Baptized

26 08 2008

Kung meron mang masasabing tatak Pinoy, ‘yun ‘yung pagiging sobrang relihiyoso natin.   San ka pa makakakita ng bansang pati sapatos ay binibinyagan?  “Hoy pare bagong sapatos mo, binyagan natin”.  Sabay tatadyakan ka sa paa bigla.  Taena. Buti na lang at di ako tumuloy bumili ng salamin sa mata.  Baka pagdating ko sa opisina, salubungin ako ng “Pare, bago salamin mo, dali binyagan natin”, sabay sipa sa mata ko.   

 

Pati nga mga bagyo sa Pinas binibinyagan natin.  Pag nakapasok na nga ang bagyo sa Philippine area of responsibility, binibinyagan na natin ng pangalang Pinoy. Ibang iba sa international name na ina-adopt ng iba’t ibang bansa.  Ang hirap nun kasi nagkakaroon ng identity crisis ang mga bagyo.  Mag-iisip ‘yung bagyo, ‘Teka ang alam kong pangalan ko ay Typhoon Mercedez Benz.  Ako na ba ngayon si bagyong tsedeng?  Is dat me?  Tangena naman”.   Sa sobrang naguluhan, nagiging unpredictable tuloy course ng bagyo.  Conspiracy theory talaga.  Si bagyong Jupot nga, pagpasok sa Pinas nagiging bagyong Julina.  Hehe.  Nababadtrip tuloy ang mga bagyo kaya tignan mo, sobra kung sumalanta.  Kung ako ba naman, karespe-respeto ang tawag sa kin sa international scene sa tawag na typhoon Hunk tapos pagdating sa Pinas, tatawagin akong bagyong Onyok e talagang mag-wawala nga ako.  ’Kayong mga Pinoy kayo, letsugas kayo, hetong sa inyo!’ [insert sound epeks here ->…]

 

Marami rin ibig sabihin ng binyag sa atin.  Pag nagpatuli ka, ang tawag dun ay binyag.  Pag pers taym mong makipag-labing labing, tawag dun ay binyag.  Nagkukwentuhan nga kami sa opisina kanina ni pareng Abdiel. Kwento ni pareng Abdiel, si pareng Nathan daw sa wakas bininyagan na nung siyota niya.  Napasigaw ako siyempre.  “Ano?  Si pareng Nathan, tinuli ng gelpren niya?”.  Wehehe.  Biglang nagtinginan lahat mga kasamahan namin sa opis.  Andun ‘yung boss, manager, director lahat natigilan sa kanilang ginagawa.  Hay naku, ako pa yata magiging mitsa ng bagong tsismis.  Ewan.

 

*Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag-blog.  Masyadong akong nawili sa trabaho at tunay na buhay.  ‘Yang trabaho talaga panira sa pagba-blog. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

52 responses

26 08 2008
xG

aba mabuti naman at nagbalik ka na
kala ko e kung ano na nangyari sa iyo e
sa wakas may nabasa ulti akong bago

at yung tungkol sa salamin?
natawa ako.
patok
hahaha

badoodles: @mrsJLC magco-contact lens na lang para hindi halata.

nagpakabusy-busyhan sa mundong ibabaw at inubos ang oras kasama si misis na manood ng a very special love ng pitong beses. its time ako naman matawa sa ‘antics’ ng iba.

26 08 2008
jepoy

he he ayos tong latest mo a short and simple!

kala ko anak mo na bibinyagan amp! hehe

badoodles: @jepoy gusto ko ngang lakihan ang font size 15 para humaba ang post ko. nagpakabusy akong gumawa ng sarili kong prenster site gawa sa dotnet. hindi para sakin ang php.

26 08 2008
annenoneymous

idol! tagal mo ngang nawala, kung saan-saang blog tuloy ako nakarating… hehehe… as always nakakatawa ang entry mo… impernes, nag jeryoso ka sa tunay na buhay… :p

sulat ka pa ng marami! 🙂

badoodles: @annenoneymous! parang di ko na nga alam pano magblog. parang it’s been a year. haha!

26 08 2008
ikay

hi….bads, matagal n kong naligaw d2 sa blog mo,eh now lng ngkalakas
loob mg comment…jhejhejhe!!…akala ko rin anak mo n bininyagan icocongratulate
p man din n sana kita….hehehehe..

pewo ntawa ko dun ky onyok ha!… :))

badoodles: @ikay isang masigabong woot woot para sa iyo at natagpuan mo ang lakas ng loob na magcomment. natatakot ka ba sakin? haha. wag ka mag-alala gulay lang kinakain ko.

27 08 2008
Lenggai

akala ko pa man din, ako ang makakabinyag sa post na ‘to… pang-apat na pala ako, hehe… ‘kam back pareng badz!!! 😀

badoodles: @mareng lenggai nawili ako kapapanood ng jessica soho. gusto ko manood na lang ng tv habambuhay.

27 08 2008
MARU

tagal mo naman nag update. nami-miss ka tuloy namin. hindi pa nakakapanganak si mareng bebe sa lagay na yan ha. siguro pag lumabas na si dayunyor mo….minsan sa isang taon ka na lang magbo blog. 😦

badoodles: @mareKo kaya pala. ansakit na nga ng dila ko laging kong nakakagat. hindi ba pwedeng kapag may nakakamiss sakin gumugwapo na lang ako ng isang paligo?. ‘Uy gwaping ka ah, andaming nakakaalala sa yo no?’. eto nga napilitan nakong magpost. haha.

27 08 2008
gasti

welcome back! hehe! eto na siguro ang pinakamaikling entry mo maliban dun sa isang may audio file..hehe! binyagan na nga…malapit na!

badoodles: @pareng gasti palalakihin ko ung font mamya hindi na mapapansin yan. haha. gawing kong size 35..

27 08 2008
silverfox05

uhm.. ano nga ba ang sinasabi nyang binayag? hehehe.. 🙂

uhm.. pa link po ng blog nyo ah.. 😀 tsalamat.. 😀

badoodles: @silverfox wala rin akong idea. hehe. salamat sa pagbisita.

27 08 2008
shao

aun buhay ka pa pala sa wakas updated na ren ang barbero..
akala ko join kna ren sa mga temporary rest in peace..

alam ko na ngayon kung baket malupet ang mga bagyo..hehe
ayaw pala nila ng namesung nila dito sa Pinas
pero mas okna nga ngayon, sumusosyal na..
unlike dati Rosing..Berting..Luningning..Charing!

badoodles: @shao paminsan minsan talaga tatamaan ka ng sakit ng katamaran.

oo nga, ung huli si bagyong karen, dating karing lang tawag.

27 08 2008
jayr

The best ka talaga mag-isip idol.
Kala ko din anak mo na ung bibinyagan eh…….
pero naisip ko din na hindi pa pala siya binibinyagan…..

badoodles: @jayr nalinlang pala kayo ng title. siguro dala narin ng malapit na pagdating ni badoodles jr kaya naisip ko ang tungkol sa binyag.

27 08 2008
jayr

RECALL ko lang:
The best ka talaga mag-isip idol.
Kala ko din anak mo na ung bibinyagan eh…….
pero naisip ko din na hindi pa pala siya binibinyagan…..

SPAM na ako dito sori po….
The best ka talaga mag-isip idol.
Kala ko din anak mo na ung bibinyagan eh…….
pero naisip ko din na hindi pa pala siya (binibinyagan) pinapanganak…..

badoodles: @jayr SPAM! SPAM! isa kang taong spam… haha

27 08 2008
naglalambingnacute

ahahaa! nakakatuwa naman yun ayos ka talaga badoodles yun HUNK naging ONYOK nyahahaha 😆

buti po nagsulat kana na miss kita 😀

badoodles: @naglalambingnacute o? hindi nga? sige hindi ulit ako magsusulat para ma-miss nyo ulit ako. hahaha! 😆

27 08 2008
eiyelle

halu po! akala ko hindi na kayo magupdate..nalungkot na nga ako kasi kagagawa ko lang ng blog para makasali sa inyong pakontes.
pero eto may bago na ulit kayong post… galing!
buti na nga lang at sapatos lang ang mga bagong gamit na sinisipa/tinatapakan para binyagan, naisip ko panu kung pati underwear pag nalamang bago tapos sisipain..aguy! malamang away!!
at kung nakabili nga kayu ng eye glasses tapos bibinyagan din yun naku! ang pangit ng kalalabasan ninyo..kegwapo gwapo pero cyclops! hehehe… 😉

badoodles: @eiyelle censya na. nagpaka-busy busyhan sa ‘real world’. siningit ko lang magpost baka tuluyan na nga akong itakwil ng sangkablogosperyuhan.

27 08 2008
adonis

nice bro…

it’s been a long time… welcome back…

badoodles: @adonis thanks bro… next month ulit. haha. hinde, try ko pa ring mag-stick sa once a week post.

27 08 2008
cutedanger

yoyoyoyo.. parekoy buti nalang nag update kana.. bawal naba dyan sa opis ang mag blog marami namang proxy server para ma open mo yan hehehe.. tinuruan ba ng kalokohaan..

nice post men..

badoodles: @cutedanger pare, hehehe, mas open nga dito kesa dyan sa dati.. hoy wag nyo nang ulitin ung royal rambol nyo ni pareng nap. iinom na lang natin yan. hehe

27 08 2008
camilleeee

si jupot, nagiging bagyong julina. nyahahaha. 😆 napapansin ko nga din, inde na nagtatapos ng “ING” ang mga pangalan ng bagyo natin ngayon.

weeeee, buti balik pagbo-blog kana kuya. welkam bak! 😀

badoodles: @camilleeee salamat sa yong taimtim na pagwelkam. sobrang taimtim naramdaman ko mula dito sa kinauupuan ko. galing talaga ng internet. tenks.

27 08 2008
ellieshe

nyaaah..namiss ko to..sana sa next na binyagan titol..anak mo na ang bida kuya..hehe

nga po pla..nabilang na po ba ang aming/aking boto sa lafftrip laffapaloza? wala po kseng confirmation eh.. salamats manong ko! 😉

badoodles: @ellieshe nabasa ko na pero di ko pa naitally. next week pag wala pa confirmation ko, batukan mo ako.

27 08 2008
Lisa

hello… nice to read ur entries, even ung mga entry during ur law skuls days, naging past time k namin dito working away from pinas… request ako pwd pa-add sa frendster or multiply acct mo..tnx…

badoodles: @lisa salamat. wow astig! anong bansa kayo? kamusta naman jan. past time pala ninyo ako parang merienda lang, kalevel ko na pala ngayon ang sagot gulaman, kape’t bibingka. huwaw. 😉

27 08 2008
coldman

ang tagal mong nawala, bayaan muna ang trabaho, mag blog muna .Lol!

masarap talagang mabinyagan! yun lang! hahaha!

badoodles: @coldman u can’t see me. haha. tumatambay pa rin ako sa blog mo pero imbisibol mode nga lang. andami kong gustong gawin, sumali sa patimpalak mo, magcomment saung petisyon sa hindi paggalaw ng iyong pwesto sa project lafftrip atbp, pero wala, kinakarir ko talaga maging imbisibol.

haha. alala ko nanginginig pa tuhod ko nung nabinyagan ako. haha.

27 08 2008
Pedro

akala ko tungkol tong post na to sa binyag ni badoodles junior mo. hehe. welkam back. muahhugyousotight, PARE!

jupot-julina, HAHAHAHAHA. pota ang babaw ko.

badoodles: @peter ang totoo, test yang post kong yan. kung sinong matatawa dun sa jupot-julina ay isang tunay na henyo. binabati kita, dalawa na tayong henyo.

27 08 2008
winkii

busy kay badoodles jr?
🙂

badoodles: @winkii kina-karir maging tatay. kelangang rumaket ng husto para pagdating ni badoodles jr, mai-treat ko ng butsi at puto pao ang buong kabarangay namin. sky is the limit sa butsi at bottomless ice tubig.

28 08 2008
wanderinggirl

Hi Badoods! Kala ko kung ano na nangyari sau..buti naman nagblog ka na uli.. ooppss..iba nga pala name ko dito..hehe shelley ito..=) exchange link tau ha..hehe sana makadaan ka sa munting blog ko..hehe

kala ko nanganak na c bebemo kaya binyag ang title..napaisip tuloy ako..ganun na ba katagal since huling daan ko dito sa blog mo at nanganak na c labs mo? hehehe ibang binyag pala..hehe napatawa mo ako dito..buti na lang ako lang mag isa sa cubicle ko..hehehe

badoodles: @shelley kala ko napadaan si wonderwoman, kaw pala. hinihintay ko nga ring manganak si bebeko. hanggang ngayon pinagsususpetsahan ko pa ring alien ang misis ko at anytime ay puwedeng mangitlog.

28 08 2008
byter

thank you at maikli lang ngayon ang entry mo…ansarap basahin kasi maikli lang. 😉

Sobrang ang gulo nga ng salitang binyag sa Pilipinas, minsan ang anti ko dumating sa bahay na may regalo at naghahanap ng handaan kasi nabalitaan nya daw na bibinyagan ang youngest brother ko. Akala nya binyagan talaga, pero wrong spelling ibang “binyagan” yun.

badoodles: @byter haha, paiksian ang uso ngayon. yaan mo sa susunod na linggo three words na lang entry ko.

ibang ‘binyagan’? may bago syang shoes? may bago syang shoes?! hehe

29 08 2008
dyosa

welcome back to you! and to me too 🙂

hiatus is finally over. god, i missed this page! 🙂 mwah!

29 08 2008
beero

asus! nahuli na pala ako sa binyagan. naman! buti na lang nakahabol pa ko sa pang-25. LOL.

kaya nga siguro malakas ang bagyo sa pinas kesa sa ibang bansa kasi di nila nagugustuhan pangalan nila sa pilipin area of responsibility. tsk, tsk. bat di kaya gayahin natin yung sa Tate like hurricane katrina. ayun, pangalan pa lang seksi na. LOL.

welkam bak bosing. napahaba masyado hiatus mo ah. hehe

29 08 2008
umleo23

Ay the best magpabinyag! Wag lang ang tuli at ang tapak sa shoes.

Bad trip un kung puti ung sabatos mo…. Pero hindi papapigil ung tropa mo, sabihin nila “inde inde slight lang tol, binyagan natin ng slight lang” sabay dampi ng tapak sa shoes mo, medyo light nga lang ng konti… which is my poing cya ha…. slight lang wahahahahahaha

29 08 2008
umleo23

BTW: Master Badoodles! Messenger ID mo? kahit ano pa yan! YM MSN Skype ICQ AIM GooGle Talk CHIKKA lahat na ng ID mo akin na… Pano ko malalaman ung details nung pinagagawa mo kung d ko alam hindi ba???

29 08 2008
wanderinggirl

yan nga pala ung link ko.. wanderinggirl.wordpress.com hehehe

29 08 2008
BADoy

akala ko anak mo pag labas sa sinapupunan e naglalakad na kaya binyagan kagad… yun pala ibang binyag yun! lagot ka na tsismiss mo pa yung ka opismeyt mO!

30 08 2008
McRey

Kahit sino naman ay magagalit kapag “HUNK” name mo noon tapos naging “ONYOK”

magwawala talaga yun… ahahaha… parang binaboy naman yung name.

30 08 2008
kengkay

maraming klase talagang binyagan sa pinas… at karamihan dun e pang asar 😀

31 08 2008
antuken

i agree with you na ang trabaho eh panira sa pagb-blog! hahaha. pareho tayo!

31 08 2008
enday

Waaah..
welcome back badoodles!!
sa wakas!
may nakapagpangiti na naman sakin.
tagal mong nawala..
namiss ko na mga kwento mo.
wag ka nang magtrabaho,
mag blog ka na lang..
hehe.

1 09 2008
arabongpinoy

ang lupit mo talaga….kaya maraming nalulungkot pag wala kang bagong post…

papano kaya kung bago ang syota mo….tapos sabihing pare bago na naman yan…binyagan kaya natin……hehehe

1 09 2008
artamisa

Ako’y isang dating adik sa BLOG.
Ngayon totoong adik na. piz yow!

2 09 2008
Vic

Tama ka dyan pre, marami ngang ibig sabihin yang binyag, pero dapat siguro maintindihan na lang natin ang tunay na ibig sabihin ng pagbibinyag

2 09 2008
Lisa

ah dito kami sa saudi, ako working as medical technologist yung mga kasama ko naman ay nurse, sobrang boring kasi dito kaya ayun naging libangan namin yung blog mo, ok kasi mga entry mo eh sobrang nakakatawa..tnx for the response huh,

2 09 2008
eiyelle

pacomment po ulit..
nakow! hindi po kayo pwede itakwil dito..kayo yata ang hari ng blogsphere..heheh!! we love you kaya!!
godbless po 🙂

3 09 2008
b@kekang

buti nga nbago n kahit papano pangalan ng bagyo..dati kc aning,berting,kambing,duling,egting,..praning..lahat ngtatapos sa ing b?

11 02 2012
Ari

Ilang taon na ba nila plalgiaaabnn ang pagbaba ng presyo ng langis dito sa bansa natin?? May nangyari ba na maganda dulot ng pagra-rally nila?? Wala rin naman di ba. Kung tutuusin naman kasi, hindi lang Pilipinas ang dumaranas ng ganung problema pagdaing sa langis dba..

5 09 2008
onatdonuts

patok naman tong blog mo!

nakakaaliw…inisip ko kung paano tutuliin ni gelpren si boypren? hahaha

8 09 2008
anakngpiso

hehehe… parang baligtad…ang trabaho pa daw ang naging abala sa pagbloblog… pwede magtanong? anong ibibigay mong pangalan kay junior mo? okay lang po ba? inadd kita sa blogroll ko? cheers!!! glesy the great;p

http://anakngpiso.wordpress.com/

badoodles: @anakngpiso salamat po sa pag-add. anong ibibigay kong pangalan? junior. 😀

10 09 2008
niño

ang gnda nman ng world na snabi nyo lahat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

12 09 2008
cecille

may bago na palang post! yehey! jupot – julina. nyehehe. 🙂

24 09 2008
lethalverses

ANONG KAGULUHAN ITO???

wehehehe salamat sa mga ganitong pakontes!!

badoodles: @lethal ayan kita ko na. dotcom na pala. oye! oye!

24 09 2008
lethalverses

ay mali pala ang napost kong comment, para sa project lafftrip un hehehe paumanhin…

sorry, masakit kasi ang bagong binyag… salamat pala sa mga proyekto ng Knights of Columbus!! libre ang binyag ko kanina!

badoodles: @lethal hindi man ako sigurado sa kung anong binyagang nangyari – congrats sa binyagan.

12 10 2008
Ashivy

Ang ganda ng segment niyo,

badoodles: @ashivy segment, wow parang balitang hapon din pala ako, may segment din.

12 10 2008
Midnytroze

Kua badoodles mgta2nung lang po…panu pu b ga2win ko,..my gusto po kc ung bf ng friend ng kaibgn k skn,ngaun ngl8 ung gurl kc feeling nia inagawan ko xia eh d k nmn masi2 ung guy kun mgsawa sya…anu pu b dpt kng gawin…

gintong aral ni badoodles:

sagot: kung kras mo din siya, akitin mo na lang. it’s a free world.

13 10 2008
Ashivy

Hi p0 ky kua bad0odlez wat happen npu xa iniu??hehe xana pu oke lan pu kau jan…hehe…s lht pu ng mga bumibisita xa site n2 pwd p0 pki-add nmn pu aq xa friendster…e2 pu add q. ashivy@yahoo.com tnx pu.

13 10 2008
Kirby

Kua bad0od panu pu b ung libreng br0wsing xa gl0be using opera m0d?

badoodles: @kirby di na tumatalab yan ngayon alam ko, may filter na sila.

13 10 2008
Zhen

My frend pu aq bading xia…eh laging my kumukur0t xa knia at pinanggi2lan xa…pe0 sumtymz naga2l8,.is p0cble n mgkaguz2 ung guy xa gay frend qu?tnx pu.

badoodles: @zhen kung nangungurot ung lalaki malamang bading din un.

16 10 2008
Mhaika

Pls…th0se hu visit the fs website pls add me up at wasted_prinxezs@yahoo.com..tnx

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: