The Art of Being Funny

4 11 2008

 

Ang hirap sa opisina, ‘pag sinabing nakakatawa ka, akala lagi kang nagpapatawa.  Wala na ba akong karapatang maglupasay sa semento ng walang tumatawa? Makulit naman ako kung makulit.  Pasasakitin ko ang panga mo hangga’t gusto mo.  Wag mo lang akong kinakalantari ng wala sa oras lalo pa’t matagal-tagal pa ang susunod na sweldo. 

 

Lumapit sa ‘kin si bisor kanina na taga ibang departamento na hindi ko bisor.  Ang sabi, ‘Hoy komedyante ka daw.  Sige nga, patawanin mo ako’ sabay kalabit sakin. Jackass mode ako lately kaya nasagot ko ng,  ‘Hoy pangit ka daw.  Sige nga, takutin mo ako.’  Tulala si bisor. Nakabuka ang bunganga pero walang maisip na sasabihin.  Malamang hindi ito nagkape kaya hindi listo ang utak.  Hindi inaasahang ang isang tulad ko ang sisira sa sana’y maaliwalas niyang umaga.  Una hindi ako pokpok  na ‘pag gusto mong lumigaya ay pipinggerin mo lang sa cubicle ko ng bonggang bongga at liligaya ka na.  At pangalawa hindi ko siya bisor kaya naman mayabang ako. 

 

Saka ang alam ko sa pagpapatawa, hindi ‘yan pinipilit, kusang lumalabas ‘yan – parang utot na in the mood lumabas ng sunod-sunod.  Sabi nga ni Michael Jordan, ‘It’s in the vibes’.  Nasabi lang ni Air Jordan ‘yan out of the blue at malamang wala siya sa kanyang tamang katinuan pero naging batas ko na ‘yan sa pang-araw araw na buhay.  Masarap makipagpalitan ng punch lines kung mga kabarkada mo din lang.  Pati na din ang makipagbiruan sa misis mo.  [At syempre bonus na lang din sa ‘kin ‘yung napapangiti ko kayo paminsan-minsan dear byutiful and handsome readers]. 

 

Isa pang pinaniniwalaan ko ay  ‘You are as funnier as you think you are’.  Kung iniisip mong nakakatawa ka, nakakatawa ka talaga.  Mind trick lang ang lahat ng bagay.  Kung natatawa ka sa ‘kin, isang optical illusion lang talaga ang lahat, may malawakang hypnosis na nagaganap at isa ka sa mga nabiktima.

 

Ang totoo, seryoso talaga akong tao.  Wala nga lang gustong sumeryoso sakin pag sinasabi kong bobombahin ko ang opisina namin.  Tapos susunugin ko ng buhay ‘yung kupal na bisor na taga-ibang departamento bago ko ihukay sa lupa.  Saka bakit ko nga pala siya patatawanin?  Wala naman akong balak pumik-ap ng tsiks.  Wala naman talaga tayong ibang dahilang mga boys kaya tayo nagpapatawa kundi gusto lang nating magpaimpress sa mga tsiks. Kaya nga naimbento ang walang kupas na ‘pickup lines’ hindi ba?  Kunsabagay, ampangit naman kung ‘yung tsik mismo ang magsasabi sa ‘tin ng pickup lines tulad ng  ‘Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?’. 

 

Pero sino ba talagang mas may sense of humor, boys or girls? Sabi kasi sa nakalap kong impormasyon sa mga importanteng dyaryo tulad ng Tiktik at Abante Tonite, granted hands down na ang sense of humor sating mga kalalakihan.  Natural na sa ‘tin ‘yun.  At kaya binigyan din tayo ng Diyos ng dalawang betlog na kakalog-kalog para mareinforce na pagtawanan ang sarili paminsan-minsan.  [May mga tao nga lang na talagang walang ‘sense of humor’ kaya inimbento nila ang kalog-kalog-proof na brief].

 

Sa boys, mahilig tayo sa sex jokes.  Ako lang ba?  Ok.  Ganun na talaga ‘yun.  Gawa kasi ako sa sex kaya ganu’n, ikaw ba?  At hindi ko alam kung kelan ko maa-outgrow ang tuwang dulot ng sex jokes.  Tignan na lang natin paglipas ng dalawampung taon, baka sakaling may magbago.  [Umasa pa?].  Hindi naman sa gusto kong binabastos ang sex.  Ang sex para sa akin ay isang banal na bagay.  Kaya nga napapa-aleluya ako sa tuwing ginagawa ko ‘yon. 

 

Pero nakakabilib ang sense of humor ng mga kababaihan.  Sila talaga ang naglalagay ng sahog sa ating walang kakwenta kwentang buhay.  Masasabi kong malupit ang kanilang sense of humor.  Bihira mo lang silang marinig magbitaw ng punch lines pero sagad naman to the bones.  Tatahi-tahimik lang pero nasa loob ang kulo.  Andiyan sina Maru, Jojie, at sangkatutak na iba pa.  Pinataob din tayong lahat ni Chiksilog bilang pinakahumorous na blogger ng taon. Syempre pa ang BebeKo na sa tunay na buhay ay siyang nagpapakabag sa tiyan ko.  Ang totoo, sumasakit ang tyan ko sa kakatawa sa magandang misis ko lalo na ‘pag ginagaya niya ang aking ‘Mr. Pogi’ pose sa harap ng salamin.

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

76 responses

4 11 2008
Sir Gie

aba! ako pa yata mauunang magkomento ngayon. iba talaga pag sinusubaybayan ang site.

madalas talaga pag bumanat mga boys, mapapatambling ka sa katatawa. may kasamahan ako sa trabaho, pag bumanat ng mga panslayn niya, di mo inaasahan. tatawa ka na lang.

pero iba ang banat ng mga boylet. sa lengwahe pa lang, para kang nasa ibang planeta. dami nilang mga gay lingo na kakaiba. pag nagpapagupit ako sa mga gay beauty parlor, napapangiwi ako sa impit na ngiti habang nakikinig sa mga usapan nila. madami ang hindi ko maintindihan.

pag isang bossing ang nagpapatawa, sarap magtrabaho. kasi para bang at ease ang feeling. di gaya sa isang napakapormal na workplace.

ang mga seks joks patok na patok. lalo na sa teks. nakakaubos ng load. hehehe.

keep blogging, badoodles. galing pala tayo pareho sa paanan ng mga bundok ng sierra madre at caraballo. sa tugue din ako nagtapos. spu nga lang. samantalang ikaw pala eh sa slu. idagdag ko sana yung t for tugue pero iba ang dating.

thanks. napadaan lang ulit.

badoodles: @sirgie gradweyt talaga ako ng S.L.U.T. hindi ba masyadong halata? ikaw naman gradweyt ng SPUT – supot. bwahaha. biro lang sir. hindi pa pala kita nai-aadd, premyo ko sa ‘yo ‘yan bilang una sa comments. bukas makikita mo na. pramis.

4 11 2008
The Gasoline Dude

Hindi nga??? Sinabi mo ‘yun sa isang bisor???

IDOL!!! = D

Pero bakit sabi ng iba kung sino daw ‘yung mahilig magpatawa, sila daw talaga ‘yung may matinding kalungkutan sa buhay? Hmmm…

badoodles: @gasdude kung minsan hindi ko talaga ginagamit ang utak ko. ok lang un, hindi naman bisor na sobrang taas, kaya ko pang makipagpataasan ng ihi.

totoo yan. ung mga taong mahilig magpatawa ang mga talagang seryosong tao. in short, mapagkunwari. haha.

4 11 2008
joshmarie

hello sir badoodles! hehe! re your poll question, ang mga bading ang mas may sense of humor for me. 😉 me mga juding kase na kahit hindi pa nagsasalita at kahit hindi magpatawa, nakakatawa na talaga. but i mean it in the nicest way. 🙂

na-feature na po ba itong blog mo sa tv? ask ko lang po. meron akong balak gawin eh. hehe. 🙂

badoodles: @joshmarie technically, lalaki pa din sila. pero ayaw kong maniwalang mas may sense of humor sila kesa samin. kanya kanyang kampihan na to. haha.

at gusto mo pa akong pasikatin? bwahaha.

4 11 2008
Sir Gie

Wow! ngayon pa lang, salamat na sa premyo! hahaha! ok ang mga university natin. astig!

badoodles: @sirgie tenkyu din ser for keeping company.

4 11 2008
joshmarie

o sha sige na nga lalake na! haha. katawan lang naman nila ang lalake. pero ang isip at puso babae. namali lang sila ng katawan na pinasukan. hehehe. 🙂

dapat lang naman na lalo kang maexpose. i heard na veteran ka na sa blogging. kung baga sa puno, isa ka ng balete. marami ka ng ugat. hehe. joke lang po. ka-feature-feature. kaya one time wag ka magulat pag ginulo po kita at kumatok ako sa bahay mo. hehehe. 🙂

badoodles: @joshmarie pag ni-feature moko, dadami ang makakaalam ng site nato at mawawalan na tayo ng quality time sa isa’t isa. gusto mo? ayaw? good.

4 11 2008
jojitah

salamat naman sa ispesiyal siopao mention. may nagbulong sa akin na nandito sa bagong post mo ang pangalan ko.

ako din seryosong tao. all together now… echos!! 😆 pero may pakinabang talaga ang sense of humor kesa sa buhok sa kili-kili. akalain mong napasagot ko si manong dahil sa sense of humor ko, buti na lang maganda ako. bonus na yun sa kanya. 😉

badoodles: @jojie dahil sa hatid na 1,000 ganda points ng iyong sense of humor walang sinabi ang mga fhm cover girls sau sa kaseksihan.

4 11 2008
anakngpiso

ahehehe…. bigla naman akong napaisip, nagrequest pa ako ng post para maaliw ako… para tuloy akong walang pinagkaiba sa bisor mo…;p

sabi nila ang mga magagaling daw magpatawa eh matatalino… at sabi ng mga studies mas mabigat daw at mas maraming neurons ang mga lalaki kesa babae… if men are wiser than women, therefore men are funnier than women?

pero kung ako tatanungin, OVER MY DEAD BEAUTIFUL BODY!!! ahahahaha… at kung san ako tutol, sa smarter o sa funnier? sa lahat!!! ahehe… iba talagang bumanat ang babae at iba rin bumanat ang lalaki… at totoong may mas makamundo ang mga jokes ng lalaki… cheers guys bati tayo-glesy the great

http://anakngpiso.wordpress.com/

badoodles: @anakngpiso kahit ilang libong beses ka pang magrequest sakin, di ako babaltikin dahil alam kong lambing mo lang un.

4 11 2008
ronturon

alam mo pareng badoods, tama ka jan. Ako din, nangyari din sakin yan ng minsang sabihan ako ng tropa ko na patawanin ko daw sya at mag joke daw ako… hindi naman tayo payaso na kapag gustong maging masaya e kokontakin lang di ba? pero kasi, ganun sila kasi nga may image na nabuo sa kokote nila na masayahin tayo. ganun. pero di ba?… tao lang, nababadtrip at nabubuset din!
korek?

badoodles: @ron tama ka jan. buti pa mga pokpok binabayaran pag nagpapaligaya ng tao tapos tayo libre na nga lang tapos ganun pa. haha

4 11 2008
paperdoll

bakit kaya wala sa tomboy? wala bang nakakatawang tomboy?

ewan co lang ahh. . basta aco nakakatuwa at hindi nakakatawa. . so? koneksyon?

ayos lang sana kung gusto nya makita talent mo sa pagpapatawa eh. . kaso parang ang angas nga ng dating ng bisor na un. . para syang datu na pinapaypayan at nag uutos na patawanin sya. pwede namang mag please. . hehe

dahil kumokonti na ang lalake at nagdadgsaan na ang mga bakla, mas marami na ang nakakatawang bakla. . sa comedy bar bihira ang lalake. . merong mga paminta pero bihira yung talagang straight 😛 anyway. . lalake parin nga sila 😀

badoodles: @paperdoll may sense of humor din mga tibo. pero tingin ko ayaw nilang napagtatawanan kaya patago ang humor.

hindi pako nakakapanood ng mga bading sa comedy bar kaya di ko masabing nakakatawa sila.

4 11 2008
akosiikay

bakit wlang babaeng bakla sa mga choices mo
badoods??? hehehe

pero pra saken mas nakakatawa nga ang mga bakla
kc wla lng trip ko lng… :))

badoodles: @akosiikay come on, mas humorous kami kaysa mga bading.

4 11 2008
Miss Tisay

napaka-demanding naman ng boss ng taga ibang department, pupunta lang sa inyo para utusan ka. buti nga sa kanya, sana binatukan mo na din.

ahihihi! at nakalimutan ko yung ibang sasabihin ko, pero ahm… yeah. apir! 😀

badoodles: @miss tisay nakalimutan kitang banggitin sa mga babaeng malakas ang sense of humor. ipagpaumanhin mo. mahina memory ko pero nasa dulo ka ng dila ko. ttt–thot… thot.. polusyon…

5 11 2008
Geisha

buminggo sha sayu! sapul sa bangs! hahahahhahah 😆

badoodles: @geisha marunong lang akong magreturn ng favor.

5 11 2008
lei

haha. barado ung bisor na hindi mo naman bisor! wish mo lang hindi sya ang maging bisor mo in the future, pag-iinitan ka nun. babalatan ka ng buhay. lols. bumoto ako. para sa akin nakakatawa ang mga boys–pero mas nakakatawa mga bading. sabog lalamunan ko sa kanila kapag humirit eh. ung mga dude naman kasi kapag nagpapatawa may hidden agenda pala. haha.

badoodles: @lei wish nya lang hindi ako maging tao nya. makakatikim sya ng impyerno sa lupa.

hindi naman. kaya kami nagpapatawa kasi gusto naming i-stimulate kayo intelektuwali. [palusot] :mrgreen:

5 11 2008
antuken

sa mga kabarkada ko, hands down, funnier ang mga girls. walang kaduda-duda. kaya yang bumoto sa poll mo na girls ang binoto, isa na ako dun.

although, kung titingnan mo ang mga comedy bars, mostly gay ang mga nandun, so dapat yata mga bading ang binoto ko. pero kse sa personal kong buhay eh mga babae talaga ang nakakatawa.

lalo na pag nagsama-sama. for sure, kabag ang aabutin mo.

kung ikaw kilalang nagpapatawa sa opisina. ako kilalang mataray. hahaha. at pinaninindigan ko yun. hehe.

badoodles: @antuken haha. pareho lang kayo ng misis ko. may taray factor ang imahe [lalo na pag naaapakan ang paa, hehe] pero malambot din ang puso pag nakilala mo.

5 11 2008
gasti

sa aking pananaw naman. da best magpatawa ang mga lalaki. depende rin minsan sa audience eh pero sa kabuuan mas marami ang natural na komedyanteng lalaki at nakakatwa sila in all ages and all sexes. king of comedy dolphy at comedy prince vic sotto.

badoodles: @gasti dagdag ko lang: at di natin kailangang magsuot ng costume para lang masabing nakakatawa di tulad ng iba dyan [nagparinig daw? haha]. partida na yan. oha – oha.

5 11 2008
russell

It’s good to start a day with a smile! This blog never fails to give us smile… so kawaiiiiii!!!! hehehe.. Pwede bang mameet yung author pag-uwi ko ng pinas? Pa-autograph! hehehehe..

Sense of humor? Uhmmm, siguro lahat meron naman yan.. d lang alam panu gamitin! hehehe..

badoodles: @russel me not worthy. isa lang akong regular na tao na may tipikal blog. nothing special. pero kung babayaran moko para sa isang pirma, pwede nating pag-usapan yan. bwahaha.

5 11 2008
bernardumali

hala puro bading ang boto.
hindi kaya tingin nila bading ka rin? lol.
galing-galing! pampasaya ng umaga.

badoodles: @bernardumali hinde. sobrang dami lang ng kaibigan mo kaya binoto ka nila 😛

5 11 2008
beero

IMSO (in my stupid opinion), mas ok pa rin magpatawa ang mga lalaki. pero base lang yun sa kung ano naoobserbahan ko sa mga kabarkada ko. ok silang magcrack ng sex jokes eh. lols. parang innate na kasi sa tin yung pagiging gigolo. may mga tsiks naman na umaapaw din sa sense of humor gaya ng nga sumusulat sa confessions ng FHM. lols.

Hoy pangit ka daw. Sige nga, takutin mo ako.’ –> sinabi mo talaga to sa bisor? astigin ka bosing! hehe

badoodles: @beero INSO [in your not stupid opinion] pareho lang din tayo. sasakit ang tyan mo sa tropa ko kada minuto, nahawa lang ako sa kanila kaya ganito din ako.

oo. mild pa ‘yun. galit daw kasi ang kupal sa kapwa kupal. dahil gusto nyang sirain ang araw ko [bisor] dapat handa rin syang masira ang araw nya. ganon lang yon.

5 11 2008
umleo23

Mas nakakatawa tayong mga lalake kaysa sa mga babae… Hmmm kase sabi sa statistics mas emotional ang mga lalaki kumpara sa mga babae, at hindi lang hindi nahahalata dahil itinitago ng mga lalake through different outputs like pagpapatawa…

badoodles: @umleo talaga? hindi ko alam na emosyonal pala tayo. tingin ko kasi kahit putulin mo titi ko mahihirapan kang pumiga ng luha sakin.

5 11 2008
sugarushafterglow

Ngayon lang ako napadaan ulit sa blog mo. As usual, you never fail to disappoint. You have really mastered the art of being funny and very honest at that. LOL @ “Hoy pangit ka daw. Sige nga, takutin mo ako.” It really is in the vibes. =)

badoodles: @sugarush tao lang din kasi. sinusumpong ng pagiging baltik paminsan-minsan. pero mabait talaga akong tao. cross my hart.

5 11 2008
SEL

well akala kasi ng ibang tao lahat kidding buddy (kabiruan) nila..
basta ako pag binabasa ko ang kwentong barbero, feeling ko kabiruan ko si badoodles..feeling!

badoodles: @sel close talaga tayo. lapit mo pa mukha mo sa monitor. lapit pa. yan. ganyan ka-close 😉

5 11 2008
kakosa

ser badoodles..
naloko na..uu nga.. dapat d lang apat yung labanan sa poll… may lalake, may babae… bakla, tomboy… kasama na yung mga babaeng mukang bading at lalakeng mukang tomboy

badoodles: @kakosa ginugulo mo ang polls ko. boto ka na lang sa boys para makahakot tayo ng votes.

5 11 2008
mang badoy

nakakalurker yun sa boss mo! natulala tapos nahulog ang uhog.. kawawa naman kupal yun pero minsan binabaltik ka pala… buti di ka sinundot sa pwet tapos sasabihin nyang patawanin mo nga ako…

badoodles: @mang badoy binabaltik ako tuwing walang pera. kinakailangan ko na naman kasing ipagamit ang katawan ko sa matronang mayaman.

5 11 2008
M

Masyado atang espesyal ang itsura ni bossing kaya nabigla na lang siya ng tumambad sa kanya ang katotohanan na may kakayahan pala siyang manakot.

Ewan ko ba pero ganun talaga ang mga bakla, pinaghalong babae’t lalake kaya nakuha nila pareho ang humor sa magkabilang panig ng kasarian. Yung tipong hirit pambabae pero dahil sa hindi naman maihirit ng mga babae eh bakla na lang ang nagdedeliber kaya epektib ang patawa.

badoodles: @em kung marunong kang magpasaya dapat marunong ka ding makasakit. hindi pwedeng tawa lang ng tawa. kabaliwan un.

6 11 2008
QuestionMike

Ser,

Bago lang sa mundo ng blog. Medyo nangangapa pa. Nagdadasal na huwag ephot ang makapa! At nagdadasal din na sana maisama mo ako sa mga “Tambay” dito. At ganun din naman ang gagawin ko sa iyo. Salamat po!

Ngapopala, ano na ang nangyari kay “Bisor” pagkatapos ng insidente?

Hehehe. Madadala na yan!

Mike po ito, umiidolo sa iyo!

badoodles: @mike hindi ako ang tipo ng taong iniidolo. wala akong manners. bagsak din ako sa values education. wala kang mapupulot na aral sakin. pero kung ok lang sayo, tsk. wag mong sabihing hindi kita binalaan.

nagkasalubong nga kami kanina ni bisor. awkward kasi ayaw nyang tumingin sakin, nakatingin sya sa kawalan na kunyari di nya ako nakikita. gusto ko ngang hawakan ang ulo nya at ipwesto ng maayos baka kasi mabangga sya sa dinaraanan. moral of the story: be afraid because everyone can be the big bad wolf.

6 11 2008
camilleeee

meron din akong isang kabigan na komedyante din. ang di ko maintindihan, ay kung kelan super seryus sya, yun din ang tym na super nakakatawa sya. syempre di ko pinapakitang tinatawanan ko sya. yoko rin ma-sapul. hehe

astig ang mga taong ganun, eportless ang pagiging funny. 😉

para sa kin, mga lalake ang mas may sense of humor.
(nag iisang babae lng ako sa tropa namin) 😉

“…‘Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?’..” <<< muntik na matapon kape ko waaaaa

badoodles: @camilleeee nice one. tama ka sayong paniniwala.

at hindi ako magtataka kung bakit na-gets mo ung humor sa pickup line na yan dahil alam kong ur one of the boys.

6 11 2008
cutedanger

naku lalake pre ang magaling dyan.. nasanay na ba lalo yung magaling mambola.. dinadaan sa joke mapasagot lang..

ex.
hinihintay ng lalake ang kanyang nililigawan upang ihahatid ito sa pupuntahan..

boy : tayo na?(ang ibig sabihin ng lalake kung sila na daw..)

sagot ng Girl : oo tayo na.. (ibig sabihin ng babae eh.. aalis na sila since ihahatid ng lalake)
boy : hayoooo.. sinagot mo narin ako sa wakas..

puta ang corny.. hahaha 😀

badoodles: @pareng ryan ano na? punta kayo sa bahay kayong dalawa ni pareng nap. nagtatampo na misis ko ayaw nyong dumalaw. mga putik kayo. para na din madagdagan ko yang corny joke mo. hehe. 😛

6 11 2008
juyjuy

ay grabeh ka talaga… lagi mo ko pinapatawa. dati may officemate ako na walang hilig sa blog hanggang sa nabasa ny ang entry mo. tinuruan mo syang wag matulog sa break time. pero nakarelate din talaga ako sayo. ang problema ko naman sa office kahit seryoso ang sinasabi ko akala nila joke pa rin. malakas makasira ng credibility! anyways, mabuhay ka badoodles!

badoodles: @juyjuy hindi din ako nagtataka bakit juyjuy ang tawag sayo. nakakatuwa ka ding magsulat ng blog. tuloy tuloy mo lang yan.

6 11 2008
foobarph

tama! parang utot lang yan.

*pooottt*

sinong tumawa? taas ang panga! ^_^

badoodles: @foo di ako naniniwalang ganyan ang tunog ng utot mo. alam ko ganito yun:

fooooooooooo….. barf!

6 11 2008
rofel

di siguro alam ni bisor kung anung gagawin nia…
tatawa o maaasar… mabagal ata processor ni bisor…

same lang “siguro” ung level ng sense humor ng lahat, pero minsan nakatalaga na sa mga lalake na patawanin ang mga babae [nanchichix].

patawanin mo nga ko. ay saka na lang pala pagmalapit na ang sweldo. hehe.
-cheers!

badoodles: @rofel tama. inshort, nangtsi-tsiks. napatawa na kita. sa susunod na linggo na lang ulit ang rasyon mo ng isa pang patawa parekoy.

6 11 2008
dark angel

’Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?’.

The best na punchline na nabasa ko hahahaha!!!!

Napadaan lang po at nakikibasa…

badoodles: @darkangel salamat sa pagdaan.

6 11 2008
popcorn

likas na masayahing lahi talaga ang mga babae, isipin mo ba naman kahit may dala-dala kaming dalawang bundok nakuha pa naming magpatawa at tumawa. ang mga lalaki naman dalawang itlog lang ang dala, may katulong pang bird yan pero ang daming reklamo sa buhay. Girls rules!

badoodles: @popcorn hmm… may bagong blog.

komento mula sa Popcorns and Opinions

6 11 2008
R.J.

kaya nga sabi nila, ang mga komedyante ay mga matatalinong tao. kayang bumanat ng punchlines impromtu. pero ayos yung resbak mo dun sa bisor, nagmuka lang siyang tanga. hehehe.

dun ka rin naman bibilib ka rin sa mga professional comedian. kaya nilang magpatawa kahit expected na sa kanila yon. mas madali kasi magpatawa kapag hindi nageexpect ang nakikinig na matatawa sila. kaya pwede ka ng tawaging professional pards. hehehe. =D

badoodles: @rj propesyunal? not. pag itinapat moko sa isang senior citizen na GRO habang nagpapatawa at may nakinig sakin maliban sa langaw, ‘yun masasabi kong propesyunal na nga ako..

6 11 2008
hisnameisdencios

mga tulad mo ang gusto kong makasama

badoodles: @hisnameisdencios sagot mo yosi, beer, pulutan, pagkain, tsiks sagot ko ang kwentuhan. 😈

6 11 2008
FerBert

karamihan ng mga nakikilala kong humor blogger eh seryoso sa personal. yung tipong pag kinausap mo eh kakatayin ka nya. err

normal sa lalaki ang pagkakaroon ng humor eh. pero kaibig ibig din ang mga babaeng magaling magpatawa. (sa tingin ko lang naman) mas magaling magpatawa ang mga lalake. sabi din ni xienah sakin dati- “ang mga babaeng magaling daw magpatawa eh MAN-ish”.

badoodles: @efbee humor is God’s gift to us para hindi tayo tumandang binata.

hindi kita kakatayin dahil sa tantya ko mas MALAKI ka sa kin. dehado ako. no match.

6 11 2008
pepe21

seryoso sa buhay
ang taong funny
kaya pag ikaw ay funny
seryoso ka sa buhay.

walang sense diba?
wala kasi ako sa mood magpatawa.
kusa lang iyan lalabas kapg may nakita kang kakatwa
🙂

badoodles: @pepe21 ganyan din ang nangyayari sakin kapag nasosobrahan sa tikol. kaya ikaw bata bawas-bawasan mo na 😈

6 11 2008
juyjuy

wow!natouch ako masipag ka magreply sa mga panatiks mo bossing!
anyway, gaya ng nabanggit ni Joshy na dati kong opismate, ako oo, gusto nga din kita i-feature sa pinagtatrabahuhan ko. pag-iisipan ko pa kung paano ko aanggulo. pero iinform kita agad. Mabuhay! ako ang iprioritize mo, wag si Joshy..haha

badoodles: @juyjuy kinikilig akong isipin yang feature na yan pero wag na, perahin mo na lang. pare-pareho lang tayong blogger. everybody has his special story to share. hayaan na lang natin maging sikreto ang ‘tagpuan’ nating ito sa labas ng mundo. mawawalan tayo ng ‘quality time’ saka ‘bonding moments’ kapag nangyari yun. hindi mo gusto yun di ba?

6 11 2008
foobarph

badoodles: @foo di ako naniniwalang ganyan ang tunog ng utot mo. alam ko ganito yun:

fooooooooooo….. barf!

@badoodles: bastos! tahimik lang u, bc me. :p

badoodles: @foobarph biro lang. sori na po. sabi ko nga ganito ang tunog ng utot mo: pooooooooooootttt…[echo here]

7 11 2008
QuestionMike

Ser,

Lunukin ang laman, itapon ang balat.

Link kita, k?

Ingat po.

badoodles: @mike ingat din sir boss questionmike.

7 11 2008
siangelnawalangpakpak

‘Hoy komedyante ka daw. Sige nga, patawanin mo ako’

Ako: “Bakit? Clown ba ako?”

Pero, mas gusto ko yung sinabi mo. Magamit nga rin yang “Hoy pangit ka daw. Sige nga, takutin mo ako,’ balang araw. Kaso lang, HINDI KA BA PINATALSIK NG BOSS MO PAGKATAPOS MONG SABIHIN TO SA KANYA?

badoodles: @sianghelnawalangpakpakperomaypakpakdinpaminsanminsan kala mo kung sinong gwapo ‘no? haha. may sungay din ako paminsan minsan. ako papatalsikin? masyado akong importante para mangyari yun. kasing importante ng appendix ng tao para sa kanyang patuloy na paghinga. ok. sabi ko nga hindi.

7 11 2008
lilaybulilay

pagkabasa ko ng site nato alam ko na ang sagot di na kailangan ng sorbey, kayong mga lalake ang malakas pagpatawa!!!

badoodles: @lilay salamat. seryoso. nagbunga din sa wakas ang ‘hidden agenda’ ko. un lang talaga ang dahilan kaya ako nag-blog. at masasabi ko na sa mga magiging apo ko na naging matagumpay ang kanilang lolo para baguhin ang paniniwala ng mundo. at magsisimula yun sa yo. 😉

7 11 2008
annenoneymous

mokong naman ung bisor na un… shemps kung ndi mo feel, ndi ka basta basta makakapagbitaw ng jowk… ano ka, jukebox na hulugan lang ng pera e mapapabunghalit na ng kanta? huwaw, robot? i derpor konklud, wala sa hulog ung bisor na un :p

nice post… naaliw akong basahin kahit kala mo serious ako… waha

badoodles: @annenonymous ayos ang konklusyon. pero tama. kung pinag-pandesal nya muna ako na may konting pahid ng mantikilya baka nag-effort akong magpatawa.

7 11 2008
watusiboy

nakow badoodles, meron akong kilala dyan sa blog roll mo..hehe. naging teacher ko. haha.

anyway, sa tingin ko, wala naman sa gender ang pagpapatawa. dahil meron akong kilalang lalaki, babae, at bading na nakakatawa. although wala akong kilalalang tomboy na nakakatawa. hmmm. basta iba iba ang style nila e.

basta ako mas preferred ko yung mga taong kayang pagtawanan ang sarili nila.

at tama ka – hindi nawawala ang appeal ng mga sex jokes. kahit sino nakakarelate

badoodles: @watusi isa lang ang alam kong IT sa blogroll ko. sige, ibulong mo na lang sakin. hehe.

may bumoto ng isa sa tomboy. malamang napadaan si aiza seguerra dito. 👿

8 11 2008
lio loco

ako ata ang pinakahuling magcocomment ngaun kua badoodles. namputeek na bakasyon kasi. bloated sa beer ng buong linggo sa probinxa kaya nakalimutang subaybayan ang paboritong reality show sa internet. hehehe. nagtataka lang ako kung pano naging bisor ang antagonista sa kwento mo kua badoodles. malamang sa malamang, dinaan sa backup system. sana nga may pickup lines din ang mga chicks. pag ako sinabihan ng “Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?”, oramismo, walang puknat na sibakan ang pihadong magaganap. hehehe.

postscript: nakuha ko ang ssdd sa isang katha ni stephen king, ung dreamcatcher. maganda ung kwento. pero mas kabilib bilib ang boka ng mga protagonista. palatas na run ung ssdd.
asteeg si king, tulad nio kua badoodles. at hindi yun bola. hehehe.

badoodles: @lio loco natawa ako dun. pinakapaboritong ‘reality show sa internet’. si stephen king pala gumawa ng dreamcatcher. weird movie kaya di ko natapos panoorin [o baka pinalitan ng bus ung dvd na naka-play, di ko na matandaan].

alam ko na din yang ssdd sa wakas. [kahit binitin mo ko kung ano talaga]. salamat kay google.

8 11 2008
ulan

hehehe. agree, agree. pero siguro kaya entitled na “art of being funny” kasi one has to be born with a sense of humor to be really funny. just like in any other art form. not everyone can be an amorsolo. likewise, not everyone can be dolphy or badoodles.

but then again, sometimes it can be a case of humor in the comprehension and appreciation of its audience. some people get offended by sex jokes because they are prude (or kunwari lang na hindi pero unang nabubuntis sa batch!). kung baga, at the minimum, it takes a sick mind to understand and appreciate a sick joke.

para naman sa bisor na taga ibang departamento, maybe next time you can write on “the art of being an asshole.”

badoodles: @ulan on the contrary, anybody can learn the art of being funny. kailangan lang kumpleto ang sangkap: right vibes + right timing ng punch lines + right audience.

hehe. hindi naman ako super special. m just like any regular guy you meet in the office. na may extra pogi points lang. 😈 ganun

8 11 2008
mcrey

Baket hindi ako makavote?!

Para sa akin girls may pinakamataas na sense of humor… basta halos lahat ng nagpapatawa sa school namin dati mga babae tapos kapag ako na nagpapatawa tinatabla nila ako!

Sheeetttt!!!

badoodles: @mcrey dahil girls ang binoboto mo kaya di ka maka-vote. bwahaha.

langya nagpapatalo ka?. asan na ung sinasabi mong itatayo mo ang bandera ng kalalakihan sa kakulitan?

9 11 2008
enday

siyet..
nautot na naman ako sa post mo.
pero di ko kineri ang reply mo kay umleo,
pag pinutol titi mo di ka iiyak..
haha.

anyway,
for the boys ang bowt ko.
Para sakin kasi mas natural sila.
Mas walang kiyeme at hiya.
Kumbaga pag lalaki na ang bumanat ng malisyosong jowk
patok na patok,
pero pag kaming mga babae
parang dyahe eh.

*palakpakan*

badoodles: @enday salamat sa boto. tatanawin kong malaking utang na loob yan.

9 11 2008
b@kekang

ako rin banal ang turing q sa sex..hehehe..

9 11 2008
MARU

pareng badoooooods! hamisyu! weeee! nasa may buntot na ako sa pagko-comment 😦 dati nangunguna ako a. bising-bisi kasi ako sa paghahahanap ng pera para makapanlalaki naman ako.

nways, i voted for the badings na mas malalakas ang sense of humor. as in hats-off tlaga ako sa kanila dahil walang ka eport-eport kung magpatawa.

nga pala, pre. dumating na yung powdered milk na inorder ko galing tsina kaya redi na ako tumanggap ng order ng polvoron para sa krismas, baka sakaling interesado kang umorder. hehehe! sabi mo kasi last time eh balak mo umorder.

eto yung pics ng polvoron ko na pang krismas. http://www. maruism.com/550/

9 11 2008
MARU

nyeee! mali ang link. pasmado na kasi mga daliri ko sa kakakwan. namali-mali tuloy.

eto ulit yun.

http://www.maruism.com/550/

10 11 2008
Maldito

ganyan din ang turing ng mga kaibigan ko saken….iwan ko ba..sa lahat nalang ng happennings sinasama ako..

dahil daw kasi magaling ako magpatawa…

eh di sana ginawa nalang akong porn star…ahaha..

naka..elite members na ako dito?chus!!

10 11 2008
popoy

kapag pinalaki ka ng mga magulang mo nang maayos at masaya, lalabas at lalabas ang katangiang yan. ang pagiging masayahin.

paras a akin, isang talento na kinakailangan ng talento ang pagpapatawa. dapat may isang kakaibang katas ka sa utak na nagbibigay ng lakas sa mga brain stem mo para gumana at para magbato ng magagaling na punchline na nakakapanlaglag ng panty ng mga tsiks.

ikaw kuya, meron kang ganun likido.lols.

sa tingin ko, pareho lang naman eh. pero pwera lang sa mga tomboy. hindi ako galit o wala akong galit sa mga tomboy, pero minsan diba sila kasi yung mga tipong kung umasta eh napakaseryoso at lalaking lalaki.lols 🙂

10 11 2008
b@kekang

“Pero kung ikaw ang tatanungin, base sa experience mo sa ‘yong mga barkada at kamag-anak, sino ba talaga ang mas may sense of humor at nakakapagbigay tuwa sa yo?”

sagot: depende

10 11 2008
rockwitralph

Maganda yung sinabi mo tungkol sa “mind trick” sabi nga sa jewish proverb

“What you think from your heart so shall you become” something like this.

Nakakarelate din ako sa sinabi mo tungkol sa pagiging komidyante dahil minsan din sa buhay ko ay sinubukan ko ang role na iyan sa school, office and club society dapat laging kontrolado ang sarili mo dahil ang mga taong makakahalubilo mo ang akala lagi kang game sa komidy, iba kasi talaga ang sikat or people’s champ. Kaya yung comedy personality kapag poser ka lang mate-turn off ang tao sa yo sa huli kapag hindi mo nadala ng maayos pero the rest is fine puro na advantages actually hindi naman disadvantage yung tingin sayo ng tao na lagi ka kumedyante kumbaga nasasa-iyo narin yun.

11 11 2008
jepoy

hehe maraming slamat sa ok na ok na entry Mr Sibak!

Totoo ung sabi mo na mind trick lng ang lhat — ibidins? read “The Secret” book

“U are what you thought you are” kaya wag ka maxado hiblood kc ala ka pera think rich lagi and the universe will really make u rich — hehe san ka pa?

Although alam ko na bias ka sa ating mga boys sa botohan ay di pa din me kikiling sa yo dun pa din me sa underdogs hehe

ang boto ko ay sa mga Bading — as per experience at kraniwan kaya nila pagtawanan sarili nila which is a rarity sa mga kalalakihan na gusto lagi sila “bida” sa katuwaan.

At syempre dhil patas akong tao — actually pareho lng nakkatawa girls at boys pero mas nakakatawa tlg pag pinaghalo mo pa.
“half man half woman — amazing!”

11 11 2008
kHuLeyT@h

nyek…gara nmn non…ah baztah….babae prin ang vote q…ahehehe!!!!!!!!
peo hindi po b pkagmxadong msya ibgsvhn mlungkot ang isang tao kc sa pagging msya nya naitatago ang kanyang kalungkutan….? hindi b? hndi b??
ahehehe…khulet q tlga.. geh po………………..peo ang cute ng entry na 2 may pagkaweird nga lng ng konti…

11 11 2008
pey

‘Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?’.. hahaha! grabe natawa ako dito…

sagot ko sa poll bading, ewan ko ba kung bakit,, likas na nga talga sa mga adan ang pagkakaroon nang makamandag na sense of humor na nakakapagpainlab sa mga chikas.. pero di tulad ng mga bading.. hinahaluan nila ng nakakalokang style ang pagbitaw ang kanilang pagpapatawa..

11 11 2008
juyjuy

may point ka don..hindi rin naman alam sa opis ko na ganto ako kaadik. naisip ko one time, magbonding tayong lahat..hahah!inuman lang!cheers. feeling ko mas magandang poll yun.

14 11 2008
Amor

nakaka-aliw ka talaga badoodles! 🙂 Sino ba talaga ang mas may sense of humor? Pwede bang 3 ang sagot? In order – 1. Boys 2. Bading 3. Girls 🙂

badoodles: @amor di nako umaasang bibisita ka ulit kaya nagulat ako. at kinilig sa tuwa. salamat sa boto. all the best to your kids.

21 11 2008
mumusakanto

lolols. boto ko sa bading para two in wan.
– i dont like sex jokes ng mga lalake pero marami rin ako kilala na mga humorous men, mas marami nga lang x-men.. nice blog!

21 11 2008
enjoy

first time kong magsurf gamit ang wordpress. at ikaw pa ang natiempuhan ko. pero napatawa mo ko sa mga blogs mo preng… promise! komedyante din ako sa harap ng mga kaibigan ko. pero nang magsimula akong mag-blog, dun lumabas ang serious side ko. sana maging sikat din akong tulad mo… hahahaha!

dalaw ka minsan sa site ko, kung may panahon ka pang mag-surf 😀
http://anotherfrustratedwriter.wordpress.com/

badoodles: @enjoy sikat? mga kamag-anak ko yang nagko-comment sakin kala mo, ung iba binabayaran ko para magkoment, ung iba naman may buwanang allowance. haha.

salamat sa pagdaan. ill visit your site too. thanks.

25 11 2008
BURAOT

minsan tol, me gumayan din sa kin. feeling nya ata personal clown nya ako. ginawa ko kiniliti ko ng kiniliti hanggang sa maiyak na sya sa kakatawa. yung ilalagay mo yung paa mo sa pagitan ng singit nya, habang hawak hawak mo yung dalawang paa nya, habang aalog alogin mo paa mo, yun. di ko lam tawag dun eh.

pero ginanun ko sya ng ginanun hangang maiyak sya sa kakatawa. kahit umiiyak na sya, di ko pa tinitigilan. patawa pala ha.

1 12 2008
val

Ngayon ko lang nabasa ang kwentong barbero at pramis super inspiring at nakakatawa ang mga kwento sa totoong buhay(thanks to sirgie, siya ang nagintroduce sa iyo). Para sa akin boys talaga ang may sense of humor dahil lahat kaming lalake sa opis ay nakakacreate ng mga original jokes samantalang mga opismeyt kong babae ay puro seryoso.

Dahil naging inspirasyon kita, hindi ako natulog hangga’t di ko naisulat lahat ang mga kwentong nakakatawa na nangyari sa aking buhay. Iniisip ko pa kung magcreate ako ng sarili kong blog o iprint ko na lang at ipadala sa mga taong superseryoso sa buhay.

From now on, susubaybayan na kita.

badoodles: @val haha. salamat pare. mas nakakatuwa naman talaga tayo. walang alinlangan.

10 12 2008
alas

‘Ah eksyusmi pogi, kahoy kasi ako eh, pwede mo ba akong sibakin?’

potah ang lupet hahahaha!

tingin ko wala naman taong walang sense of humor. si gloria nga napapatawa ako minsan eh, di nga lang sinasadya. pero sa ating mga lalaki pa din ang boto ko. kasi tingin ko, mas makapal ang mukha natin kesa sa mga babae (ewan ko lang sa mga bading) kaya ok lang kahit na apat sa limang punchline na binitawan natin e walang magreact, deadma lang, change topic, atlis yung isa nag hit.

o ako lang yung ganito? =(

4 02 2009
rebeldengpalaka

ehehe.. galing mo naman. nasabo mo yun sa boss mo. ako mahilig din akong magpatawa, gaya ng sinasabi mo parang utot ang talent na yan. kusang lumlabas.. hindi pinipilit.. hehhee..

buti nga sa bisor mong hindi mo bisor. hehehhe..

8 02 2009
biba

hindi ko talaga binasa kung anung nakasulat sa kabuuan ng blog mo, pero bumoto ako 😀 ayayay
feeling ko kasi nakakatawa talaga siya kahit hindi ko basahin ng buo niyahaha tamad mode

26 04 2009
eLy

hindi ko p nbbasa ung blog mo bumuto n q hahahha nakarelate ako sau.. mhlig din kc ako mgpatawa lalo pag mdming chiks.. hahahhaa eh natural n tlga sting mga lalake un eh…

20 05 2009
jireh

hehhehhe 🙂

23 12 2009
23 12 2009
23 12 2009
23 12 2009
25 05 2011
jomz

i find it so nice and funny! haha 😀
guys are funny but gays will always be..
haha.. ingat!

16 12 2011
noel b!

ou nga! Kala kc ng ib e palaging ngpptawa un tao ? Parang cnbi n rin n ,wla n bang karapatang mlungkot ang clown? He he.. Wooh ohh!

16 12 2011
noel b!

d naman lahat!,..kaya nga ib ib mga icip ng tao ehh!.. S nagdadala lng yan.

24 11 2012
Charlyn

“You? mean dapat sinali kita…mga Pinoy na reklamo ng reklamo, nakatutok lang sa negatibo, di nila alam ang likas na kagandahan nila :-)?” – surfrays. . . BAAAAAANNNNNNGGGGGG!!!!!! Hahahahaha!! :)….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: