Getting Physical

19 06 2010

Nagdududa na talaga ako na nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling imahe. Kung totoo ‘yun bakit si Jesus may abs, tapos ako wala? At kung totoo ang teoryang ‘yun e di mga taga-Fitness First lang ang tunay na anak ng Diyos. Pero syempre ayoko din sa teoryang nanggaling tayong lahat sa ebolusyon ng unggoy. Di naman ako mukang unggoy. Ebolusyon ng kambing, pwede pa. ‘Yung mga kapitbahay naming nagkukutuhan tuwing umaga, ‘yun ‘yung mga lahing unggoy.

Sa pagbabakasakaling tubuan ako ng abs, balik basketbol ako ngayon. Mahirap nga lang maghanap ng basketball court dito sa Melbourne, di katulad sa Pinas na bawat kanto meron. Ang paghahanap ng court dito ay parang paghahanap ng isdang marunong magbisikleta. Bakit ko nasabi? Gusto ko lang i-exaggerate. Napagod ako kakahanap.

Kakaiba maglaro ng basketbol ang mga kolehiyala dito. Mini skirt ang basketball uniform nila [tawag nila netball skirt] tapos panty panty lang sa loob na kulay itim. Ke maka-shoot o sablay, pagbagsak ng manlalaro mula sa ere, iisa lang ang reaksyon ng mga nanonood: ‘Ooooohhhhh!’… Isipin mo si Marilyn Monroe na nagdi-dribble ng bola. Ganun nga.

Nakahanap naman ako ng mga kalarong Pinoy. Mga second o third generation na kaya ‘yung iba di marunong managalog. Kaya pag sinasabi kong ‘Kupal pasa mo ‘yung bola’, ang sagot lang sakin, ‘I’m sorry can’t understand Tagalowg’. Tapos mga Aussie kalaban namin. Matatangkad ‘yung mga Aussie. Gusto ko ngang imbitahin sa Pilipinas, baka gusto nilang mag-apply bilang poste ng Meralco. O taga-hawak ng billboard sa Edsa. First quarter lamang kami. Second quarter lamang pa din. Second half, dumating na ‘yung mga resbak nila. Hanggang natapos ang laro. At dito na nagtatapos ‘yung kwento. Ayoko nang sabihin kung sinong nanalo, di naman daw importante ‘yun. [Tangina, bitter].

Natanong ako minsan nung opismeyt kong Aussie kung anong isports ang sikat sa Pinas. Sabi ko basketbol, basketbol at panghihipo sa dyip. Soccer naman saka rugby ang ‘national pasttime’ nila dito. Ayaw patalo, sabi ko madami ding nagra-rugby sa Pinas. Pakalat-kalat pa nga sa kalye.

World Cup fever ngayon dito. Kasama ang bansang Australia sa kumakampanya para makuha ang World Cup, ‘yun ‘yung may globo sa taas ng tropeo pero wala namang kasamang tasa. Sana di na tinawag na World Cup kung wala namang cup, World na lang. Aktwali, soccer ang numero unong isports sa mundo. Pero di ko nakikitang maging-number 1 din ang larong soccer sa Pinas [kahit naging midfielder pako sa soccer team sa dating opisina]. Mainipin ang Pinoy, mahilig tayo sa quickie. Eto pa naman ‘yung sports na isang oras nang naglalaro ang bawat koponan pero ang score pa din ay 1-0.


Bilang respeto naman sa bansang kumakanlong sakin pansamantala, kailangan ko ding ipakita na mahal ko ang mahal nila. Kaya pagkatapos matalo maglaro, naisipan kong magbarbekyu ng pinakaminamahal nilang hayop, ang kangaroo. Tsaka para pag-uwi ko ng Pinas at tinanong ako ng kapitbahay kong unggoy kung nakita ko na ba ‘yung kapatid kong kangaroo, pwede kong sagutin ng, ‘Nasa tinga ko, gusto mong makita?’. At isa pang malupet na hirit na ‘Kung utol ko ‘yung kangaroo, di utol ko rin tatay mo’. Rakenrol.

Question of the day: Anong palagi mong nilalaro nung bata ka? Mag-iwan ng pinaka-gago, henyo, o kahit na anong sagot sa comment box. Pero bawal sumagot ng ‘Titi ko’ dahil sagot ko na ‘yun.

Piktyur 1.] Kangaroo barbekyu ni Badoodles. Mas masarap syang ibarbekyu kesa panoorin sa zoo.

Advertisements

Mga Tugon

Information

47 responses

19 06 2010
paps

taguampung.

ano lasa ng kangaroo? taena wag mo ako sasagutin ng tikman kita para malaman ko lasa ng kangaroo…

basketball tayo paguwi mo. hinahamon kita.

19 06 2010
badoodles

@paps lasang kwekwek. kung ayaw mong maniwala, e di lasang kangaroo na lang.

sige basketbol tayo.

19 06 2010
NoBenta

ang galing ng post na ito. sarap ulit-ulitin. parang naglalaro lang ako ulit ng mga larong pambata noong kabataan ko!

sige na nga, hindi ko na isasagot ang paglalaro ng etits ko sa tanong mo for the day. i always play with my organ noong bata pa ako. pero kahit anong pagiging trying hard ang ginawa ko ay ‘di ako natutong tumugtog nito kaya gitara nalang.

rakenrol \m/

19 06 2010
badoodles

@nobenta di pa kita nai-a-add pre. wait a minute.

isa lang alam kong tugtugin sa gitara. when you say nothing at all lang yata…

19 06 2010
paps

taguang pung . . tagumpung. . . taguan pung. ano ba spelling nun? . . . taguan na nga lang. . parati ako nananalo sa taguan, pag nakakita kase ako ng dyip o tricycle o sidecar e sumasakay na ako habang nag bibilang siya ng… pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo isa.. dalawa.. tatlo .apat.. lima – . . sampu! game? game ? game? umabot na ng singkwenta yung bilang niya nag tatanong pa siya kung game na. . .pag di na nila ako nakita ayun kita kita na lang kinabukasan nakauwi na ako nun

19 06 2010
badoodles

@paps mali ka na naman boy. taguampung! yon may exclamation mark sa dulo.

19 06 2010
The Gasoline Dude

Langit-Lupa-Impiyerno-Im-Im-Impiyerno. (Whew! Ang haba ng taytol! LOL). Wala namang binatbat ang team Australia sa World Cup. Me match sila versus Ghana mamaya. GO GHANA! Hehe. 🙂

4 08 2011
meloi07

Langit-Lupa-Impiyerno-Im-Im-Imperness

like ko din to!dyoin ako.. :))

19 06 2010
badoodles

@gasul dami injury ng ghana. makakalusot ang australia dyan. kewell and cahill for the win!

19 06 2010
Roland

Natawa naman ako dun sa mahilig din ang pinoy mag rugby…kasi true hahaha.

Matagal tagal na rin ako dito sa bansa ng mga arabo pero hindi ko pa nasubukan kumain ng camel kasi pag nikikita ko sila naaalala ko si Barney hahaha besides mukhang never naman silang magiging tender/juicy kahit pakuluan ko ng matagal. Mas ok na sa akin ang panoorin na lang sila sa gilid ng disyerto habang dinidilaan yung fence.

Kaya sa pagkain mo ng kangaroo dapat lang na yakapin ka ng mga kangaroo este mga aussie dahil sa ginawa mo. Laro nung bata? ang alam ko mahilig lang ako makipaghabulan sa kalye noon 🙂

20 06 2010
badoodles

@roland haha. natawa sa mga camel na nandidila ng mga fence. kung tao pala yung mga bakod na yun para na din silang may libreng pomada.

19 06 2010
lio loco

dahil wala naman ang pilipinas sa world cup (wishful thinking; pang-169 daw tayo sa world rankings), i’m rooting for japan. proud to be asian!

sabi ng mga nagmamagaleng, mas okey daw ang soccer kesa basketball sa mga pinoy dahil walang kinalaman ang tangkad ng mga players. nasa ibaba ang bola at hindi nasa taas kaya mas malaki raw ang chances na mag-excel tayo sa sport na ‘to. pero tulad nga sabi mo ser, mainipin ang pinoy at mahilig sa quickie, kaya siguro mas nagkakagulo pa tayo kung boston o lakers ang mananalo sa nba kesa sa kung sinong koponan ang mag-uuwi ng world cup title. sabi nga nila, the whole world’s in world cup frenzy except rp.

samperwan muna. pag gusgusin na sa dami ng alikabok sa katawan at magdadapit-hapon na, tsaka naman mag-tataguan pung. tapos kwentong takutan na pag madilim na madilim na sa kalye. ang maunang umuwi sa bahay dahil sa takot, supot. lols!

20 06 2010
badoodles

@lio loco sayang talo japan sa netherlands. 70% of the time nasa netherlands ang possession ng bola. panoorin ko susunod na laban nila sa denmark.

sinusubukan nga din ipromote ang soccer sa mga kano pero di kinakagat. iba pa rin ang hatak ng basketbol.

ngayon ko lang napansin wala ka pala sa blogroll ko. shyet. ngayon ko lang napansin. na-add ko na.

19 06 2010
kyakototentimes

padaan po. 🙂

hopscotch. naks.. pasosyal pa ako. piko lang naman pala ang ibig. haha. hindi kasi ako natutuwa sa taguampung! lagi kasi akong nakikita. amps. batang mataba kasi. haha.

naalala ko tuloy yung kalaro namin na mas malimit na nauunang makita kesa sa akin kahit di sya mataba. kasi naman, pagsisigaw ng taya ng “GAME?”, sumasagot pa sya ng “GAME!”. aw. huli agad. haha. 🙂

20 06 2010
badoodles

@kya alang piko sa probinsya namin. pero ang counterpart nyan tinatawag nilang kingking dress, hugis hari na nakasuot ng saya. di ko alam kung bakit. baka bagong tuli.

19 06 2010
jepoy

habulang gahasa ang nilalaro namin, parati ako ang taya tapos hinahabol ko si Nene ‘yung anak ng kabitbahay namin na maputi ang legs bwahihihi

20 06 2010
badoodles

@jepoy buti pag nakikita mo yung mga nakalaro mo noon, di mo sinasabihang ‘ikaw yung hinabol ko at ginahasa noon di ba?’

19 06 2010
ulan

para sa last paragraph: HAHAHA!

syato was my game when i was a kid.

GO SAMBA KINGS!

20 06 2010
badoodles

@ulan haha. lapit na. samba kings vs ronaldo.

19 06 2010
paulateresa

napaisip tuloy ako. nung bata ako mahilig lang ako maglaro ng barbie, mag drawing at mag color ng coloring book 🙂

fifa na… england naman kami ng gf ko… so? walan lang

20 06 2010
badoodles

@paula parang wala sa condition england ngayon.

20 06 2010
antuken

nung bata pa kami either tumbang preso, jacksstone or taguan ang laro namin.
i used to play soccer too nung hs pa lang. kaso, puro peklat sa tuhod nakukuha ko. love cheering in soccer games too.

yung dati kong aussie boss, dapat ilang months lang dito, nagtagal kse naging coach sya ng parang soccer team ng mga kids. dun nag-enjoy kaya he stayed for 2 years ata.

masarp ba yung kangaroo meat?tastes like? (oo na, lasang kangaroo, hehe)

20 06 2010
badoodles

@mareng chona juicy na mabantot. kung may ganung lasa. kelangan mong paliguan ng spices para matanggal yung malakas na amoy.

20 06 2010
Maldito

hindi man ako nakapanood ng world cup dahil wala talaga kaming tv kahit sa imahinasyon lang pero Brazil talaga ako eversince. Sana nga pumasok din naman ang Pinas sa world cup kahit once lang…ahahhaha..

Noong bata? fave namin ang batuhan ng tsinelas…tapos taguan…noong ng hayskul at college na arcade games na..more on performing arts ako kaya ganun…

hehe….kinakain pala ang kangaroo…wondering kung ano ang lasa.

20 06 2010
badoodles

@maldito haha. itataya ko betlog ko pero di makakapasok pinas sa susunod na isandaang taon. ibang klase yung pagiging fanatic ng ibang bansa sa larong soccer, parang relihiyon.

20 06 2010
IKAY

piko…agawan base…patentero…luksong baka at kung ano ano pang larong kalye ang nilalaro ko nuong akoy musmus pa lamang…hehehe!
kinakain pla ang kangaroo jan??anong lasa?? (eh di syempre lasang kangaroo…hello itanong pa ba??)nyahaha..pero ano ba lasa ng kangaroo?? 😛

20 06 2010
badoodles

@ikay malambot saka juicy. kaya lang malakas amoy ng karne ng kangaroo kaya kelangan mo munang masanay sa amoy bago mo ma-appreciate yung lasa.

20 06 2010
FerBert

May pag-asa tayo sa rugby, isa tayo sa mga nangungunang team sa South East Asia at kamakailan natalo pa natin nag India.

Tapos sa soccer, tayo ang isa sa pinakaunang soccer team sa buong Asia noong 1913 (ata) itinayo. Nanalo pa nga tayo noon laban sa China at Japan pero noon pa yon ngayon pang 167 (ata) na lang tayo.

hindi ako sigurado sa impormasyon ko dahil nagmamarunong lang ako. HAHAHAHA

20 06 2010
badoodles

@efbee best bet na yung makapasok sa asian rugby finals. soccer? tingin ko malabo. una hindi professional sports satin ang rugby saka soccer. kung gusto mong maglaro gumastos ka. di tulad sa ibang bansa na kumikita talaga yung mga players saka maraming panatiko sa laro.

may napanood na din akong pinoy heritage team na rugby players dito sa aus. ayos din sila maglaro.

21 06 2010
gasti

lahat na yata ng laruang pangkalye eh nilaro ko pati yung tentwenty ska chineses garter pinatulan ko na. pero pinakagutso ko eh yung moro-moro kasi masarap makipaghabulan.

Brazil din ang gusto ko team dyan sa world cup kasi sila yung kinamulatan ko na laging nagchampion. saka surname nila laging may “do” or “no” sa dulo. hehe!

yung pic ng kagaraoo barbq mo parang di masarap kasi puro karne..wala ba yang taba? parang isang oras mo ngunguyain yan eh..hehe! bawi ka na lang next game sa mga Aussies na yan.

22 06 2010
badoodles

@gasti figure conscious ang mga kangaroo kaya low fat ang karne nila. lagi silang nag-a-aerobics.

21 06 2010
Dorm Boy

Tama ka buti pa si Jesus me abs. Pero siguro nga gaya ko napabayaan lang tayo sa kusina. hehehe! Dito rin sa amin, nagconduct kami ng basketball game every Thu nyt. Kuya Badoodles basket tau pag- uwi mo.

Miss mo!!!!

22 06 2010
badoodles

@dormboy san ba yan? taga-south ako eh.

22 06 2010
beero™

ang dami ko yatang namiss dito ah. hehe. di ko nalaman agad na bumalik ka na ulet eh.

heniways, mainam nga yan kuya badoods at may konting physical activity dyan. try mo din kaya magsoccer para pagbalik mo dito maturuan mo kami. hehe.

naku dami akong paboritonh laruin nung bata ako. da best ang tong its.

22 06 2010
badoodles

@beero musta bro. antagal mong naghiatus. soccer talaga sports ko kaso pagkatapos ng laro [san beda football field], di nako makalakad kaya kinakaladkad na ako ni misis sa kahabaan ng mendiola.

22 06 2010
ulan

hahaha. samba kings vs la mano de dios muna sa second round. tindi ng portugal though. nag bleed yung nokor. kawawa naman. spain naman, well…torres is playing. what more can i say?

22 06 2010
badoodles

@ulan honga. kawawa korea. ultimate humiliation nangyari. pano pa kaya kung pinas yun. sige tutal samba kings ka, portugal ako. what u say?

22 06 2010
aubu22

patintero! hehe, paepal lang >:)

23 06 2010
beero™

eto ayus lang kuya badoods. oo nga eh tagal kong naghiatus. halos sabay tayong naghiatus last year buti ka pa nakabalik na ulet. ako eto pasilip-silip lang muna. hehe.

gusto ko ding matry ang soccer eh. yun nga lang kasi parang nakakapagod talaga ang takbuhan. siguradong maaga akong aatakihin ng rayuma.

23 06 2010
ulan

call. hehehe.

23 06 2010
Yeyes

Siyato, kalog tansan, luksong tinik, bubbles from gumamela at ang pinakafavorite namin ng sister ko ay ang grape juice from bunga ng alokbati haha 😛

24 06 2010
ilocano

ang madalas kong laruin nung bata ako hanggang ngaun ay ung kulangot ko. nakakatanggal kasi ng stress!

25 06 2010
super balentong

gusto kong makakita ng kangaroo na pink, yung cute, yung may ribbon sa leeg at kulot ang buntot. . pero mukhang katakamtakam yang nasa pektyur. ohmm.. nom..nom..nom..

28 06 2010
Sphere

Napaisip ako kung yung kangaroo ay binabarbeque parang ok pa cguro lasa non…

buti na lang di pa naiisip ng mga arabo dito na gawin ding barbeque ang mga CAMEL na napakalat kalat ano kaya lasa non!

8 11 2010
hajay

basket ball laro ko at, pitbag pag alang magawa. pitikang bayag, soccer mahirap mag laro d2 mabaho kasi mga libyano pag pinawisan parang kinulob na itlog.

22 08 2012
emceeteeh

hi kuya badoodles, been reading your blog for almost a month. ang kulit mu sobra, tumatawa ako mag isa dito sa mesa ko.. napagkakamalan na tuloy akong lagi daw nanonoud ng movie.. hehehe..
ung mga post mu pa noon iniisa isa ko, at sa sipag kong magbasa updated na ako, at di ko na din mabilang ang mga kabag na inabot ko sa kakatawa sa kakulitan mu. supeeeeeeeer!

ask ko lang pala, mababait po bang ka work ang mga aussie? may plano din kasi akong mag work jan. dahil sa mga nababasa kong blog ng mga tulad mong ofw na nagta-trabaho sa australia ngaun, bigla akong nagka interes na mag apply din jan. mahirap po ba? hehehe.. sori ha, andaming tanong. xmpre po first time. meron din po kayang direct hiring jan?haay.. muka kasing maganda jan e, at jan ko napupusuan mag apply. thank you po.. sana sagutin nyo lahat. hehehe..

maraming maraming salamat po!!!!!
ingat kayo lage..

20 04 2014
undefined

jelhow poehw!!! jejeje… juxt w@nt&d 2 gReet.. &Upher khvlEt.u!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: