To Be A Better Man

20 12 2008

Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda  kong asawa.  Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:

 

1.  Pag nagkakainitan sa usapan,  divert the topic.   Halimbawa,

BebeKo:  Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka?  Kahapon.. yada.. yada…

PogiMe:  Be ano ‘yung nakasabit sa bintana?  Manananggal! [sabay turo]

BebeKo:  Asan?  Wala naman eh?

PogiMe:  Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin. 

 

2.  Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow.  Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos.  Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com.  Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob.  Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit.  Wala nang usap-usap ‘yan.  ‘Yun na ‘yun.  Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg.  Choke slam kung choke slam ito.  Hahaha.

 

Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon.  Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm…  ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga.   Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.

 

Alala ko, sa isang taon naming pagsasama, madami ring sakit ng ulo ang naidulot ko sa misis ko.  Obvious bang matigas ang ulo ko?  Meron ‘yung nabalitaan kong nabastos siya ng caterer nila na tinimbre sakin nung janitor.   Administrator si BebeKo tapos ginaganun siya ng isang tau-tauhan niya lang?  Tahimik na tao ang misis ko, ayaw ng gulo kaya hindi nagsusumbong sa ‘kin.  Pero pinuntahan ko pa rin ng mahinahon ‘yung tao.  Tinanong ko ng maayos sa harap ni misis kung anong totoo.  Nakita ko kung pano niya i-bully ang misis ko ng harap-harapan. Tanginangyan, ni padapuan ng lamok di ko hinahayaang mangyari sa misis ko tapos gaganunin lang niya sa harap ko pa.  Napailing ako saka kaswal na sinabing, ‘Gusto mong patayin na kita ngayon o mamya na?’.  Nakita niyang pinasok ko ang kamay ko sa bulsa.  Inisip niya sigurong may balisong akong dala.  Wala.  Tiyane lang ‘yon, pantanggal ng buhok sa ilong.  Death by tiyane ang mangyayari sa kanya.  Nagtatatakbo sa takot.  Mamya tumawag na ‘yung bosing nila, ipapahuli daw ako sa pulis. Ngiti lang ako.  Magpapalabas na din ng restraining order sakin sa immigration.  Ngiti lang.  Immigration?  Wala akong balak mangibang bansa.  Sabi ko, ‘Sabihin mo sa bosing mo, matagal pa ‘yung plano kong mag-angkat ng droga sa ibang bansa ok?’

 

Pagkatapos no’n hanggang gate na lang ako pag sumusundo kay BebeKo.  Blacklisted.  Natapakan ego ko dun.  Napapailing na lang ako.  Banned na nga ako sa mga beerhaus, pati ba naman sa opisina ng misis ko, banned din ako.  Whatta life di ba.  Tapos nadagdagan pa dahil minsang sumusundo ako, sinabihan ako ng sekyu ng ‘Papasukin ko ba ito?’ sa kausap niya sa radyo.  Ang tawag sa ‘kin ay ‘ito’.  Si Badoodles na may tatlong fans sa blogosperyo [na posibleng madagdagan pa ng isa sa susunod na taon] ay tinawag na ‘ito’.  Pilit kong nira-rationalize na baka bumagsak siya sa kanyang takdang aralin sa Filipino kaya nasabi niya ang ‘ito’.  Pero mali ‘yun.  Ang ‘ito’ ay para sa bagay-bagay tulad ng kabinet, kubre-kama at platito, ang ‘siya’ ay para sa tao.  Tumaas na naman ang dugo sa kili-kili ko.  Sinitsitan ko ‘yung sekyu.  Iniumang ko ang kamay ko sa kanya na parang baril.  Pinutok ko.  Kung ‘yung sekyu sa opisina namin ang ginawan ko ng ganun, malamang nag-play dead na ‘yun.  Pero hindi natinag.  Nakatingin lang sakin ng masama, dedma.  Wala akong choice kundi tadyak tadyakan ang gate at magmura na tipong kahit aso ay maiinsulto sa sinabi ko.  Nagkagulo, naglabasan ang iba pang guwardiya.  In perness, masakit pala sa paa.  Kinabukasan, may spot report na naman patungkol sa akin.  Pero hindi nakalagay dun sa report na maga ang braso at paa ko at kailangan kong uminom ng Alaxan FR ng dalawang araw.  Unfair hindi ba? 

 

Umiiyak ang misis ko sa ‘kin.  Bakit daw ako ganun.  Sobrang kahihiyan ang binibigay ko.  Sabi ko, hindi ko siya pinapahiya, ultra electro magnetic assholes lang talaga ang mga kaopisina niya.  Kung may mabait man, kaya kong bilangin ng nakapikit.  Hindi sila marunong magpahalaga ng taong mabait sa kanila.  Isama mo na ‘yung bading na bosing niya na kamukha ni Uncle Fester ng Addams Family.  Okay, binabawi ko, mukang overgrown retard na lang.  Hindi ko siya magawang hampas-hampasin ng titi ko dahil baka lalong matuwa at mag-enjoy.    

 

Tama siguro si misis na krimen ang mahalin ako, ang pagtiyagaan ako at magbakasakaling magbago pa ako.  Marami namang ibang lalaki dyan na mabait, masunurin at handang magpa-bully kahit kelan bakit kailangang magtiyaga pa sa ‘kin na mahirap pasunurin.  Pinipilit ko namang magpakabuti.  Pero hindi naman kayang magpakabuti ng tao sa isang magdamagan lang.  Binigyan tayo ni Papi Jesus ng walumpung taon [assuming na wala kang bisyo, di ka maaaksidente o masa-salvage] para magtanda at aralin ang turo ng karanasan.    Ang bumangon sa pagkakadapa, matuto at magpatuloy sa buhay.  You live and you learn. 

 

Mabait naman ako talaga.  Wala lang bastusan ng siyota dahil nagiging Incredible Hulk ako.  [You mess with mah girlz, you mess with me ayt].  Pero marunong na din akong magtimpi.  Dati madaling mag-init ang ulo ko pag mahaba ang pila sa ATM tapos ‘yung nasa unahan,  parang nagwi-withdraw ng pera ng buong Kamaynilaan. Ngayon marunong na akong huminahon, lalo na pagkasama ko si BebeKo.  Dinadaan ko na lang lahat sa biro tulad ng, ‘Hoy kalbo sa may unahan, dami naman nyang wini-withdraw mo.  Malakas ba kita sa pambubugaw?’.  Tinginan. Isang siko lang sakin ni BebeKo, tumatahimik na ako.  Improving naman hindi ba?  Sa Bebeko, sana lang wag kang magsawa sa ‘kin.  Sorry na.  Wink wink.  Darating din tayo sa pagbabagong ‘yan.

 

Ikaw, anong natutunan mo ngayong taong ito?  Sa pakikipagrelasyon, pakikipagbreyk, o kaya pagiging ‘single and blessed’?  Spill the beans yo!

Advertisements

Mga Tugon

Information

46 responses

26 12 2008
karen

ang natutunan ko ngayong taon..ang tumingin sa kisame para maghanap ng kasagutan. hehe

pero na-realize ko kung gaano ko sya ka-lab simula nang nag break kame at nagkabalikan.

happy new year badoodles!!!

badoodles: @karen love is sweeter the second time around. wag ka na makipagbreyk baka mawala pa ha? haha. wish u all the best.

27 12 2008
The Gasoline Dude

Ang natutunan ko: Lumandi sa tamang lugar at sa tamang panahon.

That’s all. Thank you. *LOLz*

badoodles: @gasdude sana nga maging makulay pa ang labstory na nagsimula sa isang exchange gift. patuloy kaming susubaybay bro. in short, mga tsismoso. hahaha.

27 12 2008
a.r.d.y.e.y.

pareho tayo ng ginagawa kapag may away o tampuhan, taking it slowly. pahapuin ang inis at kulo ng dugo. wag kalimutang magsorry at magpakumbaba. matutulog si misis ng kunwari ay galit pa. magigising na lang ako sa madaling araw na niroromansa. ayos!

badoodles: @pareng ardyey landi natin. naks. at kahit sila pa ang may kasalanan, tayo pa rin, tayo na walang malay ang nagsosori. haha. ganun talaga. tao lang tayo mabait, marupok at madaling bumigay sa kanilang ‘paglalambing’.

27 12 2008
xG

madami akong natutunan
sa buong taon

siyempre sa blog ko na lang ilalagay
bat dito pa?
hahahahaha
🙂

maligayang bagong taon
at manigong pasko

badoodles: @xg belated meri chiksmas enehapi new year. kelan ba lalabas yan ng makapag lurk ulit sa site mo. 😉

27 12 2008
Sesaryo

5TH! haha. nice nice. Merry Christmas haydol! Maligayang Pasok at Maligo Bago Ibaon!

badoodles: @sesaryo meri krismas din kid. 5th! haha. talagang may ganung epeks.

27 12 2008
Sesaryo

haha. ang emo. aww. pero okay lang. medyo pareho tayong nag-emo. ang emo din kasi nung last post ko. pero hindi rin naman maling mag-muni-muni at tantuin ang mga bagay nagbigay tulong sa atin, nagbigay inspirasyon, nagpakilig, nagpatawa and eberiting. LOL. haha. eto nalang. tama naman na hindi mababago ang pagkatao ng isang nilalang sa loob ng isang araw, kahit i-wish mo pa to sa gennie in da batel ni christina aguilera (sana tama ang ispelling ko.) haha. supurtanta ka haydol! keep up da goodwork (kung meron), at pagpalain ka nu Papa J.

badoodles: @sesaryo oo emo tayo ngayon epekto ng sobrang pagkain ng ham, keso de bola saka isaw. keep up da good work din.

27 12 2008
Sesaryo

haha. mukhang kulang comment ko, sabi mo ispill da bins yow, di ko natapon. pero nasa blog ko naman yun. sana basahin mo. ^^ hahahahahhahaha. comment a! para sikat!

badoodles: @sesaryo keep it cool. di mo naman kinarir ang magkoment. hahaha. ill try dropping by ur blog one of these days…

27 12 2008
b@kekang

hayzz..narealize n rin ng hubby q n importante pla aq sa buhay nya..simula kc ng nag abroad xa eh ngbago n rin saken..alleluya!!!
Happy New Year sau Badoodles at sa family u!!

badoodles: @bakekang hafi new year din sayo. absence makes the heart grow fonder. wait, hindi ba kayo magkasama sa abrod? natuloy ka ba umuwi? [talagang andaming tanong]

27 12 2008
glesy the great

mainitin din naman ang ulo ko at maikli ang pasensya pero di naman ako katulad mo na parang suki na ni kamatayan kung bantayan ka kasi parang lagi kang makikipaghamunan ng patayan.. ahehe

marunong talaga ang diyos at itinapat ka sa babaeng gusto kang patinuin kasi malamang mayor ka na sa selda kung mapatay mo ang baklang nginitian ka lang… cheers;p

ako? ang natutunan ko sa pagiging single eh mas tipid pala talaga… kasi may kakilala ako na pabonggahan sila ng regalo ng sweetheart nya.. imbes na kiligin ako sa kwento nya.. kinilabutan ako.. cheers ulit.. at merry xmas;p-glesy the great

badoodles: @glesy mas lalong tumibay ang paniniwala kong mahal talaga ako ng diyos dahil sa misis ko. may asawa ka na, may guardian angel ka pa.

ibang klase yang kakilala mo. buti naman di sila nageexchange gift ng mga diyamanteng pustiso o kaya gintong brace ng ipin.

cheers.

27 12 2008
glesy the great

ngayon ko lang napansin…. nung hinover ko yung link ko sa blogroll mo… batang cutie ang nakalagay.. shackssss.. kilig to the bones… pati wiwi ko sa pantog ko umalog sa sobrang kilig.. nyahaha..

di naman masyadong halatang minsan lang ako macompliment.. cheers ulit-glesy the great

badoodles: @glesy yaan mo tatanggalin ko na para di umalog ang pantog. bwahahaha.

27 12 2008
FerBert

ganun eh.. mahal mo eh kaya kahit ano gagawin mo. mahal ka din nya tignan mo bossing di ka pa nya hinihiwalayan.. joke

magdala ka ng bomba minsan. takutin mo yung sekyu at kaopisina ni bebe mo.. lol

badoodles: @efbee we all have our monster side. parang kokeymonster lang… ganun.

pakibisita na lang ako sa munti pag nakulong ako dahil dyan sa advice mo ok?.

27 12 2008
watusiboy

natawa ako dun sa manananggal. hehe.

nakakatakot ka pala magalit badoodles. pero naiintindihan ko ang pagkainis mo sa mga taong ang tagal magwithraw. yung mga tipong paisaisangdaan kung magwithraw. yun ang mga dapat sinasaktan.

badoodles: @watusiboy di naman ako nakakatakot. amfugee ko kaya haha. tama ka meron ding ganyan magwithdraw. kailangang batuk-batukan para marealize nila na pwede namang minsanan hanggang sampung libo ang pwedeng iwithdraw ewan kung bakit paisa-isang daan pa.

27 12 2008
yzah

wala akong natutunang matino puro kalokohan! haha at natutunan ko ang spelling pala ng maneuver eh walang o haha

badoodles: @yzah o? ganun. ngayon alam ko na din. haha.

27 12 2008
mcrey

Ang KULIT MONG ASAWA at ANG KULIT MONG DAD!!!

Wahahaha… ayus sa segway kapag away.

Buti nga sa iyo nagwiwidraw yung mga nauuna sa iyo eh kapag ako najajackpot sa pila puta, pagkatapos gumamit ng ATM walang dalang pera!!! RESIBO LANG! Shet, balance inquiry?!

Ang mga natutunan ko:

1. Mahirap pala talaga ang mag-aral kaya dapat pagbutihin. Dahil sarili mo lang din ang mahihirapan kung magpapapetiks-petiks ka lang…

Hahaha hindi na me hiatusero, tapos na thesis namin!!!

More POWER to Master Badoodles this coming year!!!

badoodles: @mcrey tapos may sofdev ka pa. madugo din yun. bale balik hiatusero ka pa din. bwahaha.

28 12 2008
COnie TAbangcora

galing MCrey!:)

28 12 2008
anakngpating

galing ni kuya mag timpi ah nyahha …
ang lambing mo tlga ,..
yung nasa unahan kasi ata withdraw lng ng winthdraw walang deposit nyahah…
dadating din ang panahon na magbabagp rin ang lahat
yun nga lang hindi natin alam kung kaylan hehe…

hapy new yr,..
putukan na…

badoodles: @anakngpating lakas nga ng putukan. dinig mo? sabi, pating! pating! pating! [oo na corny nako kung corny, patawad new year naman]

28 12 2008
anakngpating

kuya wat happen kay chicksilog ?
bat nawala xa?
asaaaaaan na ilabas mo kuya hehe…

badoodles: @anakngpating i hev no idea.

28 12 2008
magdamagan

..waaaaaaaaaaaa ka sweet naman nun.. hmf…
..hapi bagong taon po kuya badoodles!!.. =)

badoodles: @magdamagan hapi new year din sau! cheers!

28 12 2008
antuken

hahaha. pareho tayo pag nagkakatampuhan. di kse ako nakukuha sa pagsasabi ng sorry. kse ang paniniwala ko, napakadaling magsabi ng sorry. i truly need a moment bago humupa ang galit ko. at fyi, hindi lang kayong boys ang nage-enjoy pag na-a-ambush sa madaling araw (after a fight). love ko rin yun. hihihi.

happy new year parekoy! i laughed so hard at your christmas greeting eh (from bebeko, badoodles & fetus talaga ha. hahaha)

things i learned this year? marami ata. hahaha.

badoodles: @mareng chona hapi new year. it’s great knowing you.

28 12 2008
epfi

pwede ka pala sa survivor phils… tatalunin mo si marlon. lolz

natutunan ko this year …

happy new year sau maester badoodles and sa bebemo

badoodles: @epfi come on, the guy’s an asshole, we’re different league.

28 12 2008
Maldito

Marami din naman akong natutunan…pero parang kulang ang comment box na to pag nilagay ko pa..

taska nalang sa blog ko nalang..

ahahhaa…..

pero one thing for sure..

mas minahal ko pa si princess fiona dahil sa taong ito.yikeS!

badoodles: @maldito nagbabasa ako ng blog mo pero wala akong nabasa sa ‘princess fiona’ mo. must be some inside joke. ampf. makikitawa na lang ako para di ako ma out of place sa usapan. haha.

28 12 2008
cai kulit

natutunan ko ngayomng taon ang mgpahaba ng sobra sobrang pisi para sa asawang pasaway hahahha

badoodles: @cai nice one. ganun naman talaga dapat. hehe [insert pilyo smile here –>

28 12 2008
akosiikay

labs ka nga tlga ni bebemo….ang haba ng pasensya nya syo…hehehe

pero alam mo tama ka sa wag ipilit mgkabati kung hindi pa handang pag usapan
ang problema…at yan din ang natutunan ko noon sa ex jowa ko…hehehe

badoodles: @akosiikay tama ka dun, couldnt ask for more.

28 12 2008
faerietel

may pagka carino brutal ka pla magmahal..ahehe..

isang mabungang taon ang 2008 sa akin.
anlaki ng pinagbago ko simula nun nakaraang taon.
(kasama na ang pagcocomment sa mga blog..ehhe)

HAPpy New Year PO!:D

badoodles: @faerietel hapi new year din. 😉

28 12 2008
Kris Jasper

Bat di ka na lang sumadline as sekyu? den magtrabaho ka dun sa kanila ni misis mo… at least inside job ang krimen pag nagkataon… di trespasing.

anw, anong natutunan ko this year> na di pala ako gwapo..

KUNDI SOBRANG GWAPO!

lol!

HAPPY NEW YEAR BADUDS!

badoodles: @kris kaw talaga ang galing mo magjoke. lolz. [sige na, oo na, naniniwala na kami]

29 12 2008
rofel

lesson learned?? hmmm…

ala ata.. hehe, pero darating tau jan, baka next year.

happy new year!!!
-cheers!

badoodles: @rofel bwahaha. gayahin daw ba ako. sige na nga sabi mo, ‘darating tayo jan’.

29 12 2008
barefoot_alchemist

natutunan ko na mging mabait na asawa sa aking mister kht na minsan ay napipikon xia sa aking kakulitan…

maligayang pasko at manigong bagong taon sa iyo, badoodles!

29 12 2008
lio loco

ganian talaga pag sobrang mahal mo ang tao. magkamatayan na, wag lang xang maano. sobrang swit ng post nio kua badoodles. sa sobrang swit, kinikilig pati buhok sa pwet ko. lol! uhm…ang natutunan ko ngaun? uhm…ang natutunan… uhm…ang natutunan ko ngaun…uhm…hirap mag-isip. siguro ung pagiging selfless. put my dreams in the backseat for my utol and my mom. and im damn proud of that! hehe. happy new year kua badoodz! 😀

badoodles: @lio loco cheers! basta para sa pamilya natin, we’re always willing to take the extra mile. it has been a good time sharing experience with you parekoy. pano ba yan 2009 na? walang iwanan? haha.

30 12 2008
Venelyn Gajudo-Bagasol

Napakasaya talaga ng mga sinusulat mo. Pang-alis ng antok, ha ha ha. Kumbaga eh, uppers! Pero saludo ako sa ‘yo. You’re so popular you know! Even to my kids. Ayon sa kanila, at sana tama sila, sa yo daw kumuha ng inspirasyon si Bob Ong sa pagsusulat, Ngekkk.. . lagot ako pag di tama ang sinabi ko. Pero Badoodles, i tip my hats off to you! Paki-include naman blogsite ko sa mga tambay mo. ha ha ha. . .medyo ambisyosa pero lam mo, si Sir Gie nagbigay inspirasyon sa kin para magsulat. he’s my highschool classmate, anyway!

badoodles: @ven haha. mukang baliktad. malayong sikat sakin si bob ong. mas malayong pogi nga lang ako. yun yon. bwahaha.

classmate mo pala si sirgie. best regards to him.

30 12 2008
Venelyn Gajudo-Bagasol

Hay naku, nakalimutan ko, super excited magpost kasi ng comment eh. This is my blogsite: http://intelclub.blospot.com/

salamat badooods. . . see yah!

badoodles: @ven ok, ill visit your site too.

30 12 2008
Venelyn Gajudo-Bagasol

At mali pa rin. . . ha ha ha. ito na ang tama. . . http://intelclub.blogspot.com/

mukhang katawa-tawa na yata ako. he he he

badoodles: @ven thanks ven ill add you up.

30 12 2008
popoy

ano ba nagbago sa akin? hmmm. naging matalino ako dahil marami akong nakilalang matatalino dito sa mundo ng blog? hahaha. itong taon ding ito nabago ang buhay opisina ko, from boring to petiks mode lagi dahil sa pagboblog.

hapi new year kuya badoodles at sa bebe mo. sana ay maging maayos ang darating na taon para sa ating lahat!!!!

badoodles: @popoy magdilang anghel ka parekoy. or dilang devil whichever your preference is, hehe. salamat for keeping company. ill try to bloghop more often to your site [lurker mode lang ako palagi, my bad]

30 12 2008
b@kekang

Wow tlga nman natats aq sa tanong u at biglang tumibok ng mlakas puson este puso q hehe..d po me ntuloy umuwi pero ng exit aq sa ibang bansa n mlapit lng d2..
ngalit saken khapon hubby q kc nhuli nya me ngbabasa ng blog hehe..

badoodles: @bakekang selos? hehe

4 01 2009
lei

kilig naman ako. lol. pero para nga naman kasing takaw eksena ka dun sa opisina.

haha. pero at least diba ang sweet mong hubby? pinagtatangol si misis. heheks.

badoodles: @lei pag pamilya kasi ibang usapan na yan. nagiging bad guy ako. maybe it’s just me.

6 01 2009
don pulubi

alam mo hindi naman ganun kainit ang ulo mo eh.. takaw bugbog ka lang joke.. ako nga eh mainitin din ang ulo.. pero hindi yun ang natutunan ko.. este pinag aaralan ko nang hwag bugbugin ang mga klasmeyts ko.. hehe otomatik kasi kamay ko eh pag kinausap eh nananapak joke.. masakit talaga yung pagsipa ng gate, naranasan ko na yun. nasira yung kuko ko sa paa. next tym sabugan mo ng ihi yung gwardyang tmwag sayo ng ‘ito’. kamote ka kamo.

badoodles: @don thanks. maging mabait na tayo ok? malapit na ang paghuhukom. [snigger snigger]

7 01 2009
aga

hehehehe nakakatawa ka talaga!
kahit papaano naman eh may napulot akong aral.
keep it up parekoy!
konting kontrol lan sa temper baka dyan ka sumabit hehehe!
gudluk sa bagong taon!
peace 🙂

asust!

ganda ng MMDA signage mo pahiram ako… hehehe

badoodles: @aga salamat sa advice. ill keep that in mind. yan bang signage? sige lang.. its yours for the taking. wag lang ung post ko dito ok? haha.

11 01 2009
mnel

hala nakakatakot ka pala. hinihintay ko yung punchline sa kwento mo at sasabihin mong nagjojoke ka pero hindi pala. 😐 pero kung iisipin mo, asawa ka kasi eh. binastos ang misis mo. chicken lang ang di pumatol.

badoodles: @mnel paumanhin. paminsan-minsan di talaga maiiwasan to show your swagger with those badass people. mabait talaga ako. see?

13 01 2009
foobarph

badoodles, next time, send me a PM, ipapatira ko ang mga kaaway mo sa murang halaga. alam mo naman, maraming mga tambay ang nangangailangan ng pera. ^_^ don’t worry, pa po pogiin namin yung target, basta ba maganda yung bayad. pag hindi maganda ang bayad, baka lalong pumanget ang target, mahirap na.

nyahaha!

14 01 2009
darkerthanblack

kung skin ginawa yung binully esmi ko sa harap ko ospital ang bagsak nun much better kung sa ER…
lagi ako nagbabasa ng blog na to cool dami ko rin natutunan

14 01 2009
relentless

buti nga kayo nakakawithdraw sa ATM maski mahaba ipinila nyo, eh ako ang sama pagdating saken ubos na pera ng machine. lekat un mga ATM’s sa may SM North wag kau magwiwithraw dun pag friday! LOL.

pero naaliw ako. “Pinipilit ko namang magpakabuti.” naalala ko tuloy un dialogue ng anak ko sa linyang iyan nun new year’s eve. nag-away sila nun kalaro nya na anak nun host sa party, sabe ko “diba usapan naten beheb ka lan anak?” “mame, pinipilit ko naman wag magkulit eh. kaya lan di ko mapigilan” ika nya. lol

makikiraan po! happy new year!

15 01 2009
Klitorika

Kuya! he,he astig ka pa rin talaga!

24 01 2009
winkii

yes! finally anjan na ang anghel niyo. 🙂
alagaan niyo siyang mabuti daddy badoodles.. 😀

3 06 2009
Windel Crab

I’m new to your blogspot but I really enjoyed reading it,… maybe a little bit more readings and I’m good enough learning how to be like you,… ha,.ha,.ha,.ha,.ha,. sana meron din akong matutunan sa iyottube ba yun? para sa ganoon hindi magtatagal ang hinagpis ng darling kong mapagtampo kung hindi mapagbigyan bumili ng kung ano-anong burloloy sa katawan…. hanggang sa muli.

wcrab

13 06 2009
pinoyslife.com

delayed na ako, pero lupet tlg mga blogs mo. idol!

24 08 2009
torotot

.ganda Xa..!i mEan ung misis mOh..indi blog mo..LOL..joke lang.
..anO.!lupit eber..!
..nkaka relate aq sa chulalabs q noon..!
..hihihi..

2 11 2009
Baranggay-Away

umm ser tungkol dun sa nambastos at dun sa gwardiya.. maari po b ako magbigay ng puna at magmura? ser nakakarelate po ako sa nararamdaman nyo.. umm kaso magkaiba po tayo ng script.. masasabi ko pong mabait pa kayo sa lagay na un.. kasi kung suot ko ang sapatos nyo ang masasabi ko ay “Kung ako sayo mauna ka nang sumuntok kasi baka un n ang huli mo.” pero hindi ako papayag na mauna siyang bumanat.. uunahan ko parin at hindi ko pipigilan ang sarili ko hanggat hindi nya tinatawag ung nanay para humingi ng tulong.. tungkol naman dun sa gate.. madalas mamaga ung kamay ko kakasuntok sa pader kasi pinipigilan ko na ang manakit ng tao.. pero kung sa totoo lang masarap mambanat lalo na ung gwardiya.. umm ser baka bobo lang po talaga un.. nakakapagtaka nga kasi marunong syang gumamit ng radyo.. ser kung iinit po ulit ulo mo.. ipagtatanggol kita kasi madalas din uminit ang ulo ko.. haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: