Pinoy Foodie

23 05 2010

Pag ganitong araw ng Linggo, maaga akong gumigising para ipagluto si misis. Importante ang linggo para sa kin dahil sex slave day i-lab-yu-misis-ko day ito. Para sa isang linggong pag-aalaga sa aming mag-ama, ito lang ‘yung araw na pwede kong i-spoil si misis kung anong gusto niyang breakfast, lunch at dinner [at ako ang kanyang midnight snack]. Pero hindi mangyayari ‘yun ngayon dahil naiwan sila sa Pinas at nandito ako nagbabanat ng buto sa bansa ng Australiano. Yo!

Ang talagang talento ko, maliban sa pagra-rap at pambobola ay pagluluto. Masarap akong magluto. ‘Yung toasted bread ko lasang gourmet sandwich. ‘Yung kaldereta ko lasang beef stroganoff. At ‘yung banana cue ko lasang crème broullet. Titirik ang mata mo sa sarap. Sabi ‘yan ng mga fans ko – na binubuo ng lola ko at ng pusa niya. Asan na sila ngayon? Patay na. Iniisip ko kung talagang panahon na nila na kunin ni Lord o nasobrahan lang ako ng betsin. Oh well.

Ok din naman magluto ang misis ko. Nag-iiba din ang lasa. ‘Yung nilaga, lasang sinigang. ‘Yung sinigang, lasang adobo. At yung adobo, lasang ‘putangina ang alat’. [Biro lang Bebeko. Nami-miss ko lang ‘yung pagsimangot mo pag inaasar ko ‘yung luto mo. ]

Dahil gusto kong magluto ng pinakbet ngayong weekend, maaga pa lang dumayo na ako sa Footscray, ang pinakamalapit na lugar na may pinoy supermarket dito sa Melbourne. Eto ‘yung equivalent ng Tondo satin at syempre ang naghahari-harian e walang iba kundi dan-dyaran — Pinoy. Pati mga bumbay nga dito nagtatagalog. Tuwang tuwa ako [hindi dahil may bumbay na nagtatagalog ng baluktot] dahil nakabili nako sa wakas ng betsin, tuyo, at paborito kong bagoong. Akalain mo ‘yun, di ko na kailangang mag-puslit sa airport ng bagoong para lang makapagluto ng pinakbet dito.


Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




And Just Like That

22 05 2010

Nalungkot ako sa tineks na balita ng misis ko.  Binaril ng mga di pa nakikilalang kalalakihan si Judge Cipriano, dati naming propesor ng misis ko sa law school.  Sa may gitnang batok.  Ansama talaga nung mga gumawa nun.  Kung gusto nilang panggigilan ‘yung batok ni judge, bakit di na lang sila nambatok?  O kaya sinumpit na lang gamit ang binilog na basang dyaryo. O sulatan ng Stabilo Boss ang batok ng ‘You is a loser’.  Pwede ding All Caps kung matindi ang poot.  ‘YOU IS A LOZER’.  Those evil pipol. 

Inaasahang ibababa ni judge ang hatol nya ngayong linggo sa isang pulitiko. Ayun, inunahan na siya. Sabi nga ng singer na si Kanye West, ‘Heartless’.

Nung nabasa ko ang teks na ‘yun, nagulat ako.  Huminto ako sa mga napaka-importante kong gawain tulad ng paghahanap ng betsin sa isang asian grocery dito sa Melbourne.  At pati pangungulangot ko naantala.  Andun na sana, malapit na, malapit ko nang maabot ang langit nang biglang nag-tu-tooooot-tu-tooooooooot ‘yung cellphone.   Pati nga ‘yung magbayad ng mga ginrocery ko sa cashier nakalimutan ko.  Klepto?

Propesor ko si Judge Cipriano sa Criminal Law I.  Di ko makakalimutan ‘yung subject na ‘yun dahil mataas ang mga exam  ko dun kahit di naman talaga ako palaging nagre-review.  Kami ang nagtse-tsek ng sarili naming exam .  Siyempre pag nagtse-tsek na e di kino-korek ko lahat ng sagot ko.  Sabi i-check daw.  Hindi naman sinabing i-ekis.  Follow the instruction lang naman ako.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





Down Under

9 05 2010

Kakareklamo ko sa amoy utot na mga kaopisinang bumbay, ayun pinatapon ako dito sa Australia. Pagdating ko dito, shyet may mga bumbay din pala akong opismeyt. Pero mabait si God, ginawa niyang mabango ang mga bumbay dito. Siguro nung huling araw habang ginagawa ni God ang mga tao mula sa dakot ng lupa nasabi niya, ‘At kayong mga bumbay dyan sa Australia, wag kayong magpaka-hardcore bumbay. Makinig kayo sa payo ng Parokya ni Edgar, gumamit kayo ng papa cologne’. At gumamit nga ang mga Australyanong bumbay ng papa cologne. ~Wakas.

Pag ang bumbay dito naging Australyano, ang tawag sa kanila Aussie-Indians. Sa Pinas, pag ang bumbay naging Pinoy na, ang tawag sa kanila, Payb-siks.

Pero iba’t-ibang lahi din ang mga katrabaho ko dito. Griyego ang bosing namin, bumbay ang manager namin, at Australyano ang tagapaglinis ng kalat. Pag nagmi-meeting sa opisina, para tuloy kaming mga delegado sa United Nations assembly. Meron ding Intsik, Italian, saka lahing suicide bomber. ‘Yung lahing suicide bomber, ayokong lapitan, baka masagi ko biglang sumabog. Malay mo lang, iba na ang nag-iingat.

Hindi uso ang letrang ‘r’ sa mga Australyano sa dulo ng salita. ‘Yung nagbebenta ng dvd dito ng Harry Potter ang sabi sakin ‘Hawr you pota?’, na siyempre sinasagot ko din ng ‘Pota ka din, gago, inamo’.

Alam mo kung anong masarap sa pagiging Pinoy? Nakakalat ang lahi natin sa buong mundo. Kahit siguro pumunta ka sa pinaka-isolated na isla sa mundo, alam mong Pinoy ‘pag nilapitan ka at sinabi sayong Dibidi ser? Dibidi? O kaya, ‘Bebot ser? Bebot?’ Basahin ang karugtong nitong lahok »