Take Me Home

19 11 2008

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Habang kumakain ng pansit kasama ang barkada, nagbalik sa alaala ang lahat. Simple lang ang buhay ko noon sa kolehiyo.  Makikipag-inuman, papasok sa school, maghahanap ng gulo, matutulog sa klase, gigising na wala na ang mga kaklase, iinom ulit, uuwi, matutulog.  Kung kaninong bahay ako datnan ng antok, dun nako natutulog.  Bahay ko pati bahay mo.  

 

Mahirap ang naging simula ko nang magtrabaho dito sa Maynila.  Mamboboso ka na nga lang pahirapan pa, kailangan pa ng high tech na kagamitan.  Anhirap pa namang magkabit ng webcam sa CR nang hindi ka namememohan.  Di tulad sa probinsiya, sisilip ka lang sa ilalim ng kubo, o aakyat sa punong mangga, may live feed ka ng ‘porn show’ kaagad.  

 

Sa kabilang banda, nagbukas ang isang panibagong mundo sa ‘kin dito sa Maynila. Maraming taong nakasalamuha, nakilala, nakasubukan ng paninindigan, at ang iba ay nakapataasan ng ihi. Andaming realizations na nangyari. Na may malaking mundo pala sa labas ng pinanggalingan ko.  Na ang buhay ay hindi lang umiikot sa bote ng alak.  Na di kailangang manilip dahil sandamakmak naman ang libreng porn sites. 

 

Pasalamat din ako sa mga taong nakilala ko na nag-inspire sa ‘kin [kasama ka dun], nagpasensiya, nagbigay-aral at gumabay bago pa ako maging panganib sa ibang tao at sa sarili ko.  Matigas pa rin naman ang ulo ko pero marunong na ring makinig paminsan-minsan.  Minsan minsan lang. May upsides at downsides din ang pagiging matigas ang ulo. 

 

‘Bakit ikaw pre, kahit pinapagalitan tayo ng bosing natin dedma ka lang, wala kang paki’, sabi ng kaopisina ko.

‘Ganun ba.  Hindi ko napapansin’.  Talaga  ngang  walang paki.

‘Oo, ganyan ba talaga kayong mga taga-probinsiya?  Sana nga ganyan din kalakas ang loob ko’. Tsk.  Maling akala.  Wala naman ‘yan sa kung saan ka pinanganak, nasa tao yan.  O kaya naman nasa gatas na ininom n’ung bata ka pa lang.  Wag kasing umiinom ng gatas na may drowing ng power puff girls.  Pati na rin na ‘yung may kasamang freebie na hello kitty.

 

Dalawa at kalahating taon na pagkakalayo.  Andaming nangyari – nakipagtanan, nagtrabaho, live in, kinasal, naholdap, na-promote, nakipaglabing-labing, nakabuo ng bata at sa susunod na taon ay Daddy na.

 

Isang araw lang ako sa ‘min.  Balikan din ako agad matapos magpansit at konting inom kasama ang mga barkada.  Parang short time na ligaya pero sulit naman.  Hinabol ko ang huling biyahe kinagabihan.  Sakay na ko ng sleeper bus pabalik ng Maynila, napabulong na lang ako ng isang payak na panalangin baon ang isang pangakong binitawan dalawa at kalahating taon na ang nakalilipas – ‘babalik din ako, magpapayaman lang ako sandali, at kung di man mangyari ‘yun pagkalipas ng matagal na panahon,  sisiguraduhin kong uuwi pa rin ako at dyan ako mahihimlay sa katabing puntod ng aking tatay’.

 

*Picture1:  Kayaking sa Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pinas. Picture2:  Sleeper bus.  Nakahiga kang bibiyahe para hindi ka tubuan ng almoranas sa pwet. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

65 responses

19 11 2008
libay

aba taga Tuguegarao pala si Badoodles… Promdi like me … ako naman ay taga Nueva Ecija kahit di mo nitatanong lols… Tama ka nakakamiss talaga ang place kung saan ka lumaki dahil karamihan ng mga nakakatuwang experiences ay doon naganap 😛

badoodles: @libay forever promdi. di ako kayang baguhin ng bagong kultura. sa nueva ecija din ako nagi-stop over kasi andun nakatira ‘yung panganay namin. pareho lang din ambiance ng nueva ecija sa tuguegarao, masarap ang simoy ng hangin syempre galing bukid.

19 11 2008
The Gasoline Dude

Hindi mo ba isinama si Brosia sa trip na ‘yan ha? *LOLz* Shyet gusto ko ma-experience ang kayaking! Kaso hindi ko alam kung pwede ‘yan sa mga hindi marunong lumangoy. *LOLz*

badoodles: @gasdude haha. di mo talaga magetober si brosia. sa disyembre pa sya uuwi sya naman ang susunod na magbabakasyon. yun ay kung magbe-behave siya ng maaayos kung hindi palalakarin ko sya pauwi.

19 11 2008
beero

isang araw na bakasyon bosing? naman! sana sinulit mo na kasi ang haba ng biyahe. pero ganyan din ako minsan pag umuuwi sa min. lols. ok na yung sandaling makasalo ang buong pamilya, makipagkulitan sa mga pamangkin, at makipag-inuman sa barkada.

astig ang kayaking bosing. di ko pa nasubukan yan. pag umuuwi kasi ako sa min ordinaryong bangka lang. mas ok ang kayaking kasi medyo classy. lols

badoodles: @beero hindi pwede. maghuhuramentado ang magandang misis ko pag nawala ako ng dalawang araw. masyadong obsessed sakin yun.

19 11 2008
bernardumali

sleeper bus naman pala, sana dinamihan mo na inom hehehe. kakasenti ah, reading your blog with matching “promdi” song sa isip ko – hehehe ang jologs ko.

badoodles: @bernard ho-hummm…

19 11 2008
popoy

bakit nga kaya ang init sa tuguegarao? dahil ba sa mataas ito? eh diba pagmataas malamig dapat?lols

sarap o. trip trip lang. 12 hours para kumain ng pansit. pero ang totoo namiss mo ang lugar nyo kuya badoods. ako nga na laking maynila, ninanais ko namang tumira at mamuhay sa simpleng probinsya. yung tipong hindi gaano ramdam ang problema di gaya dito sa manila.

gusto ko malaman naman kung ano ang mundo ng wala masyadong luho at lugar na aliwan o yung mga nakakahalinang gastusan ng pera. yung simple lang. yung kababawan. yung mga ganun. 🙂

badoodles: @popoy sabi ni abad ng schoolhopper.blogspot.com may butas daw kasi sa ozone layer at nakatapat sa tuguegarao. some urban legend tsismis pero malay natin baka totoo.

on the contrary, maraming bahay aliwan doon sa tabi ng bukirin. at dun din kayo maghahabulan ng mga babaeng bayaran.

19 11 2008
rofel

yan na siguro ang pinakamasarap na pansit na matitikman ko sa buong buhay ko, 12 hrs ba namn bago malapang.
ganun na siguro nakaprogram ang buhay ng tao, babalik at babalik pa rin cia sa lugar na kinalakihan, kahit anu pang mangyari, kahit san man mapadpad.

badoodles: @rofel oo kailangan mo munang magutom ng dose oras bago mo matikman, simut sarap talaga. [parang komersyal lang ng kanton ano?]

korek.

19 11 2008
phot

nakaka touch naman yung pang siyam na paragraph.:))

badoodles: @phot talagang binilang ko pa kung asan ang pangsyam na paragraph na yan. yun lang palang huling paragraph, pinahirapan mo pa ako. pwede namang last paragraph. brat. 😉

kinilig ako dahil nadama mo ang nais kong ipahiwatig. emo ako ngayon.

19 11 2008
paperdoll

ok sana mamuhay ng tahimik sa probinsya, pero syempre iisipin mo rin magiging chikiting mo na mas maganda kung mamumulat sya mausok at magulong maynila at hindi napag iiwanan ng panahon.

da best tlaga sa probinsya lalo na kung matagal ka ng di nakakauwi. . parang may fiesta. . para kang mayor na bumisita sa bayang pinaglilingkuran. .lol

hindi co alam na may sleeper bus. . parang gusto co tuloy sumakay. . pati sa kayaking, kaso parang delekado pag may bato tapos tumaob at umuntog ung ulo at nagkaamnesia. . L-(

badoodles: @paperdoll madalas naming pagtalunan yan ng misis ko kung san palalakihin ang mga bata. old school kasi ako kaya preferred ko sa probinsiya tulad ng kung pano kami lumaki, para conservative ng konti kung kumerengkeng man.

19 11 2008
FerBert

Proud Syano ako!

kahit na madaming impluwensya sakin ang maynila pag namatay ako gusto ko sa probinsya pa rin ako ililibing..

badoodles: @ferbert istir. hindi ka na syano. alien ka alien.

kuntento na kong tanggapin na iba ang mundo ko at pasalamat din ako sa mga aral na natutunan sa mga city peeps. para lang akong exchange student nito.

19 11 2008
Maldito

kagaya ko din kaw bossing..

[ag mayaman na ako uuwi at uuwi parin ako sa pinangalingan ko…

nothing beats the original home..ikaw nga nasa malayo kaman…..sa probinsiya parin ang libing mo..lols..

gusto ko na ding umuwi samin..

badoodles: @maldito oo emo tayo ngayon. emo. magpapalagay na nga ako ng bangs na patagilid at magsusuot ng itim na brip.

19 11 2008
watusiboy

nacurious tuloy ako sa pansit ng tuguegarao – napabiyahe ka ng ganung katagal para lang matikman yun.

siguro naaassociate mo ang pansit sa mga magaganda at masasayang bagay na nangyari sa buhay mo. siguro kumakain ka ng pansit nung nangyari ang mga yun.

masaya talaga sa probinsya. mas simple kasi ang buhay.

badoodles: @watusiboy sa araw araw na ginawa ng Diyos, pansit lang talaga kinakain ko. almusal, tanghalian, hapunan – pansit lang na paiba-iba lang ng toppings. dito lang nahinto mula ng magtrabaho nako dito sa manila.

tama. simple life. less shit.

19 11 2008
akosiikay

at ang lakas din tlga ng baltik mo fafa badoods ha!hehehe joke!…

lakas ng trip mo dose oras na beyahe para lng sa pansit ng tuguegarao??

hmmmm….(esep-esep himas himas ang baba)..

oh baka nman miss mo lng si mommy badoods ayaw mo lng aminin…hehehehe

badoodles: @ikay hindi ko sya nami-miss. araw araw kong ka-chat yun, ginagambala ang matiwasay kong pagtatrabaho.

20 11 2008
annenoneymous

anlayo naman ng pansitang dinayo mo! sarap siguro ng pansit don… waha…

niwei buti nakauwi ka at nakain ang pinaglilihian mong pansit… hehe… at nakasama ang iba mong prends… wish i could do the same… basta huwan op dis deys, gagawin ko din yan, idol… keep blogging!

badoodles: @annenoneymous baka nga naglilihi ako. kung may nabuntis na naman akong hindi sinasadya, malamang ung banyo lang yon.

para sa mga kaibigan kayang gawin yan.

20 11 2008
barefoot_alchemist

wow, iv herd of dt sleeper bus na… astig dw ha… nwy, taga norte kpla badoodles… mabuhay!

badoodles: @barefoot oo isa akong northerner. pero paramis pag nagkita tayo, kakausapin kita sa tagalog. haha.

20 11 2008
madbong

malapit na din ako umuwi, 1 month na lang wahuu

badoodles: @madbong wuhooo. malayo man ang marating babalik at babalik ka rin sa pinas.

20 11 2008
gabo^(di-blager)

sarap tlga magbasa ng blog mo preng badodz dmi akong natutunang aral.. keep it up…

badoodles: @gabo salamat. oo nga, pansin ko panay ang bitaw ko ng trivia na hindi naman makakadagdag sa ikauunlad ng pinas.

20 11 2008
damned0ne

Pansit?!!? Masarap nga yang sa tugue .. mr badoods kulang 12 hours na emphasis mo dapat sinai mo rin na namasahe ka ng almost 1500 para kumain ng batil patung :D, bale ang total na nagastos mo para sa pansit is: pansit -> 50(san ba yan? Tuddaos?) + 1500 pamasahe = 1550, masarap nga ang pansit kung ganyan kamahal hehehe, silent stalker lang po taga tugue din na napadpad sa maynila..

badoodles: @damnedone yeah boy. sanlibo na pamasahe sa sleeper bus ngayon tapos round trip bale dalawang libo + pansit sa tuddaos ng almusal + pansit sa cherry’s [ung katabi ng gretchen’s sa st. louis] luncht + pansit sa lamud ng hapon kulang kulang tatlong libo. 😆

20 11 2008
gasti

mukhang maganda dyan sa rio grande de cagayan ah..nakakarelax ang view parang angsarap mamingwit…yun ang isa sa mga namiss kong gawin.

pag nagkapera lang din ako gusto ko bumili ng lupa sa probinsya para gawing bakasyunan.

badoodles: @gasti sige sosyo tayo… tapos, tapos, gawin nating beerhaus. haha.

20 11 2008
ecxel

pare ko ikaw lang ang umuwi? 12 hours na biyahe para lang sa pansit, man, siguro sobrang sarap nga ng pansit na iyan at talagang dinadayo. Hindi ako lumaki sa probinsya kaya hindi ako maka-relate, pero gusto ko sa probinsya sa atin dahil sa relaxing na environment…isang bagay na mahirap matagpuan sa modernong bayang ito. haayyy…

badoodles: @excel ako lang umuwi. di pwedeng bumiyahe si misis. front ko lang ung pansit, gusto ko lang talagang makipag inuman. hehe.

parang katulad din lang yan ngayon na nasa ibang bansa ka, tapos gusto mong makasama mga barkada mo, kaya uwing uwi ka na. ang kaibahan lang natin, asa abroad ka, ako malapit lapit lang ng uuwian.

20 11 2008
antuken

nakarelate ako dun sa isang nabanggit mo. yung tungkol sa malakas ang loob na nasabi ng officemate. meron kse nagcomment saken ng ganyan. pano ko daw nagagawang sumagot sa boss ko pag pinagagalitan ako. sabi ko eh tinatanong nya ako e, ano ba dapat gawin? sumagot di ba? sabi ni officemate, kung sya daw kse yuyuko na lang sya at tatahimik.
sabi ko hindi ko alam kung kanino ko nakuha yun, dahil ba batangueña ako o dahil matapang ang nanay ko. haluan mo pa ng teachers nung hs na pag pinapagalitan ka dahil maingay ka sa klase, sasabihan ka ng: “stand up and defend yourself!”
i love the prabins also. kaya nga dito ko naghanap ng trabaho. masarap ang hangin. hehe.

badoodles: @mareng chona nice one. si misis nga tinuturuan ko paano sumagot sa mga bosing nya, masyadong mabait…

20 11 2008
mangbadoy

uu nga naman ako nga namimiss ko rin ang pandesal wala kasing pandesal sa malaysia… namimiss ko ang bakery sa malapit samin at mga tsismosa sa kanto na walang ginawa maghapon kundi pag chismisan ka… i miss my shobiz life in the philippines… sa december babalik din ako kaya ihanda nila ang ballpen at papel nila para sa autograph ko… hahaha! galing mo bossing!

badoodles: @mangbadoy kanya kanyang hanap pala tayo ng foodtrip. paguwi mo dito sa pinas, pabaunan kita ng isang maletang pandesal. supply mo ng isang buwan. 😆

20 11 2008
joshmarie

nakipagtanan, nagtrabaho, live in, kinasal, naholdap, na-promote, nakipaglabing-labing, nakabuo ng bata at sa susunod na taon ay Daddy na.-ANG DAMI NGA. HEHE. NAMISS KO DIN BIGLA ANG PROBINSYA NAMIN. 😦

badoodles: @joshy mabilis ang mga pangyayari parang naka steroid ang orasan. at pag stressed out at nasa rock bottom ka na, isa lang ang solusyon, ang daan pauwi.

20 11 2008
eiyelle

ako din po kapag marami na akong pera at pwedeng humilata nalang magdamag kapiling ng boyps ko gusto ko sa probinsiya din tumira..parang napakasimple ng buhay sa probinsiya at presko pa ang hangin.

yung guidance counselor din po namin dito sa skul taga tuge. pinasalubungan niya po kami ng pansit, imbes na kalamansi suka yung nilalagay..ang galing! sarap sarap.. 🙂

badoodles: @eiyelle weird di ba? kaya kailangan ko pang umuwi dahil wala namang nagpapansit dito na nilalagyan ng suka ang pansit at sinasabawan

20 11 2008
cutedanger

naku pre ayan na yung pabalot na pancit ko(batil patung super special) sarap nakakamiss tuloy ang pansit hay..

badoodles: @cutedanger pansit eaters yo. kayo nga din nung kasal ko, mas gusto nyo pang magpansit kaysa kumain sa reception. ibang klase. hehe.

20 11 2008
lio loco

sweet! hindi ko alam pero parang nangyari na rin sakin ‘to dati. de javu ba tawag dun? di miminsang nasabi ko na rin sa sarili kong pansamantala lang ang lahat dito sa maynila. pag madatung na ‘ko, kako, uuwi at uuwi pa rin ako sa tunay kong tahanan, sa probinsiya kung saan nagsimula ang lahat. nice post kua! tipong pagkabasa mo eh gusto mong mahimbing sa pagkakatulog matapos ang sulit-sarap na pakikipag-pulot gata. lol!

badoodles: @lio loco habang natutulog ka, kinopya ko ang nasa utak mo. pati din mga gamit nyo sa bahay nilimas ko. [parang akyat bahay gang? hehe].

thanks thanks

20 11 2008
Ayyang

that’s nice, manong..hhehe. proud of our pinanggalingan..
dami talagang masasarap na pansitan sa Cagayan.. makauwi nga din. hihi kaso walang sleeper bus pauwi samin 😛

badoodles: @ayyang yun lang. good luck sa byahe.

20 11 2008
bart

nalalampasan ko pala ang bayan nyo pag umuuwi aq. sobrang pilyo mo palang bata ka……naku wawa ka badoodles pag lumabas na ung anak mo at sampung beses ng tigas ng ulo mo..hayzzz…

badoodles: @bart mabait na yung baby ko, nahaluan ng dugong madiplomasiya galing sa misis ko.

20 11 2008
SEL

i dedicate the song sierra madre by coritha to you badoodles..ibang lugar lang pero sapul sa thought ng blog mo. .ingat po lagi.-feeling close talaga..panindigan!

badoodles: @sel bwahaha. bastos ka. palaging nire-request sakin yang kantang yan nung mananahi sa kanto namin noong dj pa ako. yan yung pioneer ng emo ng panahong nakaraan.

21 11 2008
Lei

wow! kaya pla sleeper bus! astig naman un.. nakahiga? cooooooooool! anyway, wala kaming probinsya kaya di ako makarelate sa mga ganitong klase ng usapan pero isa lang masasabi ko.. swerte kau. Oo, swerte kau kasi meron kayong nauuwian kapag magbabakasyon o kaya naman eh parang family reunion. hehe. ung lolo ko kasi tska lola ko tubong maynila eh (ano un halaman? lols.) kaya pati parents ko ganun din. ang resulta, pati kaming mga apo, walang probinsya. malungkot din kapag bakasyon. boring. haha.

p.s
ang ganda tlga ng mga shots.. may skill ka pala talaga sa photography? ako wala eh. hehe.

badoodles: @lei wala akong skill sa photography, photoshop lang yan, konting lomo effect na hindi halata.

21 11 2008
camilleeee

siguro wala sa mga okasyon o sa dami ng lugar na pedeng galaan ang dahilan kung bakit gustong gusto pa din natin umuwi. da best ang mga ‘memries’ ng lugar na pinanggalingan natin. at walang kasing kumportable yung feeling pag andun kna. hahay…

badoodles: @camilleeee there’s no place like home. isang paa ko pa lang ang nakakaapak pababa ng bus, pakiramdam ko nasa sala nako ng bahay namin.

iba pa rin pag mga pamilyar na mukha ang nakikita mo. pag may nakikita akong kapwa ko nognog, natutuwa ako dahil ‘i belong’. haha.

21 11 2008
mayyang

naku! taga cagayan din ako.. nakakainggit ka naman at nakauwi kna kahit isang araw lang…

ang saya naman.. makauwi nga rin sa atin…heheheh

badoodles: @mayyang next year pa ulit makakauwi pag bininyagan ung first baby namin. kailangan pa rin talaga umuwi sa sariling bayan. in perness, mas magastos, isang barangay pakakainin mo.

21 11 2008
kulot

ofukinshet! katatapos ko lang mag almusal ng pansit na sobra ko kagabi, napabili ako dahil may tatak na pinoy food, potcha lasang arabo pa rin, and i like pansit a lot, yan ang bumubuhay sa akin nung mga panahon na nag aaral pa lng din ako ng kolehiyo sa tuguegarao. natatakam na ako sa batil batong!

sleeper’s bus, di ko kaya ang presyo nyan, mag eroplano na lang ako pauwi sa atin kesa yan.

1 day na bakasyon, dati gawain ko rin yan, isang araw lang din ako sa tuguegarao, kumbaga magcr lang tapos balik na ng manila kinaumagahan.

badoodles: @kulot pustahan tayo, takam na takam ka pa rin hanggang ngayon ano? haha. pati nga ako ngayon naglalaway. sarap magpansit.

hindi ko nga naisip, sana nageroplano na lang ako, pareho lang presyo sa promo fare ng cebu pacific.

21 11 2008
joshmarie

tama ka sir badoodles! at ilang linggo na lang tatahakin ko na ang daan pauwi. 🙂 huwaw! tinawag mo akong joshy! hehe. la lang. mga kakilala ko lang sa totoong buhay ang tumatawag sa kin ng ganun. hehe. ambabaw. ikinatuwa ko talaga yun.

sige baboosh muna sir! maghihintay ako ng next post mo! 🙂

badoodles: @joshy [syempre kailangan joshy ang tawag ko sayo kasi nababasa ko ganun ka tawagin ng mga friends mo, nakikifriend na din. haha].

21 11 2008
joshmarie

PS:
Natawa ako sa WALANG KOPYAHAN NG BLOG ENTRY. NAKAMAMATAY. nyahahahahahah!

badoodles: @joshy honga. bwahaha. dami kasing nangongopya, tipong hindi napagkalooban ng higit sa limang brain cells para makayanang magkwento ng sariling buhay. nagblog pa kasi. hayzz poor people. [kamot ulo na lang…]

21 11 2008
Kotsengkuba

hindi ko pa na-try yang sleeper bus na’yan. dito maraming sleeper train pero di ko parin na-try. hehehe. musta badoodles, kelan ang due date?

badoodles: @kotseng kuba parekoy malapit na second week ng january. talagang kahit harangan ka ng kanyon jan sa tsina, alam kong bibisita at bibisita ka dito. haha. salamat.

21 11 2008
basurero

haha! Wow! napakasarap nga talaga ng pansit dyan ginutom tuloy ako. naalala ko ang pansitan samay tapat ng st. paul’s tuguegarao! napakasarap! (nanggagaling ata sa tabo na pangkuha ng sabaw ang lasa)
tubong tuguegarao ang pamilya ko kaya laki din ako sa pansit tuguegarao at sa longganisa nitong 3/4 ang taba. hehehe

badoodles: @karlo kailangan talaga may konting dumi para magkalasa. anong yak yak ka dyan. haha.

21 11 2008
Abad

saan ka nagpapancit boss? kailangan mo matry sa eva’s sa anaffunan. dabedabest.

badoodles: @abad aba.. aba.. lagalag ka na rin. oo masarap nga dyan. kinakarir mo yata maglakwatsa bro. ingat na lang sa mga sinasamahang tao. keep safe.

21 11 2008
pepe21

sarap siguro magkayaking?
kelan ko kaya mararanasan iyon?
hahaha.

badoodles: @pepe21 dabest yan. nature trip talaga.

22 11 2008
mumusakanto

ang cool naman ng vacation mo 😀 sayang hindi ko nagawa yan nung umuwi ako ng pinas.. panay inuman ang bar hopping lang ang mumu nung august nyaha.. balita ko nga mainit sa tugue, sa probinsya naman namen maulan saka madalas mabaha xD

badoodles: @mumu mahirap nga yan kung maulan, mamasa-masa at binabaha. bakit ba pag ako nagsasalita parang may himig kabastusan… hmm… it must be the weather 😉

22 11 2008
artesanias

Gracias por visitar mi blog
amigos .vendo artesanias de porcelana fria desde argentina

saludos desde buenos aires
giuli

badoodles: @por pabor ispamero habla amano.

22 11 2008
mcrey

Paano ba malalaman kung ano probinsya mo?

Hahah… laking QC ako kaya hindi ko alam kung ano probinsya ko? Probins mo na rin ba ang probinsya ng nanay at tatay mo?! Shet!

Oo nga madaling makapanilip sa probinsya, kasi kahit mapadaan ka lang dun sa tabing may makikita ka na eh… hahaha

Hindi kaya nakakahilo ang magbiyahe ng nakahiga?

badoodles: @mcrey pwede na rin. kumbaga ‘adopted son’ ka na rin ng probinsiya ng magulang mo.

hindi naman nakakahilo kasi maayos ung suspension ng bus. para ka lang nasa sala habang nanonood ng cable.

22 11 2008
byter

sarap talaga umuwi sa probinsya, dun pwede kang kumain kahit wala kang pera. presko ang feeling kahit walang aircon… lahat nang nakasalubong mong tao kalilala mo. pwede kang mag-text habang naglalakad dahil walang snatcher sa bukid.

na miss ko tuloy umuwi sa amin at manungkit ng bayabas…

badoodles: @byter at pwede akong manungkit ng bayabas kahit wala akong salawal. ok ok, sabi ko nga that’s gross.

22 11 2008
phot

hehehe.. yes syempre. nagkakaintindihan ang iniidolo at umiidolo. haha, me ganun!:))

22 11 2008
anakngpiso

at least kuya badoods di ka umuwi para lang umakyat ng puno ng mangga para mamboso…

totoo yan sa pakiwari ko.. kahit nasisilaw ako sa dollars na pangako ni uncle sam di ko pa rin ipagpapalit ang perlas ng silangan na to.. cheers-glesy the great ;p

23 11 2008
kosa

waw.. akalain mo yun aydol, kapitbahay nga talaga kita… proud ilokano..lols akala ko pa nman sa sleep bus na yan, florida trans lang.. waaaahahahaha baka nman dumadaan yan sa laoag.. makasakay nga din dyan minsan…

ay sekondemow-cion anakngpiso..lols

23 11 2008
ronturon

Huwaw! hindi ba totoong napaka-sarap ng nature trip… yan ang isa sa mga trip na trip na trip ko din pagtripan.. ha? ano daw? hehe.. pero seryoso, masarap talagang umuwi at magpunta sa lugar na malayo sa usok ng syudad.. takte.. parekoy, isa yan sa mga kailangan ko talaga ngayon…

makapag out-of-town nga ngayong kapaskohan… hehe

23 11 2008
faerietel

gsto kon sumakay sa sleeper bus! aus dn, kaya pla nag-uwian kasi makakatulog ng matwasay sa bus..:D

23 11 2008
James Mangun

Saya ng trip mo pauwi chong ah. Road trip nmn tayo sa inyo boss

24 11 2008
GODDESS

ang saya naman! taga cagayan din dad ko pero di pa ko nakarating dun. nakakamiss ang pinas!

24 11 2008
dyosa

nakaka adik talaga ang blog mo. im back from hiatus at ito agad ang hinanap ko. 🙂

24 11 2008
Sir Gie

tsk, tsk, tsk. sayang. di tayo nagkita. last week nandun din ako sa Tugue. umuwi bigla kasi namatay ang pinakamamahal naming ina. See my entry http://sirgie.blogspot.com/2008/11/my-mother-is-gone.html. pero kahit sa sanchez mira pa kami tumuloy, bumalik pa rin ako sa Tugue kasama si Tatang para lang magpansit batil patung! hahaha!

iba talaga ang Tugue. it’s home sweet home.

‘di ko ma naranasan magkayaking sa ating rio grande. pero nung pabalik na kami kagabi dito sa bulacan, nakow! talagang rio GRANDE! as in wala nang makakadaan kahit mga malalaking trak pa ng mga militar. kailangang tawirin mo ang dati nang mga kalsada sa lalim ng tubig na umapaw sa RIO GRANDE. umikot kami sa ilocos para lang makabalik uli ng bulacan!

25 11 2008
Curbside Puppet

gusto ko rin i-try ang white water rafting dyan sa cagayan river.

25 11 2008
Nenengsky

Aba naman, taga Tuguegarao ka pala. Nakapunta nako dun sa kweba, puro vandal parang bus lang na byaheng Baclaran-Fairview.
Sa Sabado pupunta akong Tuguegarao. Ang trip ko naman ay Pancit Cabagan sa Felecitas.
Tama ka ang init nga sa Tuguegarao, kaya ang toasted ang balat ng mga local dun.

25 11 2008
joshmarie

ibig sabihin nun sir badoodles, ang daming umi-idolo sayo. 🙂 nagbaka-sakali sila na mabahiran ng kagalingan mo kaya siguro ginagaya nila ang blog entries mo. hahaha. 🙂

15 12 2008
perpolstar

Taga Tuguegarao City, Cagayan ka pala manong Badoodles. Hehe! Magkakapitbahay lang pala tayo. Taga Ilocos Norte ako. At si erpat ko ay taga Cagayan din.. Hehe wala lang. Agbiag ti ilocano! xD

19 12 2008
trina

Haha Napatawa tlag ako dito sa post mo. Namiss ko tuloy ang Tugue. Di bale ilang araw na lang pauwe nko. Miss kna ang pansit. Buti na lang maginaw na sa Tugue ngaun at di ako masusunog hehe

7 02 2009
bioniclugaw

bok magkapitbahay lang pala lugar natin. pareho ding may pansit. nyahaha!!! kakamiss talaga probinsya.

18 02 2009
idmorps

idmorps = promdi.. hehe.. kakamiss ang probinsya..

20 02 2009
popoyt

hay taga 2gue k pla badoodles..kahit tga maynila ako..my mga kaibgan ako sa isabela..natikman ko n rin pansit nyo..ang pansit batil patong…mas msaaaarap xa kesa sa pansit cabagan…madiming sahog

8 08 2009
Roland

Kakainggit naman ung may mga probinsiya na inuuiwian. Di katulad ko na lumaki na isang sunog baga (hindi dahil sa inom kung di sa usok ng Maynila). Keep writing Sir!

28 09 2009
doanel

Lukdit, ammom met la agilukano. Isu met lang nga nauttog ka a ta napudot diay lugaryo, hehehe

25 11 2012
Kandy

German Moreno is a famous Pedophile and use to rape Billy thats why he left German Moreno to get away from his perverted hands.? Panget talaga ng mgaPinoy…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

24 05 2013
Ron

I quite like reading through a post that will make men
and women think. Also, many thanks for permitting me to comment!

7 08 2013
Tropical Storm Sandy

I’ve been browsing on-line more than three hours these days, but I by no means discovered any interesting article like yours. It’s pretty value enough for me.
Personally, if all webmasters and bloggers made good content as you did, the internet can
be much more useful than ever before.

7 08 2013
AAPL

Link exchange is nothing else but it is simply placing the
other person’s weblog link on your page at proper place and other person will also do same in favor of you.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: