Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa. Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko. Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot. Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot. Ang sweet ano? Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’. Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto. Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama. ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay. Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’. Natigilan ako, nagtakip ng ilong. Mamya sabay na kaming nagtawanan.
Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida. Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay. Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin. Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata. At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din. Ayaw niya talaga. Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.
Alala ko noong unang tatlong buwan palang ng kanyang pagbubuntis, sobrang bandido niya sa ‘kin. Nakakatikim ako ng sipa, kalmot at pambabato na di ko naranasan nung magsiyota palang kami. Oo ‘yung buong higaan binubuhat niya saka tinatapon sa akin dahil lang sa nagko-computer ako. ‘Yun lang. Sige na nga, nagi-internet ako tapos paminsan-minsan napapasilip na din sa mga porn sites [pero silip lang talaga, pramis, cross my butt]. Sabi ko hindi dahilan ‘yun para magwala siya. Pero sa huli, sa lambingan din kami nauuwi. Alam kong wala siyang kontrol sa emosyon niya nung mga panahong ‘yon, kaya pilit kong iniintindi ang pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan. At ‘pag nangyayari ulit ‘yun, napapabulong na lang ako sa kanya ng, ‘Fuck you hormones. Fuck you’.
Kapag binuksan mo ang kikay kit ng misis ko, tatlo lang ang posibleng laman – lip balm, mga coins [na ninenoks niya sa pantalon ko] at saka swiss knife. Girl na girl ano? Hahaha. Kasalanan ko din dahil ako nagbigay sa kanya nung swiss knife. Paniwala ko kasi kailangang marunong din ang mga babae na depensahan ang kanilang sarili sa panahon ngayon. Mumurahin ‘yung swiss knife, mahirap hatakin ‘yung blade, tipong aabutin ka ng limang minuto para mailabas. At kung may magbalak mang mangholdap sa kanya, aangal ‘yung holdaper panigurado, ‘Ano ba? Matagal pa ba ‘yan. Holdap na kasi!!’. Kaya suhestiyon ni BebeKo, bilhan ko na lang siya ng panguryente ng holdaper. ‘Yung taser. Malakas ang boltahe nun, mangingisay kaagad ang sinumang tamaan. Ngayon palang naiisip kong kawawa naman ‘yung nagbabakasakaling holdapin siya. Mamamatay na walang kalaban-laban tapos tustado pa. Si Boy Nenok magiging Boy Negro.
Ako naman may ugaling malandi. Hindi ako nakakatulog ‘pag mainit ang paligid.
‘Be, aircon naman tayo’, lambing ko sa kanya. Siya kasi nagbabayad ng kuryente, renta sa bahay, grocery at sa lahat lahat. Ako naman ang tagabili ng sabon.
‘Wag ka na, mag electric fan ka na lang’, diin na sagot ng BebeKo.
‘Lam mo namang di ako makatulog pag namamawis betlogs ko’, rason ko. Tumayo si BebeKo saka pinihit sa numero tres ang industrial fan. Tinutok sa pagitan ng hita ko ang daloy ng hangin. ‘Hayan hindi na mamamawis ang bayag mo. Matulog ka na’.
Sa kabilang banda, mas lalo kong minahal ang asawa ko. Bakit? Wala siyang kiyeme sa mga trip ko. Pag umuuwi ako ng madaling araw, sabi ko, dapat pagdating ko gigising siya at ipaghahanda niya ‘yung pagkain ko. Kahit antok na antok na nga siya, sige keri lang, babangon ‘yan. Sinasabi ko sa kanya, ‘Iteybol muna kita ha, wag ka munang tutulog-tulog diyan. Napapangiti na lang siya dahil dumating na ang kanyang mabait na asawa tapos mamaya mawawala na ang kanyang antok. Siyempre ang mga susunod na eksena ay hindi mo na kailangang malaman.
Sa mga papampam na ginagawa ko pinagbibigyan niya ako sa lahat. Magkaroon lang ako ng sinat, natataranta na. Binibiro ko nga ng ‘Libog ko lang ‘yan, ‘di ka na nasanay’. Naisip ko nga kailan ba ‘yung pagkakataong ako naman ‘yung nag-alaga sa kanya ng todo-todo ‘pag nagkakasakit siya. ‘Yung bawat bulong niya at daing, andiyan lang ako sa tabi niya. Ilang beses ba ‘yung pagkakataong ako naman ang humalik sa parte ng katawan niya para mabawasan ang nararamdamang maga at sakit. Nagkukulang siguro ako sa kanya pero nakikita naman niya ‘yung pagpupumilit kong magbago. At gusto kong maramdaman niya ang pagbabagong ‘yun. Hindi ko man mapagbigyan lahat ng lambing niya, importante andiyan ako sa tabi ‘pag kailangan niya.
Tama na ‘yung buong buhay siyang naging assertive at independent sa mga ginagawa niya. Labs ko ‘tong gangster kong ‘to. Oras ko naman ngayon para patunayan ang pangakong binitawan noong nagbigayan kami ng singsing sa simbahan: ‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’
Picture 1] Si Seksing Buntis sa mall. May halong daya talaga ang mapuputi, hindi mo halata kahit di naligo. Pag magkasama nga kami mas mukha pa siyang malinis kaysa sakin.
number 1!! wuhoo. idol anlupit mo! haha. sweet mo naman kahit na sky is the limit ang kalibugan mo. hahaha.
yes una ako nagcomment. accomplishment yun. haha.
badoodles: @sesaryo wait wala akong maisip na premyo. ok na ba ‘yung exlinks na lang? meron ako ditong trip for 2 sa india pero dahil concerned ako sayo, di ko na lang ibibigay. haha. salamat sa link. tapos meron pa akong sariling trono sa blogroll mo. yehey.
lolz,,, ang sarap nyo pala maglambingan!!! lolz!
wow ang sweet niyo namang magasawa.. sana ganyan din kami ng soulmate ko ^^
buntis ba talaga siya sa pic?
sir badoodles!!!! ang sweeeeeeeeeeeettttt niyo naman. 🙂 ang swerte naman po ng bebe mo sa’yo. pero mas swerte ka yata sa kanya. hehe.
Nakakatikim ako ng sipa, kalmot at pambabato na di ko naranasan nung magsiyota palang kami. -PARANG GANITONG-GANITO ANG MUDRA KO NOONG NAGLILIHI SIYA SA BUNSO KONG KAPATID. SIGURO PAG NAGLIHI AKO, HINDI LANG AKO BASTA MANINIPA AT MANGANGALMOT. HEHE.
natawa ako sa swiss knife. saken po kase tear gas. yung jurassic fone na NOKIA 5110 na pakalat-kalat sa bahay, laman din ng kikay kit ko minsan. matigas kasi yun at matibay. saka kahit ipampukpok mo keri lang.
sir, alam ko po may utang pa ako sa’yo. gagawin ko na po. kelangan ko lang magpaganda. haha. nakakahiya kasing idisplay ang ngaragness na feslak. 🙂 gandang madaling araw sir!
ang sad! hindi nagpost ang una kong comment. 😦
hello sir badoodles! ang sweeeet niyo naman. ang swerte ng bebe mo. pero mas maswerte ka sa kanya. 🙂
parang ganun na ganun ang mudra ko nang naglilihi siya sa bunso kong kapatid. siguro pag ako ang naglihi, hindi lang ako basta maninipa at mangangalmot. hehe.
natawa ako sa swiss knife. saken kasi tear gas. pero dahil medyo nakakahiya ang tear gas minsan, alcohol na lang na nakalagay sa bote ng pabango. kelangan talaga ng mga girls ng pamproteksyon sa sarili nila. natutunan ko sa self-defense clinic ng show namib, may silbi pala ang jurassic fone na 5110. kaya yung pakalat kalat na 5110 saa bahay minsan dala ko din. haha. jologs!
sir badoodles, may ‘utang’ pa po ako sayo. gagawin ko na. pasenysa na, magpapaganda muna ako. kahiya pag ngaragness ang ichura ng feslak ko. hehe. gandnag madaling araw sir!
waaah. ayun nagpost pala. yung una. ampf. pasensya po. flooding. hehe.
wow… panglima nung nakaraan, pang-apat nman ngayun..
wala akong masabi.. oo nga ganun talaga ang buhay..lols minsan kailangan talaga ng kakaibang lambing..lols
bossing, idol—manager.. wag mong bilhan si bebemo ng panguryente sa mga holdaper..tama na yung swisnayf sa kanya.. baka magbago ang ikot na mundo, sayo unang dumaloy ang malakas na bultahe nung panguyente na yun..
‘Di ba lumalaki ang boobs kapag buntis? Wala lang, naitanong ko lang. Kumusta naman? *LOLz*
anseksi parin ng bebemo kahit preggy ha. i hope ako pag naging preggy tulad nya. hehe.
pareho tayong swerte sa asawa dahil masarap sila mag-alaga pag may sakit tayo. noong dalaga pa ako, di naman ako sakitin, ewan ko ba ngayong year, parang madalas ako magkasakit. at kahit walang sweet bone si hubby, pag may sakit ako dun ko nararamdaman yung sweetness nya. talagang nag-aalarm pa yun para lang iremind ako to take my meds.
ansarap ng may asawa ano? although minsan, kairita (lalo na kung gusto ko lumabas with friends at ayaw nya ako payagan. hahaha).
ayokong magkaasawa.. haha.. di bale na isang dosena anak ko basta wag lang magkaroon ng misis.. mamaya buhatin din yung kama sakin pag nag iinternet at bumibisita ako sa porn site.. 😛
hehehe.. nakakatuwa naman.. i can feel na you really love each other.. sweet.. ehehe
may update na, yehey! lols.
ayus ang married life ah. [*mainggit ka lex*]. akalain mo’t di halatang buntis si ate bebeko pag nakatalikod. galing mong mag-alaga kuya bosing. ahehe. at di rin halatang may pagka-gangster. pero minsan may advantage din sa mga babae ang pagiging gangster-like. yung tipong kayang sumipa ng bayag at kayang ipagtanggol ang sarili. lols.
ka sweet naman… good for you kasi bumabawi ka sa pagkukulang mo sa kanya. di naman kasi lahat umaaming may pagkukulang sila sa partner nila. haays..
ganda ng post. kinilig ako. hehe.
“May halong daya talaga ang mapuputi, hindi mo halata kahit di naligo..” <<< mean ba nito nde sya naligo nung kinunan yang pic na yan?
(nde naman sguro, ‘lambing’ mo din ata yan sa bebe mo eh 😉 )
hi badoodles,
lagi akong tambay d2 sa kwentongbarbero at isa sa lagi ngaabang at naiinip sa susunod n blog mu..
ngaun lng ako nakapagcomment hahaha shyness..
sana pag nbuntis ako kasing fit ako ng bebe mo.. waaah!
saya nyo cguro sa bahay nu? rambol kng rambol at isali nyo pa c inday. hahaha!
pero ang best part nun eh after ng rambol, lambingan 2 d max ang kasunod.. lol.
nwei, nice blogs at isa ako sa tagahanga mu! idol… ;p
parang hindi nga buntis ang misis mo..8 months na yan ng lagay na yan ah..hehe!
parehas lang pala gangster ang misis natin. baka magkakilala rin sila. 🙂
Wow! Sa nabasa ko mukhang mahal na mahal mo talaga siya Manager! Parehas kayong masuwerte sa isa’t isa. So walong buwan na pala buntis ang ilaw ng iyong tahanan… Exciting ito! Malapit na siyang manganak!
Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang sandalan mo at maging Superman habambuhay mo. >>> ang sweet naman bossing lover boy na lover boy ang dating! mas maganda nga yung babae yung nambubugbog mas cute ang dating kasi hindi masakit ang hampas at palo nila…
wahhhhhhhhh naantig aco sa sinabi mong ‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’ tumagos talaga sa malaking dibdib co. . huhu. . balang araw may magsasabi din sakin nyan. . kung wala, gagayahin co nalang yan at aco na ang magsasabe. .
bakit kasi kailangan mo pa sumilip sa mga pornsites? kailangan ba talaga un? naku!
parang si ryan at juday lang dun sa kasal kasali kasama kasalubong katotnakan ang drama nyo ah. dun sa utotot. hehe. . sweet nyo talaga. . kainggitz:-(
waw.. ang swet! 😀
nakakakilig naman…
na fefeel ko talaga bossing na mahal na mahal mo si mrs badods..hay..ako?
katulad din ako ni efbe..
ayoko ng asawa…gusto ko lang ng anak..ahaha..makabagong idealohiya..
sana magkaroon ako ng gangster na asawa.
para may adbentyur lagi.
di nauubusan.
di napapagod.
😆
kaya wag na wag ka nang makaisip na magloko, mahirap kapag may taser ang mga misis. hahaha!
ako rin nakonsensya dahil puro na lang si misis ang nag-aalaga sakin, at nung nagbuntis sya wala ako para alaagan sya. kaya bumawi ako noong umuwi ako sa pilipinas pagkapanganak nya. magtulog ka na hangga’t gusto mo, pagkapanganak ni misis yari ka. hahaha! =D
wow! sir badoods talagang teksi pa si gangstah misis kahit tisbun ah! hehehe
galing mo talaga sir badoods mambola hahaha
Nice realizations. Siguradong isa sa mga nagustuhan sa’yo ni BebeMo e yang sense of humor mo sir. 🙂 In fairness, anseksi pa rin niya kahit na buntis. 🙂
Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’
ang sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! grabe!!! wohooo!
ok move on bigla.
Talagang sa mag-asawa dapat maging open ang feelings para maging close kayo sa isa’t isa.
OK kang asawa. Base sa nakasulat. Sana ok ka ding ama sa mga magiging anak mo.
Nasa huli ang pagsisisi.
Hangad ko ang iyong kaligayahan at ng iyong pamilya.
panalo ung huling banat bossing. sweet.
baka mas nasesexyhan ung misis pag naka maternity pants kesa sa bestida?
at talagang 8 months pregy na jan ung misis mu,,, di halata.
gangster? baka member ang misis mu isang secret organization? ung parang sa mr. & mrs. smith.
parang hindi po buntis si ate jan ah…hehe o hindi pa po xa buntis talaga jan sa pic nya …ang sweeet pa ng love story nyo heheh
by the way kuya makikisuyo lang gusto ko na rin kasi magsulat kaya eto gumagawa na rin ako ng likha na ewan ko po kung papatok hehe …gusto ko lang din po maging blogista kung hindi mamasamain ng iba hehe…mapuntahan nyo rin sana ang site ko kahit nagsisimula pa lang po ako
salamat po…
magandang hapon sir. dahil sir ang tawag sayo ni joshie, makiki-sir na rin ako. matagal na niyang ipinagyayabang sa akin ang site na ito kaya tiningnan ko. saludo ako. may idadagdag ako sa list ko na paglilibangan ko sa states. watta sweet and sexy gangster!
ayos magkasunod pa kami ni anakngpating… kanino pa kayang anak ang susunod sakin…
8 months preggy na yan? weeeehh!!! dapat kasing laki na ng kalabaw yan ah.. payat…
‘Ano ba? Matagal pa ba ‘yan. Holdap na kasi!!’—> ahaha.. adik
lapit na si beybi… excite ka na?
cheers? cheers!!!-glesy the great
aha! at akalaing mong may pina-publish kang draft version.. lolz! ok lang yan! sikreto nating malupit yon! lolz
mr. badoodles, nagsisimula na naman akong magtampo sa life.
bakit yung totoong buntis hindi mukang buntis, akong hindi buntis mukang buntis?! LIFE IS SO UNFERLALU. 😦
inspiration ang lovestori nice… next year daddy ka na po pala.. congrats..:)
ayaw magduster, nako ganyan din si esmi nun
hehe. ganyan talaga pag maraming fans kuya bosing. marami agad ang nagrereklamo pag alang update 😆
huwaw.. ang seksi namang buntis niyan..
baka marunong din ng kung fu si BebeMo sir!
Ingat ka, pag nahuli kang nagloloko, baka bigla ka na lang bigyan ng karate chop sa batok.. hehe :p
‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’
–answeet. parang si edward lang ng twilight. naks. haha
..gawain din nmin ng hubby q yang uutot sa ilalim ng kumot..hahaha!!..last wik lng bnilhan nya q ng shoes at bago nya isinuot saken eh ipinunas muna nya sa pants nya..sobrang touch aq ‘nun..ngayon plng naiiyak n aq mamimis q xa mxado kc uuwi n me ng pinas before xmas hayzz..
ang saya ng relationship nyo kuya badoods. close to perfect. sobrang kwela ni misis at ikaw na rin kaya swak na swak. destined kayong dalawa sa isa’t isa 🙂
made in heaven po ang inyong loveship..
kakilig talaga siguro yung magpalitan kayo ng wedding vows..yee!
hahahay parang gusto ko ng hilahin ang kalendaryo at maging 121510 na para makasal na ako sa superhero ko.
sir, panalo talaga ito “Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.” — grabe! nakakahimatay sa kilig ito!!..sobrang sweet!
* wow epitome po ang inyong bebeko ng sinasabi nilang ‘a pregnant woman is the sexiest woman on earth..’
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa o ano. Pwede all of the above? Hahahahaha. Panalo. Ang seksi naman ni BebeMo. Buntis ba ‘yaaan? 😀
BebeniBadoodles: Uu buntis 8 months. Madaya, kailangan nakatalikod para hindi makita ang malaki kong tiyan.
ang sweet naman pala ni misis!
basta masarap maging binata! lol!
unfair talaga kayong mga guys. tingnan mo ikaw, pag lumalabas ka at di ka pinapayagan, go pa rin. pero pag sya, ayaw mo payagan.
ako, pinapayagan ko sya lagi. all the time, pag gusto nya lumabas. naghahanap lanag ako na sana ganun din sya. pero shempre, asa pa! laging “NO”. with matching: “DI KA NA DALAGA” panalo di ba?
bebenibadoodles: eh kamusta naman pag ako ang nagpapaalam. Pupunta lang ng tindahan para bumili ng hopia ayaw pa pumayag kasi daw pagtitinginan ako.
Hindi ko mawari kung matutuwa ako kasi protective siya o maiinis lang ako kasi ayaw niya ako palabasin na mag isa. As if naman may magtitiyaga pa tumingin sa malaki kong tiyan.
Ang kulet naman ng pamilya mo…
Alam mo parang walang problema sa mundo kapag nababasa ko ang post mo o masaya lang talaga ang buhay mo?!
Hahaha… ang sarap tumawa, ngumiti at humalakhak.
naalala ko tatay ko… pag inututan ka kasi non, it means comfy sya sa yo at lambing nya lang yun… hehehe… baka ganon din ang gangster wife mo? hangsweet :p
ngaun lang ako naligaw kasi besi daw ako… as always naaliw na naman ako sa kakulitan mo… wala na bang kasingkulet mo? ibato mo nga dito! :p
Great posting, my friend, great! Congratulations!!!!
hahahaha!
lufet ng ututan nyo ah..
astig ang lambingan..
hahahaha…
lupet ng swiss knife..bwahahahahaha
..wahaha!!..hanep sa lambingan ah?..
..like no other couple?!..
..walufeyx?!..
..kamusta naman kuya yung “silip” sa porn site?..ahhhmmf??… :))
..hehehehehehehe…
ang lufet naman tlga…. ka sweet nmn ng mag asawang ito…
likod pa lang may dating na. pano pa kaya pag nakaharap? mahilig din ako sa maputi. at chinita. at maganda ang smayl. haay…kakainggit namn kau ng bebemo kua badoodles. may kapatid kaya xang early twenties? lol! 😀
natawa na naman ako sa muling pagdaan ko dito. ang lupit mo talaga badoodles! naka-relate ako sa swiss knife dahil yun lang din ang laman ng kikay kit ko noong “dinalaga” pa ako, kasama ang pepper spray at bente-nuebe. o db? babaeng-babae ang lola mo. buti na lang ang may nagkamali pang pumatol sa kin kabila ng mga nakaamba kong kamao… ahehe! :d
nakakaaliw ang kwento mo tungkol sa misis mo pero makatotohanan. in fairness, seksing buntis nga misis mo. ahaha!
i enjoy the read.:)
Kahit pa nakatalikod, seksi pa din! Pramis. Sana ganyan din ako pag nabuntis ako, pero mukhang malabo, antaba ko eh. Hahahahaha.
ang sweet! =P
sana si bee gawan din ako ng blog entry na tulad nito. in fairness, sexy back si BebeMo. Di halatang buntis. 😛
Pare, sumasama ka ba ng parada tuwing nobyembre atrenta? HEhe.
Super ang kwento mo. MORE POWER.
sexy bak !
gangster!
Yeh !
ang sweet niyo naman
kung ganyan din magiging misis ko
abah di ko na bibitawan…
kahit pa gangster siya
kahit creep o blood’s
kahit ano pa yan wahahahah !
kahit EMO GANGSTER ? ( ang baduy hahaha)
nakakatuwa naman kayong mag-asawa! kakulet! XP
Ang sexy ni misis…buntis pa sya ng lagay na yan ha?! Saka ang
libogsweeeeet nyo pala sir. ^^ang ganda ng description mo sa jusawa mo kuya badoodles.. napaka sweet … ganun tlga ang mga babae pag nagbubuntis.. nagiging sadista… pero ang totoo tlga malambing sila..
swiss knife. hehehe. pag nakita ko bebe mo sa mall hindi ko pipituhan pramis! mahirap na. hehehe.
8 months na pala…
so pano yan, ‘dyeta ka?
hehehe!
Aliw ka naman! Pero teka, hindi mo ba naisip na posibleng gamitin din nya sau ung panguryente sa mga masasamang loob? Hehehe kidding!
galing .. galing nman!!
sana mei ganian factor din c hubby ko..
haha
mei ganun?
haha wala palang pinagkaiba misis mo sa misis ko bro… Astig din kz, at di mahilig magdamit. Congrats pala sa baby nyo! mahirap maging daddy pero masaya din.
nice one, nirecommend etong site mo sa tristancafe.com.
at i admit, nag eenjoy ako sa site na to..
‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako. Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’
–> hay sana may magsabi rin saken nito…
hahahaha enjoy naman pala ang buhay may-asawa. eh talagang ganyan.
Ang ganda ng post na to ser! Ang ganda ng title napabasa talaga ko, at tinapos ko kahit sobrang haba huh!
Galing galing! super funny! Goodluck kay esmi!
astig naman.. ang sweet.. haha.. yung girlfriend ko, matanda na.. hindi marunong mag-blog.. kelan niya kaya ako gagawan ng ganito?!? hhmmnnpppfftthh..
iba ka boy!! ang sweet mo!!! woooohooo!!! KAKILEG!!! MY KAPATID KA PA BA???hehe