Two Dads and a Funeral

28 10 2008

Tulad ng pagkakapares ng betlog ko, dalawa din ang tatay ko.  Gulat ka ‘no?  Isa itong parte ng nakaraan ko na hindi ko masasagot, pangalawa sa usaping bakit may buhok tayo sa paligid ng butas ng pwet.  Hindi mo alam ‘yon?  Subukan mong salatin ang pwet mo, meron. 

 

Pano ako nagkaroon ng dalawang ama?  To cut the story short:  Naghiwalay ang Mommy at ang kanyang unang asawang si Papa Ceasar, isang pulitiko.  Ilang buwan lang, pumasok naman sa eksena ang pangalawang asawa ni Mommy na si Papang Manolo, isang gago.  Pinanganak ako na kulang sa buwan, kaya pinagpipilitan ni unang tatay na anak niya ako na ayaw namang pumayag ni pangalawang tatay.  Konklusyon:  Tsk.  Ang ganda ng nanay ko. 

 

Mahirap i-reconcile ang ganitong sitwasyon pero sabi nga, ‘truth is stranger than fiction’.  Para sa isang lipunang ‘machismo’ at sagad sa panonood ng soap opera, wala nang bago sa ganito.  Naging isang ‘conscious effort’  na lang sa pamilya na ‘wag nang pag-usapan pa kung kaninong tamod ako nanggaling para walang partido ng pamilya na sasama ang loob.  Nakakatorete lang ng utak.   

 

Matagal nang pumanaw ang nakagisnan kong tatay na si Papang Manolo, ‘yung bandidong pangalawang asawa ni Mommy.  Sampung taon na din siguro ang nakalipas, mga ganun, ‘di ko sigurado.  Ang sigurado lang namatay siya sa hayblad.  Katakawan sa isaw, chicharon at pwet ng manok.  Weird.  Ang isa pang sigurado ay malamang fertilizer na siya ngayon.

 

Pero bilib ako sa tatay kong ‘yun.  Siya ang nagturo sa ‘kin ng salitang ‘responsibilidad’ at kung kailan tama ang manggulang ng kapwa.  Kung minsan naman naghahabulan kami ng suntok at taga, pero ganun talaga, ‘yun na ‘yung  ‘bonding moments’ naming mag-ama.  Sa kanya ko nakuha ‘yung pagiging mainitin ang tenga at pakikipag-basag ulo samantalang ‘yung isa, dahil isang pulitiko, ‘yung pagiging natural na bolero.  Kasalukuyang bise mayor sa ‘min ang isang kuya ko ngayon at kinukumbinsi akong sumunod sa ganung yapak.  Wala akong plano.  Masyado nang magulo buhay ko, ayaw ko nang dagdagan.  Kakaririn ko na lang mag-blog, magparami ng page hits at iba pang kapaki-pakinabang na gawain tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan.

 

Tanggap ko na ganito ang nakaraan ko.  Saka ok lang, napangakuan ako ng tatay kong buhay na pagdating ng takdang panahon, ipapamana niya ang ilang bahagi ng kanyang ekta-ektaryang manggahan sa ‘kin. Ayos ‘yon.  Sana nga kunin na din siya ni Lord. 

 

Undas na naman.  Pero di ko madadalaw si Papang Manolo sa puntod niya ngayong taon.  Nasabi ko na kasi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya nung mga nakaraang taon.  Kung meron mang hindi pa, ‘yun ‘yung panghihinayang na di na niya naabutan ang apo niya sa ‘kin at di na niya na-meet ang maganda kong asawa.  Sori din kung naging matigas ulo ko.  Tsk.  San ka man ngayon – langit man o impiyerno, rest in peace papi.  ‘Kaw na lang bumisita sa bahay namin, mas convenient pa, walang gaanong trapik ngayon.  Joke only.  Wag kang bibisita, takot ako sa mumu.  Sasabuyan kita ng holy water saka asin.  Tapos ia-arm lock kita sabay angas look ni Undertaker.   Subukan mo lang tignan mo, makita mo hinahanap mo. 

 

 

NB.  Congrats sa libu-libong sumali [read:  anim] sa ‘king NoseBleed Magazine parapol.  Congratulations kay endaymo.blogspot.com at legendarypauee.blogspot.com, nanalo kayo ng tig-iisang NoseBleed magazine.  Paki-email lang sa ‘kin ang inyong pangalan at address dito sa badoodles[at] rocketmail [dot] com para maipadala ko sa inyo ang inyong kopya.  Tenks tenks.

Advertisements

Mga Tugon

Information

56 responses

28 10 2008
lio loco

swerte mo naman kua badoodles. dala dalawa pa erpats mo. ako nga, lumaking alang ama. pwede bang akin na lang ung isa? hehehe. nagsamperwan ang mami at dadi ko nung bata pa ko, na nauwi sa larong monopoly. ang resulta: daddyless upbringing. pero okei lang. proud pa rin ako sa mami ko dahil napalaki nia ko nang maayos (maayos nga ba?). oops…sorry sa digression kua badoodles. blog mo nga pla to. ngumangawa na ko. hehehe. basta ang masasabi ko lang, asteeg kang magsulat. one of the few blogs that i find engaging. keep the stories coming!

badoodles: @lio loco hanggang ngayon di ko pa din alam ang ibig sabihin ng ssdd.

engaging? isa lang masasabi ko. epektib kang mambola

28 10 2008
jojie

naalala ko ang tatay kong lifetime ng nakabakasyon. makabulong nga din mamaya na huwag niya muna akong dalawin dahil busy ako kakablog nitong darating na undas. miscol na lang niya ko. 😉

badoodles: @jojie loadan mo daw muna. haha

28 10 2008
kotsengkuba

hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano kaya ang estado sa buhay ngayon nung sinundan kong ate kung buhay pa sya. anyway, for sure mas masarap ang buhay nya (or otherwise) kung na’san man sya ngayon kesa sa buhay ko. hmp! 😉

badoodles: @kk buti ka nga asa ibang bansa ka. kelan ko kaya masasabing ‘andito ako ngayon sa new york, pa-blog blog lang’. dito na yata ako sa lupang sinilangan tatanda at kakainin ng lupa.

28 10 2008
libay

masaya pag dalawa tatay… dalawa din ang baon 😛 …

naks dugong pulitiko pala si badoodles… pero tama wag ka na mg politics kasi meron ka din palang dugong bandido hehehe

badoodles: @libay saka dalawang beses ka ding makatikim ng sermon. si libay nakawordpress na? finally, haha, welcome welcome.

28 10 2008
FerBert

maswerte ka bossing. yung iba walang ama samantalang ikaw binigyan ni God ng dalawang daddy..

so kaninong apelyido gamit mo bossing? sa yumao mong ama o doon sa pulitiko?

badoodles: @efbee ung yumao. sinubukang palitan ang apelyido ko nung bente uno ako pero di na tinuloy. ayaw ko din saka respeto na din sa tatay kong yumao. rason ko: wat’s d use? pareho lang ding maantot ang tunog ng apelyido nilang dalawa. choose the lesser evil kumbaga.

28 10 2008
jhaynee

ang gulo pala..

so di mo naman tinry na alamin kung sino nga talaga???

astig yung manggahan ah… i-secure mo na yun bossing! para may pangpamana ka na rin sa junior mo.. hahaha!!! OA ang paghahanda

badoodles: @jhayne ayokong malaman baka madismaya lang ako sa resulta. kuntento nako sa sariling paniniwala ko.

28 10 2008
maelou

ang saya pala ng dalawa ang tatay, parang may proxy? swerte nyo pa po, mamanahan. di lahat ng tao nakaktanggap ng manggahan.

pero parang mas lab nyo po si papa manolo nyo…

swerte nyo sa tatay, pinag-aagawan po kayo, yung iba tinataboy pa eh.

happy halloween! 😀

badoodles: @maelou tama proxy nga. pasalamat din ako dahil nung kinasal ako meron pa akong reserbang isang tatay.

mas labs? oo, lahat naman tayo may kanya kanyang bias.

29 10 2008
The Gasoline Dude

Huwaw! Para ka palang si Robert Kiyosaki. Meron kang Rich Dad, Poor Dad. *LOLz*

badoodles: @gasdude bwahaha. natawa ako dito sa punchline mo. oo nga naman .

29 10 2008
anakngpiso

di ko alam kung matutuwa ako o matatawa.. pero surprise natawa ako (nakakagulat ba un)? parang doble-kara ang dalawang tatay mo talaga ah… natawa nman ako sa last sentences, arm-lock talaga ha;p

okay lambingan nyo ah, buhay ang taya.. cheers-glesy the great…;p

http://anakngpiso.wordpress.com/

badoodles: @glesy may kasama pang bilang dapat un ng referee from ten to one.

29 10 2008
popoy

kuya badoodles, nabasa yata to ng Papi Manolo mo, sige daw at dadalawin ka nya. hehehe. 🙂

badoodles: @popoy gusto nya ng arm-lock? makita nya hinahanap nya.

29 10 2008
beero

astigin oh, dalawa pala erpats mo bosing. ako naman muntik nang mawalan ng ama. lols. takte kasi erpat! may asawa na at anak nagawa pang magloko. buti na lang may pagka-martir si ermat kaya di natuloy ang hiwalayan. lols.

Kakaririn ko na lang mag-blog at magparami ng page hits. –> mas ok to bosing kesa makisawsaw sa magulong mundo ng pulitika. hehe

badoodles: @beero lesson na sa atin yon para magpakatino sa bubuuin nating pamilya. wag na nating gayahin.

29 10 2008
paperdoll

taena! sa damidami ng naging asawa ng ermats co walang umangkin saakin kahit isa! hanep! ikaw pinag aagawan ng apat na betlog! hapi halowin:-P

badoodles: @paperdoll hapi halowin to u too. take care.

29 10 2008
siangelnawalangpakpak

sabi ng namayapang lolo at lola ko, MISS na MISS ka na daw ng papang manolo mo. kaya antayin mo na lang siya at bibisitahin ka raw talaga nun.

basta pag medyo biglang lumamig at nagiging foggy na ang hininga mo (at hindi yun dahil sa bad breath), andyan na siya, humihingi ng HUGGS and KISSES sayo.

badoodles: @anghel hugs and kisses pala HA. ayaw. amoy lupa na sya. haha. baka gusto nyang magkaroon ng part two ung habulan namin ng taga.

29 10 2008
mb

condolence naman sa pamily mo.. pero ayaw mo na alamin kung sino totoo mong tatay thru DNA testing.. pero sometimes much better ng di mo alam kasi mahirap mag expect… salamat pala at nasa NEWBIE MEMBERS nako… yey!

badoodles: @mb wala akong balak. baka magulat ako sa resulta ng dna. lumabas mamya si jim carrey pala ang tunay kong tatay. haha.

salamat din for keeping company. next month level up ulit yey!

29 10 2008
kakosa

waw… anu yung NB na yun? may naganap na parapol? bakit di ko nalaman yan? panai bulabog ko dito…lol.. idol, eh ilan nman ang lolo mo? baka wala ka sa lolo ko…

kosa
http://kakosa.i.ph

badoodles: @kosa nb? note ni badoodles. bwahaha. hindi, nota bene ang ibig sabihin nyan, parang p.s. din kaso walang kasamang pagmamahal.

29 10 2008
mcrey

Ayus dalawa tatay!

undas na… happy undas day?!

Dinalaw kami kahapon ng great grandma namin, sa bunso pa naming kapatid… eh hindi naman nya kilala namin…

ang kulet… tama lang ng mga patay naman dumalaw sa mga buhay na hindi makapunta sa sementeryo… para dun na lang sa bahay magkita at ma-update sila sa latest chismis ng buhay natin.

WOW… magkano yung nosebleed mag? Pwede ba yang idownload na lang as pdf? hahahaha

badoodles: @mcrey hapi mumo day.

limang daan lang isa para sayo. haha. 85 yata. sige pag nagka-oras ako i-scan ko ung magazine para downloadable as pdf. pati pala magasin pwede nang ipirata.

29 10 2008
echo

huwag kang mag-alala pareng badz at magiging tatay ka na din soon! hahahaha! kulet mo talaga kapatid, hahahaha!

badoodles: @ecxel coming soon na! eksayted na din ako. congrats ulit sa baby boy mo.

29 10 2008
b@kekang

hayzz..dat’s life..ang mportante nmn eh mhalaga dba?..saksespul k nmn ngaun sa life u..be a good hubby at daddy rin..wak u n lng mgtry sumabit sa iba para d n mdagdagan ang mga junakis n may hina2kit sa mundo oki?

badoodles: @bakekang oo importante ay mahalaga. oo naman, i’ll be good. pramis yan.

29 10 2008
BURAOT

bise pala yung utol mo eh…. sabihin mo tatakbo kang mayor, sya ang vice mo. nyahahahahh!

badoodles: @buraot bwahaha. sinapawan. tapos pag sa bahay binabatuk-batukan lang ng kuya. ‘mayor igib ka naman panligo ko’.

29 10 2008
joshmarie

naku… parang nalungkot ako bigla. hindi ksi ako makakauwi ng province para bumisita sa mga namayapang mahal sa buhay. pesteng trabaho. hindi maenjoy ang mga importanteng dates sa kalendaryo. hehe. hahayaan ko na lang din na sila ang bumisita sa akin. waah.

badoodles: @josh kung bakit kasi wala pang cell site sa langit para text text na lang. 😉

29 10 2008
R.J.

talaga palang parang pang-telenovela ang family tree mo pards, dalawa ang amain. pero buti na lang bata ka pa alam mo na agad which is which. sa napapanood ko kasi, ang gugurang na tsaka palang nila nalalaman kung sino sino ang tunay nilang mga magulang.

at may lahi ka pang politician, astig. kapag kailangan nyo ng ‘tagadikit-ng-poster-sa-pader-boys’ eh isali nyo ko. =D

badoodles: @rj di kaya ng budget ko ang talent fee mo pare. dun na lang muna ako sa mga rugby boys – two in one tipid, mura na may rugby pa. haha

29 10 2008
Maldito

pasalamat ka nalang bossing inaagawan ka ng dalawa mong ama,,eh kami nga eh may step dad din, pero gusto ko na din siyang paglamayan ngayun..ahahha..ang sama ko..oh well..ganyan ang buhay,…

happeee undas nalang sayu bossing…namimiss ko na ang bahay..maka bisita din nga,

badoodles: @maldito hanggat hindi pa pinipirmahan ang ‘last will and testament’ ng step dad mo wag kang magkakamaling gumawa ng hakbang. haha.

29 10 2008
ikay

badoodles akala ko ikaw yung boy dun sa
likod ni daddi badoodles and mammi badoodles…
langya look nman the arrow kung san nakaturo??
amfufu nsa tyan ka pa pala ng nanay mo jan sa family
potrait nyo….hehehehe!!!!

badoodles: @ikay yan ang kuya kong bansot. nagtaasan na ang lahat, pati presyo ng gasolina at bigas tumaas na, si kuya bansot pa rin.

29 10 2008
auee

So x2 lagi gifts mo 😛

Thanks for sharing your story. Buhay nga naman… Isa lang ang masasabi ko, ang lupet nang Nanay mo.

Compliment yan.

badoodles: @auee buhay nga naman parang bulbol sa sahig, di mo alam kung kanino.

30 10 2008
nelson

nakikiraan lang po… ang saya pala dito… balik ako parati ha… 🙂

badoodles: @nelson thanks for dropping by. i enjoy reading ur posts as well.

30 10 2008
umleo23

Manager! Happy Halloween! ako dati kala ko ampon ako… tagal kong pinagisipan. Tapos nung may nakita akong lumang litrato! Siyet sabi ko, ano ginagawa ko sa picture na toh! Sabi ng tatay ko, “Ako iyan ano ka ba!”

Grabe kahawig na kahawig ko pala tatay ko nung binata pa siya. Shocks now I know kung ano itsura ko pagdating ko ng 50 years old!

badoodles: @umleo malamang kamukha ko din yang tatay ko sa picture. at pag hindi, malamang yung isa talaga ang tatay ko. at pag hindi, malamang anak ako ng kapitbahay naming magbabalut. 😦

30 10 2008
mav

haha yung nakatayong babae.. kamukhang kamukha nya yung friend ko 🙂

badoodles: @mav di ko alam kung anong nakakatawa pero makiki-haha na din. 😉

30 10 2008
enday

tae..
ang sarap ng tawa ko sa post na ito,
tas biglang
nakita ko yung link ko sa dulo..
nanalo ko ng Nose bleed magazine, shocks naman.
Out of six nanalo ako?
biruin mo nga naman yun?
napakaswerte ko naman.

di ako makamove on,
gossssshhhh…
di tuloy ako makakomento ng ayos sa entry mo.
pero bigla akong nacurious?

kaninong tamod ka nga kaya galing?
tsk tsk..

badoodles: @enday wala pa akong narereciv sayo kung saan ko ipapadala. hindi ko alam kung napunta ba sa spam folder [kaso nagbura nako dun]. ok lang ba pakisend ulit address? thanks thanks.

30 10 2008
bernardumali

Uy baduds, pagnakuha mo na ang manggahan, inform mo ko. Pagkakitaan natin, pwedeng mango business at kung di mo trip, ibenta natin, hanapan ko ng buyer ang lupa. hehehe.

badoodles: @bernard may plano nako dun. iko-convert ko syang mall sa gitna ng bukid. pwede ring beerhaus sa gitna ng bukid..

30 10 2008
gasti

happy holloween pards! mukhang magulo nga yang apelyiduhan na yan..kelangan pa ipa DNA test para makasigurado. yaan mo na wala naman sa apelyido yan eh ang importante eh kung sino yung nakasama mo habang lumalaki ka.

pero yung kayamanan ng pulitiko mong ama tanggapin mo ng buong puso kapag binigay sayo..hehe! sayang din yun!

badoodles: @gasti tatanggapin ko yun. atat na nga akong makuha. kung pwede lang i-fast forward ang oras. bwahaha

30 10 2008
cutedanger

naku pre masarap yung mangga ni erpat mo galing fi-re hehehe 😀 yung lang naalala ko sa erpat mo at yung kasal mo na nakita ko sya na ayaw mag pa picture katabi ng mama mo.. Happy Halloween.. ada ba dekat mu nu inammatay.. mangintid kan tuman..

badoodles: @ryan pautot lang nila yun. nahuli sila ni kuya na magkatextmate pa. malandi. bwahaha.

o kala ko pasyal kayo sa bahay? di naman kayo pumunta? dumating din si bayaw ko kala pupunta kayo.

30 10 2008
camilleeee

hanep sa conclusion. bongga si nanay! 😉

at talagang may ‘arrow’, hehe. kung maayos naman ang pakikitungo sa mga ate’t kuya tsaka bunso, eh mas ok ngang wag na lang pagusapan ang tungkol doon.
ang importante…
yung manggahan. 😀

badoodles: @camilleee regular family life nothing extraordinary – may sapakan dahil lang sa remote control, unahan gumamit ng banyo, at pautakan sa ulam.

30 10 2008
tmselbor

ang sarap siguro kung dalawa ang tatay lalo na kapag parehong buhay, dalawa ang pwedeng kupitan at mapaghingian nang allowance.

badoodles: @tmselbor mismo.

30 10 2008
inglishonli

now i know why ur so famous. u came from 2 eggs. hey how many eggs do u have. lol. peace man. nice writing.

badoodles: @inglishonli wateber yaya.

30 10 2008
annenoneymous

badoodles! ang saya mo naman, 2 tatay mo… at dahil 2 sila, 2 magkaibang impluwensya nakuha mo – i know kahit nasan man ang dads mo, proud sila to have you as a son… san ba naman sila nakakita ng gwapo na, magaling pang mag-blog at mamimigay ng nosebleed magazine kay annenoneymous? ahihihi… baka makalusot lang, bosing… niweis ingats po lagi and keep on blogging!

badoodles: @annenoneymous bwahaha. kahit bolahin moko di ako magbibigay. pogi pala ha. nasabi ko na bang kuripot din ako?

31 10 2008
antuken

parang kung saan baul pa nanggaling yang family picture nyo ah.

makulay din pala ang buhay mo ano. at korek ang konklusyon. ang ganda ng nanay mo! hehe.

happy halloween!

(uso din ba sa inyo ang gumagawa ng suman kapag undas? sa pamilya namin hindi. pero dito sa pamilya ni hubby, kakaaliw, kse gumagawa sila ng suman. at ngayon, binigyan ako ni MIL, dalhin ko daw samen sa batangas. sweet ano? hehe)

badoodles: @antuken uso sa partido ng nanay ko yan. nakakatuwa nga yung ganyan. old school na paraan sa kasabihang ‘its the thought that counts’.

31 10 2008
wanderinggirl

hi daddy badoods..lufet mo talaga..2 ang ama..pang telenobela..hahaha haba ng hair mo..pinag aagawan ka pa..ayos din kau maglambingan ng tatay mo nuh..habulan ng taga..how sweet…hehehe kelan nga pala ang labas ng baby badoods mo? hehehe nde ba twins? lam mo naman ang baby boom ngayon..puro twins..baka sakali twins pala..tutal dalawa naman tatay mo..hehehe

badoodles: @wanderinggirl bwehehe. san ka ba nagsusuot at corny ka. o, joke lang. hindi twins un wag ka lang magdilang anghel. mahal ang gatas ngayon, maawa ka sakin.

31 10 2008
Abad

Vice Mayor sa Tuguegarao?

badoodles: @abad hindi. sa katabing bayan. pero ung mayor sa tugue, ‘yun ang lolo ng misis ko.

31 10 2008
foobarph

mabuhay ang tamod! 😀

badoodles: @foo mabuhey!

1 11 2008
angweirdko

wala lang, eto yung una kong nakita sa top site ng pinoy bloggers.ahaha.idol!:).astig ka magsulat:)

1 11 2008
jepoy

happy holloween pre

kmi din pre indi pupunta sa sementeryo

kaya nag text na me sa TXT DALAW ON

para cla n lng pupunta at meron naman kmi kaunti handa at dasal

nga pla tinext ko na din papa mo kaya maghanda ka hehehe

1 11 2008
jessforget

hehe… ang ganda ng kwento ng buhay mo bro.. bilib ako sayo.. sa nkikitta ko sa pagbabsa ng mga blogs mo totoo kang tao.. more power!!

1 11 2008
watusiboy

pwede ngang gawing telenovela ang buhay mo – dalawang daddy, may politics pa ..san ka pa? hehe. pero bilib rin ako on how you took it so lightly.

1 11 2008
jheiphoe

hwaw… two birds, out one egg… ehehe… joking onli..

ahaha.. siguro kea ka pinipilit ng kuya mo mag-politics kasi nakikita nya seo ung potential.. pero oo nga naman, buhay mo yan, ikaw pumili.. sabagay malaking puhunan na nga ung may malaking ektarya ng lupa.. wah!!

1 11 2008
phot

tanio, mr. badoodles, poging pogi kayo dun sa picture sa taas! hahaha! walang mapagkakaila! hehe.. ;D

2 11 2008
kengkay

hindi simple yung sitwasyon na yon, siguradong hindi rin simple yun para sa nanay mo at lalo na sa mga anak nya at sa yo badoodles dahil ikaw ang naipit sa tyan. mabuti na lang talaga at maganda ang nanay mo 🙂 dito sa alemanya hindi uso masyadong uso ang dumalaw sa puntod pero sempre kami dumalaw

3 11 2008
anakngpiso

parequest naman ng post jan…. para naman may maaliwan ako.. cheers;p-glesy the great

3 11 2008
aia

kanino nga kayang champion sperm ka galing.. hmmmm… :-/

3 11 2008
Judie

astig ah. pero makulay ang buhay na ganyan. panis na panis ang mga meron lang tatay, nanay tas mga kapatid na, bwahahaha!!! ako naman nalibang tatay ko kakadapo kaya madami akong mommy…pero kita mo naman ngayon, chika ever na sila sa puntod ng dear papi nung nov 1. lalo na nung lamay, di nauubusan ng taga-dasal. ang dami kasi eh. =)

3 11 2008
tim ang

natutwa talaga ako sa litrato. yun lang.

4 11 2008
lei

nung una nagduda pa ako sa picture eh. sabi ko, “sus! palusot pa si kuya badoods eh isa lang naman ung nag-iisang batang lalake dun sa picture.. for sure sya yun” tapos after kong mabasa ung buong story, napatunayan kong baka sakaling nandun ka pa lang talaga sa tyan ng mama mo. anyway, tama nga ang conclusion mo. maganda ang mama mo! hanep! 2 in one! haha. swerte ka din, dalawa pa tatay mo, isang handang pamanahan ka at isang hinahabol ka ng saksak. no wonder why kuya badoods is the great! 🙂

4 11 2008
bagito

taena… ganun ba talaga kamisteryoso yung pinanggalingan mo? ang galing nman ng nanay mo.. hehehe joke..pero swerte sya out of so many anak na pwede mapunta sa kanya ikaw ang result…

5 11 2008
tang ina

adopt nlng kita. pareho tayong mayabang. magkafeather

5 11 2008
M

Palagay ko nakuha ko yung humor ko sa tatay ko. Hindi man dalawa ang tatay ko, sa tingin ko meron na akong namanang humor at may share din ako sa maliit na lupa ng manggahan niya.

At talagang napakaswabe nga naman ng daddy nyo bossing, with matching gwapo bigote and semi-afro! Patok!

badoodles: @em sya ang orihinal na mr swabe. malamang ganyan din gupit ng tatay mo.

7 11 2008
eiyelle

hehehe..eh kanino po kayo ngmana ng kagwapuhan at sex appeal?..wee!

ung tatay ko matigas ulo..pumunta sa bday ng kumpare niya at lumantak ng lechon, ayun pagkagicing kinabukasan inatake..akala ko nga hahabol pa sa undas, buti nalang hindi… yun nga lang sa ospital na kami nagtirik ng kandila.

9 11 2008
enday

baduds.. eto geh, ulitin ko na..
pasaway talaga.
hehe

badoodles: @enday ayan sa wakas nareceive ko na email mo. thanks thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: