The Final List

23 09 2008

Pasakalye lang muna, isang hugis pusong mwahugs sa mga judges at organizers ng Philippine Blog Awards 2008 sa pagkakabilang ng kwentongbarbero.com sa 10 finalist sa Best Personal Blog  Category mula sa kulang isandaang mga nominado.  Naka-saling pusa din ang Kuya’s Unsent Letter to Bunso bilang finalist sa Best Single Post – Personal Category.  Tough luck.  Sa kabila ng mga kabulastugan natin sa site na ‘to, meron palang nasisilip ang mga kapita-pitagang hurado na mumunting ‘moral lessons’ dito na hindi nalalayo sa ‘The Little Mermaid’, ‘Hansel and Gretel’ at Batibot.   Salamat sa nag-nominate sa akin, na kung hindi ako nagkakamali ay si pareng NAC ng kotsengkuba.com.  Natatandaan ko pa, hiningi sakin ni pareng NAC noong May ang personal info sakin tulad ng pangalan, address, edad, sukat ng baywang at kinis ng hita.  Ayaw ko sanang sumali pero pinagbantaan niya akong ipapahalay sa matronang walang pustiso kung di ako papayag.   Hehe.

 

Noong mismong araw ng awarding ceremonies ko lang din nalaman na finalist pala tayo.  Medyo badtrip nga dahil di ko na-enjoy ng husto ang pagkakasali.  Nakakabitin.  Para ka lang pinaglaway sa kapirasong utong na nag-hello world ng limang segundo sa blouse tapos tinakpan ulit.  Anyhoots, congrats sa mga finalists at nanalo. 

 

Eto na nga, inobertaym ko ng ilang araw ang pagtally sa mga boto sa Project Lafftrip Laffapalooza 2008.  Kagabi, tutal panay ang sipa ni Badoodles Jr sa tyan ni BebeKo at ayaw siyang patulugin, minabuti na lang ni BebeKo na tulungan akong maghalukay sa sangkablogosperyuhan para bilangin ang mga boto sa ating kauna-unahang search for Philippine’s 10 Best Funny Bloggers.     

 

Heto ang final list ng mga bloggers na bumoto at kung saan pasok ang inyong manok.  Kung may reklamo, bayolenteng reaksiyon o hinaing, pwedeng magsumbong kay Michael V [Sumbong sumbong kay bonggang bonggang bong-bong] pero mas makabubuting mag-iwan na lang ng comment dito.  Meron kayong limang (5) araw para ipagbigay alam sa amin ang inyong hinaing.  Pagkatapos ng limang araw at nakalimutan niyong gawin, considered na final na at di na pwedeng baguhin ang listahan dito.

 

Wala nang anu-ano dyan, kaya heto na ang listahan ng mga qualified sa ating parapol para sa 15 tawsan pesos, cellphone o kaya Sony Cybershot Digicam:

 

alexbam006.multiply.com

amorfrancis.com

anasarmiento.wordpress.com

arci17.multiply.com

axelis.blogspot.com

ayyzzz.wordpress.com

azecalicesky.com

bastibasurero.blogspot.com

biancaging.multiply.com

bigwinnernikuya.blogspot.com

blackhart.wordpress.com

bleuewin.multiply.com

blognialingbina.blogspot.com

bloodytom.com

bluepanjeet.net

bscstambayan.blogspot.com

calvinshub.com

cherrymae06.livejournal.com

chiksilog.com

churvah909.blogspot.com

comfortedlife.blogspot.com

crost23.blogspot.com

dakilangtambay.blogspot.com

damdamn.blogspot.com

dansoy.lukaret.com

darkblak.juansolutions.net

deardiarya.blogspot.com

diakosipeterpromise.blogspot.com

docmnel.com

dreaaliveandthinking.blogspot.com

ellieshe.wordpress.com

enelym001.wordpress.com

evilwoobie.com

fjordzhiraya.blogspot.com

gasti.wordpress.com

goza6.blogspot.com

heyokity.blogspot.com

hindiakosidarna.wordpress.com

holykamote.blogspot.com

humanupgrade.multiply.com

humblejowdie.blog.friendster.com

iamkay24.multiply.com

iarekim.livejournal.com/

idiotsyncrasy.wordpress.com

iheartmamon.wordpress.com

inherentomniscience.blogspot.com

intoxxicated.net

jgsmart.wordpress.com

jmagreda.blogspot.com

jojitah.com

jovi2hottie.wordpress.com

kalawakan.info

kidlatigo.blogspot.com

kikaythoughts.blogspot.com

kokeymonster.com

kopongkopong.blogspot.com

koreanmine.wordpress.com

kotsengkuba.com

kutserongkulot.com

kwentongbabae.blogspot.com

legendarypauee.blogspot.com

lethalverses.blogspot.com

leviuqse.blogspot.com

leynv.blogspot.com

lilyarchives.blogspot.com

linglingbells.wordpress.com

lobo.idlip.net

lunes.uni.cc

majorsleepyhead.wordpress.com

marcelomcrey.blogspot.com

marchanazie.wordpress.com

marikenya.com

mentholguy.com

merylanndulce.multiply.com

micropono.blogspot.com

mscquest.blogspot.com

mugenblue.blogspot.com

mynosebleed.com

myracounteurattempt.blogspot.com

ninong.blogspot.com

nothix9.blogspot.com

pambertulano.blogspot.com

peterpansplayground.blogspot.com

pinayblogera.wordpress.com

pinoyambisyoso.com

planetputoniyods.blogspot.com

pogingpayatot.blogspot.com

popoyinosentes.blogspot.com

repah.wordpress.com

rojineus.wordpress.com

ron-turon.blogspot.com

roxy08.com

saminella.blogspot.com

schoolhopper.blogspot.com

skullmonkeysaroundme.wordpress.com

smartglobalexpress.net

superficialabyss.blogspot.com

supertrish.wordpress.com

tado.livejournal.com

talambuhay.wordpress.com

tannix.projectwicked.org

thegreatmaldito.wordpress.com

thought-pollution.blogspot.com

timmoffy.multiply.com

timmyjosephtamayosa.blogspot.com

trinalabandera.blogspot.com

umleo23.com

ventocoseuss.blogspot.com

wafuh.blogspot.com

walangkwentang.com

wapita.ph

watusiboy.wordpress.com

wawsabaw.com

weblog.xanga.com

whitenote.multiply.com

willydavidjr.wordpress.com

womanwarriorangpeministangpulpol.blogspot.com

ykaisaga.blogspot.com

Updated Additional:
 
 
 
  
 

 

PS.  Gagamitin ang electronic draw para sa parapol na ‘to.  Para sa ‘transparency purposes’ ng ating parapol, hiningi ko ang tulong ni mareng Antuken para mamahala sa pag-aassign ng raffle number sa mga kalahok.  Nasa kanya ang masterlist at kanyang ipapadala/pinadala ang kopya sa mga ‘select participants’ para sa checking at verification [tulad nina Maruism, GreenPinoy, Chiksilog, KotsengKuba atbp].  Pwede niyo silang pakisuyuang tanungin sa raffle number niyo.  Hindi ko alam ang inyong raffle number.  Bubunot lang ako ng numero at si Mareng Antuken ang magdedeklara kung sino ang nanalo.  Ito ay kukumpirmahin ng iba pang pinadalhan niya ng masterlist. 

 

PS2.  Binibigyan ang mananalo sa parapol ng 10 araw para mag-email sa badoodles [at] rocketmail[dot] com ng kanyang  personal details.  Pagkatapos ng 10 araw at sa hindi malamang dahilan ay walang nag-claim ng premyo, bubunot ulit tayo ng mananalo.  Good luck!

 

PS3.  Paumanhin kung hindi naging malinaw na ang announcement sa September 30 para sa Top 10 Funny Blogs ay announcement lamang dito sa blog post.  Walang aktwal na awarding ceremonies.  Hindi madali ang mag-organize  ng ganung event.  Pero hindi natin sinasarado na pwedeng mangyari ang ganung pagtitipon sa susunod na taon lalupa’t sa hindi inaasahan, ay sumuporta tayo sa paghahanap natin ng mga dabest Pinoy funny blogs.  Isang hakbang sa simula.  Muli, paumanhin.

 

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

70 responses

23 09 2008
antuken

hah. ia-assign ko ang lahat ng number sa name ko. shempre joke.

yung mga may request ng number jan from 001-123 (korek ba ang bilang ko pareng badoodles?) ipagbigay alam na. baka meron kayong mga lucky numbers nyo or feng shui numbers. hehehe. pero nakapag-assign na ako ng numbers eh. yun nga lang di ko pa nae-email sa mga nabanggit ni papa badoodles. i will email it before the night ends.

badoodles: @antuken ayan naman pala. pwede kayong magpareserba ng lucky number niyo kay mareng antuken sa raffle number. baka pwede pa kayong bigyan ng palugit na 2-3 days ni mareng antuken bago i-finalize ang numbering nyo sa listahan. hehe. tnks mare. ur mah savior

23 09 2008
antuken

pahabol sa ps2 mo. pwede bang ngayon pa lang eh ibigay ko na ang personal details ko? hahaha. baka lang maging lucky pag inuna ko ang personal details ko. hahaha.

badoodles: @mare nyahaha! pwede rin. basta wag kalimutan ang porsiyento ko bilang manager mo. 80-20 tau. oo akin ung 80. 🙂

23 09 2008
ellieshe

aw! kung kasali naman ako sa parapol ay wala akong reklamo..saka nalang pag hindi ako ang nabunot..waaaaahahaha! ayus to 🙂

badoodles: @ellieshe naamoy kong swerte ka ngayong taon. kung hindi ka mananalo ng 15k ay dudumugin ka naman ng sandamakmak na manliligaw

23 09 2008
FerBert

nagpunta kame nina M at Xg sa Philippine blog awards at umaasa akong makikita kita dun.. hahahaha

ayown nsa listahan ako.. sana ako manalo ng 15k!

badoodles: @fb di ko agad nalaman finalist pala ang kwentongbarbero.com. dun na lang ako nakipanood sa livestreaming na topakin kasama ang mga chatters na makukulit. sana meron pa next year

23 09 2008
chuvaness

oist san ang awarding night? sa esplanade?? HAHAHHA

congrats sa bonggang bonggang pinakamasayang pakulo ng taon…better than PBA! hahahah! kudos to yah badooods. sana maging annual eto noh. at sana mauwi ko ang 15K!!!!

badoodles: @chuvaness better than pba? patay tayo nyan. hahaha!

23 09 2008
antuken

ay naco, upon tallying talaga eh 119 lang pala ang entries. papa badoodles, kindly verify ha. email/text me. 😉

23 09 2008
MARU

kanina pa ako taas-baba, scroll ng scroll…pero hindi ko talaga makita na kasali ako sa listahan sa mga pwedeng magkamal ng 15K o kaya magka-digicam. parang nawalan ako ng gana para mag beripika. JOKE!

badoodles: @maru kailangan mo pa ba ng 15k? wag na. haha. testing testing lang mare. sori honest mistake hindi ka nakasama dun sa cut and paste ko. sinabi ko pa kay mareng antuken na wag kakalimutang padalhan ka nung masterlist tapos wala ka pala sa list. hingi ka na din ng ‘lucky number’ mo kay mareng antuken. sori po

23 09 2008
xG

eksmyuski
hindi ako nagpunta
sa pba08

anong balita yan!?!?!?!
hahahaha

badoodles: @xg nabasa ko sa bandera saka abante tonight andun kayo.

23 09 2008
M

Hanep, salamat po bossing, nawa’y mapili din ako. Meron bang tie sa raffles? Ahehehe.

badoodles: @capital m walang tie. pero kung gusto mo akong hatian pag nanalo ka, buong puso kong tatanggapin.

23 09 2008
Lei

ang dami pla namin. ndi ba pwedeng give away nalang yan. cge na, mayaman ka naman kuya badoods eh. pag pinamigay nyo yan sa amin, ndi na kayo mahihirapan magbilang ng boto. o ha! 🙂

badoodles: @lei hahaha! nakakahiya mang aminin, aktwali wala akong gastos jan. laway lang. salamat sa mga butihing sponsors.

23 09 2008
Geisha

ang dami! nakakastress yan!

kuya san ba ang venue ng awards night?
maganda sana kung may red carpet para masuot ko ang bago kong kimono! joke! 😀

badoodles: @geisha pilot episode pa lang kaya wala pa. malay mo next year. hehe. the best is yet to come for funny pinoy blogs.

23 09 2008
The Gasoline Dude

Pareng Baddodles! Bakit wala ako sa listahan ng pa-raffle??????????

badoodles: hehe. walang nakapasok sa topten kahit isa dun sa binoto mo pre

23 09 2008
antuken

ayan, andami mga nagre-react. baket nga ba wala ang iba. i actually looked for sexy mamaru’s name in the list. wala nga. baket? hahaha.

badoodles: @antuken hindi ko naisama ung pangalan ni mareng maru sa cut and paste. honest mistake. pakibigyan na lang mare ng kanyang lucky number. 😉

23 09 2008
The Gasoline Dude

Ah ok gets ko na kaya di ako kasama sa raffle… *hiya* LOLz

badoodles: @gasdude mani na lang sau 15k pre di mo na kailangan un. hehe.

23 09 2008
antuken

badoodles, pakisagot ng email ko ha. dun sa rocketmail mo. i thought baka bukas mo na makikita. aba eh online ka pala ngayon e. sagutin mo na. hahaha. baket si mamaru wala? eh ang pagkaalala ko binoto nya sarili nya e. hehe.

badoodles: @mareng chona sige, sige email kita

23 09 2008
antuken

ay erase yung last 2 sentences ng last comment ko. didn’t read your reply eh. sya sige, bibigyan ko rin sya ng rapol namber.

badoodles: @mareng chona alam kong lucky number ni maru – disisais forever. 😉

23 09 2008
lethalverses

oi oi oi chona antuken!!!

sali ako diyan!! gusto kong number, ung blank lang…

then madaling palitan kung anong number mananalo hehe..

badoodles, ito na nga pala new link ko. salamas.

badoodles: @lethalverses asan? di ko makita bagong link mo.

24 09 2008
xG

eh?
nalilito ako sa select participant
di ko alam gagawin
hahaha

nakinood lang din ako
sa livestreaming
at ang lakas ng palakpak
para sa blog mo
🙂

ikeeeee.

badoodles: @xg hehe. wala namang kailangang gawin. isa ka sa privileged few na makakatanggap ng kopya nung masterlist na may rapol numbers. check and balance lang ba.

talaga? ang alam ko tatlo lang kau ni fb na pumalakpak sa tabi ng speaker. palipat lipat nga ako ng streaming channel dahil parang beerhaus, patay sindi ang showing.

24 09 2008
kotsengkuba

kakatapos ko lang ng pot-session. patulog na sana nang biglang dumating ang isang umaatikabong email feed mula sa kwentong barbershop kaya nagpaalam ako saglit sa mga singkit na gwardia sibil ng internet para makapasok ulit dito.

aniho, nung nalaman ko din na approved pala ang nominations ko sa’yo e awarding nights na. hahaha

teka, bakit isang blog ko lang ang qualified jan. kumusta naman ang mga flying bloggers ko?

merry christmas Badoodles! merry christmas din kay BebeMo at sa small but terrible kick fighting miniature Badoodles sa tyan ni BebeMo. ayan, maaliin at parapol at baka maiwanan ng byahe ni misis ang papremyo ko.

Ho! Ho! Ho!

badoodles: @kotsengkuba haha! memoryado ko lahat ng blog mo, kaya hindi makakalusot. salamat sa pagnominate sakin pre.

24 09 2008
Tisay

wow! ang galeng kasali ako! exciting! hahaha!

ahm, mali po ang link ko dito. merong [dash] sa gitna ng thought at ng pollution.

thought-pollution.blogspot.com di ko alam kung if it matters, pero sinasabi ko lang. hehehe! apir!

badoodles: @tisay ang milagro ng find and replace sa msword. thanks sa info, naibalik ko na ang iyong dash.

24 09 2008
antuken

@LV – blank ka jan. kung blank, di ka mabubunot. hahaha.

24 09 2008
Elcan

Woowawww!! Galing neto kasali pala ako sa raffle, kaka excite naman. lol, Gudluck sa lahat..

badoodles: @elcan di na ako nakapagiwan ng comment sa post mo dahil alam kong alam mo na ang gusto kong sabihin. hehe.

24 09 2008
raechelle

ay mali pala. hahaha! mga humor blogs pala yan. kala ko yung mga taong bumoto para sa mga gusto nilang humor blogs. sorry naman. ahha!

=)

badoodles: @raechelle hindi ka nagkakamali, dapat nandyan ka dahil pasok ka sa dedlyn. dont wori updated ko na. nabilang ko na din ang boto mo.

24 09 2008
popoy

waaaaahhh. kasali ako sa parapol. Sony Cybershot ang hihingiin ko kapag ako ang nanalo. yehey!!!!

badoodles: @popoy kung di ako namamalikmata parang nakita ko blog mo sa phil blog awards.

24 09 2008
peypilya

waw! hahaha! kasale ako sa parapol!!!

goodlak! goodlak!!..

badoodles: @peypilya piptin k! piptin k!

24 09 2008
repah

wow kasali pala ako dito… anu kyang rapol number ko.. hay sana mabunot ang byuti ko dito khit yung 15 tawsand pwede na hehehe..

badoodles: @repah tingin ko pwede kang magpareserb ng lucky number mula 1 – 119 kay mareng chona. email mo siya sa yapchic [at] gmail [dot] com. ok lang ba mareng chona?

24 09 2008
mangbadoy

sana manalo ako idol badoodles!!!

badoodles: @mang badoy palakasan na lang ng prayers kay God ‘to. hehe.

24 09 2008
Pedro

dahil sa kasabihang pinagpapala daw ang mga tapat na nilalang ay nais ko lang sana ipaabot na dalawa ang entry ko sa master’s list.

pag-aari ko ang walangkwentang.com at ang diakosipeterpromise.blogspot.com

para lang din sa laba dami labangong ikalilinis ng aking pangalan ay nais ko din sanang ipaabot na hindi ito intensiyonal. isang beses lang akong bumoto at gamit ko nuon ang luma kong site na diakosipeterpromise.blogspot.com

nag-migrate ako ng mga lumang blog entries patungo sa aking walangkwentang.com kaya nagkaroon ito ng trackback sa PLL post.

paki-alis na lang yung luma pareng badoodles. yung walangkwentang.com ang mas nais kong gamitin. SALAMAT!

PS

congrats sa pagiging finalist sa PBA. para sa amin ikaw ang panalo!

PS2

sana ako manalo sa rapols. bwahahahaha!

badoodles: @pedro maraming salamat, bukod kang pinagpala. sa dami ng humabol na bumoto lately hindi na namin napansin lalo pa’t ‘division of labor’ kami ni misis sa pagbilang. pinanghahawakan na lang natin ang ‘honesty system’ ng bawat isa. mwahugs.

ps. salamat. sarap naman nun.

24 09 2008
ronturon

Ginoong Badoodles,

Ako po’y lubos na nababagabag at tila naguguluhan kung ako’y totoong nakasali o tila nagkamali ang link na nailagay ninyo sa “post” na ito.

Ako po ang salarin sa bulog na ron-turon.blogspot.com.
may kapangalan kasi ako, yun ang ron(walang dash)turon.blogspot.com na magdadalawang taon ng hindi active sa bulogsperyo. huling post nun e 2006 pa e! kawawa naman ako!!! huwaaaaaaahhhhhhhhh!!!!

e sa tingin ko nagkamali lang ata kayo…
ron-turon.blogspot.com po Ginoong badoods, may “dash”.. waaaahhhh!!!

GUSTO KO NUNG PREMYO E!

badoodles: @ronturon oo ikaw yan pareko. hindi lang ako aware na may ronturon(na walang dash).blogspot.com na nageexist. milagro ng find and replace na ginawa ko sa msword kaya nawala ang dash mo. dont wori, updated ko na.

24 09 2008
Byter

Mabuhay ka papi! Congratz sa pagiging finalist, isang malaking karangalan para sayo. Bukas sa pagluhod ng mga tala, ikaw naman ang tatanghaling bida sa mundo ng mga blogista.

Captivating Capiz Zinnia

badoodles: @byter nyahaha. ok na ung pagiging finalist wala namang papremyong bigas at grocery.

24 09 2008
Ambo

Maraming tsalamat kapatid na badudels. Sana naman this time manalo ako sa isang contest tulad nito kasi ala na ako pambayad sa mga pakontest ko hahahaha. Congrats sa lahat ng finalist!

badoodles: @ambo sige papanalunin kita pero papanalunin mo din ako sa pakontes mo. parang gumugulong lang ang papremyo.

24 09 2008
Ayiene

wow, my site is there *points to the link*
natuwa lang ako! thanks!

badoodles: @ayienne hindi na nga ako nakapagiwan ng comment sa post mo. dito na lang ako magtetenkyu sa pagsali mo.

24 09 2008
xG

araguy
wala pala akong gagawin?
hahaha

kala ko meron eh
wala nga ako sa pba08
hangkulet!
haha

kala ko pa naman
may parteh chever ito
parang sa esplanade lang

sana sa next year meron na
pagkain lang naman ang habol ko
hahahaha

badoodles: @xg toxic sa trabaho. next year mapaghahandaan natin yan. hehe. basta ba ang usapan mag-aattend ka.

24 09 2008
pauee

nagagalak ako na kasama ako sa rapol ngayong panahon ng tag-hirap (may plano akong magrebelde sa amo kong chinese).

salamat badoodles at kungrats sa pagiging finalist mo sa pba08. ^___^

badoodles: @pauee gudlak din sayo pauee. kapit lang at abot mo na ang 15k

24 09 2008
antuken

ibinigay ang email ko agad. hahaha. pero sige, ayos lang din. as of this hour eh 120 ang number ng finalists. i numbered them from 001 up to 120. kung meron mga nagre-request jan ng number (kumbaga lucky number nyo), email lang or leave a comment on my blog. kung saan mas convenient sa inyo. or pwede rin padalahan nyo ako ng load. hahaha. or ilibre ng isaw. mababaw lang kaligayahan ko. pero sana by friday eh matanggap ko na mga request nyo. 🙂

may isang tutubi na nagsabi saken na bonggang-bongga na daw ang next year at may parteh na. sana magkatotoo yun. it’ll be so much fun (i think, hehe)!

badoodles: @mareng chona sori mare di ko na naipagpaalam sau, manggagambala na din ako sayo kaya todo-todohin ko na to. churva level to da maxx.

kung maging successful to, next year may eb slash awarding ceremonies na tayo.

24 09 2008
edong

paturo naman kung paano maging blogger please..

badoodles: @edong mag-sign up ka sa http://www.wordpress.com. pag andun ka na kalikutan mo lang ung buttons dun, pindot pindutin mo. wag kang mag-alala hindi sasabog ang mundo pag nagkamali ka ng napindot na button.

25 09 2008
xG

kung aatend ako?
aba aba aba
di pa nga tapos itong una
nangungumbida ka na
para sa susunod?
hahahaha

hayaan mo
may isang taon pa ako
para magbago ng isip
haha

ayos lang
kahit wala muna ngayon
ikaw pa?
labs ka namin e

alam mo naman
bigay hilig kami sa iyo
🙂

badoodles: @xg nakakatats ng sinabi mo. sa unang pagkakataon, hindi ako tumawa sa comment mo, nagpipigil akong tumulo ung luha sa left cheek ko. salamat.

25 09 2008
loudcloud

wow goodluck sa lahat! exciting malaman yung mananalo sa polls.

badoodles: @loudcloud sana sa susunod ung boto naman para sau ang tinatally namin. salamat din sa pagsali..

25 09 2008
eiyelle

yehey! official na ang aking boto..hahaha!
salamat po.. =)

badoodles: @eiyelle salamat din

25 09 2008
Pedro

walang anuman. sayang, dalawa sana tsansa ko, hahahahaha!

badoodles: @pedro gustong bawiin? haha. di ko maisip kung pano nabilang un dahil nung unang bisita ko dyan sa walangkwentang.com spoof ng warner brothers logo pa lang meron tapos under construction pa.

25 09 2008
romydiaz

di bale ng walang awarding ceremony kung saan man pasosyal na lugar. kahit sa robinson supermarket pa ayn. basta ang magaabot ng tshirt si badoodles. hehehehe

mr_d (romydiaz)
two time calendar girl of the month

badoodles: @romy isa pang pity sex for u. ganyan k kaimportante samin – two months long celebration, pantapat sa gma supershow.

lakas ng tawa ko dun sa isang post mong may bangbus.com na link. basta di ko na ieelaborate.

25 09 2008
Ays

Huwaw! Pasok ako. Hahaha!

badoodles: @aze huwaw pasok ka.

25 09 2008
ryan

Pare bakit hindi ako kasama sa raffle na yan hmmmp..
gusto ko ring manalo no.. pang alak din yan

badoodles: @pareng ryan hahaha! ayon sa imaginary rulebook, di pwede sumali ang kamag-anak, kapatid, kabarkada to the third degree of consanguinity and affinity. pero wag kang mag-alala binilang ko pa rin ung boto mo. saka di mo na kailangan ng pera, bagong increase ka naman ng sahod.

censya na nga pala pre di ko kayo natulungan naglipat ng gamit. 😦 thesis ni bayaw naghahabol magpaturo. lipat ka ulit ng bahay next week para matulungan kitang magbuhat. hehe

25 09 2008
MARU

“25 Sep 08, 13:45
badoodles: mareKo, bati na tayo. di nakasama sa cut + paste ung name mo sa listahan ng parapol. batiin mo na ako. pls…”

pareng badoods, binabate na kita. lols! sus to naman, na-dyahi naman ako sau at dinayo mo pa ako sa CBOX ko. parang ang arte-arte ko tuloy.
noong isang araw ko pa nakita yung UPDATE mo. Pasensya rin at hindi na ako pumiyok pa. Alam mo naman ako…bukod sa maganda eh SHY talaga ako at higit sa lahat, alam mo rin na isa akong – sinungaling. hehe!

26 09 2008
mnel

gusto ko sanang magmaganda at pumili ng numero, kaso aaminin kong kahit anong pili pa ang gawin ko eh hindi naman nun madadagdagan ang 0.83% chance kong manalo sa paraffle.

malas ako sa ganito kaya…

kailangan ko pala ng matindi-tinding dasal.

26 09 2008
wishlist! « Geisha Diaries

[…] wish na manalo ako sa pa raffle ni Badoodles at makuha ko ang bonggang-bonggang fifteen quiao! […]

26 09 2008
vhonne

pwede po makipag exchange link?

Batanggero – http://batanggero.blogspot.com

thanks po…

26 09 2008
rofel

malaking kaperahan din yan,,, sana manalo ko. hehe

congrats nga pla bossing sa pagiging finalist mu dun sa PBA08.

sana nga next year may actual awarding na Top 10 Funny Blogs tas may live tv coverage pa. astig.

26 09 2008
Calvin

pareng badoodles… lapit na raffle. kelangan mo nang linisin at punas punasan ang camera at ang cellphone at ibalik sila kanilang mga kahon. wag kalimutang burahin ang mga pictures at contacts.

papayag na ako na 10k sayo tapos 5k saken basta manalo ako. 😛

26 09 2008
anakngpiso

hmmm… bakit ba di ako sumali…. eh di sana may chance na rin akong manalo ng 15K…

moral lesson: matuto kang masilaw sa pera…

cheers

26 09 2008
Pinoy Ambisyoso l Pinoy Jokes [Blogs and Videos]

[…] is the best medicine according to experts like Badoodles and Buraot. These two bloggers possess a different style in Pinoy Blogosphere. They make people […]

27 09 2008
kotsengkuba

may natanggap akong listahan ng winners. ang dami 119. tig-mamagkano ang hatian badoodles? nagpa-schedule na ko sa print media nung list and respective numbers. ipapaprint ko nalang sa office kapag narelease na yung lucky number. hehehe.

27 09 2008
ronturon

hayan… hokey na
maraming salamas G. Badoodles…

mabuhay
mabuhay
!!!

hehehe

27 09 2008
mcrey

WOW kasali ako… ahahaha

Sana manalo ako ng 15 k

27 09 2008
Maldito

sabi nila wala daw akong luck sa mga parafol na yan..

palagi nalang akong inuuwi ang tanging dalawang itlog ko..

sana naman badods,,

maging isa kang tagasira ng badluck na yun..sana nga..

he he he..sana manalo ako.

28 09 2008
reyna elena

leche naman! talagang ayaw daanin sa usapan ang winner dito! grrr… pwede po bang daanin na lang sa “panga-nga-ilangan”? kelangan ko kasing ipa-sulda ang korona ko. mura lang naman sa kapitbahay naming bolkanayzer hehehe! utang na loob, parang awa mo na! *prst! *hikbi*

28 09 2008
reyna elena

leche! hindi pala ako kasali! waaaa!!!

28 09 2008
Rhapsody

huwaw! ako din kasama sa parapol… salamat sa mga binoto kong pasok sa top! mmmm… kung ako mananalo kahit ano dun sa papremyo happy na ko! tsalamats! eto po ang personal details ko…blah blah blah… aun na-receive mo po ba?

29 09 2008
kengkay

uy, good luck!

29 09 2008
Abad

kasali pala ako sa raffle. hahaha. nakakahiya, binawi ko pa yung boto ko dati. buti na lang nanalo pa din yung gusto kong iboto.

mag huhunger strike ako pag hindi ako nanalo. kabahan ka universe.

29 09 2008
umleo23

serious!? d nga? san na T SHIRT ko! i want my T-Shirts now na!

29 09 2008
iceyelo

rexxy nosebleed!!! hahaha. na miss to tong balay mo. lupet, blogger of the month. nyeta napaglilipasan nako ng panahon. wlang oras walang buhay, hhahaha

30 09 2008
JohnLloy

congratulatory sa mga nanalo sabi ng sa isang sikat ng commercial.. Ger ger ger ger ger ger!.. XD

badoodles: @johnlloy ang german pronunciation nyan ay jerjer, jerjer, jerjer…

1 10 2008
Finch

wow this is epic 🙂

badoodles: @finch uber epic. tnx for d adding to d wicked fun.

3 10 2008
silverfox05

pano po malalaman ang mga nabunot???

o tapos na?? :((

6 10 2008
Abad

Dobleng congrats sa’yo sir! Next year may humor blog category na daw. siguradong pasok ka na dun.

8 10 2008
Funniest Blogs in the Philippines 2008 - Viloria.net

[…] There’s an entirely different world of blogging that goes beyond the usual make money online, angsty experiences, travel, food, political, business, or tech blog. Yep, I’m talking about humorous blogs. It’s a good thing I happened to stumble upon JaypeeOnline.net’s 2008 Philippines 10 Funniest Blog, which revealed me to the site known as KwentongBarbero.com (check out the delightfully long Final List) […]

11 10 2008
kirksydney

Ahhh eto pala yung sinasabi saken dating dati pa, pero ngayon ko lang nadalaw. 😆 Goodluck sa mga kasali, mag aabang na lang ako ng balato. 😆

24 11 2012
Lewis

dapat yung tatay ni Marcel si Philip salvador na lang, yun yung bagay na tatay ni Marcel jan sa TV? series na yan.. para kasing ang layo ng ugali nung tatay ni Marcel sa totoong korean version ng Temptation Of Wife…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

7 10 2014
knight n squires hack apk

You can definitely see your expertise in the work you write.
The arena hopes for more passionate writers
like you who are not afraid to mention how they believe.
Always go after your heart.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: