Long Kiss Goodbye, Lola

23 07 2008

Tatlong sunud-sunod na gabi akong hindi nakatulog.  Ganitong ganito din ako bago namatay si lolo.  Kaya pala lola, nagpapaalam ka na rin.  Ang weird naman ng superpowers ko na ‘to.  Sabi mo sa akin noon, ‘gift yan apo’ nung napanaginipan kong nadedbol ‘yung alaga kong tuta na kinabukasan ay nagkatotoo nga.  Pano naging ‘gift’ ang maramdaman ang pagpanaw ng isang minamahal?  Napakawalang kwentang gift naman nito.  Sana naman kung binigyan ako ng superpowers, ‘yung nakakalipad ako para iwas trapik o kaya makapag freeze ng tao para makapag-pickpocket ng mga cellphone.

 

Alala ko pa, andami mong mga payo sa akin noon. May mga seryoso, may mga parang nangti-trip ka lang.  ‘Yung iba may sense tulad ng, ‘Apo, wag ka munang titikim ng mani, bata ka pa, nakakaadik ‘yan’.  Totoo nga, nakakaadik nga.  Sori sa pagsuway.  Naadik ako sa mani. Ganun siguro kung anong pinagbabawal nakaka-curious gawin.  Buti hindi mo ko pinagtripan ng ‘Apo, bawal tumalon sa bangin, nakakaadik ‘yan’.

 

Gusto kong magpasalamat sa ‘yo. Kung hindi ka maagang kumerengkeng noon sa edad na kinse anyos, wala sana akong Mommy.  Dahil sa ‘yo nagkaroon ako ng mabait at lababol na nanay.  Pag kaharap ka pa ni Mommy, nakikita ko kung paano maglambing ang nanay ko sa ‘yo, nagpapaluto ng paborito nyang ulam.  Bihira ang ganong pagkakataon na makita mong bumabalik sa pagiging ‘anak’ ang sarili mong magulang.  OA tignan pero ok na din.  Kulang na lang sabihin ni Mommy sa ‘yo, ‘Ma enge allowance’. 

 

Salamat sa pag-aalaga niyo sa kin ni lolo nung bata pa ako.  Alam ko, medyo matigas ulo ko noon.  Minsan pinabili mo ko ng mantika.  Sa halip na bumili ako ng mantika, pinambili ko ng babolgam na Bazooka ‘yung pera.  Tapos ‘yung supot inihian ko saka ko binigay ko sa ‘yo, sabi ko mantika ‘yun.   Nagtataka ka, kanina ka pa nagpiprito pero hindi man lang tumatalsik ‘yung mantika.  Siyempre, ihi kaya ‘yun alangan naman makaprito ‘yun.  Saka mapanghi ang ihi hindi mo man lang naamoy.  Ako pa sinisi mo.  Hindi ka man lang marunong mag-appreciate ng joke.

 

Meron pa ‘yung nagnenok  ako ng bunga ng papaya sa kapitbahay nating pulis.  Para papaya lang andami mo nang sinabi sa ‘kin.  ‘Yung native na manok, wala naman talaga akong plano na kunin din ‘yon kaso sobrang amo sunod ng sunod sa akin.  At ‘yung anak nung pulis, wala akong intensiyong tiradorin ‘yun sa ulo, nabigla lang ako dahil pinahabol niya ako sa aso.  Galit na galit sa ‘kin ‘yung tatay na pulis.  Hindi naman ako maipa-barangay ni Pulis Patola dahil si lolo nga ang barangay captain.  Sabi mo wag ko nang uulitin, masamang kumain ng galing sa masama. Sawa na kong marinig sa mga pangaral mo kaya may layas layas epeks pa akong nalalaman.  Kaso di ko mapanindigan,  nagutom ako, kaya kinagabihan umuwi din ako.  Sa gate pa lang, nakita kitang nag-aabang sa ulan, naghihintay sa pagbalik ko.  Hindi mo na ko pinagalitan.  Pagpasok ko sa kusina, nakahanda na ang hapag kainan, naamoy ko agad ang  masarap na tinola.  Kala ko ba bawal kainin ang galing sa masama?

 

Naasar pa ako noon, kasi ang tawag mo sa akin ‘pulongkutoy’, parang katunog ng kampon ng mga kuto.  Pero ganun ka siguro magmahal ng apo.  Weird.  Sana tinawag mo na lang akong ‘pulgas’, ‘buni’ o ‘hadhad’, mas disente pang pakinggan. 

 

Hapon na. Oras na para ihatid ka sa ‘yong huling hantungan.  Madilim ang mga ulap, gustong makiramay at magbuhos ng isang mabigat na bagsak ng ulan.  Hindi na kita maihatid baka maiyak lang ako.  Ayaw mo ng apong iyakin, namimingot ka.  Baka mamya bigla kang bumangon dyan sa kabaong tapos pingutin mo ako ulit.  Basta, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, ehemm… ehem… mahal na mahal kita.  Salamat sa pag-aalaga sa akin.  Sayang hindi mo na naabutan ang apo mo sa tuhod sa amin ni BebeKo.  Bye bye.  Baunin mo sana ang masasayang alaala, pagmamahal namin, at munting panalangin na sana magkita kayo ni lolo sa kabilang buhay at dun ituloy niyo ang inyong labing labing forever.  Sa pag-alis mo, hindi lang ako nawalan ng isang lola, nawalan din ako ng isang kaibigan.





Round 3: Road to the Finals – The Philippine’s Best Humor Blogs

11 07 2008

 

 

Palapit na tayo ng palapit sa huling hirit sa paghahanap sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Ilang pasakalye muna: Hindi na maaaring magpalit ng binoto. Warp level na to. Touch move.

 

 

*Update:  Dagdag Premyo.  Magbibigay ang The T-Shirt Project ng tig-iisang ‘Humor T-Shirt’ para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas.  Ngayon pa lang, browse na sa link dito o kaya sa Multiply site dito para makapili ng inyong size, hugis at disenyo.

 

Sa mga nominado, itodo na ang pangangarir sa kampanya. Gamitin ang karisma, alindog at laki ng nipol para makahakot ng boto. Kung masyadong mahiyain, pwede na rin ang paglalagay ng ‘Vote For Me Pls [+ blush icon]?’ sa sidebar ng iyong blog. Sa mga nabubuhay sa pambu-bully, pinapayagan ko bilang lehitimong paraan ng paghihikayat ng botante ang pag-tutok ng balisong sa mga bloggers na tumatambay sa mga Internet shops at Starbucks na may wifi. Kung ayaw kayong iboto, tanggalin nyo ang kanilang mata. Akong bahala. Oo, wala akong pakialam kahit si Gloria Arroyo pa siya. Alang-alang ito sa sangkablogosperyuhan.

 

Ang botohan ay opisyal na magsasara sa Septyembre 20, 2008, sampung araw bago ang pormal na anunsiyo sa 10 Best Pinoy Humor Bloggers. Ito ay para magkaroon ng panahon para iberipika ang bilang ng boto at para naman sa mga botanteng bloggers, makapagsampa ng reklamo kung hindi naisali ang pangalan sa parapol. Ang final announcement ng raffle winner [isa lang ang mananalo] at Philippines 10 Best Humor Blogs ay sa September 30, 2008.

 

At ngayon, heto na, para sa ating huling hirit bago ang Finals ng Project Lafftrip Laffapalooza, heto ang resulta ng Round 3 bilangan ng mga blogs na posibleng solusyon sa ating problemang puso, rice shortage, at global warming, ang mga iniidolo nating mga coolest, fantabulous, and riveting Pinoy Humorous Blogstars: [wag nyo akong tanungin kung ano ang riveting, cool pakinggan pero di ko talaga alam yan]

 

Rank 1: Inday [blogniinday.com]
Votes: 7,900 | Round2 Rank: 1 | Round1 Rank: 1

Ang sosyal at techie na katulong. Sobrang nakakaaliw talaga ang mga nosebleed hirit nya at ang lovestory nila ni Dodong. Itong blog na ito ang nagmulat sa akin para pasukin ang blogsphere, nagsimula ito sa isang e-mail ng friend ko about inday jokes at dahil mausisa akong tao mega open ko lahat ng link at don ko nadikubre ang iba pang mga blogger, hanggang naengganyo na rin akong sumali sa kulto na pagboblog. – anasarmiento.wordpress.com

 

 

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes: 7,200 | Round2 Rank: 2 | Round1 Rank: 9-11

“A copious amount of wit, plus solid humor and a smack of sarcasm. Hmm, xienah na xienah di ba? Astig ‘to! Pag may nagtatanong sakin kung bakit siya ang paborito kong blogger, brains niya kaagad ang binibida ko. Bilib ako sa utak ng babaeng bakla na ito. Sobrang brilliant n’ya at para sakin, wala ng mas gagaling pa sa kanya. With her xGMonologues and exceptional hirits, kelan ba naman ako di napatawa nitong babaeng baklang to? Sobrang naaaliw ako dito kasi she never runs out of things to say. She made her readers laugh without even trying. ‘Yan ang dahilan kung bakit una sa puso ko ang Dyosa ng Sangkaitlugan!” – diakosipeterpromise.blogspot.com

 

 

Rank 3: Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes: 6,800 | Round2 Rank: 3 | Round1 Rank: 12-13

“Kung hindi naman dahil dito eh hindi ako magkakafriends dito sa sanblogosperyo. Andami mong makakalkal sa berdeng websayt na to. May forums, reader’s gallery, projectube, at higit sa lahat sandamakmak na koleksyon ng mga true blue, err.. green pinoy fun jokes at mga ka-ekekan (si Bacheengco pa pala!) Syempre meron akong post jan, sinadya ko talagang yan ang isubmit kong picture para naman masilayan nyo ang kagandahang taglay ng inyong labanderang tumatanggap lang ng labada pag linggo. Nga pala, day off ko every sunday. Nagfoforums ako sa Greenpinoy eh”.trinalabandera.blogspot.com

 

 

Rank 4: Kokey Monster [kokeymonster.com]

Votes: 4,900 | Round2 Rank: 7 | Round1 Rank: 21-22
“The ultimate humor-slash-libog blog for the out of this world type of person award goes to FerBert. Eh putek, sya lang naman ang nagiisang alien na kumakarir para matuto ng tagalog para mapasaya naman tayong mga Filipino earthlings. Sa totoo lang hindi naman bastos ang blog na ito. Teh Tagalowging ispiking alien makes sense after all. Malandi talaga tong alien pitutoy nato, magbasa ka lang ng comments nya matatawa ka na at kikiligin. Eh kasi, meron na syang little miss alien, ay senorya pala. Syet. Lab ko yang dalawa na yan”.
trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 5: Maruism [maruism.com]
Votes: 4,200 | Round2 Rank: 4 | Round1 Rank: 2

Ang kakabog sa mga dibdib ng mga sawing-palad. – blognialingbina.blogspot.com

 

Rank 6 – 7: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

“Ahay! Ito ang institusyon! Heto na ang nag-iisa at natatanging centennial blogger so bow down and pay respect kay Romy Diaz (kahit na hindi mo sya gagalangin paminsan sa mababasa mo sa kanyang diarya with the floral scent). Isa pa, maganda ang mga pictures na makikita mo dito. Photo shop kung photo shop para di na magtype at magkwento. Okay ang FYI series, may parts i ii iii iv v. Abnormal ka kung hindi ka matawa sa mababasa mo sa kanyang personal diarya.” – trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 6 – 7: Spontaneity [jojitah.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 5-6

“Nakakaaliw super! Magmumukha kang timang kapag nakita ka ng ibang tao dahil sa kakatawa sa mga banat ni Jojitah.” – enelym001.wordpress.com

 

Rank 8 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 3,600 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 4

“Sobrang kulit na blog, ang blog na kumpleto rekado minsan may drama, minsan comedy, minsan naman action, minsan din horror. Sya rin ang blogger na laging may reply sa comment mo, enjoy din ako basahin mga comments sa bawat entry nya.” – anasarmiento.wordpress.com

 

Rank 9: Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes: 3,400 | Round2 Rank: 8 | Round1 Rank: 3

ReynaElena blogs on Philippine economy and socio-political happenings and mishaps with an approach of so much humor and sarcasm that I always die laughing at every word she says. She is indeed so revolutionary funny and hilarious.” – smartglobalexpress.net

 

Rank 10: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes: 3,000 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 23-24

Wala nang pasikot sikot pa, kaya nyang maghatid ng punchline nang mabilisan. mas epektib dahil direct to the point”.watusiboy.wordpress.com

 

 

Rank 11: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes: 2,700 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 5-6

AnakniKulapo makes me laugh at his posts and his ways of injecting so much humor in dealing with personal issues in his life and his environment making me feel so light and so funny. – smartglobalexpress.net

 

Rank 12: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes: 2,600 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

Natatawa ako dahil mahilig sya sa salitang utot.” – watusiboy.wordpress.com

 

Rank 13: Loser’s Realm [hachipatuchi.blogspot.com]
Votes: 2,100 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Akalain mong isang loser lang pala ang magpapaligaya ng walang kwenta kong buhay! Eh ibang klase ang alindog na meron itong si Mariano Juancho. Nung una ay nandidiri pa ako sa kulay ng blog nya, napaka-boring, napaka-loser! May ADD yata to, pano, naghuhubad at naglalaslas ng tiyan nyang malaki. BOO! Hindi ko napansin na habang tumatagal eh mas nauuna ko pang bisitahin ang blog nitong bente dos anyos carinyoso na ito kesa sa sarili kong blog! Aba naman, kay lakas ng kanyang pwersa na pati ang puso at panti’t bra ko ay nalaglag na sa kanyang karisma. Mariano Juancho sayo ako! Kahit rank 23218987 ka pa sa blogkontes na to, rank 1 ka sa puso ko! Aylabyu.. webcam tayo ulet ah. (yikee)trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 14 – 16: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 15 | Round1 Rank: 7

“Bihira na lang magpost pero iba pa rin ang hatak. Kakabagan ka din sa kakabasa ng blog niya. Lurker lang ako sa blog niya pero talaga namang binabalik-balikan ko”. – enelym001.wordpress.com

 

Rank 14 – 16: Chuvaness [mynosebleed.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 14 | Round1 Rank: 8
“Itayo ang kachurvahan-chenes-eklaboo-boomboom-bautista and ervielou ekekechenes.” – blognialingbina.blogspot.com


Rank 14 – 16: Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 19-20
“Idol ko sa pagsusulat ng buhay niya na puno ng dumi at pananamantala. Lapitin ng mga chiks at hen pati rin rooster na babading sa kanya.”dansoy.lukaret.com

Rank 17: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]
Votes: 1,800 | Round2 Rank: 13 | Round1 Rank: 33-39

“’Expounding On The Mediocre Since 200’ tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan – ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com

 

Rank 18 – 19: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 12-13

“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 18 – 19: Defpotec [defpotec.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 14-15

“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 20: King Daddy [kingdaddyrich.com]
Votes: 1,400 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: 18

“Mas masarap basahin ang mga blogs na hindi naglalayon na magpatawa pero actually ay nakakatawang basahin. Isa na dito ang blog ni KDR. Mapa-emo o kwentong kalokohan, hindi ka mabobore sa kanyang mga lathala. Parang laging may something new”.leynv.blogspot.com

 

 

Rank 21 – 22: Gasti [gasti.wordpress.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 14-15

Rank 21 – 22: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 20 | Round1 Rank: 25-32

Rank 23: Damned In Blue [damnedinblue.blogspot.com]
Votes: 1,200 | Round2 Rank: 21 | Round1 Rank: None

Rank 24: A Piece of Crap [umleo23.com]

Votes: 1,100 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: None

Rank 25 – 27: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24 | Round1 Rank: 16-17

Rank 25 – 27: Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24| Round1 Rank: 16-17

Rank 25 – 27: Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 44-46

Rank 28: Chona Mae In The City [chona.blogspot.com]
Votes: 900 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 40-46

Rank 29 – 30: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 23-24 | Round1 Rank: 19-20

Rank 29 – 30: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 27 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 – 33: Blog ni Ella [ellaganda.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 21-22

Rank 31 – 33: Nanskii World [nanskii.multiply.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 – 33: Rhapsody [enelym001.wordpress.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Reclamador [reclamador.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Prince Arthur [princearthurnurikane.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Mike Villar [mikevillar.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 34 – 41: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 40-46

Rank 34 – 41: Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 23-24

Rank 34 – 41: The Balloon Dream [lobo.idlip.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Pondahan ni KiwiPinay [pondahan.pansitan.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Professional Heckler [professionalheckler.blog-city.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: The World According to Nherz [nherz14.multiply.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Chrone Icon [chroneicon.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 48 – 56: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 28 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: The True Asiatic [thetrueasiatic.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Bomba [danielyuson.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Kotseng Kuba [kotsengkuba.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: School Hopper [schoolhopper.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: Taroogs [taroogs.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: None| Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Twisted [jessicarulestheuniverse.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: The Uglyassin [uglyassin.multiply.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Holy Kamote [holy-kamote.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Clockwork Orange [direkjap.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Poging Payatot [pogingpayatot.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: | Round1 Rank:

Rank 57 – 66: Instant Pakulo [pbpbpb.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Masaya Ang Buhay [masayaangbuhay.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 67 – 71:Geisha [jgsmart.wordpress.com]

Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Sayote Queen [sayotequeen.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Nakanampucha [nakanampucha.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Funny Sexy [funnysexy.wordpress.com]
Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Rank 67 – 71: Panti Experience [jaypanti.blogspot.com]

 


Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Pahabol: May limang blogs na bumoto pero nung binilang ko ulit, nagdelete na ng blogs. Wala akong magagawa kundi iinvalidate ang inyong boto. Ang masasabi ko lang sa inyo.. tsk tsk.. sayang ang prize. Sa lahat ng sumali sa parapol at nominado, gudlak sa finals!