Long Kiss Goodbye, Lola

23 07 2008

Tatlong sunud-sunod na gabi akong hindi nakatulog.  Ganitong ganito din ako bago namatay si lolo.  Kaya pala lola, nagpapaalam ka na rin.  Ang weird naman ng superpowers ko na ‘to.  Sabi mo sa akin noon, ‘gift yan apo’ nung napanaginipan kong nadedbol ‘yung alaga kong tuta na kinabukasan ay nagkatotoo nga.  Pano naging ‘gift’ ang maramdaman ang pagpanaw ng isang minamahal?  Napakawalang kwentang gift naman nito.  Sana naman kung binigyan ako ng superpowers, ‘yung nakakalipad ako para iwas trapik o kaya makapag freeze ng tao para makapag-pickpocket ng mga cellphone.

 

Alala ko pa, andami mong mga payo sa akin noon. May mga seryoso, may mga parang nangti-trip ka lang.  ‘Yung iba may sense tulad ng, ‘Apo, wag ka munang titikim ng mani, bata ka pa, nakakaadik ‘yan’.  Totoo nga, nakakaadik nga.  Sori sa pagsuway.  Naadik ako sa mani. Ganun siguro kung anong pinagbabawal nakaka-curious gawin.  Buti hindi mo ko pinagtripan ng ‘Apo, bawal tumalon sa bangin, nakakaadik ‘yan’.

 

Gusto kong magpasalamat sa ‘yo. Kung hindi ka maagang kumerengkeng noon sa edad na kinse anyos, wala sana akong Mommy.  Dahil sa ‘yo nagkaroon ako ng mabait at lababol na nanay.  Pag kaharap ka pa ni Mommy, nakikita ko kung paano maglambing ang nanay ko sa ‘yo, nagpapaluto ng paborito nyang ulam.  Bihira ang ganong pagkakataon na makita mong bumabalik sa pagiging ‘anak’ ang sarili mong magulang.  OA tignan pero ok na din.  Kulang na lang sabihin ni Mommy sa ‘yo, ‘Ma enge allowance’. 

 

Salamat sa pag-aalaga niyo sa kin ni lolo nung bata pa ako.  Alam ko, medyo matigas ulo ko noon.  Minsan pinabili mo ko ng mantika.  Sa halip na bumili ako ng mantika, pinambili ko ng babolgam na Bazooka ‘yung pera.  Tapos ‘yung supot inihian ko saka ko binigay ko sa ‘yo, sabi ko mantika ‘yun.   Nagtataka ka, kanina ka pa nagpiprito pero hindi man lang tumatalsik ‘yung mantika.  Siyempre, ihi kaya ‘yun alangan naman makaprito ‘yun.  Saka mapanghi ang ihi hindi mo man lang naamoy.  Ako pa sinisi mo.  Hindi ka man lang marunong mag-appreciate ng joke.

 

Meron pa ‘yung nagnenok  ako ng bunga ng papaya sa kapitbahay nating pulis.  Para papaya lang andami mo nang sinabi sa ‘kin.  ‘Yung native na manok, wala naman talaga akong plano na kunin din ‘yon kaso sobrang amo sunod ng sunod sa akin.  At ‘yung anak nung pulis, wala akong intensiyong tiradorin ‘yun sa ulo, nabigla lang ako dahil pinahabol niya ako sa aso.  Galit na galit sa ‘kin ‘yung tatay na pulis.  Hindi naman ako maipa-barangay ni Pulis Patola dahil si lolo nga ang barangay captain.  Sabi mo wag ko nang uulitin, masamang kumain ng galing sa masama. Sawa na kong marinig sa mga pangaral mo kaya may layas layas epeks pa akong nalalaman.  Kaso di ko mapanindigan,  nagutom ako, kaya kinagabihan umuwi din ako.  Sa gate pa lang, nakita kitang nag-aabang sa ulan, naghihintay sa pagbalik ko.  Hindi mo na ko pinagalitan.  Pagpasok ko sa kusina, nakahanda na ang hapag kainan, naamoy ko agad ang  masarap na tinola.  Kala ko ba bawal kainin ang galing sa masama?

 

Naasar pa ako noon, kasi ang tawag mo sa akin ‘pulongkutoy’, parang katunog ng kampon ng mga kuto.  Pero ganun ka siguro magmahal ng apo.  Weird.  Sana tinawag mo na lang akong ‘pulgas’, ‘buni’ o ‘hadhad’, mas disente pang pakinggan. 

 

Hapon na. Oras na para ihatid ka sa ‘yong huling hantungan.  Madilim ang mga ulap, gustong makiramay at magbuhos ng isang mabigat na bagsak ng ulan.  Hindi na kita maihatid baka maiyak lang ako.  Ayaw mo ng apong iyakin, namimingot ka.  Baka mamya bigla kang bumangon dyan sa kabaong tapos pingutin mo ako ulit.  Basta, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, ehemm… ehem… mahal na mahal kita.  Salamat sa pag-aalaga sa akin.  Sayang hindi mo na naabutan ang apo mo sa tuhod sa amin ni BebeKo.  Bye bye.  Baunin mo sana ang masasayang alaala, pagmamahal namin, at munting panalangin na sana magkita kayo ni lolo sa kabilang buhay at dun ituloy niyo ang inyong labing labing forever.  Sa pag-alis mo, hindi lang ako nawalan ng isang lola, nawalan din ako ng isang kaibigan.

Advertisements

Mga Tugon

Information

74 responses

23 07 2008
randomdemeanor

condolence po…nung mamatay ang lolo’t lola ko sa mother’s side..sobrang lungkot kasi di kami nakahatid sa libing.walang masakyan na barko patungo sa province nila mama kaya ayun sa bahay nlng kami nag-iiyak…

badoodles: @random salamat. ano un sabay silang pumanaw? sobrang magmahalan ang lolot lola mo parang romeo and juliet…

23 07 2008
pEpPeR

Nakakatouch naman po itong inyong story, parang super cool naman ng lola mo! Nice blog! I add you to my link!

badoodles: @pepper super cool na talaga si lola. malamig na siya ngayon.

23 07 2008
FerBert

condolence po sir badoodles.. 😦

badoodles: @fb hindi ko alam kung anong isasagot pag sinabihan ako ng condolence. basta alam mo na un. nagkakaintindihan na tayo. half alien half tao naman ako.

23 07 2008
Pryss

my condolences badoods…i cant say anything to help you heal but i hope knowing that someone is always there and willing to help you in any way can ease a bit of the pain.

badoodles: @pryss ok nako. laging sinasabi ng lola, ‘kailangang bitawan ang kahapon para magpatuloy ang ngayon’. pinahirapan nya pa akong i-digest. ang ibig nya lang sabihin, ‘move on’.

23 07 2008
antuken

my condolences. buti ka pa inabutan ka ng lola mo maka-gradweyt at makapag-asawa. i was a lolo’s girl pero he died while i was 9. at ang lola ko naman when i was in hs. sooper hitler-like ang lola ko, pero i learned how to handle my money from her (read: kuripot, hehe).

she’s in a better place na.

badoodles: @antuken ako lolo’s boy din. mas peyborit ako ng lolo. yang mga matatanda, hindi man nila aminin, may kanya kanyang peyborit din.

maagang nag-asawa sina lola, idol ng mommy ko kaya teen-ager pa lang myembro na ng kerengkeng girls

23 07 2008
jr

aww.. condolence po

badoodles: @jr thanks

23 07 2008
camilleeee

condolence po kuya.

ganun ata talaga…. lahat tayo sa mundong to, nakikiraan lang. san man siguro sya ngayon, alam nating masayang masaya sya.

badoodles: @camilleeee ganun din paniniwala ako. mag-isa kang dumating sa mundo. mag-isa ka ring aalis. we’re all alone.

23 07 2008
xG

wala akong lola

hindi ko kinagisnan
ang kahit isa
sa mga lolo at lola ko.

badoodles: @xG di bale siguradong may lolo at lola naman si john lloyd.

24 07 2008
Tisay

my condolences to you badoodles. she’s in a better place now, one where global warming doesn’t exist. =P

you made me miss my grandma. =)

badoodles: @tisay nakaka-miss pero kailangang magpaalam. ano kaya itsura nila pag kaluluwa na lang, back to their teenage face o matanda ang itsura?

24 07 2008
Maldito

condolence bossing…

sana naransan ko din ang mga ganyan sa lola ko…kaya lang ang naalala ko lang eh nung pinahatid ako ng tinapay sa deaht bed ni lola…

pinagalitan pa ako ng tatay ko kasi nung nag hug si lola saken, pag uwi ko nagreklamo ako kung bakit amoy lupa si lola..

pero ano naman ang magagawa ko, eh bata pa ako nun…

tumawa nalang si itay,..iwan ko ba baka ako siguro ang reason bakit namatay si lola…

isama na din si Lolo..

hu hu hu

badoodles: @maldito masakit mang sabihin ang katotohanan, pero ikaw talaga ang reason. pasaway kang bata ka. 98 na lola ko aktwali malakas pa rin pero bingengot na nga lang.

24 07 2008
shelley27

condolence badoodles..

alala ko ang lola ko ang tawag sakin nung bata ako ispirikitik..i have no idea kung ano nga un eh..hehe wala na mga lolo at lola ko on both sides..nakakalungkot..nde nila ko nakitang nakagrad na ng college..pero ok lang..lam ko somewhere out there lam nila ang mga nangyayari sakin..they are still here with us in our hearts..memories nila..it’s just time na for them to rest..

anyweyz..meron na akong blog dito sa wordpress..inaayos ko pa eh..pag ok na..lagay ko link mo dun ha..sana mapadaan ka din dun…=)

badoodles: @shelley isprikitik? parang kamay na nagsusugal ang tunog. parang sugapa sa pagmamajong.

ok na un. mahirap naman ung 150 years old andito pa rin sila pa-shopping shopping, nagma-malling, unfair un dahil ang iba hanggang 67 years old lang ang abot, sobrang lakas na nila kay papa jesus pag ganun.

24 07 2008
b@kekang

singhot..hikbi..namimis q sa lola q( sa father side) yung masasarap nyang luto..at alam q mgpapakita n nman xa saken sa panaginip kc sabay birthday namen..sa august…

badoodles: @bakekang ipagluluto ka nya sa birthday nyo. awoooo!!

24 07 2008
kulot

condolence lakay, buti ako meron pa lola ko pero feeling di na rin magtatagal

badoodles: @kulot wen lakay. ganun talaga, sooner or later they need to rest. tapos tatanda din tayo, magpapaalam sa mundo, tapos iba-blog ng mga apo natin ung pagkamatay natin.

24 07 2008
beero

sad to hear that, kuya bosing…

nagawa mo pa ring magpatawa ah. that’s the spirit! naalala ko tuloy ang lola ko. medyo sakitin na rin kasi.

badoodles: @beero denial stage pa lang siguro ako. di pa nagsisink in na wala na si lola. baka next week magsimula na akong ngumawa [delayed reaction? ]

24 07 2008
gladita

langya ka badoodles! pinaiyak mo pa ko eh nasa opisina ako. haay . . . naalala ko tuloy ang lolo ko. mas mahal nila ang mga apo kesa mga sarili nilang anak ano. i’m sure your lola had a great life. imagine nag-asawa ng 15 anyos sya. astig! isang tagay para kay lola mo!

badoodles: @gladita hehe. oo she had a life well lived. aga ba namang nag-asawa. siya ang reyna ng mga kerengkeng girls.

ganyan siguro role pag mga lolo’t lola, spoilers ng mga apo.

24 07 2008
mangbadoy

my condolences to you badoodles. i am sure asa langit na lola mo kasama si lolo mo…

badoodles: @mangbadoy thanks. oo asa langit na sila. masayang naghahabulan, tagu-taguan at naglalambutsingan sa mga ulap. romantik na mga PDA senior citizens

24 07 2008
tough-happy girl

My condolences Badoodles. Sad naman. 😦 naalala ko tuloy ang lola ko, i had so many memories with her kasi she lived with us. Ganyan din sya, medyo istrikta pero mahal na mahal ako, everyday hindi sya natutulog hangat wala pa ako sa house. Kaya sobrang sad talaga ng mawala sya, i’ve seen her passed away pa naman kasi ako bantay sa hospital that time. 😦 Nakakamiss talaga ang mga lola.

badoodles: @tough happy oo nagsipagbalikan nga lahat ng memories ko nung pagkabata. soooper sad. malambing pa ung lola ko. kahit nagagalit kala mo sinasabihan ka ng ‘gusto mo timplahan kita ng kape’.

24 07 2008
MARU

my condolences, pareng badoods. nakaka-relate ako. kanina lang din sinundo ang kuya ko ni Lord. nalagasan na naman kami ng isa sa pamilya. masakit pero kelangan ituloy lang ang buhay.

badoodles: @mareKo panahon yata ngayon ng pamamaalam. condolence din sayo. kailangan natin ngayon ang isat isa. payakap [ung walang malisya].

24 07 2008
dansolayao

I envy you for having lolo and lola like them. I never had the chance to experience what you had with them. But i heard from my cousins in the province that my lola was very “masungit”. Kaya, ok na rin di ko sya na-meet.
At any rate, as your lola said “move on”.

badoodles: @dansolayao sayang naman. masarap pa rin ung minsan pinalaki ka ng lolo at lola. mas lalo mong makikilala at mauunawaan ang magulang mo thru them. ayoko

24 07 2008
yas

superbo.

[yas]

badoodles: @yas ha? ok

24 07 2008
ilocano

condolence kabsat…

badoodles: @ilocano agyamannak pre

24 07 2008
Pedro

nakikiramay ako sa’yo at sa’yong pamilya. kasabay ng pagpanaw ng iyong lola ay siya rin namang pag-iiwan ng mga mala sundo’t kulangot sa tamis na alaala. mukang matanda nman na din siya. nararapat na din ata talagang mamahinga. ang importante ay nasa mas maayos na lugar na siya. magkikita na sila ng lolo mo at OXOX na uli sila. at dun sa lugar na yun ay siguradong wala ng katapusan ang ligaya at silang dalawa ay kailanman ay hindi na maghihiwalay pa.

badoodles: @pedropenduko matanda na talaga siya. 98 wonderful summers in her life. pero para sakin, mukang baby pa rin. tignan mo nga, pwede pa siyang magpose sa fhm gurang edition.

24 07 2008
ellieshe

nakikiramay ako kuya..

badoodles: @salamat babaeng ely buendia

24 07 2008
beero

baka nga nasa denial stage ka pa ngaun kuya bosing. eventually magsi-sink din sayo ang reality. may piktyur na pala si lola sa post na to 😦

badoodles: @beero oo, pinost ko. para kahit mawala wallet ko, may picture pa rin siya sakin na laging bumubulaga. ewan. trip ko sigurong takutin sarili ko.

24 07 2008
Elcan

My Condolences po kuya..

badoodles: @elcan salamat ng marami sayong condole patola, upot kalabasa…

24 07 2008
ayyzzz

condolence po, ser baduds…
nakakalungkot naman 😦

badoodles: 😦

24 07 2008
Ayyang

awww kaya pala nawala nang matagal ang kuya. Kakalungkot naman. Condolence po. Okay lang yan Kuya..masaya na si Lola dun (naki-lola na din.hehe) okay na din na nauna siya sa inyo para maipaghanda ka niya dun. hehe.

badoodles: @ayyang hindi naman halatang pabalik balik ka para magtsek kung may bago akong post. yaan mo back to regular posting nako dis week. sana. i hope. dami din kasing trabaho. sagabal sa pagba-blog

24 07 2008
randomdemeanor

badoodles: @random salamat. ano un sabay silang pumanaw? sobrang magmahalan ang lolot lola mo parang romeo and juliet…

sabi ko na nga ba eh…ganun iisipin mo hehe..di naman cla sabay natigok…magkasunod nga lang…nauna si Lola after a few weeks (or months ??di ko na maalala)…sumunod si Lolo…ang dahilan ng pagkamatay nya?…dahil labis na nalungkot sa pagkamatay ni Lola..namimis siguro nya ang pagtatalo nilang dalawa nung buhay pa sila….anu kaya dahilan pagkamatay ng Lola ko?…ang pagtatalo nila ni Lolo palagi???..hala, malamang ngayon, nagtatalo pa rin sila…saan man sila naroroon….^_^

24 07 2008
R.J.

talaga yatang maaaga mag-asawa ang mga lolo’t lola natin nung panahon nila, tanan tanan pa ang uso noon eh.

condolences, nakakalungkot talaga kapag mayrong nababawasan sa pamilya. parang napapaisip isip tayo na ang buhay natin ay totoong hiram lamang. amen.

24 07 2008
pEpPeR

Ay oo nga pala! suri nawala sa isip ko! Condolence po!

24 07 2008
aga

mula sa aking puso condolence parekoy!
naalala ko tuloy ang lola ko …. hay ayun cguro magkikita sila dun at tau naman ang pagkukwentuhan nila ang mga pasaway na apo! asust.
dont wori ipagdadasal ko ngayon promise 🙂

25 07 2008
jing

condolence badoodles. hanga rin ako sa iyong tapang sa pag tanggap ng katotohanan ng buhay. masakit ngunit nagawa mo pa ring gawing masaya kahit paano. mabuhey ka!

25 07 2008
ulan

nakikiramay ako sa iyo, badoodles.

25 07 2008
jH3nZk!3

cOndOLeNcE Mr. bAd0odLes…

dOnt wOrRy…
shE’s iN
GODS KINGDOM….

takE cAre…

25 07 2008
Anino

Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong lola.

25 07 2008
b@kekang

wak u n me ipagluto sa birthday naten lola..marunong nman me mgluto d ba?tinuruan u nman me dba?d u rin me yayakapin sa birthday naten kc alam u n super duwag at matatakutin me dba?..dadalawin n lng kita sa puntod u… promise..

p.s ang ganda ng lola q kc me lahing kastila..malas q nga lng dun me ngmana sa lolo q n me lahing ita

25 07 2008
popoy

ang lungkot ng entry na to. masaya din kasi porshur kuya badoods eh magkasama na si lolo at lola mo sa langit. dun na sila naglalabing labing poreber. 😀

naku ayoko ikuwento yung sa lolo at lola ko kasi pedeng pang THE BUZZ ang istorya. condolence po!

25 07 2008
jayr

Condolence badoodles…kakalungkot talaga ako din nung namatay lola ko super lungkot ko nun kasi isa ako sa nag-alaga sa kanya nung may sakit na siya eh.

25 07 2008
eNocH

nakikiramay…

25 07 2008
sugarushafterglow

Ooops, ang tagal kong nawala and then ang sad pa ng entry. Anyway, my condolences. =) Ang ganda ng relationship nyong mag-lola.

(afterthought): I hope my lola will still be alive pag nagka-apo sya sakin in 5 or so years.

25 07 2008
Palito

Nakakaiyak. Namiss ko tuloy mga lolo’t lola ko. My condolences, Idol.

25 07 2008
Anju

Condolence.. nakaka iyak naman to, nakakarelate ako. Naalala ko tuloy ung lola kong biniro namin na kapag nadedo sya, ihahagis lang namin sya sa ilog, kaya ayun nung namatay sya, nagulat nalang kami may 15 thousand sya sa bulsa. Parang pinag-ipunan talaga ang libing nya. Ang hirap talaga pag matanda na, maramdamin, di na marunong makisakay sa joke. Bilib parin ako sayo badoods, naghihinagpis ka na, kakatawa parin ang entry mo. Anyway, Condolence ulet.

26 07 2008
prinsesa000

condolence…

i hate death.. namimiss ko tatay ko… huhuhuhu

26 07 2008
litz

kuya badoodles nakakaiyak na nakakatawa naman tong’ entry mo na to’…

26 07 2008
ka silyas

condolence… yun lang

26 07 2008
dansoy

kuya doodles, nakaka-panglulumo naman ang entry na ito. Most of us remenisce our love ones who are already passed away. at isa pa. Takot ako sa mga death story, eh eh.! alam mo na.!condolence kuya doodles

27 07 2008
angel

my condolences po.. kelan lang din namatay yung lola ko. Sayang lang kasi may plano pa naman akong patirahin na yun dito sa bahay tas ayun la na.

Pero naiiyak ako na natatawa sa entry mo kuya.

27 07 2008
madbong

nakikiramay ako parekoy

27 07 2008
mcrey

Condolence kuya.

Pero at leaset masaya na siya kasama si lolo.

Ganyan naman talaga ang buhay, people come and go but memory remains. If you find happiness with her memories then you’ve already accepted it.

27 07 2008
watusiboy

condolence badoodles.
at least she’s in a better place now.
nakakatawa at nakakalungkot ireminisce yung mga moments nyo ng lola mo.
namiss ko tuloy ang lola ko. nasa america na kasi yun. pareho sila nung lola mo. maaga ring nag-asawa kaya nakarami ng anak. uso yata yung dati.

27 07 2008
akosimakoy

haiz. namiss ko tuloy ang lola ko….. kakaiyak naman.

27 07 2008
earthlotus

haish, buti ka pa.. nakasama mo lola at lolo mo.. wahh, nakakainggit ka ser badoodles!

ako eh hindi, condolence po..

sana magkita lola ko pati lola mo sa heaven, haha. ^_6 baka sakaling magkrus ang landas nila dun eh!

27 07 2008
phot

mr. badoodles, churo po kasama na siya ni God..
Condolence po..
anlungkot magpaalam..:(

27 07 2008
phot

mr. badoodles, cguro po kasama na siya ni God..
Condolence po..
anlungkot magpaalam..:(

27 07 2008
phot

mr. badoodles, lam nio ung kntang Bye Bye ni Mariah Carey??

27 07 2008
mahiwagang_sibuyas

kundolens pulongkutoy..

namiss ko din tuloi ang aking butihing lola.

sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.

28 07 2008
libay

Condolence Badoodles.

28 07 2008
jepoy

condolence tol

di kame close ng mga lolo @ lola ko pero I know how it feels

kaya yan mamaya konti lolo ka na din hehe

peace!

28 07 2008
Jhaynee

my deepest condolences to you idol..

29 07 2008
shelley27

uu badoods..parang nagmamajong ang tunog at panay pitik..hehe ispirikitik.. ewan ba san nakuha ng lola ko un..nde ko naman matanong..at baka bigla cya mag appear sa harapan ko para sagutin ang tanong ko di ba..hehehe

dami mo pala kapatid nuh..hehehe dami natawag saung kuya eh..makitawag na din kaya ako..hahaha

29 07 2008
MS PANDA

buti pa sila, namahinga na…

kakamatay lang din ng lola ko, last,last week…

condolence!

29 07 2008
Ayyang

pabalik balik po talaga ako dito lalung-lalo na pag gusto ko tumawa =D

29 07 2008
COLDMAN

with my prayers and sympathy.

29 07 2008
Lenggai

kakaiyak naman post mo ka badz, lola’s gurl kasi ako at hindi ko maimagine kapag nawala na siya. gusto ko, kung pwedeng takasan yung sakit, mauna na lang ako. 😦

condolence.

30 07 2008
pau

Aww.. condolence po. buti ka nga andun ka to pay your last respects. Samantalang nung namatay lolo ko, i wasn’t there kasi ang layo namen sa Pinas tsaka magastos sa plane ticket. Kaya tatay ko nalang nakauwi. 😦

Wrong timing pa kasi namatay lolo ko birthday na birthday namen ni kuya (yes, pareho rin kaming magbirthday ni kuya). Ang weird. June 6 kasi. RIP nalang sa lola mo. And may God shine his perpetual light upon her and others who have left this world as well.

30 07 2008
ELIment

condolence………………………………

31 07 2008
Kotsengkuba

believe me when I say I’m not good at this. condolences, pareng badoods.

1 08 2008
auee

I visited your blog a few days ago but I didn’t get to read this entry… Seryoso pala. Condolence ha.

Close din ako sa Lola ko. Like you I put her way UP there with the few people I look up to. Astig.

We’re both lucky to have great memories about them

1 08 2008
annenoneymous

condolence, idol… late ako… ngaun lang uli nakapag internet weh… busy sa work…niwei, san man lola mo ngaun, i know happy siya kasi u turned out ok… very touching piece po…

2 08 2008
mich

condolence,,, kaka touch 😦

buhay pa lola ko (just celebrated her 80th bday last May) now parang namiss ko sya,, ayaw ko ata dumating ung time na magpapaalam na din kme sa kanya.

15 08 2008
byter

condolence sa’yo papi badools.

di ko alam kung swerte or malas lola at naging apo ka niya…. 🙂 pero isa lang ang sure, ang swerte mo kasi may lola ka na kagaya nya.

24 08 2008
shas

ang ganda naman. hindi ko alam kung tatawa ba ako o malulungkot.. 🙂

badoodles: @shas ako na lang ang magdedesisyon para sayo. ‘malungkot ka! malungkot….’ repeat ten times.

15 10 2008
miss_tracie

condolence.
(nakakalungkot na pangyayari na mamatayan lola)

pero Nakakatawa post mo…
makapag basa pa nga ng iba..
1st time ko maligaw sa page mo 😛

21 04 2009
JeffJeffJeff

ang lupet…
dito mo na nilalabas ang mga nararamdaman mo…
saludo ako sayo… dalawang kamay!

Ctrl+D= “Book Mark this Page”

ngayon lang ako nagkaroon ng hilig magbasa ng blog…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: