Land of the Sheepshaggers

1 06 2010

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.

Advertisements

Mga Tugon

Information

48 responses

2 06 2010
Roland

Hano ba iyan parang ako na naman yata ang nauna LOL. Ako lang yata ang gising hahaha. Asus Sir kahit dito may tumatawag sa mga pinoy na donkey! grabe noh!? naiisip tuloy namin sa opis kung donkey tayo ano na lang sila? garapata ng donkey? Basta cool ka lang tawanan lang ang mga iyan. Mapuputi lang ang mga iyan pero subukan mong amuyin, mga amoy singit. Ingatz Sir!!!

2 06 2010
badoodles

putsa pre ambilis mong magcomment. ano to, nagrerefresh page ka lang sa kwentongbarbero every 5 minutes? may award ka na sakin. ang ‘natutulog ka din ba?’ award. haha.

2 06 2010
Roland

Bwahaha natutulog naman po Sir kahit 30 minutes a day! May award talaga?! LOL

2 06 2010
Jepoy

Ang liit naman ng tabo, parang masaya parin yung may handle para felt na felt habang nag hugas ng wetpaks at ng betlogs! Bwahihihihi

Favorite part ko ito:

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Asteeeeeeeg! LOL

2 06 2010
badoodles

@jepoy pwede na din yan panghugas. kesa tumuwad ako sa tapat ng gripo.

2 06 2010
Maldito

usually ang mahilig mag insulto ay yung mga taong wala namang talagang alam..nagmamarunong. weeh!

hahahaa..improvised tabo. masanay ka na kasi. Ilang years ka ba diyan? eh baka may kapitbahay kang pino baka pwde naman humiram.hehhee.

2 06 2010
badoodles

@maldito sa susunod pag pupunta ako sa ibang lugar, una sa listahan ko, tabo tabo tabo.

2 06 2010
Winkii

Kuya Badoodles! Wala ka pa ring kupas! Nakakatawa ka pa rin! Ano kayang mukha mo? Nakakatawa rin kya? Joke lang!! 😀 Nawala na ako at bumalik sa mundo ng blogging, wala ka paring pinagbago. Pinapatawa mo pa rin kami. Hehehehe. God bless jan sa Ausie! 😀

2 06 2010
badoodles

oo

2 06 2010
The Gasoline Dude

Mababa nga ang crime rate, pero ‘di ba grabe ang discrimination diyan sa Australia?

2 06 2010
badoodles

@gasdude sabi ng mga aussie na taga-melbourne may pagka-racist sa sydney pero di gaanong obvious. di pa ako nagagawi dun. saka chillax lang mga tao dito.

2 06 2010
paps

yung pinag inuman ko lang din ng sopdrinks ang ginagawa kong tabo dine.

2 06 2010
badoodles

@paps sakto pag naubos ko yung 2 liters na apol juice. hatiin ko yung plastik na lalagyan sa gitna.

2 06 2010
jojitah

andami ko ng narinig na mga nag-abroad na ang unang nireklamo ang kawalan ng tabo. kaya pag umalis din ako papuntang timbuktu tabo ang una kong ilalagay sa maleta ko mga tatlong tabo, para may spare. :))

2 06 2010
FerBert

Ingat ka bossing baka matulad ka dito

http://www.townsvillebulletin.com.au/article/2009/01/27/35221_hpnews.html

sana di ako mahuli ng akismet. baka pagkamalan ulit akong spammer.hohoho

2 06 2010
FerBert

ayun safe! di ako nahuli. PAPAPARTY!

2 06 2010
gasti

di talaga nawawala yang mga racist na yan. pero di sila uubra sayo kasi pumapatol ka eh..haha! nice one pre! ang hirap lang kasi sa pinas puro corrupt yung mga govt official kaya hindi na tayo umaenso..pinagmamamalaki na nila yung 2.5% growth every year. usad pagong lang.

5 06 2010
badoodles

@gasti pre buti may bagong post ka din. ire-repost ko sana to sa blog mo kung di ka mag-update.

2 06 2010
DEL

Pag bumibiyahe si unggoy, este jinggoy estrada, halukayin mo ang kanyang maleta, sigurado may dalang tabo yun, hahaha.

5 06 2010
badoodles

@del bakit ko naman hahalukayin maleta nya. tawagin pa kong klepto nun.

2 06 2010
lio loco

astig! iba ka talaga idol! masarap magbasa ng mga ganitong klaseng post na hindi nagpapa-argabyado sa racist comments ng mga pukenginang porenjer lalo na pag inaapak-apakan na pagkakakilanlan mo.

meron atang napabalita diyan ser na noyping nawalan ng trabaho kasi gumamit daw ng tabo. napaka-unhygienic daw kasi ng paggamit ng tabo. tae nila. eh mas unhygienic nga ‘yung pupunasan mo lang ng tissue ‘yung naiwang jebs sa pwet mo.

5 06 2010
badoodles

@lio loco wassup bro. oo nga nabalitaan ko din.

2 06 2010
mindsturbator

ilang beses ko na narinig yang tabo na yan na hinahanap ng mga nag aabroad.

Pag inaapi ka ulit ng mga aussie na yan, paluin mo ng tabo (kapag nakahanap ka na). tapos sabihin mo na sa kultura natin sign un ng respect. (pag hihiramin ung tabo mo, wag mo ibigay, sabihin mo hanap xa sarili nya.) =P

5 06 2010
badoodles

@mind di naman ako magpapa-discriminate dito. ako ang mandidiscriminate ng mga aussies.

2 06 2010
goyo

pwahaha! astig talaga tong si Sir. lakas mambara.

mukhang galing pa atang McDo yung tabo nyong gamit ah. hehe. 🙂

5 06 2010
badoodles

@goyo nakareserba yung galing sa McDo. spare ko yun. gagamitin ko pag nasira na to.

3 06 2010
a.r.d.y.e.y.

“Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.” – totoo. at kung manlibre man si mayor sa pagpapagamot, malamang may camera at magpapapicture kasama ang dambulang cheke. galante naman sila manlibre kapag eleksiyon.

5 06 2010
badoodles

@a.r.d.y.e.y sinabi mo pre. di pa pumipirma yung huling bulate, nakaantay na yung libreng ataul saka tent.

3 06 2010
karen

gusto ko rin naman sa mga pinoy e madidiskarte. kung gusto may paraan. tulad ng tabo mo. sana binili mo yan sa mcdo, kasi na-iimagine kong napulot mo yan sa dumpster nila..

5 06 2010
badoodles

@karen madiskarte ako pero di ako dugyot.

3 06 2010
maccallister

wow nasa land down under siya! ayos yan maganda pala mamuhay jan, ok na yan life jan…

5 06 2010
badoodles

@mac wow din

3 06 2010
antuken

nung nagpunta kami ng bora nung mayo lang din, wala ring tabo sa place na tinitigilan namin. alam mo kung ano’ng binigay ko kay hubby ng maghanap ng tabo? yung isang kaserola sa kusina. yung maliit lang, pwede mong lutuan ng maggi or lucky me pansit canton tapos mejo mahaba yung handle. yun, parang tabo na yun. i think that’s better than the one you’re using now. hahaha.

masarap din kasama sa inuman mga aussies. mahilig manlibre. or yung former boss ko lang yun? hehe.

5 06 2010
badoodles

@mareng chona sinabi mo, talagang galante sila manlibre. iniisip ko nga baka aussie din ako sa past life ko. hahaha.

3 06 2010
gabo

Iba talaga banat mo badoods..kakaalis ng stress..hehehe..

5 06 2010
badoodles

@gabo ayos!

3 06 2010
p0kw4ng

kakambal ko din ang tabo kahit sa pag ihi lang…( opo don ako umiihi) hihihi…nasubukan ko na ang lalagyan ng yogi..baso ng mcdo..measuring cup na plastic..kaserolang maliit..baso na bubog…pero ang pinaka nagustuhan ko at binabalik balikan ko eh ang malaking plastic na bote ng tubig o juice na hinati sa gitna…ang daming nailalaman,hihihi

napadaan lang po galing sa bahay ni gasul! nakigamit na din ng tabo nyo!

5 06 2010
badoodles

@pokw4ng basong bubog? hindi ba kakalat iihi mo dun?

thanks gasul may bago ka palang recruit.

4 06 2010
neil

nice info/trivia. 🙂

5 06 2010
badoodles

@neil yup

4 06 2010
rovel

hahahaha, pinasaya mo po ako ngayong araw na ito…sulit….

5 06 2010
badoodles

@rovel salamat.

5 06 2010
Dorm Boy

Nagustuhan ko ang mga nasusulat mo lately kasi ung kaibigan ko nanjan na sa Australia. Marami rin syang good reviews about sa place nya. And i am planning to go there. Pero di pa ngayon, dapat imamaster ko pa ang paggamit ng tabo na wlang handle hahaha!

Or magdadala ako ng swish knife na me tabong ksama!

5 06 2010
badoodles

@dorm lagyan mo na din ng universal adaptor yung swiss knife mo. iba saksakan nila ng appliances dito.

8 06 2010
IKAY

iba nga tlaga kapag tabo ang gamit.
khit din ako may alternative na tabong ginagamit sa banyo.
at kung bakit ba mukang sa atin lng sa pinas uso ang tabo..hehehe!

9 06 2010
taroogs

wehehehe… love the title of this post, kapatid 🙂

22 10 2010
Noypi

Wala palang tabo jan… Mineral water bottle nalang din… Ingat lang baka matanggal ka sa trabaho… 😀

1 12 2010
Marvie

Gosh… Naalala ko tuloy nung una kong labas sa Pinas, nagbakasyon kami sa Bangkok nun. Nung minsang naglalabas ako ng sama ng loob, nakita ko bakit walang tabo, screamed pa ko asan ang tabo!

Same with yours, ganyan din ang tabo ko nun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: