Whatever Ten

30 01 2009

Para ito sa pagpapatuloy sa nasimulang tag ng chiksilog.com noong nakaraang taon na magsabi ng 10 bagay-bagay tungkol sa sarili mo. At dahil natural akong pakialamero ng rules, binago ko ang tag na ‘to – magsabi ng 10 interesanteng bagay tungkol sa sarili mo, siyam dun ang totoo at isa ang kwentong barbero.   Kaya heto na ang aking kontribusyon:

 

1.  Inglisera sa text ang Mommy ko kahit pa nirereplayan ko sa tagalog.  Pati mag-chat, english din.  Sabi niya sa ‘kin minsan sa YM:

 

Mommy:  How are you my son? What’s my superman doing?!

[*Naisip kong sabayan din ng inglisan ang Mommy]

Badoodles:  Yo! Wassup niggah?

Mommy: ?

Mommy:  Is this my son?

Badoodles: Yo.

Mommy:  Stop saying stupid things anak.

[*Nagalit?  Haha.  Tinarayan ako. ]

 

2.  Hindi talaga ako si Badoodles.  Badoodles ang nickname ng titi ko dati pa.  

 

3.   Tumatawa ako kahit natutulog.  Kung minsan nagigising ako sa sobrang lakas ng pagtawa ko.  ‘Kaloka pala maging asawa mo’, minsan nasabi sakin ng misis ko.

 

4.  Nagsasalita rin ako pag tulog.  Walang pagkakaiba kung tulog ako o hindi, pwede tayong magkwentuhan.  Mas maingay pa nga ako pag tulog.  Isa itong ‘genetic anomaly’ na wala pang kasagutan ang mga doktor ng Makati Med hanggang ngayon.

 

5.  Nagtrabaho ako dati bilang pornsite admin sa mga premium foreign porn sites kaya hindi maikakailang naging malaki ang naiambag kong kontribusyon sa Holliwood porn industry.  Dugo’t pawis ang naging puhunan ko sa trabahong ‘yan dahil lagi na lang kaming nire-raid sa opisina. Kaya sana, ‘pag natuwa ka sa nakita mong mga amerikanang nakahubad na may whip cream at pineapple tidbits sa utong sa mga bina-browse mo sa opisina niyo, magpasalamat ka sa ‘kin dahil ideya ko ‘yon. 

 

6.  Pinaka-weirdo ko na sigurong naging trabaho ang magbilang ng puno sa gubat [oo may ganung trabaho sa DENR].   Kailangan ng matinding konsentrasyon sa trabahong ‘yon dahil isang malaking pagsubok na habang nagbibilang ako ng puno, ’474,278… 474,279… ‘ may panggulong magtetext sakin ng  napakaimportanteng ‘Hoy kupal musta na u?’ at mapapatanong ako sa sarili ko ng ‘Ano na yung huli kong bilang?’ 

 

7. Naniwala akong tatlo ang betlog ko.  Luslos lang pala na kusang nawala mula ng nagbalik loob ako sa Kristiyanismo.

 

8.  Bulakbol ako nung college.  Muntik na akong ma-expel dahil sa hazing.

 

9.    Hindi ako natutong manligaw.  Ang ideya ko ng panliligaw ay pagkindat-kindat, panghihila ng palda at panghahabol ng tsiks.    At kaya lang ako sinagot ng magandang misis ko ay dahil pinagbantaan ko ang buhay niya.

 

10.  Dati akong stripper sa mga bachelorette party noong college.  Inabuso ang katawan ko ng mga magagandang korean tsiks at milfs.  Tuwang tuwa silang ilubog ang titi ko sa mayonnaise, panoorin akong maghep-hep hurray ng hubo’t hubad at pitik-pitikin at kagat-kagatin ang utong ko.  Tiniis kong lahat ‘yon dahil kailangan ko ng pambayad ng tuition fee.

 

Tanong, asan dito sa mga sinabi ko ang kwentong barbero?

 

Tina-tag ko din sina:  Pareng Ardyey ng ardyeytejada.blogspot.com | Gasdude ng grilledbeef.blogspot.com | Lethalverses ng lethalverses.com | Beero ng tambayannilex.wordpress.com | Watusiboy ng watusiboy.wordpress.com | Maldito ng thegreatmaldito.wordpress.com | Ice ng yelosworld.wordpress.com | Lenggai ng pinagblogkaster.com | Libay ng wouldificould.wordpress.com | Joshy ng montage-silhouettes.blogspot.com at IKAW.

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

137 responses

30 01 2009
joshmarie

wahahaha. tag pala ito. naloka ako sa pagbabasa sir. hindi ka talaga nagpi-fail sa pang-aaliw. 🙂

badoodles: @joshy you’re tagged!!!

30 01 2009
rofel

bossing obyus namn eh… ung #10 lang ang totoo jan at ang lahat ay kwentong barbero lang. hahaha.

badoodles: @rofel hahaha. loko.

30 01 2009
anakngpating

kASali ba ko dito nyahaha..:)

ang kulet nung pang sampu :

badoodles: @anakngpating oo kasali ka jan. you’re tagged!

30 01 2009
umleo23

anak ng! Manager masakit yung pang sampu! pero tama si rofel yun ang nag iisang totong sinabi mo sa buong listahan na yan!

badoodles: @umleo isa ka pa. hahaha.

30 01 2009
beero

naku po! di ko nga alam kung alin sa mga sinabi mo ang kwentong barbero kuya badoods. but for sure, di nga kwentong barbero ang #10. lols. at kasama pala ako sa mga gusto mong i-tag. di pa naman ako magaling sumagot ng tag. pero sige, gagawin ko to! woot!

badoodles: @beero oo antay naman yung post mo para dito dude.

30 01 2009
eNocH

badoodles, may kilala din akong natawa at nagsasalita pag tulog.

mukhang yung #8 ang kwentong barbero lang.

badoodles: @enoch hanggang ngayon naniniwala ka pa ding mabait akong tao? hehe.

30 01 2009
mangbadoy

ayus sa tatlo ang betlogs a hahaha!

badoodles: @mangbadoy handa pa naman akong makipagtrade in nung pangatlo kong betlog kapalit ng psp kaso nawala na ang luslos ko. ampf

30 01 2009
mayui

number 10 ata yung kwentong barbero. hmm..

badoodles: @mayui oo naman.

30 01 2009
Cindyrella

pati ba yun may pangalan pa? ehehe! ngayun ano na name niya?

badoodles: @cindy badoodles pa rin..

30 01 2009
a.r.d.y.e.y.

isa rin ako sa mga believer na walang puknat na katotohanan ang nakasaad sa pang-sampu pare. ok lang yan, ganyan din ako pag umaamin tungkol sa nakaraan, dinadaan sa patawa. muwahahaha!

badoodles: @ardyey langya ka pre. kaw din isa ka pa. haha.

kulit nung post mo. ayos sa boso. memorize ang schedule. haha.

30 01 2009
xG

para sa mga nagbasa nito
HINDI AKO ANG NAGPASIMULA NIYAN!
hahahaha

yan ang gusto ko sa iyo e
kapag gagawa ka ng kalokohan
kailangan lagi mo akong back up
teteng
pero napatunayan ko
na mahal mo talaga ako
🙂

yung totoo?
hindi ako panatiko ng meme
hindi ko alam na seryoso ka
at walang koneksiyon ang comment na ito
sa entry mo
hahahaha

naisip ko
ginagawa mo akong
baklang version mo
at extension ng site mo
ang datkom ko
bahahahaha

nagpapasalamat ako dahil sa dami ng bloggers
ako lang ang pinagtritripan mo
mwa mwa
🙂

badoodles:
@xg naalala ko lang
nagcomment ako
dati
dun sa post
mong whatever ten

nakapagpramis ako
sa sarili kong gagawa
ako
ng ganun

[masarap palang
magcomment
ng ganito
kewl
parang dyebs
na installment
lumabas

nakakaginhawa]

marunong akong
mangako
hindi mo nga lang alam
kung
kelan
ko tutuparin
parang si..
papa jesaz?
ganun

30 01 2009
bebenibadoodles

Nyahahaha. Dugtong lang sa Number 3 na sleep talking. Isama mo na diyan yung minsang tuwang tuwa ka sa panaginip mo at pumapalakpak ka pa. Saka yung uma attend ka ng meeting sa panaginip at nagpe present sa harap ng mga kliyente ninyo.

Kamusta naman yun? Paggising mo sa umaga pag kinu kwento ko sa iyo, hindi mo alam na nagsasalita ka pero malinaw pa sa sikat ng araw yung detalye ng panaginip mo.

Weird ka lang siguro talaga, pero ayos lang. Ganun talaga.

badoodles: @bebeko hindi ka mapapasaakin kung hindi ako weird. ikaw yung tipo ng babaeng dpat dinadaan sa santong paspasan kundi baka naunahan nako ng ibang pumoporma dyan.

31 01 2009
The Gasoline Dude

Naknang! Ahahaha kasama pala ako sa nai-tag eh hindi nga ako mahilig sumagot ng ganyan. Pero dahil sa ‘yo nanggaling, sige papatulan ko ‘to… sa 2010. *LOLz*

‘Yung nabanggit mong trabaho sa DENR eh nagpaalala sa ‘kin nung naging trabaho ng isang kaibigan sa SM. Ang magbilang ng mga taong pumapasok sa mall. Hahaha. = D

badoodles: @gasdude pwede namang hanggang lima lang kung mabigat sa loob gawin. [nangonsensya? haha] parang ginawa ni pareng ardyey. ganun.

ngapala, kailangan ding may love story factor yung tag mo. makiki-usisero na din kami. haha.

31 01 2009
antuken

hahaha. kung ang sinasabi ng iba e #10 lang ang totoo, ako naman, palagay ko, yun ang kwentong barbero. hahaha. can’t wait what the others will say. abangan ko rin mga posts nila. hahaha.

badoodles: @antuken kung itag din kaya kita jan. spill the beans mare! wehehe.

31 01 2009
paperdoll

na may luslos ka parin hanggang ngayon at hindi naman talaga nawala? hmmmm. . .

badoodles: @paperdoll na nawala ulit yung luslos ko at sa yo lumitaw? hmmmm… 😉

31 01 2009
lethalverses

hmmm magawa nga ito… salamat at binigyan mo ako ng maisusulat idol badoodles!!

xoxo… pero pag-iisipan ko pa din kung alin ang kwentong kutsero mo dyan hehehe…

badoodles: @lv talagang may idol pa. mas idol kayo sa kakulitan.

31 01 2009
flamindevil

mukhang lahat totoo..haha

hindi ko kinaya to.lol ako talaga habang nagbabasa.

favorite ko yung #1..astig..niggah!

badoodles: @flamin astig sana kung di ako tinarayan ng nanay ko. nagdamdam tuloy. ahaha. ampf.

31 01 2009
Yabi

congrats ulet badoodles … at ayan masunudin naman ako at ginawa ko na ang tag mo 😛

badoodles: @yabi wohoo! tenks tenks hehe. kulit nga nung post mo. talagang may kissing scene pa. whehe.

31 01 2009
akosiikay

hahaha…kaaliw!! at tlgang may patunay pa ni bebemo na ng iispeech ka habang natutulog…pero malamang nga ang kwentong barbero d2 eh yung #10.

badoodles: @ikay talagang number ten. salamat at naniniwala kang birhen pako sa mga ganyang experience.

31 01 2009
lio loco

hahaha! ang kulet ng lahi mo kua badoodz. di nga, tumambling tambling ka ba ng hubo’t hubad sa mga bachelorette parties? haay…dahil jan it’s a toss up between number 8 molotov bomb praning na kapitbahay at number 10 mayonnaise-dipped dick. mahilig kasing magsawsaw ng titi sa sabaw ng kimchi stew ang mga koreana. lol!

badoodles: @lio loco it’s number 10. number 8, sad to say is an absolute truth.

31 01 2009
Flori

# 10 lang ang totoo
pero kung ako nag-sulat nito, #5 ang totoo

badoodles: @flori mukang may idea nako kung san ka work. ortigas area? haha. haha.

31 01 2009
Sesaryo

hahaha. ayos ang number 10!! ma try nga yun ngayon para makapagbayad ako sa prom ko. nagastos ko kasi yung binigay sa akin ng tatay ko. hahaha.

badoodles: @sesaryan este sesaryo lagot ka na. lapit na prom night.

1 02 2009
epfi

aba…. gusto ko rin yung number 10.
ehehe

tsaka sa dami ng readers mo… yung “IKAW” sa tag list mo eh parang buong blogosperyo na eh. haha

badoodles: @epfi yung number 10? nasabi ko na bang mahirap i-please ang karamihan sa korean girls. mahilig silang magpabaging baging sa etits. gusto mo pa din? haha.

1 02 2009
MARU

ALL OF THE ABOVE! wag ka na mag anu-ano jan…basta kwentong-parlor lahat yan. hehehe!

badoodles: @maru hoy totoo mga yan. cross my ass kung gusto mo pa. 😛

1 02 2009
Dyepri Budoy

LOLOLS. di ako makapaniwalang isa lang di totoo dito. LOLOLS

badoodles: @budoy uLOLOLOLS ka din. hehe. totoo yan except yung isa.

1 02 2009
epfi

speaking of tag.

one day lang pagitan.. na tag ng ako ng “kwentong barbero tag style”
9 truth
1 kwentong barbero

ayows!

badoodles: @epfi gawin na ang tag. daliii!!

1 02 2009
carelesshush

hahahaha di ba lahat yan eh totoo??! wala ata kwentong barbero dyan eh..waaaaaaaaa

badoodles: @careless yung number ten talaga. pramis. kwentong barbero yun.

2 02 2009
foobarph

walastik! ok yung englisera part

badoodles: @hoy foo! kala ko lalake ka? bakit babae avatar mo? [nangengealam daw?]

2 02 2009
yzah

haha

badoodles: @yzah hehe

2 02 2009
wandering girl

hahaha ayun eh..lufet ng nanay mo pala..inglisera..itapat mo kay inday..magkaalaman cnu unang dudugo ang ilong…hahaha pero feeling ko ung #8 ang kwentong barbero eh…totoo ang number 10..hahahaha

pwede ka ba badoods sa bridal shower ng bestest fren ko? hahahaha (ayun ay kung papayag pa ang bebe mo…lolz)

badoodles: @wandering girl yung number 10 ang kwentong barbero. totoo yung number 8. pero kahit nangyari yun tingin ko mabuti pa rin akong tao. may kaibahan yung mabuti sa mabait. hehe.

2 02 2009
karen

mai-tag ko nga rin sarili ko.

kaya lang ang hirap magsabi ng siyam na totoo at isang kabarberuhan..di tulad ng nagawa mo hehe..

badoodles: @karen sige na, gawa ka na rin. cant wait to read urs.

2 02 2009
10 RANDOM STORIES ABOUT ME (tagged) « lethalverses

[…] concept of falling 10 RANDOM STORIES ABOUT ME (tagged) February 2, 2009 Dahil sa ni-tag ako ni idol badoodles at sakto namang wala sa mga naisulat ko ang ninais kong ilathala, naririto […]

badoodles: @ayos to nagawa na din ni lv

2 02 2009
essiebot

ten lang ang totoo. Barbero lahat!!!

badoodles: @essiebot ok, sabi mo.

3 02 2009
brokenman

thank you for this post. made me smile. was reading it while im on my sick bed, had fever for 2 weeks. tag ko sarili ko. ha ha ha.

3 02 2009
madbong

mukhang lahat nang sampu ay kwentong barbero ahahaha. congrats nga pala parekoy at meron kang kyut na kyut na beybi.

3 02 2009
beero™

di ko pa natapos yung sa kin kuya bosing. di ko matapos-tapos yung draft. hehe. hirap kasing mag-isip ng kwentong barbero na di masyadong obvious. dude? aba bago yun ah. hehe.

3 02 2009
Ayyang

haha parang kwentong barbero lahat yan eh!

3 02 2009
Amity Me

ha ha ha. . . mahalay ka talagang magsulat badoods. . . akala ko bawal sa pagbablog ng mga ganung istayl, pero pansin ko. . .di naman pala dahil may elemento ng pagiging mahalay talaga mga sinusulat mo!

3 02 2009
wandering girl

hahaha sabi ko nga #10 ang nde totoo..pwede mo ba ko turuan gumawa ng molotov bomb? ihahagis ko sa videoke bar sa tapat namin..amf mga ayaw magpatulog eh..hahaha

yan naggawa na ako ng whatever ten tag chuvaness mo..hehehe

3 02 2009
dhomz

first time ko dito at ang galing ng mga entries mo po, nakaktuwa siya, ill visit your blog always

4 02 2009
watusiboy

dahil sa # 10 naniniwala na akong malaki ang naiambag mo sa porn industry. haha. ‘di sumagi sa isip ko yun a, yung paglubog sa mayonnaise. at napansin ko lang, laging may involved na pagkain sa mga naiisip mong scenes. hehe.

4 02 2009
memocircular

Hahahaha… Cool Blog…
New convert na ako… Ako ay namamanpalataya!
Lagay kita sa links ko…

4 02 2009
joshmarie

sir badoodles! goodmornyt! 🙂

Nagawa ko na ang tag mo. Pwede mo na itong bigyan ng grade. Ipasa niyo ako ha? Hehe.

4 02 2009
gasti

naalala ko pa yung wateber ten ni xg..haha! antagal na nun ah! buti naalala mo pa.

salamat pards sa mga pornsite..lalo na dun sa alamona..haha! laking tulong kapag inaantok ako dito sa opis.

pre atin atin lang..totoo yung number 10 ano? haha! ganun talaga eh kapag kelangan ng pang tuition fee. kapit sa matrona na. lols!

4 02 2009
Dieci (10) Qualunque « the not-quite-holy smörgåsbord of revsiopao

[…] bilang paghihiganti dahil labs niya ako. Hindi ko naman siya masisisi dahil ni-tag din lang siya ni Badoodles — ang dakilang promotor. Haaysss… ang hirap maging utu-uto […]

4 02 2009
J i y u h

walang kaduda dudang yung number ten ang pinaka totoo sa lahat =)) ang cool ni mommy yo, hahaha lol

5 02 2009
jepoy

dahil di ka sumusunod sa rules e indi lang isa kunid 2 ang barbero d2 hahah

ung molotov at # 10 , hehe akala mo ha

6 02 2009
DesignerBlooms

hehe obyus na obyus #10!

6 02 2009
rovielran

diyes na diyes!

6 02 2009
maccallister

hahaha naaliw naman ako sa blog na to where the hell i’ve been at now lang kita nadiskubre haha

bookmark na kita para pag need ko ng kabastusan lagi ako may supply..mula sau!LOL

6 02 2009
:)

naniniwala akong 9 ang kwentong barbero at 1 ang totoo. – un ay ang number 10. lol. pwera lang sa *tiniis mo un para sa tuition fee* alam kong nasasarapan ka rin. hahhaha. biro lang.

6 02 2009
simplefula09

wow auz un blog mo…luv it..

Ex-link Po??
tnx

simplefula09.wordpress.com

6 02 2009
darwin =D

i lab it! 🙂
lalagay na kita sa blog list ko.

6 02 2009
Maldito

ahahahhaa…nakapatotoo ng number 10…indi talaga ma deny na yun ang totoo at ang the rest ay gawa gawa lamang…ahahahhaa….

walang tiis tiis bossing..nasarapan ka naman sa pagkagat kagat eh!wahahahha…gagawin ko to bossing!

7 02 2009
kalories

hahahaha. hindi ko alam kung alin ang totoo at hindi. pero natawa ako sa ym mo sa nanay mo ha…at sa pornsite admin!!! 😀

7 02 2009
Sesaryo

master badudels gumawa narin ako ng niyan dahil uto uto ako. hope you have time to read it.

http://waitlangwalaakongmaisip.wordpress.com/2009/02/06/bloggers-manic-weirdness-bmw/

haha.

8 02 2009
jeniffer

OMG. di kinaya ng mama mo ang powrs ng hiphop english mo, yoh! hahaha.. natawa ako ng sobra dun.. ayos panliligaw mo ah, pakindat kindat.. haha, kung ako yun.. mapagkakamalan kitang manyak haha, buti mabait misis mo hehehe 🙂

8 02 2009
kebin

andal lang po manghula..:)..
ung kwentongbarbs dyan..

WALA!!LAHAT YAN TOTOO!>:)

9 02 2009
jayr

Idol badoodles… exchange links naman tau dyan….thanks

9 02 2009
Aling Peppay

Sa totoo lang sir, ang pinaka natuwa ako dito eh yung #2

Akalain mo may pangalan pa lang yan ano moh! I think ito lang ang totoo sa lahat ng sinabi moh!

Bwahahahahah……

9 02 2009
phot

heh, anu ba tong tag tag na to mr. badoodles? pati blog tinatag? diba mga bags at shoes lang ang tinatag? uuuyy, korni ko.. joke lemeng XD 😀

10 02 2009
macoy

nyhaha brutal ang bwat litanya.. ayos pwede mong di sundin ang pangako sa harap ng simbahan bsta siguraduhin mong tulog si misis pangalwa madami kng pagpipilian … bro mag muslim ka

10 02 2009
macoy

konting tip na man para sa lay out ng blog ko .. namatay n kc ung ngdesign tpos may kumag n nghack hehehe
iammacoy.blogspot.com

11 02 2009
jex

mahirap alamin kung ano ang kwentong barbero d2

11 02 2009
calciblock

hi! d i2 related sa entry n i2. d k lang alam panu ko masasbi sau na naintertain mo ko evrytime na nagbabasa ako ng mga blogs mo. d kc ako blogger. napadpad lang ako while looking for a case study online, eh wla akong makita (karma kc ayaw gumawa ng sarili) so un i rem binukmark ko n tong page mo last yr pa at ngaun na lng ulit nabuksan. Aus! super aliw naman. karamihan, sakto! lalo na ung mga buhay nagsawa ay mag-asawa pala. May universal law pala un, Pinapabasa ko nga sa mister ko kso tamad yun magbsa ng mahaba. Akin ok lang aliw naman eh. Kahit di ko na makita hinahanap kong case at bumagsak ako sa case pres oks lang mabasa ko lang blogs mo. keep it up doodles!

11 02 2009
calciblock

automatic pala 2. hahaha!

11 02 2009
simplefula09

awww….an sakit sa bangs….hehehe nakakatuwa ka tlga…
kipitup po………
have a nice day….(wink)

11 02 2009
bioniclugaw

wahehehe…ayus! suki na ako dito.

13 02 2009
kulot

babati lang ng maligayang araw ng puso sa inyo mga kapamilya

14 02 2009
niCoLe heNsHeL

.,haiyZ”
bukod na sa super hOrnY muH!!
eh tlgang MAHORNY KAHHHhhhh!!!
ahahah
adik tlga to”
ualang takot kung magbitaw ng mga salita..
wheW”
kakalorkey..
hhhheheh

14 02 2009
finch

“Pinaka-weirdo ko na sigurong naging trabaho ang magbilang ng puno sa gubat ” HAHAHA 🙂

15 02 2009
vhonne

7. Naniwala akong tatlo ang betlog ko. Luslos lang pala na kusang nawala mula ng nagbalik loob ako sa Kristiyanismo.

iyan ang kwentong barbero.. dahil hanggang ngaun… may luslos ka pa rin.. bwahahahaha.. joke lng po…

15 02 2009
kikilabotz

wahahaha.
kaya pala madami n aq blog n nababasa about s sampung totoo about themselves kaw pala ang pasimuno ..
galing gling

totoo b yung pagnagbalik k s kristyanismo mawawala luslos ?haha

16 02 2009
And the winners are… « the not-quite-holy smörgåsbord of revsiopao

[…] talaga ako, ay pinagulo ko ang rules na ibinigay sa original na tag ni Libay na namana niya kay Badoodles which was entitled Whatever […]

17 02 2009
Lenggai

Dear Manong Badz… hindi ako mahilig sa tag, pero dahil isa ka sa mga ipinagpipitagang bloggers ko, irerebisa ko ang sagot ko sa tag mo para all in na… hehe! salamat sa pag-alala!

17 02 2009
revsiopao

naku! bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka pala sa siopawan ko at nakapag-pakatay sana ako ng neytib na manok? mga kapit-bahay, dinalaw ako ng hari ng kuwentong barbero!!! o ‘di ba ang saya ko? he he.

salamat naman at ikaw ay naligaw parekoi. matagal na akong lurker sa iyong sikat na sikat na blog e. ilalagay na kita sa aking stock holders ha. sa ayaw at sa gusto mo.

i’m leaving my historical 1st siopao mark today. stamp!

siyempre, dinedma ko lang ang request mo na consolation prize na shoes. he he.
balik balik lang ha. god bless!

17 02 2009
gudang

WAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA. :]]
grabe, kada number, tawa ako ng tawa.. tas ang tngin ko naman, lahat to kwentong barbero. hehehe.. joke lang. 😀 pero hula ko, yung #7 ang kwentong barbero. kase wlang gaanong explanation di tulad nung ibang items.. hehehe. pero ansama naman nun. 😀 wahahaha..

yun lang.. napadaan.. 😀

–gudang!

18 02 2009
cris_asteg

haha!ayos.

23 02 2009
arri gold

i’m new here. your entries are really funny and sensible. hope u could also visit my site- http://incrediblyannoying.blogspot.com. more power!

24 02 2009
revsiopao

mukhang busy-busyhan ang may-ari ng bahay na ‘to ha.
galaw-galaw… baka ma-stroke! he he.

nangulit lang po ang siopao!

25 02 2009
ecxel

pare ko, mukhang natabunan ka na ng diapers a? musta na ang bagong tatay?

26 02 2009
yummybite

hayi! napadaan lang ako pero nakuha mo ko dun ah. nakakaaliw kang magkwento, este mag-tag pala. lol.

28 02 2009
ELIment

nice naman ng kwento. napadaan lang po uli.

http://blographics.wordpress.com

1 03 2009
shao

hala….namiss ko ‘toh!!!!!

1 03 2009
shao

hala, namiss ko toh….

3 03 2009
byter

LOL… ang lufet ng top 10. sa pang 7 palang taob na ang lahat.

5 03 2009
dramaqueen-andeng

kuya (kapatid ba kita?) hehehe

ngayun nalng ako naka bisita pero wala ka parin kupas.. sa kadramahan ko sa buhya napapatawa mo parin ako…

kawawa ka naman gamit na gamit ka pala nung college

ur da best!!! 🙂

8 03 2009
barefoot_alchemist

badoodles! d best tlga… try ko nga magawa ang tag na ito pagka balik ko galing hibernation.hehehe….

9 03 2009
gerrycho

WAHAHA! da best ka pa rin badoods! 😀
an tagal kong nawala ang hirap tuloy mag update — wala na akong nagawa tuloy dito sa ofis!

10 03 2009
weboi

parang napapatagal po ata ang next post.
nakakamiss naman.

11 03 2009
Nash

nyuahahaha ang kulett amfufu naman

19 03 2009
juyjuy

your honor,
pinag-iisipan ko yung nagtrabaho ka sa DENR o stripper ka sa party nung college.
pero panalo talaga yung magbilang ka ng puno. lupet!! back to ZERO

20 03 2009
bioniclugaw

wateber happened in dis blog? missing yung may-ari. Masaya pa naman sana ako at nakahanap ako ng blogger taga-lugar ko sa probins. paker naman.

wat happened?

22 03 2009
shinichi kiddo

kuya badoodles, cympre pa ung pang sampu un ang tlagang makaktotohanan..hehehe

pa add nman at palink po ako..slamat..naaliw ako sa blog mo kua badoods

25 03 2009
lio loco

namimiss ko na ang mythical badoodz! yoohoo! tao po? anjan po ba si kua badoodz? puyatan blues pa rin kaya kay baby badoodlette?

7 04 2009
kheed

malamang yung pagkakaroon mo ng tatlong itlog, ayun ang kwentong barbero.. c”,)

7 04 2009
kheed

mali pala, yung pang sampu nga ang hindi totoo at kwentong barber shop lang, pati url na nailagay ko mali hehe..

11 04 2009
kox

kuya… pwede ba kong mag watever ten?
panu maging follower mu?

11 04 2009
kox

ung number 10 nga pla! hahaha… 🙂

11 04 2009
kox

joke lng pla kuya.. hahaha…:)

12 04 2009
hun

hellloooooo musta na? full time daddy na?

16 04 2009
carelesshush

ay naku si Badoodles nagpakafull time daddie na nga yata 🙂

dalas ko sumilip ala pa rin bago, hek hek

16 04 2009
geellah

katuwa naman…nakakasakit ng chan mga post mo…
kaya lang january pa yun…san na ang bago?

in-add ko sa blogroll ko si wifey mo…add din kita ha…
im new lang eh..kahapon lang ako nagstart…

16 04 2009
geellah
20 04 2009
happy eiyengjell

pang #10.. malabong gawin mu yan..un lang sumingit lang nag babakasakaling may tama.. y not db?

20 04 2009
shelley

grabe hiatus ang kwentong barbero..tsk ganyan talaga pag full time daddy..syemps..nde pwedeng pabayaan c wifey..at lagot ka kay wifey..hehehe miss ka na naming mga taga subaybay mo…sana naman mapadpad ka one time uli sa pooksasapot mo para magupdate..hahaha

21 04 2009
F.OBSN

Uniquely Badoodles.

22 04 2009
barefoot_alchemist

badoodles… tao po?! bz na ata sa pagiging itay! hehehe… napadaan lng galing hibernation…

23 04 2009
kulot

ako po ay, humihingi ng konting pabor nangongolekta po ako ng mga litrato http://www.kutserongkulot.com/?p=253

24 04 2009
ZzzZZZz

KUYA BADOOOOOOOOOOOODS! GISING NA! ILANG MONTHS KA NG TULOG! HUII! BLOG NA! MISS NA MISS KA NA NAMIN!!

27 04 2009
reyna elena

nangungumusta lang! napadaan! pero teka hahaha gusto ko yong number 10, kaya lang baka gawin mong plat muka ko hahaha

27 04 2009
dinah

waaaaaah, lahat to totoo? hanep 🙂

7 05 2009
Eric King

Sobrang natawa ako dito! Sobrang nice post. Ansakit ng tiyan ko! XD

7 05 2009
Simang

kuya ang ganda ng blog mo pakshet!

9 05 2009
Kris Jasper

ha! ha! ha!

LOL @ number 7!

9 05 2009
paps

buhay ka pa po ba?

11 05 2009
Banxietyy07

hahaha kakatawa naman yan.

14 05 2009
barefoot_alchemist

nasan na c pareng badoodles? masydo na bz kz isa ng ulirang ama!

14 05 2009
ELIment

nakigulo lang din po..humabol kahit medyo huli na. hehe

14 05 2009
ELIment

wait lang po ha..di nailalagay yong link ko eh..

http://blographics.wordpress.com tnx po

15 05 2009
HOMER

Woh! Pucha! Di ko maiwan ang blog mo! Comic Relief!! I’ll link you in my site! Want to keep track with you! 😉 Feel free to link mine, if you want lang, no pressure! hehe!!

16 05 2009
JOSHMARIE

hello sir badudels! where you na po? Sana hindi naman ako poreber maghahalungkat ng mga old posts niyo. Sana magkaron na ng bago. Ganun PO ba talaga kapag nagiging tatay? nawawalan ng panahon magblog? Hehehe!

18 05 2009
Bart Tolina

Punta ka sa blog ko at may libreng pagkain! barttolina.blogspot.com salamat!

21 05 2009
Alea

ikaw ba si DJ ng Good Times in Manila?

21 05 2009
julia

miss ko na tong kwentong barbers bagong post naman dian

28 05 2009
si keko

hala..
forever ten na dapat ang title nito..

bc na si badudels..
tsk tsk..

sana bumalik na sya..

29 05 2009
FerBert

kelan ka ba babalik bossing badoodles?

madaming naghahanap. madaming nag-aantay.

goodluck na lang kung ano man yung pinagkakaabalahan mo ngayon.

7 06 2009
Kris Jasper

Tawagin ba namang “NIGAH” si mommy mo! LOL!

10 06 2009
paps

sumalangit nawa.

13 06 2009
pinoyslife.com

walangya! lupet! hahahhaa. idol. sana dalaw ka nmn sa site ko. forum siya.

member ka. kailngn ko nga mga malulupet na tulad mo sa site.hahahhaa. astig. ang kulet. =D

13 06 2009
Plumskie

Ang Lupet!!! Napagalitan ako ng Nanay ko kasi tawa ako ng tawa habang nag rorosaryo sila sa labas. Nahampas ako ng newspaper. Hindi ako mabilis ma hook sa pinoy blogs, nakakaaliw talaga

Idol…

16 07 2009
Gusto mo Mambabae?

hahaha, ang galing nito! idol!

@gustomomambabae tenks tenks.

9 08 2009
♥msxz.mhaldita♥

..hahaha..

..kakA2wa nMn..

..now quu Lng p0h nbsa i2..

..blog lng puu kau ng blog..

..basa nmn aquu ng basa..

..hehehe..→→♥♥

22 08 2009
Boffill

Sana may tutorial ka tungkol sa paggawa ng molotov bomb! Gusto ko na ring gumawa para sa dati kong opisina. 😀

19 02 2010
slaveboi

Natawa ako sa mommy mo. Ang saya. :p

28 04 2010
vince ane

haneeep…natwa ulit ako…
naisip ko lang hindi kya taga k-bar k?o sa clowns k nagOOT, baka naman kya pinagilhi ka s utot… hehehe… kc kahit d kita kilala apektado ako ng blog mo…sobrang nakakatawa….wahahah

1 03 2011
ako to

HAHA YeaH!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: