Letter To My Future Son

1 08 2008

Badoodles Junior,  Hoy ano na?  Excited nakong makita ka.  Kelan ka ba lalabas?  Antagal-tagal ng siyam na buwan.  Pwede bang labas ka na ng pitong buwan pwede na ‘yun.  Laro tayo ng football.   Tapos magpapancit tayo.  Tapos sama kita sa beerhaus.  Tuturuan kita pano mang-tsiks ng kahit walang pera.

 

Dalawang beses nang pinarinig sa ‘kin ni doktora ‘yung heartbeat mo gamit ang doppler.  Putik.  Anlakas ng tunog para kang rakistang nag-go-growl.  Ambilis pa. 150 beats per minute.  Pukinginangsheet.  Siguro kaskasero ka paglaki mo.  Baka maging magaling kang jeepney driver paglaki mo.  O kaya high speed kubrador ng hweteng.  Watdahek, basta makabuhay ka ng pamilya, oks na sakin ‘yun.  

 

Nakita na rin kita sa ultrasound. Syempre wala namang pinagkaiba, mukha kang baby. Sabi ni doktora, matangkad ka raw pero anliit mo pa rin tignan.  Pero syempre mas cute ka sa ‘kin.  Enero pa lang, hiningi na kita kay Mama Mary.   Sabi ko, ‘Mama Mary pa-order ng isang cute na badoodles junior na kasintakaw ko kumain’.  

 

Lam mo bang hindi matanggal ang ngiti ko pag naiisip kong magkakaroon na ako ng Badoodles Jr?  Pagpasok sa opisina, iniisip na nga ng mga nakakasabay ko sa elevator na baka manyak ako.  Lalo pa’t napapakapit ako kung kani-kaninong pwet dahil sa excitement.  ‘Yung tindera sa canteen, nagtaas ng kamay, kala holdap.

 

Pag niyayakap ko si BebeKo sa tiyan, sabi niya sumisipa ka raw, ayaw mo.  Kabata-bata mo pa lang possessive ka na.  Sige pag labas mo, sisipain din kita makita mo.  Hehe.  Ang likot mo na nga, palipat lipat ka pa ng lugar.  Iskwater boy in da making. 

 

Pag malaki ka na, una kong ituturo sa ‘yo ang pagbasa ng traffic lights.  Red is stop, green is go. Dami kasing Pilipino ngayon antatanda na hindi pa marunong sumunod sa batas trapiko .   Wala lang.  Trip lang kitang palakihin na socially aware saka responsable.

 

Palaging magpasalamat sa taong mabait sa ‘yo.  Ang Mommy mo, tinitiis lumunok ng mga bitaminang kasinlaki ng bato ni Darna para siguradong kumpleto ka sa nutrisyon.  Sabi ko kay BebeKo huwag gaano, masobrahan ka ng nutrients mamya tubuan ka ng tatlong mata.  Hindi ka na cute. 

 

Cool akong daddy.  Kung anuman ang gusto mong gawin sa buhay paglaki mo, igagalang ko ‘yun basta wala ka lang aapakang ibang tao.  ‘Yan ang gintong batas ng buhay.  Don’t shit others if you don’t want others shitting you.  At kung may mambully sa ‘yo sa school at hindi ikaw ang nauna, bahala ka nang mag-decide kung ano sa tingin mo ang tama sa mali.  I won’t judge you, I’m not a book.  Ang masasabi ko lang, ‘yang mga bully na ‘yan, bumabait ‘yan pag tinatarakan ng bagong tasang lapis sa mata.  [sipol]

 

Pero syempre wag mo naman akong tatablahin dahil kahit junior kita baka makatikim ka ng full swing na palo ng bat o batuhin kita ng granada.  Ang tatay ko, nahabol na ako ng kutsilyo kasi mayabang daw ako.  Hindi malayong maghabulan din tayo ‘pag mas mayabang ka sa ‘kin. 

 

For the record, pumapayag na ‘kong kahati kita sa dede ng Mommy mo.  Aprub.  Basta sa kaliwa ka lang ok? Sa kanan naman ako.  Buti nga kayong mga baby, konting pihit nyo lang ng iyak, nilalabas agad ng mga Mommy ang dede nila.  Kami kahit siguro umiyak kami ng todo todo, ayaw kaming padedein agad-agad.

 

Paglabas mo, alam ko na kakumpitensiya na kita sa lahat ng bagay tulad ng yakap ni BebeKo, atensiyon ni BebeKo, at pagmamahal ni BebeKo.  Tandaan mo, seniority first.  Dapat igalang ang nakatatanda.  Lalo na ang matandang isip bata.  Saka isa pa, pinakaimportanteng dapat mong tandaan, ako ang may-ari ng remote control sa bahay.

 

Hehe biro ko lang mga yan.  Huwag kang seryoso paglabas mo kundi hahatakin ko ‘yang bunganga mo ng pa-horizontal para mapilitan kang ngumiti.  Life is good.  Sabi nga ni Louis Armstrong, ‘watta wonderful world’.

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

85 responses

1 08 2008
MARU

pucha! parang ako rin nai-excite! kelan ba daw iire si marengbebe ko? sana nga maging malusog si dayunyor sa paglabas.

badoodles: @mareKo sa enero sabi nung OB. kinakausap ko na nga din para paglabas pa lang nya, magkakilala na kami. sabihin sakin, ‘dad how r u? musta ka na?’ hehe.

1 08 2008
auee

Naks naman! Tatay badoodles…

Pareho kayo nang asawa ko, ang main goal sa buhay ay turuan ang anak naming dumiskarte sa mga babae. I’m sure ts-tsek mo din titi nyan pag labas!

“Buti nga kayong mga baby, konting pihit nyo lang ng iyak, nilalabas agad ng mga Mommy ang dede nila”

You’re not too off-target… Pag umiiyak or near feeding time na ni bebe, kusa na pong tumutulo ang gatas. Dapat lagi kang may kape o tsaa, sayang e. EEWWW 😛

badoodles: @auee yehey! makakapagmeme na ako na may gatas. [chant] meme! meme! meme!

1 08 2008
sugarushafterglow

nakakaiyak na nakakatawa yung post mo. ewan ko kung mato-touch ba ako o ano.

badoodles: @sugarushafterglow pang-exercise talaga to kung pano ngumawa at humalakhak ng sabay. galing no? hehe

1 08 2008
annenoneymous

huwaw! sayted na sayted! go, go, go!

siguro ikaw ung cool daddy na hardworking pero super funny pag kasama mo na si junior mo… i can imagine u running along the park with ur junior, ung kahit maputikan na mukha mo o maging madumi na itsura mo e ndi mo papansinin as long as nagkakatuwaan kayo ni junior mo… the one who’d make faces just to make his son laugh but would be too concerned and serious pag maysakit ang anak nya… niwei, sayted na rin kaming makita junior mo… tc po and tc of ur bebemo… 🙂

badoodles: @annenoneymous oo ako si ‘daddy cool daddy cool laging nagtiticool’. sana nga maging mabuting ehemplo ako sa aking future child. 😀

1 08 2008
Tisay

rawr! astig!! exciting nga. heheh! galing galing!

maganda nga maturuan mo kagad ng batas trapiko si badoodles jr. chaka ng sabihan mo na rin na tatawid lang dun sa mga linya. wah. heheh! apir!!

badoodles: @tisay tuturuan ko rin siya pano gumamit ng u-turn. ung opismeyts naming babae hindi marunong. u turn ng u turn nahihilo na kami. tinanong ko kung bakit, sabi nya, ‘kasi sabi nung sign, u turn slut daw eh’. hehe

1 08 2008
xG

oh siya
sige na
aantayin ko na yung anak mo
para maging siyota ko
hahahaha

wag ka magalala
mabait akong daughter in law
at least alam mo na naging buhay ko
di ka na magaarkila ng assassin
hahahaha

di ko papaiyakin si badoodles junior
pero sana kapag ako naman pinaiyak nun
ako kampihan mo
hahahaha

badoodles: @xG naku wag na, kukwartahan ka lang ng anak ko. hehe. sige na nga, ngayon pa lang pag-usapan na nating ang inyong kasal.

2 08 2008
Anju

Nakaka loka naman.. pati anak pinagseselosan. Hahaha.

badoodles: @anju oo seloso ako. pati upuan namin sa bahay pinagseselosan ko. kaya nga sa lap ko pinauupo ang misis ko. 😉

2 08 2008
randomdemeanor

hahah..hang kyut…cguro pag naging binata na si Badoodles jr., mas matinik pa sa chix yun..hahahh..sana turuan mo rin syang magkalat dito sa blogosphere ….anu kaya magiging laman ng blog ni Badoodles jr., nursery rhymes?!!! hehehe…ang tanong eh..kung uso pa kaya ang blogging pag natuto nang gumamit ng computer si Badoodles jr.?…
mararanasan mo na ring magpalit ng diapers, maglaba ng lampin, magtimpla ng gatas, ano pa ba…ang maihian ni Badoodles jr. ang uniform mo kung kelan patungo ka na opis???? *ngisi*

badoodles: @random oo sabihin ko sa kanya, ‘anak ex links?’. kung ayaw nya, babatukan ko siya, babawasan ng allowance saka grounded sa paggamit ng internet.

2 08 2008
trina lavander

wow. sana pag nagkaron ako ng anak, ganyan din ang isipin ng tatay nya. Congratulations sir badoodles.

badoodles: @trina oo naman. dabest experience talaga to. salamat mam trina. hehe

2 08 2008
FerBert

napangiti ngayon malungkot na araw dahil sa entry na to..

sana ikaw na lang naging tatay ko! hahaha
Congats Sir!

badoodles: @fb hindi ko pa alam kung pano ba talaga maging tatay, kumbaga pagpapraktisan ko muna tong panganay ko. parang guinea pig. hehe. bakit lahat ng tao ngayon nagse-ser sakin. pweden namang bosing? haha!

2 08 2008
camilleeee

pati kaming mga readers mo kuya, eksayted na sa paglabas ni jr. badudels hehe. sigurado ang kulet din nya. (kunyari di namin alam kung kanino nagmana nyahaha 😆 )

sana paglaki ni jr. mabasa nya ang post mo na to. tsaka ngayon pa lang, bili ka na din ng madaming remote controlssssss. hehe 😀

badoodles: @camilleeeee gusto kong matuto agad siya sa buhay. kapapanganak pa lang nya, tuturuan ko na siya paano maligo mag-isa, kumain mag-grocery ng walang pera. hehe.

2 08 2008
litz

kuya badoodles, i’m sure hindi lang oras ni bebemo ang mahahati, pati na rin ang oras mo syempre,.swerte mo naman at junior ang panganay mo!Post mo agad pictures pag naipanganak na ng mahusgahan kung sino ang malakas dugo sa inyo ng bebemo..

badoodles: @litz aktwali hindi pa namin alam ang gender. basta ang alam ko nung nagp-pray ako kay mama mary humingi ako ng anak na lalaki. kung hindi lalaki, malamang hindi ako humingi nun.

2 08 2008
Pedro

Parang gusto ko na din tuloy magkaanak. Pero pano naman mangyayari ‘yon? Syota nga walang magkamali, anak pa. Hahaha.

Gusto ko ding maging cool na daddy. Bibilan ko agad ng mga fhm, at sex scandal sa quiapo si Jr. Tapos tuturuan kong gumamit ng condom, tipong seks edukeysiyon. Pati withdrawal at pagbibilang ng 3 days before and after. Maganda na yung alam niya, baka kasi 13 yirs old pa lang siya eh magkaroon na agad ng Pedro Jr. Jr. Hahaha.

badoodles: @pedro hindi ka talaga magkakaanak. pano, babae lang naman nanganganak. kaya ako, wala pa ding anak. putik, bakit ko ba naalala tong lumang jologs joke ko na to? hehe.

2 08 2008
naglalambingnacute

wow naman… nakakatouch naman yan.. sarap mo pala maging daddy … 🙂

badoodles: @naglalambing na cute hindi lang ako masarap, delicious dadi pa. :mrgreen:

2 08 2008
enday

ayun.
ang badoodles..
excited na sa baby nya.
hinahanda na agad ang mga ituturo.
bka naman may lesson plan ka ng nakaready dyan ah?
post mo picture ni jr. pag lumabas na sya ah?
hehe.

badoodles: @enday oo hindi lang lesson plan. may grading sheet pa. pag bumagsak sya sa mga turo ko ibabalik ko sya sa pinanggalingan nya. 😉

2 08 2008
taps

pangarap ko rin dalahin ang future son ko sa beerhouse.

sabay kaming mag VIP room. hehehe

badoodles: @tapsi tama yan. habang mura pa ang VIP room…

2 08 2008
winkii

hindi ko alam
kung maiiyak ba ako
o matatawa.

astig.
haha

badoodles: @winkii kailangan ng taimtim na desisyon yan. kung ako, ingiti mo na lang. ;).

2 08 2008
watusiboy

uy jr pala ang baby. congrats.
hinay hinay lang sa pagtuturo badoodles. baka maculture shock ang anak mo. haha.

badoodles: @watusiboy hindi pa namin alam kung babae ba o lalaki. baka next month pwede na. kung hindi man jr., gagawin ko pa ring jr. hehe.

2 08 2008
mich

same here,, naiiyak ako pero tumatawa… congrats po! galing ng blog mo.. first time ko here pero link na kita sa peborits ko!

badoodles: @mich nakakaiyak na nakakatawa? hindi ba delikado yan? hehe. itawa mo na lang. salamat.

2 08 2008
Lenggai

hehehe!!! sarap talagang maging daddy! god bless sa inyo ni bebemo 😀

badoodles: @mareng lenggai wish me luck sa bagong tsapter ng adbentyur sa buhay ko. 😉

3 08 2008
R.J.

lahat ng paragraph mo panalo! hahaha! ganyan na ganyan din ang status ko ngayon, laging nakangiting parang manyak. swerte ka lang nga’t kasama mo si BebeMo. kapag kinukwento ni misis ko sa phone ang mga sipa sipa, sarap ng pakiramdam pero helpless dahil malayo.

badoodles: @rj lalo na siguro sau dahil kambal ang pinagbubuntis ni tabachoinkchoink mo. nakakasenti na nakakaexcite. ambilis nga ng panahon. parang kelan lang tayo ung mga bata ngayon pamilyado na rin.

3 08 2008
Maldito

Nyay!

congrats badods para sa baby boy niyO! ayan na ang hininge mo!yehey@

eh ako ayaw mo akong iadopt badods? mabait din ako…..kaya ko din i erase mga nalalaman ko para turuan mo ako ng bago..lols.

he hehe…..congrats for dat badods!yehey!

badoodles: @maldito hindi pa namin alam kung baby boy o baby girl. basta alam ko, pinagpipilitan ko kay Mama Mary na baby boy un. un ung hiningi ko sa kanya una pa lang. at alam kong malakas ako sa kanya… .

3 08 2008
echo

pareng badoods! congrats! ako din malapit ng magka-jr! hehehehe! turuan din natin sila mag-blog, pero mukhang mas makulit mag-blog si jr mo, hehehehe! between oct-nov ang labas ng jr ko, exciting sobra! exchage notes tayo ng parenting tips! hehehehe!

p.s. oo nga, sa Cr_ S_ ako nagwo-work, hehehehe!

badoodles: @echo congrats pare. malapit na din sa yo. baka nga gawin kong daddy blog tong blogsite ko.

muntik pa tayong naging magkaopismeyt kung natuloy ako jan sa CS.

3 08 2008
wei

hehe… nice, may future na yung baby nyo..im sure 😉

badoodles: @wei sana nga mag dilang angel ka.

3 08 2008
dimaks

hahaha… ako pag niyayakap ko si wifey, minsan patago kay kiddo kasi nagseselos. congrats! i know the feeling, excitement and all 🙂

badoodles: @dimaks hahaha! lagot. dapat pala paglabas pa lang iset ko na ground rules. lagyan namin scotch tape si bebeKo pacrosswise. sa kanya taas, akin sa baba.

3 08 2008
The Gasoline Dude

Nyahaha! Tawa ako ng tawa pagkatapos kong basahin ‘to! This is one of your funniest posts. Iba na talaga ang may bagong inspirasyon (na hindi chicks ha!). *LOL*

Nakuha mo na ba ng insurance ang magiging Badoodles Junior mo? Mahal magpaaral ngayon.

badoodles: @gasdude langya talaga palang nangibang bansa ka na. kongrats sa bagong tsapter ng buhay. congrats sa jumpsuit.

4 08 2008
gasti

astig baby boy nga..hehe! congrats sa inyong dalawa ng bebe mo!

turuan mo magboxing. malay mo yan pa ang mag uuwi ng milyones sa bahay nyo..hehe! parang roy jones jr. floyd mayweather jr. hector camacho jr. julio cesar chavez jr. and now presenting….badoodles jr.!

badoodles: @gasti sige paglabas na paglabas pa lang nya kailangang maitraining agad magboboksingan kaming dalawa.

4 08 2008
beero

eksayted na rin akong iwelkam si badoodles junior sa earth kuya bosing. hehe. this is really is it! ilang buwan na lang makikita mo na dayunyor mo! woohoo! alam kong magiging mabuti kang ama dahil sa mga sinabi mo sa post na to 😆

sana maging healthy tapos yong tipong gifted child. yong tipong LAM-ANG, paglabas pa lang eh marunong nang magsalita at sya yong pipili ng magiging ninong at ninong nya. hehe

badoodles: @beero ilang buwan na lang wala pa akong naiipon para sa paglabas niya. hehe. meron naman. bale dalawang libo na naitabi ko out of 200 thousand pesos para sa panganganak ni misis. 198 thousand na lang… haha

4 08 2008
BADoy

congrats naman sa inyo… baka talunin ka ng anak mo sa kakulitan! humanda ka na rin sa linyang “daddy penge pera may project kame”…

turuan mo din ang anak mong mag boxing alam mo naman yun lang ang easy way para maging mayaman gaya ni pacquiao! or kung mucho’s gwapito ang anak mo turuan mo syang umarte at mag pa cute sa camera ng makasali sa mga reality shows pero dapat malakas hatak nya sa text votes!!!

badoodles: @badoy kaya nga ako nagba-blog pre dahil sine-secure ko na ang future niya. hindi malayong hingin ko suporta niya pamparami ng text votes na yan. hahaha.

4 08 2008
Aling Peppay

Nakakatuwa ka naman! Di masyadong halata na excited kang makita si Badoodles Jr. ha! he..he.. Buti ka pa magkaka baby na kami wala pa! Di bale, yayayain ko uli si ‘Mang Pippoy baka sakaling makaisa kami! Ahahay! Sana ganyan din sya kaheksited pag nagkaroon kami ng mga baby peppay at baby pippoy!

badoodles: @aling peppay nakakainis nga. kahit pilit kong itago ung eksaytment ko kusang pinipinta ng mukha ko ebri tu minutes.

ok lang yan. wag mo pine-pressure sarili mo. para kang si bebeKo atat magkaroon ng anak. mamya pag andyan na wala nang atrasan sa gastusin. balita ko high maintenance pa naman magkaroon ng baby kaysa bagong kotse. malakas sa gastusin. gusto ko nga sana bagong kotse na lang . hehe. joke.

4 08 2008
Marc

Hay naku, 3 and a half years ago ganyan din pakiramdam ko. 🙂
sarap maging tatay kahit walang direksyon ang buhay mo ok lng. kasi golden rule, napatunayan mo na na di ka baog sa dinami dami ng tinira mo na babae. haha!]

I’ll be adding you in my roll bro! Nice blog here!

badoodles: @marc thanks bro. ayos tandem ng blog niyo ni misis. buti naman at nakumbinsi mo siyang magblog.

4 08 2008
potsquared

sir badoodles… ang sweet ninyo! congrats po!

badoodles: @pot thanks po engr potpot.

5 08 2008
antuken

ah, so baby boy pala? alam na pala ang gender? excited na rin kami for you at wish ko lang eh hindi kasing kulet mo ang baby mo. hehe. isipin mo kung gano kahirap na torture kay bebemo yun kung x2 na ang kakulitan. hehe.

badoodles: @antuken hindi pa namin alam gender mare. masyado lang akong assuming. baka next month pa sa next na ultrasound. lam mo naman ako kung pedeng kulitin si God na ang ibigay ay baby boy kukulitin ko talaga. ‘pano ba yan papa God napagsabi ko na sa buong sangkablogosperyuhan na baby boy ang anak ko, gusto mo bang mapahiya ang iyong pinakapeyborit at pinakamamahal na alibughang si badoodles?’. hehe

5 08 2008
Colegiala girl

Mabuti na po iyan, nasa sinapupunan pa lang ay natuturuan na siya ng tamang aral mula sa magulang na nagmamahal. Natitiyak natin na ang batang ito harinawa ay maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
Nakikiusyoso lang po at maraming salamat.

badoodles: @colegiala salamat sa iyong pakikiusyoso. oo tuturuan ko din siya pano makisama sa mga MMDA. pag sinabihan siya ng ‘bos pahingi naman ng pampakape lang’, dapat bigyan niya ng nescafe 3 in 1.

5 08 2008
direk_tata_esteban

kasarap ng mga damunyor lakay!
lalo nat xerex copy mo sa kalokohan, matawawa kna lang at mag iisip, “nyeta gawain ko to ah hehehe!”

payong kapatid lang, pag umidad ng sampu, tago mo na mga bomba parapelnalyas mo hehehe, madidiskubri na nya yan haha!

badoodles: @direktata hahaha! bigla ko tuloy naalala mga porn komiks ng tatay ko na black and white pa ung iba. buti na lang lakay high tech na ngayon. isang pindot lang sa delete button at empty recycle bin burado na ang mga ebidensiya ng mga porn.

5 08 2008
yas

shet. tatay kana.

ahehehe magaling.. binabati kita. 😉

[yas]

badoodles: @yas salamat sa pagbati.

6 08 2008
snobero23

turuan man-tsiks kahit walang pera..familiar ah..

6 08 2008
barefoot_alchemist

congrats badoodles.. excited na daddy na ang lolo ko!!! nakakatuwa namn ang sulat mo na ito.. nawa’y pagdating ng panahon ay ipakita mo ito sa kanya, proud daddy!

6 08 2008
tim ang

congratulations. sana ikuwento mo sa amin yung paglabas niya.

7 08 2008
Tentay

Nakakatuwa ka naman. Pag laki ng Jr mo pabasa mo talaga yan matatawa syao. cool dad ka nga. =) kitang kita excitement mo sa post mo. parang gusto ko na den tuloy mag ka baby. hahaha. nakuuu. =)

7 08 2008
Kotsengkuba

astig, dayunior pala si baby mo.

nung panahon ko naman, ang drama ko “tandaan mo, ako lang sa pamilya natin ang ginustong maging babae ka.” sabi ko kase mas gusto kong ate ang panganay, siguro dahil basagulero ako as a boy. pero sana dayunior na din ang pangalawa ko (which should be 5 years from now, taghirap pa si daddy) dahil last but not the least na ang second child 😉

congrats parekoy, sana’y lumabas syang malusog at bibong bibo. yan ang wish ng ninong nya from cyberworld 😉 hehehe.

7 08 2008
cutedanger

lalake ba pre anak mo? kala ko babae ha..
anyway wag na wag ka nang papatong baka maging pango ang anak mo… hehehe:D

7 08 2008
popoy

nakkaeksayt naman yan kuya badoods.

ndi kasi halatang ang saya saya mo. priceless talaga ang mgkaroon ng anak 🙂

7 08 2008
jepoy

Ayos malapit na pla ang paglabas ng Angel nyo

wow excited na kming lahat

sana mana sa nanay parachute ( para kuyt) hehehe

ninong ako tol ha? oks kitakits sa church.

8 08 2008
Pinay

this is one funny blog!

8 08 2008
Hot Gizmo

Panalao…Ganyan rin ako ng unang baby daughter ko. Lakas tibog puso.. Mangiyak ngiyak nga ako…..

Now naman, may second coming…. Sana lalaki na.. kei lang mabading basta mambuntis siya para tuloy family line namin… Bwahahaa..

Kongrats…

9 08 2008
McRey

WOW!!!

Ayus may junior na…

Picture naman dyan ala Bradd Pitt at Angelina Style.

Hehe… sigurado akong pagkakaguluhan ang picture ni babydoodles kapag nai-publish sa web…

9 08 2008
shao

wow, january nga ba?

yihee, sana ilabas siya ni BeBeMo sa araw ng bday kuh..
isang karangalan yun para sa isang hamak na panatiko ng Pamilya Badoodles..

hahaah…

9 08 2008
kulot

buti ka pa son ang meron ka, ako rin inabangan ko dati son, e lumabas may biyak kaya daughter, ayon di tuloy ako makabili ng mga RC na malalaki

9 08 2008
phot

astig ka talaga mr. badoodles, wala kang katulad!!:))

10 08 2008
KRIS JASPER

nice letter.

sana healthy si junior mo paglabas niya.

10 08 2008
Jhaynee

congratz sa yo at magiging tatay ka na!!

badoods, dun ka na lang sa baba para walang kahati.. bwahahah

10 08 2008
shusme

huwaw! mahkakaanak na si badoodles! sana maging healthy s’ya!… hayhay! naeeksayt din ako! cute siguro s’ya!

12 08 2008
taong grasa

NIiiNOoonnnNG! hello po… kasama ko pa si badoodles junior dito pati si floresalbaburo anak ni mang ferdie ung taxi driver sa tapat nyo. musta daw po kayo? tatlo po kami dito! ang sikiiipppp nga eh! excited na kami lumabas! Ayyy NINONG ano po lasa ng pancit? waaaaaaaaa

12 08 2008
Aling Peppay

Grabe! Tuwang tuwa po ako dito! Damang dama ko ang excitement mo sa future son moh! Nawa’y magmana sya sa kakulitan mo at ng lalo pang sumaya ang mundo! ahahay!

12 08 2008
thealyssaexpress

Excited na kong lumabas sin badoodles junior! Ano kaya itsura niya?

13 08 2008
Kotsengkuba

shet, naoopen ko na ang blog mo ng walang paltos dito. hehehe 😉 masyado atang busy ang chinese bots sa pagtatanggal ng olympic videos kaya di na napansin i-block ang blog mo

13 08 2008
shelley27

halu badoodles! ngayon ko lang napansin..nde pa pala ko nakakapagcomment dito..hahaha tagal ko na nabasa to..bakit nga ba nde ako nakapagcomment.. hehehe congrats daddy badoods & mommy bebeko..sana maging healthy ang baby..kainggit naman..parang lahat ng tao sa paligid ko either kinakasal or nabubuntis ah..ako kaya kelan..hahaha

congrats uli! sana’y wag cyang lumaking pilyo at maldito..hehehe

13 08 2008
chai

hahaha… hahaha… hahaha… un lng po… pa xlinks po.. tnx..

15 08 2008
winkii

may tag po ako sa inyo mang badoodles. 🙂

19 08 2008
cecille

ikaw na yata ang coolest daddy. hehehe. congrats bossing. ganda ng pagkasulat mo nito. 🙂

19 08 2008
Rhapsody

ang cute naman ng letter na iyan pra sa baby mo… gudluck po sa inyo.

20 08 2008
chuvaness

shweeeeeetness mo dude! you know…you should really write a book. walang kupas ang humor. ibang level ang coolness. at sobrang sobrang sobraaaaaang…..wala na akong maisip. sige na nga….gwapo na lang.LOL

21 08 2008
hitokirihoshi

excited si Badoodles Senior, tama yan maging cool kang dad at mag-share ng blessing que junior. tsuk

21 08 2008
jaja

whoa!e2 n ang cutest na nabasa ko..ang sweet mo badoodles..sna magmana sau c badoodles jr..heheheheh

21 08 2008
utakmunggo

mas maganda kung iyong itatarak ni future baby mo sa future bully niya eh yung lapis na mapurol dahil mas masakit ang pasok non, at mas malaki ang magagawang damage. hehe

naguumpisa ka palang pala sa journey towards fatherhood. larga ka lang. wag masyadong matino para hindi maging nerd ang baTA… hehe [sipol]

congrats. may God watch over your family. 😀

23 08 2008
mayui

hahaha.. astig.
God bless you and your family.

23 08 2008
anakngpiso

huwaw!!!! congrats, magkakaroon ka na ng tiyanak (di un insulto ha)!!! kahit newly explored ko lang tong lugar na to, gusto ko na ring bumili ng lampin..-glesy the great;p

25 08 2008
oftherock

Hindi ko alam how – pero napunta ako dito sa blog mo lalo na itong Letter to a Future Son.

Hindi ko alam kung magkakaank kami ng beautiful wife ko. 10 years na kaming kasal. Tumahimik na ang prayers ko for a son – pero minsan when I read blogs like this… naiisip ko na I will not get to experience something like this.

nasa airport kami earlier… naka smile ako sa mga Daddy na nag yayakap ng mga anak nila before leaving. Sabi ng kapatid ko… :bakit naka smile ka sa kanila?”

Sabi ko ” I am trying to vicariously experience something I might never get to experience…”

Kadalasan kasi like sabi ng isang nag comment – “affirmation na hindi sya baog” di ko alam kung san sya mas happy – that there is a new gift of life, or na affirm lang na may powers ang semen nya.

Hindi rin kami nagpapa check up ng wife ko. It was a conscious choice on our part – walang sisihan. Sabi naman ng friends ko try din baka lang may kailangan i-correct na something.

Just want to thank you sa post mo. Nakakatawa – pero may mga parts na medyo naging sobered up ako.

Enjoy Fatherhood. I heard it is an awesome gift.

God bless.

badoodles: @ofdarock kapangalan pa kita. nakakabilib dat ur taking it in a diff light. meron kasing iba pag di nagkaanak nagrerebelde kay papi jesus and dey start questioning his existence.

kami nun, two months wed pa lang, people around are asking ‘wala pa ba?, walang baog sa pamilya natin ha?’. langya. hindi naman un plastic balloon na hihipan mo lang lolobo na.

salamat sa well wishes. masarap makarinig from someone you know is sincere across physical boundaries.

25 08 2008
oftherock

http://compassionateconsiderations.wordpress.com

Ako din pangarap ko mag LAW SCHOOL. BUti ka pa umabot sa Senior year mo.

Tapusin mo law and become a good attorney for some of us na gusto din sana maging abogado pero parang sarado na ang mga pinto.

badoodles: @ofdarock gusto ko nga rin bro kaso total career shift nangyari sakin. kuya ko na lang nagtuloy sa pamilya. consolation na lang siguro isipin na it benefitted me personally. i advise others kahit walang balak na maging abugado if they have time in their hands to take up law. rights is not something served in a silver platter. u hev to know it and demand for it.

27 08 2008
waya14

AyDOL !!
dapat kinamusta mo na rin sya sa tagal ng pagsu-swimswim sa loob at yung mga naunahan nya kay IKLOG… hehehe
ASTIG ! =)

badoodles: @waya14 oo kwento nga nya, tinadtad nya ng bala ung ibang sperm kaya nakauna sya kay iklog. nasa loob pa lang ugaling terorista na.

27 08 2008
bomzz

hahhahahahahha grabe! to hanga talaga ako sayo Sir Badod’s kaya na inspired din akong magpakamatandang batang isip! hehehe galing,kulit,swetik,walastik, matagal na akong nag babasa todits kaya gawa rin ako ng blog ko wala lang basta kulitan lang din! patuloy mo lang sir badods nag bigay ka ng ngiti hanggang gilagid pati ka ofcmit ko naluko na rin hehehheheh

badoodles: @bomzz salamat saung pagtambay dito. tama ka ng napuntahan, tambayan ito ng makukulit na pinoy blogs. ur one of us.

28 08 2008
AYYANG

wow excited si kuya. ako din, excited.. excited bumisita dito sa blog mo. hehe. tagal ko ata na-stock.. dalawang kwento na pala ung na-mi-missed ko :-d. good luckkuya. hope ya be a good father! ☺

badoodles: @ayyang sana nga magdilang angel ka. salamat.

29 08 2008
beero

nakow, 2k pa lang naipon mo bosing? baka 2 million! hehe 😆 dapat ready ka na (financially at psychologically, ahehe) sa paglabas ng dayunyor mo.

5 09 2008
reyna elena

really nice hahaha ang galing mo talaga! classic na tatay rules and sinulat mo sa anak mo at feel na feel ever ang fatherly love na na-uumapaw and i hope pag-laki nang junakees mo mabasa nya to, naku tipong masasapok ka nun hahahaha batuhin mo kaya ako nang arinola pag hmmm… “iba” ang dineyt nya? hahahaha charing!!!

5 09 2008
onatdonuts

hahaha

naalala ko tuloy yung kwento ng magkambal na nagkakainggitan sa dede ng kanilang mami. Yung isa nilagyan niya ng lason yung kanang dede kasi dun lagi dumedede yung kapatid niya…para raw mamatay na yung kakompetensya niya…KINABUKASAN, toink! yung tatay ang namatay. hahaha

buti nalang hindi kambal ang anak mo..hehehe

seriously, Im very happy for you. 😉

14 09 2008
lilmiz

wow lapit na pala kaw maging dadeeh kuya, bilis ng panahon 😀 parang kakakasal mo lang eh ahehe.. malamang makulit yan si baby badoodles kasi lalaki, kaya ihanda nyo na ang napakahabang pasensya ahehe.. congratz po sa inyo ni ate bebe 😀

14 10 2008
aia

AMEN.

Badoodles, epitome of a good(?) father. Sana katulad mo tatay ko! Hahaha

27 10 2008
Liham para sa iyo anak… « Wakanasusha!

[…] para sa iyo anak… 27 10 2008 Inspired by Pareng Badoods’ e-mail to his son Badoodles Jr. Wag niyo sanang isiping copy ket ako, natuwa lang ako talaga sa post na iyon kaya gusto ko ding […]

16 12 2008
hiedra

cool daddy yohh…

hehehe

nice one..

gud luck sa inyo…

badoodles…

idol k tlga..

nyahahaha

19 12 2008
jhohanna003

..waw kuya badoodles.. one month nalang… ahhhm astig talaga blag mu!!..
..touched aCoh… 🙂

badoodles: @jho kaya nga. halos few weeks na lang. sabi din ng ob anytime pwede nang manganak si misis.

28 12 2008
magdamagan

..at any time..
..youre totally DADdy na talaga na tuturuan ang baby nya na humawak ng mouse at tumipa ng keyboard!!..hahaha.. (Sana sa pagblog nalang sya ma addict ‘di sa dota) ,. ;P
..advace ko na pag congratulate ko!!…
..*hapi hapi hapi for yaH!!!! ., =)

8 02 2010
boom07

hahaha,..uhmmmmm..daming comments.ahaha..Ansaya mo namang maging tatay!hahaaha..(BAdoodles)==>Ayos ,pang outer space ang dating!hehehe..ansaya nito…ewan ko ba..pero nung makita ko plang tong site na toh e nakuha kaagad ang atensyon ko..nung binasa ko..kahit antok na antok na ko e tinuloy-tuloy ko pa rin..katuwa kc..o eto..nagcomment pa ko..Ganun kaganda ung blog na ginawa mo..Godbless sa iyong dalawa ni badoodles jr..DADDY badoodles..hehe..^_^

11 02 2010
boom07

buti na lng dalawa..ung anu..hmm..hmmm.. hahaha…Tig-isa noh?joke…lampasuhin ka sa mukha non.pag nagkataon…hahaha..ewan ko ba..pangalawa ko na tong bnasa..pero natatawa pa rin ako..bwahahaha..Aus ah…LAKAS..Bob Ong? aheemm..lapit na(=) ganito na lng pagitan…,.yey!aus!kung ikaw daddy ko..Gagawin ko lhat ng masayng bagay na kasama ka…COOL ka nga..WOW..DADDY..sarap pakinggan un lalo na sa anak mo.nice..malamng sa hindi..tong commment ko na toh.. e lumabas na c baddodles jr..haha..

21 12 2011
noel b!

ok. A! Kaya q dn gumawa nyan,. ! . . Woh oh!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: