Two Dads and a Funeral

28 10 2008

Tulad ng pagkakapares ng betlog ko, dalawa din ang tatay ko.  Gulat ka ‘no?  Isa itong parte ng nakaraan ko na hindi ko masasagot, pangalawa sa usaping bakit may buhok tayo sa paligid ng butas ng pwet.  Hindi mo alam ‘yon?  Subukan mong salatin ang pwet mo, meron. 

 

Pano ako nagkaroon ng dalawang ama?  To cut the story short:  Naghiwalay ang Mommy at ang kanyang unang asawang si Papa Ceasar, isang pulitiko.  Ilang buwan lang, pumasok naman sa eksena ang pangalawang asawa ni Mommy na si Papang Manolo, isang gago.  Pinanganak ako na kulang sa buwan, kaya pinagpipilitan ni unang tatay na anak niya ako na ayaw namang pumayag ni pangalawang tatay.  Konklusyon:  Tsk.  Ang ganda ng nanay ko. 

 

Mahirap i-reconcile ang ganitong sitwasyon pero sabi nga, ‘truth is stranger than fiction’.  Para sa isang lipunang ‘machismo’ at sagad sa panonood ng soap opera, wala nang bago sa ganito.  Naging isang ‘conscious effort’  na lang sa pamilya na ‘wag nang pag-usapan pa kung kaninong tamod ako nanggaling para walang partido ng pamilya na sasama ang loob.  Nakakatorete lang ng utak.   

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





To the Ends of the Earth

20 10 2008

Naimbitahan akong mag-mountain climbing sa Susong Dalaga.  Alam mo naman tayong boys, makarinig lang ng bundok at suso, kahit ano pa hugis at itsura nyan, go go go! Mga bagong kakilala ko lang nag-imbita sa ‘kin, di ko sigurado kung anong mountaineering group sila basta ‘yung dalawa, taga UP mountaineering club.  Suspetsa ko lang mga miyembro sila ng Alcoholics Anonymous dahil amoy singkamas ang karamihan sa kanila, pero kahit pa siguro Seks Adiks Anonymous pa ang grupo nila, basta sinabing may libreng pakain, Zest-O juice at unlimited babol gam, sama agad ako dyan.  Haha. Isang linggo bago ang pag-akyat, nag-change venue sa bundok Gulugud Baboy sa Batangas, mas bagay daw ‘yun pambeginners.  Tsk.  Suso na naging baboy pa.

Alas dos ng  madaling araw ako gumising at lumabas ng bahay na di ko naman kadalasang ginagawa dahil ‘yun ang oras na kasagsagan ng totnakan ng mga askal na nagkalat sa barangay namin.  Inggitin pa ako ng mga hayup. ‘Arf! Arf! Look Badoodles, inggit ka ba?  Alam mo ba ‘to?  Dis is doggie style.’

 

Pagkababa namin ng Batangas, sakay kami ng nirentang dyip paloob.  Sementado na ang paanan ng bundok kaya madali na lang pumunta dun.  Nalaman ko rin na sa bundok na ‘to nagsimula sa pag-akyat sina Dale Abenojar, ang unang Pinoy sa Mt. Everest summit at si Romy Garduce.  Kung nagkataon, isa ako sa mga gaya-gaya sa kanila.

 


Pers taym ko ‘to.  Lawit dila agad ako sa sampung minuto pa lang ng pag-akyat.  Ambilis ng tibok ng puso ko, naalala ko parang tulad din nung unang beses kong nabosohan ang cleavage ni BebeKo.  Ganung ganun pati pagkakalawit ng dila. 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Raffle Winner

15 10 2008

Congrats to the Raffle Winner for Project Lafftrip Laffapalooza 2008! 

To find the owner of the winning raffle number, wait for an update at majorsleepyhead.wordpress.com





Re-Raffle

12 10 2008

Magkakaroon tayo ng re-raffle para sa pagbunot ng mananalo sa premyo dito sa Project Lafftrip Laffapalooza.  Lumampas na ang sampung araw na palugit para sa nanalong si idiotsyncrasy.wordpress. com na ayon sa mga di mapagkakatiwalaang sources ay baka nasa loob pa rin ng sinehan hanggang ngayon, naipadlock sa loob ng kahon, o sadyang mayaman para magkainteres sa pera. 

 

Pormal kong pinasasawalang bisa ang pagkapanalo ni idiotsyncrasy. wordpress.com.  At sa pagbunot natin ng bagong winner, kailangang i-rambol ulit ang mga rapol number. Kung gusto niyo naman mag-request ng dating number ulit, o pumili ng numero na may kinalaman sa inyong anibersari, tanan date, o wala lang, mag-email lang sa tagapamahala ng parapol na si mareng Chona ng majorsleepyhead.wordpress.com sa yapchic[at]gmail[dot] com.  Pag walang natanggap si mareng Chona hanggang October 14 bago mag-alas nuwebe ng gabi, nangangahulugang pumapayag kayong marambol ang numero niyo.  Howkei powkei? 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Humor Gone Mad

8 10 2008

Napanood ko sa balita ‘yung tungkol sa ginawang butt of joke ng BBC sitcom na ‘Harry and Paul’ ang pagiging Pinay domestic helper.  Foul ‘yun.  Sobrang nalungkot ako dun sa balita gusto kong kumanta ng ubod lakas na April Boys song kaninang umaga sa opisina.  ‘Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw!  Pati ang isip at damdamin ay humihi-yawwwwww..’  Demmet dat Brits.

 

Pagkatapos nung nangyaring racial slur sa ‘Desperate Housewives’ sa US, heto na naman ‘tong Harry and Paul.  Sinasabi ng iba na baka pikon lang talaga tayong mga Pinoy.  Kung sino mang tipaklong ang nagconvince sa ‘yo nyan,  siyatap u.  Ako pikon?%$# Neber.  Dyan ka lang sa kinauupuan mo tanginiks ka, wag kang gagalaw, kukunin ko lang laptop ko, isasaksak ko sa tumbong mo.  Narinig ko na ‘yang mga ganyang comment sa radyo, tv, saka nabasa sa balot ng tinapa kaya ‘wag nang inuulit.  Hindi naman kasi simpleng kaso lang ng ‘pikon-talo’ ‘yun.  Unang lesson:  Humor is deeply cultural.  May mga nakakatawa sa isang lugar, na insulto naman pagdating sa iba.  Dito pumapasok ‘yung hinihinging kaunting sensibilities sa pagbibitaw ng birong pwedeng pagmulan ng World War III. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »