Round 3: Road to the Finals – The Philippine’s Best Humor Blogs

11 07 2008

 

 

Palapit na tayo ng palapit sa huling hirit sa paghahanap sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Ilang pasakalye muna: Hindi na maaaring magpalit ng binoto. Warp level na to. Touch move.

 

 

*Update:  Dagdag Premyo.  Magbibigay ang The T-Shirt Project ng tig-iisang ‘Humor T-Shirt’ para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas.  Ngayon pa lang, browse na sa link dito o kaya sa Multiply site dito para makapili ng inyong size, hugis at disenyo.

 

Sa mga nominado, itodo na ang pangangarir sa kampanya. Gamitin ang karisma, alindog at laki ng nipol para makahakot ng boto. Kung masyadong mahiyain, pwede na rin ang paglalagay ng ‘Vote For Me Pls [+ blush icon]?’ sa sidebar ng iyong blog. Sa mga nabubuhay sa pambu-bully, pinapayagan ko bilang lehitimong paraan ng paghihikayat ng botante ang pag-tutok ng balisong sa mga bloggers na tumatambay sa mga Internet shops at Starbucks na may wifi. Kung ayaw kayong iboto, tanggalin nyo ang kanilang mata. Akong bahala. Oo, wala akong pakialam kahit si Gloria Arroyo pa siya. Alang-alang ito sa sangkablogosperyuhan.

 

Ang botohan ay opisyal na magsasara sa Septyembre 20, 2008, sampung araw bago ang pormal na anunsiyo sa 10 Best Pinoy Humor Bloggers. Ito ay para magkaroon ng panahon para iberipika ang bilang ng boto at para naman sa mga botanteng bloggers, makapagsampa ng reklamo kung hindi naisali ang pangalan sa parapol. Ang final announcement ng raffle winner [isa lang ang mananalo] at Philippines 10 Best Humor Blogs ay sa September 30, 2008.

 

At ngayon, heto na, para sa ating huling hirit bago ang Finals ng Project Lafftrip Laffapalooza, heto ang resulta ng Round 3 bilangan ng mga blogs na posibleng solusyon sa ating problemang puso, rice shortage, at global warming, ang mga iniidolo nating mga coolest, fantabulous, and riveting Pinoy Humorous Blogstars: [wag nyo akong tanungin kung ano ang riveting, cool pakinggan pero di ko talaga alam yan]

 

Rank 1: Inday [blogniinday.com]
Votes: 7,900 | Round2 Rank: 1 | Round1 Rank: 1

Ang sosyal at techie na katulong. Sobrang nakakaaliw talaga ang mga nosebleed hirit nya at ang lovestory nila ni Dodong. Itong blog na ito ang nagmulat sa akin para pasukin ang blogsphere, nagsimula ito sa isang e-mail ng friend ko about inday jokes at dahil mausisa akong tao mega open ko lahat ng link at don ko nadikubre ang iba pang mga blogger, hanggang naengganyo na rin akong sumali sa kulto na pagboblog. – anasarmiento.wordpress.com

 

 

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes: 7,200 | Round2 Rank: 2 | Round1 Rank: 9-11

“A copious amount of wit, plus solid humor and a smack of sarcasm. Hmm, xienah na xienah di ba? Astig ‘to! Pag may nagtatanong sakin kung bakit siya ang paborito kong blogger, brains niya kaagad ang binibida ko. Bilib ako sa utak ng babaeng bakla na ito. Sobrang brilliant n’ya at para sakin, wala ng mas gagaling pa sa kanya. With her xGMonologues and exceptional hirits, kelan ba naman ako di napatawa nitong babaeng baklang to? Sobrang naaaliw ako dito kasi she never runs out of things to say. She made her readers laugh without even trying. ‘Yan ang dahilan kung bakit una sa puso ko ang Dyosa ng Sangkaitlugan!” – diakosipeterpromise.blogspot.com

 

 

Rank 3: Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes: 6,800 | Round2 Rank: 3 | Round1 Rank: 12-13

“Kung hindi naman dahil dito eh hindi ako magkakafriends dito sa sanblogosperyo. Andami mong makakalkal sa berdeng websayt na to. May forums, reader’s gallery, projectube, at higit sa lahat sandamakmak na koleksyon ng mga true blue, err.. green pinoy fun jokes at mga ka-ekekan (si Bacheengco pa pala!) Syempre meron akong post jan, sinadya ko talagang yan ang isubmit kong picture para naman masilayan nyo ang kagandahang taglay ng inyong labanderang tumatanggap lang ng labada pag linggo. Nga pala, day off ko every sunday. Nagfoforums ako sa Greenpinoy eh”.trinalabandera.blogspot.com

 

 

Rank 4: Kokey Monster [kokeymonster.com]

Votes: 4,900 | Round2 Rank: 7 | Round1 Rank: 21-22
“The ultimate humor-slash-libog blog for the out of this world type of person award goes to FerBert. Eh putek, sya lang naman ang nagiisang alien na kumakarir para matuto ng tagalog para mapasaya naman tayong mga Filipino earthlings. Sa totoo lang hindi naman bastos ang blog na ito. Teh Tagalowging ispiking alien makes sense after all. Malandi talaga tong alien pitutoy nato, magbasa ka lang ng comments nya matatawa ka na at kikiligin. Eh kasi, meron na syang little miss alien, ay senorya pala. Syet. Lab ko yang dalawa na yan”.
trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 5: Maruism [maruism.com]
Votes: 4,200 | Round2 Rank: 4 | Round1 Rank: 2

Ang kakabog sa mga dibdib ng mga sawing-palad. – blognialingbina.blogspot.com

 

Rank 6 – 7: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

“Ahay! Ito ang institusyon! Heto na ang nag-iisa at natatanging centennial blogger so bow down and pay respect kay Romy Diaz (kahit na hindi mo sya gagalangin paminsan sa mababasa mo sa kanyang diarya with the floral scent). Isa pa, maganda ang mga pictures na makikita mo dito. Photo shop kung photo shop para di na magtype at magkwento. Okay ang FYI series, may parts i ii iii iv v. Abnormal ka kung hindi ka matawa sa mababasa mo sa kanyang personal diarya.” – trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 6 – 7: Spontaneity [jojitah.com]
Votes: 4,000 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 5-6

“Nakakaaliw super! Magmumukha kang timang kapag nakita ka ng ibang tao dahil sa kakatawa sa mga banat ni Jojitah.” – enelym001.wordpress.com

 

Rank 8 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 3,600 | Round2 Rank: 5-6 | Round1 Rank: 4

“Sobrang kulit na blog, ang blog na kumpleto rekado minsan may drama, minsan comedy, minsan naman action, minsan din horror. Sya rin ang blogger na laging may reply sa comment mo, enjoy din ako basahin mga comments sa bawat entry nya.” – anasarmiento.wordpress.com

 

Rank 9: Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes: 3,400 | Round2 Rank: 8 | Round1 Rank: 3

ReynaElena blogs on Philippine economy and socio-political happenings and mishaps with an approach of so much humor and sarcasm that I always die laughing at every word she says. She is indeed so revolutionary funny and hilarious.” – smartglobalexpress.net

 

Rank 10: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes: 3,000 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 23-24

Wala nang pasikot sikot pa, kaya nyang maghatid ng punchline nang mabilisan. mas epektib dahil direct to the point”.watusiboy.wordpress.com

 

 

Rank 11: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes: 2,700 | Round2 Rank: 11-12 | Round1 Rank: 5-6

AnakniKulapo makes me laugh at his posts and his ways of injecting so much humor in dealing with personal issues in his life and his environment making me feel so light and so funny. – smartglobalexpress.net

 

Rank 12: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes: 2,600 | Round2 Rank: 9-10 | Round1 Rank: 9-11

Natatawa ako dahil mahilig sya sa salitang utot.” – watusiboy.wordpress.com

 

Rank 13: Loser’s Realm [hachipatuchi.blogspot.com]
Votes: 2,100 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Akalain mong isang loser lang pala ang magpapaligaya ng walang kwenta kong buhay! Eh ibang klase ang alindog na meron itong si Mariano Juancho. Nung una ay nandidiri pa ako sa kulay ng blog nya, napaka-boring, napaka-loser! May ADD yata to, pano, naghuhubad at naglalaslas ng tiyan nyang malaki. BOO! Hindi ko napansin na habang tumatagal eh mas nauuna ko pang bisitahin ang blog nitong bente dos anyos carinyoso na ito kesa sa sarili kong blog! Aba naman, kay lakas ng kanyang pwersa na pati ang puso at panti’t bra ko ay nalaglag na sa kanyang karisma. Mariano Juancho sayo ako! Kahit rank 23218987 ka pa sa blogkontes na to, rank 1 ka sa puso ko! Aylabyu.. webcam tayo ulet ah. (yikee)trinalabandera.blogspot.com

 

Rank 14 – 16: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 15 | Round1 Rank: 7

“Bihira na lang magpost pero iba pa rin ang hatak. Kakabagan ka din sa kakabasa ng blog niya. Lurker lang ako sa blog niya pero talaga namang binabalik-balikan ko”. – enelym001.wordpress.com

 

Rank 14 – 16: Chuvaness [mynosebleed.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 14 | Round1 Rank: 8
“Itayo ang kachurvahan-chenes-eklaboo-boomboom-bautista and ervielou ekekechenes.” – blognialingbina.blogspot.com


Rank 14 – 16: Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]
Votes: 2,000 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 19-20
“Idol ko sa pagsusulat ng buhay niya na puno ng dumi at pananamantala. Lapitin ng mga chiks at hen pati rin rooster na babading sa kanya.”dansoy.lukaret.com

Rank 17: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]
Votes: 1,800 | Round2 Rank: 13 | Round1 Rank: 33-39

“’Expounding On The Mediocre Since 200’ tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan – ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com

 

Rank 18 – 19: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 12-13

“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 18 – 19: Defpotec [defpotec.wordpress.com]
Votes: 1,500 | Round2 Rank: 16-17 | Round1 Rank: 14-15

“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com

 

Rank 20: King Daddy [kingdaddyrich.com]
Votes: 1,400 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: 18

“Mas masarap basahin ang mga blogs na hindi naglalayon na magpatawa pero actually ay nakakatawang basahin. Isa na dito ang blog ni KDR. Mapa-emo o kwentong kalokohan, hindi ka mabobore sa kanyang mga lathala. Parang laging may something new”.leynv.blogspot.com

 

 

Rank 21 – 22: Gasti [gasti.wordpress.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 18-19 | Round1 Rank: 14-15

Rank 21 – 22: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]
Votes: 1,300 | Round2 Rank: 20 | Round1 Rank: 25-32

Rank 23: Damned In Blue [damnedinblue.blogspot.com]
Votes: 1,200 | Round2 Rank: 21 | Round1 Rank: None

Rank 24: A Piece of Crap [umleo23.com]

Votes: 1,100 | Round2 Rank: 25-26 | Round1 Rank: None

Rank 25 – 27: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24 | Round1 Rank: 16-17

Rank 25 – 27: Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 22-24| Round1 Rank: 16-17

Rank 25 – 27: Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 44-46

Rank 28: Chona Mae In The City [chona.blogspot.com]
Votes: 900 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 40-46

Rank 29 – 30: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 23-24 | Round1 Rank: 19-20

Rank 29 – 30: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]
Votes: 800 | Round2 Rank: 27 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 – 33: Blog ni Ella [ellaganda.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 21-22

Rank 31 – 33: Nanskii World [nanskii.multiply.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: 25-32

Rank 31 – 33: Rhapsody [enelym001.wordpress.com]
Votes: 600 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Reclamador [reclamador.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Prince Arthur [princearthurnurikane.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Mike Villar [mikevillar.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 34 – 41: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 40-46

Rank 34 – 41: Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]
Votes: 500 | Round2 Rank: 34-47 | Round1 Rank: 23-24

Rank 34 – 41: The Balloon Dream [lobo.idlip.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: 29-33 | Round1 Rank: None

Rank 34 – 41: Pondahan ni KiwiPinay [pondahan.pansitan.net]
Votes: 500 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Professional Heckler [professionalheckler.blog-city.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: The World According to Nherz [nherz14.multiply.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Chrone Icon [chroneicon.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 42 – 47: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 42 – 47: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]
Votes: 400 | Round2 Rank: 38-44 | Round1 Rank: 25-32

Rank 48 – 56: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 28 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: The True Asiatic [thetrueasiatic.multiply.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Bomba [danielyuson.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: 33-39

Rank 48 – 56: Kotseng Kuba [kotsengkuba.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 45-52 | Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: School Hopper [schoolhopper.blogspot.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: None

Rank 48 – 56: Taroogs [taroogs.wordpress.com]
Votes: 300 | Round2 Rank: None| Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Twisted [jessicarulestheuniverse.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: The Uglyassin [uglyassin.multiply.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Holy Kamote [holy-kamote.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64| Round1 Rank: 40-46

Rank 57 – 66: Clockwork Orange [direkjap.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Poging Payatot [pogingpayatot.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: | Round1 Rank:

Rank 57 – 66: Instant Pakulo [pbpbpb.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: 53-64 | Round1 Rank: None

Rank 57 – 66: Masaya Ang Buhay [masayaangbuhay.blogspot.com]
Votes: 200 | Round2 Rank: None | Round1 Rank: None

Rank 67 – 71:Geisha [jgsmart.wordpress.com]

Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Sayote Queen [sayotequeen.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Nakanampucha [nakanampucha.com]
Votes: 100 | Round2 Rank: 65-67 | Round1 Rank: 47-49

Rank 67 – 71: Funny Sexy [funnysexy.wordpress.com]
Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Rank 67 – 71: Panti Experience [jaypanti.blogspot.com]

 


Votes: 100 | Round1 Rank: None | Round2 Rank: None

Pahabol: May limang blogs na bumoto pero nung binilang ko ulit, nagdelete na ng blogs. Wala akong magagawa kundi iinvalidate ang inyong boto. Ang masasabi ko lang sa inyo.. tsk tsk.. sayang ang prize. Sa lahat ng sumali sa parapol at nominado, gudlak sa finals!

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

60 responses

11 07 2008
MARU

uyyyyyyy! nakasabit pa rin ako sa top 5! (ok lang kahit nasa estribo na ako) wahooooo!

badoodles: @mare ayos pa rin naman. asa top ten. magbibigay daw ang the tshirt project ng libreng ‘humor shirt’ sa top ten. maliban pa yan sa matatanggap na kartolinang certificate. 🙂

11 07 2008
chuvaness

kelangaaaaan ko ng mga fllying boaters ngayun diiiiiin!!!! waahahahahahhaha

badoodles: @chuvaness anong ginagawa ng mga ka-blog sa wordpress pinoy community? hehe. ilang boto din yon.

11 07 2008
M

Wow! I am lucky and unlucky at the same time! wahoo! 13 is my number na! i love it! salamat po boss badoodles!

badoodles: @M kaya pang humabol sa top ten. may 3 buwan pa para mangalap ng boto. congrats din sau sa pamamayagpag ng iyong gray blog.

11 07 2008
cutedanger

congrats na mga nakapasok sa top… hehehe 😀 pare bakit ako wala dyan nyahahaha

badoodles: @pre next year baka makasali ka na.

11 07 2008
Tisay

go xG! wooooooot!! sana manalo si xG!!! weeeee!!!!

badoodles: @tisay sige makiki-woooooooooooooooooot na rin.. woot wooot woot! para naman akong jeep na barado ang pitada nito. hehe

11 07 2008
Maldito

still standing parin ako kahit duguan na?ahahhaa..salamat naman at pumasok ako ng top 10 pa rin..ewan ko lang sa finals kund nandyan parin ang pangalan ko…pero happy parina ko….frenships lahat ng top 10..mabuhay kami!

badoodles: @maldito isa ka sa mga pinaka consistent sa top ten. sana andun ka pa dun para sa pormal na anunsiyo ng top ten.

11 07 2008
reyna elena

puchang inday yan oo!!! hirap talunin!

nag-hubad na ako ang everything wala pa rin ako?! pano ba manalo dito? hmptt!!! wala bang pwedeng suhulan ditech?! hahahaha!

badoodles: @reyna elena haha. banggaang reyna elena at inday… sino ang magwawagi?

11 07 2008
reyna elena

ANAK NANG MARU! SI JOJITAH! SI MALDITO! EEEKKK!!! kelangan gumawa ako nang paraan ditoooo waaaaaa!!!

badoodles: @reyna elena minsan na namang napatunayan ang age old saying na ‘bird of the same feather… are colorful’.

12 07 2008
FerBertt

tangina pwede bang magmura?
shet! nagmura na pala ako!

number 4?!
di ba ako nananaginip?!

aykentbilibit!
21-22 lang ako nung 1st round..
7 nung round 2..
at ngayon 4 na!

this feeling is better than orgasm!
huwaw!

mahal ko lahat ng bumoto sakin!
weeeee!

badoodles: @fb anlakas ng mga hatak mo sa earthling. kunsabagay san ka pa makakahanap ng alien na nananagalog at nag-iilocano din. da wan. da onli.

12 07 2008
xG

salamat miss tisay
may promotion pa ako
mula sa iyo
hahahaha

wahahahaha
i am 700points short
of winning against
blogniinday

napapaenglish tuloy ako
potah
hahhahaha

proud ako
na ang mga kaibigan ko
ay nasa top 20
pero sa 15k talaga ako umaasa
ahahahaha

wala na akong pakealam
kung sino ang namber wan
inyo na yan
di ko kailangan yan
pera kailangan ko
hahahaha

badoodles: @xG makakabili na din ng laptop yang 15k na yan. meron akong nakita sa raon na laptop 15k lang, kaso kasinlaki ng na ref at tumitimbang ng limang kilo. hay, nagiging kaputaputahang korni na naman ako.

12 07 2008
kingdaddyrich

boss badoodles, iba na po URL ko. 🙂

badoodles: @kdr oo nga dotcom ka na pala. buti naman at wala na ung ‘googling eyes’ na makulit sunod ng sunod. pati pag cr ko sinusundan. hehe. sige papalitan ko.

12 07 2008
KokeyMonster » Boy Bawang

[…] taos puso rin akong nagpapasalamat sa mga taong bumoto sakin sa project lafftrip ni boss badoodles. Natuwa naman ako dahil mula sa rank 7 pang apat na po ako ngayon. maraming […]

badoodles: @fb patunay lang yan na marami kang fans. ilang libong fans na lang, magiging magkalevel na kayo ni dingdong dantes. at pag sumikat ka at mag-guesting sa sop, sana wag kang magli-lip sync pag kumakanta.

12 07 2008
Round 3: Road to the Finals – The Philippine’s Best Humor Blogs

[…] ang pagka-bitter ko mga kunichiwa nung nakita ko ang Round 3: Road to the Finals – The Philippine’s Best Humor Blogs ni Badoodles which is out na mga kunichiwa and me no like da result! Hmpt! Im fack, isasara ko ang […]

badoodles: @reyna hehe. sa dami ng kunichiwa mo, nasa kamay mo ang pagbabago sa ranking at bilangan.

12 07 2008
Calvin

boss badoodols, antagal namn netong pakontest mo. naluma na yung n70 na premyo. papalitan mo na ba yan ng iphone? hehehe.

badoodles: @calvin hehe, aktwali nagamit ko na nga ung n70 at pudpod na ung keypad. wala akong pang iphone, baka sa susunod pang pakontest ko yon.

12 07 2008
trina lavander

huwaw puro description ko ang ginamit mo boss badoodles ah! ahahaha. good luck sa mga kasali. lalo na sa aking pinakamamahal na mariano juancho. mwahaha

good luck sakin. sana manalo ako ng salapi okaya ng.. ay mas gusto ko ang salapi!!

badoodles: @trina ibang klase ka kasi magbigay ng description. binibigyan mo ng kakaibang kulay. ung puti nagiging dekolor. naniniwala na akong labandera ka nga… gudlak sa salapi…

12 07 2008
bleue

go madam X, go ginoong M, go mahalay na B, go go sago!hahaha! 😀

badoodles: @bleue [second voice] go A-Z! go zero to nine! go go sago!

12 07 2008
Jeck

“May limang blogs na bumoto pero nung binilang ko ulit, nagdelete na ng blogs. Wala akong magagawa kundi iinvalidate ang inyong boto. Ang masasabi ko lang sa inyo.. tsk tsk.. sayang ang prize”

~~~~~eto lang masasabi ko: BOBOTO ULIT AKO!!!! sayang ang prize!!! bwahahaha!

badoodles: @jeck oo sayang ang prize.

12 07 2008
Pedro

kay xG pa rin ako. kay Mr.D, kay mareng Ferberta at kay mariano huwantso. bwahahhahaha. mariano konti pa nasa top 10 ka na, siguro mga bandang november, bwahahaha.

15k, sa akin babagsak, nararamdaman ko. nyahahaha!

badoodles: @dat’s d spirit. pero pag nagwish ng 15k ispecify mo kung ano. may pagkabingengot na ang mga genie ngayon, baka bagsakan ka ng labinlimang libong atis, tsiko o kaya eroplano. :mrgreen:

12 07 2008
Leyn

akalain mong may bumoboto pa kay inday. lol.

good luck sa mga kandidato. naghihingalo na si M para mapunta sa top 10.

badoodles: @leynv hehe di pa din natin alam kung ano magiging resulta ng huling bilangan. si inday ba o si xg? hehe. at ang pinaka-exciting sa lahat… makakapasok pa si mariano huantso sa tap ten…

12 07 2008
BADoy

congrats sa lahat mga idol namin kayo!!! institusyon na kayo ng blog-o-sphere meaning medyo matagal na kayo..kun sa tao e di LUMA na… joke! heheheh

galing galing nyo!!!

12 07 2008
jojie

salamat sa mga bumoto pa sa’kin. Naniniwala na talaga ako na minsan may nauuto din naman ang alindog ko. wahahahaha!

13 07 2008
M

Pag ako napapasok sa top ten…. eh ipapagamit ko ang katawan ko sa inyo pangako! Kahit gaano pa kayo karaming bumoto, pipilitin kong magtira ng lakas para sa inyo!

Ay shet baka lalo akong mawala sa bilangan.

Inyo na yang 15k na yan, di ako aasa diyan, di ako swerte diyan eh. Pero joke lang.

SA AKIN KAYO MAPUPUNTA MGA PRIZES!!! I COMMAND YOU!!!

13 07 2008
xG

putanginang mga kaibigan ko
hahahaha

itinatakwil ko na kayo
nagkakalat kayong lahat dito?
potah
hahaha

hoy mariano at ef bee
antayin niyo magsalita
yung pinakamatandang senior citizen–
si mr_d_manding
hahahaha

13 07 2008
mandayamoore

gustong malaman ang mga names ng mga bumoto sa akin. season kasi ngayon ng durian, padadalhan ko silang lahat. sa mga hindi bumuto sa akin, mag-amoy bulok na durian sa sila! tse!

13 07 2008
enday

haha..
nalalapit na ang paghuhukom sa tunggalian ng mga sikat na humor blogs sa mundo ng blogging!!

palakpakan!
sana manalo ang mga binoto ko..

13 07 2008
Rhapsody

naks improving din ako kahit na super baba ng Rank hahaha…

14 07 2008
gasti

hahaha! natawa naman ako dun..saktong sakto pagkalagay sa pangalan ko nawalan na ng description..lols! pero kuntento nako sa mga nakasama sa top ten..magagaling yang mga yan pero mas maganda talaga kung ako mananalo ng prizes…kelangan ko yan pera!

14 07 2008
beero

conrgatz sa blogger friends kong nominado. woohoo! at dahil di nyo ko binu-bully, di muna ko boboto. hehe.

14 07 2008
Ayyang

pa-vote din ako. *blush*

14 07 2008
what’s on gasti’s mind? « The Invisible Blog

[…] yun lalo na sa mga lurker na hindi pa nagpaparamdam kahit kelan. naisip ko lang yan ngyon kasi nakita kong nasa ika 21-22 pwesto na pala ako sa pa-contest ni pareng badoodles at nawalan na ako ng…hindi naman makakaapekto sa ranking ng boto ang description na maibibigay nyo rito at lalong hindi […]

15 07 2008
This Game is not yet Over! « In short…Maldito.

[…] na po ang ikatlong round ng pacontest ni badoodles. Kasali parin ako sa taff ten, pero bumaba ang pwesto ko ng isa at kalahating hakbang lamang. […]

15 07 2008
Pedro

si MARIANO HUWANTSO ang pinaka the best na humor blogger. bwahaha. joke lang. hahaha. 😀

15 07 2008
dor

Mabuhay ang mga Pinoy na nakakatawa ng di pilit….

15 07 2008
mr_d

(ok, panglimang posting ko na ito. di ko alam kung banned ba ako o sadyang engot lang. pero dahil diehard pans talaga ako ni badoodles eh try ko ulit hahahaha)

Dear Badoodles

Dahil talaga sa pakontes na ito lumalaki ang ego ko. Halos kasing laki na nga ng bayag ko eh. Pero salamat pa rin sa lahat ng bumoto. At salamat sa traffic na pinapadala mo sa DEARDIARYA.BLOGSPOT.COM Biro mo dati 8 lang ang nagbabasa, ngayon 12 na.

Fans forever,
oxox
mr_d

16 07 2008
Mer Pints

Para sa aking panalo kayong lahat… Pinoy yata!

16 07 2008
FerBert

ayun tulad ng sabi ng institusyon na si mr_d.. maraming salamat sa pakulo mong ito at dumami ang traffic sa site ko..

wag nyo pang kalimutang iboto si XG, Ako, Mr_d,at Mariano isama na rin naten yung mga kaibigan kong nasa top 10 din. Boto nyo kame wag lang si Inday. Go Xienah!

16 07 2008
trina lavander

iboto nyo sina:
Mariano Juancho
Xienah girl
Greenpinoy
FerBert
Mr_D_manding

wee! wag na si inday. robot yan.

17 07 2008
M

Natutuwa naman ako’t hindi naharang ng AKISMET ang comment ni mr_d. Ayan na nga’t magkakasunod pa ang kanyang pasasalamat.

Ah, ehem.

Salamat po sa inyo boss Badoodles, sa palagay nagkaroon ng kulay ang blog kong gray dahil sa inyong website. Sana po kung manalo ako ng 15k, pumayag kayong makipaglitratuhan sa akin. Pipilitin ko pong ngumiti ng maganda sa abot ng aking makakaya.

Marami pong salamat.

Sana nga ay manalo si XG at tumaas pa ang ranggo ng mga kaibigan ko.

More power and less stress!

17 07 2008
McRey

WOW lakas ng karisma ni INDAY!!!

Kala ko pa naman nataod na siya… hahaha!!!

GUDLUCK sa TOUGH TEN (Janina?) Hahahaahha, im sorry!!!

Sana magparapol din ang T-Shirt Project sa mga bomoto…

17 07 2008
kingdaddyrich

salamat manong badoodles. at wala nang susunod na mata sayo pag babanyo ka. he hehe

18 07 2008
cHeRrY mAe

Badoodleski,

Ako ba yung isa sa payb na nagdelete ng blog[s]?! Ako ba yung isa dun sa mga tinutukoy mo ever?! If oo, mentioned na naman pala ako. <n_n;

Heniwey. Di ako nagdelete ng blog. Yung LJ ko kasi, eh. Kung sinuman yung nakialam nun, patay talaga sa akin. Hinahanap ko pa yung mga boto ko [tsaka yung iba kong entries]. Baka naman may kopya ka nung bowts ko. Yun na lang muna yung sa akin.

Lubos na gumagalang,
cheri-mey ~.^

* Pasensya na talaga. Feeling ko, pa-epal lang ako sa pakontes mo.

23 07 2008
Roxy

Mr. Badoodles Sir 🙂
Pano kung gusto ko pa mag add ng vote? repost ko ulit? hehe
pachekek nlng po make sure my entry is valid 😀

25 07 2008
donG hO

may mananalo pa ba kay kingdaddyrich?

26 07 2008
wei vines

di pa rin natitinag si inday..may iba naglipatan lang ng pwesto eh.. pero ayos pa rin..heheh 😀

31 07 2008
thetruasiatic

Wow Ranked #48 ako..di ko alam kasali pala ako dito.
sino kaya nagsali sa kin?

visit nyo site ko ha..mas maganda add nyo ko
kasi for contacts ang laman ng site ko eh.

7 08 2008
eiyelle

hello po!! sa wakas..masusulatan ko na din kayo..
una sa lahat ako po si eiyelle..kagagawa ko lang po ng blog ko..kasi gusto kong sumali sa inyong pakontes ..naadik na ako sa kababasa ng mga kwento nyu.hehehe! galing eh!!
nilink ko na po kayu ..sana ok lang po..
at nagpost nadin ako tungkol sa mga binoto kong blogs..paki link nalang din po ako http://hindiakosidarna.wordpress.com/
salamat salamat salamat.

9 08 2008
The Islander

pasalamat talaga sila at nahack yung reclamador na blog ko dati.
kundi taob lahat ng nasa listahan.
si inday, si kokeymonster, si reyna elena, si buraot.
pasalamat kayo!
hmpf! *bitter*
nyahaha

11 08 2008
rhyannefranz

kung binoto ko ba sarili ko? pang ilan ako sa listahan? Congrats sa mga top placers.

15 08 2008
byter

grabe! di parin matibag-tibag si inday. pwede bang manghingi nalang libreng t-shirt? donation lang po sa mga nadaanan ng baha at bagyo. salamat po!

15 08 2008
byter

best in english award!!!!

27 08 2008
Calvin

pareng badoodles, dahil sa tagal netong paligsahan mo, nagbago na yung domain name ko. calvinshub.com na hindi na po calvinshub.wordpress.com. pwede po bang mapalitan yung link ko? maraming salamat po. 🙂

badoodles: @calvin matagal talaga to… pang Olympics? hehe. sige memoryado ko naman. nag iisa lang ang calvinshub.

29 08 2008
greenpinoy

gahasain na natin si inday LOL

1 09 2008
Bombero King

BOMBA!!!…
congratz in advance sa mga mananalo..! 😉

10 09 2008
lethalverses

pareng badoodles, kelan po updating nitong votes?

eksayted na po kasi akong malaman hehehe….

at matanong ko lang din po, kelan po updating nitong votes?

salamat!

11 09 2008
mandayamoore

salamat sa lahat ng bumoto sa akin. ulanin sana kayo ng swerte sa buhay, hindi ko naman sinasabing babagyuhin ng malas ang mga di bumoto sa akin; masama yon.

ok lang po ang ranking ko. tanggap ko yan, kahit naman kasi sa sex, bottom ako.

yun lang at tse!

12 09 2008
14 12 2008
Anak ni Kulapo » Recount!

[…] para consistent, ganun din ang gagawin ko. Kasi naman no? Sa nakaraang bilangan ng mga boto sa pautot ni Badudels, na-stuck na ang bilang ng mga boto ko. Porti payb years na ang lumipas, nasa 2,700 pa tin ang boto […]

14 12 2008
Anak ni Kulapo » Cachupoy Blogs Update

[…] July 31, 2008 Lumabas na, at sempre late na naman bago ko mapansin, ang update sa pautot ng walang kapantay na si badudels ng kwentong barbero dot com ang mga nalalapit nang mga magiging champion na mga anak ni […]

21 09 2014
https://twitter.com/

It’s actually very difficult in this active life to listen news
on TV, so I simply use web for that reason, and obtain the newest information.

23 09 2014
web link

Call us Today Let us now discuss some of those who have authored books web
search engine on DUI cases. Chandler DWI attorneys and
medical. According to Attorney General Nichols says that you do not drink and drive.

He will be charged an hourly fee structure is one of the mediator the judgment is passed.

08% or more drinks than you should opt for it.
The offender should be web search engine as such. Though what they did?
For a first offense alone may result great trouble for an arraignment date
listed on your crime.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: