The 2008 Philippines 10 Best Funny Blogs: 30 Day Kick Off

1 09 2008

Bilang host ngayong taon ng Project Lafftrip Laffapalooza, opisyal kong sinisimulan ang 30 day countdown para sa eksayting ‘kilig to the bones’ na pagsalubong sa ating mga iniidolong 10 DaBest Pinoy Humor Blogs.  Ito ang mga blogs na nagbigay sa ‘tin ng isanglibo’t isang tuwa, umalipin sa ating tonsil at funny bones, at nagpalakas ng ating utot sinadya man nila o hindi sinasadya.  Ibang klase talaga kayo.  Mga ‘halimawers’ sa pagpapatawa.  You’re DaBest.

 

Heto ang mga numero at petsang wag kakalimutan:  Sa Septyembre 20 bago mag-alas dose ng gabi magsasara ang botohan.  Septyembre 22 naman ilalabas ang listahan ng mga pangalan ng bumoto na kwalipikado para sa parapol.  1 lang ang mananalo para sa ating parapol na pipili ng kanyang premyo – 15 tawsan, Sony Cybershot, o kaya N70 na sa sobrang tagal ng patimpalak na ‘to ay natukso nakong gamitin.  Kaya payong kaibigan, wag niyo nang piliin ang N70, napamahal na siya sakin.  Septyembre 30 ang resulta ng mananalo sa parapol at bilangan sa 10 DaBest Funny Blogs.  10 tropeo para sa 10  DaBest Funny Blogs.  Wala nang certificates na ibibigay dahil mas mahal ang papel.  Pinalitan na ‘to ng tropeo salamat kay Miss Weng na may-ari ng Gagatak store.  10 T-Shirts naman para sa 10 Best Humor Bloggers courtesy ng The Tshirt Project.     

 

Gusto kong magpasalamat sa mga sponsors sa kanilang pagsuporta.  Sa mga cool people ng The Tshirt Project [Carlo, Maryan, Alabang girls atbp] bilang ekslusibong eksplosibong sponsor ng patimpalak.  Salamat din kay Miss Weng ng Gagatak sa pag-isponsor sa mga tropeo.  Kung gusto niyo ng libreng tawa kahit wala pa kayong balak bumili, tumambay lang kayo sa Gagatak tindahan ni Weng.  Libre ang saya.  Tenkyu din sa mga may nagpakita ng interes na mag-isponsor dito sa Project Lafftrip tulad ng Eat My Balls pisbolan, McDomeng Lugawan, WashUrProblem laundry shop atbp.  Hayaan niyo sa susunod po.  Isang malaking tenkyu din kay Umleo23.com na nagpaunlak sa paanyaya na maging ‘video presentor’ ng Project Lafftrip sa taong ito.

 

At para sa mga bumibisita ng site na ‘to may blog man o wala, oo na sige na, meron din ako para sa inyo.  Magpaparapol ako ng isang ‘humor tshirt’ mula sa The Tshirt Project.  Sagutin lang ang tanong na to: ‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’  Wag kalimutang iwanan ang inyong email address.  Ngayon na. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

80 responses

2 09 2008
Maldito

sa akin na ang lahat ng prizes!!!!hahahaha…ampootah!!sosolohin ko ang lahat wag lang si inday!ahahaha…joke..

sana pasok pa din lahat nf frendships ko!!yahoo!

2 09 2008
trina lavander

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

uhm. gusto ko kasi ng tshirt. 😀 hihi.

uubusin ko ang load ko kay XIENAH GIRL!!!
ang nag iisang dyosa ng blogosperyo!

mananalo ka xG. kapeeeet~!
more power sir badoodles. 15tawsan.. dito ka sa bulsa ko

badoodles: @trina rapol entri no. 001

2 09 2008
umleo23

Mokong ka Master Badoodles!!! Hindi ko alam na ninakaw mo ang aking Picture na yan! Natatawa ako!!! Takte yan!

Ano ba yan! Kitang kita ako sa poster… hindi ba pwedeng liitan yan! LOLZ

badoodles: @umleo una kong nilagay ung nakasuot ka ng karton kaso kinabag ako sa katatawa. haha! strategy ko talagang palakihin yan para wala ka nang choice kundi gumawa ng video para sa project lafftrip

2 09 2008
Tisay

wow malapit na pala to matapos.

good luck sa mga sumali! except kay inday. hahaha!

good luck kay xG, mr_D, Mariano, at EfBee. apir! magdadasal ako para sa inyo. hahah!

badoodles: @tisay rapol entri no. 002. teka lang walang bearing tong boto nyo sa final tally ok? buti na ung maliwanag.

2 09 2008
eiyelle

waaaahh!!!
kakaexcite naman!
kaya lang hindi ko alam kung nabilang na po ang mga binoto ko..
master badoodles..please please isali nyu po ako…tenk you!

uubusin ko ang load ko para sa berdeng berdeng si GP..yebah!

badoodles: @ rapol entri no. 003. sige papasadahan ko ulit ung bilangan. hindi ko pa nga nabibilang un. cencya na po. update kita within d week.

2 09 2008
jojie

wow! akalain mo malapit na ang finals! makakuha kaya ako ng t-shirt?! kailangan ko na ata mag-orasyon doble kayod sa kampanya ang kalaban. lols!

keri lang. masaya ako nakasali dito, promise walang halong kaplastikan. *tumatangos ang ilong*

badoodles: @jojie rapol entri no. 004. haha. ayos kering keri lang.

2 09 2008
FerBert

noong una walapakels naman talaga ako sa contest na ito pero simula noong nagkaroon ng tshirt para sa top 10 todo eport na ako kaso di rin epektib. di rin ata nadagdagan ang votes ko. Pero masaya na ako kahit papano may mga bumoboto sakin at natatawa sa mga chevers ko.

uubusin ko ang load ko para kay Xienah
Dyosa ng Blogosphere
mabuting kaibigan
tas may seks apil pa tulad kay Cass Ponti!
Go XG!

badoodles: @fb parapol entri no. 005. ok lang yan. importante naka-lafftrip tayong lahat.

2 09 2008
cutedanger

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

gusto ko rin ng t-shirt..

Uubusin ko ang load ko kay kwentongbarbero wala pa kong blog nun na enganyo lang ako mag blog dahil sayo di man kita matxt pre pero my update naman ako kung ano nangyayari sa buhay mo dito nga yun sa blog mo.. maalala ko yung post mo nung birthday mo.. andito ako sa office tangina naka speaker pala PC ko kala ko di bastos hahaha:D nahirapan pa kong manghiram ng headset para mapakingan yun promise.. hehehe..

badoodles: @ rapol entri no. 00sex. haha. kaw naman talaga ang ‘barber man’ sa tropa natin. congrats pre, balita ko taas ng performance rating mo sa opisina. painom ka na!

2 09 2008
shao

weeee, matatapos na ang kontes at lahat hindi pa ren pala ako nakakaboto!!

hahaha, huli man daw at magaling maihahabol ko din yan..
at dahil hindi ka dapat iboto dito
sa iyo badoodles ko lang uubusin ang load ko..
wala ng iba pa.
wala ng iba pang mas deserving kundi kaw lang..

that’s all for me..Ü

badoodles: @shao rapol entri no. 007. kaya bumoto ka na! dali! tsk, nambola ka na naman. hirap pa naman pag napa-flatter ako, ilong ko lumalaki.

2 09 2008
The Gasoline Dude

Kelangan pa ba i-memorize ‘yan???

Siyempre kay GREENPINOY!!!

(GP, libre ko ha… *LOLz*)

Woot woot! Kaka-excite! = D

badoodles: @ rapol entri no. 008. gp! gp! laking tao pala nitong si jason. binangga ako sa isang bookstore. tsk. may araw ka rin.

2 09 2008
lee-yow

mukang may galit kayo kay INDAY?…

ayaw nyo ba sa sosyal na katulong???…

:))

goo lacks na lang sa mga sumali…

badoodles: @leeyow ganito talaga ang definition dito ng ‘healthy competition’. parang nag-uupakan lang. tingin ko sports naman si inday.

2 09 2008
lee-yow

sino po ba si xienah???

pa link naman!!!

gusto kong mabasa ang blog ng reyna ng blogosperyo…

hehe

badoodles: @lee isa ka sa .001% ng blogging population na hindi nakakakilala kay xg. si xg ang tunay at legal na gelpren ni johnlloyd

2 09 2008
xG

EHEM EHEM
hahahaha

ps.
sa mga kaibigan ko
wag kayo masyado maingay
low profile lang tayo
hahahaha

badoodles: @xg ako din naghihintay sa kalalabasan ng bilangan. sino ba ang last blogger standing? si xg, gp o si inday? abangan… ngan.. ngan [echo]

2 09 2008
watusiboy

kay mr. d dahil deserving sya pero hindi ko naiboto. tsk tsk.. halata ang pagkalurker ko.

badoodles: @watusiboy rapol entri no. 009. isama moko jan ng isa!

2 09 2008
M

XG.
Nuff said.

badoodles: @M ayos na soundbite to. short and spicy. nuff said. sino nga ulit si nuff?

3 09 2008
antuken

aba, malapit na pala ito. kelangan nang bumoto.

kung may text voting kanino ko uubusin ang load ko? naka-linya ako eh, anong load ang sinasabi mo? hehehe

kung kasama ka lang, hands down, sa yo. hehe (so saken na ba ang t-shirt?)

badoodles: @mare rapol entri no. 0010. haha. dapat lang ako iboto mo. tagal na din pnagsamahan natin.

3 09 2008
tet

uubusin ko ang load ko kay badoodles..

badoodles: @tet rapol entri no. 0011

3 09 2008
gasti

bloggers choice..hmmm gusto ko ubusin ang load ko para sa kaibigan kong si maldito. pero alam naman nating lahat na si Xg lang ang pwedeng ipantapat kay Inday..go XG! ubusan na lang ng lahi ang labanan….lols!

suntok sa buwan na ang 15k para sakin pero..naniniwala akong boksingero ako at magaling ako sumuntok kaya akin yan! pati t-shirt akeeeenn!

badoodles: @gasti rapol entri no. 0012. malay mo kaw manalo sa 15taw. hehe.

3 09 2008
rofel

te-te-te-te-te-te-te-text-text-ting para kina gasti, maldito, chilidobo at jeck kapit parin ako na isa sa inio ang mananalo.

good luck +9 na lang. boto ko mamaya pangdagdag counts.

badoodles: @rofel rapol entri no. 0013.

3 09 2008
the can

entry link updated. Nasa first page na yung entry ko. Sana yung mga nag nominate may t-shirt din.

badoodles: @thecan sige sige bilangin ko…

3 09 2008
the can

pwede rin po bang kunin yung poster master? tatanggalin ko nalang po yun kung hinde pwede.

badoodles: @thecan ayos lang. libre promotion. salamat.

3 09 2008
SEL

hands down no doubt eyes closed pa po ikaw sana ang iboboto ko kaso di ka kasali..dami pa naman akong load..hehehehe…=) pero si Kosing Gawlu ni Ahkong po iboboto ko po yun at si Greenpinoy..=)

badoodles: @sel rapol entri no. 0014. kosing gawlu? anong blog yan? di ko pa napupuntahan yan.

3 09 2008
McRey

WOW!!! Gusto ko ng t-shirt!!!

UUBUSIN ko ang load ko para kay GreenPinoy! at yung mga binoto ko! ahahaha…

badoodles: @mcrey rapol entri no. 0015. di pako nagpapasalamat. kaw ang isa sa mga unang sumuporta sa patimpalak nato.

3 09 2008
byter

waahhhh!!! ang saya may bago akong tshirt. papi badoodles wag mo nang ipa-raffle bigyan mo na lahat.

Iisa ang panawagan at sentimento namin ni McRey, uubusin ko load at mangungutang ako ng load para kay GreenPinoy!

badoodles: @byter rapol entri no.0016

3 09 2008
mia the dakilang tambay

nag-iisa lang si XG sa puso ko.

xienah girl ng chiksilog.com

aylabyu.

will you marry me?

hahaha!

badoodles: @mia lesbo action ba ito? huwaw. haha. biro lang. u are rapol entri no. 0017.

3 09 2008
BADoy

dahil lima ang cellphone ko at lima sim card din ako meron uubusin ko ang load ko kina XG, gasti, maldito, pedto at FB!

sana manalo ako ng tshirt master badoods!!!!!!!

badoodles: @badoy baka may isa ka pang simcard jan, boto mo rin ako. haha. u r rapol entri no. 0018

3 09 2008
MyPetBadong

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

ito ay uubusin ko para kay Maru. Ang reyna ng polvaron ng http://www.maruism.com.

good luck sa lahat ng kasali… *pati sakin*

badoodles: @mypetbadong talagang may ‘polvaron’. u r rapol entri no. 0019

3 09 2008
the can

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

Dahil sa wala naman nag tetetext sa aken, uubusin ko nalang ang load ko kina FB, Gasti and M. Gud luck sa inyu sana manalo kayu, (Pati ako kahit na yung t-shirt lang, gustong gusto ko yun). Hahahaha!

badoodles: @wafu u are rapol entri no. 0020

3 09 2008
lethalverses

Una, bibili muna ako ng maraming selpown para mas marami akong mauubos na load.

Pangalawa, uubusin ko ito kila Greenpinoy, Mariano at Kingdaddyrich!!

…dahil sa tatlong ito, sulit ang utot na mabi-build up mo kakatawa.

badoodles: @lethal u are rapol entri no. 0021

3 09 2008
promking

iboboto ko ang karapat dapat..

sa totoo lang, mas nakakatawa si badoodles dahil sa style of writing. ginagaya ko nga e..

badoodles: @promking handaming games!!! gusto ko nyan… sige palit na lang tayo ng blog. rapol entri no. 0022

3 09 2008
lyingwithclotheson

may vote po ako.. pero wala dito sa wordpress kundi andito

eto pa isang link.. adik ako e 😀

http://nawawalangblogger.blogspot.com/2008/09/best-humor-blogs.html

badoodles: @lyingwithclotheson sige bilangin ko na lang votes mo.

4 09 2008
famouspower

kung may txt votes…

kay chiksilog akooooooooooooo
wooohooo

actually … gusto ko talaga ng tisert!

badoodles: @famous anong tisert? anong kaguluhan to? haha. sige u are rapol entri number 23.

4 09 2008
A call for A change « El Bitcho Maldito

[…] Indi ako nanakot, pero parang awa niyo na!!Kailangan ko ng BOTO!!ahahahaha..desperado! Makikita pala ang deadline at mga detalye ng pacontest dito. […]

4 09 2008
pampoy

Greenpinoy! =)

badoodles: @pam rapol entri no. 0024

4 09 2008
reyna elena

pareng badoodles,

bago mo i-announce ang winner, pwedeng usap lang muna tayo hehehe sa Manila Penn, maganda run… hehehehe wala lang, ano nga pala gusto mong “regalo” hehehe

i mean… daanin na lang naten to sa usapan pare, hirap talunin si inday eh… hehehe

badoodles: @reyna perahin mo na lang. ayoko sa manila pen, iniihian ng tropa ko ung pool doon. wag kang ganyan, tao lang ako, marupok, nasisilaw sa yaman.

4 09 2008
ellieshe

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

Uubusin ko ang load ko kay kuya MALDITO…kasi Kras ko siya…ahahaha

…kasi deserving siya para iboto..yun na un! da best!

badoodles: @ellieshe kras mo sya? dapat sinasabihan mo syang ‘maldita i wanna kras u’. rapol entri no. 0025

4 09 2008
jayr

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’
kay…… *drums rolling*

inday

o kaya

kay badoodles

badoodles: @jayr rapol entri no. 0026

4 09 2008
mr_d

ay ako talaga uubusin ko ang pasaload P5 ko kay mr_d.

gaddamm hott madapaker!

badoodles: @mrd kung ako lang pwedeng bumoto abay iboboto ko din tong gaddam madapaker na to. u r rapol entri no. 00twenty-sex

4 09 2008
Pedro

my vote goes to xG of

chiksilog datkom

badoodles: @pedropenduko u are rapol entri no. 0027

4 09 2008
cnoko

Ay maari po ba akong humabol? bago humaba ang aking b*lb*l wahahahaha Sorry mahilig lang talaga ako sa rhymes!

badoodles: @cnoko pwedeng pwedeng pwede. rhymes din ba to? pwede pa pare

4 09 2008
churvah

efbee ako,saka xG saka M.
hehe..
3 naman simcards ko.
tig iisa sila na pag uubusan ko ng lod.

badoodles: @churvah u are rapol entri no. 0028

4 09 2008
Axel

Syempre wala ng iba kung hindi Greenpinoy lang… woohooooo!!!

badoodles: @axel u are rapol entri no. 0029

4 09 2008
molestedtwineggs

paano ba bomoto..

basta buto ko si GP >> Green Pinoy… magkano share ko Jason?

badoodles: @molestedtwineggs walang bearing ito sa lafftrip botohan. pangtrip-trip lang para sa isang tisert. u are rapol entri no. 0030

4 09 2008
molestedtwineggs

boto pala correction your honor.. validate my vote

badoodles: @molestedtwineggs aprub

5 09 2008
andrea galinato

hahahaha… that’s easy… of course…

http://thegreatmaldito.wordpress.com/

Maldito… yow da man!!!

at tungkol sa tanong na to:

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

Of course… c maldito pa rin!! IDOL!! 🙂

badoodles: @andrea u are rapol entri no. 0031

5 09 2008
shayleigh

elo po… ubusan ng load ang labanan? mamumulubi ako nito… pero dahil gusto ko ng t-shirt… kay Greenpinoy po ako mag-uubos ng load. 😀

badoodles: @shay u are rapol entri no. 0032

5 09 2008
sexymoi

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

Kay maldito at kay kokey monster. yun lang hehe

badoodles: @sexymoi u are rapol entri no. 0033

5 09 2008
beero

gustong-gusto ko rin ng t-shirt kuya bosing. parang awa mo na wag mo nang idaaan sa rapol, ibigay mo na lang sa kin [paawa epek] 😦

kung may text votes, pipiliin ko si FB. hehe. wag na magtampo yung iba ha. hehe.

badoodles: @beero haha! malay mo swertehin ka. di mo alam may kasama ang papremyong tshirt na malaking house and lot. u r rapol entri no. 0034

5 09 2008
Enday

tama ba namang gamitin yung papremyong cellphone?
haha
second hand na yan ibig sabihin..

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

Dahil sa pulubi lang ako at bilang na bilang ang damit sige na nga.
papatulan ko na tong mini contest na to.

syempre, di na kailangang itanong yan.
sa dyosa ng blogospero na ako.
Kay miss xienah girl ako!!
*palakpakan*

badoodles: @enday u are rapol entri no. 0035

6 09 2008
raechelle

kung maguubos man ako ng load… hmmmm..

siguro KILA:
xienah
mr. d
mariano juancho
at badoodles!

hehehe! =)

badoodles: @raechelle u are rapol entri no. 0036

6 09 2008
Calvin

ako ubusin ko ang text vote ko kay cris o kaya kay bugoy.

gusto ko ng tshirt na premyo! 🙂

badoodles: @calvin lol

7 09 2008
rey

“Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

gusto ko rin ng imac at t-shirt

uubusin ko ang load ko to vote for misterhubs, galing nya eh

badoodles: @rey oo ung imac nakadrowing sa tshirt. u are rapol entri no. 0037

7 09 2008
grimsborith

master baddods..indi pa ako naka answer…kung uubusin ko ang milyones na load ko,,,,uubusin ko yun kay pareng gasti.

salamat naman. swapang ako kaya isa pang shirt!lols..

IF EVER. na makapasok pa ako sa taft 10, pano ko makukuha ang trophy and oder chuva?hu hu hu

badoodles: @grim if ever… u are rapol entri no. 0038.

7 09 2008
grimsborith

ay indi ko nalagyan ng name na tama: maldito pala to.lols

7 09 2008
repah

manalo kya ang mga manok ko.. kaabang-abang tlaga ito..

badoodles: @repah ako din kating kati na sa kahihintay.

8 09 2008
jeckarmea

waaaaaaah sayang dapat pala nagbasa ako ng mga blogs! me rapol din pla sa tulad kong nakikibasa lang…
hindi ko na nabasa masyado yung rules..pero kung kasali ka..ikaw iboboto ko..

badoodles: @jeckarmea u are rapol entri no. 0040

8 09 2008
popoygelo

Syempre boto ko si badoodles saka si unkyel batjay … Mga IDOLS ko sila eh ..

Pero kung pwede ang self nomination, siyempre boto ko na lang sarili ko .. hehe

btw: sir badoodles.. matagal na din ako nakikibasa sayo.. paano ba ako mapapasama dun sa listahan ng mga disipulo (tambay sa site) mo? sana mailista din ako dun kahit font 6 lang .. 🙂 thanks ..

badoodles: @popoygelo ung tambay listahan dito? may initiation kasi tayo dyan. kelangan munang magkoment ka ng sangkatutak, at manlibre samin ng tigiisang jollibee kiddie meal at isa ka nang opisyal na tambay ng kwentongbarbero. oye!oye! u are rapol entri no. 0041

9 09 2008
jayr

iba na ang level mo, nasa magazine ka na din… sa anong araw ka pupunta dun sa MOA for Philippine Book Fair 2008? Para pa autograph kami ng magazine namin….hahahaha 🙂

badoodles: @jayr autograph? haha. salingpusa lang ako dun. saka naghahanap pako ng manlilibre sakin ng pamasahe sa dyip.

9 09 2008
Calvin

hindi pala counted yung entry ko sa rapol? sige si greenpinoy na lang yung paggagamitan ko ng text vote.

badoodles: @calvin eto totohanan na, counted na to. rapol entri no. 0042

10 09 2008
aysus

Nyemas.

Kay XG o kaya kay Mr_D ko uubusin ang load ko!

Nga pala, tambay ako dito. Pero wala ako sa list. LOLER BLADES. 😆

badoodles: @aysus u are rapol entri no. 0043

10 09 2008
beero

sana nga swertihin ako kuya bosing. gud lak sa kin. hehe

rapol entri no. 0034…rapol entri no. 0034…rapol entri no. 0034

paki-tandaan yung rapol entri # ko bosing para kahit 0056 (o ano pang #) mabunot mo, 0034 pa rin masabi mo. ayun, panalo ako! hehe 😎

badoodles: @beero hahaha! sige praktis nako. ano na ulit? rapol entri no. 35.. rapol entri no. 0035.

10 09 2008
mnel

siyempre kay bugoy!

ay hindi ba PDA to? hehehe.

kahit kanino kina xg, mariano, mr d at efbee

eeny-meeny-miny-mo na lang ako every time magtetext para fair and square. hehe

badoodles: @docmnel ngayon ko lang napansin datkom ka na pala. u are rapol entri no. 0044

10 09 2008
M

Si Guttierrez po. Nuff.

At paano naman ako napadpad sa laffapalooza kung ganito ako kakorni.

Nuff said.

10 09 2008
ced

natype ko na po to sa unang post. pero uulitin ko lng po ulit. aheheh

“nakaboto na rin po!
sana humabol pa to=]
ingats G. badoodles”

http://www.msc-quest.blogspot.com/

11 09 2008
bart

kung kasali ka lang sa parapol badoodles, sau at kay inday sosyal na made ko lang itataktak ang votes ko. ….patambay na rin.

badoodles: @bart yan naman. hehe. welkam pre. u r rapol entri no. 0045

11 09 2008
popoy

kay xG ko uubusin ang load ko.lols

badoodles: @popoy u are rapol entri no. 0046

11 09 2008
M

Bossing Badoodles, meron po ba akong rapol entri namber? Sana po meron, kasi inggit ako sa kanila. Salamat po, xoxox to you.

badoodles: @M ngapala, kala ko kinakausap mo lang si xG. u r rapol entri no. 0046 0047

12 09 2008
Kroaky

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

– kay Jojitah at sa kanyang curlers.hehe Yuy, Jojitah, tuwa na yan, fan kasi niya ako.hahaha Sa totoo lang, na-engganyo akong magblog dahil sa kanya. Nakaktuwa kasi siya. 😀

badoodles: @kroaky u are rapol entri no. 0048

13 09 2008
The Gasoline Dude

Badoods, pareho ng raffle number si M at Popoy. Hehe.

badoodles: @gasdude oo paghatian na lang nila ung tshirt pag nanalo sila [nagpalusot daw?]. hehe, salamat update ko na.

13 09 2008
danggera

XG 🙂

sa dyosa ng blogosperyo syempre!

badoodles: @danggera rapol entri no. 0049

13 09 2008
xG

anong kaguluhan ito?

steggs yung nasa taas^^
pang 69 ka!
salamat danggera
kung sino ka man
sana di ikaw yung empleyado
sa baranggay hall ano?
hahahaha

inggit ako
wala akong ruffles?
why?

oo na
hindi ko naman itinatanggi
na nuknukan ng sama ang ugali ko
sus

kaya ang iboboto ko
sa blogchoice
ay si xG

LOLOLOLOLOLs
🙂

badoodles: @mjlc u are rapol entri no. 0049

14 09 2008
badoodles

oppssss… sarado na po ang parapol sa nag-iisang ‘humor t-shirt’. anyhoots, i-aannounce sa susunod na post ang nanalo, tinatapos ko palang ung electronic tambiolo. salamat sa mga sumali. ps. walang bearing sa lafftrip tally ang boto dito, katuwaan lang natin to.

15 09 2008
shrekky

hi mr. badoodles…

uubusin ko load ko sa pagboto kay poli (gagopolis).. khit sobrang dalang mag-post…

yvette.ocampo[at]emerson.com

badoodles: @shrekky emerson!!! malapit nakong lumipat jan! dagdagan nyo pa offer sakin.. wohoo! u are rapol entri no. 0050

16 09 2008
Captivating Capiz Zinnia

Malapit nang matapos, gusto ko ring makisali. At uubusin ko ang load ko kay GreenPinoy. GP rocks!

Captivating Capiz Zinnia

18 09 2008
fjordz

‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’

kung seryoso man ito, hahaha, iboboto ko si Idol ferbert hehehe… tshirt ko ah!! hahahaha

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

20 09 2008
M

Oo nga pala boss Badoodles, meron ka bang codes ng tambiolo mo? Baka pwede nating i-convert yan para magrandomize ng number ng lotto? Ahihi.

23 09 2008
chuvaness

uuuuyy teka..parang classmate ko si SHREKKY – yvette.ocampo[at]emerson.com

hahahahahahahhaha hoy ‘daaaayy ako ba hinde mo iboboto!!! pano na lang ang pinag samahan naten ng 5 taon sa silent p UP!!!! whatta small world dito pa tayo sa blogosphere nagkita hahahhaha

25 09 2008
reyna elena

LAST HIRIT to badoodles! Me iPhone ako dito padala ko seyo! Huhulugan mo lang nang venchingko sentimos bawat tawag!!!

WAG NYONG IBOTO SI CHUVANESS! AKO IBOTO NYO PARANG AWA NYO NA! hahahah!

badoodles: @reynz congrats sa pagiging finalist sa philippine blog awards – best ofw. dapat nasa best blog busines ka din, yumayaman mga bisita mo sa blog mo.

11 07 2010
cutesmyls

niceeeee…. 🙂

24 11 2012
Nannie

this musical arrangement is way better than the original. If featured several different musical elements which were not present in the? original version. So KUDOS to Uchuentai Noiz for the OUTSTANDING re-arrangement! This is the perfect blend between the musical proficiency of the old school bands and the charisma of the new school bands! Hope to hear more Pinoy songs to be this good musically…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: