Down Under

9 05 2010

Kakareklamo ko sa amoy utot na mga kaopisinang bumbay, ayun pinatapon ako dito sa Australia. Pagdating ko dito, shyet may mga bumbay din pala akong opismeyt. Pero mabait si God, ginawa niyang mabango ang mga bumbay dito. Siguro nung huling araw habang ginagawa ni God ang mga tao mula sa dakot ng lupa nasabi niya, ‘At kayong mga bumbay dyan sa Australia, wag kayong magpaka-hardcore bumbay. Makinig kayo sa payo ng Parokya ni Edgar, gumamit kayo ng papa cologne’. At gumamit nga ang mga Australyanong bumbay ng papa cologne. ~Wakas.

Pag ang bumbay dito naging Australyano, ang tawag sa kanila Aussie-Indians. Sa Pinas, pag ang bumbay naging Pinoy na, ang tawag sa kanila, Payb-siks.

Pero iba’t-ibang lahi din ang mga katrabaho ko dito. Griyego ang bosing namin, bumbay ang manager namin, at Australyano ang tagapaglinis ng kalat. Pag nagmi-meeting sa opisina, para tuloy kaming mga delegado sa United Nations assembly. Meron ding Intsik, Italian, saka lahing suicide bomber. ‘Yung lahing suicide bomber, ayokong lapitan, baka masagi ko biglang sumabog. Malay mo lang, iba na ang nag-iingat.

Hindi uso ang letrang ‘r’ sa mga Australyano sa dulo ng salita. ‘Yung nagbebenta ng dvd dito ng Harry Potter ang sabi sakin ‘Hawr you pota?’, na siyempre sinasagot ko din ng ‘Pota ka din, gago, inamo’.

Alam mo kung anong masarap sa pagiging Pinoy? Nakakalat ang lahi natin sa buong mundo. Kahit siguro pumunta ka sa pinaka-isolated na isla sa mundo, alam mong Pinoy ‘pag nilapitan ka at sinabi sayong Dibidi ser? Dibidi? O kaya, ‘Bebot ser? Bebot?’

Nung unang linggo, wala akong mabilhan ng kawali at tabo dito. May mga nakilala akong mga Pinoy na nagtatrabaho sa Coles, ‘yun ‘yung parang SM Hypermart nila dito. Pero wala din silang binebentang ganun. Sa huli, pinahiraman na lang nila ako ng mga gamit. Sarap maging Pinoy ano? Ang problema ko na lang ngayon, wala akong batya pag naglaba. Kung sino mang may ginintuang puso dyan sa Pinas, mga butihing ginoo at binibini, paki-LBC na lang po.

Nakaka-home sick, oo. Andaming bagay na magpapa-alala sa ‘yo na wala ka sa sariling bansa mo. Walang mga pagkaing Pinoy na pampaikli ng buhay tulad ng chicharon bulaklak, sisig, saka puke-puke. Ang meron sila dito salted tuna, Subway tuna, saka ano… cream of corn, with tuna. Kabaliktaran ng Australia ang Pinas. Dito, walang security guard ang mga bangko nila. Sarap sumigaw ng ‘Holdap ito! Walang kikilos!’. Na kung asa Pinas ka mahirap gawin, dahil ultimo Jollibee satin, guwardiyado bente kwatro oras.

Sobrang nakaka-miss ang Pinas. Mga kaibigan ko, misis ko, anak ko saka lahat lahat na. Pati ‘yung kapitbahay kong palengkera na sumisigaw ng ‘Tangena niyo! Magpatulog naman kayo!’, nakaka-miss na din. Nakaka-miss magbasa ng mga gagong MMDA signs tulad ng ‘Bawal tumawid dito, nakamamatay’.

Ibalik n’yo na ako sa Pinas.

Advertisements

Mga Tugon

Information

73 responses

9 05 2010
muntingtinig

pers! 🙂

9 05 2010
muntingtinig

hahahaha. naks aussie ka pala ngayon. 😛

9 05 2010
kotsengkuba

gano ka naman katagal jan? enough para maging “Hawr you pota” spokening ka na rin? hehehe, dalawa na tayong hindi bobot bukas. ikaw dahil nanjan, ako dahil magbebenta ko ng halo-halo sa tagaytay. (sa manila pa ang voting precint ko)

9 05 2010
badoodles

@muntingtinig helo pilipins!

9 05 2010
badoodles

@kotseng kuba parekoy! kelan ka pa umuwi pinas? di ko pa alam kung hanggang kelan ako ibuburo dito. kelangang magdasal sa mga bathala ng bumbay.

oo nga e, pareho tayong di boboto, hahaha.

9 05 2010
Roland

Sir, ok lang iyan hindi naman siguro hihigit ang bilang ng bumbay diyan kesa dito sa amin sa Saudi. Enjoy your stay there.. down under, at least nasa tabi ka na ng singit 🙂

9 05 2010
badoodles

@roland hahaha! bastos din pala tong mga aussie ano? ngayon ko lang naintindihan yung down under. kaya pala. nyahaha.

9 05 2010
Roland

Sabi ko sa iyo sir eh! Ingat ka lang po jan baka pumagitna ka pag nag away ulit ang mga lebanese at indiyan diyan. para silang sigue sigue at sputnik kung mag away 🙂

9 05 2010
badoodles

@roland ok naman dito sa melbourne pre. peace loving saka ma-respeto mga tao. sa sidney alam ko ganun nga problema nila.

9 05 2010
Roland

Good for you! don’t worry sir mag eenjoy ka rin jan…medyo tiis lang sa lungkot 😦

12 05 2010
badoodles

@roland badtrip nga e. nami-miss ko na anak ko.

10 05 2010
Kosa

welcome sa buhay OFW sir!
hehehe. astig! makakaadjust ka din!

12 05 2010
badoodles

@kosa magdilang anghel na may malaking pekpek este pakpak ka sana…

10 05 2010
lei

aba aba pa-pota pota ka nalang ngaun ah! ahhaa! naku! buti nalang lagpas na ako sa ganyang stage kuya badoodles.. ang akin naman hindi lang r ang problema, kundi buong salita lalo na kung itim ang kausap mo.

pwetngkawali: mnsdhsjucnsidpf?
ako: whaddya say?
pwetngkawali: kjmdahdiejfeifjaepjcm!?
ako: huh? i’m sorry. i dont speak dumb. *evil laugh*

pero syempre.. masasanay ka rin pagtumagal na. goodluck sayo dyan kuya badoods. nung dumating kami dito ilang years ago, nagmakaawa pa kami sa mama ko na bumili pa ng isang 2 tabo, isa sa bawat CR (isa lang kasi tabo nya). tinaktak pa namin ang mga filipino store. kaderder kasi kung tissue lang.. ewwwnes! maninikit yung ano sa pwet mo. lol pakisabi pala sa officemate mong power ranger, wag pumunta dito sa planeta ko. sapat na ang twin tower. advance thanks kamo. hahha!

12 05 2010
badoodles

@lei anhirap talaga ng walang tabo. kelangang tumuwad sa gripo para makapaghugas ng pwet.

san ka ba ngayon?

10 05 2010
Amity

Asensado ka na pala Badoods!

Kaso may pagka-ipokrito ka din! Yung iba patay na patay tumira sa ibang bansa pero ikaw, humihiyaw ng “ibalik nyo na ko sa Pinas”! Okay ka lang ba? O patawa pa rin ba yan!

12 05 2010
badoodles

@amity seryoso yan. mas importante sakin yung kasama ko anak at misis ko higit sa anupaman. (seryoso nga…)

10 05 2010
prinsesa ng drama ♥

huwaw naman nasa australia na pala si kuya badoodles! hehe. dito rin daming bumbay! di lang amoy utot! pag lumapit sau siguradong TKO ka. haha.

anyhoot, goodluck po and ingat dyan! libangin ang sarili para mawala ang pagkabagot. 😀

12 05 2010
badoodles

@prinsesa bored na nga ko dito. wala man lang silang balita dito tungkol sa may nagsapakan, saksakan, bangayan. di tulad sa pinas. hehe.

10 05 2010
joshy

hooray! tamang-tama ang pagpasyal ko sa blog mo sir badudels! may bagong post! 🙂

ilang months na lang babanggitin ko na rin ang mga salitang I MISS PELEPENS! :p

good luck sa yo diyan sir. 🙂

12 05 2010
badoodles

@joshy san ka punta?

11 05 2010
Jepoy

Sir akala ko ako lang nakakaalam sa puke-puke, Ukinam! Natawa ako doon ng sobra LOL!

Ingat kayo dyan Sir!

12 05 2010
badoodles

@jepoy ukinam met.

11 05 2010
Maldito

at bakit parang malapit na maging slang ang blog mo bossing?ahahha.wow..dugong banyaga ka na..socialization oi!

kung diyan sa aus ang luck mo para maging bilyonayo tiis ka muna bossing….pag may ari ka na ng companya kunin mo ako ha!

hehehe…

12 05 2010
badoodles

@maldito sige ba kunin kita. wala naman tayong pinag usapan kung susweldo ka di ba? haha.

11 05 2010
gasti

wow kangaroo jack! hehe! congrats at napakalayo na talaga ng narating mo. bigtime ka na talaga..sa australia ka na pala nagkakalat ng lagim.

12 05 2010
badoodles

@gasti hindi rin pre. mas gusto ko pa din satin sa pinas. nothing beats home.

11 05 2010
jojitah

e may nabibili ba diyang accent? pwedeng magpabili? gusto ko lang itesting kung bagay sa akin ang australian accent – parang si anne cortez, tapos ipapraktis ko habang nakikipagtawadan sa divisoria. :))

e mag-iingat ka naman diyan. owkay?

12 05 2010
badoodles

@jojitah sige bilhan kita yung parang combo meal – pinaghalong aussie accent – pinoy – bisaya.

salamat joji. oo na mag iingat ako.

11 05 2010
madbong

huwaw pre nasa oz ka pala, good on ya mate! lapit lang dito sa amin tatawid ka lang ng ‘ditch’ hehe.

12 05 2010
badoodles

@madbong yeah, ill cross the ditch to the land of sheepshaggers. hindi ako narinig ko lang kay bumbay .

11 05 2010
neil

nice post. keep it up! 🙂

12 05 2010
badoodles

ah.. eh.. ok.

14 05 2010
neil

napadaan ulet. naghihintay ng next post. 😀

11 05 2010
Alustriel

Wow! Mei update na ulit. Hehe! Pabalik balik ako from time to time para ma-check if mei bago na ulit…Sana tuloy tuloy na ‘to…Hehe! Good luck sa’yo! =)

12 05 2010
badoodles

@al (al na lang haba kasi nung alusluslos) subscribe ka na lang sa email sa sidebar para mas convenient sayo. 😀

12 05 2010
FerBert

nagbalik blogging ka na pala bossing pero nakaalis na ng bansa. ayain pa naman sana kitang makipag-inuman. lol

12 05 2010
badoodles

@fb shit happens.

12 05 2010
karen

e di badoodles hindi ka nakaboto? if ever naman sino dapat ang iboboto mo sa pagkapresidente?

naisip ko lang, since parang mahilig ka sa porn, nakapanood ka na ba ng aussie porn?

12 05 2010
badoodles

@karen di ako mahilig sa porn. sila ang mahilig sakin. *rolling eyeballs

12 05 2010
paps

kailangan pala ipatapon ka sa australia para maka pag sulat ng next blog entry. .

anyhow, inihaw . . . dahil ibat ibang lahi ang kasama mo rin ipakita mo sa kanila na mas mahusay ang mga pinoy, kaya wag ka mag loloko diyan. isipin mo na lang kaw si manny pakyaw may sarili kang laban sa buhay. . .

ano ba tong sinasabi ko. basta bahala ka sa buhay mo diyan.

12 05 2010
badoodles

@paps oo bahala nako sa buhay ko.kahit di tayo nagkaintindihan, basta yun na yun.

12 05 2010
ilocano

Iba na ang sign ng MMDA ngaun, “Bawal tumawid, may namatay na dito.”

Goodluck kabsat, sapay koma ta bumatnang ka dita. hehe

12 05 2010
badoodles

@ilocano imbaga da met kinyak ata idyay kanu qc pero mandik pay nakita.

gud lak met kinyam lakay. IT ka met lang di ba?

12 05 2010
Lambing

ahaahhaa sir badoodles natatawa ako dun sa bumbay 😆

wala talaga kayong kupas…

ingat ka dyan nways madami naman pinoy dyan 🙂

12 05 2010
badoodles

@lambing meron din mga pinoy pero mas marami bumbay. parang 80% nga dito bumbay, muka tuloy ang dayuhan dito yung mga aussie sa dami ng bumbay.

13 05 2010
armie of words

At ang bottomline ay … “Ibalik niyo ako sa Pilipinas!” Ahahahaha.

Ok lang po yatang sumigaw ka ng “Holdap ‘to!” kapag wala namang Pinoy na umaaligid kasi wala naman yatang makakaintindi. Hahahaha. Nice, nice. Dito din po sa Kuwait maraming nagtitinda ng Debede ng mga Emtebe. Hahaha.

PS: Eto na po ang ‘puna’ ko, iwan ko lang po dito babalikan ko lang bukas. Jokleng. Hahaha. 😀

22 05 2010
badoodles

@armie ano ka inglis kaya yung holdap. tagalog lang pagbigkas. pag inaresto ako dito sayo ako hihingi ng pampyansa.

13 05 2010
aia

andyan ka na palang austrayla! magreklamo ka nalang ulit sa mga utot dyan na aussie-indians!

22 05 2010
badoodles

@aia oo marami na naman akong ikukwento. mali ang first impression ko. putsa.

14 05 2010
superjaid

first time ko dito..galing ako kay sa mundo ni kuya jepoy *parang robot naman* anyway..kaya mo yan..go go go fight!^_^ maymga mababangong indians din pala..ayos yan fresh air na..hehehe

22 05 2010
badoodles

@superjaid sinong jepoy?

14 05 2010
edith

na-miss ko na magbasa ng blog mo. buti may naligaw na naman na ganito sa emails ko. wag muna kayo umuwi, palit na lang tayo hehehe. dito ka sa pinas jan ako.

22 05 2010
badoodles

@edith sige palit tayo. parang exchange gift lang?

14 05 2010
lababo

Ayun! nagbalik na! Welkam bak badoods. Pakiss!
Daming pinoy jan, pag nahohomesick, tawag kla lang sa kanila para kahit papano makapagtagalog ka nang mahaba-haba.

22 05 2010
badoodles

@lababo may kasama din akong pinoy dito sa opisina pero bumbay pa din sya na marunong managalog. kaya technically ako lang ang pinoy sa opisina

14 05 2010
antuken

my previous boss was aussie. natatawa ako kse diba mahilig sila mag-swear. nao-offend mga tao dito nung umpisa. kse maghilig magsabi ng BS, f*ck, etc… sabi ko wag pansinin at wag dibdibin yun kse part of their daily language yun. hahaha.

buti napapadalas na post mo. ako naka-subscribe dito simula pa lang. pero everytime i go blog visiting, tinitingnan ko pa rin kung may post ka. minsan kse delayed sa email yung notice e. hehehe.

enjoy australia at sana di ka magtagal diyan. ako matagal na ineengganyo ng mga kamag-anak at friends na mag-migrate or magwork abroad. kaso i totally agree with you. nothing beats home talaga. besides mauubusan ako ng dugo kaka-ingles. hahaha.

22 05 2010
badoodles

@chona magdilang anghel ka sana. plssssssssssss. uwing uwi nako. sa tinagal ko naman dito hindi pako bini-BS sana pina-fuck?

14 05 2010
phot

iba ka talaga. pati aussie people ka bonding mo na!
ingat ka diyan sir! ang pogi ng picture yeeesss!

22 05 2010
badoodles

@phot malandi.

16 05 2010
facbook

abay ka-swerte mo jan at mababango ang mga bumbay sir.

22 05 2010
badoodles

@facbook abay oo naman. ‘no utot zone dito’

18 05 2010
adaytodaylife

hi nakakatuwa naman magbasa ng post mo i really enjoy, marami narin akong mga ka officemate na nandyan sa australia pakalat kalat hehehehehe, then last year isang mining firm dito sa pinas tinawagan ako for interview pero umayaw ako kasi feeling ko wala akong magandang hinaharap sa kanila mas gusto ko parin and filipino boss kasi pinay naman ako. ok ingat nalang po dyan god bless i continue reading your post.

22 05 2010
badoodles

@adaytodaylife salamat. nung asa pinas ako ibang lahi na ang bos ko kaya sanay nako sa bastusan ng mga yan.

tccic?

19 05 2010
ilocano

Wen IT ak met. Adda ba opening dita? Baka mabalinak dita racket mo bareng makagatangak met balay ko. hehehe

22 05 2010
badoodles

@ilocano suspended pay lang gamin visa application ditoy for gsm (gen skilled migration). pero ti ammok nga in demand IT skills ittoy ket reports ken sharepoint.

21 05 2010
modernonglapis

hehe natatawa po ako hanggang sa mga comments niyO! the best 😀

gudluck and keep safe:D

22 05 2010
badoodles

@monggol keep safe to you too.

22 05 2010
Bernadette Fernandez

ang kulit muh talaga kuya badoods ! :0 hehe gudluck seu jan xa awstrilya hap?hehe .. pero sana wag muh kalimotan mag-post lagi sa blog muh, ito lang kasi libangan ko ee lalo na pag-nalulungkot ako. :0 hehe

4 06 2010
barefoot alchemist

aba… sa super tagal ko na nka hibernate… aba’y anjan ka na pla sa down under badoods! asteeg! go pinoy! itaas ang ating lahi, kabayan! hehhe

30 07 2010
Ahmiezumie

nag-enjoy po ako kakabasa..=) nainspire po ako na magpost pa sa aking blog..=) ingat ka po jan kung san ka man ngayon..=) ahehe astig ng post!!!may nkuha po akong ideya..=) salamat..=)

5 08 2010
Rey Pinyoko

aba nag ba blag na ulit si idol. tagal ko nang di nabubuksan tong site na to kasi dati pabalik balik ako yung tungkol pa rin sa boobs ni gloria ang topic. buti na lang binisita ko ulit ito kanina.

katrabaho mo rin pala eh mga bumbay kami dito sa singapore ganun din.. ang pinoy at bumbay laging magkasama sa trabaho kahit saan, parang may networking ang mga pinoy at bumbay nagtatawagan..hey bongbong this is suckdeep there’s a job here in saudi why dont you come here come come cummmmm….parang yin at yan kung may mabango dapat may mabantot..

welcome back badoods may walang kwentang babasahin na naman ako na mababasa hehehe pero enjoy me sa pagbabasa promise

9 11 2010
hajay

pareho tayo pare, talo sa amoy nang ibang lahi kala mo kinulob na utot, tae ata kinakain nila kaya ang babaho nila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: