Kwentong Barbero 2008 Year Ender Shoutout

31 12 2008

 Tingnan mo yan, isang taon na naman ang nakalipas.  Ambilis ng takbo ng oras.  Hindi ka ba nagsususpetsa na baka dinadaya na tayo ng orasan?  Nakalingat lang ako ng sandali may puting buhok na ako, nagkarayuma at humaba  ng 1 cm ang titi ko [o baka lumiit lang ang palad ko, di ko alam kung alin sa dalawa ang totoo]. 

Andito ako ngayon sa ospital [naka-weroam lang]. Hindi ako magpapatuli dahil hindi naman totoo yung urban legend shit na pag pukpok lang sa albularyo ang pagkakatuli sa ‘yo magiging supot ka ulit. Umpisa na ng labor ni misis para sa aming unang baby. Baby girl. Hindi nagkatotoo ‘yung hiling ko kay Papa Jesaz na sana baby boy. Ok lang, ang importante maayos ang panganganak. Syempre may kahalong kaba na baka paglabas ng baby, dayain na naman ako ng haring orasan, dalaginding na ‘yung lumabas. At tulad ng komersiyal ng Globe sa tv, maririnig ko na lang na kausap niya ang kanyang mga BFF at kumekerengkeng na nagkukwento sa latest escapade ng boypren niya na, ‘Nag-kiss na kami ever’. Mapapa-huwwaaaaaaaaaah na lang ako sa huli. Ok, mukang nagoober-react ako.

Anyhoots, shoutout lang muna ako sa mga kasama kong bloggers na tumanda na naman ng isang taon. You’ve been had by Father Time. Shoutout kina: 

 

Anak ni Kulapo sa mga pautot at kung anu-anong pakulo sa blogosperyo.  Sana sa susunod ako naman panalunin mo tapos panalunin din kita.  Fair enough?  | Antuken, salamat sa suporta sa nakaraang Project Lafftrip.  Alam kong wala lang sa ‘yo ‘yun pero I appreciate it.  Yey! Two years na! | Bebe Ni Badoodles, binibigyan kita ng isang buwang pahinga, tapos gawa ulit tayo ng baby.  Ayaw mo?  Sige dadagdagan ko, isang buwan at isang araw na pahinga.  Deal. | Broken Man, dude ninong ka ng first baby namin.  Isulat namin pangalan mo sa ninong list ok ba? | Chiksilog, best humor blogger ng taon.   Pwede ring emo-humor blogger.  Magaling maglaro ng salita.  Advanced sa pagpapatawa para sa kanyang panahon.  | Dimaks,  tech blogger.  Magkaiba kami ng niche’ sa blogosphere pero pareho lang na pogi.  Haha.  Siya ang gagawa ng solusyon sa problemang trapiko ng Pinas.  Best regards sa family mo bro.  | Gasoline Dude,  kapareho kong nagba-blog pampatanggal stress.  Adik sa libro.  Health buff, in short katulad kong malandi.  Haha.  Daming adventures sa Singapore. | Kokey Monster, walking wikipedia.  Kapareho kong matalino [talagang siningit ang sarili ‘no? Haha].     

Kotseng Kuba, kasama ko sa kwentong barbero mula noon noon pa.  Nagnominate sa ‘kin sa Philippine Blog Awards.  Kung pano ako nakapasok bilang finalists, siya ang may kasalanan nun.  Salamat pare. | Maldito,  ipagpatuloy lang ang pagbibigay tuwa.  Go! Go!  | Maruism, syempre kumare ko ‘to.  Ninang ka sa baby namin.   Dabest ‘yung pulboron mo mare.  Isa sa mga masarap na pulboron na natikman ko.  Hindi tulad ng ibang pulboron na pagkagat mo pa lang, nagwawala na sa tamis.  ‘Yung sa ‘yo sakto lang ang lasa.  Tipong makikipaglandian muna sa dila, para humirit ka pa ng isa.  Astig. | Pinay Blogkaster, masarap makabasa ng behind the scenes na bakbakan sa mga balita at isyung napapanood sa tv.  Parang reality tv behind reality tv lang.  Salamat mula sa aming lahat. | Rj Tejada, magaling sa diskarte sa buhay.  Hindi lang nagpapatawa, may life’s lessons pang kasama.  [Shoutout din kay trishabiik na nagdelete na ng blog]. | Smokin Rabbit Hole, kung meron mang dapat silang sisihin bakit tagalog ‘tong blog na ‘to, ikaw lang ‘yun wala ng iba. Thanks for the advice. | Tambayan ni Beer O, Watusi Boy  mga side kick ko tenks tenks.    


Anukayayun, Chuvaness, Kengkay, Reyna Elena, way to go sa ‘social climbing at its finest’.  | Jojitah, regular reads ko.  Lalo ko lang naiintindihan ang masalimuot at nakakatuwang pag-iisip ng mga babae pag binabasa ko ang blog ni jojie. | BSCS Tambayan, Camilleeee Shy Girl, Ellieshe, Bysterslair, kumbaga best in perfect attendance.  Consistent na nagko-comment sa blog ko, nakakapalitan ng kuro-kuro at nakakakulitan.  | Mariano, DearDiarya, the boys of humor.  | Gasti, I Heart Mamon, Chillidobo,  ang tatlong itlog na mga unang nakilala ko.  | Liday Ken Ragsak, Kutserong Kulot, ilocano rulez. | Marcelo McRey, ilang buwan na lang lapit na graduation.  Gudlak bro. | Barefoot Alchemist Andaya, di ko man lang nalaman agad na kinasal na kayo.  Sa susunod, dadalasan ko na ang pagbabasa ng blog mo.  My bad.


Green Pinoy isa sa mga kumakarir sa pagbebenta ng aliw sa blogosperyo sa panahong karamihan ng blog ay kung hindi nagbebenta ng ‘Sexy Pinays Online’ ay nagbebenta ng gamot sa alipunga.  Ipagpatuloy ang nasimulang pagpapatawa.  WTFOMGLOLLIPOPZ! | Nanskii Boy, humor buddy ko ‘to.  Kaututang dila online.  Kasama ko siyang inaaral ang pagpapatawa na parang isang bagong disiplina sa siyensiya.  Eto ang talent na gusto kong mapanood sa tv, pagkatapos ng mga palabas tulad ng 700 Club Asia. | Pareng Ryan salamat pare sa mga tulong mo kahit di kita natulungan nung naglipat bahay ka.  Wrong timing.  Sa mga susunod pa nating inuman.  Cheers! | Piece of Crap the next best talentadong pinoy.  Antayin namin ang pakulo mo sa susunod na taon, at suportado ka namin sa iyong magandang intensiyon para sa mga baguhang bloggers [hint hint].  | Karen Carpenters, Lilmis Pasaway, Lingling Bells, Madbong, Mang Badoy, Ron Turon mga cool bloggers na nakilala ko salamat sa inyong lahat. | Wakanasusha na tulad kong nagsisimula din bilang family man.  Best regards sa family mo parekoy.


At sa lahat ng kasama kong TAMBAYS dito, esteemed readers, nakadiskusyon, at nakatanungan ng ex links?, manigong bagong taon sa ating lahat.  Isa na namang panibagong paglalayag.  Magkakasama tayo sa panibagong taon ng pakikipagsapalaran, diskusyon at kung anu-ano pang ‘wala lang’.  It has been a ride.   Sa susunod ulit na taon. Hapi New Year!

Advertisements

Mga Tugon

Information

75 responses

31 12 2008
kosa

wish ko lang ako maunang magkimento..lols

oo nman paglipad, paglalayag… byahe.. o anu pa man yan parekoy.

yun na rin yun!!!!

sige merry happy new year sa ating lahat!

good luck sa panganganak ninyo…

ay wis yu ol da best. para sayo… sa bebe mo at sa magiging beybi nyo..

badoodles: @kosa hapi new year!

31 12 2008
Geisha

maliGEISHAng bagong taon sayu idol! more posts to come for the year 2009!

badoodles: @geisha hapi new year din. more hapines to cum.

31 12 2008
The Gasoline Dude

Pareng Badoodles, New Year baby ba ‘yan? Kelan ang labas niyan? Congratulations sa munti mong anghel.

Happy New Year sa ‘yo at sa buo mong pamilya. = D

badoodles: @gasdude false alarm. baka i-induce labor na lang ng ob, ayaw pang lumabas.

hapi new year bro.

31 12 2008
anakngpating

first of all kuya congrats sa anghel mo …saya saya naman …

and a happy new year xempre…

XD

tambay pa rin ako lagi …

hanggat buhay pa ko hek3…

idol/….

badoodles: @anakngpating hapi new year wagnut!

31 12 2008
joshmarie

sir badoodles! happy new year to you and your family.

congrats sa pagkakaron ng baby gurl. 🙂 magiging blogger din ba yan paglaki? hehehe! God bless! 🙂

badoodles: @joshy magiging blogger ba? oo naman. tapos ako yung lurker. para oras na kumerengkeng, huli kaagad. ampf.

31 12 2008
lio loco

hapi new year din sau kua badoodz at sa bebemo at sa magiging bebe baby mo. natutuwa ako at nakilala ko ang blog mo ngaung taon nang di sinasadya. salamat sa inspirasyon, makukulit na kuwento, at libreng hagalpak. sa uulitin etong year of the ox. 😀

badoodles: @lio loco ako din. nice knowing somebody na kapareho ko ng disposisyon sa buhay. younger version. this is our journey.

31 12 2008
epfi

huwaw… daddy na!

happy year!… next year makakatipid ka sa handa.
pwede mo ng pag sabayin ang pasko, bday ni panganay at new year!
ayows!

badoodles: @epfi dotcom na. congrats. cheers for the year ahead.

31 12 2008
hisnameisdencios

happy new year ka-wp!

badoodles: @dencios hapi new year din bro! wag tamaan ng katamaran sa pagba-blog. tuloy tuloy lang.

31 12 2008
phot

Mr. badoodles. HAPPY NEW YEAR! naging masaya ang online year ko ng dahil sa mahiwaga mong blogsite! Yey. XD

badoodles: @phot may mahiwaga talaga ‘no? parang papaya soap lang ba na nagpapabata ng mukha? haha. ako din naging masaya dahil masaya kaung kausap.

31 12 2008
akosiikay

happy new year manong badoods and sa bebemo…
congratulation to both of you ni bebemo pra sa inyong bagong bebe sa
makulay na buhay nyong mgbebe…hehehe.

and im very thankful na naligaw ako d2 sa blog mo
kc naging masaya ang bawat araw ko dahil sa pagbabasa ng
mga kwento ng buhay buhay ng barberong katulad mo.
salamat ng marami!!!

badoodles: @akosiikay salamat din ng marami. natutuwa akong makilala ka. lahat ng ‘sana’ mo ay sana’y mangyari. u are loved.

31 12 2008
Tangy Tomato

Congrats!!! 🙂

badoodles: @tangy thanks.

31 12 2008
mangbadoy

salamat at napasama ako sa hanay ng mga sikat bossing congrats sa baby girl mo… tanong lang pwede ko bang ligawan ang dalaga mo ? hahaha! joke lang bossing alam ko natatakot kana pag kumereng keng ang anak mo tiyak ko tatalunin ang landi mo nun… kaya kabahan ka na…

badoodles: @mangbadoy ampf 😛

31 12 2008
Sesaryo

salamat din haydol badoodles. naging parte ka ng buhay ko at ng daily routine ko.haha. hanggang sa susunod na taon (mamaya mga 3 hours pa). happy new year!

badoodles: @sesaryo hapi new year din sayo kid.

31 12 2008
Sesaryo

haha. congrats din pala at magiging daddy ka na in just a bit time. goodluck sa pagpapalaki ng baby girl mo. alam ko namang magiging mabuti kang tatay! alam ko namang red horse ang ipapa-inom mo sa baby mo imbis na gatas. haha. joke lang.

badoodles: @sesaryo kung baby boy siguradong red horse papainom ko kaso baby girl protective mode malamang.

1 01 2009
camilleeee

naks, salamat din sa palaging pagpapasaya ng umaga namin.
congrats sa iyong li’l bebe girl.
parang nai-imagine ko nang sinusuklayan at inaayusan sya ng mommy nya tas ikaw naman yung taga hele sa kanya hehe. 😀

happy new year! 😉

p.s
sana masilip din namin ang kakyutan ni little bebe girl. weeeee

badoodles: @janetot salamat din sa palaging pagbisita.

1 01 2009
Lenggai

una, congrats pareng badz!!! regards sa bebe at baby mo ha!

ang ganda ng pasok ng bagong taon, in fairview!!!

uy, hindi porke hindi ako nag-iiwan ng marka ay hindi na kita nabibisita, nasa reader na nga lang ako madalas magbasa ngayon kapag bitin na ako sa oras, at na-touch naman ako at hindi ka pa rin nakakalimot 🙂

ipagdadasal ko kayo ni bebe mo. rakenrol lang, sus, tagal pa bago maka-cherva ng boylet yan, hehe!!! 😀

badoodles: @lenggai salamat mare. wag kang mag-alala ganundin ako sa blog mo. lurker mode. hahaha. thanks marami.

1 01 2009
greenpinoy

langyang pooksasapot yan LOL

maraming salamat badoodles! naging maganda ang 2008 para sa greenpinoy at sa mga greenies! sana makapagtrabaho tayong dalawa ngayong 2009!

mabuhay ka!

badoodles: @greenpinoy honga pooksasapot mas tunog-hebrew kesa tagalog. sana nga magdilang anghel ka. hope to collaborate with u if not sooner baka end of the year.

1 01 2009
coldman

happy new year badoodles!

more humor this year!

badoodles: @coldman kelangan pa pala kitang i-special mention bago ka magparamdam. haha. ako din dadalasan ko pagbisita sa blog mo. my bad.

1 01 2009
dhyoy

cool!!!

badoodles: @dhyoy yeah. un lang.

1 01 2009
Maldito

nako naman….indi na ako nagbibigay ng aliw at kasiyahan bossing ngayung 2009..

magbebenta na ako ng aliw para maiba..ahahahaa…ang samang pakinggan..

gusto ko sanang isama sarili ko sa mga ninong.

kaso kapalmuks na ang ganun..

intay nalang ako kay baby boy….

papamana ko sa kanya utang ko..ahahhaa…

happy new year bossing!! salamat sa yung suporta! lol

badoodles: @maldito dami nga ninyong gusto kong kunin kaso baka maging listahan ng huweteng sa haba mamya. nilimit na lang sa criteria na mga pamilyado na din ung ninong at ninang. ako na lang kunin mong ninong.

1 01 2009
watusiboy

oo nga, parang kailan lang nung nabalitaan naming buntis ang bebe mo. tapos mangaganak na ngayon. sumakto ba sa new year? kung nagkataon, may tv exposure. hehe

congrats sa inyong baby. ang ganda ng pasok ng taon para sa inyo. at salamat sa pagbibigay aliw sa maraming tao. happy new year 🙂

badoodles: @watusiboy hindi. natakot sa firecrackers at mga sabog ang kamay sa ospital. narinig ko sabi pa ni baby, ‘ewwww, so gross’. haha.

1 01 2009
karen

HAPPY NEW YEAR PAPIDADI BADOODLES!!!

Wish ko lang makasama ka sa loob ng Delivery Room while watching manganak ang misis mo! aabangan ko yan sa blog mo! hehe ;P

impernes, nakakainggit ang snow effect mo… 😉

badoodles: @karen alam ko meron ding snow effects sa blogspot, sabog nga lang ang direction parang balakubak. anyhoots, hanggang january 4 lang daw yang snow effects sabi ng may ari ng wordpress.

1 01 2009
glesy the great

di pala ako nakapagbigay ng comment… hmmm gusto mo ng baby boy para kayo naman ang maghabulan ng taga… sabagay kung girl ang pangit naman na magtarayan kayo…

meron pala akong sasabihing importante.. gusto ko nga palang malaman mo na nagpapasalamat ako sa’yo.. kasi dahil sa’yo lumipat ako ng wordpress (dati kasi akong blogger sa friendster tapos blogspot)… para kasing masaya sa wordpress (masaya nga).. biruin mo yun? nag-googoogle lang ako ng leakage sa heart center entrance exam nakarating na ako sa site mo.. kaya kahit anong mangyari magiging loyal reader mo ako… kaya para sa 2009, cheers pare!!

from the bottom of my kumekembot na heart, goodluck sa bagong buong pamilya ;p-another cheers for that…;p-glesy the great

badoodles: @glesy haha. hindi naman. pag baby boy hindi alagain, painumin ko lang ng beer matutulog na, pag baby girl malamang high maintenance at kailangan ko pang magbasa ng baby book so i wont mess it up. cheers din..

1 01 2009
wei vines

naks! ganyan din fear ng tito ko nung lumabas yung pinsan ko..hahahah
happy new year! 😀

badoodles: @weivines hapi new year bro. mukang hiatus na ung gagitos.

2 01 2009
yuichi

Congrats to the brand new father… of a bouncing baby girl… Blessed talaga New Year nyo… Sana kami magka-baby girl din. Puro barako nasa bahay…

badoodles: @yuichi thanks. finally daddy na rin. ayos pag puro barako – magulo. hope to be a good father like u too.

2 01 2009
antuken

happy new year badoodles! sa yo, kay bebe mo at sa baby-ng darating!

i’m sure madaming adventures (at misadventures) na naman ang maik-kwento mo pagdating nyan.

may 2009 be better for all of us (even with the recession that they’re all saying)!

badoodles: @antuken magdilang anghel ka mare. dont pressure urself too much sa little project 😉 nakakadagdag stress pag iniisip. darating din yan in the least expected.

2 01 2009
Yang

Happy New Year Sir Badoodles!!!

badoodles: @yang hapi nu year ma’am yang. miss ka na ng boypren mo. hahaha. kelan uwi pinas?

2 01 2009
brokenman

happy new year mr and mrs badoodles and congrats sa bagong baby! sige i’d love to be her ninong! 🙂 God bless.

badoodles: @brokenman thanks dude.

2 01 2009
reyna elena

Happy New Year and wish you the best of all this coming year! Salamat sa brip na binili mo saken. Suot suot ko syan noong noche buena. Buenas talaga, binagyo ang pasko namen. Hehehe! Eto: Dito mo makikita: http://reynaelena.com/2008/12/26/xmasdinner08/

badoodles: @reynz amfugee naman ni reynz. bagay na bagay sayo ung tshirt na bigay ko.

2 01 2009
popoy

congrats kuya badoods. baby girl pala. nagulat lang ako bakit may ref sa loob?lols.

eto late na yung greetings ko better than late than later…lol

merry xmas and a happy new year

*pede din pa lang adbans para sa holidays 2009 hehehe 🙂

badoodles: @popoy ako din nagulat may sarili syang ref sa loob. pero sabi ng ob hindi daw ref un, kikay kit lang daw un. haha.

2 01 2009
Sir Gie

Whoa! Brand new tatay na si Badoodles! Congrats!

Ngayon lang ako ulit nakalakbay sa mga sapot sa sanlibutan. Nagbabakasyon. Hehehe. Oi, andito ako ngayon sa Tugue. Siyempre, sa pansitan. Hahaha! Alam ko, namimiss mo na ang pansit batil patung.

Paglaki ng baby mo at malasahan na niya ang pansit, ang una na pansit na dapat mong ipatikim sa kanya ay pansit batil patung ng Tugue. Authentic Tugue cuisine agad para hahanp-hanapin niya saan man siya makakita ng pansit.

Talagang haping-hapi ang new year mo, Badoodles! Happy na, sexciting pa! Ay, namali ang spelling ng exciting. Pasensiya na. Ako yata naeexcite para sa yo. Hehehe.

Enjoy! Goodbye 2008. Here we come, 2009! Sana umabot hanggang 2069!

badoodles: @sirgie wow. talagang tinakam ako sa pansit. salamat ha. [sarkastik] baka mapauwi na naman ako nito para lang magpansit. haha. hapi nu year din!

2 01 2009
a.r.d.y.e.y.

totoo kaya ang tsismis na kapag babae ang naging baby eh dahil babaero ang tatay? pambayad utang daw?

heniway, wishing you all the best para sa delivery ng baby girl nyo ni bebeMo. ang ganda ng pasok ng new year sa inyo, nawa’y magtuloy-tuloy ang rakrakan. =D

badoodles: @pareng ardyey di ko na binanggit ung tsismis na yon para di halata, pero sinabi mo pa rin. ampf ka. haha. pero matibay pa rin ang paniniwala kong di totoo yon dahil naging mabait ako sa mga kababaihang nagdaan. haha. rakenrol!

2 01 2009
McRey

Happy New Year!!!

Anong pangalan ni Babydoobles?!

Ang saya saya daddy na si Badoodles!!! Wahahaha…

badoodles: @mcrey ang pangalan niya ay… baby. cute ano? talagang pinag-isipan. bwahaha. wala pa bro si misis na bahala dun.

2 01 2009
FerBert

walking wikipedia? bwahahahaha

mali mali din ang impormasyon na bibinigay ganun? hahah

happy new year bossing! congrats kay sa baby girl!

badoodles: @efbee ganun ba un. sige balik tayo sa makalumang paraan – walking encyclopedia na lang… hapi new year. wala akong masabi kundi salamat. ur da man yo! [may kasamang choreography pa yan na hand gesture na pump chest sabay turo ampf].

2 01 2009
annenoneymous

idol! sana may blog din akong name-maintain! mygas, antamad ko kasi weh, puro simula lang tapos apter a few weeks, inaabot na ng katam… hmp! inu-new year’s resolution ko nga yan (wish ko lang!), iinggit ako sa inyo kasi ang tatagal na ng blogs nyo… niweis, continue blogging kasi andami mong napapasaya, pramis! mga tatlo na kami since last count! :p

happy new year, badoodles!

badoodles: @anne talaga tatlo na kayo? yeheyyy [insert sayaw butiki here…]

2 01 2009
kotsengkuba

ano badoods, kumustang panganay at si misis? happy happy, joy joy na ba? happy new year pre, sa china na ulit ako. eto at lungkot lungkutan at mag-isa nalang ulit ako dito. huhuhu 😦

badoodles: @kotsengkuba ganun? kala ko for good na sina misis jan. lungkot naman [talagang nag-second the motion ‘no? watta friend.] di bale pre kaya yan. go! go! lang!

3 01 2009
nanskii

congrats big *** sa ung bouncing baby gel.ayan ha,baka nag-abala na akong gumawa ng avatar para matigil na ang batuhan natin ng mga mapapanirang puring salita dahil lang hindi ako nagkokomento sa blog mo na pinagmamalaki kong binabasa ko.hindi ito press release.

congrats ulit! mabuhay ka!

badoodles: @nanskii bwahahaha. kailangan palang binabanggit kita para mapa-koment ka. ganyan talaga ang mga alagad ng sining sa pagpapatawa, nagyuyurakan ng dangal ampf. sana din maarbor ko na ang pinagmamalaki mong kasuotan pang autum/summer collections.

3 01 2009
aga

bwahahahaha!!! 😀
happy new year!!!

badoodles: @aga hapi nu year bro!

3 01 2009
grace

napadaan lang po dito galing kung saan. ang galing nung ultrasound ng baby mo ah. hehe

badoodles: @grace oo. kikay na kikay lang. haha. thanks for dropping by.

3 01 2009
xG

ahm. ehm.
teka nga
mabasa ko nga ulit
yung para sa datkom
LOLOLOL.

ipapaalam ko lang
na binasag mo
ang nananahimik kong karir
sos ka
😐

mukhang kailangan ko pa maghintay
para sa baby boy
matagal pa ako magaantay
ng magiging boyps ganun?
aba dalian na yan
jusko
hahaha

kinailangan ko pa ikapi peys ito
para lang mabasa ko ulit
sa 1/16th na size ng window ko
dito sa opisina
hahaha

eka.
galing maglaro ng salita?
mukhang di yan totoo.

kaya ako mukhang matanda
sa henerasyon ko
e dahil sa siyempre alam naman ng lahat
kung sino yung blog idol ko

ang pinakabatang senior citizen ng blogosphere!
at hindi ko siya ipaplag
hahahaha

badoodles: @xg ngayon malinaw na sakin ang lahat kumbakit advanced ka para sa iyong panahon. dahil naman utak grade-one-pupil-section-D-row-4 ako, technically, ate kita. ate xg. bwaha… ok shyatap nako.

3 01 2009
echo

pareng bads, eto na, eto na, eto na, waaaahhhh!

sleepless nights here we come, time well spent pare ko. kwentuhan mo na lang ako pag andiyan si bebe gel badoodles.

happy new year sa inyo ni misis!

badoodles: @pareng echo overwhelmed pa din ako sa tuwa. what have i done right to deserve this kind of joy? naks.

4 01 2009
jepoy

sabi ko na nga ba baby girl e hehehe

congrats papi — ure d man !!!

hinahanap k nmin ni ujin kagabi sa munti

di ka OL , kaya ngDota n lng kmi hehe

badoodles: @pareng jepoy asa ospital kami ng mga panahong un pre. dota? pati ba naman ikaw naimpluwensiyahan na ni ujin? haha.

4 01 2009
lei

Ok lang yan kahit hindi baby boy.. at least ngayon meron ka ng baby girl at kung

nagkataon kapag naging super close kau eh maging daddy’s girl. hehe. =)

happy new year din kuya badoods! 4 sure tatagal etong site mo. naks!

badoodles: @lei mukang daddy’s girl nga. kuha ugali ko.

4 01 2009
joshmarie

hahaha. hala… patay tayo jan! mahirap pala pag ikaw ang naging tatay sir. hehe. 🙂

badoodles: @joshy hapi new year. cheers for the years ahead para makilala ang bawat isa ng lubusan 😉

4 01 2009
carelesshush

wow congrats!!!

u posted this 31 dec…late na comment ko hehe..

so ilang pounds ang dalaginding mo??

happy new year and expect kami ng mas makulit na blog ngayong 2009 huh!!

PS:
alam mo na ba kung humaba ang **** mo o umikli lang ang palad mo? hehehe

badoodles: @careless hush gusto kong isipin na humaba talaga ang titi ko. yaan mo na, paminsan minsan lang ako magpaka ambisyoso. 😉

4 01 2009
ronturon

o ayan.. huli man daw at magaling, naihahabol din…

MALIGAYANG 2009 ka badoodles!

nawa’y maging mas kapaki-pakinabang ang taong ito. Wag lang sana tamaan ng great depression ang Pinas! hehe…

Tekker at Gb!

OT:
langya, sa tingin ko nagpapaka-demure si carelesshush kasi hindi nya masabi yung salitang titi. hahaha! peace careless.. promise kilala na kita kapag nagkasalubong ulit tayo sa YM. yahoo!!! 😛

badoodles: @ron hapi new year ronski. mukang may something kau ni careless na di ko alam [tsismoso? haha]

5 01 2009
chuvaness

pappiii! it’s amazing how time flies. akalain mo, may baby girl na kayo ni bebe. congrats! God bless you on fatherhood

thank you sa napakasayang 2008 and for bringing us the project lafftrip! you’re the man!

5 01 2009
azul

at aun ngayon lang ako pumasok sa ofiz kea ngayon ko lang nabasa mga post mo..makikihabol na din ako ng pagrit..
HAPPY NEW YEAR!
hem syur hapi ka…wow bebi girl…wat pu name nia?kakaexcite aman!jiji
ung sis in law ko bka by d end of january or pers wik of feb manganak..hahay!
KAMPAI!para sa bagong taon….

5 01 2009
kulot

happy new year manong!

salamat naman at nabasa ko ang name ko dito, mabuhay ka!

5 01 2009
cutedanger

nahuli akong magcomment pre hehehe.. gurl na ba tala pre..
pare pare tau diba pare tau nung anak ni nap pare tau nung anak ni mark..
Eh ngaun hindi mo ba ko kukuning pare para maging kumpare na talaga tayo ng tunay hahahaha.. pagtatawagin kita pare 3X tagay tayo pag labas ni baby tush.. napag usapan namin ni nap yun.. kaya kita kits

5 01 2009
azul

pahabol pala…

uhmmmm bakit di na lang keo magtanong ng mgiging pangalan ng bebi nio kay pacman?

hmmmm..corny?cge wag n lang…

5 01 2009
trixielle rose

Congratulations at happy new year sayo

6 01 2009
Dyepri Budoy

arf! may ref! haha

6 01 2009
gasti

pareng baduds! merry xmas at happy new year! ngyon lang ako nakabati kasi ngyon lang ako pumasok ulit..hehe! congrats sa baby girl! pareho tayo…bff na lang sila.

6 01 2009
beero

happy new year kuya bosing! takte ngayon lang ulet ako nakabalik sa mula sa bakasyon ko. hehe. naks! new year baby pa anak mo! 😉 hope maging ayos ang panganganak ni ate bebeko. ayun salamat sa pagpili sa kin bilang side kick. wag mo nga lang akong batuk-batukan ha. yun kasi role ng side kick sa mga pelikula. lols. nice to know na magi-isang taon na rin mula nang mapadpad ako dito sa blog mo. hehe

6 01 2009
Jex ~ Saah Paahk

sana mailabas ng misis mo ng maayos ang anak mo pati na rin ung Refrigerator sa loob ng tsan ng misis mo ^^

congrats nga pala at babae ang ank mo ^^

6 01 2009
madbong

tol, andito na ko sa pinas. e-mail mo naman sa aking phone or mobile mo para makausap man lang kita. kailan due ang baby?

6 01 2009
J i y u h

napadaan muli, happy new year badoods and congrats ke bebegerl 🙂

7 01 2009
Starc0re

Happy New Year pu! C0ngrats sa beybi gurl nyo.. XD

7 01 2009
byter

Happy new year papi, sa bebe mo at sa bebegurl na nakapwesto malapit sa ref. Pangalanan mo kayang queen victoria para panabla sa queen elizabeth ni pacman.

8 01 2009
carelesshush

Mr. B..sasagutin ko lang si ronturon huh 🙂

@ron
walang kealaman! i’ve had enough kahalayan in 2008 magbawas naman daw sa 2009….waaaaaaaaa! di mo na ko makikilala sa YM..magsusuot ako ng maskara! waaaaaaaaahahahahah

8 01 2009
wandering girl

hiyee badoods! late na greetings ko sau..sabi nga sakin it’s better late than pregnant..wenk..hahaha busy busyhan nung bakasyon at ako ay munting yaya sa mga little pamangkins ko..hehehe anyweyz.. merry christmas & a jolly new year! ang ganda ng pasok ng taon sau ah..dapat pinatalon mo c bebemo para lumabas na c bebegirl nung Jan 1..hehehe akalain mo naman makaka 1 year na kong nagbabasa dito..salamat badoods! at pag ako ay inaantok sa office ito lang ang pangpagising ko..hehehe ung blog-bloggan ko medyo natutulog sa pansitan eh..pero this year pramis lagi na ko magpopost..sisimulan ko na now na..hehehe sana maglurk-lurk ka paminsan minsan dun..

congrats uli..

-shelley =) (baka kasi nde mo maalala kung cnu ako kaya nilagay ko yan..hehe)

8 01 2009
wandering girl

ay pahabol..para kay ronturon..

tambay ka din pala dito kay badoods..ako ung frenship ni bloom na pinakilala nya sau dati..hahaha ayun lang.. wat a small world apterol..=)

8 01 2009
ellieshe

Happy New Year Kuya at congrats sa pagiging Daddy badoodles! hehehe..masaya ako at kasama ako sa isang taon ng kulitan.

9 01 2009
BURAOT

sempre pa, nasa hulihan na naman ang comment ko. kopong kopong pa kasi yung mga otobots na gamit ko. nahahagip lang yung links kapag malapit na mag one hundred yung comments.

hapi new year badoods! sanay maulanan pa tayo ng husto para dumami ang mga lahi natin.

okey, kulitan na ulit!!!!

9 01 2009
Layla

happy new year din!

dati mo akong lurker sa blog mo. ako’y nagbalik.

bagong tahanan.

10 01 2009
mayui

wow, nanganak na?
happy new year!
anong pangalan ng baby niyo? kumusta na? XP

10 01 2009
trishabiik

hapi nuyir pala 🙂 welkam sa fatherhood 🙂

11 01 2009
libay

Happy New Year!

11 01 2009
dyosangwalangganda

wala pang bago sir? 🙂

12 01 2009
umleo23

nawala ako ng 3 weeks! as in! pero ito na ako ulit! grabe na greet pala ako dito! hindi ko akalain! Ano kayang pakulo yang nabanggit dito!? wahahahahahaha kailangan ko pa ng time at effort para matuloy yun… so for now it remain as a plan!

At kung akala mo nakakalimot ako, nagkakamali ka! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR Manager! (kahit na di ka nagpakita sa akin noong nasa Pinas ako…)

12 01 2009
Marvin

Happy new year din! Napadayo lang dito, galing sa mahiwagang pag-eenglish ni Inday.

15 01 2009
MARU

pareng badoods! yahooo! congrats! tatay ka naaaaaaaaaa! nag text ako sau 4 days ago yata…di ko alam kung natanggap mo.

again, CONGRATs sa inyo ni mareng bebe sa anghel nyo. ano ang name?

20 01 2009
foobarph

khit late na pero….. same here. ^^

23 01 2009
Singapore Jobs

Kuyawa ang baby mo bai, lasyo kaayo. naa pa sa tiyan na a na ref. Kanang gamay sa ibaba murag aircon he he he

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: