pa naman nila kami nakakagat..
Off topic, idol ka namin dito badoodles, makilala kaya ako ng officemates ko? Kapag may bago kang post, may bago din kaming topic na pinag-uusapan eh..in short pinagtsitsismisan ka namin lagi..hehe..and same company din tayo before,bago ako pumunta dito.. gawa ka pa ng madaming blogs! Dami ka napapasaya dito.. =)

badoodles: @tough happy girl huwaw. walandiyo. hanggang malaysia abot pala ako. international na pala ang popularidad ko. pop-yu-lari-ti.. po-pu-la-ri-lad. buyoy. sige, kasikatan na lang. salamat ng marami.

magka-kumpanya pala tau. sayang di tau nagkakilala. nagkaroon ka sana ng kaibigang maingay, buyoy at palahingi ng merienda. haha. salamat marami at pinagtsitsismisan nyo ako. tuwang tuwa ako. alam nyo naman adik na adik ako sa pansin. kung minsan naman sa drugs. [biogesic lang, hehe].

ingats kau jan. sweet kises. pramis babae ka ha?

22 06 2008
R.J.

doktor bayag! hanep sa screen name ah! hahahaha!

badoodles: @rj oo pinakamadaldal na bayag sa balat ng lupa. andami kong natutunan sa henyong doc bayag na un. wala nga lang expression sa mukha, para akong may kausap na cardboard box

22 06 2008
Probinsyano ipis are more conservative than their city counterparts…:

[…] KwentongBarbero has some poignant reflections about the Pinoy cockroach… (photo by wondrous22) Categories: UncategorizedTags: Related PostsNo related posts […]

23 06 2008
borborygmi

ayoko din ng ipis. sa bahay namen, pg nakikita ko sila,, ako ang umaalis. nakakahiya naman kasi di ba.. mamaya lumipad sila..edi magugulantang pancreas ko nun.

badoodles: @borborygmi kakaiba ang pangalan mo, pang outsayd world. sigurado kang may pancreas ka ha? hehe. biro lang, e, eiaestinos. di mo naman ako pinapahirapang bigkasin yan ano? kung ganyan din lang ang usapan, sige magpapalit na din ako ng pangalan – kupalschivokayski. [bakit ba ang kulit ko ngayon hindi naman bilog ang buwan?]

23 06 2008
Lenggai

naku, buti na lang nagsulat ka ng warning… (napalinga sa paligid)

bwahah!

badoodles: @lenggai isa ka pa. dapat sau kontodo ingat mareng lenggai. 😉

23 06 2008
ponchong

mas malupit na ganti..pwede din kayang gawin silang sitsaron at isawsaw sa sukang maalat.

siga talaga mga ipis sa lunsod, ano? tao pa ang tao sa kanila. kapalgums talaga.

astig a!

badoodles: @ponchong yak ka yak. hehe.

23 06 2008
wei vines

haha! meron mabisang pamatay ng ipis..magbabayad ka nga lang… (anti-anay kasama na yung ipis) 😆
at syempre pa.. yung mga ipis dito sa maynila yung pinakabusog sa lahat 😆

badoodles: @wei vines. tingin ko mas mahal pang magpa-anti anay kaysa sa buong presyo ng bahay na tinitirhan namin.

23 06 2008
FerBert

nakagat ako ng ipis noong grade one ako sa kamay.. ilang araw din itong namaga.. hinugasan ko sya ng suka kase yung ang sabe ng mga matatanda sa probinsya namin sa ilocos.. ayun.. lalo lang syang namaga..

ka age daw ng mga dinasaur yang ipis na yan.. malamang extinct na ang mga tao pero sila napapaparty pa rin.. parang sa pelikulang joe’s apartment.. tsktsktsk

badoodles: @ferbert kaya pala ung isang ipis, palaging nakatingin sa cd music collections ko, minamanmanan. sabi siguro, ‘balang araw akong magmamana sa mga disco music mo’.

23 06 2008
xienahgirl

wala akong kinatatakutan
ipis lang na lumilipad
hahaha

traydor kasi yun e
kala mo di sa iyo dadapo
ang layo pa ng lipad
yun pala sa iyo lalapag

kupal yan
mapaglaro
ahahaha

badoodles: @xg ipis ba talaga ung dinidescribe mo o si kwan [tsismoso mode]. hehe. tingin ko, si kwan nga.

23 06 2008
Maldito

paki bantay nalang din ng ipis dito sa amin bossing..mukhang mabisa kang pamatay ng ipis..ahahhaa..

na try ko na ding makagat ako ng isang ipis…ang kati yan talaga,..ampottah…

at isa pa….kung darating ang panahon mamatay ang lahat ng living things sa earth..sila daw ang mahuhuling mamatay…kahit wala pang ulo..

o di ba?social nila.

badoodles: @maldito narinig ko nga kaya daw nilang mabuhay kahit walang ulo. san kaya sila humihinga? siguro sa kili-kili. sana ganun din ang mga tao. pwedeng huminga sa kili-kili

23 06 2008
MARU

buti nga umepek ang spartan mo. pagkakaalam ko namimili na rin ang mga ipis ngayon ng tsinelas este flip-flops. HAVAIANAS na dapat panghampas sa kanila. ang shushal!

badoodles: @mareKo kaya pala nung napisak narinig ko ung munting boses ng naghihingalong ipis, sabi sakin ‘yak spartan’. hanggang sa huli, nilait pa din ako. sa larangan ng kantyawan, dun nya ako talo.

23 06 2008
Palito

Tinanggal ko lahat ng kurtina sa bahay at kung anu-ano pang dapat nilang pagtaguan, tinago ko mga damit ko at mga libro at kung anu-ano pa sa plastic containers – ayon konti na lang ipis sa apartment ko. Grabe, nacuculture shock ako sa mga ipis dito sa Manila. Di sila namamatay sa unang tapak at unang spray ng baygon, ako pa ang nagpapalpitate kapag nag-i-spray ako. Packingsheathe. Nacoconfuse talaga ako…parang para sa akin ang baygon…ako na ata ang peste. Packingsheathe.

badoodles: @palitoking hahaha! natawa ako dun ah. anlakas pa naman ng amoy ng Baygon, di ako makapag-spray dahil buntis si BebeKo baka masama. Saka wala na din akong pambili. Kaya balik sa old time favorite na Spartan tsinelas pamatay ipis.

23 06 2008
mang badoy

twing uulan daw or tag-ulan madalas silang lumalabas siguro para silang langgam nag-iipon ng mga pagkain pero sa ngala-ngala sila nag iimbak ng food.

try mo kayang mag bomba ng baygon sa buong bahay nyo… malamang pag ginawa mo yan mag takbuhan ang ipis sa kapitbahay nyo atleast CYA (cober your ass) lang..ahihihi!

badoodles: @mang badoy iniisip ko ngang ibenta na lang ung bahay. tapos lipat na lang kami sa magarang apartment. kaso iniisip ko baka magalit ung landlady namin hantingin ako. haha!

23 06 2008
alphasensei

ikakamatay ko pag mga daga na ang naglipana!

yucky ang mga ipis pero steady lang. wala lang kaming pakialaman. deadma ko sila. deadma ren nila ako. mwehehehe.

badoodles: @alpha isa pa yang mga dagang yan. sa bahay ng katropa ko nakakita ako ng dagang kasinlaki ng bata. hayuf. at kung maglakad kala mo sa kanya ang mundo. mula nun, di na ako pumupunta sa bahay ng katropa ko. nakakalalaki ung daga nila.

23 06 2008
beero

nakow, peste talaga mga pesteng yan! ayan, redundant na masyado. hehe. asar talaga mga ipis na yan kuya bosing. gawin bang paliparan ang kwarto ko. minsan sabay-sabay pa sila! haha

“Kaya babala na din ito, konting ingat na lang sa inyo, mga katulad kong magagaling, matatalino at artistahin.” – tenks sa paalala. hehe

badoodles: @beero oo beware. be very aware.

23 06 2008
ayyzzz

“magagaling, matatalino at artistahin”

nakupow! ako ata yon a,syet.

baka ako din, mapagtripan ng mga

ipis na yan.

tsktsktsk!

kakatakot.

badoodles: @ayyzzz ayon sa intelligence report na natanggap ko, hekshuli asa tabi tabi na sila ng bahay nyo ngayon, nagmamanman. hehe. w

23 06 2008
annenoneymous

yung hausmate ko, yan ang fear nya… as in… natataranta siya pag may ipis… at teyk nowt, ayaw nyang makita na pinalo mo yung ipis then lalabas yung whatever nya as in ewww sa kanya yun sobra… so pag may ipis sa apt gusto nya ihagis na lang namin palabas yun… huwaw, maka-ipis talaga… :p

badoodles: @annenoneymous sobrang bait naman. next taym sa kanya nyo naman ihagis para masaya.

23 06 2008
maylette

Sa unit din namin napakaraming ipis. Tapos grabe pa sila magreproduce. Ang daming baby na super bibibilis. Lahat yata ng uri ng ipis andun sa min. Baklang ipis,babae,lalake,tomboy,Filipin-chinese na ipis,german.. Lahat na. Wala nga ring effect ung Baygon sa min kaya yung housemate ko nagresearch ng matindi. Bayer gel ung ginamit namin. At infairness, malaking pagbabago sa dami ng ipis. hehe.. Mas effective un. Kaya lang paggising mo sa umaga makakakita ka ng ipis na parang nagkaroon ng epidemya sa dami ng namatay. 🙂

badoodles: @maylette wow. united nations headquarters pala yang sa inyo ng mga ipis. meron bang Afrikanong ipis jan? kailangan ko ng mga slaves akin na lang.

23 06 2008
jhayneelou

nakow!! buti na lang at nasa probinsya ako.. hehehe..

oo nga’t mejo conservative din ang mga ipis dito..

kaso ang mga daga sa bahay namin, to the max din ang comfort.. naghahabulan pa ang mga putangina nila..

immune na rin sa racumin..

god bless na lang sa atin

badoodles: @jhayneelou libog season ng mga daga ngayon kaya naghaharutan. iniinggit ka. ipakita mong mas inlab ka sa mga yan pag di sila mainsecure at lumipat ng bahay. hehe

23 06 2008
Marman

Sabi daw ng mga scientist eh, pag nagkaroon ng nuclear holocaust eh isa mga magsu-survive na organismo eh ipis. Baka nabalitaan nila yon kaya mga astig na sila ngayon.

badoodles: @marman perpekto ang built ng mga ipis dahil sa kanilang exoskeleton, pananggalang sa radiation, init at paiba-ibang temperature change. tignan mo? anlalakas talaga nila sa Diyos. kung di lang sila mukang alien baka gusto ko na ding maging ipis.

salamat sa pagbanggit sa site ko dun sa pinoy hoy mo. magco-comment sana ako ng pasasalamat kaso parang may naririnig akong nagho-hoy sakin. saka baka hatawin moko ng golf club pag di tama ang inglis ko. hehe. salamat.

23 06 2008
hun

oo letcheng mga ipis yan! bwiset!
tinatry ko na macontact yun tao na may account sa sulit.com
nagbebenta sya ng ipis as pets, aba yun mga ipis sa amin pwede nya kunin libre pa! : )
nabalitaan mo na ba yun?
eto link..

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/429848/exotic+pets+for+sale?next=41#paging
hehehe

badoodles: @hun hahaha! putek! sumakit tyan ko sa katatawa sa link na binigay mo. recommended reading para sa nababata. totoo ba un? tingin ko nang-gu-gudtaym lang un, pangalan palang pilyobolero. bibili sana ako ng ipis na pwedeng tagalinis sa bahay kaso di ko na makontak ung nagbebenta ng ipis na un. hehe

RECOMMENDED READING ‘TONG BINIGAY NA LINK NI HUN. TRY NYO. PARA DI LANG KAMI ANG ROFL.

23 06 2008
ellieshe

nyay..takot aku sa ipis..kse minsan nglanding yan sa ulo ku pababa sa leeg..nakakapangilabot! manyak sila..manyaaaaak! nyaaah

dapat talaga maubos na sila..hehe

badoodles: @ellieshe dahil isa kang celebrity. un lang ang simpleng explanation dun. mag ingat din sa mga paparazzi na ipis. baka kinukunan ka na ng picture sa banyo. bad mga un.

congrats sa pagiging bagong residente ng kwentong barbero. 😉

23 06 2008
Aling Baby

hahahahah! pinagpuyatan talaga! 😀

ang mga roaches dito sa uae kakaiba, maliliit lang sila at hindi lumalaki kapareho ng sa Pinas. ang nakakainis dito ay langaw na mga walang HIYA! buti pa yung langaw sa Pinas, matatakutin. dito ang mga langaw, mga lokal ang dating nagmamayabang talaga aahahaha!!

23 06 2008
coldman

naalala ko tuloy yung Joe’s Apartment, kasi yung mga ipis din kumakanta at sumasayaw! Astig!

Pero sabi naman ni Kuya Kim, kailangan daw ang ipis para mabalanse ang nature. (sa kanya na lang yun!) lol!

23 06 2008
randomdemeanor

naks!!! parang totoong war game ah!!!! hahahahah!!! syempre, ikaw ang bida…(penge piso!!)..heheehe

23 06 2008
bebenibadoodles

Kahit mukha akong retarded sa piktyur na yan pinagpilitan mo pa rin talaga i post… at salamat ha kasi kung kelan ipis ang topic saka mo naisipan ilagay ang piktyur ko. Grabe, mahal mo nga talaga ako.

Outside the house ka na talaga mamayang gabi… matulog ka sa terrace!

23 06 2008
gugmagiatay

grabe naman talaga ang ipis. ang bebe ko nga kinagat ang puwit. mga walang hiya talga yan sila! mga peste!

23 06 2008
duskfading

Bad trip tlga ang ipis. Lalo ung lumilipad!!! ^$^*(@@!!!!

Walang silbe sa mundong ibabaw!

Share ko lang po. Blattaphobia – fear of ipis 🙂

Dumaan lang po ako sa blog nyo 🙂 Funny post…

24 06 2008
eLLesiRk

haha hanep na mga ipis yan… nangaagaw na din ng may-asawa.
sana mga ipis nalang ung namamatay kesa sa mga honey bees na malaki ung role na ginagampanan sa humanity. Ilang libong mga bubuyog na daw ung namamatay at patuloy pa din habang tumatagal. Sana mga ipis nalang!!! nakakadiri silaaaa

**first time mag comment… pero ilang weeks na den akong pabalikbalik sa site mo ka-badoodles 😀 more power

24 06 2008
jepoy

maglinis ka kc ng kwarto nyo hehehe

24 06 2008
gasti

per naalala ako may kilala akong doc Tayag baka sya yung tinutukoy mong sounds like bayag..hehe! badtrip talaga yang mga ipis na yan naghahari-harian pa at tama ka walang takot..wala na ring hiya. angbilis pa magpadami kaya parang hindi nauubos. pinapayaman lang ng mga ipis na yan ang Baygon eh..hula ko sila rin ang nag imbento ng ipis.

badoodles: @gasti baka siya nga si doc bayag. tingin ko nga spybots ang mga ipis. meron ung isa panay ang kindat sakin, siguro kinukunan nako ng piktyur. kita pa naman ung nipple ko. badtrip.

24 06 2008
pinoyonlinenovels

ayoko rin ng ipis. ewan ko ba kung bakit ginawa pa ng Diyos ang mga hinayupak na ipis na iyan. sabi naman ng prof ko na isang activist, mahalaga daw ang ipis sa ating ecosystem. ang kontra ko naman, marami namang ibang insekto na maaaring pumalit sa mga trabaho ng ipis- tulad ng alupihan. Demmet! so far, walang ipis sa bahay namin dahil mayroo kaming “hightech gadget” na isinasaksak sa saksakan at tapos maglalabas ng orange citrus na amoy, na isang lason naman para sa mga pesteng ipis na iyan. doon sa mga naka-condo, I don’t know bakit iniipis pa rin kayo. baka siguro mukhang sabit ang hygiene ninyo.

badoodles: @juan carlos sabit ang hygiene ng mga naka condo? gulo to gulo. sige ako referee. NGAPALA, SABI NI JUAN CARLOS UNG MGA TAGA CONDO DAW SABIT ANG HYGIENE. sige na mag-away kayo matagal pa ung laban ni pacquiao atat nako makakita ng duguan. haha

24 06 2008
Ah'Kong

pareho tayo ng problema, dito rin sa Saudi grabe ang ipis. Maliit lang sya pero super kulit. Minsan natutulog ako biglang may pumasok sa tenga ko, badtrip.

Pag nagpa-spray naman, wa epek din, tinatawanan lang yung nagii-spray. Binabasahan lang ng dyayro…sabay tawa.

Pero may isang mabisang panlaban, gatas…. nasubukan ko na. Lagay ka ng gatas sa isang open na lalagyan. Konting gatas lang na may tubig, lagay mo sa isang sulok, magpupuntahan dun yon. Tapos magparty sila dun, sa sobrang saya nila, malulunod sila. Yun nga lang masama ang amoy pag tumagal kaya tingnan mo lang kung marami na.

badoodles: @ahkong nice suggestion. masubukan nga. kahit anong gatas? baka mamya gatas na pang mayaman mamulubi muna ako bago mamatay ang mga hayupaks na ipis.

24 06 2008
Kotsengkuba

Hello Friendster!

I have liberated myself from online slavery. Mwahahaha, wala palang sinabi yang si Great Firewall of China. Heto ako at malayang nakakapamayagpag sa blogosphere. Bakit di ko naisip to dati, kung kelang pauwi na ko.

Dito sa bahay ang kalaban ko naman e mga lamok na mataas ang lipad, abot ng fifth floor. Ang panlaban ko e agimat ng Ilog Maria pero ako ang naha-high. Kahit walang lamok nagpapahid ako dahil nakakamiss ang amoy. hehehe

badoodles: @nac oo nabasa ko nga yang high flying lamok na yan sa post mo. sabi dun sa intelligence report na nakalap ko, spybots un ng chinese government minamanmanan ang bawat kilos mo. pinagsususpetsahan nilang inuubos mo ang stock ng hopia sa buong tsina. doble ingats pre.

24 06 2008
ulan

Men, yuck ang ipis! Damang-dama ko yung kwento mo. Di ko nga alam kung ano silbi nyan sa food chain e. Yuck talaga!

badoodles: @ulan tama ka dyan. tumpak. they are waste creations.

24 06 2008
watusiboy

hindi ko namukhaan si bebemo sa pic na yan. ayos, parang nakasabit lang sa kisame ang kumuha. hehe.
may nabasa ako na may art daw ang pagpatay sa mga ipis. hindi masyadong malakas para lumabas yung mala-icing na lamang loob nila at hindi naman masyadong mahina para makarekober sila

badoodles: @watusiboy oo binitin ako ni bebeKo sa kisame. kung minsan siya naman ang binibitin ko.

ganun? gusto ko ngang tadtarin ng bala ang mga ipis kaso sabi mo nga, overkill un. baka magprotesta ang mga taga PETA

24 06 2008
jenjereren

naku. sana wag mo maexperience ang magising dahil nakadampi ang ipis sa iyong pisngi. Mismo. Stressful di ba?

badoodles: @jenjereren pag binabasa ko pangalan mo parang sound epeks ng nagmamadaling kinakasal. pwede bang jen-jen-jeren na lang. hehe.

hindi pa ganun karomantic ang mga ipis sa amin. hanggang paa lang muna sila. hindi natin alam in the future.

24 06 2008
sugarushafterglow

in fairness, ang sweet mo naman at talagang ikaw pa ang nagsuot ng socks sa bebe mo.

ah, maiba tayo kuya… since ilocano ka (i think), maaari nyo po bang itranslate to para sakin? “…baka selos mo lang ata ta agayat ka kanyana.” ok yun lang po. salamat. pasensya na at ginawa pa kitang translator. =)

badoodles: @sugarush oo ganyan ako magmahal, tini-treat ko siyang parang imbalido.

ilocano translation: ang sabi, baka selos mo ata yan kasi may pagtingin ka sa kanya. un un. uyyy, romance is in the air.

25 06 2008
xienahgirl

homaygad
ibig sabihin
nakarating na sa iyo
yung tsismaks na yun?
hahahaha

kaya aydol kita e
ang bilis ng radar mo
hahahaha
e basta ako
dahil nagparamis ako sa iyo
tahimik mode na lang ako
🙂

badoodles: @xG oo, ikaw ang hot item of the week sa ating maliit na showbiz sa blogosphere. importante, wag balewalain ang paalala ni john lloyd cruz sa commercial. ingats!

25 06 2008
dimaks

kelangan ko nang mag-ingat talaga lol. mabuti na lang dito sa Japan, tuwing summer lang lumalabas ang mga ipis. sa Pinas mukha yatang walang season.

h’wag mo lang hampasin ang ipis pag sa mukha dumapo :p

badoodles: @dimaks kakaiba daw ipis jan. marunong magkarate. at ang balita ko pa, wag daw pinapahiya kundi kusang nagpapakamatay. astig.

25 06 2008
winnie

1st time ko d2, sobrang kakatawa. asawa ko di maka relate laking amerika kase. bisita ulit ako para basahin mga previous post mo. salamat at natawa ako ngayong araw

badoodles: @winnie welkam, welkam. sana magtagal ang pagtambay mo dito.

25 06 2008
kengkay

hehehe, ako din na trauma yung mga little kengkays ko nung nakakita ng ipis – nanginig po sa takot. at hindi lang yan, pati sa butiki — etong kwento http://kengkay.wordpress.com/2008/04/22/mga-hayop/

badoodles: @kengkay naculture shock pala ang mga little angels mo. may kanya kanyang quirkiness din pala ang mga insekto depende sa bansa.

25 06 2008
antuken

ako naman hindi takot sa ipis pero asar din sa kanila. lalo na pag nangagat sa may face area (read: malapit sa mata). napapagkamalan tuloy ako mamboboso (kse mukhang kulitiw)… hayop sila talaga. ambabaho pa. i remember, nung bio 2 namin nung college, everyweek, pag lab… kelangan namin ng isang palaka at isang ipis, ida-disect… sooper eeewww talaga… the things you go through talaga para makakuha ng diploma… isipin mo, for one whole sem, yun ang ginagawa namin… di ko rin alam kung ano relasyon nun sa pagiging engineer ko… susko… parusa… (yung boto ko, gagawin ko rin yun, malamang sa deadline… hahaha)

badoodles: @antuken kaya nga kinukulit ko si bebeKo na magkulambo kami, ayaw pa din. claustrophobic. ako naman, lumaki sa panonood ng mga pinoy bold movies na ang mag-asawa ay dapat naglalabing labing sa loob ng kulambo. ewan, fetish ko ata un. weirdo.

ung project laptrip wag mong kalimutan mareko ha. tenks.

25 06 2008
barefoot_alchemist

yuck tlaga ang mga ipis lalo na pag dumadapo at lumilipad-lipad. ang aking mahal na asawa ay takot sa ipis kya ako ang taga patay ng mga pesteng insectong iyon… splat..swak… crunchy sound pa diba?!

yuck ang ipis… hehehe…

badoodles: @barefoot ikaw pala ang superhero ng maylabs mo. iniisip ko tuloy, baka un talaga ang purpose ng mga ipis, isakripisyo ang kanilang buhay para maipakita natin kung gaano natin ka-labs ang mga labs natin.

26 06 2008
linapuhan

kanina lang dalawang ipis ang inapakan ko doon banda sa harap ng shell sa p. tuazon sa cubao. mayayabang talaga ang mga ipis na tagasyudad. tinatabihan pa yung mama na natutulog sa bangketa. mga walang hiya. nakikipagpatintero pa sa mga sasakyan. di man lang tumawid sa pedestrian. ampotek, masama talaga ang mga ugali, mga walang asal. 😀

badoodles: @mike haha! kung tayo marunong sumunod sa patakaran ni bayani fernando, dapat pati mga ipis hinuhuli din pag may violations ng jaywalking. yan ang perpek world. lahat ay pantay pantay.

26 06 2008
Pryss

OT:
ang kinis ni bebeMo ahihihi…

hay naku kasama talaga sa cycle ng mundo ang ipis…alam nyo ba na tanging sila lang ang mabubuhay kung tamaan tayo ng nuclear war?…sila lang may panlaban sa radioactive waves lolz…

kaya dapat kayong makipagkaibigan sa ipis upang ishare nila secret nila…fountain of youth siguro hehehe…

badoodles: @pryss prinsesa ko yan. kung gaano ako peklatin, wala namang kagalos galos ang bebeKo. kaya doble din ang aking pag-aalaga.

hindi ko bati ang mga ipis. nagdeklara nako ng giyera simula sa araw na to.

26 06 2008
hitokirihoshi

ako… trip na trip kong puntiryahin ang mga ipis sa bahay namin… iba ang pleasure sa akin kapag nakita kong pumuwisit… na ang lamang-loob nila… tas mala-action scene kung hinahabol ko sila habang lumilipad…kahit tulog na ang mga tao sa katabing kuwarto ko deadma.. hahaha… ipislayer ata me… hehe

badoodles: @hitokirihoshi ako kuntento nako sa paghulog sa kanila sa inidoro hanggang maubusan sila ng hininga kasisigaw ng HELP.

26 06 2008
hitokirihoshi

alam niyo ba na kapag nagpasog ng nuclear at magkaroon ng matinding global warming eh… buhay na buhay pa rin ang mga ipis… at alam niyo ba na ang brown capsule na ineere ng bebot na ipis eh naglalaman ng 40 eggs… kaya doon pa lang pisutin nyo na…

badoodles: @hito talagang inaral mo ang iyong kalabang ipis. magaling. magaling

26 06 2008
issapotching

hmmmm kakabasa ko lang ng ‘kwentong ipis’ sa libro ni Bob Ong kagabi ah, galit din sya sa ipis, lols

badoodles: @issa ganun? to talagang si bob ong gaya gaya. lol.

26 06 2008
Avanaders

galing mong magresearch badoodles, nakilala mko talaga? isang buwan din ako naging bangko 25th floor. email ko nga pala kita mo noh? 🙂

epis…hmmm…
nasira pagkalalaki ko dahil sa kanila. akalain mo may lumapit na epis sa paa ko, napatalon ako! (sa gulat ha?) epis sa ofis badoods! akalain mo, may carpet cleaning na’t lahat-lahat, may epis pa rin? ganyan sila ka wide-spread ngayon, ano? yun tuloy, ofismates ko, pinagtawanan ako. nasira image nila sakin na tunay na lalake: nag-ggym, may malaking tattoo sa braso, balbas-sarado… put@ng in@ talaga yang mga ipis na yan.

PS. pramis, gumagana pa rin baygon. 🙂

badoodles: @avanaders oo lahat ng artes nyo dumadaan sakin. ginawa akong alalay ng bmg taga-adjust ng charge code. di ako nakapagchillax nung bench time. tama ba yun. hehe.

26 06 2008
b@kekang

nung binabasa q 1st paragraph,,kala q ginamit u yung ipis “figuratively” kc habang binabasa q nga 1st paragraph.. me naalala me frends n parang ipis heheh,,

badoodles: @bakekang literal akong tao. pero tama ka, may mga taong ipis din. tulad ng anak ng kapitbahay namin. pag umiyak parang isang kampon ng mga ipis na tag gutom.

27 06 2008
mrs JLC

paanong ingat ba yan?
parang natakot ako lalo
hahaha

badoodles: @mrs jlc kasama ba ung pagpapalit mo ng pangalan sa pag-iingat mo? sabagay, kelangan natin yan. mula ngayon, ako na si george clooney.

27 06 2008
b@kekang

sau b lahat ng entries sa kwentong barbero?binasa q kc lahat eh..kahit nilalamok n aq d2 sa harap ng pc..
hmmn..2 thumbs up!! gifted ka iho..

badoodles: @bakekang oo post ko lahat yan. pero syempre mula sa kwentuhan ng mga katropa, opismeyts at mangilan-ngilang airheads na nakakasalamuha. oo ako ang regalo ng diyos sa mundo para malutas ang global warming. hehe, hindi naman sa ganun, basta paniwala ko gifted taung lahat.

27 06 2008
angel

hahahaha!! ANg kulit..

dito sa bahay mortal na kalaban ng ipis yung pusa namin, hehehe..

swerte mo pa kuya di ka ni lips to lips ng ipis habang tulog ka.. hehehe

badoodles: @angel wag sanang mangyaring mahalikan ako ng ipis. babalik ako sa dati kong anyo. oo, ako si frog prince.

30 06 2008
kalye11onse

Sagot ng kaibigan kong “ipis” na Inglesero sa tanong kung para saan sila:

“When someone dies and gets buried, us cockroaches eat the corpse of the deceased. So we help in decomposition of dead matter. About 100s and 100s of roaches swarm the coffin of the deceased and within days the body is consumed. We’ll have our revenge in the end.”

Pinalo ko na siya ng tsinelas ko pagkasabi niya nito.

badoodles: @kalyeonse hehe. parang may himig pananakot ang mga ipis. [nagdalawang isip] basta ako bati na kami ng ipis. bait bait ipis yan. hindi nila ako kain kain yan. hehe

1 07 2008
phot

Mr. Badoodles. OHWMEN. namiss ko magbasa ng blogs mo.
Buhay pa pala itoo.. hehe.:)
Ganda ni Mrs. Badoodles.. Protective asawa ka pala Mr badoodles ee.
Nakakakilig mag murder ng mga ipis. Pag inapakan mo dapat with feelings ung tipong pikitpikit para siguradong dedo sya. hehe.
Gudlak po!:))

badoodles: @phot kung may oras ako sa aking kamay, hands off ako kumitil ng buhay ng ipis. hinuhulog ko siya sa inidoro at dun pinapanood kung pano siya malagutan ng hininga.

4 07 2008
byter

pareho problema natin papi badoodles, ayaw tablan ang mga packing ipis ng mga kung anong anik-anik na chemicals. naiisip ko minsan, kung ayaw nilang umalis, e di ako nalang ang aalis….

badoodles: @byter kaya nga ang kakapalmuks. wag kang susuko. walang ipis na matigas sa hataw ng tsinelas.

8 07 2008
ms.L

puro kau reklamo sa mga ipis sa haus nyo!!eh simple lng nman solusyon jan eh..maglinis maglinis maglinis para alang ipis!!..wahahaha

badoodles: @msL bakit naglilinis naman ako ah? hindi pa ba sapat ung paglilinis ko once a year? ang hirap kaya maglinis.

9 07 2008
marikenya

badoodles…

sulat kn ule para matawa nko. cge na.

10 07 2008
naglalambingnacute

hahaha… kuya wag kang mag alala pinaghiganti na kita… nakakita ako kani ng kima ipis sa lalagyan ng ice cream nilund ko cila hanggang mamaaataaaaay… pesteng ipis yan!! pero natawa ko dun… =) namamasyal lang po.. =)

badoodles: @naglalambing na cute ang gastos na pagpatay yan. death by ice cream. sana sa susunod kahit lunurin mo na lang sa ihi, sing epektib pero di singmahal ng ice cream. :mrgreen:

14 07 2008
Anju

Hahha. Lakas tama pla ng mga ipis dyan eh. Walang pakundangan pa. Cge, next time sagot ko na ung Baygon.

15 07 2008
direk_tata_esteban

@tough gurl!@ same prob din ang aking natatamasa d2 sa malaysia (KL), makakapal ang muka ng ipis d2, buo ang luob di takot sa asadi (counter part ng spartan natin dyan hehe), maiba naman but insekticon related, nagtataka lang ako pano nkakarating ang lamok sa 15th floor ng condo ko? na obserbahan ko na dumadaan cila sa hagdan, tapos dun sa sila gumagawa ng colony, at take note wlang water ponding at para may chance sila na mangitlog at mag ka kite-kite, parang there’s a certain evolution na they turned to cocoon na at di na kite-kite, (yan ang gawain ng taong wlang mapuntahan tuwing linggo kya pati insekto npagdidiskitahan)
@badzzz@ oo naman sang sulok ng mundo, sikat na sikat ang blog mo! pang tawid homesick at P.O. (patay oras) para sa OT hehe, pambili din ng tiger beer dito hehe! more power lakay…wag mag deodorant!!!!

15 07 2008
direk_tata_esteban

ano nga ba tlga purpose ng mga hinayupak na ipis, langaw, lamok, surot, kuto, korean bug (may purpose pla yan hehe)?

kung buhay pa c ka ernie, line 28 lang katapat nyan, bka may sagot ko mga chokaransss dyansss, bgay linaw lang, kahit biblical insights pwede nadin haha

16 07 2008
Ejiikiieru

wow feel ko tinadhana na mabasa ko to! to make me fee less guilty sa pag murder ko kgabai sa magkasintang roach na nahuli kong pinagfiestahan and braso de mercedes na binili ko sa pagkalayo layong pinoy shop!

kakabadtrip!

22 07 2008
reyna elena

Pareng Badoodles,

Pirituhin. Crunchy Roaches. Sounds nice di ba? Pa-franchise mo para me silbi sila sa mundo.

26 10 2008
napadaan_lang

pamatay ipis? bili ka po baygon ung cockroach bait good for 3 months, P144 un sa mga grocery, effective naman sa kin dito, tapos ung ipis pag tinitiris madami germs yan na kinakalat, kaya ingat ingat din, spray han mo po lysol para iwas germs..

9 11 2008
samantha rosales

basta ….ayoko ng BUTIKI…

19 07 2010
Janeth Prophet

One thing I recomend is that you empty your dishwasher frequently. Roaches are attracted to the left over food particles and damp area a dirty dishwasher provides.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: