The 2008 Philippine’s 10 Funniest Blogs

29 09 2008

Kilala tayong mga Pinoy sa ating ‘sense of humor’.  Nasa dugo na natin ‘yon, nakamarka na parang numerong ‘sex-sex-sex’ sa batok natin.  Wala na tayong magagawa dun.  Ever.  

 

Napagdaanan na natin lahat ng bagyo, krisis, at karumal-dumal na career ni Madam Auring, andito pa rin tayo, surviving.  ‘Yan tayong Pinoy.  Hindi papatalo lalo na sa ating ‘Wala ka sa lolo ko’ jokes.  Walang ganyan sa ibang bansa.  Lalo na ‘yung mga jokes na kunyari may international competition na pahabaan ng etits, pabahuan ng kwan, o palakihan ng ilong, tapos sinasalihan ng iba’t-ibang lahi pero sa huli Pinoy ang nananalo.  Lumaki tayo sa pangaral at biro ni Dolphy, barkada jokes ng Tito, Vic and Joey, pati na rin scandal ni Jollibee.  Magbago man ang anyo, hugis o porma ng kung ano ang nakakatawa, pare-pareho pa rin nating binabahagi sa isa’t-isa, mula texting hanggang blogging atbp. At lumipas man ang panahon, alam nating patuloy lang ang daloy ng makulit na imahinasyon nating mga Pinoy.  [May rhyme yan o ha, o ha]

 

Ngayon, wala nang oha-oha pa, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang kasalukuyang best of breed Pinoy humor icons sa blogosphere ngayon sa pamamagitan ng bidyong ito na gawa ni Umleo23.  [Wag kalimutang i-buffer for viewing pleasure]:

 

 

 

At narito naman ang kumpletong resulta ng tally ng Philippine’s 10 Best Humor Blogs à.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




The Final List

23 09 2008

Pasakalye lang muna, isang hugis pusong mwahugs sa mga judges at organizers ng Philippine Blog Awards 2008 sa pagkakabilang ng kwentongbarbero.com sa 10 finalist sa Best Personal Blog  Category mula sa kulang isandaang mga nominado.  Naka-saling pusa din ang Kuya’s Unsent Letter to Bunso bilang finalist sa Best Single Post – Personal Category.  Tough luck.  Sa kabila ng mga kabulastugan natin sa site na ‘to, meron palang nasisilip ang mga kapita-pitagang hurado na mumunting ‘moral lessons’ dito na hindi nalalayo sa ‘The Little Mermaid’, ‘Hansel and Gretel’ at Batibot.   Salamat sa nag-nominate sa akin, na kung hindi ako nagkakamali ay si pareng NAC ng kotsengkuba.com.  Natatandaan ko pa, hiningi sakin ni pareng NAC noong May ang personal info sakin tulad ng pangalan, address, edad, sukat ng baywang at kinis ng hita.  Ayaw ko sanang sumali pero pinagbantaan niya akong ipapahalay sa matronang walang pustiso kung di ako papayag.   Hehe.

 

Noong mismong araw ng awarding ceremonies ko lang din nalaman na finalist pala tayo.  Medyo badtrip nga dahil di ko na-enjoy ng husto ang pagkakasali.  Nakakabitin.  Para ka lang pinaglaway sa kapirasong utong na nag-hello world ng limang segundo sa blouse tapos tinakpan ulit.  Anyhoots, congrats sa mga finalists at nanalo. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





I Pray

17 09 2008

Isang munting dasal ang alay ko sa pinagdaanan ng kaibigang blogger na si Rj. 

 

Hindi ko pa nakakasama ng personal si Rj pero parang antagal ko na siyang kainuman, kasama sa mga lakaran at kakwentuhan.  Pareho kasi kami ng mga gusto sa buhay –  magpaka-stick-to-wan sa misis namin, magkaroon ng simpleng pamilya at magkaroon ng bonggang bonggang high end laptop. 

 

Sobrang nakakalungkot din kasi pareho naming ine-expect na maging first time Dad ngayong taon.  Kung hindi rin nakunan si BebeKo noong Marso, malamang Nobyembre din ang due date ni BebeKo na sana ay panganay namin kasabay ng panganay nina Bachoinkchoink at Rj.   Tapos paglaki nila magiging bloggers din, mag-e-exchange links sa isa’t-isa, at kung may mabuo mang love story, labas na ako dun.  Basta wag lang nilang kakalimutang minsan, mga sikat na pakyut na blogista ang mga tatay at nanay nila.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Wishful Thinking

17 09 2008

May pagkadilang anghel talaga ‘tong si Maru.  Alaala ko pa nung isang taon ang sabi niya pwedeng pwede akong magsulat sa babasahin.  Ngayon nga, naimbitahan ako ni ed Alex ng Psicom Publishing na magsulat para sa unang labas ng kanilang Nosebleed humor Magazine. Ibang klase ka Maru.  Delikado yang ganyang dila, nagkakatotoo ang sinasabi.  Buti naman at hindi ka napapamura sakin pag natutuwa ka: ‘Puke ka talaga Badoodles, Puke Ka!’, malamang isa na akong walking pekpek ngayon.   

Itong Nosebleed Magazine ang  sinasabing kauna-unahang interactive humor magasin ng Pinas.   Di ko alam kung pano naging interactive, baka pag binuklat mo may lalabas na diwatang walo ang nipol at sasayawan ka ng ‘Igiling Mo’ ni Willie Revillame.  Pumunta ako nung ‘soft launch’ ng magasin sa SMX.  Sa mga pumunta, kung may nakita kayong nakasando ng puti, mas makapal ang buhok sa kanang kilikili kaysa sa kaliwa at may paekis na band-aid sa utong, oo ako ‘yun.  Kung di tayo nagkita, sayang, hindi pa panahon na magkrus ang landas natin. 

 

Tingin ko unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko sa buhay.  Nung nakaraang buwan sinama naman ako ng BebeKo sa Luneta Park.  Oo, kanya kanyang trip ‘to sa buhay, walang pakialaman.  Pers taym kong makapunta sa Luneta Park.  Matagal ko nang gustong  pumunta dito pero laging busy sa trabaho.  Gusto ko kasing makakita ng mga taong grasa na nagho-holding hands while walking sa publikong lugar, mga taong salat sa pera pero puno ng pagmamahal at kalibugan para sa isa’t isa.  

 

At dahil matino ang buhos ng grasya sa akin ngayong taong ito, gusto kong maging mabait sa mga taong nakakasalamuha ko.  Sakay na ako ng jeep papuntang Makati nang may humabol na sumakay na babaeng basang basa ang katawan.  Di ko alam kung basang pawis, basa dahil kaliligo lang o basang kagagaling sa pakikipagtalik at nahuli ng kanyang tunay na asawa kaya tumalon sa ikalawang palapag ng condominium nila at tumakas at ngayon nga ay pasakay ng jeep.  Lahat nakatingin sa tsik.  Naalala ko ‘yung homily ng pari nung nakaraang Linggo.  Ang sabi, ‘pag nabigyan ka ng pagkakataong tumulong, wag magdalawang isip, tumulong ka’.  Kaya pasimple kong tinanggal ang tissue paper ng baon kong egg sandwich at iniabot sa kanya.  ‘Miss, pamunas’.  Inabot ng tsik ang tissue at pinangpunas sa basang katawan.  Nangamoy itlog at mayonnaise sa loob ng dyip.   Sa ganitong pagkakataon, napapaisip tuloy ako kung pano ako huhusgahan ng Diyos sa ginawa ko. 

 

Pagdating sa opis, wala akong ginawa kundi magkape at mangarap ng gising.  Heto pa ang mga simpleng kahilingan na naglalaro sa isip ko ngayon:

 

  1. Sana laging healthy ang Mommy ko.  Matanda na kasi kaya ‘yung kalusugan nya ang inaalala ko.  Nagpaparinig nga sa kin, sabi, ‘Anak umuuga na ang pustiso ko’.  Dahil malayo pa ang sweldo, sinabi ko na lang na, ‘Guni-guni mo lang ‘yan Ma.  Normal lang ‘yan.  Masyado mo lang nararamdaman ang pag-ikot ng mundo. The earth revolves around da sun, ya know.’        

  2. Sana maayos ang pagtrato ng mga anghel sa tatay ko sa langit.  Mainipin pa naman ‘yun.  Mamya biglang bumaba ‘yun dito sa lupa at kulitin ako kung ano na ang itsura ni Tetchie Agbayani.  Mainis ako baka i-arm lock ko pa siya.  [Tatay, ina-arm lock lang? Hehe]      

  3. Sana matutong magdeodorant ‘yung mga bumbay na kasabayan kong mag-gym.  Kasarapan akong magbuhat ng bloke-blokeng bakal tapos biglang dadaan sa harap ko.  ‘Yung amoy, ibang klase, talagang gumuguhit sa lalamunan ko.  What the fuck fuck fuck.     

  4. Sana kumapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili tulad nung sa kanang kili-kili.  Kasalukuyang bilang ko nasa sampung hibla pa lang sa kaliwa sila laban sa mahigit tatlong daan sa kanan.  May sumusulpot na pang-labing isang buhok, kinakausap ko nga na parang halaman baka sakaling humaba at yumabong.       

  5. Gusto kong regaluhan ng tsiks ‘yung ninong kong nagpakatandang binata na dahil tinakasan ng kanyang kasintahan nung araw ng kasal nila.  Inaalala ko baka pag hindi ‘yun nakatikim ng pekpek magbago ang kanyang ‘preference’.              

  6. Sana magcut down sa presyo ng kape ang mga may-ari ng Starbucks.  Hindi ko nga maisip kung nakakatulog sila ng mahimbing sa presyo ng kanilang kape.       

  7. Sana makapunta ako sa susunod na WordCamp.  Hindi ako nakapunta nung nakaraan matapos ang ilang ulit kong pangungulit mabigyan ng ‘camper pass’ ng mga organizers.  Mainit ang pakiramdam ni BebeKo nung araw na ‘yun kaya hindi ako natuloy.  Nasa tabi lang niya ako at naghihintay na sabihin niya saking, ‘Badoodles, am I too hot for you?’.  Oye oye.  Hehe.   Oo antaas ng lagnat mo BebeKo.              

  8. Ikaw, anong mga pinagpapantasyahan at kahilingan mo?

  

Parapol Update:  Congrats sa nanalo sa electronic parapol ng isang ‘humor tshirt’.  Paki-email lang sakin ang iyong size, gustong tshirt design mula sa  The TShirt Project dito sa badoodles [at] rocketmail [dot] com.

Parapol Update2:  Magbibigay ang Psicom Publishing [sabi ni Ed Alex Cruz] ng tatlong Nosebleed Magazine [eckshuli apat, ninenok ko ung isa].  Demmet, sige na nga apat na magazine na ipaparapol ko.  Simple lang mechanics, punta kayo dito sa Nosebleed Forum, magsignup, tapos balik kayo dito sa kwentongbarbero.com at iwan sa commentbox ang inyong username nung nagsignup kayo sa Nosebleed Forum.  Ibeberipika ko kung nagsignup nga kayo at ang apat na mananalo ay i-aannounce sa October 15, 2008.  Ayos? 

 





The 2008 Philippines 10 Best Funny Blogs: 30 Day Kick Off

1 09 2008

Bilang host ngayong taon ng Project Lafftrip Laffapalooza, opisyal kong sinisimulan ang 30 day countdown para sa eksayting ‘kilig to the bones’ na pagsalubong sa ating mga iniidolong 10 DaBest Pinoy Humor Blogs.  Ito ang mga blogs na nagbigay sa ‘tin ng isanglibo’t isang tuwa, umalipin sa ating tonsil at funny bones, at nagpalakas ng ating utot sinadya man nila o hindi sinasadya.  Ibang klase talaga kayo.  Mga ‘halimawers’ sa pagpapatawa.  You’re DaBest.

 

Heto ang mga numero at petsang wag kakalimutan:  Sa Septyembre 20 bago mag-alas dose ng gabi magsasara ang botohan.  Septyembre 22 naman ilalabas ang listahan ng mga pangalan ng bumoto na kwalipikado para sa parapol.  1 lang ang mananalo para sa ating parapol na pipili ng kanyang premyo – 15 tawsan, Sony Cybershot, o kaya N70 na sa sobrang tagal ng patimpalak na ‘to ay natukso nakong gamitin.  Kaya payong kaibigan, wag niyo nang piliin ang N70, napamahal na siya sakin.  Septyembre 30 ang resulta ng mananalo sa parapol at bilangan sa 10 DaBest Funny Blogs.  10 tropeo para sa 10  DaBest Funny Blogs.  Wala nang certificates na ibibigay dahil mas mahal ang papel.  Pinalitan na ‘to ng tropeo salamat kay Miss Weng na may-ari ng Gagatak store.  10 T-Shirts naman para sa 10 Best Humor Bloggers courtesy ng The Tshirt Project.     

 

Gusto kong magpasalamat sa mga sponsors sa kanilang pagsuporta.  Sa mga cool people ng The Tshirt Project [Carlo, Maryan, Alabang girls atbp] bilang ekslusibong eksplosibong sponsor ng patimpalak.  Salamat din kay Miss Weng ng Gagatak sa pag-isponsor sa mga tropeo.  Kung gusto niyo ng libreng tawa kahit wala pa kayong balak bumili, tumambay lang kayo sa Gagatak tindahan ni Weng.  Libre ang saya.  Tenkyu din sa mga may nagpakita ng interes na mag-isponsor dito sa Project Lafftrip tulad ng Eat My Balls pisbolan, McDomeng Lugawan, WashUrProblem laundry shop atbp.  Hayaan niyo sa susunod po.  Isang malaking tenkyu din kay Umleo23.com na nagpaunlak sa paanyaya na maging ‘video presentor’ ng Project Lafftrip sa taong ito.

 

At para sa mga bumibisita ng site na ‘to may blog man o wala, oo na sige na, meron din ako para sa inyo.  Magpaparapol ako ng isang ‘humor tshirt’ mula sa The Tshirt Project.  Sagutin lang ang tanong na to: ‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’  Wag kalimutang iwanan ang inyong email address.  Ngayon na.