Pinoy Foodie

23 05 2010

Pag ganitong araw ng Linggo, maaga akong gumigising para ipagluto si misis. Importante ang linggo para sa kin dahil sex slave day i-lab-yu-misis-ko day ito. Para sa isang linggong pag-aalaga sa aming mag-ama, ito lang ‘yung araw na pwede kong i-spoil si misis kung anong gusto niyang breakfast, lunch at dinner [at ako ang kanyang midnight snack]. Pero hindi mangyayari ‘yun ngayon dahil naiwan sila sa Pinas at nandito ako nagbabanat ng buto sa bansa ng Australiano. Yo!

Ang talagang talento ko, maliban sa pagra-rap at pambobola ay pagluluto. Masarap akong magluto. ‘Yung toasted bread ko lasang gourmet sandwich. ‘Yung kaldereta ko lasang beef stroganoff. At ‘yung banana cue ko lasang crème broullet. Titirik ang mata mo sa sarap. Sabi ‘yan ng mga fans ko – na binubuo ng lola ko at ng pusa niya. Asan na sila ngayon? Patay na. Iniisip ko kung talagang panahon na nila na kunin ni Lord o nasobrahan lang ako ng betsin. Oh well.

Ok din naman magluto ang misis ko. Nag-iiba din ang lasa. ‘Yung nilaga, lasang sinigang. ‘Yung sinigang, lasang adobo. At yung adobo, lasang ‘putangina ang alat’. [Biro lang Bebeko. Nami-miss ko lang ‘yung pagsimangot mo pag inaasar ko ‘yung luto mo. ]

Dahil gusto kong magluto ng pinakbet ngayong weekend, maaga pa lang dumayo na ako sa Footscray, ang pinakamalapit na lugar na may pinoy supermarket dito sa Melbourne. Eto ‘yung equivalent ng Tondo satin at syempre ang naghahari-harian e walang iba kundi dan-dyaran — Pinoy. Pati mga bumbay nga dito nagtatagalog. Tuwang tuwa ako [hindi dahil may bumbay na nagtatagalog ng baluktot] dahil nakabili nako sa wakas ng betsin, tuyo, at paborito kong bagoong. Akalain mo ‘yun, di ko na kailangang mag-puslit sa airport ng bagoong para lang makapagluto ng pinakbet dito.



Karamihan sa mga taga-Footscray ay mga egoy na refugees, Vietnamese, saka Pinoy. Syempre di mawawala ang mga bumbay na nasabi ko na sa naunang paragraph, third and fourth sentence. Madami talaga bumbay dito. Ang totoo, mas marami pa akong nakikitang bumbay dito sa Australia kesa mga Aussies. Ayon sa aking masusi at komprehensibong pagbibilang gamit ang mga daliri sa kamay at paa, nasa 80% ang bumbay, at ang 20% ay pinaghalu-halong lahi ng Australian, egoy, intsik, pinoy at ni etcetera. ‘Yung mga Australiano tuloy ang nagmumukang foreigner dito sa Australia at yung mga bumbay ang taga-Australia. Pwede na ngang palitan ng mga bumbay ang pangalan nitong bansa ng – Republic of India – Australia chapter.

Mutant ang mga gulay nila dito. Nagdadalawang isip nga akong lagyan ng talong yung pakbet ko dahil yung talong nila dito sinlaki ng titi ng kabayo. ‘Yung sibuyas sinlaki ng mansanas. At yung eggplant– hindi rin eggplant ang tawag nila kundi eggfruit na pag tin-ranslate mo sa tin sa tagalog ay betlog-prutas. At kung purong tagalog ka at bibili ka, kailangan mong sabihing, ‘Pabili nga po ng betlog prutas, isang kilo’. ‘Yung kalabasa naman nila ay yung ginagawang panakot sa mga bata tuwing Halloween Pumpkin festival. [Gawa gawa ko lang ‘yang festival na yan, di ko talaga alam ang tawag nila sa kalabasa festival nila]. Pero talo nito ang Nepa Q-mart natin dahil meron silang tinitindang balimbing dito, samantalang sa Nepa Q-mart, wala. Kung gusto mo makakita ng balimbing sa Pinas, andun marami sa kongreso.

Syempre kakukwento ko sa inyo, tapos nako magluto. Pag-usapan na lang natin ‘yung hypothetical question na: Ikaw, anong pagkain ang siguradong mami-miss mo kung a.] mangibang bansa ka, b.] nilamon ka ng black hole, o c.] sumakay ka ng time machine at ‘yung pinuntahan mong panahon walang Jollibee at McDo? [No copying. Exam starts now].

*Pityur 1.] Ang ingredients ng pinakbet na walang okra, sigarilyas at patani. Piktyur 2.] Si Masterchef Badoodles. Piktyur 3.] Pinakbet ala Pwede Na.

Advertisements

Mga Tugon

Information

43 responses

23 05 2010
kotsengkuba

ilalandi ko nalang sa’yo ang nagmumurang-kamatis kong food blog.

23 05 2010
badoodles

gising ka pa parekoy. lalo tuloy akong tinakam. sarap ng ampalaya guisado. *lunok laway. makapaghalukaw nga ng makakain sa ref.

23 05 2010
kotsengkuba

oo, gising pa ko at nagmamainit ng ulo. hehehe

nung nasa china ako, ang talagang miss na miss ko e yung cane vinegar dahil hindi ako makapag-adobo nun pano ba naman puro rice vinegar ang nasa groceries. nung una ko pang matikman yun e gusto kong masuka at masamid at magpatiwakal (oc lang yung huli) kaya naman nung unang uwi ko ng pinas e nagdala na talaga ko ng sukang puti.

pero ngayong wala na ko sa hopia wonderland, miss na miss ko naman ang rice vinegar. parang sira-ulo lang no 😉

tsaka kalamansi pala. walang kalamansi sa china kundi lemon na sobrang asim para sa bistek tagalog.

23 05 2010
ulan

dinuguan. bawal ang pagbenta ng dugo ng baboy dito sa singapore kaya walang dinuguan dito.

23 05 2010
badoodles

@ulan pinakamasarap na dinuguan na natikman ko ay yung sa nueva ecija at bulacan. nilalagyan nila ng murang dahon ng sampalok. sarrrap!

23 05 2010
ulan

badoodles, na feature na ba ang pinoy cuisine sa food safari dyan sa australia?

23 05 2010
badoodles

@ulan wala pa akong napapanood. hindi common knowledge ang pinoy cuisine dito tulad ng mga thai, indian, italian, japanese, korean saka chinese cuisine. yung mga kaopismeyt kong nanggaling na sa pinas pag tinanong ko kung ano na natikman nilang pinoy cuisine, sagot nila adobo saka jollibee

23 05 2010
badoodles

@kotseng kuba dito kulang ng asim yung suka nila. nagamit mo na ba yung apple cider? para san yun?

24 05 2010
toni

kuya maari mo gamitin ung apple cider vinegar pamalit sa suka esp. sa adobo, mapa isda, gulay o karne.
kung gusto mo naman mas mababa acidity hanap ka ng red wine vinegar.
ung heinz white vinegar mas matapang sa ibang brand.

24 05 2010
kotsengkuba

toni, di ba di masyado maasim yun at mejo may katamisan?

25 05 2010
toni

mga kuyas apple cider has a slightly milder and sweeter taste while white vinegar is more acidic and straightforward.

24 05 2010
antuken

tinitingnan ko yung 3rd picture. tama nga bang broccoli yung isang gulay dun? may broccoli na pala ang pakbet? hehehe.

i’ll always miss sinigang na baboy, plus yaya’s adobong tagalog. 2 of my faves.

24 05 2010
badoodles

chona hahaha. wala akong pamalit sa okra kaya broccoli na lang. magkasing kulay din naman.

gusto ko sa sinigang na baboy yung pressurized yung taba. sa sobrang lambot parang eminem, melts in your mouth. nakakagutom naman tong usapang to!

24 05 2010
chingoy

ako, yung sinaing sa asin na tulingan na may taba sa ilalim, pinakuluan nang matagal para maging malambot even ang tinik… then ipiprito at iuulam kasama ng garlic rice served with batangas cofi… huwaw!

yan ang ma-mimiss ko! 🙂

24 05 2010
badoodles

chinggoy di ko pa natitikman yan pre. san merong resto o carinderia na nagtitinda ng ganyan? yung di na pupunta ng batangas.

24 05 2010
muntingtinig

:)) :)) aylabyu na talaga kuya badoods. nag uupdate ka na ng madalas. hahaha >:)
wawa naman pala ikaw diyan, malayo sa iyong iniirog. 😐 wokei lang yan. hahaha. hindi ako kumakain ng pakbet eh, di ko type lasa. adobo na lang siguro na maalat 😛

24 05 2010
badoodles

muntingtinig oo pantanggal lungkot. coping mechanism ko na to buti na lang may blog.

24 05 2010
Ako

salamat kay Mama Sita, kahit paano nakakapagluto naman ako ng ganito. 😀

24 05 2010
badoodles

ikaw kilala ko si mama sita, asawa ni papa ketsup na anak ni mang tomas.

24 05 2010
toni

meron din mga bagoong isda tinda dito kaso di kami nagamit dahil minsan bumili nanay ko nadugyutan sa itsura na halos 3/4 eh tila harina o anuman ung hinalo at ung kulay ng isda na dapat brown ay itim.
hanggang ngaun pag nadadako me sa store naghahanap ng fish powder na maari pamalit sa bagoong.

nga pala kuya check mo mga frozen sections at makakakita ka ng frozen okra, saluyot(jute leaves) at iba pa.

24 05 2010
badoodles

toni wala pakong nakikitang frozen okra saka saluyot. hanggang sayote pa lang nakikita ko. kasing bihira yan ng ngipin ng manok.

24 05 2010
Roland

Sir mukhang sinisipag ka mag update ah..maganda iyan hehehe. Sana sa susunod magturo ka naman kung paano bang maglaba, tapos good housekeeping, carpentry, masonry, candle & perfume making parang kabuhayang swak na swak lang LOL. G’day Mate!

24 05 2010
badoodles

roland haha. mukang eto na nga lang aatupagin ko pantanggal homesik.

24 05 2010
gasti

gusto ko mamili kung alin ang pinakanamimiss ko pero kasi paborito ko lahat ng pinoy foods eh depende sa mood.

kung mamili ako ng isa siguro yung adobong atay w/ balumbalunan saka bulalo naman kung may sabaw lalo na yung madami bone marrow saraaaap! titiisin ko na lang sakit ng arthritis. haha!

24 05 2010
badoodles

gasti juskupo! rayuma alert yang gusto mo. haha. pero gusto ko rin nyang adobong atay.

24 05 2010
jojitah

kung magkakalakas-loob ang black hole na lamunin ako ang mamimiss kong pag-kain ay ang dyandyanran!!!! SINIGANG. yung nagmumura sa asim na sinigang.

e magaling ka pala magluto, hawahan mo naman ako para macho din ang dating ko. hahahaha!

24 05 2010
badoodles

joji walang problema. at pag naging kapitbahay kita sumigaw ka lang ng ‘badoods enge ulam’.

24 05 2010
Maldito

di nga? maruno ka talagang magluto o pakulo mo lang to? we?hahaha..

yung mamimiss ko siguro eh yung alimango na may gata tapos yung shrimp na nilagyan ng pepsi….tapos yung siningang…….shit.namimiss ko na nanay ko.ahahhaha…

broccoli sa pakbet? lols

24 05 2010
badoodles

maldito ano sabi mo? siningahang shit? hehe.

wag kang maingay. kunyari okra yang broccolli na yan.

24 05 2010
badoodles

hi toni. thanks sa info. nakita ko na yung apple cider sa grocery muka ngang suka pero nagdadalawang isip akong bilhin kasi baka di naman din suka. sayang ang 5 dollars. mahal na din yun pag kinonvert satin sa pinas. try ko minsan bumili. thanks ulit. 😀

25 05 2010
toni

kuya andon sa taas ung tugon sa kaibhan ng apple cider at white vinegar.

madalas magkakasama mga frozen veggies at kung me time ka galugarin mo section na yan at pag di ka pa nakakita harangin mo mga mamimiling pinoy at baka meron sa kanila nakakaalam. pag swerte ka me makikita ka pa ginadgad na buko, kamoteng kahoy at saba..frozen din.

25 05 2010
Jepoy

Sir bentang benta sakin mga hirit mo, idol!

Bili ka ng eggfruit tapos mag luto ka ng puke-puke tignan natin kung gigantic na pukepuke din ‘yung lalabas. Kaso nga lang wala atang alamang panggasinan dyan.

Sabihin mo papa courier natin yan… LOL

25 05 2010
ulan

walang okra? sa asian grocery baka meron.

25 05 2010
paps

okay ka lang may broccoli ang pinakbet mo?

sagot ko sa

a. ngayong dito ako sa amerika miss ko ang kare kare – medyo walang dila dito eh.

b. mas mamimiss ko ang pagtitikol kesa sa pagkain

c. n/a

25 05 2010
apollo

namiss ko ang sinigang at sisig ng pinas. kaya pagbalik ko dito yun agad hinanap ko. hehe!
welcome back bossing!

25 05 2010
a.r.d.y.e.y.

unang-una, maraming maraming salamat sa pagkaka-feature sa humor blogger of the month mo. kung hindi ko pa nakita ang picture ko sa gilid, nalimutan ko na ang blog ko. hehehe. di ko alam kung wala ka na siguro talagang mapili kaya ako napadpad diyan, pero salamat. hehehe.

kahit saan ka magpunta hindi mawawalan ng bumbay siguro. kahit magpunta ka sa mars, malamang may bumbay nang naninirahan doon. ganon sila kadami. pero hahanga na rin naman sa pinoy na napakaliit na bansa pero nakikipagsabayan sa mga itik.

ok din ang pag-o-ofw sayo parekoy, sumisipag ka ulit magblog. pamatay homesick. hehehe. cheers!

26 05 2010
neil

“Mutant ang mga gulay nila dito. Nagdadalawang isip nga akong lagyan ng talong yung pakbet ko dahil yung talong nila dito sinlaki ng titi ng kabayo.”

😀

27 05 2010
lio loco

nakangbetlogprutas talaga! nagbalik-loob ka na pala sa blogging idol! nahuli na talaga ko sa balita..at mukang mapapalaban ka pa ata sa aussie accent mo diyan.

meron daw nude beach jan. punumpuno ng…ahm…nude aussies? hehe.

pag nagpunta ‘ko sa bayan ni pareng harry potter para run magtrabaho (pangarap ko talagang makita si jk rowling nang personal. hehe), malamang sa malamang mainit-init at maanghang-anghang na tinolang manok ang mamimiss ko.

all the best sa panibagong pakikibaka jan master badoodles! pakikumusta na lang ako kay pareng heath ledger, sumalangit nawa ang betlogs niya.

28 05 2010
shelley27

hi there mate! =) naks aussie ka na badoods! lumelevel-up! hahaha how long ang stay mo down under? lalo tuloy madaming adventures ang maisusulat mo sa blog mo na aabangan ko..hehehe tagal ko na gusto pumunta dyan sa aus eh..sana makarating din ako dyan…=) ako naman eh sa US naman ang flyaway ko this weekend..for training ng 3mos..kaya for sure madami daming pagkaing pinoy ang mamimiss ko..at maghahanap ako panigurado dun ng mga malulutong pinoy foodie..=)

30 05 2010
dipolog scammer

finally the barbero now is cooking…

30 05 2010
bernardumali

wow badoodles. ure back!!!

31 05 2010
goyo

haha. singlaki ng tite ng kabayo ang talong dyan?! hehe. LOLS.

30 09 2011
Jhinoticz

Sa sarap ng pakbet mo di ko tuloy maisip ang paborito kong pagkaing pinoy.
Naaalala ,ko pa nung nsa pinas ako pag araw ng biyernes maglulto ang nanay ko ng ginisang munggo at pritong dalagang bukid lagi nyang sinasabi na mga anak kamain kayo ng mabuti ng munggo ko mainam yan pangpatino ng di na kayo mapasok sa mental para lng kumain ng munggo at tumino yn kasi ang laging pagkain s mental mura na at tipid pa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: