Wishful Thinking

17 09 2008

May pagkadilang anghel talaga ‘tong si Maru.  Alaala ko pa nung isang taon ang sabi niya pwedeng pwede akong magsulat sa babasahin.  Ngayon nga, naimbitahan ako ni ed Alex ng Psicom Publishing na magsulat para sa unang labas ng kanilang Nosebleed humor Magazine. Ibang klase ka Maru.  Delikado yang ganyang dila, nagkakatotoo ang sinasabi.  Buti naman at hindi ka napapamura sakin pag natutuwa ka: ‘Puke ka talaga Badoodles, Puke Ka!’, malamang isa na akong walking pekpek ngayon.   

Itong Nosebleed Magazine ang  sinasabing kauna-unahang interactive humor magasin ng Pinas.   Di ko alam kung pano naging interactive, baka pag binuklat mo may lalabas na diwatang walo ang nipol at sasayawan ka ng ‘Igiling Mo’ ni Willie Revillame.  Pumunta ako nung ‘soft launch’ ng magasin sa SMX.  Sa mga pumunta, kung may nakita kayong nakasando ng puti, mas makapal ang buhok sa kanang kilikili kaysa sa kaliwa at may paekis na band-aid sa utong, oo ako ‘yun.  Kung di tayo nagkita, sayang, hindi pa panahon na magkrus ang landas natin. 

 

Tingin ko unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko sa buhay.  Nung nakaraang buwan sinama naman ako ng BebeKo sa Luneta Park.  Oo, kanya kanyang trip ‘to sa buhay, walang pakialaman.  Pers taym kong makapunta sa Luneta Park.  Matagal ko nang gustong  pumunta dito pero laging busy sa trabaho.  Gusto ko kasing makakita ng mga taong grasa na nagho-holding hands while walking sa publikong lugar, mga taong salat sa pera pero puno ng pagmamahal at kalibugan para sa isa’t isa.  

 

At dahil matino ang buhos ng grasya sa akin ngayong taong ito, gusto kong maging mabait sa mga taong nakakasalamuha ko.  Sakay na ako ng jeep papuntang Makati nang may humabol na sumakay na babaeng basang basa ang katawan.  Di ko alam kung basang pawis, basa dahil kaliligo lang o basang kagagaling sa pakikipagtalik at nahuli ng kanyang tunay na asawa kaya tumalon sa ikalawang palapag ng condominium nila at tumakas at ngayon nga ay pasakay ng jeep.  Lahat nakatingin sa tsik.  Naalala ko ‘yung homily ng pari nung nakaraang Linggo.  Ang sabi, ‘pag nabigyan ka ng pagkakataong tumulong, wag magdalawang isip, tumulong ka’.  Kaya pasimple kong tinanggal ang tissue paper ng baon kong egg sandwich at iniabot sa kanya.  ‘Miss, pamunas’.  Inabot ng tsik ang tissue at pinangpunas sa basang katawan.  Nangamoy itlog at mayonnaise sa loob ng dyip.   Sa ganitong pagkakataon, napapaisip tuloy ako kung pano ako huhusgahan ng Diyos sa ginawa ko. 

 

Pagdating sa opis, wala akong ginawa kundi magkape at mangarap ng gising.  Heto pa ang mga simpleng kahilingan na naglalaro sa isip ko ngayon:

 

  1. Sana laging healthy ang Mommy ko.  Matanda na kasi kaya ‘yung kalusugan nya ang inaalala ko.  Nagpaparinig nga sa kin, sabi, ‘Anak umuuga na ang pustiso ko’.  Dahil malayo pa ang sweldo, sinabi ko na lang na, ‘Guni-guni mo lang ‘yan Ma.  Normal lang ‘yan.  Masyado mo lang nararamdaman ang pag-ikot ng mundo. The earth revolves around da sun, ya know.’        

  2. Sana maayos ang pagtrato ng mga anghel sa tatay ko sa langit.  Mainipin pa naman ‘yun.  Mamya biglang bumaba ‘yun dito sa lupa at kulitin ako kung ano na ang itsura ni Tetchie Agbayani.  Mainis ako baka i-arm lock ko pa siya.  [Tatay, ina-arm lock lang? Hehe]      

  3. Sana matutong magdeodorant ‘yung mga bumbay na kasabayan kong mag-gym.  Kasarapan akong magbuhat ng bloke-blokeng bakal tapos biglang dadaan sa harap ko.  ‘Yung amoy, ibang klase, talagang gumuguhit sa lalamunan ko.  What the fuck fuck fuck.     

  4. Sana kumapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili tulad nung sa kanang kili-kili.  Kasalukuyang bilang ko nasa sampung hibla pa lang sa kaliwa sila laban sa mahigit tatlong daan sa kanan.  May sumusulpot na pang-labing isang buhok, kinakausap ko nga na parang halaman baka sakaling humaba at yumabong.       

  5. Gusto kong regaluhan ng tsiks ‘yung ninong kong nagpakatandang binata na dahil tinakasan ng kanyang kasintahan nung araw ng kasal nila.  Inaalala ko baka pag hindi ‘yun nakatikim ng pekpek magbago ang kanyang ‘preference’.              

  6. Sana magcut down sa presyo ng kape ang mga may-ari ng Starbucks.  Hindi ko nga maisip kung nakakatulog sila ng mahimbing sa presyo ng kanilang kape.       

  7. Sana makapunta ako sa susunod na WordCamp.  Hindi ako nakapunta nung nakaraan matapos ang ilang ulit kong pangungulit mabigyan ng ‘camper pass’ ng mga organizers.  Mainit ang pakiramdam ni BebeKo nung araw na ‘yun kaya hindi ako natuloy.  Nasa tabi lang niya ako at naghihintay na sabihin niya saking, ‘Badoodles, am I too hot for you?’.  Oye oye.  Hehe.   Oo antaas ng lagnat mo BebeKo.              

  8. Ikaw, anong mga pinagpapantasyahan at kahilingan mo?

  

Parapol Update:  Congrats sa nanalo sa electronic parapol ng isang ‘humor tshirt’.  Paki-email lang sakin ang iyong size, gustong tshirt design mula sa  The TShirt Project dito sa badoodles [at] rocketmail [dot] com.

Parapol Update2:  Magbibigay ang Psicom Publishing [sabi ni Ed Alex Cruz] ng tatlong Nosebleed Magazine [eckshuli apat, ninenok ko ung isa].  Demmet, sige na nga apat na magazine na ipaparapol ko.  Simple lang mechanics, punta kayo dito sa Nosebleed Forum, magsignup, tapos balik kayo dito sa kwentongbarbero.com at iwan sa commentbox ang inyong username nung nagsignup kayo sa Nosebleed Forum.  Ibeberipika ko kung nagsignup nga kayo at ang apat na mananalo ay i-aannounce sa October 15, 2008.  Ayos? 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

52 responses

17 09 2008
tita

re: 7. IKAW, ANONG MGA PANTASYA AT KAHILINGAN MO?
Syempre maikasal sa nag iisang mahal kong si Tito para legal ng ang jerjer.

Badoodles, congrats ha..anggaling mo talagang magsulat at sa Psicom Publishing kapa..

syang di kita nakita SMX sana nagpa autograph ako sa mukha..

badoodles: @tita pasasaan ba at magiging legal sa mata ng tao at ni papa Jesaz ang pagjerjer nyo.

17 09 2008
Maldito

wow…so jojieta ang nanlo!!yahoo!

badoodles: @maldito kinakarir ang manalo.

17 09 2008
popoygelo

kahilingan ko ang maging sikat pa kay badoodles hehe 😀

sir badoodles .. baka pwede mo po pirmahan ‘yung isang page nung nosebleed magazine ko? ‘Yung page kung san nakadisplay ‘yung sinulat mo .. pwede ba? wag ka nang maningil para sa pirma ha. thanks 🙂

badoodles: @popoygelo mura lang ako maningil, bente pesos lang pa-autograph ko. wag ka nang umangal, isipin mo love offering mo sakin yon.

17 09 2008
BADoy

magkano yung magazine idol? grabe ibang level ka na! congrats pala muna!

pangarap ko maging artista , yumaman, maging politiko, at makasal sa aking iniirog!

badoodles: @badoy ewan ko ayaw kong yumaman ng sobrang mayaman. tama na sakin ung limang mansion saka limang kotse saka limang… err isang maylabs.

17 09 2008
enday

haha..namiss ko talaga mga post mo,
bilang na bilang kasi update mo eh?
haba ng wish list mo ah?
sana matupad.

excited na akong mapublish yang magazine na yan.
pag napublish na yan,
makikibasa na lang ako.
hehe.
congrats.

badoodles: @enday toxic sa trabaho kaya di maka blog. yaan mo kaw naman dadalawin ko sa blog mo.

napublish na yan. ikukwento ko na lang sau para di ka na bibili. tipid.

17 09 2008
Captivating Capiz Zinnia

pangarap kong makapunta ng disneyland, at kumain sa hotel ng tig-5000 ang bawat subo. makapag-asawa ng mayaman na kasing gwapo ni john lloyd na kasing bait ng tatay ko pero dapat may sense of humor na kagaya ni paps badoodles. that’s all thank you!

Posted: Captivating Capiz Zinnia

badoodles: @byter mukang mahirap yang pangarap mong asawa – okey na ung may sense of humor na tulad ko. marami dyan, sampu isang tumpok sa tabi tabi. 😛

17 09 2008
kay

wow ang swerte naman ni jojitah. nasa top 10 na panalo pa sa parapol sa t-shirt. dalawa na. 😀 arbor na lang yung isa. hahahaha.

minsan din nagkakaguni guni yung ermats ko na maluwag na daw pustiso nya. hahahaha.

congrats sa magazine. bibili ako n’yan!

badoodles: @kay pag nagkakaedad na parang nagiging adik, tulad ng nanay ko, dumarami na ang halusineyshon.

17 09 2008
jeniffer

ui congratz!!! grabe.. ang talas ni dila ni maru.. pero pasalamt ka sa kanya.. hahaha.. CONGRATZ.. suportahan ko yan..

badoodles: @jenifer wag lang akong sabihin ng ‘puke ka badoodles’ ni mareng maru. pag nagtransform akong higanteng pekpek isa lang may sala. wla nang iba.

17 09 2008
beero

sana naman matupad lahat ng kahilingan mo. alam ko malakas ka naman kay “Bosing” eh. at congrats naman sayo dahil writer ka sa Nosebleed Magazine na yan.

7. Ikaw, anong mga pinagpapantasyahan at kahilingan mo? –> simple lang naman kuya bosing, yung manalo nung humor tshirt. haha. takte, indi pa ako ang nanalo. [sigh]. pwede ulitin ang pa-rapol? baka sakaling maging 0034 yung lumabas na numero. ahehe

badoodles: @beero napagtripan lang nila akong imbitahing magsulat. nayari ako. marami pang susunod na parapol don cha wori.

17 09 2008
Pedro

hindi ba ako namamalik mata? hindi ba rapol entry number 0027 yan? hahaha…

7. sana maging pekpek ang kanang kamay ko sa tuwing maiisipan ko ito. yung tipong may voice activation. activate pekpek ayos sana pag ganun.

hindi ako nakapunta nung book fair, sayang!

san ba nakakabili n’yan. gusto ko ‘yan! bibili ako ng pangregalo para sa pasko. hehe.

congrats sa nose bleed magazine. more power sa’yo!

badoodles: @pedro hindi pa daw naaprubahan sa national bookstore, malamang sa psicom publishing palang at sa iyong nearest bangketa

17 09 2008
MARU

NAKNGPUKE! olala! ang galing ko talaga DUMILA, parang anghel!

Pareng Badoods, congrats! Pero mas gusto ko sana kung sariling libro mo na mismo ang ipa-publish. 😦 Sana yun na ang susunod.

Tsaka, isang Complimentary Copy naman diyan ng Nosebleed Magazine. Tehehe! Andito kasi ako ngayon sa kuta ni Kumander Bravo at Ombra Katu. Hindi ako makakapunta ng MOA. 😀

badoodles: @mareKo ibang klase ang dila mo, may sa dilang anghel. sige nga, sabihin mo nga, repeat after me ‘amfuge neeh bahdudelz’.

17 09 2008
M

Bossing, congrats sa pagkakasali mo sa Nosebleed, hehe. Mapapabili ata ako niyan kung ganon.

Congrats naman sa nakasakay mong babae. Ang swerte naman niya, flavored tissue pa ang nagamit niya. San ka ba naman makakabili ng ganun diba? Itlog at mayo flavored pa.

Parehas din tayo, gusto ko ding maging okay sina erpat at ermat. May edad na kasi. Pero baka sa sobrang okay ng lagay nila eh masundan pa kameng magkakapatid. Siguro tamang okay lang para maging masigla sila.

badoodles: @M hindi ko sinasadya ung gawin sa babae. sana nagpaka gentleman na lang akong ibigay ung panyo ko kaso naman punum puno un ng kulangot. mas mangangamoy ilong sya pag un ang binigay ko sa kanya.

17 09 2008
antuken

congratulations sa nosebleed. i actually first heard of it kay greenpinoy. ang galing palang magdilang anghel ni sexy mamaru. aba’y dapat ata mag-comment sya na ako na ang susunod na magkaka-baby.

ang nanay ko na nagbabakasyon sa amerika eh nagte-text kung may magiging apo na daw ba sya. sabihin ko raw at nang makapamili na ng baby stuff. sabi ko wag antayin ng antayin. baka kaya nauudlot.

yan, yan lang ang pinagpapantasyahan ko lately. sana makabuo naman kami ni antuken ko. may dti representative ba yang pag-draw ng winner sa tambiolo? kala ko pa naman ako na ang lucky winner. tsk.

badoodles: @mareng chona uu. si greenpinoy ang next flavor of the month sa susunod na isyu ng nosebleed. masaya kahit papano naaamoy na nila kami. sa susunod sa tv naman. wohooo!

speaking of dti rep, hehe, ehem… ehem… i think i will need ur help.

17 09 2008
jojie

congratulations to me. waaahhh!!! i am so haffy. badudels pag-iisipan ko muna yung tshirt ko ha, nagda-diet kasi ako baka sakaling makahabol pa’ko sa small na size. ay yan pala ang pantasya ko. nyahahaha.

wooothooot!!!! may tshirt ako!!! partey!!

badoodles: @jojitah congrats congrats. kapag ikaw talaga sinuswerte oo. when it rains, it rains talaga. haha.

17 09 2008
wei vines

wowwww~!! naks! kulay pa lang ng magazine nakakabading na..lol… asteg ^^

badoodles: @wvines pauso ni bayani fernando. fink na fink. demmet. 😦

18 09 2008
bernardumali

simple lang, magscuba diving.

badoodles: @bernard ako din, next year project ko sa sarili ko yan. kulang sampung libo kada dive, magastos pero sulit daw. makikita ko na si dyesebel sa ilalim ng dagat.

18 09 2008
FerBert

entri number 5 ako! taena sayang..

pantasya ko si maria ozawa yun lang…

badoodles: @efbee bakit lahat ng gusto ko, gusto mo din? mas nakakatanda ako sa yo, kaya panganay first. akin si maria ozawa. [joke lang po, lam ko namang nagbabasa ka bebeKo maylabs so sweet]

18 09 2008
eiyelle

haaay!! sayang naman..sumobra ng isa!
enyweys congrats po sa nanalo..

pero panalo na rin ako kase 2 posts agad from
master badoodles ang nabasa ko.. =)

pinapagpantasayahan kong matapos ko na ang tatlong kong tisis/report para dito sa opis..dugong dugo na yung utak ko eh..
at sana maagaw ko na si derek ramsey kay angelica panganiban hahaha!

available na po ba sa lahat ng suking bookstores ang nosebleed mag? kongrats po at naging contributor po kayo dun..ang husay!! =)

badoodles: @eiyelle hindi pa available sa national book store ang nosebleed. hindi pa magkaintindihan ung may-ari ng bukstore saka ung publisher ng noseblid. nano-nosebleed sila sa isa’t isa.

18 09 2008
Marc

Congrats sa pagiging contributor sa Nosebleed. Sa FHM bat di mo i-try maging contributor? Galing talaga ng mga wishful thinking mo. Wish ko lang na sana pag nag-wish ako ay matupad sya. Kasi hind lahat ng wish ay gina-grant ni Lord.

badoodles: @marc sa fhm, tama na ung dakila akong presidente ng mga manyak na tagasubaybay ng fhm sa pinas. it’s too much honor por me.

18 09 2008
qubley

congrats! oo nga, sana sa susunod libro na.

humagalpak naman ako sa tawa doon sa inabutan mo ng tissue na nag-amoy eggandwich. nakakatawa kahit walang pekpek at pagtitikol ang eksenang ito. ayos! 🙂

badoodles: @qubley oha.. oha… ayan napagbigyan na kita. babalik na ulit ako sa mga pekpek jokes ko. ok payn, wala munang pekpek jokes. dodo jokes na lang.

18 09 2008
ronturon

huwaw… ndi ako nakapunta dun sa SMx pero sure may kopya ako nyan..

pero teka badoods, in house writer ka ba jan? or guest for the initial issue? mainstay kaba?

badoodles: @ronturon guest writer na lang. salingpusa kumbaga. kailangang may magsulat dun sa bakanteng espasyo.

18 09 2008
cutedanger

congrats sa nanalo actually, binabasa ko rin yung blog ni RJ sayang yung kambal nya pero lets pray nalang sa pamily nya..

daya ka pre dalawa nalang para ako ang mananalo sa Tshirt.. hmmmp.

00sexyung number ko hahaha 😀 next time

badoodles: @cutedanger haha! ok lang un. next time

18 09 2008
cutedanger

congrats din sau pre manunulat ka na ngaun ha.. ibang level kana..
PS.. pahiram din minsan nung magazine hehehe 😀

badoodles: @cutedanger sige, kunin mo sa bahay. palitan mo ng bigas at wala na kaming bigas.

18 09 2008
rofel

good luck sa wishy wish mu badudz…

kahilingan ko? hmmm… makatulog ng 10 hrs sa isang malamig na kwarto na may makapal at malambot n kama… the best yan!

nga pla,,, swerte ng Nosebleed at nakuha ka nila ^__^

badoodles: @rofel dabest talaga yan. dalawa lang naman talaga ang pinakaimportanteng ‘luxury’ sa buhay. malambot na kama o kaya malambot na sapin ng paa. dahil kung hindi ka nakahiga, malamang nakatayo ka. ung dalawang un ang importante sakin.

18 09 2008
ellieshe

ayyyy..sayang di ako nanalo ng shi-shirt ..haha..anlayo…haaaays

kuya..magkapatid naman tau..ibigay mo nlang saken ung isa..haha..

ang tanging kahilingan ko lang naman..sana maging lalaki ako..hehe..biro lang..
sana yumaman ako! nyaaaah

congrats nga pla kuya..galing naman..hehe

badoodles: @ellieshe haha! makuntento sa bigay ng diyos. mamya seryosohin ka ni God magulat ka pag gising mo bukas, may potoytoy ka na. hala ka.

18 09 2008
enday

sumali nga pala ako..
username : enday

badoodles: @enday rapol entri one

18 09 2008
ihave2eggs00(aka pidol2)

mistro!siak ni pidol2 hindi mo ko fan para malaman mo!
ako ang bicolanong ilocano(kasla sika)(baga ika?)
“OBSESSED AKO SEO”OMG!churvaloo! pakiss!harhar
sa katunayan madami na kong kasalnan seo(yun yung pagsasamba ko sayo)san ka pa
lahat ng blog mo naka post lahat sa accnt ko.(kahit pabitay mo ko,di ko na aalisin yun)itong statement nato ang paraan ko nagpapaalam)pede ba ituloy kapangahasan ko?(sapakin mo pa ko)
BADUDUL IDOL!

badoodles: @pidol hindi naman obvious na obsessed ka :mrgreen: cool ka lang dude. i ain’t different fr u. nagbangsit met lang ni uttot ko. hehe.

19 09 2008
jayr

Sumali na din po ako sa nosebleed forum

Username: jayr

badoodles: @jayr rapol entri tu

19 09 2008
ihave2eggs00(aka pidol2)

, “Thank you. You are a breath of fresh air to people like me.”

badoodles: @pidol huwaw. imasen. tenks tenks.

19 09 2008
Ayyang

Pooksasapot <– kuya ang lalim naman nito. muntik ko ng di maintindihan kung di lang ako suki sa blog mo. lolz =)). (tagalog na pala)

niweiz, “nag-iiwan ako ng puna” para magcongratulate (anu ba sa tagalog ang congratulations, kuya?), at hindi para pumuna. hehe.

ako kaya, kelan matutupad ang mga pangarap ko?

badoodles: @ayyang nagulat na lang ako pagkagising ko pooksasapot na yan. kung anu ano lang naiisip ng wordpress. wala namang salitang ganyan sa pinas, tunog hebrew tuloy ang dating.

19 09 2008
Ayyang

nagregister po ako sa nosebleedmag.com

Username: ayyang

badoodles: @ayyang rapol entri tri

19 09 2008
Irvin Ryan

” Sana laging healthy ang Mommy ko. Matanda na kasi kaya ‘yung kalusugan nya ang inaalala ko. Nagpaparinig nga sa kin, sabi, ‘Anak umuuga na ang pustiso ko’. Dahil malayo pa ang sweldo, sinabi ko na lang na, ‘Guni-guni mo lang ‘yan Ma. Normal lang ‘yan. Masyado mo lang nararamdaman ang pag-ikot ng mundo. The earth revolves around da sun, ya know.’ ”

haha… magamit nga yan sa nanay ko minsan. =))

badoodles: @ryan dapat may talento ka din sa pag-iwas sa malakas na batok. i should know

19 09 2008
anakngpiso

ang dami ng nagcongrats.. do i need to say more? magkano ba? tingnan ko kung madadaan sa kiliti yung wallet ko…cheers;p

badoodles: @anakngpiso cheers

20 09 2008
eNocH

kuya badoodles na-meet mo ba si sharon yun nung launching ng mag?

btw, congrats!

badoodles: @enoch uu. sabi sakin r u available? sabi ko ‘sori miss pinabili lang ako ng suka ng nanay ko, uwi nako’. 😆

20 09 2008
alasais

Hello Badoodles,

I sent you a comment yesterday but I don’t know if you got it. Mejo may topak ang computer ko e. Anyway, gusto ko sabihin na natutuwa ako sa mga blogs mo. Lufet ng mga hirit. I am Tem-i at miyembro ako ng bagong blog boy band na ALASAIS. Kung may oras ka, check our blogs at

http://alasais.wordpress.com/extra-rice-please/

and tell us what you think.

Hope you anjoy our weekly blogs! Thanks!

Tem-i of Alasais

badoodles: @alasais yan din ang sinabi mo sa ibang bloggers. kung ipalapa kaya kita sa askal makita mo. demmet spammer.

20 09 2008
eNocH

err. . sharon yu not sharon yun. hehe

badoodles: @enoch si tita sharon yu.

21 09 2008
mnel

ganun ba yun? kapag kinakausap ang buhok eh yayabong ito? dahil ba dito kaya mayabong ang buhok down the road? hahaha.

badoodles: @mnelicious ayon sa nakabasa ko sa abante-tonite at tiktik, yumayabong sila pag kinakausap. mahilig din sila sa tsismis at tv patrol. kaya pag nanonood ako ng balita ay kailangang nakabuka ang hita ko sa harap ng tv. :mrgreen:

21 09 2008
pauee

sumali na din ako sa nosebleed forums at ang username ko ay: legendarypauee

curious ako sa buhok mo sa kilikili badoodles. sa tingin ko ay amazing na quality ito. iilan ilan lang ang may ganyang katangian. ipinagmamalaki kita ^___^

badoodles: @pauee rapol entri por

21 09 2008
chochai

ang sarap naman tumambay sa bahaging ito ng virtual world. 🙂 Nakakawala ng stress at pagod. alam mo kuya badodoodles, pinagkalat ko dito sa opis ang blog mo. ayun, yung isa kong opismeyt nabaliw. madalas ko siyang nahuhuling nakangiti at tumatawa sa harap ng computer. hinid na rin siya makapagsulat ng script at makapagtrabaho ng maayos…naadik siya masyado sa pagbabasa ng mga entires mo. keep up the good work! 🙂

badoodles: @chochai isa ka nang ganap na bad influence. 😉 salamat sa pagkalat sa blog na to. ayan, hindi na tayo sikretong tambayan.

21 09 2008
littlecut

Hello! idol! congrats 🙂

username: littlecut

badoodles: @littlecut rapol entri payb

21 09 2008
annenoneymous

ang galing ni idol! woohoo! painom ka! :p

kahilingan ko? makapag-maintain ng blog. waha. ilang blogs na yung inumpisahan ko at hindi maupdate update. ang tamad no? :p

badoodles: @annenoneymous pag tinatamad akong magblog, iniipit ko ng sipit ng sampayan ang nipol ko hanggang matapos ko ang isang blog post. hindi ko naman sina-suggest pero it works. wat teh fack. nalaman mo na sikreto ko.

22 09 2008
kroaky

Kuya Badoodles, ikaw ba yung nasa picture?hehehe

Hindi ka lang po pala pang-writer eh, pang model pa po pala.hehehe

badoodles: @kroaky si ramon bautista yan. di ako yan.

22 09 2008
kroaky

Wait lang, si Ramon Bautista pala yun!hahaha Boo me.haha Hindi ko agad napansin yun ah.haha

badoodles: @kroaky booooyeh! hehe.

23 09 2008
kotsengkuba

parekoy, nakaamoy ako ng video from somewhere directed to here. tsaka nagpapahanap na nga pala ko ke misis nyang magazine na’yan para pagsibat nya ulit dito next month e masilayan ko ang mga pinagsusulat mo.

badoodles: @kotsengkuba walang pinagkaiba sa mga post ko. hinugot ko lang un dito sa blog ko.

24 09 2008
pluto

“pluto” ang registered username ko sa nosebleedmag. paki veify ba tawag dun? bahala ka na ha. Wishful thinking at pantasya ko. San tumangkad na ktatropa ko 4″ 2′ lang height nya. Lagi nagtatanong sa akin pano daw tumangkad lalo na pag senglot. Sa inis ko minsan sabi ko patuli uli sya. Tanungin ba naman ako kung effective daw ba yun? Bakit daw yung mga puti sa porno supot pero matatangkad? Sabi ko na lang kung nagpatuli yong mga yon tatangkad pa yon. Eh, tuli na raw sya baka naman daw mapudpod na. Sabi ko mamili sya pandak na “otso ga ligo” o matangkad na pudpod?. Nakita ko nung isang araw may kasamang chick sa tricycle di pa rin tumangkad.

badoodles: @pluto rapol entri sicks

27 09 2008
b@kekang

hi badoddles..5 days p lng me d2 sa kuwait..’lam u bang muntik n me umuwi sa pinas nung 1st day q p lng d2?22o pla ang homesick kahit andi2 rin hubbby q huh!!..wishful thinking-sana masungkit q yung work na gusto q kc mataas ang sahod at para madala q dito mga kids..

p.s d best tlaga humor u badoddles..png gamot sa homesick hehe..yab yu..hakhakhak!!

badoodles: @bakekang ingat kayo jan. pati si hubby mo din. sabi marami daw pinoy na ginagahasa jan ng mga arabo, lalo na ung mga walang bigote. sabihin mo patubo sya ng bigote at buhok sa baba.

27 09 2008
b@kekang

p.s 2…sana meron d2 Nosebleed Magazine..

badoodles: @bakekang dito ka na lang sa blog. libre pa.

28 09 2008
watusiboy

badoodles, wala na akong makitang kopya ng nosebleed magazine..

yung buhok sa kilikili, mas makapal yata yung part ng kamay na ginagamit mo pangsulat. kasi sa akin, sa kaliwa naman ang mas makapal. hehe.

badoodles: @watusiboy bukas simulan ko na magsulat sa kaliwang kamay. kaliwete rulez

3 10 2008
wanderinggirl

aba naman ano..tagal ko nde napadpad dito sa iyong blog..ang dami na pala nangyari..at nagsusulat ka na din sa magazine..asteg ka talaga badoods…hehehe minsan nga pag nasa bus ako..napapaisip ako baka andun ka din at nakasakay..hehehe mga galing pacita na bus kasi sinasakyan ko papasok sa office..eh baka sakali makita kita..eh naalala ko..sobrang bait mo..baka malibre mo pa ko sa pamasahe..nyahahaha

munting kahilingan ko…maging asawa ko si wentworth miller..nyahahaha wishful thinking eh di ba..hihihi

badoodles: @shey ako si wentworth miller.

11 10 2008
paperdoll

aco??? sana makasali na co sa mga pakulo ng mga tarantado dito sa mundo ng blog. . sana magkaroon na co ng mastercard,visacard,callingcard at invitationcard para makalikom aco ng limpak limpak na pisong galit. . hindi co talaga alam kung pano aco magiging valid constestant. .

badoodles: @jazz gudlak

31 10 2008
wanderinggirl

amf..ngayon ko lang nabasa..ayush ah..kaw c wentworth ko?! syet..marunong pala magtagalog c wentworth..hahaha

badoodles: @wanderinggirl oo ako si wentworth killer

31 10 2008
beero

gusto ko sanang bumili ng Nosebleed Magazine kaya lang ala akong makitang kopya dito sa Cebu. pwede makahingi bosing? ahehe.

intayin ko na lang susunod na mga rapol. sana lang manalo na ko neks taym. hehe 😆

badoodles: @beero ubos na. ginamit kong toilet paper ung iba 😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: