I Pray

17 09 2008

Isang munting dasal ang alay ko sa pinagdaanan ng kaibigang blogger na si Rj. 

 

Hindi ko pa nakakasama ng personal si Rj pero parang antagal ko na siyang kainuman, kasama sa mga lakaran at kakwentuhan.  Pareho kasi kami ng mga gusto sa buhay –  magpaka-stick-to-wan sa misis namin, magkaroon ng simpleng pamilya at magkaroon ng bonggang bonggang high end laptop. 

 

Sobrang nakakalungkot din kasi pareho naming ine-expect na maging first time Dad ngayong taon.  Kung hindi rin nakunan si BebeKo noong Marso, malamang Nobyembre din ang due date ni BebeKo na sana ay panganay namin kasabay ng panganay nina Bachoinkchoink at Rj.   Tapos paglaki nila magiging bloggers din, mag-e-exchange links sa isa’t-isa, at kung may mabuo mang love story, labas na ako dun.  Basta wag lang nilang kakalimutang minsan, mga sikat na pakyut na blogista ang mga tatay at nanay nila.

 

Mataas ang risk na makunan ang mga first time buntis, eto ‘yung pinaintindi sa amin ng ‘cool na cool’ na OB ni BebeKo.  Nung malaman naming sana ay may panganay na kami kung hindi lang nakunan si BebeKo, sinabihan pa ni Dra. Guilot si BebeKo ng, ‘O? Wag kang iiyak iyak dyan, sasapakin kita.  Ganyan talaga sa umpisa’.  Ngayon tutok na ako at saka si Dra. sa pagbubuntis ni BebeKo.   Paminsan-minsan meron ding pasulyap sulyap at pakindat kindat sakin si doktora sabay kagat labi, hindi ko alam kung may halong malisya ‘yun o talagang kirat lang siya at tulo laway ang labi.

 

Kay pareng Rj at sa ating lahat, di man tayo nagkikita sa personal ehem… ehem… I feel you, importante sakin ang samahan natin, para ko kayong ingrown, pag sumakit ramdam ko to the bones.

Advertisements

Mga Tugon

Information

28 responses

17 09 2008
antuken

i actually don’t know rj. pero malimit ko syang makita sa mga blog na binibisita ko. i pray for him too.

17 09 2008
The Gasoline Dude

Malaki ang pasalamat ko sa Diyos dahil nalaman ko kanina mula kay Insan RJ na safe si Bachoinkchoink. At least panatag na din ang loob ko sa kabila ng nangyari sa mga ‘kutings’. Let’s continue to pray for the couple.

18 09 2008
xG

narinig ko na rin ang balita
at nakikiisa ako
sa simpatya ng buong blogosphere
para kay rj

18 09 2008
kris jasper

anong dialect yung pooksasapot???

anw, binasa ko yung mga previous posts(sss-dami na kasi) mo,
i hope na ok at healthy na yung next…

18 09 2008
FerBert

ang lungkot nito tsktsktsk

taos pusong nakikiramay kay rj

18 09 2008
Pedro

kasama ako sa mga nakikisimpatya.

18 09 2008
mang BADoy

sama din ako dyan *feeling close*

18 09 2008
wipwed

hmmmnnn.. natawa ako dun sa pakikiramay.. maloko parin..

anyhoo, makikiramay na rin.

18 09 2008
joshmarie

oo nga anong ibig sabihin ng pooksasapot? haha! 🙂 wattaword! i love your blog! keep it up. 🙂

18 09 2008
kotsengkuba

sensya na badoods sa pananatiling lurker. hindi ko kase mapasok ang kuta mo kung hindi ako magbabayad ng $6.95/month blockage fee sa china guards pero dahil sa nakita kong email feed mo, napilitan akong magbigay ng lagay sa mga intsik.

nakakalungkot dahil hindi ko naman kilala ni RJ, dun ko lang sya kay mamaru nakita tapos eto yung impormasyon na magpapakilala sa kanya sa’king side of the blogging world. and i don’t know how would i react dahil hindi ko naman sya kilala personally or even bloggerally (lols) pero i’ll put him and his family in my prayers na madalang pa sa patak ng ulan sa (put that place here).

congrats nga pala dun sa kabilang post badoodles. sige pipilitin ko si misis bumili ng nosebleed (may royalty fee ba si malen dun?) magazine na’yan bago sila tumungo dito sa isang bwan. and speaking of them coming here, naknampuchang mga intsik to, nilalason ang mga gatas sa mga baby. 23/78 na daw among the formula milk brands dito ang apektado dun sa kidney killer na sangkap ng gatas. buti nalang yung pagkamahal-mahal na gatas ng panganay (wala pang bunso ;-)) ko e mukhang pasado naman sa mga tests.

anyway, regards nalang kay bebemo. alaga lang sa checkup at lambing 😉

18 09 2008
akosimakoy

ah ganun… maramdaman mo rin kaya ako. nyahahahaha!

18 09 2008
enday

nakikiramay…
grabe, nabasa ko yung post.
tsk tsk.

19 09 2008
Maldito

hu hu hu..ang sama ng balita..nakkikiramay din ako kay RJ…exsited pa naman siya sa kambal niya.. 😦

19 09 2008
Vera

may panahon talaga ang bawat nilalang sa mundo, sabi nga ni RJ kailangan na sila sa langit. wag lang mawalan ng faith. diba diba diba

19 09 2008
repah

naku nakakalungkot tlga yan.. di bale pagpreprey ko sya at ikaw na rin at ng bebe mo para sa matiwasay at malusog na pagbubuntis

19 09 2008
fralaleigh

ang sad naman!
ok lng po yan!
nkikiramay ako…

19 09 2008
molestedtwineggs

same here

19 09 2008
Irvin Ryan

Wish ko lang i can be one of those ingrowns.=)) Nice blog btw.

20 09 2008
Colegiala girl

Nawa’y patnubayan siya ng Poong Maykapal.

20 09 2008
ziemom

nun nsa tummy ko pa si manong driver, naku dami ko ring sakripsyo sa kanya kasi dinudugo ako at kailangan ko ng bedrest para lang mabuo siya at maging malusog. sabi nga pag panganay sobrang komplekado at dalawa lang ang kailangan gawin ng mga parents to be..una, ang magdasal at ikalawa ang sundin ang lahat ng payo ng OB niya at ipadama sa baby (kahit nasa tummy pa siya) na mahal na mahal nyo siya at hihintayin nyo ang paglabas niya sa mundo.

dahil dinanas din namin mag-asawa ang mga worries nyo: pasa ko lng ang prayers na dinasal ko sa bawat araw na nasa tummy pa si Manong Driver.

Sana makatulong ito:

St. Gerald is the Patron of all Mothers:

For Motherhood:
o good st. gerard, powerful intercessor with God, and worder-worker of our day, i call upon thee and seek thine aid. thou who didst always fulfill God’s designs, help me do the Holy Will of God. beseech the master of life from whom all paternity proceeds to render me fruitful in offspring, that i may raise up children to God in this life and heirs to the Kingdom of His glory in the world to come Amen.

For an expectant mother:
o everlasting and almighty God, who through the operation of the holy spirit didst prepare the body and soul of the glorious virgin mary to be the worthy dwelling of thy son, and through the same holy spirit didst sanctify st. john the baptist before his birth: listen to the prayer of thy humble servant who implores thee through the merits and intercession of st. gerard majella,m to protect me (her) in the dangers of motherhood and to safeguard against evil spirit the child who thou hast vouch-safed to grant me (her), so that by thy savings hand it may receive holy baptism. grant, also, that after living as good christians in thy love and service here on earth, both mother and child may attain everlasting happiness in heaven. amen

sending our prayers, may god’s love and the healing hands of jesus be with you always and guide and protect u as well.

http://www.istoryaniandeng.wordpress.com
http://www.marchanazie.wordpress.com

see you around

20 09 2008
R.J.

maraming salamat pare, sa pagiging part na iyong ingrown. don’t worry were very much ok, habol na lang kami sa panganay nyo. hehehe. =D

21 09 2008
annenoneymous

idol, nakaka-tats naman to. kahit ingrown lang at least part pa rin ni badoodles. wat an onor! :p

23 09 2008
minnie

hello.. napadaan lang po..

God Bless..

23 09 2008
beero

una kong nalaman yung balita kay gasul.
di ko kilala si rj personally pero nakikisimpatya na rin ako sa nangyari.

27 09 2008
mhar

isa rin ako sa mga nakidalamhati nung nabasa ko ang post in utakmunggo sa blog nya. pero sabi ko nga, ganun talaga ang buhay.

27 09 2008
mcrey

Okay naman si Babydoodles?! Ang bachoinkchoink?!

Diba okay naman?!

Sana ay lumabas silang malusog at masigla…

27 09 2008
mcrey

Okay naman si Babydoodles?! Si bachoinkchoink?!

Diba okay naman?!

Sana ay lumabas silang malusog at masigla… we’ll pray for sure.

11 10 2008
paperdoll

may bebe ka na pala. . sayang. . eepal pa naman sana aco. . di bale. . nalaman co naman ang tamang spelling ng ingrown. . kala co kasi ingrone. . kasi pinag aaral ng magulang, pamamalatek ang inaatupag. . ampnessessess

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: