From Here to Paternity

16 01 2009

False alarm ang panganganak ni misis nung bisperas ng bagong taon kaya balik ulit kami sa bahay, balik sa kanyang walang katapusang paglalakad-lakad at balik pagde-dress rehearsal kung ano ang gagawin namin kung sakaling sumakit ulit ang kanyang tiyan na walang kinalaman sa diarrhea.  Record to beat ay 5 minutes.  Lumipas ang isang linggo, wala pa rin.  Naiinip na ako. Pinapaakyat ko na nga si misis sa puno ng santol para mapwersa na ang baby na lumabas kaso lang ayaw ni misis.  [Sa dahilang ayaw niyang masilipan ko daw siya.  Akala mo pag-iingat sa sanggol ang dahilan ano? Haha].  At noong January 8 nga, isang napaka-kaswal na araw, sumakit ang tiyan ni BebeKo.  Naligo siya.  Ginising ako.  Ayaw kong magpagising.  Ginising ulit ako.  Naligo ako.  At pumunta kami ng ospital.

Pero hindi ganun kasimple.  Pagdating namin sa ospital, 3cm pa lang din si misis.  Walang pinagbago noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, ‘yung etits ko pa lang din ang may kakayahang  magpanik-panaog sa kanyang loob, in-out, left-right, up-down saka jump.  Hindi ko alam kung tamang desisyon ba pero pina-admit ko pa rin si misis para iinduce labor.  Nagpaalam na kami sa  isa’t-isa dahil bawal daw ang isang malaking mikrobyong nagkatawang tao sa loob ng delivery room.  Hmmkei.  At pasensiya na kung di ko alam ang sasabihin ko para i-cheer up ang isang buntis.  Wala akong nasabi sa kanya kundi ‘Go go girl?’ na may kasamang choreography ni Ultraman.

Nakalingat lang si misis, masaya na akong nakikipaglandian sa admitting section [kailangang ganun talaga, kinakausap ko kung baka naman pupwedeng ilipat kami sa private room dahil punuan ng mga panahong ‘yon].  Mamaya pa, bigla akong pinatawag ni doktora para bulagain ng isang OMG na balita.  Sabi niya humihina ang heartbeat ng fetus, ‘pag hindi nag-stabilize kailangan nang hiwain si BebeKo para i-caesarian.  Nabura lahat ng landi factor sa mukha ko.   

Sa unang pagkakataon, nakapagdasal ako kay Papa Jesaz ng seryosohan.  Usapang lalaki.  Pakiusap ko wag niyang pabayaan si misis at si fetus.  Nangako ako sa kanyang mamamanata at maglalakad ng walang tsinelas sa taunang pista ng Poong Nazareno sa Quiapo.  Nagpramis din akong maglalagay ng banal na salita sa blog ko – size 24 Arial Bold na font na nagsasabing, ‘Barilin ang nakikiapid’ at ‘Pag bad ka, lagot ka!’, mga ganun.   Kung pwede lang ibigay kalahati ng buhay ko sa misis ko para siguradong makayanan niya ang panganganak, binigay ko na.  Sa kabilang banda, ‘yun din ‘yung mga desperadong panahon na naiisip kong kung pwede lang ding isanla ang kaluluwa ko kay Satanas at maging advertising/PR manager niya sa impiyerno, ginawa ko na rin [yun ay kung mas maayos ang negosasyon namin].  Tulirong tuliro ako ng mga panahong ‘yon.  Oo, at may ‘as in’ talaga ‘yan dear ate Charo.

Kinausap ako ni doktora sa pangalawang pagkakataon.   Kung kanina namroblema kami dahil bumagsak ang heartbeat ni fetus, ngayon asawa ko naman ang may problema.  Naipit ang mga ugat niya sa loob-looban dala ng hirap sa pag-ire.  ‘Humahabol sa new year ang ugat ng misis mo, nagpuputukan sa loob’, pabiro ni doktora sa ‘kin, alam kong pinipilit niya lang akong kalmahin.  Hindi naman ako natawa sa corny joke niya. 

‘Doktora, gawin mo lahat ng makakaya mo kundi… REREYPIN KITA.’  May diin at pananakot ang pagkakasabi ko.  Walang halong biro. Naalarma ‘yung guwardiyang nakarinig parang gusto tuloy akong tutukan ng baril dahil sa bastos kong bibig. Hindi nakasagot si doktora.

Madaling araw na natapos ang operasyon.  Pagod na lumabas si doktora sa operating room. Puno ng dugo. Dinaanan niya ako sa chapel kung saan kasalukuyan akong naglulupasay at humihingi ng divine resbak mula sa pinagsama-sama kong powerhouse-cast-ultimate-dream-team ng mga santo [parang fantasy basketball lang].  Isang mahinang tapik sa balikat ang tumapos sa lahat ng pangamba. 

 ‘Okay na misis mo’.  Ngumiti si doktora kahit pagod, ‘Kung bakit kasi sobra ko kayong mahal mag-asawa hindi na tuloy ako umuwi…’.  Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Bihira akong magpakita ng emosyon sa harap ng tao pero natunaw ako sa pagkakasabi niya.   Parang may bumara sa lalamunan ko at gusto pa yatang tumulo ng luha ko sa left cheek na parang si Gerard Anderson lang sa isang madamdaming pagganap bilang mongoloid. Kung pwede ko lang yakapin si doktora at sumubsob sa kanyang boobs ginawa ko na.  Kaso nga puno siya ng dugo, kaya ‘wag na lang.  Noong unang beses na nakunan si BebeKo, si doktora na ang OB niya at hanggang ngayon matiyaga siyang nakabantay para sa kung tawagin namin ay munting prajek-prajekan na paggawa ng baby.  Wala akong masabi kundi tenkyu dok.  At sa inyong lahat, mga friends at so-called friends [yung mga kaibigang nagpapakita lang tuwing inuman], maraming maraming tenkyu sa inyo sa mga dasal at pagbati.  Yey! Daddy blogger na ako.

Piktyur 1]  Ang aking sweet little monster na pakyut matulog at 2 days old.  Ano bang nagawa kong kabutihan para makatanggap ng ganitong regalo? Piktyur 2] Si Daddy Badoodles bilang Hele Boy.  Baby, wag mong dedein ang man-boobs ng Daddy, walang gatas yan.

Advertisements

Mga Tugon

Information

107 responses

16 01 2009
FerBert

(woot)

daddy na si bossing!

congrats congrats congrats!

lahat talaga nadadaan sa dasal..

ang cute nung mata ng baby mo bossing parang laging nakangiti kahit nakapikit.

congrats ulit congrats congrats

16 01 2009
dyosangwalangganda

ang kyuuuuutttt-kyuuuuuuuuuuuuuttttttt!

congrats sir badoodles! 😉

16 01 2009
joshmarie

echos!di ko napansin dyosang walang ganda pa rin ang nakalagay. hehe. ako yun! 🙂

16 01 2009
Jadeite

Congrats! Congrats! Congrats po sa inyong dalawa!

Ang cute cute nung baby nyo!

Musta na po ang misis nyo?

16 01 2009
aby

congratz badoodles!!

16 01 2009
nelson

congratulations po!!

16 01 2009
lio loco

woot woot! congratz congratz! salamat naman at ligtas ang bebemo at sa cute na cute na bebe baby mo kua badoodz. napaka-angelic ng face nia. sana lumaki xang mabait at matalino at madiskarte tulad mo. hehehe. kakainggit, parang gusto ko na rin tuloi magka-asawa’t anak. surrogate mother nga lang. hehehe. sunod na jan ang puyatan to the max episodes sa pagtitimpla ng gatas kapagka umiiyak si bebe baby mo tuwing madaling araw. goodluck kua badoodz! yakang yaka yan. hehehe.

16 01 2009
Flori

Uy! Ngayon lang uli ako nakadaan dito. Andami na talaga ang nangyari. Pasensya na 🙂
Kongrats sa inyo ni bebe (haha) mo. May baby na kayo!
Ang kyut kyut pa niya. Hahaha sino ang kamukha?

–Manang Flori

16 01 2009
beero

yaaahhoooo!!! this is it kuya bosing! paynali daddy ka na! congratulations! i’m very happy for you. ang cute ng baby girl mo. buti naging maayos panganganak ng wifey mo. good thing nagwork prayers natin. alam kong di naging madali sa inyong dalawa ang magka-baby. pero eto na talaga yun! congrats ulet kuya badoods!

16 01 2009
jayr

Congratz badoodles….
Ang kyuuuutttt ng baby badoodles……

16 01 2009
yzah

ung kapatid ko nanganak naman nung 7 haha magkasunod baby boy nga lang ung sa kapatid ko.

16 01 2009
anakngpating

kuya badoodles congrats sa safe na pag labor ni bebemo at safe na paglabas ni baby mo talgang tinulungan ka ng dream team mo lakas ng powers ah hek3…

si papa god tlga ang pinaka malakas ang powers hindi nya magagawang iwan ka sa ere kapag sya ang tinawag mo…

sarap ng may baby..

gudluck sa pagiging dadie..

XD

16 01 2009
mayletti

Congrats po sa napakaganda nyong baby!

16 01 2009
azul

huwow!hang kuyuuuut ng bebi…
congrats po!*tumbling sabay split*

si hipag ko naman neon ang inaabangan kong manganak…

hahay..goodluck sa pagiging dadi… :p

16 01 2009
cindyrella

naks naman! daddy na siya!! congrats tol!! ^^ eheheh! ang cute ng baby, malamang sayo nagmana? ahahah!! sipsip eh no! grabe pala manganak no, hmm kelan kaya ang aking turn? ^^

16 01 2009
tim

waw! ang cute ng baby nyo! May name na ba sya?

CONGRATZ DADDY BADOODLES!

16 01 2009
camilleeee

waaahhhhh, ang kyuttttt ni ‘baby girl badudels’.
OA na kung OA pero kung ako nag karga nyan, siguradong maluha luha na ako.

wuhooooo !!! CONGRATS sa nyo ni bebe mo !

16 01 2009
The Gasoline Dude

Huwaw! Pareng Badoodles! Hangkyut ng baby mo! Congrats congrats! Marunong ka na bang magpalit ng lampin at magtimpla ng gatas ha? Naku, matinding puyatan eto! = D

Aabangan ko ang mga banal na salita sa blog mo. P’wede ka din bang mag-kowt ng Bible Verses dito? Hehehe. = P

16 01 2009
JohnLloy

Congrats SIr! wiii!! 😀

16 01 2009
Meryl

Oh wow! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaang cuuuuuuuuuuuuuute! Hahahaha.

Natouch ako sa: no bang nagawa kong kabutihan para makatanggap ng ganitong regalo?

Pag-pocast-in na ‘yan! Pwersahin naaa! Hahaha. Ang cute niya talaga!

16 01 2009
peypilya

waw!…

congrats sa beybi.. angkyut nga! anong pangalan?

goodlak sa puyatan..

16 01 2009
McRey

WOW!!! Kongrats!!!

Singkit si Baby!!!

Welcome Babydoodles!

16 01 2009
ana banana

Congrats… Badoodles, Cute cute ng baby. Sarap talaga ng feeling ng 1st time parents, para kng nakalutang sa alapaap.

Kumpleto na Badoodles Family… yahooo…

16 01 2009
raechelle

Congrats! =]

16 01 2009
ellieshe

congrats kuya…ilang taon lang magbblog na rin yan…ang ganda ganda naman…kahit tulog parang nakangiti!

16 01 2009
MARU

kelan susundan ulit? sana sa lalong madaling panahon. lol.

16 01 2009
gasti

congrats pareng baduds! proud daddy ka na rin! inuman na!

nga pala..anlaki ng biceps mo dyan ah! parang kasya sa loob si baby!

16 01 2009
Maldito

congrats bossing!!!CUTE CUTE ng baby ah..pahiram..sauli ko next year..aahahahaa.congrats again bossing….another blessing sa life mo..

bossing….may favor ako…pahinger ng biceps…sampong kilo lang..lols

16 01 2009
a.r.d.y.e.y.

ramdam ko yung pakiramdam mong tinawag mo na ang lahat ng santo at muntik mo nang maisanla ang kaluluwa mo kay satanas, ganun din kasi kapag taeng-tae ka na at hindi ka pa makahanap ng kubeta. hahahaha!

congratulations pards. bagong chapter na ng kwentong barbero, bagong milestone. bagong name na rin, hindi na fetus. hahahaha! regards kay misis. =D

16 01 2009
_AbangNay_

congrats po badoodles.. ang cute ng baby mu! hayz, cguro nung panahong nsa delivery room c bebemo eh nde mu alam kng matatae ka o anu at nanlalamig na pngpapawisan ka nu? at least naging ok ang lahat! so ngaun klngan mu 2padin lahat ng kasunduan nyo ni Papa Jesus.. hehehehe..

Agen congrats…

Tagal ko ngabang ng blog mu ah.. heheheh! ;p

16 01 2009
Pepe McKunat

hohohoh.
congratulation.
🙂

16 01 2009
popoy

tulad ng nasabi ng iba, CONGRATS at ang KYOT ni baby.
biyaya from Papa Jesaz at kay Lord.
sundan na agad yan kuya badoods. hahaha. biro lang 🙂

kamusta naman ang pagpupuyat sa gabi dahil magpapalit ng diaper at magtitimpla ng gatas? ahihihi

16 01 2009
antuken

sooper congrats pare! cutie ng 1st bebegirl mo. at parang she’s so tiny pag nasa big maskelar arms mo. hahaha. goodluck at nawa’y di ka mashadong puyatin ni little tush mo. hehe.

17 01 2009
Sesaryo

congrats!! tatay na! wuhooo! Godbless sa inyo, sa bagong niyong baby. sana maging healthy. bilhan mo ng tiki-tiki.hahaha.

17 01 2009
epfi

congrats daddy badoods

cute ng baby ah
mana sa ina!
lolz

congrats ulit!

17 01 2009
Kotsengkuba

Finally and formally, WELCOME TO FATHERHOOD! Yehey, nadagdagan na naman ang bilang ng daddy bloggers. Kaya pala di ako makatulog e hinihintay ko ang email feed mo. Congrats, parekoy!

Review: anu-ano na nga ulit yung mga pinangako ko kay papa god nung mangangak si misis? Hmmm…

17 01 2009
Sir Gie

congratulations, badoodles! sarap basahin ng paulit-ulit ang entry. naalala ko rin kasi ang mga panahon na pinagdaanan ko rin. tsaka, may twist pala ng drama ang pagbaba ng munting anghel mo.

palakpakan si doktora!

ngayon, masasabi mong kumpleto na kayo ng bebe mo. tsaka myroon ng ebidensiya na once upon a time, may isang badoodles sa mundo. at ang mga genes ninyong dalawa ng bebe mo ay magkahalong taglay ng baby niyo.

kaganda ng baby! hulaan ko, yung mata, ilong at bibig, lahat sa bebe mo minana! hahaha!

yehey! daddy na si badoodles! welcome to the club!

17 01 2009
lei

ang cute ni baby!! at maganda rin ang nose! ayos! talagang may pinagmanahan.. ganyan talaga pag maganda ang mommy at ang daddy! oh! ako manager nyan paglaki ah! ako magpapasikat sa batang yan! lol.

Congrats kuya badoods! good year ang 2009 sa ‘yo. =)

17 01 2009
yuichi

Cute angel… Congrats…

17 01 2009
rofel

congrats… mukhang uulan ng swerte para sau this year.
cute ni baby badoodles

gawan mu na ng blogsite si baby… haha

17 01 2009
wei vines

nice..ang ganda niya ah! ^^

17 01 2009
Lenggai

para maiba naman:

ke gandang sanggol!!! good luck sa pagbabantay sa kanya after 16 years… hehehe!!!

i’m glad everything turned out okay sa panganganak ni bebe mo, for sure, pagkapanganak niya, parang walang nangyari at seksing-seksi pa rin siya!

(and for the cliche, but straight from the heart part…)

congrats! 😀

17 01 2009
akosiikay

thanks GOD at ok na si bebemo.
hangcute ni baby badoods…
pero teka si baby nga ba ang bida dun sa 2nd pic.
o yung biceyps mong may tattoo???hehehe

17 01 2009
Yang

wow, ang sarap naman ng New Year.. napakagandang regalo, kuya!

17 01 2009
watusiboy

congrats badoodles! ang cute ng baby mo. yung pamangkin ko, nung lumabas, hindi pa masyadong cute. nagbabalat balat pa. naalala kita dun sa kuya ko nung manganganak na yung sister in law ko – parang naiihi na hindi maintindihan. hindi makapag-isip nang maayos. kaya ayun, ako ang bumili ng gamot etc. pero worth it naman yung kaba mo. meron ka nang napakagandang anak 🙂

18 01 2009
nanskii

congrats paps.ang ganda….
ang ganda ng tattoo mo.parang logo lang ng kapatiran ng mga manananggal-western visayas chapter.love it! ^^

18 01 2009
Jhaynee

huli na naman ako sa mga taga comment mo… di na ko masyadong nagpapramdam dito pero nababasa ko lahat ng entries mo kuya… di lang ako nagcocomment kasi anhaba haba na ng pila dito… pero dahil special tong post mo, magbabakasakali akong magcomment dito!!!

congrats sa inyo ni BebeMo.. god bless sa pagpapalaki sa isang cute na anghel.. tiyak, doble saya ulit ang mga posts mo dahil sa batang yan…

18 01 2009
xG

sa wakas
magkakaboypren na ako
hahahaha

aantayin ko na lang mag18 yan
si babybadoodles
ok?
thanks.

kongkatsumaleysiyons
daddyblogger
woot!
🙂

18 01 2009
bart

wow…badoodles, braso mo pa lang ulam na ah…cute ng angel mo.

18 01 2009
mayui

wow! congrats!!

18 01 2009
angeline

congratulations badoodles and to your wife.. im one of those silent lurkers dito sa blogsite mo.. di ako nagcocomment natutuwa lang akong basahin mga post mo.. but now i cant help but to comment. im a new mom myself (ok not so new) kaya happy ako na may bagong parents na naman.. just take care of your wife and your baby.. God bless your family..

18 01 2009
aia

awwwww. congratulations.:) God is good.

18 01 2009
sugarushafterglow

tinatamad akong mag-log in. gusto ko lang kayong icongratulate ni misis. bait talaga ni Lord. =)

18 01 2009
b@kekang

congratulations daddy badoodles !!!..halatang pulidong pulido pkagawa sa baby ah..ang cute nmn..dapat sundan kaagad..cguradong matututo u magcompose ng lullaby..ninang aq weeeee!!

18 01 2009
mangbadoy

congrats bossing at daddy ka na!!!

19 01 2009
coldman

congrats daddy blogger!

19 01 2009
julia

congatz! parehas sila nanag birthday nanag kapatid ko. january 8 din. pero malaki na kapatid ko ngayon hehe =)

19 01 2009
Amity Me

wow congrats badoods! pero ilang beses kong binasa itong post mo eh di ko nabasa kung boy or girl babsy mo. anyway, and in fairness, cute baby mo. kamukha mo ba? if ever, guapo ka rin siguro, he he he

19 01 2009
karen

YEY!!!!!!! DADDY NA SI BADOODLES!!!!!!!!!!!!!

sana maging talented sya katulad ni misis mo hehe..
and malakas ka rin pala kay Lord! ;P

CONGRATULATIONS!!!!!!!!!!!!!!

20 01 2009
barefoot_alchemist

congrats badoodles! certified daddy ka na! njoy d new blessing and d start of ur parenthood! congrats again!!!

kelan mo susundan yan… ahhehehe

20 01 2009
annenoneymous

daddy badoodles! huwaw bagay! congrats! hangkyut ng bebe nyo! hmmm… sa kin ung next bebe ha, o kaya ung batik :p

20 01 2009
Yang

Yeheeeeey!!! Congrats Sir Badoodles!!! Daddy ka na!!!

21 01 2009
carelesshush

wow! congratulationsssssssss!!!! cutieful bebe!!! hehe

anyway, serious na yung topic, pero aliw ka pa rin magkwento! akalain mo rereypin mo yung doktora?! haha

22 01 2009
echo

pareng bads! congratulations sa iyong bebe gel! cute pare! turuan na nating mag-blog ang mga anak natin! hahahaha!

good luck at sanayin mo na ang sarili mo na walang tulugan! 🙂 but trust me bro, it’s time well spent! alagaan si misis at hayaan mo muna maghilom ang sugat niya! 😉

22 01 2009
jepoy

congrats Dadi , hehe kmuka mo baby girl mo!

22 01 2009
kulot

nahuli na ata ako sa balita a, congrats pre, good luck sa baby nyo sana maging healthy sya lagi

22 01 2009
reyna elena

LECHEEEEE!!! HAHAHAHA! ANG BRASO! ANG BRASO!

~teka… mali ata ang tinitingnan ko… sandali look uli ako~

HAHAHA BABY pala! Congratulations!

Hintayin ko pag-laki nya Badoods! Pag-aaralin ko sya nang nursing, bibilhan nang selfon at bibigyan nang load hahaha!

CONGRATULATIONS ULI!

23 01 2009
Starc0re

huwaaaw! Ankyuuut ng beybi nyu.. xD pede ku ba xa pisilin sa pisngi? Hehe xP
c0ngratz pu! x)

23 01 2009
Dinah

awwww, ang cute ng piktyur ng mag-dadi! nakaka-touch naman ang yung concern for the missus!

23 01 2009
Rey_Pinioko

congrats badoods, kaganda ng iyong baby ah…paliligawan ko sa anak ko hehehe

23 01 2009
Leah

Congratulations!!!!

Ganda ng iyong baby.

25 01 2009
joice

wow congrats.. anung pangalan ng baby mo? ang kyut!

25 01 2009
juyjuy

congrats!!!!!!!!!!!!!
ninang ako!!!

25 01 2009
kalories

congrats badoodles!!! i’m baaaaccck! hehe. 😀 napaka cute na baby!

25 01 2009
phot

natawa ako sa comment mo kay gerald anderson mr badoods..
oy daddy na yehey congrats po!:)

25 01 2009
Axel

Congrats bossing…

Cute ng baby…

26 01 2009
iceyelo

Congrats rexxy. mula sa kaibuturan ng aking puso. 🙂

27 01 2009
kengkay

ang galing! kaya naman pala mas maganda ang mundo e dahil may nadagdag na namang maganda 😀 enjoy being mom and pop!

27 01 2009
wandering girl

yiheeee tatay ka na talaga badoods! congratulamations! cutie ni baby..naku at mukhang ang dami na nagpaparinig sau na gustong maging in-law mo in the future…makalusot kaya sau ang mga boylets..eh baka pag may pumunta sa bahay nyo nakatambay ka sa labas at mala-rambo ang porma…hahaha

tuparin mo mga pinramis mo kay bebe jesus ha..abangan ko mga mala-anghel na posts mo dito..hehehe

27 01 2009
crisis

waw.congrats po.hehhe!sana di niya masipsip ang man-boobs.hhaA!

28 01 2009
Noime

Girlash yan diba? Ayiiiiie…. Ang gandang baby naman. 🙂
COngrats!

30 01 2009
simplefula09

hi,,, cute po ng baby mo…mana sau…hehehe
exchange link po tau..
tc…congrats…

31 01 2009
flamindevil

congrats daddy!

ayus.

:p

3 02 2009
auee

huli ma’t magaling… wala late talaga…

Congrats Daddy Badoodles and Thank God okay ang mag-ina mo. It was one scary ride I’m sure.

Kaya dapat i-foot rub mo lang si BebeMo. 😉

3 02 2009
memocircular

Congrats to you and your wife…

4 02 2009
Christina

hi po! Ive been your avid reader (and fan hehe) for years na (pero first comment ko to, nagkalakas n ko ng loob :D) ,,,huli kong bisita, hnhiling mo pa lang kay lord ung baby boy,,,ngaun may baby girl k na…natambakan ako ng work at hnd na ako nakabisita ng madalas…just wanna say super cute ng baby mo,,,congrats nang bonggang bongga…(heheh, dowana sound feeling close) 😀

4 02 2009
extracebu

Do not allow your baby to sleep with milk bottle. It will destroy the child’s teeth. Make sure to remove it and replace with water bottle.

thats an advised from 7 years experienced father.

singapore jobs

5 02 2009
ide

yehey! sa wakas, dadi na sya!

***

10 02 2009
Jeck

congrats!!

10 02 2009
byter

naman…naman…namam…. Tatay na tatay na ang drama mo Papi. Balang araw papi malaking pasasalamat ang ibibigay sau ni baby gurlash kasi di ka nya kamukha.

Congrats papi, kelan na kasunod nyan?

12 02 2009
kuri

Huli man daw at magaling, huli pa rin.

Congrats parekoy!

buti ka pa nakita mo na c little badoodles mo. lalo tuloy akong nasabik sa akin. tagal kasi lumabas eh.

14 02 2009
BURAOT

brad, congrats! hayyy.. naalala ko tuloy nung lumabas sa mundo yung unica hija ko.. ma-mink mink pa yung balat….

pustahan tayo, di mo papadapuan ng lamok yan. at pag nadapuan, magtago na yung lamok na yun! tatay ka na, kaya malamang mas madalas ka na nyang magpi-philosophize. heheheh.

23 02 2009
don pulubi

oi badudz…
kongrats.. hehe.. pinaka iintay mo…

25 02 2009
f

ang cute naman ng baby niyo…

congrats… alagaan u baby & wife u lalo na si baby para hindi sakitin…
ang mahal/gastos kayang magkaroon ng baby.

congrats ………

1 03 2009
ced

congrats!

sobrang galing ng pagkakasulat. tumatawa ako kada limang segundo. sobrang cute din ng baby n’yo. 🙂

10 03 2009
lilaybulilay

uy congrats, nakakatulog kapa ba????

16 03 2009
onats

wow congrats hangkyut ni bebe. 🙂

25 03 2009
jhofayezzzz

aaah, kakatuwa namn… kakaiyak pati… nahipuan ako ( in other terms na touch aq) hehehe.. congratz po!!!

30 03 2009
Stacey

Magaling magaling…

Smiling eyes po si Babybadoodles…

Buti nalang duguan c doktora or else…

Nyahahahhahahahahahahahahahahahahahahhahahahaaaa

4 04 2009
har har

Congratulati0ns!!!
Ang cute ng baby. :d

8 04 2009
Selboy

ganda ng baby. siguro ganda ni mommy

3 06 2009
Windel Crab

ha,.ha,.ha,.ha,.ha,. ang karanasan mo ay parang karanasan ko rin ng unang manganak ang misis ko,.. grabeeeee,… pero sulit naman ng makaraos na si misis sa panganganak,…pero ganoon pa man cute ang anak mo, mukhang kamukha siya ng misis mo at medyo may kalayuan lang ng kaunti sa yo,… ha,.ha,.ha,.ha,.ha,..

wcrab

13 06 2009
pinoyslife.com

CONGRATSSS!!!!

13 08 2009
clarrise, RN

congrats! alagaan mo si bebe ng mahusay…

22 08 2009
Boffill

Nakakatuwa naman to. Inspiring para sa isang tatay. Hehe. Gusto ko na rin maging tatay. 😀

21 09 2014
Transformers Age of Extinction Hack

This piece of writing will help the internet visitors for setting up
new website or even a blog from start to end.

2 10 2014
Ervin Abao

natakot siguro si doctora na baka ma rape nga sya boss badoodles.. 😀 also a dad here to a 6th month old na baby girl din.. blog reading marathon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: