And Just Like That

22 05 2010

Nalungkot ako sa tineks na balita ng misis ko.  Binaril ng mga di pa nakikilalang kalalakihan si Judge Cipriano, dati naming propesor ng misis ko sa law school.  Sa may gitnang batok.  Ansama talaga nung mga gumawa nun.  Kung gusto nilang panggigilan ‘yung batok ni judge, bakit di na lang sila nambatok?  O kaya sinumpit na lang gamit ang binilog na basang dyaryo. O sulatan ng Stabilo Boss ang batok ng ‘You is a loser’.  Pwede ding All Caps kung matindi ang poot.  ‘YOU IS A LOZER’.  Those evil pipol. 

Inaasahang ibababa ni judge ang hatol nya ngayong linggo sa isang pulitiko. Ayun, inunahan na siya. Sabi nga ng singer na si Kanye West, ‘Heartless’.

Nung nabasa ko ang teks na ‘yun, nagulat ako.  Huminto ako sa mga napaka-importante kong gawain tulad ng paghahanap ng betsin sa isang asian grocery dito sa Melbourne.  At pati pangungulangot ko naantala.  Andun na sana, malapit na, malapit ko nang maabot ang langit nang biglang nag-tu-tooooot-tu-tooooooooot ‘yung cellphone.   Pati nga ‘yung magbayad ng mga ginrocery ko sa cashier nakalimutan ko.  Klepto?

Propesor ko si Judge Cipriano sa Criminal Law I.  Di ko makakalimutan ‘yung subject na ‘yun dahil mataas ang mga exam  ko dun kahit di naman talaga ako palaging nagre-review.  Kami ang nagtse-tsek ng sarili naming exam .  Siyempre pag nagtse-tsek na e di kino-korek ko lahat ng sagot ko.  Sabi i-check daw.  Hindi naman sinabing i-ekis.  Follow the instruction lang naman ako.

Sa kanya ko din natutunan ang importanteng leksyon tungkol sa batas na Anti Sexual Harassment Act o Republic Act 7877.  Sabi ng batas na ‘yan, sa opisina pag ang bisor nanghipo ng empleyado niya – sexual harassment ‘yun dahil mataas ang posisyon ng nanghipo, pero ‘pag isang manyakis na janitor ang nanghipo, hindi sexual harassment ‘yun.  Pero hindi ba dapat pag may nanghipo e sexual harassment na agad yun kahit sino pang tarantado ang gumawa nun?  Ito yung halimbawa ng batas na walang ‘common sense’. Kaya sa mga janitor dyan sa Pinas, ‘Ok lang manghipo dahil di ka pwedeng kasuhan ng sexual harassment’. Sabi ‘yan ng batas, hindi ako.  Tinranslate ko lang, kanto-style.   

Lagi na lang ganyan sa ‘tin.  Pag eleksyon, patayan.  Di ba pwedeng ‘pag eleksyon, ‘yung talunan mag-pitikan na lang ng betlog? Si Erap talunan, pitikin nyo betlog nya.  Si Jamby talunan, pitikin nyo tinggil nya.  Si Gordon, talunan, pitikin nyo Dick nya.

Parang piso santumpok na lang ang buhay natin sa Pinas.    Nag-aral ka ng sampung taon.  Lagyan mo pa ng ++ sign yan kung dumaan ka pa sa prep, kindergarten, at kumuha ng masters at PhD. Pero dahil inassassinate ka ng isang putragis na ____ <– [insert superlative evil word here],  balewala lahat ng pinag-aralan mo. ‘Yung utak mo  sabog at nakakalat sa kalsada kasama ng mga pinaghirapan mong aralin  sa eskwelahan [assuming na hindi ka nangopya o nagtsi-check ng sariling papel tulad ko] – Calculus, Filipino I, at Values Education at lahat lahat na, mapupunta lang lahat ‘yun sa wala. 

Kaya para sa ‘yo, prof/ser/judge Cipriano di man kita mabigyan ng matinong eulogy sa araw ng libing mo, alam mo namang mami-miss ka namin ng mga naging estudyante mo.  ‘Yung iba abugado na.  Ako abugago pa din.  Salamat sa mga tinuro mo.  Habang buhay ka naming alalahanin. Mwahugzzzz na lang sa pagpunta sa langit.  Pa-regards kay Jesus.

Advertisements

Mga Tugon

Information

22 responses

22 05 2010
paul

ang lupet naman ng sinapit ni judge. tsk!

23 05 2010
badoodles

@paul tsk! tsk! tsk! –> kulang na lang mahabang dila, parang tiktik na.

22 05 2010
Roland

Ang derte derte talaga ng politics sa pinas. Minsan kasi matalino naman, mayaman na, may konti na ring powers bakit gusto pa ng labis na powers? Tas ganyan lang kakauwian? Kaya ako ok na sa akin ang baranggay level lang o kahit hanggang PTA level na lang siguro kasi kahit sa baranggay may gulo na rin 😦

23 05 2010
badoodles

@roland ang derte derte nga pre. wag na lang ma-involve sa pulitika in any ways.

22 05 2010
Roland

Parang wala sa ayos ang komento ko! Nalasing na yata ako sa kape 😦

23 05 2010
badoodles

@roland ok pa parekoy. hindi pa naman alien-speak.

22 05 2010
kotsengkuba

kaya wag na wag kang papasok sa pulitika o makiki-apid sa mga issue at hokus pokus nila. kung ayaw mong mag-mwahugs narin sa mga nauna na sa langit 🙂

23 05 2010
badoodles

@kotsengkuba dun na lang tayo sa less dirty. vote badoodles for pta president!

23 05 2010
kotsengkuba

speaking of PTA… mukhang mapapasabak na ko jan this june. hahaha

22 05 2010
jepoy

haist, tangenang kriminal yan, dapat sa kanila tinatali at lagyan ng isang kilong red ants ang mga betlog nila, i hatechit!

badoods tapusin mo na ang pag aabugado mo, baka nademanda ako kukunin kitang immigration lawyer bwahihihi

Kthanksbye

23 05 2010
badoodles

@jepoy ayoko na mag abugado dahil delikado [rap?].

23 05 2010
axel

masyado talagang nganib sa kapangyarihan ang mga tao at kaya nilang pumatay para lang maupo sa pwesto..

23 05 2010
badoodles

@axel absolutely! absolute power corrupts absolutely.

23 05 2010
lei

ang sama sama naman nyan. akala ko sa TV lang yung mga ganung drama, yun pala sa totoong buhay meron palang mga taong ganun mag-isip. patay kung patay! mga oportunistang makapangyarihan talaga sa atin.. kawawa tuloy ang mga maliliit. kaya pala sabi ng lolo ko, minsan yung mga judge takot, wala nalang daw tuloy sila magawa kungdi i-not guilty ang mga nasa pwesto na kahit nabubuhay pa, sunog na ang kaluluwa sa ilalim ng lupa.

23 05 2010
lei

aaagh!! nagcomment ako kanina tapos nawala!! again, again, again! 😐

ang sama sama naman nyan kuya badoods! akala ko sa TV lang yung mga ganyang drama, yung pala meron din pala sa totoong buhay. mga oportunistang makapangyarihan talaga sa atin.. kawawa tuloy ang mga maliliit. sabi tuloy ng lolo ko, yung ibang judge takot hatulan yung mga higanteng ipis na mga yan. napwe-pwersa tuloy sila i-not guilty yung mga yan, na kahit nabubuhay pa eh sunog na ang kaluluwa sa ilalim ng lupa.

23 05 2010
ulan

so sad. wala pa ding nagbabago sa atin.

24 05 2010
antuken

kaya sabi ko sayo di ko gusto mapangasawa mga pulitiko, lawyers, soldiers eh. yan ang rason. ginagawa mo lang trabaho mo, made-dedo ka in no time. tsk tsk.

29 05 2010
Dorm Boy

nakakapanghinayang talaga idol ang sinapit ng prof mo. Sayang for sure mas marami pa sana syang naging estudyante. Sayang ang kanyang talino at knowledge na pwede pang ipamasa sa next generation.

Pero nanjan naman kaung mga naging estudyante ng prof nyo, nakasalalay sa inyo kung panu nyo isasabuhay at ipapamasa sa mga anak, kaibigan at kahit sino pa ang aral na nakuha nyo…

21 07 2010
katrinadanieles

kamusta na ang kaso ngayon? =( matagal ng ganyan sa Pinas, panahon pa lang ni Aguinaldo, may ganyan na.. tsk,tsk.. PAnahon na daw ng pagbabago.. we’ll see, we’ll see..

9 11 2010
hajay

un lang matapos mag aral ala naman trabaho. may trabaho man kahit ulilang pusa ampunin mo hindi m babibigay gusto nya….
eto rin ako nag abrod,para mag mukang matalino sa ibang lahi na bugok. thank you bow,

21 07 2011
pusagandanglahi

natigilan ako dun sa masasayang lang ang pinag-aralan kapag may *insert superlative evil word here* na nagtangka sayo.wew. haha

22 02 2013
andree

pero panu ung mga tambay n manyak tapos nang hipo,. panu ang case dun?? meron din ba silang kaso regarding sa mga mga taong yun?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: