The 2008 Philippine’s 10 Funniest Blogs

29 09 2008

Kilala tayong mga Pinoy sa ating ‘sense of humor’.  Nasa dugo na natin ‘yon, nakamarka na parang numerong ‘sex-sex-sex’ sa batok natin.  Wala na tayong magagawa dun.  Ever.  

 

Napagdaanan na natin lahat ng bagyo, krisis, at karumal-dumal na career ni Madam Auring, andito pa rin tayo, surviving.  ‘Yan tayong Pinoy.  Hindi papatalo lalo na sa ating ‘Wala ka sa lolo ko’ jokes.  Walang ganyan sa ibang bansa.  Lalo na ‘yung mga jokes na kunyari may international competition na pahabaan ng etits, pabahuan ng kwan, o palakihan ng ilong, tapos sinasalihan ng iba’t-ibang lahi pero sa huli Pinoy ang nananalo.  Lumaki tayo sa pangaral at biro ni Dolphy, barkada jokes ng Tito, Vic and Joey, pati na rin scandal ni Jollibee.  Magbago man ang anyo, hugis o porma ng kung ano ang nakakatawa, pare-pareho pa rin nating binabahagi sa isa’t-isa, mula texting hanggang blogging atbp. At lumipas man ang panahon, alam nating patuloy lang ang daloy ng makulit na imahinasyon nating mga Pinoy.  [May rhyme yan o ha, o ha]

 

Ngayon, wala nang oha-oha pa, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang kasalukuyang best of breed Pinoy humor icons sa blogosphere ngayon sa pamamagitan ng bidyong ito na gawa ni Umleo23.  [Wag kalimutang i-buffer for viewing pleasure]:

 

 

 

At narito naman ang kumpletong resulta ng tally ng Philippine’s 10 Best Humor Blogs à.

 

Maraming salamat sa mga sumuporta, sumali, nakigulo at nakiusyoso.  Isang karangalan ang makilala kayong lahat.  Sa payak nating patimpalak, nahanap niyo ako, nahanap ko kayo, dito sa magubat na blogosperyo, at nagkakitaan tayo ng kung anu-ano.  Inglisin ko na din para mas may drama epeks:  ‘I’ve found you, you’ve found me’. And.… ahmm.… ‘yun lang. 

 

At dahil tingin ko, mukang maayos naman ang pilot episode ng ating Project Lafftrip, hindi malayong magkaroon tayo ng aktwal awarding ceremonies slash aybol sa susunod na taon. Yipeee!

 

PS.  Isang higanteng tenkyu kay Umleo na inobertaym gumawa nitong bidyo habang ako ay nagpapakasarap humilata, matulog at pagpantasyahan ang mga EB Babes.  Kung nabitin man kayo sa bidyo, natuwa, o gustong magpasalamat kay Umleo, pwede niyo siyang i-bitch slap dito.  

 

Congrats sa ating nag-iisang winner ng parapol.  Wala pa akong idea kung sino, hintayin na lang natin ang update mula kay Mareng Chona, bilang lead auditor ng parapol.  Meron ding listahan ng pangalan at raffle number sina Mareng Maru, Chiksilog, GreenPinoy, KotsengKuba, atbp.  Pwede niyo din silang kulitin kung sinong nanalo.  At sa ‘yo rapol winner, meron kang sampung segundo para mag-email ng iyong gustong premyo [15k, Sony Cybershot Digicam o Nokia N70 na nagamit ko na] pangalan at address gamit ang email address mo noong sumali ka sa patimpalak na ‘to.  Sige na nga, sampung araw na.  Pagkatapos ng 10 araw at sa di malamang dahilan ay ayaw mong mag-claim ng premyo, bubunot kami ng panibagong winner. 

 

Salamat sa mga sponsors:

 

Major sponsor:  The TShirt Project

Trophies sponsor: GagAtak

 

Sa mga kapita-pitagang 10 funniest blogs, paki-email sa badoodles[at]rocketmail[dot]com ang address kung saan pwedeng ipadala ang inyong tropeo, at pangalan ng kung sino ang pwedeng tumanggap.  Paki-email din ang link ng t-shirt design mula sa The TShirt Project na gusto niyo [Ung 3 preferred designs at size baka ma-out of stock].  Wag kalimutang gamitin ang email address na ginamit nyo noong nagpost kayo ng comment dito sa Project Lafftrip Laffapalooza.  Pasuyo na rin, wag kalimutang i-link back ang The Tshirt Project para naman matuwa sila at may sponsor pa tayo ulit.  Kitakits sa susunod na Project Lafftrip!

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

69 responses

30 09 2008
Pedro

congrats sa lahat ng nanalo. sana ako yung number 057! hehehe.

congrats badoodles sa isang napaka-succesfull na Project Lafftrip Laffapallooza.

looking forward sa mas malaki pang pakontes mo neksyir!

more power at mabuhay ka!

5 thumbs up sa vid ni umleo!

badoodles: @pedro tenkyu tenkyu. dahil kaw ang unang nagcomment, nanalo ka ng… ah… eh… big mwahugs at tenkyu sa min. sana next yir ur one of the contenders. make us proud boi.

30 09 2008
Lenggai

ngayon lang ulit ako nakabalik… busy sa paglilipat-“bahay”!!!

nway, congrats sa mga nanalo!

masaya ako at kahit papano naging parte ako ng proyekto mo ka badz, yun nga lang hindi na ako marunong magpatawa!!! kinain na ng plurk ang literary skills ko… lol!!!

oo nga pala… nagpalit na ako ng address:

http://pinayblogkaster.com

congrats ulit sa project mo!

…at may isang bahagi ng puso ko ang kumibot habang pinapanood ko ang host mo.

nasabi ko lang naman. lol!

badoodles: @lenggai isa ka sa mga unang sumuporta at naniwala sa project lafftrip. di mo alam gano kaimportante sakin ung suporta mo. ihartsu big taym.

si umleo ba? binebenta ko na for da highest bidder. any takerz?

30 09 2008
FerBert

Oh Dyos ng Blogosphere na si ginoong Badoodles! salamat sa pakontest mo na ito lakay! sumikat ako! haha.. pinasikat mo ako!

dahil dyan sa inyo na ni umleo ang tulang ITO

maraming maraming maraming salamat..

ispirless ako.. di ko alam sasabihin ko.. sa susunod na ako magcocoment ng matino..

PUTANGINA! NUMBER 3 AKO

at potah! kinain ata ng askimet ang comments ko.. hahaha

badoodles: @efbee [THIS COMMENT HAS BEEN SAVED FROM AKISMET BY BADUDELS] tsk m not called superman for nothin’.

thanks lakay. u so madapaking deserv it.

30 09 2008
xG

alam na?
ok.

sa lahat ng bumoto?
mwa mwa

neksyir ulit.
gege
🙂

badoodles: @xG habibu! congrats sayo. it has been a tough fight of epic proportions. u lucky chik.

30 09 2008
Tisay

wow congrats sa top ten! apir!

galing galing!

anyway… so sino nga nanalo? hehe

badoodles: @tisay sa ranking o sa parapol. sa parapol, di pa nagpaparamdam ung nanalo. [e sino nga?] pa-tsek na lang sa blogsite ni mareng chona sa majorsleepyhead.wordpress.com

30 09 2008
akosiikay

congratz sa top 10….isa kng henyo badoodz…hehehe
ang cute nman ni umleo….joke!heheehe

badoodles: @ikawsiikay nagbibilang ako ng nagsasabing henyo ako. pangatlo ka na. sinusulat ko sa bondpaper at binabasa ko ng paulit-ulit. para mamya maniniwala nakong henyo ako. sheez, salamat ikay

30 09 2008
kotsengkuba

well, well, well. look do we have here. walang no 0057, meron lang 057. not even 0570 or 5700 existing. hehehe… kinain ba ni akismet ang unang comment ko?

badoodles: @kotsengkuba aun sa ating karespe-respetong audit team wala daw nanalo. paano yan? hahaha! isa pa. hahahaha!

finali natapos din ang search na to. tagal din. last year pa to at isa ka sa mga unang sumuporta. salamat papi.

30 09 2008
antuken

hahaha. i agree with KK. hihi. (so bubunot ulet ng winner? hahaha)

congrats sa winner! sinabi ko na nga bang wala akong swerti sa mga rapol rapol na yan. eniwei, looking forward to next year’s awarding & party. hahaha.

congrats to all the blogs who were in the top 10!

badoodles: @thanks mareng chona for contributing behind da success of dis. silent worker runs deep. hano daw? basta un na un. meron ka ding isang ‘humor tshirt’ courtesy of thetshirtproject. anong size mo mare?

30 09 2008
reyna elena

na-aalimpungatan ako! ginising ako ni ANTUKEN hahahaha! tuwang tuwa ako! tinawagan ko mga barkada ko sa floodway sa iskwater na panalo ako!

LECHE! Numbero NWEBE! Prsttt! hu hu hu! Waaaaa!!! Hindi kaya nabaliktad? Si Inday dapat sa Nwebe at ako sa Sais??? Hahaha!!!

Congratulations to you all! This was fun!

Uy! Nag-hintay ako, ni-rewind ko, pliney ko sya kahit na Microsoft Excel, nag-iintay na maghubad ka! Anobaaaa!!! Hahaha!!!

badoodles: @reyn! congrats. may halong kaba dahil kasali ka. dapat malinis. walang bahid dungis. parang tide [langya parang may hint! hint! pa sa susunod na sponsor].

30 09 2008
chuvaness

wow! congrats to the winners!!!! ang saya! hahhaha and congrats to you too for a very successful blog awards, better than PBA talaga. hinde elites ang bidaaa hahahaha

badoodles: @chuvaness congrats sa pagsali mo sa naging malaking kaguluhang ito. it has been hell of a nutritious fun. [nutritious fun? kelan naging nutritious yun? haha]

30 09 2008
Maldito

congrats sa lahat ng nasa taft ten~~ang saya saya nito..nag orgasm ako ng sampung beses sa kaka excited..ahaha..masa maganda talaga pag may awarding!!ahaha..magkakasubukan na sa kakulitan ang lahat ng mga bloggers! hanggang next year na naman!!maghuhubad na ako simula bukas para ma ensure ang top post ko.a.ahahhaa..

congrats sa lahat…yung number 057 na yun,, di ba sa akin yang number na yan?sauli mo na..hahaha..

badoodles: @maldito congrats. lam kong mas pinagpe-pray over mo ung piptin k kaysa makasama sa top ten pero ganun talaga, si ginoong kapalaran ang nagdedesisyon kung anong prank ang ibibigay sau. sa muli, tenkyu tenkyu sa suporta mo. papingot.

30 09 2008
Quickie « El Bitcho Maldito

[…] na ang pinakakaiintay ng buong blogosperyo. Lumabas na po ang resulta ng contest ni badods. Mabilisan lang ang post na to dahil medyo busy po ang iyong lingkod sa kakalinis ng daan ng metro […]

30 09 2008
popoy

congrats sa mga nanalo. deserving kayong lahat!!!!

sana neksyir meron nang program. yehey!!!!

im looking forward sa mananalo sa parapol.sana ako.lols

badoodles: @popoy u funny bastard. lol. next year naman ikaw isasalang namin sa ranking.

30 09 2008
greenpinoy

wahoooooooooooooooo!!!

sobrang maraming salamat ng bonggang bongga sa mga bumoto sa http://www.greenpinoy.com!!! mehel ke keyeng lehet mge peep holes!!!

mwah! mwah! mwah! mwahraming salamat sayo badoodles para sa isang napaka matagumpay ng patimpalak!

XG, mwah! (plastic? LOL!!!) Congrats!

badoodles: @congrats greenpinoy wag kang maniwala pag sinabing the second placer is da first loser. hindi all time truth un. next year, vengeance is yourssss!!!

30 09 2008
The Top 10 Best Humor Blogs of 2008! : PinoyBlogoSphere.com (PBS)

[…] it is kinda hard to choose which among them are the best reads. Well look no further, for the 2008 Project Lafftrip Laffapalooza narrows your choices down to […]

badoodles: naks meron pang coverage mula kay karloblogero

30 09 2008
gasti

wow! sa wakas nakapasok din ako sa site mo pards…maraming salamat nga pala sa https://aniscartujo.com/webproxy hahaha! yeheeey!

potek parang nanalo na rin ako ah! anyways…congrats sa mga nanalo medyo nagkaron ng leakage kaya nalaman ko na agad yung mga nasa listahan pero ayos lang..napakagaling ng video na ginawa ni umleo! kudos to u pards! at sa lahat ng efforts sa pakontes na to! sulit na sulit dahil naging successful ang event.

badoodles: @gasti kaya naman pala hantagal mong naghiyatuts.
tenkyu proxy..

30 09 2008
mangbadoy

ang galing nyo lahat pakiss nga!!! muah all!!!

badoodles: @mangbadoy cheers sa lahat ng high performers!

30 09 2008
Gloria Karlos

Top-rated pa rin si INDAY kahit di na nagpaparamdam. Nasaan na siya?

badoodles: @gloria wala na yatang day off

30 09 2008
umleo23

@gasti:

Thanks po! Anong Leakage yan! Hmmmm Baka si Badoodles ang nagkalat nyan wahahahahahahaha

badoodles: @umleo walang leakage. un ung unofficial namfrel quick count slash fearless forecast ni efbee na nagkalat sa plork world

30 09 2008
V

mahusay. neksyir ulet!

badoodles: @v ngayon pa lang imbitado ka na sa kunyaring grand aybol pero awarding pala. 😉

30 09 2008
Pinoy Ambisyoso l Top 10 Funniest Blogs for 2008 Winners

[…] Kwentong Barbero’s 2008 Philippines Top 10 Funniest Blogs winners are formally announced. Watch the video presented by Umleo23. […]

30 09 2008
ellieshe

ang galing naman! congrats sa lahat ng nanalo…at sana ako number 0057 …waaah!

@umleo
di mo agad sinabi…ang fuge mo pala..lols!

badoodles: @ellieshe malay mo kaw nga un. pano pagpronounce nyang fuge? (fyuj o fuji?). umleo fyuj ka daw!!

30 09 2008
ellieshe

ayiii!!! me nanalo na pala sa parapol..hahaha…congrats congrats!

badoodles: @ellie congrats congrats!

30 09 2008
rofel

congratz sa matagumpay na project laff trip. salute para kay idol badoodles.
congratz sa top 10 na makukulet n blogs.
congratz din kay umleo23, sa paglikha ng isang malupet at makulet na video.
congratz din kay #57, sana ako un. hehe.

badoodles: @rofel salamat din sayo sa suporta. hindi pa nagpaparamdam si #57, time is running out. good news sa di nabunot sa parapol.

30 09 2008
Thanks to everyone who supported my blog | Blog ni Inday!

[…] would like to thank you all for supporting my blog on Barber Stories’ 2008 Top 10 Funniest Blogs where I came in 6th […]

30 09 2008
Calvin

syet 003 number ko. bunot na ulit para sa 2nd prize! 🙂

badoodles: @calvin muntik na ung number mo. lumampas ng bonggang bongga sa number 57. sayang. 😆

30 09 2008
ronturon

congrats sa lahat!!!
although personaly
dapat si jojitah
e mejo mataas as ranking at hindi
lang tuff 10!
hahahahaha.. naks…

neks year, dapat may
hawarding na!!!
yehey!
heheheheheh

badoodles: @ronturon oo sana, magkaroon. mukang ayos naman tong pilot episode natin. we’ll burn the bridge when we get there.

30 09 2008
kengkay

congrats!

badoodles: @congrats sa lahat ng nakigulo

30 09 2008
nababagay na pangalan « The Invisible Blog

[…] congrats nga pala sa mga 10 lucky winners ng Project Lafftrip Laffapalooza kabilang na syempre ang mga kaibigan natin dyan na si Maldito, Ferbert, Mariano, Maru at syempre pa […]

30 09 2008
Calvin

badoodles, pambihira english mo dun sa blog ni inday. nakakapanibago hanep. hehehe.

game, next contest na, Search for philippines top scientific blogs or top religious blogs o kaya kids-oriented blog. hehehe.

badoodles: @calv kinabahan ako baka mamya isnabin ako ni inday. kelangang pantayan ang nosblid inglisan bago ko pinidot ang comment button.

30 09 2008
ryan

Congrats sa pre sa napa ka tagumpay na Project Lafftrip Laffapallooza mo.
congrats din kay greenpino at mariano, saka sa lahat ng nanalo.. ipagpatuloy ang pangungulit at pamamahagi nito..

P.S – Painom naman kau.. un un eh .. =)

badoodles: @ryan salamat pre, sa pagsali sa ating projek-projekan.

30 09 2008
beero

congrats naman sa lahat ng winners! Woohoo! congrats din kuya bosing kasi saksespul ang paghost mo sa pakontes na to. hanggang sa susunod…

badoodles: @beero woohoo! tenkyu tenkyu lex

30 09 2008
lethalverses

congrats badoodles for this wonderful project!!!

more more more!!

at sana nde totoo ang balitang napapagod ka na sa pagbblog 😦 mamimiss ka namin kaya ituloy ang laban! err ang pagsusulat!!

badoodles: @lethal hanggat may gustong magkoment dito, tuloy tuloy lang ang saya!

30 09 2008
Ayiene

Wow! Wow!
Congrats kela Ate xG, Kuya FB, Kuya M at mr_d!
Burger! Burger! 😛

badoodles: @ayienee dagdagan mo na rin ng spaghetti, palabok, coke, prens pries, etc etc…

30 09 2008
KokeyMonster » Booyah!

[…] salamat din mga mga taong hindi nakornihan sakin, humalakhak at bumoto sakin sa project lafftrip laffapalooza sana next year iboto nyo ulit ako.. […]

badoodles: @efbee tenkyu to you too.

30 09 2008
Amor

Congrats sa apat kong ibinoto! At congrats din sa ‘yo Badoodles for this succesful project! 🙂

badoodles: @amor hindi naman successful to kung wala kaung sumuporta at bumoto. congrats sating lahat.

30 09 2008
anakngpiso

advance thanks sa nanalo!!!! bahagian mo na kami… ;p

badoodles: @anakngpiso hindi pa nagpaparamdam ung nanalo. ayaw yata ng 15k.

30 09 2008
watusiboy

haha. natawa ako sa presentation para kay inday.

sayang 059 ako. dalawa na lang..

congrats sa lahat ng nanalo esp sa nakajackpot sa 15K 🙂

badoodles: @watusiboy pumatay pa si umleo ng higanteng ostrich para lang sa props na dugo. hehe. ketsup lang ba un? ok.

1 10 2008
samieboi

win! yehey! congrats sa nagpakontest na ito at sa mga nanalo at sa host na kamukha tlaga ni moymoy palaboy minus the wig 😀 at oo umleo23 compliment un 😀

badoodles: @samieboi baliktad. si moymoy ang adik version ni umleo

1 10 2008
mayui

congrats sa mga nanalo! next year uli, whoooo…
nakadiskubre ako ng mga astig na blogs dahil sa pacontest na ‘to, kaya salamat, kuya badoodles!

badoodles: @mayui lahat tau nagkakitaan ng blog address. oha! oha! next year ulit para sa patuloy na paghahanap.

1 10 2008
jojitah

congratulations badoodles!!!

alam ko para kang nakapanganak ng matiwasay. 😉

badoodles: @jojitah malaking bonus talaga na nairaos ng maayos. parang ceasarian operation lang. pero etong behind da scene sa ym bago naipost ung announcement:

umleo: naipost mo na?
badudels: oo
umleo: bakit wala pang lumalabas? [kaba]
badudels: baka nag-eror. [cool lang]
umleo: yan na ngang sinasabi ko eh. yan na… yan na.. bakit kasi..

tenks kay umleo sa pangangarir sa posting ng announcement. hayuf.

1 10 2008
enday

nabasa ko dedicated na tula sayo ni ferbert.
haha.
lupet.
congrats sa saksespul mong pakontest
at sa mga nanalo.
nanalo ang aking mga binoto.
Number 1 pa si XG.

yeyz!
cograts ng bonggang bongga!

badoodles: @enday oo nung nabasa ko ung tula ni efbee, parang nareyp ako ng di ko alam. i peel violated. haha. sa susunod na lafftrip ikaw naman pagtitripan naming pasalihin.

1 10 2008
jojie

langya! hoy turon huwag kang maingay diyan sa taas! hahahaha!

badoodles: @jojie hindi pa rin nakagetober si pareng ron. para walang away pantay pantay kaung number wan.

1 10 2008
Marc

Lufet ng bidyo! Congrats sa mga winners at kay Umleo23 galing mo bro! Three thumbs up!!!

badoodles: @marc dumarami na tayo. d best is yet to come.

1 10 2008
Elcan

Congratz sa top ten, hanggang sa susnod na project lafftrip ’09..
Congratz rin badoodles.. pati rin kay umleo!! Mabuhay ang mga pilipinong makukulit!!!

badoodles: @elcan mabuhey!

1 10 2008
BURAOT

congratyuleshons. galing ng pautot mo idol. walang sinabi yung mga pakontest nung iba. walang intriga. hehehehe. sana lahat ng kontest ganito. puro biruan lang. masaya ang lahat.

di bale next yir, di na ko magpapalitpalit ng domain. heheheh. kung buhay pa ko nun.

oist painom yung mga nanalo!

badoodles: @george clooney sarap namang boladas yan. i madapaking labit. tama ka dun, pareho tayo ng punto dapat ineenjoy lang.

1 10 2008
Byter

oh! 1/2 sheet, ang cute ni umleo23. i think im in love, i think im love…dadandadannn…. Papi, mas gwapo si umleo sa’yo!

congrats sa mga nanalo! pasalamat kayo hindi ako nakasali, swerte ni chicksilog talaga at hindi ako nakasali sana number tu nalang sya….

Tambayan Ni Byter

1 10 2008
lei

tangna. kakatawa. lols. 🙂
congrats sa mga nanalo. yay! napabagsak si inday! ang layo!! bwahahahhahahha.

1 10 2008
antuken

hahaha. size ba kamo? ng ano ba yang tinatanong mo? ah… t-shirt ba. kala ko kung ano na e. depende. malimit xs. o di kaya s. so kelan ko matatanggap ito? hahaha.

1 10 2008
repah

naku inlab na ata ako ky umleo.. myembro ka ba ng gwapings.. acute kc ng coat mo.. ayyy.. awww!

1 10 2008
mCrEY

Sana hindi malaman ni number 57

para may re-raffle… hahaha

Congrats number 057!!! Swerte mo!!! Mukhang swerte ang wordpress ah..

1 10 2008
loudcloud

ang nakakapikon lang sa competition na ito walang swimsuit competition segment ang mga finalist!

harang! balik ang entrance fee!

next year, pag wala pa ring mala Victoria’s Secret show and final votings mag pa-file ako ng protest kay Manoling Morato!

hahaha.

pero astig ‘to badoodles! congrats sa lahat ng nanalo, though obvious naman kung sino paborito ko kasi sila lang naka shout out sa card ko. hehe.

2 10 2008
timmy

CONGRATS sa lahat ng nakiisa, at nanalo. Hanep sa video si umleo23. Special (dirty)dance move si mamaru.

nakapagbigay na ba ng address ang nanalo? Mukha kasing nasa haitus pa sya e. Ilang araw na lang, pwede na bumunot ulit ng bagong panalo. 🙂

2 10 2008
ever

kanina pako tawa ng tawa..nadagdagan pa ng pakwela…yan tuloy yung boss ko akoy sinita..pero maya maya lang..heto na naman akoy natatawa.

congrats sa mga nakakalokang patawa!

2 10 2008
pepe21

congrats.
: ]

2 10 2008
vhonne

dahil sa pacontest na ito… nadalaw ko tuloy ang mga top humor blogs ng bansa… ayos… congrats nga pla sa winners…

makasali kaya next year.. whew…

3 10 2008
reyna elena

Badoodles! Your TOP TEN chorvalais was plugged by Jove Francisco on TV 5, napanood ko sa Estados Unidos hahahaha: eto ang link:

http://reynaelena.com/2008/10/02/the-2008-philippines-10-best-world-pieces-of-humor-blogs/#more-3882

3 10 2008
linglingbells

CONGRATS SA MGA NANALO! AKO BA YUNG RAPOL WINNER??? SHET! SANA AKO! KELANGAN KO NG PERA!!! KUYA BADOODLES, PAKONTEST KA ULET HA??!! SHET! NAMISS KITA KUYA BADOODLES!!!! NAAALALA MO PA BA AKO?? ANG TAGAL KO KASING NAWALA!!! KAYA GANYAN, ALL CAPS KASE MATAGAL NGA AKONG NAWALA! HEHE!

3 10 2008
linglingbells

AY, NUMBER 027 AKO.. SAYANG! LUMAMPAS LANG NG TRENTA! TRENTA LANG YUN OH!!!

BUNOT NA NG BAGONG RAPOL WINNER! BUNOT! BUNOT! BUNOT!

6 10 2008
Kroaky

Waw! Congrats po sa mga nanalo! Congrats din po pala sa pag-organize ng contest na ito. 🙂

6 10 2008
Abad

Ang sarap makita ng blogs nila mariano, fb at xienah sa video. I’m so proud of them.

8 10 2008
Mr. A

Congratulations sa mga winners. Wag sana kayo tumigil sa pagpapatawa. Sana isang araw ay mapasama rin ako sa inyo.

9 10 2008
The Philippine Best Humor Blogs for 2008 « Portable Portal

[…] blogs, humor blogs 2008, philippine funniest blogs | Just so you know that there is what we call Top 10 Philippine Funniest Blogs for 2008. There also a cover post here: 2008 Philippine Funniest […]

9 10 2008
M

Boss Badoodles! Maraming-maraming salamat po sa patimpalak ninyong ito! Nagkaron ng pagkakataon na makilala yung blog ko kahit di naman siya kakila-kilala, wahaha. Maraming salamat din po sa inyong mga sponsors para sa tropeyo at tisiert.

Maraming congrats din po sa Top Ten finalists. Kagalang-galang sa paghahatid ng kasiyahan sa mga tao.

Hanggang sa susunod pong patimpalak! Kita kits po tayo ulit! Marami pong salamat bossing! More power and less spam!

10 10 2008
TechScribe

bakit di na ma-open ang blog ni DIARYA? nag-change ba ng URL?

badoodles: @techscribe nagdelete ng blog.

11 10 2008
paperdoll

ang daming tao. . makikigulo lang aco. . sana nakasali aco dun sa patimpalak mo. . tsktsk. . para nmn maexpose aco. . hehe. . ikaw ba ung nasa video? gwapo mo pare. . pakiss nga. . tsuptsup:-*

18 10 2008
kosa

lol….may nangyari bang dayaa dito? bat di ako kasali? dapat kasali ako..lol hahaha =] joke lang..ang sya… weekly ba to? monthly? quarterly o anu? sabihang nyu ako kung kelan ang susunod ah..parang awa nyun na..lol see you around badoodle

20 10 2008
Certified humor blogger goes on a watosi celebration!

[…] Buksan naten mga kabisyo! Hehehe! It’s a trophy and a shirt for being one of the Philippines’s Ten Funniest blogs sponsored by Badoodles! […]

12 11 2008
ampon

hehe congratzz sa mgananalo

asan si inday lol

badoodles: @ampon nasa numero sais

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: