Father’s Day

21 06 2009

Oo na, heto na mag-a-update na nga. Isang quickie post lang. Pasensiya na kung medyo natagalan. [Medyo? Tanginangyan, kalahating taon na pala akong nawala sa blogosperyo, I MISSED YOU ALL SANAMABITS!]. Etong mga palusot ko kung bakit hindi ako nakapag-update ng halos kalahating taon:

1. Nakipagtanan ‘yung katulong namin sa isa sa mga sunog baga sa kanto at walang pwedeng utusan sa gawaing bahay si misis kundi ako, ako, at ako [lagi na lang ako]. Bago lang ulit kami nakakuha ng kasambahay. Hindi singganda ng dati, pero singlandi pa rin. Parang alimango maglakad ‘yung bago at hindi ko alam kung sinadya ba ni misis na ipalagay sa advertisement ng wanted yaya na ‘legs not of equal length’ para madali naming mahahabol kunsakaling makipagtanan ulit.

2. Gusto kong yumaman agad. Dahil nagkaroon ng pagkakataong kumadyot ng kumadyot kumayod ng kumayod, kinagat ko naman. Pasensya na, mukhang pera ako, tao lang. Bale apat na oras na lang akong natutulog sa isang araw dahil sa trabaho. At kung ibabawas mo pa dun sa apat na oras na yun ang mag-blog, maliban pa sa mas importanteng gawain tulad ng paliligo, pagdyebs, at pangungulangot, baka isang oras na lang ang itulog ko.

3. Magbabago ang priorities mo sa buhay ‘pag tatay ka na. Totoo ‘yon. Kahit naman karibal ko sa atensiyon, pagmamahal at sa suso ang baby ko pagdating kay misis, natutunan na din naming mahalin ang isa’t-isa. [Hehe, sobrang mahal ko ‘yan, kahit pa iniihian ako, sinusukahan, at pagkatapos niyang gawin lahat ‘yon ay saka ka niya ngingitian.]

Unang beses kong ‘Father’s Day’ to. Excited? Oo. Kaya kailangan kong gumawa ngayon ng bagay na kapaki-pakinabang sa kapitbahay namin — ang maligo. Haha. Ano bang plano ko maghapon? Wala pa. Siguro mga tipikal na gawaing panlalake tulad ng magbasketball, magpakalasing at pag-uwi ay makipaglabing-labing [assuming na maiisahan ko ulit si misis, at kung hindi ay back to plan B – reyp-reypan mode].

Off topic: Natuwa ako dahil sabi niya sa ‘kin kahapon. ‘Naglalaway naman ako sa ‘yo’, sabi ng magandang misis ko sa kin. Alam mo ‘yung pagkakataong sabihan ka ng ganun? Parang awtomatikong gustong magwala ang etits mo na parang jack-in-the-box kahit nasa pampublikong lugar at kahit naka-tuck in ka pa? Ganun. Pero ang ibig lang pala nyang sabihin ay benta sa kanya ang mga corny jokes ko, kaya tumatalsik ‘yung laway niya sa katatawa. Pffft.

Dapat daw binibigyan kaming mga tatay ng red roses ngayong ‘Father’s Day’ sabi sa balita kagabi. Hindi ko alam kung gagawin naman ng mga misis ‘yun, pero sa mga misis, eto lang naman, kung talagang mahal niyo kaming mga asawa niyo, i-KOTSE niyo na lang! ‘Yung pula.

Naalala ko, di ko pa nabigyan kahit minsan ng Father’s Day card ang tatay kong dedo na kaya heto na lang draft ng greeting card ko sa kanya pampalubag loob:

“Hoy Dad, musta ka na dyan sa ilalim ng lupa. Dati binabatuk-batukan mo lang ako at mas matangkad ka sakin, pero ngayon inaapak-apakan na lang kita. Malamang fertilizer ka na ngayon kaya di mo na maririnig ang sasabihin ko, pero gusto pa din kitang pasalamatan. Salamat sa lahat-lahat. At gusto ko ding sabihin sa ‘yo na para sakin, pasok ka naman sa ‘one of the best dads in the whole wide world’. Ooops, joke only. Wohoo! Kala mo totoo ‘no? Haha.  Sige na nga, pasok ka sa best dads – eliminations round.”

Isasabit ko ‘yan sa lobo tapos ipapalipad ko mamya. Sana matuwa ang tatay for the thought and the effort.

At para sa mga tulad kong tamad mag-condom, Happy Father’s Day to you!

Piktyur 1] Wala akong pambili ng shades kaya ‘yan na lang ginawa ko sa MS Paint. Aliping alipin ang dating ko dyan. Maglalaba pa ko pagkatapos magpaplantsa, tapos magluluto, tapos, tapos…

Advertisements

Mga Tugon

Information

77 responses

21 06 2009
homer

Ahaha!! ang kulit ng katulong haha!!

Mukhang healthy ng baby mo! gusto ko na din gumawa 🙂

wow nice idea yang balloon na yan para sa dad mo ha! 🙂

@homer gawa ka na habang mura pa ang gatas.

21 06 2009
kheed

ang kulit ng post, parang badtrip ka sa erpat mo dahil binabatok batukan ka lang dati haha, for sure naman love ka nun.. joke lang haha

happy fathers day sa yo..

@kheed thanks bro

21 06 2009
Amity Me

Hay badoods, namiss ko nga talaga mga blogs mo. Okay ka din noh!
Sige, lusot ka na sa palusot mo kung bakit matagal kang di nakapagblog. At yang katulong mo, saang lupalop ba naman ng mundo pinulot yan? Hay naku, buti na lang di ko naranasang makakuha ng gaya ng sa inyo. Mababait lahat kasama ko at scholar pa ha, university scholar.

Okay, nice you’re back. am an avid follower. You’re in my blogsite, the ones that i really follow.

@amity me pasensya ka na ngayon lang kita na link. dami mo nang posts ngayon. nice to know youve been writing a lot. regards kina sirgie

21 06 2009
The Gasoline Dude

Badoodles! Haha na-miss ka namin langya ka! Antagal mong nawala! At nakipagtanan si Inday? Siya ‘yung longkatuts niyong bibo, ‘di ba? LOL

@gasdude hoy!! haha. ayan may bagong post nako. pwede na ulit mag-deep shit hiatus. haha. oo nakipagtanan na si inday, wala nakong patungan ng pulutan at beer.

21 06 2009
a.r.d.y.e.y.

pareng badoodles! parang ka naman palang tite ng 65 years old, minsanan na lang talaga kung mabuhay. bwahahaha.

anyway, expected naman na iyan na mawawalan ka talaga ng oras kapag naging tatay ka na lalo pa’t sanggol pa ang baby. pero sana ok ang nakuha nyong longkatuts para meron na kayong karelyebo ni misis sa gawaing bahay.

happy fathers day! hindi ako patatalo, hahabol at hahabol ako. parang ginebra. never say die. hehehe.

@ardyey napanood ko yung bidyo ng kasal nyo ni bachoinks sa youtube. nainggit ako parang gusto ko magpakasal ulit. haha. congrats to the new baby. tuloy tuloy na yan!

21 06 2009
kosa

happy birthday…

este,

fathers day Badppdles!

weeee mishu tu :))

21 06 2009
anthony

yeah, long time no post…

@anthony yeah, no post long time

21 06 2009
karen

oi happy pader’s day badoodles. isa ka ng ganap na pader ng tahanan. 😉

@karen di ka pa din nakakalimot bumisita. salamat.

21 06 2009
annenoneymous

hi idol! happy father’s day! tatay na tatay ang dating a, karga karga pa si bebe… yan ba ang pektyur mo nong day off? ahihihi

nice to read an update in your blog… lagi ko ngang nichecheck kung may bago kang sinulat weh… sana magsulat ka pa ng madami… ingats!

@anne balik ka ulit, may bago na naman akong post sa susunod na taon. haha. sige, sige, try ko mag update palagi

21 06 2009
watusiboy

waah badoodles, bigla akong naexcite dahil may bago ng post. hehe.

mukhang kinakarir mo na talaga ang pagiging tatay. happy father’s day sayo at good luck sa mga raket mo. ‘wag mo kaming kalimutan ‘pag milyonaryo ka na.

@watusiboy habang sariwa pa tayo at mabenta, pukpok lang ng pokpok!

21 06 2009
maxima_bartola

ngek akala ko itinanan mo na si inday!lol pero antagal mo nang absent ah!hamiz ur blogs!ipagpatuloy mo na lagi ang pagpopost!di bale ng gutom basta nakapost!hehe

@maxima malay ko bang saksakan ng landi pala yung hitad na yun. naapektuhan ang aking blogging life. baka pwede na ang isang blog post per month. haha.

21 06 2009
Dina Natuto

Hay, at last…lumitaw din…lagi na lang akong napapasilip pero wala…sa wakas, lumabas din ang ulo at tuwang-tuwa talaga ang kwarenta anyos kong katawan na sa kakahintay naging otsenta na. Thanks for bringing yourself back to life. Happy father’s day…

Galing ito sa tambay na nakikitawa lang talaga at never pa nagkomento…ngayon pa lang.

@dina oops muntik nang lumaktaw. salamat at nagparamdam ka din. kaya mo naman palang mag comment, sana dalasan mo na. hehe

22 06 2009
Winkie

naligaw lang sa pagbo-bloghop. katuwa itong post mo. tawa talaga ako ng tawa… pramis!

happy father’s day to you 🙂

@winkie hindi ka naligaw. eto talaga ang tamang daan tungo sa kapayapaan at kasiyahan. 😀 belated happy fathers day sa yong dad.

22 06 2009
Sir Gie

grabe! katulad ko, naghibernate ka rin. pero bumawi ka naman agad ngayon. antagal nun ah!

you look good with your baby. malago buhok ni baby. kanino kaya nagmana? hehe.

@sirgie musta sir! honga. parang nalingat lang ako saglit, kalahating taon na pala.

sakin nagmana yan. she’s every single piece of me. except the pekpek of course.

22 06 2009
camilleeee

weeeeee! apie father’s day!

tatay na tatay ang dating mo sa fektyur.
hulaan ko kung anu ang nasa cart na tinutulak tulak mo.
diapers, sabon at pabango para kay baby, diapers ulet,
tsaka …. diapers. 😉
baka lalo kukulangin ang oras ng pagtulog mo kung maglalaba ka pa ng lampin e 😀

@camilleeeeee nakaka miss banggitin ang pangalan mo. para lang ulit akong sumisigaw. teka ulitin ko. camileeeeeeeeeeeeeee. haha.

22 06 2009
alea

sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! you’re back! AHHHH!

ang tagal din naming nangulila sa’yo kuya!
welcome back at happy father’s day! sana’y wag kang mangaliwa pag medyo
malaki-laki na ang anak mo. mganda nga ung pagmalaki na si baby badoodle,
wala ka ng kaagaw sa boobs ni ate badooods. lol. =)

cge. mag grocery ka muna dyan. haha. antayin namin ang pagbabalik mo.

@alea
“sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! you’re back! AHHHH!”

nakakaginhawa ang iyong pagbati. parang vicks vaporub. AHHHH! tenks. ramdam ko ang iyong emosyon. oo ikaw nga yung nagkoment lang kung kelan hindi nako nagba-blog. hehe.

22 06 2009
julia

yes you’re back

@julia i am?

22 06 2009
anakngpating

you’re back kuya…
i mish u so so so so so so much hehe..

heneway..alipin na alipin talaga ah ehhe…natawa naman ako dun sa sinabi ni bebe mo na naglalaway sya sayo hehe..kala mo naisahan ka nya hehe..

pers time..excited..kwento mo rin kung ano nangyari ..

happy tatay’s day kuya baduds ..
sa inyo ni kuya gasti..at sa iba pa..

@anakngpating i muss u sososososoo din.. tenks sa greetings!

22 06 2009
ilocano

Happy father’s day lakay!

Kahit ako madalang na lang talaga magpost at lalo na ang magbasa ng mga blog. Ngaun na lang ulit.

Matanong ko lang, bakit nasa middle finger ang wedding ring mo?

@lakay musta ngay? kasta talaga bayag este biag kasla life. 😛

hindi ko talaga pinlanong ilagay sa himpapakyung daliri ko ang aking wedding ring. nagkataon lang dahil maluwag. hehe

22 06 2009
Ayyang

wow kuya ko kung dipa dumating ang Fathers’ Day dika pa mag-a-update ng blog :-/

ang tagal ka naming hinintay :-<

haha anyway po, welcome back!!! (tuloy-tuloy na ba to? okay lang na isang oras na lang tulog mo basta makapag-blog ka. hehehe)
tsaka HAPPY DADERS' DAY.. more fathers' day to come :p madaming lobo ka pang papaliparin =))

22 06 2009
rofel

ang pagbabalik…

ge accepted na ang palusot. nadali na pla ung malupet niong kasambahay. hahaha.

mukhang napapaisip c baby baduds.

@rofel musta mga kakulitan ko? haha. hindi ko masasabi kung tuloy tuloy na tong pagblog ko pero, ‘sana’. haha.

antuken yang si baby baduds. hayan tulog na tulog.

22 06 2009
inletay

haluh…..nakakatuwa ka talaga…. may sense lagi ang humor u…. bago pa lang ako..at napilitan ako mag blog dahil na feel ko cool pala un…saka nakakawala ng tampo kahit naubusan ka pa ng fried chicken ng asawa u……. belated happy father’s day sayo….

@inletay thanks din sa u. ingats u.

22 06 2009
F.OBSN

Reincarnation!

@forester oo. sabi nga sa mga puntod RIP – reincarnation is possible. haha. musta idol.

23 06 2009
paps

MR. Badoodles ayusin mo ang hawak kay baby. . yung kamay oh. inatupag pa ang pag pose sa piktyur oh. cute cute ng buhok ng baby.

nag enumerate ka na naman kala ko mag papa whatever ten ka na naman tapos di mag bubukas sa loob ng kalahating taon.

– happy father’s day parekoy! tatay ka na.

@paps pag busy ulit, irepost ko lang yung whatever ten. bwahahaha.

23 06 2009
Maldito

yehey!!may update..ha ha ha..
pi paders day bossing…
ang saya mo na…parang centrum lang…
complete from a to zinc…buti nga lang at indi ka pinag uniform ni missis…yung pink na plaid..ha ha ha

@maldito hindi pa kumpleto yan baby badoodles pa lang – sa letrang b. gagawa pako ng a, c-z na anak. yan kumpleto na yan. haha. lagi pa rin akong nagbabasa ng blog mo. ewan kakaiba ang humor mo, nag-iisa lang. keep it up.

23 06 2009
azul

huwow may update na..weee…

at ang lalaki na pala ni baby badoods…hapi fathers day nga po pala..

@azul ambilis ngang lumaki ni baby. thanks.

23 06 2009
antuken

happy fathers’ day! (late greeting)

hope this post is the start of you blogging again. dun nga sa post ko, gusto ko tong isama eh. kaso baka bigyan ng malisya ng iba. hahaha.

pareho tayong wala nang ginawa kundi kumayod ng kumayod para kumita ng pera. ako 2nd week ko pa lang ito na meron pahinga. a month passed na everyday nasa planta ako. daig ko pa si curacha. hahaha.

kaya later, first chance na mapahinga, tinawagan ang mga kaibigan. inuman na!

@antuken pareho tayong living in the fast lane. ano naman ngayon kung namiss moko, namiss din naman kita. o, di mo kayang sabihin yan no? booooo! hahaha. biro lang gusto ko lang mang asar. pero totoo, i missed you all. sana makabalik nako

23 06 2009
Rey Pinyoko

Badoodles, ka-sweet naman nimong maging ama, samantalahin mo na yan habang baby pa ang anak mo, mga ilang taon pa mag dro-drowing na yan ng mga cards na Happy Father’s Day….yung ang nakaka-miss, kasi ngayon kapag bumati ang anak ko na tin-edyer eh sa text na nga lang tapos ang nakalagay pa, “Happy Erpat’s Day dude”…di ko alam kung matutuwa ako o ipupukpok ko sa kanya ayung cellphone nyang sing mahal ng limang kilong brief sa ukay-ukay.

@rey hahaha! ayos naman pala bumati ang anak mo, parang hallmark card pa din, futuristic version. hapi fathers day din sayo.

23 06 2009
bernardumali

walang kupas! maligayang araw ng mga tatay at maligayang pagbabalik.

salamat ginoong bernard umali

23 06 2009
sugarushafterglow

mabuti naman at nakapag-post ka na ulet. happy daddy’s day.belated.

@sugar tenks sa bati. 😉

24 06 2009
MARU

nakngpuke! nagpakita ka pa!

pagkatapos mo kaming iwanan na nakatiwangwang blah blah blah yada yada @#$%^*!!!

sa presinto ka na magpaliwanag!

at wag ka na mag anu ano diyan dahil – NAMISS kitaaaaaaaaaaaaaaaaaa! waaaaaaaaaaaaaaa!

p.s. nakakadurog ng puso ang tsura mo sa pic. 😦

lol!

belated hapi pader’s day!

@maru bwahahahahahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! namiss din kita.
inaaccess ko site mo ngayon, parang mansanas lang sa paraiso ni eba at adan – sabi HTTP 403 Forbidden.

24 06 2009
MCREY

WOW sa wakas may update na. hahahahahahahapppy father’s day!!! Yahoo!!!

@mcrey hell yeah!!! finaly i’m back. i think. [hehe di pa rin sigurado].

24 06 2009
zoyks

oi.. maligayang araw ng mga tatay syo!!
kamusta naman, andalas ko dito, ramdam ko nga yung *galit* ng mga tagasubaybay mo eh.. hahaha

cute ng baby mo..

@zoyks oo parang mga kostumer sa beerhaus mga yan, gusto ng inaaliw agad. pffft.

24 06 2009
Mars

buti at nakapag update ka na, at may katulong ka na

24 06 2009
Jepoy

ayown nakapag post din ng bago 😀 Inaabang abangan ko parati ang post mo Sir pang paalis ng stress sa trabaho…

25 06 2009
IKAY

kumusta naman at huli na naman ako sa pagwelcome back sayo manong badods….. ^_^
at sabi na nga ba eh
nakipagtanan si INDAY kya
ka bigla nlng nawala…hehehe

belated happy father’s day syo manong badods!..

25 06 2009
JoiceyTwenty

happy fathers’ day!!! onga halos kalahating taon ka nawala, ok lang yan, mayaman ka na!!! at nagtodo bonding pa kayo ng baby mo haha::) anglupit mo naman sa tatay mo, buti pa ko answeet ng inglis hapi paders dey mesej ko sa tatay ko. hahaha!

tsktsk. ayos ang katulong nyo ah.. di napigilan ang pagkati??!!

by the way, nice shades!

25 06 2009
happy eiyengjell

NAPADAAN LANG po..
qt nmn ng baby mukhang healthy mana sa daddy healthing-healthy..

25 06 2009
rockwitralph

one of my favorite

25 06 2009
siki

Hooo!! reasons!

Makikibati lang! Happy First Father’s Day! saka haffy burpday! 😀

[sobrang tagalog nahirapan ako magiwan ng puna. nu ba yung pook sapot?! wehehehe ]

25 06 2009
D3Marketers

Super ang blog nyo po! No wonder marami ka ng awards na natanggap. Mabuhay ka pati yong lumayas na katulong nyo!

25 06 2009
ecxel

yun naman, iyun uli, at iyon! nabuhay ka pare ko! belated happy erpats day sa atin! ang saya ba ng feeling? hehehe. draining talga, pero kapag nangitian ka naman ng bebe mo, walang kasing saya ang pakiramdam! abangan ko na lang ang mga posts mo!

26 06 2009
raechell

yun oh! update!
na-miss ko to! =)

27 06 2009
Prinsesa ng Drama

Nakakaaliw po talaga ang blog nyo! Di ko mapigilang tumawa dito sa opisina habang kaharap ang amo kong sakang. hahaha. 😀
Happy Father’s Day! 🙂

27 06 2009
lio loco

waaaah! nahuli ako! nakng! welkam bak kuya badoodz! nawalan ng buhay ang blogosperyo nung mawala ka. namiss ka naming lahat! kala namin di ka na magbabalik. na understandable naman dahil sa asta pa lang ng piktryur mo, obyus na obyus kung sino ang prinsesa ng malupet na hari ng pinoy sangkablogosperyohan. hehe. ala bang close up si princess badoodlette? lolz!

happy father’s day kua badoodz! welkam bak po! Ü

28 06 2009
Loma « The Great Maldito

[…] ang sabi ng nag-iisang master sa larangan ng pagpapatawa sa blogging sakin. Si Master Badods ng Kwentong Barbero. Maldito (05:14:56) […]

28 06 2009
phot

buti na lang nasabi ng tatay ko na magpapagupit siya sa barbero. naalala kong dumaan sa akala ko ay tuluyan ng nilisan ng may ari. tskk.

siguro di mo na to mababasa mr. badoodles pero na miss ko ang mga banat mo. Belated ng sobraaaa! 🙂 Happy fathers day 😀

28 06 2009
beero™

belated hapi father’s day kuya bosing! pasensya nahuli greetings ko kasi like you busy-busyhan din ako sa work. hehe. hope naenjoy mo yung unang father’s day celebration mo. at may pechur pa ha. kewl na kewl ang dating! woot!

29 06 2009
kikayness

naligaw lang po galing sa blog ni maldito…at nalaglag naman ako sa kinauupuan ko sa kakatawa

29 06 2009
popoy

nakakatuwa haha. at welkam bak kuya badoods. atsaka belated Happy Father’s Day!!!

29 06 2009
yaiboy

Benta! Kahit ako ‘naglalaway’ sa’yo! Haha!

Kawawa ka naman at bina-batuk-batukan ka ng erpats mo dati. Pero mas kawawa naman siya ngayon. Haha! Quits-quits lang.

Hanggang sa next entry mo 🙂

29 06 2009
F.OBSN

Ahaha. Bago ‘yung RIP sa pandinig ko. Langya. Kahit kelan talaga, kelan ka kaya mauubusan ng ideya at nang kami naman maghari sa mundo ng blag. :buttrock:
‘Nga pala, TRIVIA. Kaya ko naisipang mag-blog ay dahil na-inspire ako sa tinamaan ng lintek na blogsite mo. Sabi ko baka pwede ko rin gayahin.
April ’09 ang birthdate ng blogsite ko, at medyo kasalanan mo kung bakit s’ya pinanganak. Hehe. Ciao!

30 06 2009
gasti

wow! ang haba ng buhok ng baby mo ah! hehe! mukhang busy ka na nga sa pagpapakaalipin kay baby..ganun talaga eh..pagkatapos ka puyatin ni baby babawian ka naman ng ngiti…congrats ulit sa pagiging ulirang ama..hehe!

welcome back pala…sulitin ko na kasi alam kong matagal pa ulit bago masundan ang entry na to..hehe! nakadalawa nako..baby girl naman kaya sakto na isang pair.

30 06 2009
barefoot_alchemist

maligayang pagbabalik badoods… hehehe…

belated hapi fathers day sayo at enjoy lng ang pagiging isang ulirang ama at asawa…

30 06 2009
ice

and he’s baccckkkkk! hahaha grabe sobrang namiss ka namin badoods.. sooo lungkot whenever i check your blog & whatever ten pa din nakikita ko..hahaha sana nga magtuloy-tuloy na ang update mo..kahit once a month ayos na..haha

belated happy father’s day nga pala..so biggie na ni baby badoods…=p

(dude pakipaltan na lang ung link ko na andyan sau..eto na ang active blog ko eh..thanks! ice aka shelley27 =p)

1 07 2009
glesy the great

waaaahhh.. antagal mong nawala and here i thought pati sa anak mo eh under ka na rin… ang laki ng anak mo ah parang pwede ko ng yayain na magjogging at mag gym pagkatapos…

at hanep sa pic parang hollywood star in stolen shots by the paparazzi…

pramis namiss kita… dumami ang hits mo kakahanap ko ng posts mo.. cheers? cheers.. -glesy the great

1 07 2009
glesy the great

eto na naman.. di na naman pumapasok ang comment ko… kung kelan pa naman ako excited mag comment.. argh

1 07 2009
bomzz

Sir Badoods…! sulit agad ang banat!.. hahahha…

tagal ko nang pabali balik.. dito puro wateber sinasabi! hahahah…

woot! apir tayo ah!.. ang Wedding Ring nasa Dirty finger.. maluwang na wedding finger??? lolz..

ingats…

2 07 2009
kox

hahaha.. welcum back! 🙂 daddy na daddy ah! hahahaha.. ang kulit ng katulong nyo 🙂 nakakatuwa! nakakatuwa din ung piktyur nyo! hahahaha.. taba ni baby nyo, ang kyut :))

2 07 2009
dyanlangsakanto

ayos, ito ang inaabangan kong pagbabalik. buti naiintindihan mo na ngayon na mahirap may kaagaw sa suso ng asawa mo. ganun talaga e, hating-mag-ama lang

4 07 2009
JOSHMARIE

nakakainis naman. nalate ako. hindi ko naramdaman na nag update ka pala sir badudels! 🙂 belated happy father’s day. dami niyo sigurong raket kaya 4 hours na lang ang tulog mo. ayokong tingnan yung picture. parang malalaglag yung baby. 😛

4 07 2009
JOSHMARIE

nakakainis naman. nalate ako. hindi ko naramdaman na nag update ka pala sir badudels! 🙂 belated happy father’s day. dami niyo sigurong raket kaya 4 hours na lang ang tulog mo. ayokong tingnan yung picture. parang malalaglag yung baby.

8 07 2009
auee

Belated happy tatay’s day!
Bagay na bagay pala sa yo ang may bitbit na baby 🙂 Magkano charge mo? Per hour or per day?

Glad you’re back.

11 07 2009
mayui

wah, ngayon lang ulit ako napadaan! buti may bago nang entry.
nakakatuwa naman, ang saya niyong pamilya. sana magpatuloy lang yan.
pero parang mahuhulog naman yung baby sa pagkakakalong mo.
belated happy father’s day pala.

21 09 2011
Jeanette

This piece was a liefjacket that saved me from drowning.

23 09 2011
aioomjrjdz

cc7o49 mdjmbbzautvp

14 07 2009
Sesaryo

haha. yehess! after 38 golden egg years. nakapag update ka na master! pareho tayo, ilang months din kami nawalang ng longkatuts, kaya naging tagalinis din ako ng bahay namin. haha.

@sesaryan este sesaryo oo hirap ng walang kasambahay. sex slave na nga ako, tapos part time katulong pa. wtf.

22 07 2009
Lanie

This is the cutest nanny I have ever seen. How much you charge per hour? Lol

@lanie libre lang. wag lang titikman, may magwawala.

24 07 2009
alea

uyy! that’s not true kuya badoods! matagal na akong nagbabasa nitong blog mo. nagpalit lang ako ng link. ako si pinayblogera =) bumoto pa ako sa pakulo mong contest. ahehe. ganun kita ka looove.

@alea ganun moko ka love? sige nga, prove it. penge 300 pesos load.

9 08 2009
♥msxz.mhaldita♥

..nice..

..awesome..

..mwah mwah..

..ang cute nMn..

..di’ ikaw ung bHaby..

10 08 2009
enday

hanep..nag update ka na pala.. sa wakas!
haha..
napatawa na naman ako ng mga post mo.. 🙂

11 08 2009
livingstain

badoodles ang taba mo na, hiyang ka talaga sa pagiging daddy, good health sa baby mo…

30 08 2009
tOrotOt

wahahahha..wahahahh.wahahahaaha..

..:(yOkO sana tUmawa..prO e2 natO..wahahaha..wahahaha
..tamps-ap!!!
ka galing galing ng blOg mOh..!
..wahahahha..
suri..mababaw lang tlaga apinnes q..!
wahahahhaha
labYu.:)
naalala q 2loy jowa kOng gUng-gUng..!
..:)

27 04 2010
vince ane

ang gaganda ng mga blogs d2 very earthy at true to life mga words na totoo yan ang kailangan ng tao, ung makakrelate sila…

the best tong site na to.

27 04 2010
vince ane

the best tong site na to

27 04 2010
vince ane

the best

22 05 2010
Ecks Limson™

Nakakatuwa itong mga kwento ninyo, gusto ko kayong imbitahan upang ipamalas nyo rin ang inyong mga blog sa http://www.buhaypilipino.com – isang napakabago at virgin pa na forum site na tumatalakay ng kahit ano tungkol sa mga Pilipino. Sana ay makapasyal naman kayo minsan dun!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: