My Princess DH

5 06 2010

Ate,

Huli tayong nagkita nu’ng hinatid kita. Galing ka ng abroad, nagpasundo ka sakin sa NAIA tapos diretso na sa bus terminal pauwi ng probinsiya natin. Kumaway ka na lang sa bintana ng bus, nagpapasalamat sa paghatid ko sa ‘yo. Pero di mo alam kung meron mang dapat magpasalamat sa ‘tin, ako ‘yun. Salamat dahil naging kapatid kita.

Salamat sa pag-intindi mo sa ‘kin. Alam ko wala kang choice dahil magkasunod tayo sa magkakapatid. Nung bata pa ako, ‘pag nagpapabasa ako sa ‘yo ng Funny komiks bago matulog, ginagawa mo naman kahit asar ka. Sinasadya mong bilisan magbasa wala tuloy akong maintindihan tapos sasabihin mo ‘Namatay ‘yung bida. The end. Matulog ka na’. Nung elementary na ko pinapaliguan mo pa din ako. Pagkatapos mo akong paliguan, binubuhusan mo ako ng sandamakmak na pulbos. Kaya pagpasok ko sa school para akong naglalakad na espasol. Grade one ako nun, grade six ka. Tapos kahati mo pa ako sa baon. Minsan sabi mo nilulon mo ‘yung babol gam na Bazooka, wala na ubos na. Di mo ko hinatian. Kala mo malalamangan mo ko. Sinabi ko hihiwain ko ‘yung tyan mo kung talagang andun ‘yung babol gam. Tinawanan mo lang ako. Bitch ka din.

Pero nakakaganti naman ako sa ‘yo. Minsan binato kita ng basketball sa mukha habang nakapa-FHM pose ka sa higaan mo. Ang arte mo kasi. Kung ginawa ko ‘ yun sa ibang kapatid natin baka napalo na ako. Pero wala, umiyak ka lang. Na-guilty tuloy ako. Gusto kitang bigyan ng babol gam pang-peace offering.

Pero kahit ganun tayo aso’t pusa, sa ‘yo lang ako nakikinig. Nung lumaki na ako tumigas na ulo ko, may sungay pang kasama. Andyan ‘yung nanggugulo ako sa bahay. Si ate Let sumasakit na ulo sa kin, tumatawag na ng pulis. Pero andyan ka pa rin para makinig sa ‘kin kung ano bang problema. Ang puno’t dulo lang pala ng lahat di nyo ko tinirhan ng ulam. Paminsan-minsan nangongonsensya ka. Sabi ko kasi paglaki ko poprotektahan ko kayo. Ako ang maaasahan niyo. Pero wala, promise lang ako ng promise di ko naman magawa. Isa lang akong higanteng promissory note. Sori.

Nung lumaki na tayong lahat, nagkanya-kanyang buhay na. Si kuya, napikot. Si ate Let nag-aral sumayaw para maging japayuki. Ikaw naman pagka-graduate ng college, nagmadaling mag-asawa na para namang magsasara yan ‘pag di nakapag-antay.

Pero ganun naman ang buhay parang seks. Minsan asa taas, minsan nasa baba. Ngayon si kuya malapit na maging abugado. Si ate Let buti na lang parehong kaliwa ang paa kaya hindi natanggap mag-japayuki. Nag-negosyo ng tsinelas at nasa Tsina na ngayon. Ikaw naman nagtatrabaho sa Singapore bilang DH tapos ako nasa Australia bilang software engineer. Masakit lang isipin na inuutus-utusan ka lang dyan ng mga tsekwa at kinakalabog ng madaling araw para magtimpla ng tsaa. Kasi sa bahay di ka namin inuutusan, apol of the eye ka naming lahat. Ikaw ang ideal na kapatid. ‘Pag sinapak, iiyak lang. Hindi ka marunong gumanti. Ngayon ine-eczema ka na sa kamay kakalinis dyan. Nabalitaan pa namin nabangga ka ng kotse dyan habang nagbibisikleta. Wala man lang tumulong sa ‘yo kaya ikaw na lang mismo nagdala sa sarili mo sa ospital na duguan. Umiiyak ka.

Andami mo nang nami-miss na okasyon sa pamilya. Wala ka nung pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi araw ng tuli, araw ng kasal ko. Nasa Singapore ka pa rin naglilinis ng kubeta. Mas masaya sana kung andito ka at kumpleto tayo. Gusto ko sanang makita kung gano ka ka-proud sa kin kasi big boy na ko. O kung hindi naman, darating ka sa simbahan saka sisigaw ng ‘Itigil ang kasal! Supot pa yan.’. Wala ka, pinagpalit mo ko sa isang toilet bowl.

Sa reception, ‘pag dance with the groom na, ikaw sana ang isasayaw ko pagkatapos ng Bebeko. Baka kasi ‘pag si Mommy ang sinayaw ko mag-request ‘yun ng paborito niyang ‘Chiquitita’ saka ‘Unchained Melody’. Epic fail.

Nung nakaraang taon, pinaaga ko pa ‘yung first birthday ni baby para maka-attend ka. Pabalik ka na ulit sa Singapore sa susunod na araw. Sa konting panahon man lang, makasama ka namin. Masaya na kami dun.

Lapit na birthday mo TeDonz. Pag importanteng okasyon ng buhay ko lagi akong may card galing sa ‘yo. Pero kelan ba ‘yung panahong ikaw naman ang binigyan ko ng card? Wala. Eto na lang sulat. Malamang sa malamang magseselebrayt ka kasama mga kapwa mo DH dyan sa tambayan ng Pinoy sa Orchard Road at ikaw ang kanilang prinsesa na bumabangka sa usapan. Pibertdey sa ‘yo. Ingat ka lagi dyan.

Advertisements

Mga Tugon

Information

47 responses

5 06 2010
FerBert

bigla kong namiss ang dalawang ate ko 😦 kasalanan mo ito. lol

Happy Birthday sa Ate mo Bossing!

saka brohug na din for you pangontra emo 😀

5 06 2010
badoodles

@fb haha tignan mo nga naman. kasalukuyan akong nagbabasa ng archives mo. tinatamad lumabas ng bahay. hulaan mo kung anong post mo tong binabasa ko.

“sorry nakatulog ako”.

hahaha.

5 06 2010
FerBert

HAHAHA!

tanginang yan.

*beer para sa ating dalawa*

5 06 2010
paps

pibertday teDonz. ingatan po ang pagkuskos ng toilet bowl.

–em sure e matatats ang ate mo niyan,dinaig ng sulat na yan ang mga cards na binigay nya sa iyo. at saka ang dating mukhang espasol e sikat na blogger na ngayon. mabuti naman at birtday niya , nung mga nakaraang araw kase sa blog mo e palaging may hindi maganda kaya ka nag susulat ng para sa kanila. . . iiyak na sana ako e

pero apibertday na lang te pababoy naman kayo diyan

5 06 2010
badoodles

@paps dapat mabigyan ko sya ng isang seryosong pibertdey kard.

5 06 2010
paps

pa baboy = palitson

5 06 2010
badoodles

@paps baboy ka talaga

5 06 2010
The Gasoline Dude

Hahaha anong address ng ate mo at dadalawin ko! Baka nakaka-kiskisang siko pala kami sa Lucky Plaza ng hindi ko nalalaman. LOL

5 06 2010
badoodles

@gasdude baka. paki-regards mo na lang ako pards pag nakita mo ate ko.

5 06 2010
jepoy

Master badoodles para lang akong kinikiliti gamit ng balahibo ng maya sa betlogs habang binabasa ko ‘to. Bentang benta sa’kin ang mga hirit sa katunayan naibuga ko ang rice cake habang nag babasa, ang dumi tuloy ng laptop ko. Anyhow, Happy Birthday sa ate mo! Padalahan mo nalang sya ng maraming bazooka para ma tats sya ng beri beri nice.

Kthanxbye!

5 06 2010
badoodles

@jepoy ano ka ba bawal tumawa emo post to. hehehe.

rice cake? ahh.. puto.

5 06 2010
Roland

Bakit may ganyan-ganyan pa kasi Sir parang nakadagdag lang sa homesickness namin yang post mo. Imagine na miss ko bigla ang mga kapatid kong nagkalat kung saan-saang sulok ng earth. Naalala ko tuloy yung inutang na pera sa akin ng bunso namin sa Canada last year ng mag reunion kaming magkakapatid hahahaha. Nyeta muntik ko ng makalimutan. Tingan mo nga naman iyan! Wala kang kupas sir!

5 06 2010
badoodles

@roland sakto lang yan pre para pareho-pareho tayong ma-homesick. hindi pwedeng ako lang. 😛

5 06 2010
adaytodaylife

im so touch naman letter mo , as in umiyak ako. thanks for the post and hapi birthday sa ate mo, god bless

8 06 2010
badoodles

@adaytodaylife thanks.

5 06 2010
karen

naalala ko rin ung ate kong single mom na nagppispis ng toilet ng barko. pero bongga naman sya pag nandito sya sa pinas. minsan nga daw sa sobrang asar nya sa guest nya, inilublob daw nya ung toothbrush sa inidoro!

mabuhay ang mga OFW!

8 06 2010
badoodles

@karen yaiks.

6 06 2010
jojitah

madaling maging ate, mahirap magpaka-ate. yun lang, bow.

pibertdey kay ate mo. ramdam na ramdam ko hanggang dito sa bundok ang pagkamiss mo sa kanya.

8 06 2010
badoodles

@jojitah for a change. parang jojitah.com lang. minsan emo, minsan lafftrip.

4 08 2010
Rey Pinyoko

hehehehe, parang madali lang sa mga lalaki sa pinas ang magpaka-ate eh…marami akong kaklase nung highschool na mga idol si robin padilla kamuka’t-mukat ko nung bumalik ako sumunod lahat kay rustom mga nagpaka ate na ang mga hitad….

6 06 2010
Winkii

Haberday sa ate mo. Kung nasaan man siya o anong ginagawa niya. Ay em sure matutuwa siya kapag nabasa niya ang promisory note este love letter mo sa kanya. 😀

8 06 2010
badoodles

@winkii 😀

6 06 2010
lio loco

sarap siguro pakiramdam pag may ate ka. di ko naranasang gawing living espasol o di kaya eh mambato ng bola sa ateng nagpapaka-FHM model. kaso ala eh, naging panganay ako at maagang naging panalong tinapay pa.

pibertdei sa teDonz mo idol. sana sa bertdei niya siya naman pagsilbihan ng tsekwang amo niya maski na isang araw lang na pag-iis-is ng kubeta.

8 06 2010
badoodles

@lio loco musta na work?

7 06 2010
Dorm Boy

Happy B-day sa ate mo! Ako rin me ate kaso parang kaming asot pusa. Lagi rin kaming nag-aaway lalo n nung bata pa ako. Madalas namin pag-awayan ang remote control ng tv. Gusto nya TGIS gusto ko G-mik! hehehe!

8 06 2010
badoodles

pinag-aawayan namin? gusto ko shaider gusto nya ana luna. hahaha. walang remote non kaya de pihit lang ng channel.

7 06 2010
antuken

happy birthday kay ate mo. sweet mo naman. 🙂

8 06 2010
badoodles

@antuken masipag magcomment. tamad mag blog. hehe.

7 06 2010
p0kw4ng

hapi bertdey tedonz ni badoodles!

nakakaadik mag linis ng kubeta…nakakawalong taon na din ako at nagbibilang pa! hihihi…natats mo ako…tats mo pa ako ng maraming marami..dito…dito.. at dito pa,hihihi

salamat sa pagdaan sa bahay ko!

8 06 2010
badoodles

pokwang ayan isa pang tats!

8 06 2010
mindsturbator

waaahh… kakaemo naman. naalala ko tuloy na wala akong ate. wala ako kapatid.

8 06 2010
badoodles

@mindsturbator ayos.

8 06 2010
toni

sana mabasa naman to ng TeDonsz nyo.
pag pamilya usapan lahat makakaya para sa kanila.

13 06 2010
badoodles

@toni nabasa na nya. umiyak. haha.

8 06 2010
IKAY

I’am so over…oveer..over sa pagkalate…hmmmmp! akalain mong ngbalik ka na pla fafa badods at hindi ko nabalitaan…hehehe!

Happy Beerday kay ate mo manong badods! ^_^

13 06 2010
badoodles

@ikay bago bago lang ulit nakabalik. ano na blog mo?

10 06 2010
Sphere

Shaks na yan! naiyak ako ng bonggang bongga habang binabasa ko ang post mo nato huhuhu

13 06 2010
badoodles

@sphere hahaha.

12 06 2010
tsina

happy birthday sa ate mo. 🙂

13 06 2010
badoodles

@tsina 😀

13 06 2010
ulan

Belated happy birthday kay ate mo. Andito rin lang ako sa SG. Kung may problemang legal, sabihin lang sa akin.

13 06 2010
badoodles

@ulan thanks. appreciate it. tatandaan ko yang sinabi mo. hehe.

28 06 2010
Roi

Nakakatats naman! 🙂

31 05 2011
sheng

Ang nice naman ng sulat mo, hehe!

28 12 2011
Tedonz

Its almost 2 yrs ang sulat na ito, at paulit ulit ko pa rin binabasa. Minsan napapaiyak at naawa sa sarili at minsan natatawa, khit papaano may naibahagi ako na di mo mkakalimutan bro:) salamat sa mga greetings at sa mga fren ni badoodles na nsa SG sana mameet ko kau lalo na kay ULAN, i need ur legal advice:) salamat sa inyo-D

3 06 2013
judel

Nakaka.touch naman yang kwento na yan… muntik na kong maiyak, miss ko rin mga kapatid ko., konting tiis na lang mkakauwi narin sa pinas

8 12 2014
ron

…kahit pabiro mo lang sinasabi sa ate mong DH alm ko mahal na mahal mo sya! Hanga ako sayo!!! Dpt gnyan nman tlga ang magkakapatid. ..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: