Re-Raffle

12 10 2008

Magkakaroon tayo ng re-raffle para sa pagbunot ng mananalo sa premyo dito sa Project Lafftrip Laffapalooza.  Lumampas na ang sampung araw na palugit para sa nanalong si idiotsyncrasy.wordpress. com na ayon sa mga di mapagkakatiwalaang sources ay baka nasa loob pa rin ng sinehan hanggang ngayon, naipadlock sa loob ng kahon, o sadyang mayaman para magkainteres sa pera. 

 

Pormal kong pinasasawalang bisa ang pagkapanalo ni idiotsyncrasy. wordpress.com.  At sa pagbunot natin ng bagong winner, kailangang i-rambol ulit ang mga rapol number. Kung gusto niyo naman mag-request ng dating number ulit, o pumili ng numero na may kinalaman sa inyong anibersari, tanan date, o wala lang, mag-email lang sa tagapamahala ng parapol na si mareng Chona ng majorsleepyhead.wordpress.com sa yapchic[at]gmail[dot] com.  Pag walang natanggap si mareng Chona hanggang October 14 bago mag-alas nuwebe ng gabi, nangangahulugang pumapayag kayong marambol ang numero niyo.  Howkei powkei? 

 

Heto ang iba pang fakyus para sa re-raffle:

 

FAQs

 

1.  Bakit kailangang irambol ulit ang numero?  Sagot: Para hindi malaman ng tagabunot sa rapol kung sino ang nagmamay-ari ng rapol entry.

 

2.  Pano pag wala ulit nag-claim?  Sagot:  Di bubunot ulit.  At pag wala pa, di ko na alam.  Bahala na sina mareng Chona at ang kanyang audit team na magdesisyon.  Posibleng i-donate nila sa Sunog Baga Charity Foundation, paghahati-hatian ng Top 10, o pa-party sa barangay sa Tondo.  Bahala na sila.

 

3.  Pano pag si number 057 ulit ang mabunot?  Sagot:  Ang number 057 ay hindi na mapapalitan. Naka-assign na ‘to kay idiotsyncracy.wordpress.com.  Ii-ignore ng electronic raffle ang numerong 057.  Galing ‘no?

 

4.  Pano pag nakalimutan ni Chona na palitan ng number na ni-request namin tapos ‘yun ang lumabas?  Sagot:  Ang pagpalit ng number ay nasa discretion ng lead auditor.  Ito ay isang pribilehiyo lamang at hindi karapatan.  Hindi niyo siya pwedeng ipa-barangay pag di niya nagawa. Pero hangga’t maaari, gagawin ni mareng Chona ang lahat ng makakaya para pagbigyan kayo sa inyong mga hiling.

 

5.  Kelan malalaman ang winner?  Sagot:  Hanggang October 14, alas nuwebe ng gabi ang palugit sa mga request magpalit ng numero.  Pagkatapos nun, ii-email ng lead auditor sa 5 piniling kalahok ang resulta.  October 15 bago mag-alas-sais ng gabi ko ipo-post ang nanalong numero.  Para sa kaukulang winner, maghintay ng update sa blog ni Chona sa majorsleepyhead.wordpress.com 

 

Kanya-kanyang palakasan na ‘to ng dasal.  Good luck. 

 

NB.  Leave of absence muna ako sa plork world saka pagba-bloghopping bago bunutin ang winner sa ating electronic tambiolo.  Lam mo na, para hindi makwestyon ang integridad ng Project Lafftrip at hindi madungisan ang cute kong pangalan. 

 

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

25 responses

12 10 2008
M

Ayun na nga ba, ang hinihiling ko, hindi na nga naclaim ang prize. Mukhang may panibagong liwanag ang sumisilip sa aking kinabukasan.

Yun lang baka hindi na ako panigan ng pagkakataon ngayon kasi naihiling ko na na hindi maclaim ang prize.

badoodles: @m kung sa genie ka sana humiling, may two wishes ka pa.

12 10 2008
Pedro

sinasabi ko na nga ba na sa pagkahaba haba man ng prosisyon ay sa bulsa ko pa din ang tuloy ng 15 kiyaw na yan.

inemail ko na yung address ko hahahahaha!

badoodles: @pedro sinasabi rin sa salawikain na wag munang bilangin ang sisiw kapag hindi pa napipisa. hahahaha!

12 10 2008
jojie

antagal naman. excited nako manalo. magpapraktis nako ng reactions. hehehe.

badoodles: @jojie malapit na. sa isang araw na un.

12 10 2008
MARU

Gusto ko sana i-suggest na kung pwede paghatian na lang ng Sunog Baga Charity Foundation at ng Bantay-Kiki Foundation (ako po ang founder ng foundation na ‘to) kung saka-sakaling wala pa rin magki-claim ng premyo na bubunutin sa akinse.

Hays, makapag-novena nga muna baka sakaling magkaroon ng mirakol na si Mamaru ang manalo.

badoodles: @maru sumasang ayon ako sa suhestyon na ‘to. mukhang lehitimo namang grupo ang bantay-kiki foundation. hindi? 😦 ok payn.

12 10 2008
antuken

haay. panibagong suspense na naman. hindi na ako aasa na ako ang manalo sa rafol, para hindi rin ako ma-disappoint pag iba ang nanalo. hahaha. goodluck na lang sa ating lahat.

badoodles: @antuken sana nga may manalo na. mare san ko pala ipadala ung small na ‘humor tshirt’ mo? pa email sakin address. may nakuha nako kulay blue.

12 10 2008
xG

kalabisan ba ng matatawag
kung ako ang manalo sa rapols?
hahahaha

badoodles: @xg malay natin. ganun talaga pag bumuhos ang grasya, when it rains, it pours. si jojitah nga, kinarir manalo ng dalawang tshirts.

12 10 2008
FerBert

kelangan magnovena sa St. Jude para mapunta sakin ang 15kiyaw!

badoodles: @efbee pati na rin kay st. isidore of seville, ang patron ng internet [oha, pati internet may patron saint na din, big time]

13 10 2008
kulot

pag di naclaim ulit yan, donate mo na lang sa akin please. kelangan ko na yan.

badoodles: @kulot hehe. gudlak na lang din. maraming ice water din mabibili nyan para sa mainit na syudad jan sa bansa ng arabyano.

13 10 2008
gasti

“kelan ba naman ako nagkainteres sa mga parapols? aanuhin ko ang 15k?”

siguro dpat i-psyche ko na ang sarili ko ng ganito para hindi ako madisappoint ulit. hindi ako magbibigay kay mareng chona ng gusto kong number..bahala na ang kapalaran. lucky pick it is.

badoodles: @gasti baka magtampo si 15k lalong lumayo. amuin mo. parang tsiks din yan, kelangan mong lambingin kung gusto mong maka-jackpot.

13 10 2008
mang badoy

wow kailangan mag novena at tawagin ang mga tropa kong angels… hahaha!

badoodles: @mangbadoy padamihan ng kaibigang may peykpeyk. [american accent ako ngayon]

13 10 2008
umleo23

baket ako walang entry number????

badoodles: @umleo alangan. meron yan. check mo sa site ni majorsleepyhead.wordpress.com

13 10 2008
popoy

potah.

natupad ang kahilingan ko. hindi nagparamdam yung nanalo.yehey!!!

okey, rapols na ult rapols.yehey!!!

sana ako manalo. kelangan ko to. kelangan ko ng kinsemil magpapabrace ako. neck brace hahaha. 🙂

badoodles: @popoy sakin ka bumili ng neck brace na yan pag nanalo ka ng kinse mil. andaming nagkalat na barbed wire dito samin, mura lang.

13 10 2008
Elcan

Bwahahahahahaha!!! ang saya saya nito, may chance pa rin akong manalo kahit 4% lang, lol. Gudluck to all.

badoodles: @elcan sana may manalo na utang na loob, gusto kong makatikim ng paburger.

13 10 2008
umleo23

okay alam ko na 034 ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
WUHUUUUUUUUUUUUU COME ON COME ON!!!!!

Host: If ever you win, what will u do with the prize!
umleo23: I will buy alot of stuff, and my phamily, Oh my gawd I said I was confident! Wahahahaha! im so sorry as u know this is my phirst time! and Im only 18 yearsh old!!! I’ll buy world Peace na lang! thank u…

badoodles: @umleo hoy boy betlog, bawal sabihin dito ang numero. saka mairarambol pa yan, kaya hindi yan ang numero mo. yan ung dating number mo nung unang rapol. hayzzz [kamot batok]

13 10 2008
ryan

ayan pwede na akong sumaliiba naman mag mamanage ng bunutan diba?
number 022 ako.. wala nang aangal kundi tangal ang titi… hehehe 😀

badoodles: @ryan haha! di ka pwede sumali pre. bawal kamag-anak, saka barkada, sa rapol. musta na? tagal nang walang inuman AH.

13 10 2008
antuken

weee! may shirt na ako pala? di mo agad sinabi. sana pala sinabi ko red ang kulay na gusto ko. pero sige, kahit anong color ayos lang saken. tisay naman ako, so binabagayan ng kahit anong kulay (ahahaha. mangarap!)will email to you the mailing address. hehe. sooper thanks!!!

14 10 2008
ellieshe

ayoko ng umasa..pero sana..hmmmnn…

Godbless nlang saten! waaaah

14 10 2008
beero

di ako makarelate sa pa-rapols na to. tsk. kung bat ba naman nagbusy-busyhan ako nun at di bumoto. lesson learned: ang pagsisisi eh laging nasa huli. hayz!

14 10 2008
umleo23

Dumating na ang T-Shirt ko! Wuhooooo Bahoo! Messenger!!!

Ay bawal ba sabihin ung number dito???!!!! LOLz ok wahahahahahaha nasan na un bagong number ko nyan ngayun! tsk! kainis! na eexcite na ako!!!!

14 10 2008
Pedro

sabi ng lolo ko makinig daw ako sa mga nakakatanda, mas marami daw talaga silang alam. kaya naniniwala na ako sa sisiw mo. 😀

at sabi niya din, kung para sayo, para sayo talaga. kaya maghihintay na lang ako, kasi alam kong para sakin talaga yan! hahahaha!

15 10 2008
Marc

Siguro talagang meant lang talaga ako manalo.! Yahoo! may chance pa rin ako! pag nanalo ako ng 15 k! 10 k papakain ko sa participants at organizers ng Lafftrip promise yun!!!

15 10 2008
McRey

WOW!!! MAY CHANCE PA AKO!!! YEHEY!!!!!!

Lord, Sana manalo ako ng 15 K!!! Yan malaki na ang font ko… siguro naman didinggin mo ang dasal kong ito!!!

Wahahahahah…

15 10 2008
McRey

Toink, hindi gumana yung html code?! WTF!

15 10 2008
Abad

YEHESS.

7 11 2008
pinoy

hey, i like your blog. do you want to be included in my network of bloggers?

We accept blog/article submission with your adsense in it(max of 2). This will give you more exposure and ECPM. for more details pls visit my site http://allpinoy.net
see you there!(still under development tho but working)

badoodles: @pinoy see u there!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: