Under the Same Sun

26 11 2008

 

Napanood ko sa TV Patrol noong isang gabi ‘yung pagkakahuli ng lider ng mga sundalo matapos makorner ang kanilang buong grupo.  Pamilyar ang pangalan.  ‘Sana hindi, sana hindi’, napaso pa ang dila ko sa paghigop ng kape kakasabi nito.  Tuluyan na ngang pinakita sa tv ang mukha ng sundalo, na parang ‘photo grab’ lang mula sa kanyang Friendster account.  [Napaka-resourceful ng media].  Lintik.  Si Cammayo nga.

 

Nagbalik sa alaala ko ang nakaraan.  Upper class ko ‘tong si 1Lt Vicente Cammayo mula ROTC days pa lang hanggang sa sumubok akong magsundalo.  Mabait na tao si Cammayo.  Sobra nga ang respeto sa ‘kin ng taong ito kahit minsan hindi pa ako pinatikim kahit isang unday ng suntok.   Mas malaki kasi ako sa kanya kaya di niya ako magawang batukan. 

 

Pag pumasok kang opisyal ng ROTC kung anu-anong ‘rites of passage’ ang ipapagawa sa ‘yo.  Meron ‘yung pag MWF na pagpasok ko sa school dapat nakarubber shoes ako sa kanang paa tapos tsinelas naman sa kaliwa tapos may necktie pa na parang nareject sa audition na maging miyembro ng ‘Walang Tulugan’ ni Kuya Germs.  O kaya naman ay bigla lang akong pasisigawin ng tulang ‘Andres Bonifacio Atapang Atao’ sa gitna ng pila ng bayaran ng tuition fee.  May kasama pang matinding hand gesture ‘yan.  Tawanan ang mga nakapila kaya kilala na ako sa accounting office.  Siyempre basta kagaguhan game ako dyan, minamani-mani ko lang.

 

Nasa third year college na ako nang maireklamo sina Cammayo ng  ‘hazing’.  Pumutok ‘yung ugat ng isang ‘recruit’, nagkaroon ng internal bleeding.  Wala akong kinalaman dun, mga airheads upper class na naman ang may pakana nun.  At sa kamalas-malasan pinarusahan sila ng school ng non-readmission at ‘yung iba naman ay naexpel.  Alam ko walang kasalanan si Cammayo pero dahil andun siya sa pinangyarihan kaya sabit siya.  Dahil ganun nga ang nangyari, ako na ang tumayong corps commander mula noon at tuwing Sabado ay pinapagulong ko sa putikan ang mga bandidong kadete.  Clueless ang mga kadete kung ano bang kasalanan ang nagawa nila, isang misteryong dadalhin nila habang sila’y nabubuhay.  Wag mo ‘kong tanungin, nakalimutan ko na rin kung bakit ko pinapagawa sa kanila ‘yun.

 

Muli ko na lang nakita si Cammayo sa loob na mismo ng Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela, pareho naming gustong magsundalo.  Malaking adjustment din ang magiging ka-buddy niya ako sa training sa kampo.  Una, hindi ako sanay na may kasabay maligo. Pag ‘buddy system’ kasi dapat magkasama kayo kahit saan kahit kailan.  Inip na kakatok ‘yang si Cammayo sa banyo habang naliligo ako.

 ‘Hoy matagal ka pa ba?’, tanong niya. 

‘Sandali na lang ‘to’, pero ang totoo matagal talaga akong magkudkod ng betlogs ko.  Mapapasipa na lang siya sa pintuan at pag minalas malas ay hindi na makakaligo at maghapong mangangamoy poultry house.

 

Nasa ikalawang buwan ako ng pagsusundalo ng magkasakit ako.  Ni-radyo na nila sa bahay ang nangyari.  Doon na nagsimulang huminto ang mundo ko.  Umiiyak na ang Mommy, pinapauwi na ako ‘wag ko na daw ituloy magsundalo.  Ganun din ang tatay.  Nakakahiya mang aminin pero ganun na nga, isang lagnat lang ang tumapos ng lahat. 

 

Bakit ba gusto kong magsundalo?  Simple.  Wala akong ibang alam na trabaho.  Sabi ko noon, kung hindi ako magiging sundalo, dalawa lang ang pwede kong pasukin, ang magbenta ng kawad ng kuryente diyan sa may bandang Guadalupe o kaya ay magpakita ng titi sa strip club.  Wala naman talaga akong pakialam kung anong ideyalismo ang pinaglalaban ng kung kani-kaninong grupo, basta gusto ko lang sumweldo ng tama, tapos na ang usapan.

 

Kung tutuusin, wala naman talagang dahilan para mag-away away tayo.  Pare-pareho lang tayong mga Pilipino.  Pare-pareho lang na maiitim ang singit, siko at betlogs natin.  Sino ba ang pinaglalaban ng mga NPA? Wala. Pare-pareho lang tayong nabubuhay sa ilalim ng araw, pansamantalang nakikitira dito sa mundo at pagdating ng panahon ay mamamatay din tayo at magiging pataba sa lupa.  Kaya magbati-bati na tayong lahat, owkei? Tara, tara group hug na tayong lahat, at kasama ka seksing miss.

 

At sa pagbabalik tanaw, di ko alam kung sinuwerte ba akong mangyari sakin na hindi maging sundalo dahil kung nagkataon, kasama pala ako ni Cammayo ngayon na nasa kamay ng mga NPA.  Siguro papatayin na nga lang ako ng mga tanginang NPA na yan, magjo-joke pa rin ako.  ‘Yung tipong bago tadtarin ng bala ang katawan ko sasabihin kong, ‘Teka, teka lang kumander, last Erap joke ko na ‘to, makinig ka muna.  Pramis nakakatawa na ‘to’.   

 

Pero ‘yun na nga, magkakaiba na kami ng landas na pinuntahan.  Ang magagawa ko na lang ngayon ay mag-antay ng balita, makiusyoso at magdasal na sana.. sana lang.. makapiling na niyang muli ang ang kanyang pamilya bago man lang mag-Pasko.

 

Picture 1] Si Cammayo kuha mula sa screengrab ng isang video file na pinalabas ng mga NPA sa mga diyaryo. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

59 responses

26 11 2008
Sir Gie

nakakagulat. ipinaalala rin sa akin ang aking lolo na matagal-tagal na ring naging biktima ng karahasan sa mindanao. kung maalala ninyo si dating heneral batalla na hinostage noon ni rizal alih. si hen. batalla ay lolo ko dahil pinsan ng lola ko.

minsan, nadatnan ko sa isang hintayan ng sasakyan sa may junction luna sa abulug and isa sa mga dati kong kaklase nung high school pa ako. nakauniporme siya ng sundalo. natanong ko siya. ‘saan ka galing?’ ang sagot niya,

‘sa marag.’

‘anong nangyari?’

‘encounter, bro.’

naikwento niya na nakita niya sa kanilang enkuwentro and dati naming kaklase. nasa kabila daw siya. nung magkatutukan at biglang nakilala ang isa’t-isa, ‘di nila kinalabit ang gatilyo. nagkamayan at naghiwalay sila sa gitna ng bakbakan. parang pelikula.

‘di talaga kailangan ng pagbubuwis ng buhay dahil lamang sa mga ipinaglalaban na prinsipiyo. napag-uusapan naman sana ang kapayapaan.

ang liit-liit na nga ang ‘pinas, hati-hati pa.

badoodles: @sirgie lolo mo pala si batalla, naaalala ko nga yang hostage taking na yan sa hotel delfino.

very moving anecdote. tumaas balahibo ko kung meron man. thanks for sharing.

26 11 2008
yzah

tsk tsk. wala lng may naglecture dati sa school namin bout sa mga NPA..dati syang magnacumlaude sa ATENEO tas bigla bigla nirecruit ng anak bayan tas after 3 months nagulat sya nasa bundok na sya kasama NPA..at ang malupit naging kumander pa sya dun!at hindi na nya mabilang ilan na napatay nya at napabayaang kabataan..dahil lang sa communism na ipinaglalaban..putek..pero ngayon nasa kamay na sya ng AFP..kaya nglelecture na lng sya sa mga schools para wala ng marecruit yang mga anakbayan, grabriela, at kung anu ano pang organisasyon na mostly eh matatagpuan mo sa pup..i wonder why!

badoodles: @yzah nasa huli talaga ang pagsisisi. sana lang matapatan nya ang mga buhay na nawala dahil sa kanya.

talagang diretsong tinuro ang pup. di ba pwedeng iblind item na lang. patay tayo nyan sa kwentongbarbero – pup tsapter. hehe.

26 11 2008
The Gasoline Dude

Ganun naman talaga ang buhay. Lahat ng pinapasok natin, may risk involved. Kadalasan nga nabubuntis pa eh. *LOLz* Paano na lang kung nag-sundalo ka? Shyet! Magba-blog ka pa kaya? Hehe.
= P

badoodles: @gasdude maliit ang tsansa na naging blogger ako. at kung naging blogger man, baka asa bakbakan ako, plurk pa rin ang inaatupag ko. kumusta naman un.

26 11 2008
kosa

at dahil ako ay nasa top5 kritiko este komneto,
sobrang saya ko…

ganto yan idol.. hndi nman sa ng-aaway away ang mga pinoy.. ganyan lang siguro talaga mag-lambing ang karamihan.. di ba, umamin ka… di ka ba ginegera pata ni ni misis? pero pagkatapos nyan tuloy parin ang labing labing… ganyan talaga ang buhay.. kailangan ang away away..

sige ipagdadasal ko si camayan ba yun? kid camaya?
ahhhh cammmayoo pala..sorry tao lang
akala ko si kid camayan eh.. yung kamag-anak kong magaling sa sexbols

badoodles: @kosa hindi ko alam kung anong klaseng orgasmic excitement ang dulot ng makasama sa top5 comments pero congrats pa rin. sincere yan. dahil kasama ka sa top5, susuwertehin ka hanggang sa susunod na taon.

26 11 2008
joshmarie

gandang hapon sir badoodles! 🙂

natuwa ako dahil hindi ka tumagal sa pagiging sundalo. 🙂 kung nagtagal ka dun, wala kaming kinababaliwang blog sa opisina kapag stress kami at walang tulog. 🙂

badoodles: @joshy ako din natuwa dahil narealize kong meron pala akong career sa labas ng pagsusundalo. salamat.

26 11 2008
popoy

ay sya ba yung may asawang buntis? nakakaawa nga itong sundalong ito kuya badoods. kakilala mo pala. tsk

para kasing tanga yang mga NPA, gusto ng maayos na buhay pero anong ginagawa, ginugulo naman nila. tanginang yan. mga pakshet. tsk tsk.

badoodles: @syanga poy. dating classmate naman ni bebeKo yung asawa nya ngayon. dinig ko kay misis cpa yata.

tama ka dyan. magkasundo tayo ng opinyon tungkol sa npa. pero dahil ikaw sinabi mo ng deretsahan at ako naman nasa isip ko lang, pwede ka nilang hantingin. labas nako dyan.

26 11 2008
gladita

hay naku, kung imbis na namundok eh nagtanim na lng sila ng kamote may pagkain pa mga anak nila.

badoodles: @gladita samahan mo na rin ng sitaw, bataw, patani. pati palay na din para makatulong sa rice shortage.

26 11 2008
raechelle

‘Teka, teka lang kumander, last Erap joke ko na ‘to, makinig ka muna. Pramis nakakatawa na ‘to’.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

benta!

badoodles: @raechelle panalo ba? kung sana ikaw na lang ung npa, tingin ko masasalba pa ang buhay ko sa tiyak na kamatayan.

26 11 2008
SELaplana

masuwerte ka pa rin komander at lumabas ka sa pagkasundalo kundi baka letson ka na ngayon ng mga NPA.

Nalala ko pa noong bata pa ako sa bukirin namin, daming mga NPA dumadaan don. Mas mataas pa nga M14 rifle sa kanila. Pagkakita ng papa ko, sinabihan agad ako na yumuko at wag silang tingnan. Tapos, sisigaw yung isang matangkad na nakasombrero ng pang militar na “Sir!” si papa ang tinawag, Sir dahil tetser papa ko, “Wala kayong nakita! wala kayong narinig!”. Tapos sasagot papa ko, “Wala… wala akong nakita… wala akong narinig…”

badoodles: @SELaplana sinuwerte nga lang siguro ako. salamat sa pagdaan. di ko ito inasahan pero tenkyu pa rin.

26 11 2008
Matt Alino

Sadyang mapagbiro talaga ang tadhana.Akalain mo yun nabihag nila si Camayo,minsan naisip ko na si Camayo ba eh kamag-anak ni Calayan?

Pero meron pang tanong nabumabagabag sa akin ginoong badoodles ano ba yung NPA?,yan ba yung bigas na mura at pinipilahan dati?

Pero seriously wish ko sana na mapalaya si Camayo at maging isa na ako sa mga power rangers para magupo namin ang karahasan sa mundong ito..

Salamat..

PS: Magkano na ba ang NPA ngayon na bigas?

badoodles: @matt magpinsan ang apelyido nila camayo at calayan.

tama. npa ang tawag sa murang bigas 👿

26 11 2008
mayui

nakakalungkot. sana ay pakawalan din siya ng mga bumihag sa kanya.

badoodles: @mayui naawa din ako lalo na nung makita ko yung asawa niyang buntis na umiiyak sa news.

26 11 2008
barefoot_alchemist

wow, kuya badoodles… sumubok ka rin pla maging sundalo, asteg…
henaku, isa lng masasabi… lets make peace not war…. hehehe…
kapayapaan ang kailangn ng buong mundo kya nde tyo natatahimik eh… tsktsktsk

badoodles: @barefoot imperyalismo! ibagsak! ehem… sabi ko nga, oa na ako.

sana lang magbalik loob na ang mga rebelde. mas masarap tumambay sa mall kaysa umakyat ng bundok.

26 11 2008
papansin

noong hayskul at college pa ako e pumasok din sa isip ko maging officer ng CAT at ROTC. pero laging naaamoy ng ate ko yung plano ko tapos isinusumbong ako kay daddy (naks!) at syempre todo-pagalit sakin.

buti na lang hindi nila ako kinunsinti noon at baka naisipan ko din mag-sundalo e sure na sure akong hindi pang bakbakan tong muscles ko haha.

badoodles: @papansin hindi biro ang mga training. matira matibay. may kasama akong natamaan ng bala sa sentido, training palang un. buti sana kung si super mario tayo at merong 3 lives.

26 11 2008
ronturon

Ang sabi sakin ng lola ko… kung walang sundalo, walang gera sa mundo. Tama naman si lola sa tingin ko…

Officer (kuno) ako ng CAT. nag enjoy naman ako nung high school badoodles, pero pagdating ROTC, hindi ko na nagustuhan. At hindi rin pumasok sa isip kong magsundalo. lolz

ikaw kaya no? kung natuloy ka jan, may kwentong barbero pa kaya? siguro meron pa rin kasi once a blogger always a blogger naman.. nasa dugo mo na yan parekoy.

kilala mo talaga si cammayo? huwaw… ganun talaga ang buhay, kanya kanyang oras lang yan ng pagsikat! lolz.

badoodles: @ronturon ayoko namang sumikat sa ganung paraan. its hard to be like him.

kung blogger ako? malabo. pero dakilang kwentong barbero, oo.

26 11 2008
b@kekang

naging officer aq sa CAT nung hi-skul aq pero umiyak aq ng maging platoon leader aq kc hate n hate q yang ranggong yan..at sa tuwing me parade kelangan p nming pumunta sa mga barracks ng mga sundalo para humiram ng uniform at combat shoes hayzz..

badoodles: @b@kekang ganun. magkakapalitan kayo ng amoy nyan.

26 11 2008
Pepe McKunat

di ko sinubukan ang ROTC.
narinig ko kasi ang BILARAN sa araw.
tsaka ayokong magkaroon ng BAKTOL.
nung CAT, aus pa. kasi iyong araw na tinatapat sa amin ay palubog na.
hahaha.

badoodles: @pepe akalain mo di ako nangamoy b.o. ng mga panahong un? ibang uri siguro ng pawis ang nilalabas ko, parang calvin klein lang. weird. haha.

26 11 2008
mangbadoy

atleast bossing naiba ka ng landas at hindi lang yun napansin ko rin na payatot ka pala nung nasa rotc ka unlike ngayon na healthy ka na…. ganun talaga ang mga lalake diba pag nag wowork na nagiging healthy na… lol!

badoodles: @mangbadoy lean ang mean pa ako noon. parang bagong tuli lang. haha. tataba ka talaga pag nakapag-asawa ka ng magaling magluto…

26 11 2008
ahkong

Bakit nga kaya may mga taong gustong sumanib sa NPA ? Sa Russia halos nawawala na ang Communism, nagiging demokratiko na sila. Ang East Germany hindi ba matagal na ring natapos ang Communism sa kanila.

Tapos nasaan ba ang lider nilang si Joma, di ba nasa Netherlands, nagpapakasarap doon. Maganda ang tirahan, masarap ang kinakain tapos yung mga tauhan niya nasa bundok ? Anong klaseng leader yon ?

Sana magising na sa katotohanan itong ating mga kapatid para magkaroon naman ng kapayapaan sa bansa natin. Magulo na nga mga leader natin, may Abu Sayaf na, may MILF pa……kung buhay siguro si Bonifacio malamang pinagtataga na sila….LOLs

badoodles: @ahkong magdilang anghel ka sana. nyahaha. mahirap isabuhay ang teorya ng komyunismo ng pagkapantay pantay. masarap lang syang pakinggan pero imposibleng gawin. kaya nga nagbabagsakan na ang mga bansang komyunismo. at kahit naman sabihin ng china na communist sila, ang totoo, wala din silang pinagkaiba – meron pa ring sobrang yayaman at mahihirap. asan ang pagkapantay pantay don?

bilyon ang nagagastos ng gobyerno para sugpuin ang insurgency. isipin mo na lang mase-save un kung wala nang mga rebelde. mapupunta pa sa mga kapaki-pakinabang na bagay at wala pang buhay ang maibubuwis.

26 11 2008
a.r.d.y.e.y.

corps commander ka pala. pero pasensya ka na, themesong ko noong CAT at ROTC ang kantang ‘YOKO’ ng Eheads eh. hehehe. complete waste of time ang naging tingin ko sa maghapon habang nakabilad sa ilalim ng araw, at ang dahilan ay para magutom para siguradong bumili ng siopao at softdrinks na overpriced.

mukang tanga lang naman yang mga NPA na yan, kahit mismo mga kanayon nila eh nababalutan lang ng takot kaya nakikisama sa kanila.

badoodles: @pareng ardyey no choice ako dun, afp nagpapaaral sakin. power play shit lang naman yang rotc. pikon talo. buti nga ngayon di na katulad ng naabutan natin. ngayon may choice na sila kung gusto nilang maging nognog o community work na lang.

27 11 2008
FerBert

Bossing para ka pala si Alexander the great! isang lagnat lang ang katapat.. stig

lahat naman ata ng lalake dumaan dyan sa pangarap na maging sundalo.

at tungkol sa kaibigan mo bossing.. dasal na lang tayo..

P R A Y

badoodles: @efbee alexander d great? alam ko namatay yon sa french fries na may lason. kahit kelan di maaasahan ang impormasyong nababasa sa tiktik.

27 11 2008
MARU

….”Tara, tara group hug na tayong lahat, at kasama ka seksing miss.” <<< ako ba ‘to? sige na nga! join na ako sa group hug.

pre, kahit hindi ka nag sundalo…alam ko magaling ka magpaputok. at higit sa lahat ASINTADO!

badoodles: @mare tagal ko nang hindi tumawa ng ganito kalakas. kahit kelan u never fail to tickle my funny bone.

27 11 2008
beero

di ko man lang nabalitaan to. huling-huli na talaga ako sa balita. buti na lang informative tong blog mo kuya bosing. hehe.

yun talaga ang pinakamalaking risk sa pagsusundalo, yung anytime pwede kang ma-dead sa kamay ng mga bandido. buti na lang nagkalagnat ko nun kaya di natuloy pagsusundalo mo. malamang kasama ka ngayon ni cammayo. tsk! saka ini-imagine ko kung ano magiging blog mo nun, “KWENTONG SUNDALO” sa halip na “KWENTONG BARBERO”. nuff said. ang korni ko na. lols.

anyways, let’s all pray for cammayo’s safety…

badoodles: @beero kwentong sundalo? pwede. ano kayang pinagsusulat ko dun? pang-aasar sa japorms ng mga npa at sundalo. at walang katapusang joke stories.

27 11 2008
eiyelle

nakakalungkot naman po yung nagyari kay lt.camayon, sana yung mga buwaya nalang sa gobyerno ang nabibihag ng NPA kahit pagpapatayin na nila yun ayus lang…

panalangin ko po na magkatotoo ang dasal niyo..sana nga po makapiling na ni lt. camayon ang kanyang pamilya bago magpasko.

badoodles: @eiyelle sana nga… sana…

27 11 2008
eiyelle

nyaha! mali camayon talaga? lt. cammayo pala..sori.
kase naman biglang pumasok sa isip ko yung salitang camayot..

World peace!

badoodles: @eiyelle kulang yan… may mga alien ding nagbabasa ng blog nato. tama na ba yung universal peace? bwahaha, demmet aym so packing korni.

27 11 2008
anakngpiso

wait!!!!! bago ang lahat.. napalingon ako ng may tumawag na seksing miss…

buntis yung asawa.. hala kawawa naman, nag-uumpisang pamilya din… sana nga…. buti na lang di po kayo napasama pano na lang kung nag kno-knock-knock who’s there ka pa lang finiring squad ka na?

totoo yan… pero anong magagawa ko? ni magpaputok nga ng watusi takot ako… ang tanging magagawa ko na lang eh magdasal na sana maging okay lahat….

godspeed.. cheers;p

badoodles: @anakngpiso isipin mo un kung nagkataon, nagjo-joke pa lang ko tinatadtad nako ng bala. mga walang puso. di man lang pinatapos punch line ko.

27 11 2008
juyjuy

hala..relax ka lang bossing badoodles..
pag nagtayo ka na ng prayer rally para makauwi si Mr. Cammayo sasama ako.

badoodles: @juyjuy sana nga makauwi na si Cammayo. sabi ng npa, lilitisin daw sya sa mga possible human rights violations. reklamo sila ng reklamo ng human rights violation, hindi nila nakikita ang sarili nila.

27 11 2008
carelesshush

ay so sad naman..

binalak mo magsundalo?? di ko maimagine na ang joker na tulad mo e isang sundalo nyahaha..pag nakakakita kasi ako ng mga sundalo feeling ko napaka-stiff ba nila??

pero korek ka badoodles, tinatanong ko rin yan minsan sa mga nakakabaliktaktakan ko..ano ba pinaglalaban ng mga NPA?! sa tinagal tagal nila sa bundok parang di na nila alam kung ano nga ba pinaglalaban nila eh…tsk!

badoodles: @carelesshush paepeks lang ung pagiging stiff. obserbasyon ko sa kampo, pagkatapos ang maghapong trabaho, walang katapusang kwentong barbero stories na yan.

27 11 2008
gasti

andami mo talagang naranasan bago narating ang stable job mo ngyon pre..nakakamangha rin. buti na lang at hindi ka natuloy sa pagsusundalo..mas maigi na rin na kasama mo lagi ang pamilya mo. matinding sakripisyop ang kelangan pag sundalo ka..lagi pang delikado buhay mo.

sana makalaya pa yung sila Cammayo at makauwing ligtas sa pamilya nila. magpapasko pa naman.

badoodles: @gasti si gasti ba to? parang anseryoso din hindi ako sanay. haha.

oo nga. sakin nman minsan lang tayo mabuhay, kaya sulitin na natin lahat ng gusto nating gawin. next na gusto kong gawin ay magtayo ng beerhaus na may pandak na prosti. gusto mo sosyo tayo? haha.

27 11 2008
umleo23

Hayyyyssss naalala ko pa! Noong gusto kong mag pulis dati! buti na lang hindi natuloy! malamang isa na ako sa mga malalaki ang tyan ngayun! wahahahahahahahaha

Naks Corps Cmdr! Bow down tau jan! 😉

badoodles: @umleo23 *off topic ayos ung bagong video na ginawa mo ung ‘bored game’. karir kung karir. pag sikat ka na wag mo kaming kalimutang ilibre ng siomai saka sagot gulaman ok?.

27 11 2008
raechelle

hahaha! oo panalo! sobrang maliligtas ka talaga sa aken! hahaha!

badoodles: @raechelle 😆

27 11 2008
Sesaryo

hanlupit mo pala idol! nagsundalo ka din. buti nalang di mo na tinuloy ang pagsusundalo. tama ang sinasabi nilang lahat, wala na kaming aantabayanang blog kung pinagpatuloy mo ang pagsusundalo.

badoodles: @sesaryo aksidente lang ang pagba-blog. one of those moments na gusto mong libangin ang sarili mo maliban sa pagtitikol. buti na lang nadiskubre ko ang blogging.

27 11 2008
Aldrin

Sa daming beses tayo nagkita dito sa pagkaginaw na probinsya natin, di ko inakala na naging opisyal ka sa ROTC boss rex (pwede pa siguro bouncer sa club o warden sa bjmp). Employed narin ako sa kung saan ka nagpakadalubhasa sa ilalim ng mga manyakis na abogado at sana palarin ako matuloy na makaenroll sa susunod na semester. Nagturo rin ako sa peborit school mo,kaso bawal ata dun di palasimba at di palaluhod, isang semester lang tuloy itinagal ko sa pagtuturo. Nagkasalisi tayo boss pero sabi nga nila “it’s a small world after all”, in tagalog ang libog naamoy.

Bukas na bukas memorize na ng mga estudyante ko mga nilathala mo dito.

badoodles: @aldrin hindi ko alam kung pano mo natunton tong blog ko, pero salamat sa pagdaan. sana hindi nakabawas ng respeto at nagbigay ng ‘disillusionment’ ang mga pinagsusulat ko dito. bosing mo pa rin naman ako di ba? haha.. gud lak sa law school. we know you’ll make it good there. the kupalz [me, javi and maeng] wish you all the best.

27 11 2008
lio loco

siguro may malupet ding dahilan ang npa na hanggang ngayon eh kanilang ipinaglalaban at inirerespeto ko yun. malupet dahil nakakaya nilang ilagay ang kanilang mga sariling buhay sa panganib para lang ipaglaban ang kung anumang adhikaing yun. ang kinokondena ko lang ay ang maling paraan ng pagpapahayag ng kanilang minimithing adhikain na kung di miminsa’y nauuwi sa pagkitil sa buhay ng mga walang kamuwang muwang. sad but true. magkakapatid tayo pero daig pa natin ang di magkakilala dahil sa magkakaibang paniniwala. wish ko lang this christmas? world peace. i thank you! lol!

badoodles: @lio loco salamat contestant number 12 sa yong inspirational na sagot dito sa question and answer portion. haha. wala akong bilib sa mga namumundok. pasensya na, pero kung talagang matatalino sila, hindi sila nagpa-brainwash sa iba pagkatapos sa huli na lang nagsisisi. wtf

28 11 2008
jeck

nagtry ka rin palang magsundalo pero di nakakahiyang sa lagnat lang natigil ang pagkagusto mo maging sundalo..ung kaibigan ko naman naging sundalo for 5 years..umalis sia dahil 3 naging asawa nia nung nagserbisyo sia ayun kinailangan nia ng mag abrod para masustentuhan ang 3 pamilya..hahaha(teka bakit ko ba nakwento to..)

tama ka sir badoodles…wla naman dahilan para mag away away..nalala ko sa isang seminar na naattenan ko, sabi nung lecturer..me isng lugar sa mundo na wlang record ng away/giyera…bkit? dahil wla sa vocabulary nila ang word na war…so ibig sabihin…ang mga tao lang gumagawa ng giyera…nakalimutan ko lang ung place na un…pero kung kaya nilang mging mapayapa bakit di kaya ng bansa natin? hays…

sana nga makabalik ang mga sundalong ito lalo na ngaung magpapasko na nakakalungkot un…

hay affected ako sa entry na to…nalungkot ako…

badoodles: @jeck haha. hindi naman obvious na apekted ka. hindi talaga. hindi. haha.

nang mabasa ko nga tong comment mo parang gustong tumulo ng luha ko sa kaliwang mata. kunsabagay seryosong usapin nga to, pangalawa sa mga alalahanin ko tulad ng kung ano ang memeryendahin ko mamya.

28 11 2008
antuken

noon pa man, sundalo ang isa sa mga nangunguna sa listahan ng ayokong mapangasawa. parang di ko carry ang laging nagaalala kung makakauwi pa ba ng buhay ang mister ko. 2nd in line pulitiko at 3rd lawyer — lapitin ng death threats. hehehe

sana nga makapiling nila ang mga pamilya nila ngayong pasko.

badoodles: @mareng chona parang lahat ng tinukoy mo ako lahat yan. gusto kong isipin na hindi ako yang pinatatamaan mo kung sakali mang ma-reincarnate tayo sa susunod na buhay.

29 11 2008
lei

naniniwala na ako ngayon na mahirap ngang magsundalo. sabi ng lolo ko training lang daw ng pulis mahirap na, sundalo pa kaya. ung uncle ko nga daw nagkasakit sa kampo dahil sa sobrang hirap ng training. umuwi mag-isa sa bahay tapos matapos gumaling ay balik kampo ulit. mas matapang pala sayo uncle ko.. di sya dinaig ng trangkaso at lagnat. haha. ayun na sya ngaun, pulis patola na. lol. NBI ang loko. taga samsam ng nahuling shabu. bakit nga ba di ka nalang nagpulis? tutal mahilig ka rin naman sa bakbakan.

syang hindi ko nakita ung muka ng friend mong si cammayo. wala kasi kaming TFC. sana al-qaeda nalang nakadukot sa kanya para nakita ko pa sya sa CNN.

joke lang syempre. =) pero swerte ka kuya badoods.. malakas ka kay God. plinano na nyang hindi ka maging sundalo kasi alam nyang magkakahostage-an.. pagpasalamat mu yan. hehe.

badoodles: @lei para ngang may news blackout, wala na din kaming balita. takot na din sigurong magcover ang media dahil dun sa huling nangyari sa kanila na kinidnap ng isa pang rebeldeng grupo.

sabi siguro ni God, kaw badoodles, ginawa kong pang-keyboard lang ng computer yang kamay mo, wag ka nang ambisyoso. ok payn.

29 11 2008
rencalago

i enjoyed reading your post
just dropping by..>

badoodles: @ren thanks.

29 11 2008
joshmarie

magandang sabado ng hapon sir badoodles! naglalakad-lakad lang po sa blog niyo bago mag-hibernate!

honga. mukang bonggang-bongga to the highest level ang karir mo sa labas ng kampo. paturo po humawak ng baril. hehe.

good afternight. 🙂

badoodles: @joshy night night! sweet dreams. may ‘utang’ ka pa sakin, wag mong kalimutan yun owkei? hehe.

29 11 2008
wei vines

i think, alam naman nila lahat ng consequences bago sila pumasok dun…tulad nung NPA, alam na nila mangyayari sa kanila if ever mahuli sila ng sundalo..ganun din yung mga sundalo… hayyyy

badoodles: @wei honga.

29 11 2008
budzhot

Ang pagkakaalam ko sundalo rin ang tatay ko noon hanggang naging albularyo at magsasaka. Gusto niya kasi tahimik ang buhay at malapit lang sa pamilya.

More power to you.

badoodles: @budzhot nothing beats simple life. less money, less worries.

29 11 2008
Jex saltik

Sir… May kalaban sa likod paki baril naman oh..

badoodles: @jex hindi ikaw talaga ung kalaban.. bang! bang! 😆

29 11 2008
watusiboy

nakakalungkot lang na dahil sa mga pinaglalaban nung magkabilang grupo, may mga taong nasasaktan.. galing ako sa isang eskwelahan na nakikisimpatya sa mga pinaglalaban ng mga NPA. pero hindi ako sang-ayon sa pag-aarmas.

at natawa ako dahil kinonsider mo palang magpakita ng titi sa strip club. haha.

badoodles: @watusiboy halos lahat ng taong iniidolo ko at humubog sa pagkatao ko ay galing sa eskwelahan mo. pero nasa akin pa din ung huling desisyon kung ano talagang gusto kong gawin sa buhay ko.

oo ganun ako kadesperado magkaroon ng trabaho maiahon lang sa kahirapan ang pamilya ko. [nagdrama daw? ] 😆

30 11 2008
annenoneymous

idol, dat’s wat u kol destiny… ndi ka talaga pang-war, pang-love kaw weh… :p

anoman wish mo for cammayo, ganon na din ako… keep blogging, badoodles!

badoodles: @annenoneymous huwaw talagang pangkilig na punchline yan, walang sinabi ang basta driver sweet lover. hahaha.

30 11 2008
Cindyrella

naaalala ko din ang pagiging part ko ng ROTC, grabe! candy passing yun bang pasahan ng candy, gapang sa putik, basta yung mga tipong magmumukha kang tanga! well, nakatagal ako ng 2 sem! halos di ko na din siya makayanan kasi, nagmukha akong taga munti.. hehe

badoodles: @cindy ayos lang ang rotc kung talagang balak mong magsundalo o kaya saming boys, para magpaimpress sa chiks.

1 12 2008
M

Nakakabahala na talaga ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Hindi mo na alam kung ano bang dapat mangyari sa mga panig dito, puro hindi magkaintindihan.

Eto yung mga sitwasyon na maiisip mong maswerte ka kahit papaano pero nalulungkot ka naman sa kalagayan para sa mga kasama mo.

Maging mapayapa sana ang kalalabasan ng pangyayaring ito.

badoodles: @m sana…

2 12 2008
julius

waaaa! skulm8 tyo pala noon kuya badoods!Ü

ka batch ko ung mga nag squeal noon! pero sa studies lng… d kc ako nag try na maging opisyal eh… pinagulong mo pala cna casay! hehehe! pis casay! ,v,,

badoodles: @julius ka-batch mo pala ung mga squealers. sabagay, desisyon nila un.

2 12 2008
phot

GROUP HUG!!!:)

badoodles: @phot tama na ba tong higpit ng group hug? higpit pa? 😆

2 12 2008
yin

binalak ko ring magsundalo pero balak lang talaga. wala namang masama sa pamumundok. pati sa pamumurol. at pagtatalampas. pati pamumulkan. di ba boss badoodles?

badoodles: @yin oo tama.

3 12 2008
Aling Peppay

Kuya natawa naman ako dun sa sabi mo na:

Siguro papatayin na nga lang ako ng mga tanginang NPA na yan, magjo-joke pa rin ako. ‘Yung tipong bago tadtarin ng bala ang katawan ko sasabihin kong, ‘Teka, teka lang kumander, last Erap joke ko na ‘to, makinig ka muna. Pramis nakakatawa na ‘to’.

Kulit nyo pala talaga! he..he..

badoodles: @aling peppay kulit is just a state of mind. subukan mo, matatawa ka din sa sarili mo. 😉

3 12 2008
theonlywordsallowed

whew..preho tau ng theme.,..XD.
love your blog…:)

badoodles: @ theme? di ko alam ang sinasabi mo.

4 12 2008
beero

tagal naman ng update bosing…[inip mode] 😆

badoodles: @beero eto na… eto na… mainit init pa.

20 12 2008
foobarph

Kung tutuusin, wala naman talagang dahilan para mag-away away tayo. Pare-pareho lang tayong mga Pilipino. Pare-pareho lang na maiitim ang singit, siko at betlogs natin. Sino ba ang pinaglalaban ng mga NPA? Wala. Pare-pareho lang tayong nabubuhay sa ilalim ng araw, pansamantalang nakikitira dito sa mundo at pagdating ng panahon ay mamamatay din tayo at magiging pataba sa lupa. Kaya magbati-bati na tayong lahat, owkei? Tara, tara group hug na tayong lahat, at kasama ka seksing miss.

– akala ko kung anong klaseng ‘bati’ yun. 🙂 tc!

20 12 2008
RS-23

yzah fyi lang hindi lang sa PUP makikita ang mga sinasabi mo. meron din sa iba’t ibang paaralan sa bawat sulok ng Pilipinas.

wag mo naman ituro sa PUP ang sisi

tsk

9 01 2009
RS-23

Pinalaya na si sir Camayo! hooray!

3 04 2009
MISSNOGOOD;)

pwd pabang magkoment d2?

*offtopic

nice blogs..

haha may mga blogs plang gn2..im dyin 2 have a books of bob ong pa nmn w8 ko umuwi sis ko sa pinas para mabili nya ako meron pla gn2..ehe syado bc kxe sa life..anewei ngsesearch lang ako ng layouts sa fs den nakita ko sa coolfs..sa side ung friends nya ung misskurdapaya.blogs nun andun na ako aun ung nkita ko c oi.greenpinoy..hanggang kay gasolinedude hanggang napunta nako sau haha =)sayasaya naman..nwei tawa ako ng tawa d2 sabi ng ate ko ‘kung crazy daw ako”haha sabi ko oo di mo lang napapansin haha..

tnx kc napasaya moko ehe=)cute din ng baby mo!

Godbless mua*

8 07 2009
kikay

sana binihag nila si palogan! hmp!

10 07 2009
krestoper

simple lang naman sana ang solusyon jan para wala ng ang gulo at karahasan,
respeto lang sa isa’t isa, matutong makinig sa palagay ng iba at wag gumawa ng bagay na pang sarili mo lang, (teka teka parang hindi na simple yun ah!)

hindi lang kasi matanggap ng magkabilang grupo ( gov at reb. ) na magkaiba talaga sila ng ideolohiya.

21 08 2013
Valentinah

Hay naku ang drama ng buhay ano…. ☺

30 04 2015
ollitsac noryaj

hndi nman drama ang pgi2ng NPA o pgi2ng kumunista.Ang gusto lng nla amanaos ibig sabhin gusto nlng mging parehas sa lhat at hindi iilang tao lng ang nki2nabang.
example:ikw ay isang manggagawa ng isang companya ng ma2haling damit.naka2gwa ka ng sampung damit sa mghapun at nasahod ka ng 500 daang peso mghapun.Tapus ng lkad ka pa uwi pra hndi na mbwasan ang iyong sweldo o sahod at hbang nla2kad ka bigla kang nkakita ng damit na gnagwa muh na nka display sa tindahan na ngka2halaga ng 5 daan ang isa.wla pa sa dalawang piraso ng dmit na gngwa nya ang kanyang sahod.Pero ung my kapital o may pera nka upo lng wlng gngwa mas mlaki pah ang npunta sa knila.

kya wg ntin clang husgahan dhil pinagla2ban lng nla ang krapatan ntin na hndi ntin kyang ipglaban at sumusunod nlng sa agos.

kya kung wla dn nman pho kyong ga2win mnahimik nlng ky0..!!
-_~

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: