Under the Same Sun

26 11 2008

 

Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo.  Pamilyar ang pangalan.  ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito.  Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account.  [Napaka-resourceful ng media].  Lintik.  Si Cammayo nga.

 

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.  Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo.  Mabait na tao si Cammayo.  Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok.   Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan. 

 

Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo.  Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs.  O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee.  May kasama pang matinding hand gesture ‘yan.  Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office.  Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




Take Me Home

19 11 2008

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Maid In The City

12 11 2008

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





The Art of Being Funny

4 11 2008

 

Ang hirap sa opisina, ‘pag sinabing nakakatawa ka, akala lagi kang nagpapatawa.  Wala na ba akong karapatang maglupasay sa semento ng walang tumatawa? Makulit naman ako kung makulit.  Pasasakitin ko ang panga mo hangga’t gusto mo.  Wag mo lang akong kinakalantari ng wala sa oras lalo pa’t matagal-tagal pa ang susunod na sweldo. 

 

Lumapit sa ‘kin si bisor kanina na taga ibang departamento na hindi ko bisor.  Ang sabi, ‘Hoy komedyante ka daw.  Sige nga, patawanin mo ako’ sabay kalabit sakin. Jackass mode ako lately kaya nasagot ko ng,  ‘Hoy pangit ka daw.  Sige nga, takutin mo ako.’  Tulala si bisor. Nakabuka ang bunganga pero walang maisip na sasabihin.  Malamang hindi ito nagkape kaya hindi listo ang utak.  Hindi inaasahang ang isang tulad ko ang sisira sa sana’y maaliwalas niyang umaga.  Una hindi ako pokpok  na ‘pag gusto mong lumigaya ay pipinggerin mo lang sa cubicle ko ng bonggang bongga at liligaya ka na.  At pangalawa hindi ko siya bisor kaya naman mayabang ako. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »