Maid In The City

12 11 2008

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 


Hindi ko nga lang alam kung talagang katulong ‘to o spy lang.  Pagkadating kasi sa apartment wala ng ginawa kundi magbasa ng mga libro kong Dan Brown at Robert Ludlum. At wala pang hininging permiso yan na galawin ang mga libro ko owkei? 

 

Napag-isip isip kong itama ang kanyang naliligaw na landas.  Baka lang nauga ang utak sa biyahe.

Ako: ‘Inday [ang kanyang non-showbiz name siyempre], ayaw mo bang magbasa ng romance pocketbooks, mas bagay kasi sa ‘yo ‘yun?’

Inday:  ‘Si kuya talaga. Hangkorni’. 

Ayos AH.  Ako pa ‘tong korni.

Ako: ‘Ano namang korni dun?’

Inday: ‘You mean Sweet Valley High right?  O ‘yung tagalog pocketbooks na madaming bed scene sa gitnang tsapter?  Ayoko nun, nakakaadik’.

Oha. Umepal pa kasi ako. 

 

At paborito talaga niyang ulit-ulitin ‘yung mga spy novels tulad ng Bourne Ultimatum.  Iniisip ko nga baka pag umaalis ako ng bahay,  kunyari spy siya tapos meron siyang hawak na magnifying glass tapos pinapasadahan niya ang brief ko para maghanap ng estrangherong bulbol, natuyong tamod, at iba pang ebidensiya para malaman ang mga kabulastugang pinaggagawa ko at maireport agad ako sa magandang misis ko.

 

At magaling din siyang magrason. 

‘Bakit butas butas na ‘tong mga brief ko?’.  Alam ko na kung bakit pero gusto ko lang umamin siya na gigil na gigil siya magkusot, tapos binababad pa niya ng todo-todo sa kalamansi na malayo na ang posibilidad na mabuhay pa ang mikrobyo kahit pa sa kabilang buhay.  Ganun.

‘Kuya alam mo kasi ‘yung mga langgam kinagat kagat ‘yang brief mo, matamis siguro’, binalik sa ’kin ang sisi. 

‘O? Hindi nga?’

‘Oo kuya tapos iba’t iba ang kulay saka sizes nila?’, sabi nya habang dinedemonstrate sa kamay ang ‘sizes’ ng langgam na parang sinlaki ng sanggol.  Kewl.

‘Nilagyan ko nga ng chalk na insect repellant ang buong bahay natin para di na sila makapasok.’, pagyayabang ni Inday na parang sinagip kami sa isang tiyak na kapahamakan.  Kaya ngayon itsurang higanteng blackboard ang buong kabahayan at may drowing pa ng iba’t ibang hugis ng hayop na makakapatay daw ng langgam.  Meron pang drowing na dragon.

 

Di ba ‘pag katulong ka, ikaw ang inuutusan?  Mali, AKO ang inuutusan niya.

‘Kuya, nasabi mo na bang barado ‘yung poso negro natin sa may-ari ng bahay?  Sabihin mo ha’. Hindi siya marunong magsabi ng please.

‘Hindi pa.’ , sagot ko.

‘Bakit hindi pa?’, sabi niya habang hinihintay ang paliwanag ko. Demanding talaga.

‘Kasi kumakain pa ako.  Ansarap ngang kumain habang binabanggit mo ‘yang poso negrong yan’

At hehe lang ang sinagot niya.  Ambait.

 

At hindi lang ‘yan, ako din ang nagpapalit ng tubig namin sa water dispenser.  Naiisip ko tuloy hindi kaya ako dapat ang sinuswelduhan nito?

 

Tapos hindi ko din siya mautusang gumawa ng masamang bagay.   Sabi ko sa kanya, ‘Pakisingil mamya ‘yung mga kapitbahay nating nakikabit ng cable’.  Sagot ba naman sa kin, ‘Hindi ba kuya parang jumper ‘yan.  Alam ko bawal ‘yan eh’.  Nag-isip ako ng isasagot, kailangan kong makumbinsi ang babaeng ito.  ‘Hindi naman bawal ‘yan, tumutulong ka lang sa kapwa mo.  Pakisama lang din’.  Pero matigas talaga ang kanyang paniniwala.  Sabi, ‘Kasi ang alam ko kuya makukulong ka dyan.  Tapos anim na taon ka n’yan sa bilibid.  May mga naririnig pa nga akong nirereyp sa pwet sa kulungan.  Alam mo ‘yun kuya?’.

 

Whew.  Natahimik ako.  Tumulo na lang ang pawis ko sa takot.  Wala na akong nasabi kundi, ‘Ngayon alam ko na.  Salamat po sa concern’. [sarkastik] Kulang na lang sabihin niya sakin, ‘Kuya pag tinanggal mo ko sa trabaho, meron akong alas laban sa ‘yo belat mo.  At hindi mo ako kayang tanggalin dahil ipapahuli kita sa pulis.  Wink wink’.

 

At tsismosa din.

‘Ate, bakit si Kuya exercise ng exercise, malaki pa rin ang tiyan’.

‘Sshhhh… marinig ka ng kuya mo’

‘Ganun?  Hindi niya ba alam na butsog siya’  Gusto ko siyang batukan pero napapailing na lang ako sa mga kakaibang hirit niya.  Nakngpatingyan.  Para siyang isang gintong minahan ng komedya.  Walang balak magpatawa pero nakakatawa.  Tingin ko nakatagpo nako ng katapat ko.

 

Sa kabilang banda, mas ok pa rin talaga ang magkaroon ng kasama sa bahay, para kang hari na nakahilata lang, maghapong makikipaglabing-labing sa misis mo tapos kakatukin ka lang sa kwarto para sabihing kakain na.  Hindi na rin ako gaanong nag-aalala ‘pag late nakong nakakauwi sa bahay dahil may kasama ang maganda kong misis.  Eto ang masarap sa buhay Pinas, maraming nakaalalay sa ‘yo.  At walang ganito sa States.

 

At nalilibre din kami ngayon sa dami ng kangkong na binibigay sa kanya ng mga sunog baga boys samin na mahilig magpalipad hangin sa kanya.  Purgang purga na nga kami sa adobong kangkong sa almusal, tanghalian at hapunan.  Pati nga ‘yung kagawad sa barangay, binibigyan siya ng pang meryenda.

 

Kumbaga the benefits outweigh the disadvantages.   Ayos na din ‘to.  Maliban sa gaan sa trabahong dulot ng may katulong sa bahay, meron ka pang instant entertainment na parang Dolby surround sound ang boses.

 

* PugadBaboy strip By Pol Medina Jr.

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

62 responses

12 11 2008
R.J.

tingin ko ay ang pagkakaroon ng kasama ni misis mo habang sya ay buntis ang pinakadabest na maitutulong ni inday, hirap kasi ng naiiwan magisa lalo kapag wala ka. pagnanganak na rin si esmi, laking tulong ng may baby sitter. kumuha na rin nga kami habang buntis si bachoinkchoink ko.

mukhang ligawin si brosia nyo ah. hahaha!

badoodles: @pareng rj oo nga. lalo pa pareho kaming busy ni misis sa trabaho laking ginhawa nun. meron nakong side kick ngayon na sing-angas ni brosia.

nung isang araw narinig ko kausap nya si kagawad. sabi ni kagawad, ‘tumawa ka naman paminsan-minsan’. sagot niya, ‘alangan naman tatawa ako hindi naman nakakatawa mga joke mo, magmuka pa kong siraulo’. amfufu. kagawad namin ginaganun lang niya? haha. natawa na lang din si kagawad.

12 11 2008
Hot Gizmo

Tumpak…. pre pero maiba ako….. ganda ba ng katulong mo?….

(owwwww,, astig di ba… ATsay Killah!!!!!!!)

badoodles: @hotgizmo 🙄

12 11 2008
joshmarie

ayan, may bago akong ipapabasa sa opismeyt kong adik sa blog mo. hehe.

in fairness sir badoodles sa katulong niyo, asteg! san ka nakakita ng katulong na inuutusan ang amo? at ang sosyal! haha. wala ngang ganyan sa states! 🙂

badoodles: @hi josh. sumasakit na lang ang tyan namin ni misis sa katatawa sa kanya. at hindi lang un. dinidikta rin nya kung anong papanoorin namin. kakatok yan sa kwarto sasabihin, ‘kuya ate maganda palabas sa channel 5, lipat nyo channel nyo’. oha.

12 11 2008
MARU

may pakiramdam akong panimula pa lang ‘to sa series of entries mo ng tungkol kay Inday. mabuhay si Inday!

badoodles: @mareKo mukang kailangan ko pa ng isang blog para kay inday. para siyang minahan ng komedya, nakakatawa kahit walang balak magpatawa.

mare ung order ko next week na ha. wala kang price list. magkano per box?

12 11 2008
akosiikay

kakatuwa nman si enday…. :))
atleast ngayon meron ng ngpapatawa sa inyo ni bebemo.

ang haba ng hair ng longkatots mo badoods
daming manliligaw..hehehe

badoodles: @akosiikay lahing kastila. daw.

12 11 2008
bart

badoodles pede mahingi ang number ng katulong mo? 🙂 inpeyrnes may pagkasosyal si inday ha…

badoodles: @bart ginawa mo pa akong bugaw. ampf. hindi pwede.

pero kung meron kang pangsuhol dyan, madali lang akong kausap 👿

12 11 2008
rofel

tas ng level ni inday nio huh… at ligawin pa!
pero at least madadagdagan ng kulay ang bahay nio na makulay.
di lang ako sure kung anung kulay… hehehe.

badoodles: @rofel nakakarimarim na kulay. yun yon.

12 11 2008
ever

di ako nagsawa sa pagbabasa..galing!pwede palang gawin ang istorya ni inday pang telenovela.:)

badoodles: @ever salamat parekoy. di ko alam kung sino samin ni inday ang hinahangaan mo pero iisipin kong compliment para sakin yan.

12 11 2008
paperdoll

parang nagkatotoo ang kwento ni inday sa bahay nyo ah. . pero alam mo? mas ok ung ganyang klasing kasambahay. . hindi keo mabuboring at hindi na lang ikaw ang magpapatawa sa bebemo. . medyo may pagkakatulad sa kasambahay namin. . ayaw manuod ng tagalog movies. . ampf. . tinalo pa co at kilala ang mga artista sa ibang planeta. . pero masipag talaga. . mapagkakatiwalaan din. . ui, pero ingat nga pala. . naku! kung si willie nga tinalo ng katutz nya eh. .

badoodles: @paperdoll tama ca.

12 11 2008
paperdoll

p.s. baka magulat ka at nagbablog narin si inday. . iready mo na ang sarili mo, . lol

badoodles: @paperdoll funny thing is alam niya ang blog. at inexplain niya pa sakin kung ano ‘yon. in detail. san ka pa.

12 11 2008
FerBert

kung inglisera yan baka yan yung matinik na kalaban namin nina xg sa nakaraang pakontest mo bossing..

malambot ang puso ko sa mga katulong.. madali kase akong maawa. kung kaya ko naman gawin yung chores ayun ako na lang gumagawa..

si chona lang ang katulong/blogger na mahal ko! yung ibang katulong na blogger tse kayo! haha.. baka may makaaway na naman ako dito. basta tse pa rin kayo. haha

badoodles: @efbee ibang inday yon. at mukang madadagdagan ng character itong blog ko, un ang bago.

ako bago lang naging mabait. dati kasi kinakandado ko sa cr ung katulong namin noon sa bahay pag sinasabi nyang kras niya ako.

12 11 2008
pepe21

nakakatuwa.
haha.
mas astig kasambahay namin.
tatapatan nun si inday.

:))

badoodles: @pepe21 hintay namin post mo sa kasambahay niyo. mukang astigin din yan.

12 11 2008
The Gasoline Dude

Huwaw! San niyo naman nahagilap ‘yan? At alam ang Sweet Valley High! Pucha! *LOLz* Tawang-tawa talaga ako sa entry na ‘to.

Sana magtagal si Inday sa inyo. Sa kuwento mo mukhang may pinag-aralan. Syempre may mga pangarap din ‘yan, hindi lang basta maging katulong.

badoodles: @gasdude pangatlong beses ko na tong uulitin. hafi berfdey sa blog mo na dati ang akala ko ay grilledbrief.blogspot.com. maling akala.

high school undergrad pero matakaw magbasa. alam mong desididong makatapos ng pag aaral.

12 11 2008
camilleeee

artistik si inday, hehe. at parang frustrated teacher pa ata, ginawang blackboard yung buong bahay. pero ok na rin, at least parang kaabang abang na ang mga susunod nyang mga hirit.

feel ko, hirap ika-argumento ni inday, delikado sa tenga. 😀

badoodles: @camilleeeee oo frustrated painter. nakigaya din ako, nagdrowing ako ng hugis condom tapos kinulong ko sa loob ng drowing ung mga langgam. epektib. hindi sila makalabas. un pala ang purpose ng chalk, hindi sila makalabas para mamatay sila sa gutom.

12 11 2008
spike_west

whahahha, ikaw pala yan, bat di ka pumunta sa site natin sa Filipinowriter? hehehe! gulat ako yung palang site na natagpuan ko eh site mo pala ito Sanj!!!hehehehe!!Nakita ko kasi yung war of the roaches, eh naalala ko yun!

Well, eh ingat bro, nakakatuwang nakita ko ang blog mo
Ingat
Spike

badoodles: @spike hindi ko kilala ang sanj na binabanggit mo. marahil isa sa mga losers na nakalimutang pamanaan ng brain cells ng mga magulang kaya nagkakasyang mangopya na lang ng gawa ng iba. poser.

paumanhin kung mainit ang tenga ko sa mga ganyang nilalang pero nakakababa ng integridad yan sa samahan niyo kung ano man yan. stupid peeps.

12 11 2008
maelou

nakakatuwa naman ang inday na yan! parang yung inday sa movie na “i will survive” nila maricel soriano, eric quizon atbp.

sosyalin, dan brown ang hilig. hahahahaha :))

sa pagkakakuwento mo, parang ma-appeal si inday sa mga people ah?
mukha sigurong artista…

badoodles: @mae hindi naman lahat nadadaan sa itsura. may mga tao talagang pinanganak na sandamakmak ang confidence, charm at pr sa katawan.

12 11 2008
joshmarie

waaahhh! pati talaga channel na pinapanood dinidikta din. sabihin mo kuya mas maganda ang palabas sa Q11. hehe! may kakambal ba yang katulong niyo? mas gusto ko ang katulad niya na parang clown kesa sa katulong namin na nagsusungit pa kesa sa amo. haha.pag umuuwi ako ng bahay daig pa niya magsermon ang nanay ko. makalat daw ako eh. haha!

badoodles: @josh ang maganda kong misis ang mahilig sa qtv11. nakalagay pa yan sa favorite list nya sa remote.

hmm.. mas gusto kong maniwala na makalat ka lang talaga kaysa sa dahilang masungit ang kasama nyo sa bahay. hehe.

12 11 2008
mayui

haha.. kwelang katulong yan. buti nga palabasa siya ng ganun kesa puro romance pocketbooks eh.
at wala talagang ganyan sa states! yun yun eh. nakakamiss din yung may katulong.

badoodles: @mayui kunsabagay. at para sakyan ang hilig nya, maguuwi ako mamya ng 2008 hardbound edition ng guiness book of world records. next week encyclopedia naman saka pldt directory.

13 11 2008
antuken

wala ka sa katulong namin (este, ng in-laws ko pala), daig pa ako sa panonood ng tv. nakapatong pa ang paa sa center table. eh ako nga di ko magawang humilata dun sa sofa e pag nanonood ng tv.

tapos, ang maganda mo sa kanya, magpapaalam pag sunday ng hapon, lalabas lang daw. aba, hindi na umuwi. nakipag-inuman pala sa mga kaibigan. alas-9 na ng umaga kinabukasan, nakahilata pa rin sa kama nya. ang in-laws ko talak ng talak. pero pag kaharap naman, hindi mapagalitan. pasalamat sya hindi ako ang nagpapa-sweldo sa kanya. kung hindi, sisante sya.

(side comment: meron pala akong kapangalang katulong na blogger? hehe)

badoodles: @mare oo nga si chona, bwahaha. pero di ko na rin sya naabutan. hiatus na yata ng magsimula akong magblog. mas nauna sya kaysa kay inday.

13 11 2008
beero

…magbasa ng mga libro kong Dan Brown at Robert Ludlum –> hala! ang kewl naman ni Inday bosing. may taste ika nga at parang “know-it-all” talaga ang dating. pagpasensyahan mo na lang ang kadaldalan nyang si Inday. sabi mo nga eh, “the benefits outweigh the disadvantages” naman. saka oks na oks yan kasi kelangan nyo ng makakatulong sa bahay ngayon.

badoodles: @beero kaya ko namang sakyan lahat ng klase ng tao wag lang ung abuso. ayos nga kasama. at mahilig syang manood ng basketball, wrestling at sci fi movies. kakaiba para sa isang babae. para na din akong may side kick sa bahay

13 11 2008
umleo23

Nakakatawa yung mga banat ng kasambahay ninyo! ehehehehehehehehe Mukha ngang nakahanap ka na ng katapat mo manager! 🙂

badoodles: @umleo mas nakakatawa pa sya kay pokwang by leaps and bounds. pero di pa rin ako kumbinsidong mas nakakatawa sya sa tin. boyz rule!

13 11 2008
mang badoy

Bossing mukang asensado na tayo at may katulong na! Sossy si inday, mga book pa ni Dan Brown ang naisip basahin..sinabihan ka pang botsyog buti hindi ka sinabihang BABOY yun ang masakit!

“Eto ang masarap sa buhay Pinas, maraming nakaalalay sa ‘yo. At walang ganito sa States.” >> uu nga kasi pag nasa ibang bansa ka ikaw lahat kaya medyo mahirap pero okay lang atlest natuto ako sa gawaing bahay.

Sana mafeature ako sa “Humor Blogger for the Month” mo bossing. Pangarap ko kasi yun since Birth!

Pangarap ko ang pangarap nyo! Badoodles itanim sa Senado!

badoodles: @badoy haha. halatang di ka nga sanay sa gawaing bahay.

13 11 2008
popoy

parang isang sitcom talaga ang buhay mo kuya badoods.

mainam na rin at may katulong na kayo, mas mapapagaan lalo na’t medyo malaki na yata ang tiyan ng asawa mo.

sya na ang katapat mo kuya. gudlak. sana matagalan mo ang mga hirit nya.hahaha

badoodles: @popoy ayos lang. barubal din naman akong humirit paminsan. amanos lang kami.

13 11 2008
ecxel

pareng bads! tama ka, may bago na naman akong aabangan na karakter sa blog mo! hahahaha! at oo nga baka magulat na lang tayo isang araw may ganitong reply sa blog entry mo:

Inday:
Koya, your usage of the english language merged with the native tongue not only insults these languages but it also promotes the degradation of your readers’ mentality since they have to withstand this kind of shenanigan. why don’t you convince your readers to utilize the cyber interface to promote intellectualism and world peace!

PS.: ang sweldo ko po wag niyo pong makalimutan sa biyernes!

Hahahaha! Wakanasusha talaga! Pero parang umober yata ako sa effort ng pag-comment a? Hehehehe!

PS.: malapit na si mare! good luck at balitaan mo kagad ako paglabas na anak ng badoodles!

badoodles: @excel katumbas na ng isang post itong ginawa mo. haha. sige no problemo, update ka namin. si bebeko di pa rin magetober sa kakyutan ng baby nyo. avid reader na nga dyan sa blog mo nag-aantay ng update sa mga kagila-gilalas na gagawin ng baby nyo.

13 11 2008
spike_west

Hindi ba ikaw yun badoodles, naku sorry!! Eh nakakainis nga iyun kasi nangongopya sya. Eh di kita masisi kung medyo umiinit ang ulo syempre kinopya sa blog mo , kaya nga napagkamalan ko ikaw sya eh!!
Eh di na naman sya active dun, pero kung sakaling nakalog-in sya, eh babatasin natin!!
Kakatuwa ang blog mo bro!! heheheh

badoodles: @spike haha. thanks bro saung aksidenteng pagkakaturo kung pano ko mate-trace ung ‘hack’ writer na yon. rest in peace to him. niratrat ko ng masasamang salitang di kayang lunukin ng kahit aso dun sa mga hideout niya. that creature needs to learn some lesson.

thanks din marami kay dino, may ari ng filipinowriter.com for his timely action sa pag-unpublish dun sa post ng offender yon na inakala kong imposibleng mangyari. i appreciate it. really.

13 11 2008
timi

Hang kulets ng katulong mo ha! Ligawin at sosyal!

badoodles: @timi pwede kong sabihin swerte din kami sa kanya, sobrang masipag at magaan kasama sa bhay.

13 11 2008
phot

mr. badoodles, pakisabi jan sa bonggang bonggang katulong niyo hindi baduy o korni ang Sweet Valley High okay. madaming matututunan dun kahit may pagka malandi yung characters. Yun lang. hehe.:)

badoodles: @phot yaan mo makakarating ang sinabi mo. nakupo gyera na to. haha.

13 11 2008
EngrJayze

haha..nayz article ulet tol..tagal ko na binabasa blog mo pero ngaun lang ako nagcomment..
btw[nga pala] sinearch ko blog mo sa google at natawa ako nung clinkck ko ung Translate this page..la lang share ko lng..haha.. http://translate.google.com.ph/translate?hl=en&sl=tl&u=http://kwentongbarbero.com/&sa=X&oi=translate&resnum=1&ct=result&prev=/search%3Fq%3Dkwentong%2Bbarbero%26hl%3Den%26client%3Dfirefox-a%26rls%3Dorg.mozilla:en-US:official%26hs%3DFrZ

badoodles: @engjayze in da haus! thanks thanks sa pagbalik. high five na lang!

13 11 2008
cutedanger

naku po si inday inuutusan ni bossing .. malapit na palang ma nganak si mare dadalaw kami pre biglaan nalang medyo busy ako nung katapusan eh..

badoodles: @cutedanger hoy! drowing ka antagal mo nang sinasabi yan. ikaw magluto ng pulutan. saka ung suit ko pala na hiniram mo wag mong kalimutan dalhin. isusuot ko un sa party sa opis namin. hehe.

13 11 2008
siangelnawalangpakpak

astig na longkatuts yan ah? saang probinsya mo ba nahagilap yan? parang mas matalino pa siguro yan kaysa sa mga amo.

hehe, joke lang po.

in fairness, kung pinagsawaan niyo na si Inday, ipaapply niyo sa amin. Korny na kasi mga jokes ni Pader. Baka sakaling mahalinan ni Inday ng panibagong inspiration.

badoodles: @anghelnawalangpakpak kung yan ang ideya mo ng joke, yan na ang pinakakorni sa pinaka-worst joke na narinig ko.

pero sabihin ko na sayo, di yun aso na pinagpapasahan sa taong di namin kakilala owkei? fuck off.

14 11 2008
brotherutoy

bosing, pwede rin ba akong makitambay dito?
magbubukas lang naman ako ng baybol,
magsasalita ng konti tungkol sa mga adik
tapos mamimigay ng sobreng brown.
pagkakolekta ko naman ng sobre, aalis din agad ako.
pwede ba po ba?

badoodles: @brotherutoy ayos yan tambay ka lang dito. my haus is ur haus. para naman may isang alagad ng kabutihan na nakakakita ng kabutihan ko. baka kasi pagdating ng huling paghuhukom, kailangan pala ng witness para patunayan na mabuti akong tao, at least may mahihila akong saksi.

14 11 2008
anakngpiso

ahahaha… at least kuya baduds ganyan lang ginagawa sayo ng katulong nyo… ako minsan inuubusan ng pagkain.. abot tuhod na nga pangil ko sa gutom yun pala naubusan na ako ng pagkain….

pero nakakaadik talaga pag may katulong kasi pag nasa bahay ka pakiramdam mo bakasyon grande ka lagi… cheers-glesy the great

badoodles: @anakngpiso maganang kumain pala ang kasama nyo. at hindi siya thoughtful.

14 11 2008
mcrey

Atribidang katulong, mas malupit pa kay INDAY!

Sya na papalit sa website ni inday… turuan mo rin sya magblog. Hahahaha

Pero mas okay naman sya kesa naman sa nakuha namin dati, naku si mama ang gumagawa ng gawaing bahay para lang turuan sya ng tamang paraan…

Astig naman yung katulong na yan, ayaw ng romance pocketbooks… lufet!

badoodles: @mcrey alam nga niya kung ano ang blog. wag lang sana niyang kalikutin ang internet sa bahay at baka madiskubre niyang sya ang pinag uusapan natin. lagot ako.

14 11 2008
tina

ayos naman ynag katulong mo.

tamang trip yun. ang pansinin ang lahat ng abubot sa bahy.

badoodles: @tina hehe [sagot ng walang masabi]

14 11 2008
ellieshe

saludo ako sa mga nangagamuhan sa bahay. Para lang makapagtrabaho, tinitiis nilang mapalayo sa pamilya at unahing asikasuhin ang ibang tao. Kung ndi ako sinwerte sa trabaho baka isa na ako sa mga nangungulit sa mga amo ngayun kuya gaya ng katulong niyo.

hehe ang cool naman niya 🙂

badoodles: @ellieshe buti nga din daldalera. ayaw ko kasi ng katulong na tahimik, nasa loob ang kulo. di ko alam nakatalikod lang ako saglit papaluin na pala ako ng tubo. tipong ganun

14 11 2008
siangelnawalangpakpak

okey na. peace na tayo. natuwa lang naman ako sa helper niyo. bat kasi napaka-average nang helper namin di tulad niyang sa inyo? nainggit lang.

peace na tayo, ok?

badoodles: @sianghelnawalangpakpak peace

14 11 2008
lio loco

ilang taon na ba si inday nio kua badoodles? pag early twenties, baka pwede rin akong magpalipad hangin. hehehe. hindi kaya siya ang real-life equivalent ni internet star inday and her highfalutin antics? san ka pa makakahanap na mas gustong basahin si dan brown kesa mga sex scenes sa tagalog pocketbooks? natawa ako run sa estrangherong bulbol at natuyong tamod. panalo! lol!

badoodles: @lio loco may pagkainglisera din minsan. pinagtraining kasi ni bebeKo ng basic first aid, day one pa lang binabati na ang lahat ng kasama sa training ng ‘gud morning. how are you? its a great day today isnt it? napagkamalan tuloy sya ang trainor. lupit.

14 11 2008
doctormagnus

Naalala ko tuloy yung mga Inday jokes.

badoodles: @docmagnus malapit. naiisip ko naman si brosia.

14 11 2008
beero

side kick? ayos ah! ibang klase yung tandem nyo! sa mga movies kasi pag lalake ang iba, lalake din ang side kick. ok yan para maiba naman. yung ibang side kick naman binabatok-batukan lang. gaganyanin mo din kaya yang si inday kuya bosing? hehe 😆

badoodles: @lex di ko sya babatukan. pero pag di nya ako tinantanan sa kanyang kakulitan, baka gawin ko na lang syang patungan ng beer at pulutan.

14 11 2008
akosimakoy

aysos. mahirap nga.

badoodles: @akosimakoy ah… ehh..

14 11 2008
phot

hahaha wag po kayong magalala hindi ako pumapatol sa mga matatanda. 🙂

badoodles: @phot haha. ang problema pumapatol sya sa bata. 😉

14 11 2008
M

Marami-rami na din kameng naging katulong dito sa bahay. Palagay ko lampas sampu na din ang dumaan, at isa lang ang tumatak sa isip ko. Si Ma’am Tessa, ang napakamaabilidad na katulong namin noon. Kaso sa sobrang galing niya sa paninilbihan, dinala na niya sa ibang bansa para pagkakitaan.

Kasama na sa buhay natin yan bossing, ang mga katulong. Tiis na lang kung medyo masakit na sa ulo pag minsan, hehe. May alas pa man din siya.

badoodles: @M at ma’am pa ang tawag mo sa katulong nyo talaga namang karespe-respeto. pano mo sya inuutusan, ‘ma’am hugas ka po ng pinggan please’.

ayokong makulong. kung kailangan ko syang ikandado sa loob ng washing machine gagawin ko.

14 11 2008
enday

haba’y kakatuwa naman yang kasama nyo sa bahay.
Komedyante.
Pang komedi bar ang dating.
Okey lang yan.
Para may clown kayo sa bhay.
At may entertainer ang bebe mo.
haha.

At si brosia pa ng pugad baboy ang bida..
Hmm,
My Peyborit.

badoodles: @enday gusto ko ngang bumili ng pugad baboy para mailustrate ko sa kanya ang ginagawa niya. ‘eto ka sa comic strip oo yang naka apron, tapos etong mga humahabol sa yo ng taga dahil sa kakulitan mo, kami ng buong barangay yan’.

14 11 2008
ronturon

Pareng badoods… isa akong fan ni pol medina.. langya.. nabili ko na yata lahat ng komiks at libro nya na may editorial cartoons.. hahaha! nakakatawa kasi kahit simpleng isketches nya dun.. ay teka, yung pirata nga pala nya mejo seryoso! hehe..

kilalang kilala ko yan si brosia, asar jan si dagul kasi mataba ang utak. Alam ko maraming brosia sa mundo… ako hindi pa nakakakilala, buti ka pa… swerte mo naman! isa kang pinagpala! hahahaha… congrats!

badoodles: @ronturon pirata na libro? hindi ko alam yan. nakikibasa lang kasi ako dati ng mga pugad baboy, ano kasi ako dead hungry [patay gutom] kaya di makabili. siguro ngayon makakabili nako.

ps. at sa pag-illustrate mo sana naman hindi mo ako pinaparinggan na ako si dagul. hehe.

15 11 2008
nobodysgurl

ang lupit naman ni inday mo… pede po ba mahiram minsan para maentertain nya rin kami…

badoodles: @nobodysgurl hindi pwede. as in. :evilgrin:

16 11 2008
lei

sa tingin ko di naman intensyon ng katulong nyo ung pag-utos sau kuya badoods.. kasi diba ang mga kasambahay tinuturing din nating ka-family, so nandun na ung feeling nila na di lang natin sila basta inaalila kundi nireregard din bilang kapatid.. so ung pag-utos nya sayo para sa akin ay tunog utos ng kapatid lang.. kaso gaya nga ng sabi mo.. parang mali. haha.

badoodles: @lei oo naman, lambing nya lang siguro yun. o talagang ganun lang siya magsalita parang may himig pautos. sobrang at home nga samin, nami-miss nga daw kami pag pumapasok na kami sa opisina, tapos pag sabado at linggo magd-date kami ni bebeko, sasama yan samin kahit hindi namin ayain o sabihan, maliligo na at magbibihis.

16 11 2008
kosa

taena… aydol badudels… napakasosyal nman pala ni inday…lolz mas susyal pa yata sa…. akin..

taena… kahit kelan talaga nauunahan mo ako sa kwento.. palnu ko ring isulat to eh..nasa isip ko palang..pero nagawa mo na kaya di ko na mgagawa..baka gerahin pa ako ng sangkaterba nating tagahanga..

badoodles: @kosa talagang may ‘tagahanga natin’ no?. :lol:. pwede mo namang isulat. imposible namang pareho tayo ng karanasan sa buhay.

16 11 2008
taps

okay maid nyo ah, parang lagi kang nasa comedy bar…

mas okay yan kesa naman yung maid namin dati na walang alam gawin kundi i-text ang construction worker sa ginagawang bahay dito sa tabi namin.

badoodles: @taps yaan mo na, pag-ibig yan mahirap kontrahin. wag lang niyang kakalimutan ang magsaing.

18 11 2008
jeck

yes..abangan ko ang bago mong karakter na to sa blog mo…hehehe

galing nia..mahilig sia ke Dan Brown…Book ni dan brown ngayon tinatapos kong basahin…pakwento ko nlang kaya yun sa kanya…

Nice Entry…cheers!

badoodles: @babaeng jeck [meron pa kasing isang jeck dito, ung sanamabits kong kaibigan]. ano yan digital fortress?

18 11 2008
b@kekang

mdami n rin aqng nging yaya/ktulong sa pinas..mabait aq sa knila pero iniiwasan qng maging close sa kanila..

p.s para plng c Patani yan kasambahay u ah hehe

18 11 2008
libay

sossy na long-ka 😛

ay tag nga pala kita ….
http://wouldificould.wordpress.com/2008/11/18/award-daw/

18 11 2008
byter

sosyalan ang inday na yan, kung sya maging katulong ko papaliguan ko yan nang tubig mula sa poso negro… aba’y mas maarte pa sa akin.

18 11 2008
popcorn

bonga si inday, ang daming fans… pati si kagawad member nang fansclub nya. kung dolby digital ang boses meaning parang palagi kayong nasa imax?

18 11 2008
annenoneymous

waha… taob ka ba kay inday? mygas, she’s sumkindofawhatevah! :p

niweis at least may kasama na nga si misis mo, saka kahit pano may tagagawa ng ibang chores sa haus nyo… kahit nauutusan ka minsan, oks na un… part op layp yan weh… wag dairy creme, ndi pwedeng maging choosy :p

19 11 2008
barefoot_alchemist

panalo ang maid mo badoodles… bongang bongga!

20 11 2008
gasti

luka luka yang katulong nyo! haha! walang good manners and right conduct. naku..masama lang talaga pumatol sa babae. hehe! pero at least sabi mo nga mas marami pa ring benefits.

20 11 2008
jeck

sir badoodles…salamat sa pagsabing..babaeng jeck…

di po digital fortress…deception point po binabasa ko…at ang galing..hehehe..

cheers..

26 11 2008
yzah

nyahaha..pareho kmi ni inday na peybolit ang bourne haha

26 11 2008
ronturon

kamuka mo ba si dagul parekoy? lolz! e tatalo na lang ata buhok ni mang dagul sa ulo!!! hahahaha

12 12 2008
enjoy

amfness! ganyang-ganyang yun pinatalsik kong kasambahay namin ah. pano ba naman bago sumunod sa utos, nid mo munang ulitin ng sampung beses. kalauna’y muder in-law ko na rin sumasalo sa mga gawain dahil paos na kakasigaw sa knya. at partida, badminton sa afternun ang hobby niya ha at bingo w/ neighbors sa gabi. panalo sa tindi db? hindi kaya magkababayan sila ng maid mo?!?

2 01 2009
Lou

galing ni enday. di ko ma-reach ang level! baka nakiki twilight na din siya,haha =)) lupet pa. dinadaan siya sa kangkong!haha :]]

24 08 2009
torotot

.ang galing galing namn ni inday.!
.bka madivelop ka nyan..harharhar…
..LOL..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: