My Wife Is A Gangster

4 12 2008

 

Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot.  Ang sweet ano?  Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’.  Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto.  Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama.  ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay.  Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’.  Natigilan ako, nagtakip ng ilong.  Mamya sabay na kaming nagtawanan.   

Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida.  Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay.  Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin.  Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata.  At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din.  Ayaw niya talaga.   Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.

 

Alala ko noong unang tatlong buwan palang ng kanyang pagbubuntis, sobrang bandido niya sa ‘kin.  Nakakatikim ako ng sipa, kalmot at pambabato na di ko naranasan nung magsiyota palang kami.  Oo ‘yung buong higaan binubuhat niya saka tinatapon sa akin dahil lang sa nagko-computer ako.  ‘Yun lang.  Sige na nga, nagi-internet ako tapos paminsan-minsan napapasilip na din sa mga porn sites [pero silip lang talaga, pramis, cross my butt].  Sabi ko hindi dahilan ‘yun para magwala siya.  Pero sa huli, sa lambingan din kami nauuwi.  Alam kong wala siyang kontrol sa emosyon niya nung mga panahong ‘yon, kaya pilit kong iniintindi ang pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan.  At ‘pag nangyayari ulit ‘yun, napapabulong na lang ako sa kanya ng, ‘Fuck you hormones.  Fuck you’.

 

Kapag binuksan mo ang kikay kit ng misis ko, tatlo lang ang posibleng laman – lip balm, mga coins [na ninenoks niya sa pantalon ko] at saka swiss knife.  Girl na girl ano?  Hahaha.  Kasalanan ko din dahil ako nagbigay sa kanya nung swiss knife.  Paniwala ko kasi kailangang marunong din ang mga babae na depensahan ang kanilang sarili sa panahon ngayon.  Mumurahin ‘yung swiss knife, mahirap hatakin ‘yung blade, tipong aabutin ka ng limang minuto para mailabas. At kung may magbalak mang mangholdap sa kanya, aangal ‘yung holdaper panigurado, ‘Ano ba? Matagal pa ba ‘yan.  Holdap na kasi!!’.  Kaya suhestiyon ni BebeKo, bilhan ko na lang siya ng panguryente ng holdaper.  ‘Yung taser.  Malakas ang boltahe nun, mangingisay kaagad ang sinumang tamaan.  Ngayon palang naiisip kong kawawa naman ‘yung nagbabakasakaling holdapin siya.  Mamamatay na walang kalaban-laban tapos tustado pa.  Si Boy Nenok magiging Boy Negro.

 

Ako naman may ugaling malandi.  Hindi ako nakakatulog ‘pag mainit ang paligid.
‘Be, aircon naman tayo’, lambing ko sa kanya.  Siya kasi nagbabayad ng kuryente, renta sa bahay, grocery at sa lahat lahat.  Ako naman ang tagabili ng sabon. 
‘Wag ka na, mag electric fan ka na lang’, diin na sagot ng BebeKo.

‘Lam mo namang di ako makatulog pag namamawis betlogs ko’, rason ko.  Tumayo si BebeKo saka pinihit sa numero tres ang industrial fan.  Tinutok sa pagitan ng hita ko ang daloy ng hangin.  ‘Hayan hindi na mamamawis ang bayag mo.  Matulog ka na’.

 

Sa kabilang banda, mas lalo kong minahal ang asawa ko.  Bakit?  Wala siyang kiyeme sa mga trip ko.  Pag umuuwi ako ng madaling araw, sabi ko, dapat pagdating ko gigising siya at ipaghahanda niya ‘yung pagkain ko.  Kahit antok na antok na nga siya, sige keri lang, babangon ‘yan.  Sinasabi ko sa kanya, ‘Iteybol muna  kita ha, wag ka munang tutulog-tulog diyan.  Napapangiti na lang siya dahil dumating na ang kanyang mabait na asawa tapos mamaya mawawala na ang kanyang antok.  Siyempre ang mga susunod na eksena ay hindi mo na kailangang malaman.

 

Sa mga papampam na ginagawa ko pinagbibigyan niya ako sa lahat.  Magkaroon lang ako ng sinat, natataranta na.  Binibiro ko nga ng ‘Libog ko lang ‘yan, ‘di ka na nasanay’.  Naisip ko nga kailan ba ‘yung pagkakataong ako naman ‘yung nag-alaga sa kanya ng todo-todo ‘pag nagkakasakit siya.  ‘Yung bawat bulong niya at daing, andiyan lang ako sa tabi niya.  Ilang beses ba ‘yung pagkakataong ako naman ang humalik sa parte ng katawan niya para mabawasan ang nararamdamang maga at sakit.  Nagkukulang siguro ako sa kanya pero nakikita naman niya ‘yung pagpupumilit kong magbago.  At gusto kong maramdaman niya ang pagbabagong ‘yun.    Hindi ko man mapagbigyan lahat ng lambing niya, importante andiyan ako sa tabi ‘pag kailangan niya.

 

Tama na ‘yung buong buhay siyang naging assertive at independent sa mga ginagawa niya.  Labs ko ‘tong gangster kong ‘to.  Oras ko naman ngayon para patunayan ang pangakong binitawan noong nagbigayan kami ng singsing sa simbahan:   ‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako.  Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’  

 

Picture 1] Si Seksing Buntis sa mall.  May halong daya talaga ang mapuputi, hindi mo halata kahit di naligo.  Pag magkasama nga kami mas mukha pa siyang malinis kaysa sakin.

Advertisements

Mga Tugon

Information

68 responses

4 12 2008
Sesaryo

number 1!! wuhoo. idol anlupit mo! haha. sweet mo naman kahit na sky is the limit ang kalibugan mo. hahaha.
yes una ako nagcomment. accomplishment yun. haha.

badoodles: @sesaryo wait wala akong maisip na premyo. ok na ba ‘yung exlinks na lang? meron ako ditong trip for 2 sa india pero dahil concerned ako sayo, di ko na lang ibibigay. haha. salamat sa link. tapos meron pa akong sariling trono sa blogroll mo. yehey.

4 12 2008
ronturon

lolz,,, ang sarap nyo pala maglambingan!!! lolz!

badoodles: @ron ambilis. nakadraft version pa lang ako nakapagcomment kaagad. amazing.

hehe sikret na lang natin un. lam mo na un.

5 12 2008
Cindyrella

wow ang sweet niyo namang magasawa.. sana ganyan din kami ng soulmate ko ^^
buntis ba talaga siya sa pic?

badoodles: @cindy ayaw maniwala. haha. buntis nga sya jan.

5 12 2008
joshmarie

sir badoodles!!!! ang sweeeeeeeeeeeettttt niyo naman. 🙂 ang swerte naman po ng bebe mo sa’yo. pero mas swerte ka yata sa kanya. hehe.

Nakakatikim ako ng sipa, kalmot at pambabato na di ko naranasan nung magsiyota palang kami. -PARANG GANITONG-GANITO ANG MUDRA KO NOONG NAGLILIHI SIYA SA BUNSO KONG KAPATID. SIGURO PAG NAGLIHI AKO, HINDI LANG AKO BASTA MANINIPA AT MANGANGALMOT. HEHE.

natawa ako sa swiss knife. saken po kase tear gas. yung jurassic fone na NOKIA 5110 na pakalat-kalat sa bahay, laman din ng kikay kit ko minsan. matigas kasi yun at matibay. saka kahit ipampukpok mo keri lang.

sir, alam ko po may utang pa ako sa’yo. gagawin ko na po. kelangan ko lang magpaganda. haha. nakakahiya kasing idisplay ang ngaragness na feslak. 🙂 gandang madaling araw sir!

badoodles: @joshy malapit na kong magdamdam ng labis sayo. i heyts u na… haha. sige ok lang un, lam kong busy ka.

5 12 2008
joshmarie

ang sad! hindi nagpost ang una kong comment. 😦

hello sir badoodles! ang sweeeet niyo naman. ang swerte ng bebe mo. pero mas maswerte ka sa kanya. 🙂

parang ganun na ganun ang mudra ko nang naglilihi siya sa bunso kong kapatid. siguro pag ako ang naglihi, hindi lang ako basta maninipa at mangangalmot. hehe.

natawa ako sa swiss knife. saken kasi tear gas. pero dahil medyo nakakahiya ang tear gas minsan, alcohol na lang na nakalagay sa bote ng pabango. kelangan talaga ng mga girls ng pamproteksyon sa sarili nila. natutunan ko sa self-defense clinic ng show namib, may silbi pala ang jurassic fone na 5110. kaya yung pakalat kalat na 5110 saa bahay minsan dala ko din. haha. jologs!

sir badoodles, may ‘utang’ pa po ako sayo. gagawin ko na. pasenysa na, magpapaganda muna ako. kahiya pag ngaragness ang ichura ng feslak ko. hehe. gandnag madaling araw sir!

badoodles: @joshy binibiro ka ng tadhana. lahat ng pinagko-commentan mo ayaw magpost. baka niyayari ka ni michael v.

5 12 2008
joshmarie

waaah. ayun nagpost pala. yung una. ampf. pasensya po. flooding. hehe.

badoodles: @joshy 😆

5 12 2008
kosa

wow… panglima nung nakaraan, pang-apat nman ngayun..
wala akong masabi.. oo nga ganun talaga ang buhay..lols minsan kailangan talaga ng kakaibang lambing..lols

bossing, idol—manager.. wag mong bilhan si bebemo ng panguryente sa mga holdaper..tama na yung swisnayf sa kanya.. baka magbago ang ikot na mundo, sayo unang dumaloy ang malakas na bultahe nung panguyente na yun..

badoodles: @kosa haha. kala mo lang pang-apat ka pero hinde… hinde… hinde… naisahan ka ng akismet.

dahil sa sinabi mo, nagbago na ang isip ko. wala nang taser taser. magtiis na lang sa balisong.

5 12 2008
The Gasoline Dude

‘Di ba lumalaki ang boobs kapag buntis? Wala lang, naitanong ko lang. Kumusta naman? *LOLz*

badoodles: @boobiesboy tuwang tuwa nga ako dun dahil sabi ko kung di dahil sakin hindi yan lalaki ng ganyan. work of art ko yun. sabi hormones daw nya un. ayaw man lang ibigay sakin ung credit. ampness.

5 12 2008
antuken

anseksi parin ng bebemo kahit preggy ha. i hope ako pag naging preggy tulad nya. hehe.

pareho tayong swerte sa asawa dahil masarap sila mag-alaga pag may sakit tayo. noong dalaga pa ako, di naman ako sakitin, ewan ko ba ngayong year, parang madalas ako magkasakit. at kahit walang sweet bone si hubby, pag may sakit ako dun ko nararamdaman yung sweetness nya. talagang nag-aalarm pa yun para lang iremind ako to take my meds.

ansarap ng may asawa ano? although minsan, kairita (lalo na kung gusto ko lumabas with friends at ayaw nya ako payagan. hahaha).

badoodles: @mareng chona pano strict ung OB niya. lumampas lang ng ilang guhit ang timbang ni bebeKo, nilalakihan na sya ng mata. sabi, ‘ikaw ate [tawag ni doc kay bebeKo] sige, lumamon ka pa ha, gusto mo bang ma-caesarian, ha? ha?.’ haha. balahurang OB.

ako yung palalabas kaya nakakarelate ako dyan. laging may pasaring pag lalabas ako pero sa huli papayagan din naman. at pag nagpapaalam naman syang lumabas, hindi ko sya pinapayagan. wala akong pakialam kahit work related. madaya. haha.

5 12 2008
FerBert

ayokong magkaasawa.. haha.. di bale na isang dosena anak ko basta wag lang magkaroon ng misis.. mamaya buhatin din yung kama sakin pag nag iinternet at bumibisita ako sa porn site.. 😛

badoodles: @efbee masarap ang buhay binata. magsilbing warning ako sa inyo. aalipinin lang kayo ng mga asawa niyo. bwahahaha. sige, maghuhugas pako ng pinggan. bye see yah… haha.

5 12 2008
Virex

hehehe.. nakakatuwa naman.. i can feel na you really love each other.. sweet.. ehehe

badoodles: @virex thanks for the visit. welcome sa blogging community. hintayin mo ung initiation rites namin sayo. haha.

5 12 2008
beero

may update na, yehey! lols.

ayus ang married life ah. [*mainggit ka lex*]. akalain mo’t di halatang buntis si ate bebeko pag nakatalikod. galing mong mag-alaga kuya bosing. ahehe. at di rin halatang may pagka-gangster. pero minsan may advantage din sa mga babae ang pagiging gangster-like. yung tipong kayang sumipa ng bayag at kayang ipagtanggol ang sarili. lols.

badoodles: @beero hayan na ung update ko, napagbigyan ka na… pakiramdam ko parang isang malaking krimen ang hindi magupdate ng blog. kulit nyo. haha. 😆

5 12 2008
camilleeee

ka sweet naman… good for you kasi bumabawi ka sa pagkukulang mo sa kanya. di naman kasi lahat umaaming may pagkukulang sila sa partner nila. haays..

ganda ng post. kinilig ako. hehe.

“May halong daya talaga ang mapuputi, hindi mo halata kahit di naligo..” <<< mean ba nito nde sya naligo nung kinunan yang pic na yan?
(nde naman sguro, ‘lambing’ mo din ata yan sa bebe mo eh 😉 )

badoodles: @camilleeee syempre lambing ko lang yan.

5 12 2008
_aBangNay_

hi badoodles,

lagi akong tambay d2 sa kwentongbarbero at isa sa lagi ngaabang at naiinip sa susunod n blog mu..
ngaun lng ako nakapagcomment hahaha shyness..
sana pag nbuntis ako kasing fit ako ng bebe mo.. waaah!
saya nyo cguro sa bahay nu? rambol kng rambol at isali nyo pa c inday. hahaha!
pero ang best part nun eh after ng rambol, lambingan 2 d max ang kasunod.. lol.

badoodles: @hi to u. wala kasing underscore sa keybord ko kaya ganyan na lang tawag ko sayo. ok lang naman yan, wag kang mahiya, hindi naman kita kakagatin. promise.

nwei, nice blogs at isa ako sa tagahanga mu! idol… ;p

5 12 2008
gasti

parang hindi nga buntis ang misis mo..8 months na yan ng lagay na yan ah..hehe!

parehas lang pala gangster ang misis natin. baka magkakilala rin sila. 🙂

badoodles: @gasti baka pareho din sila ng frat. lagi nilang pinagmimitingan kung pano nila tayo babatuk-batukan.

5 12 2008
umleo23

Wow! Sa nabasa ko mukhang mahal na mahal mo talaga siya Manager! Parehas kayong masuwerte sa isa’t isa. So walong buwan na pala buntis ang ilaw ng iyong tahanan… Exciting ito! Malapit na siyang manganak!

badoodles: @umwaleo malapit na nga. due by second week ng january. sana wag mapaaga. wala pa ung bonus ko. haha.

5 12 2008
mangbadoy

Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang sandalan mo at maging Superman habambuhay mo. >>> ang sweet naman bossing lover boy na lover boy ang dating! mas maganda nga yung babae yung nambubugbog mas cute ang dating kasi hindi masakit ang hampas at palo nila…

badoodles: @mangbadoy mr bigotilyo ang dating no? haha. kaya naman nainlab sakin ng todo todo. sinuutan ko na nga ng helmet para hindi na matauhan.

5 12 2008
paperdoll

wahhhhhhhhh naantig aco sa sinabi mong ‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’ tumagos talaga sa malaking dibdib co. . huhu. . balang araw may magsasabi din sakin nyan. . kung wala, gagayahin co nalang yan at aco na ang magsasabe. .

bakit kasi kailangan mo pa sumilip sa mga pornsites? kailangan ba talaga un? naku!

badoodles: @paperdoll darating ding cusa ang para sayo. cung ucol, bubucol. 😉

parang si ryan at juday lang dun sa kasal kasali kasama kasalubong katotnakan ang drama nyo ah. dun sa utotot. hehe. . sweet nyo talaga. . kainggitz:-(

5 12 2008
pey

waw.. ang swet! 😀

nakakakilig naman…

badoodles: @pey oye. 😆

5 12 2008
Maldito

na fefeel ko talaga bossing na mahal na mahal mo si mrs badods..hay..ako?

katulad din ako ni efbe..

ayoko ng asawa…gusto ko lang ng anak..ahaha..makabagong idealohiya..

badoodles: @maldito mag-asawa na kayo. habang di pa masyadong mataas ang presyo ng bigas.

5 12 2008
Pepe McKunat

sana magkaroon ako ng gangster na asawa.
para may adbentyur lagi.
di nauubusan.
di napapagod.
😆

badoodles: @pepe masyado ka pang bata para pag-isipan ang bagay na yan. 😆 you still have the luxury of time. enjoy it. para pag pasok mo sa buhay may-asawa, wala nang urungan.

5 12 2008
a.r.d.y.e.y.

kaya wag na wag ka nang makaisip na magloko, mahirap kapag may taser ang mga misis. hahaha!

ako rin nakonsensya dahil puro na lang si misis ang nag-aalaga sakin, at nung nagbuntis sya wala ako para alaagan sya. kaya bumawi ako noong umuwi ako sa pilipinas pagkapanganak nya. magtulog ka na hangga’t gusto mo, pagkapanganak ni misis yari ka. hahaha! =D

badoodles: @pareng ardyey mantika akong matulog. at kahit gisingin nya ako, matutulog at matutulog pa rin ako. may mga bagay sa buhay na pwedeng daanin sa dedma. hahaha.

5 12 2008
bomzz-in-iraq

wow! sir badoods talagang teksi pa si gangstah misis kahit tisbun ah! hehehe

galing mo talaga sir badoods mambola hahaha

badoodles: @bomzz ikaw din naman. pareho lang tayong malikot ang dila. we’re lucky bastards. haha.

5 12 2008
tim

Nice realizations. Siguradong isa sa mga nagustuhan sa’yo ni BebeMo e yang sense of humor mo sir. 🙂 In fairness, anseksi pa rin niya kahit na buntis. 🙂

6 12 2008
J i y u h

Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’

ang sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! grabe!!! wohooo!

ok move on bigla.

6 12 2008
Mike Avenue

Talagang sa mag-asawa dapat maging open ang feelings para maging close kayo sa isa’t isa.

OK kang asawa. Base sa nakasulat. Sana ok ka ding ama sa mga magiging anak mo.

Nasa huli ang pagsisisi.

Hangad ko ang iyong kaligayahan at ng iyong pamilya.

6 12 2008
rofel

panalo ung huling banat bossing. sweet.
baka mas nasesexyhan ung misis pag naka maternity pants kesa sa bestida?
at talagang 8 months pregy na jan ung misis mu,,, di halata.

gangster? baka member ang misis mu isang secret organization? ung parang sa mr. & mrs. smith.

6 12 2008
anakngpating

parang hindi po buntis si ate jan ah…hehe o hindi pa po xa buntis talaga jan sa pic nya …ang sweeet pa ng love story nyo heheh

by the way kuya makikisuyo lang gusto ko na rin kasi magsulat kaya eto gumagawa na rin ako ng likha na ewan ko po kung papatok hehe …gusto ko lang din po maging blogista kung hindi mamasamain ng iba hehe…mapuntahan nyo rin sana ang site ko kahit nagsisimula pa lang po ako

salamat po…

7 12 2008
jandale

magandang hapon sir. dahil sir ang tawag sayo ni joshie, makiki-sir na rin ako. matagal na niyang ipinagyayabang sa akin ang site na ito kaya tiningnan ko. saludo ako. may idadagdag ako sa list ko na paglilibangan ko sa states. watta sweet and sexy gangster!

7 12 2008
anakngpiso

ayos magkasunod pa kami ni anakngpating… kanino pa kayang anak ang susunod sakin…

8 months preggy na yan? weeeehh!!! dapat kasing laki na ng kalabaw yan ah.. payat…

‘Ano ba? Matagal pa ba ‘yan. Holdap na kasi!!’—> ahaha.. adik

lapit na si beybi… excite ka na?
cheers? cheers!!!-glesy the great

7 12 2008
ronturon

aha! at akalaing mong may pina-publish kang draft version.. lolz! ok lang yan! sikreto nating malupit yon! lolz

7 12 2008
phot

mr. badoodles, nagsisimula na naman akong magtampo sa life.
bakit yung totoong buntis hindi mukang buntis, akong hindi buntis mukang buntis?! LIFE IS SO UNFERLALU. 😦

inspiration ang lovestori nice… next year daddy ka na po pala.. congrats..:)

7 12 2008
kulot

ayaw magduster, nako ganyan din si esmi nun

8 12 2008
beero

hehe. ganyan talaga pag maraming fans kuya bosing. marami agad ang nagrereklamo pag alang update 😆

8 12 2008
popoygelo

huwaw.. ang seksi namang buntis niyan..
baka marunong din ng kung fu si BebeMo sir!
Ingat ka, pag nahuli kang nagloloko, baka bigla ka na lang bigyan ng karate chop sa batok.. hehe :p

8 12 2008
raechelle

‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’

–answeet. parang si edward lang ng twilight. naks. haha

9 12 2008
b@kekang

..gawain din nmin ng hubby q yang uutot sa ilalim ng kumot..hahaha!!..last wik lng bnilhan nya q ng shoes at bago nya isinuot saken eh ipinunas muna nya sa pants nya..sobrang touch aq ‘nun..ngayon plng naiiyak n aq mamimis q xa mxado kc uuwi n me ng pinas before xmas hayzz..

9 12 2008
popoy

ang saya ng relationship nyo kuya badoods. close to perfect. sobrang kwela ni misis at ikaw na rin kaya swak na swak. destined kayong dalawa sa isa’t isa 🙂

9 12 2008
eiyelle

made in heaven po ang inyong loveship..
kakilig talaga siguro yung magpalitan kayo ng wedding vows..yee!
hahahay parang gusto ko ng hilahin ang kalendaryo at maging 121510 na para makasal na ako sa superhero ko.

sir, panalo talaga ito “Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.” — grabe! nakakahimatay sa kilig ito!!..sobrang sweet!

* wow epitome po ang inyong bebeko ng sinasabi nilang ‘a pregnant woman is the sexiest woman on earth..’

9 12 2008
Meryl

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa o ano. Pwede all of the above? Hahahahaha. Panalo. Ang seksi naman ni BebeMo. Buntis ba ‘yaaan? 😀
BebeniBadoodles: Uu buntis 8 months. Madaya, kailangan nakatalikod para hindi makita ang malaki kong tiyan.

9 12 2008
coldman

ang sweet naman pala ni misis!

basta masarap maging binata! lol!

9 12 2008
antuken

unfair talaga kayong mga guys. tingnan mo ikaw, pag lumalabas ka at di ka pinapayagan, go pa rin. pero pag sya, ayaw mo payagan.

ako, pinapayagan ko sya lagi. all the time, pag gusto nya lumabas. naghahanap lanag ako na sana ganun din sya. pero shempre, asa pa! laging “NO”. with matching: “DI KA NA DALAGA” panalo di ba?

bebenibadoodles: eh kamusta naman pag ako ang nagpapaalam. Pupunta lang ng tindahan para bumili ng hopia ayaw pa pumayag kasi daw pagtitinginan ako.

Hindi ko mawari kung matutuwa ako kasi protective siya o maiinis lang ako kasi ayaw niya ako palabasin na mag isa. As if naman may magtitiyaga pa tumingin sa malaki kong tiyan.

9 12 2008
mcrey

Ang kulet naman ng pamilya mo…

Alam mo parang walang problema sa mundo kapag nababasa ko ang post mo o masaya lang talaga ang buhay mo?!

Hahaha… ang sarap tumawa, ngumiti at humalakhak.

10 12 2008
annenoneymous

naalala ko tatay ko… pag inututan ka kasi non, it means comfy sya sa yo at lambing nya lang yun… hehehe… baka ganon din ang gangster wife mo? hangsweet :p

ngaun lang ako naligaw kasi besi daw ako… as always naaliw na naman ako sa kakulitan mo… wala na bang kasingkulet mo? ibato mo nga dito! :p

10 12 2008
David Santos

Great posting, my friend, great! Congratulations!!!!

10 12 2008
piksionaryo

hahahaha!
lufet ng ututan nyo ah..
astig ang lambingan..

hahahaha…

lupet ng swiss knife..bwahahahahaha

11 12 2008
magdamagan

..wahaha!!..hanep sa lambingan ah?..
..like no other couple?!..
..walufeyx?!..
..kamusta naman kuya yung “silip” sa porn site?..ahhhmmf??… :))
..hehehehehehehe…

11 12 2008
barefoot_alchemist

ang lufet naman tlga…. ka sweet nmn ng mag asawang ito…

12 12 2008
lio loco

likod pa lang may dating na. pano pa kaya pag nakaharap? mahilig din ako sa maputi. at chinita. at maganda ang smayl. haay…kakainggit namn kau ng bebemo kua badoodles. may kapatid kaya xang early twenties? lol! 😀

12 12 2008
enjoy

natawa na naman ako sa muling pagdaan ko dito. ang lupit mo talaga badoodles! naka-relate ako sa swiss knife dahil yun lang din ang laman ng kikay kit ko noong “dinalaga” pa ako, kasama ang pepper spray at bente-nuebe. o db? babaeng-babae ang lola mo. buti na lang ang may nagkamali pang pumatol sa kin kabila ng mga nakaamba kong kamao… ahehe! :d

13 12 2008
ES

nakakaaliw ang kwento mo tungkol sa misis mo pero makatotohanan. in fairness, seksing buntis nga misis mo. ahaha!

i enjoy the read.:)

13 12 2008
Meryl

Kahit pa nakatalikod, seksi pa din! Pramis. Sana ganyan din ako pag nabuntis ako, pero mukhang malabo, antaba ko eh. Hahahahaha.

13 12 2008
mnel

ang sweet! =P

sana si bee gawan din ako ng blog entry na tulad nito. in fairness, sexy back si BebeMo. Di halatang buntis. 😛

14 12 2008
val

Pare, sumasama ka ba ng parada tuwing nobyembre atrenta? HEhe.
Super ang kwento mo. MORE POWER.

14 12 2008
Jex ~ Saah Paahk

sexy bak !
gangster!
Yeh !
ang sweet niyo naman
kung ganyan din magiging misis ko
abah di ko na bibitawan…
kahit pa gangster siya
kahit creep o blood’s
kahit ano pa yan wahahahah !
kahit EMO GANGSTER ? ( ang baduy hahaha)

16 12 2008
mayui

nakakatuwa naman kayong mag-asawa! kakulet! XP

16 12 2008
Helena

Ang sexy ni misis…buntis pa sya ng lagay na yan ha?! Saka ang libog sweeeeet nyo pala sir. ^^

18 12 2008
repah

ang ganda ng description mo sa jusawa mo kuya badoodles.. napaka sweet … ganun tlga ang mga babae pag nagbubuntis.. nagiging sadista… pero ang totoo tlga malambing sila..

22 12 2008
Pedro

swiss knife. hehehe. pag nakita ko bebe mo sa mall hindi ko pipituhan pramis! mahirap na. hehehe.

28 12 2008
zuTiL

8 months na pala…
so pano yan, ‘dyeta ka?
hehehe!

14 01 2009
Nhil / Call Center Gal

Aliw ka naman! Pero teka, hindi mo ba naisip na posibleng gamitin din nya sau ung panguryente sa mga masasamang loob? Hehehe kidding!

29 01 2009
sultrybrainy

galing .. galing nman!!
sana mei ganian factor din c hubby ko..

haha
mei ganun?

6 02 2009
Basti

haha wala palang pinagkaiba misis mo sa misis ko bro… Astig din kz, at di mahilig magdamit. Congrats pala sa baby nyo! mahirap maging daddy pero masaya din.

2 03 2009
simplicityisbeauty

nice one, nirecommend etong site mo sa tristancafe.com.
at i admit, nag eenjoy ako sa site na to..

‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’

–> hay sana may magsabi rin saken nito…

5 05 2009
Arthritis-Treatment.ASIA

hahahaha enjoy naman pala ang buhay may-asawa. eh talagang ganyan.

2 07 2009
ako din may hormones

Ang ganda ng post na to ser! Ang ganda ng title napabasa talaga ko, at tinapos ko kahit sobrang haba huh!

Galing galing! super funny! Goodluck kay esmi!

7 10 2009
gee

astig naman.. ang sweet.. haha.. yung girlfriend ko, matanda na.. hindi marunong mag-blog.. kelan niya kaya ako gagawan ng ganito?!? hhmmnnpppfftthh..

16 01 2010
bobek

iba ka boy!! ang sweet mo!!! woooohooo!!! KAKILEG!!! MY KAPATID KA PA BA???hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: