Culture Clash

4 07 2010

Kahit nasa ibang bansa ako, hangga’t maari nagluluto pa din ako ng nakasanayang almusal – longganisa, daing o kaya tuyo na may kamatis, samahan mo pa ng sinangag at ‘yung tinatawag ng lolo kong bulol na nekskape. Kaya pagpasok sa opisina, umaalingasaw ang pagka-Pinoy ko. Napapatingin ‘yung mga hindi sanay sa ganung amoy. At kung marunong lang managalog ang mga opismeyt ko, malamang bumubulong na mga ‘yun ng ‘Andito na si amoy longganisa’.

Pero mahirap din maghanap ng pagkaing Pinoy dito. Kelangan ko pang dumayo sa kabilang bayan. Saka ‘pag sinabing ‘Asian grocery’ ‘wag mong asahan kaagad na may produktong Pinoy, pagkain lang ni Jackie Chan ang meron dun. Sinubukan kong tumingin sa grocery ng mga negro baka sakaling merong produktong Pinoy, wala din. Uling lang nakita ko dun. Hehe.

Pag tanghali sa opisina, dahil ako lang ang Pinoy [technically, dahil ‘yung isa pinanganak sa Pinas pero bumbay], at ayaw kong kumaing mag-isa sa isang sulok, sumasama akong kumain sa mga bumbay. Pero ‘yung mga bumbay lang na sinasamahan ko yung mga hindi amoy kili-kili [at hindi hinuhusgahan ang pagiging amoy longganisa ko]. ‘Yung iba sa kanila vegetarian dahil Hindu ang relihiyon nila. Ako naman relihiyon ko Hindut. Tinanong nila ako kung vegetarian ba ako, sabi ko oo, ‘vegetarian with meat’. Tawanan. Kaya tawag sakin sa opisina ‘vegetarian with meat’.

Hindi ako sanay kumain ng Indian food. Ang pinaka-initiation ko lang sa pagkaing indian ay chicken curry saka curry-curry [hehe, pero walang biro, ang kare-kare ay dating curry-curry, isang orihinal na pagkaing bumbay]. Pag nasa Indian restoran na kami, hindi agad ako makaorder dahil ang hirap bigkasin ng mga pagkain nila. Tunog titulo ng mga porn DVD sa bansang Tsekoslovakia. Tse-.. Chekos-.. Ganun kahirap i-pronounce. Kaya ang ginagawa ko, nag-iini-mini-mayni-mo na lang ako, at kung saan matapat ang daliri ko ‘yun ang pananghalian ko. Kaya ang ending, laging sira ang tyan ko. Minsan, may natsambahan akong madaling bigkasin, Bowel of Sambar kaya inorder ko naman. Kaya naman pala Bowel of Sambar, dahil pagkatapos kong kainin, sunod sunod ang bowel ko. Langya ganun pa din, sira ang tyan.

Anlaki ng problema ko ano? Pagkain. Lagi kong sinasabi, ang pagkain ang repleksiyon ng isang bansa. Tangina, anlalim. Gusto ko lang naman sabihin, hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar tapos hindi makakatikim ng pagkaing Pinoy. Kahit pa sabihing kakaiba ang pagkaing Pinoy, ‘yun na ‘yung kinalakihan ko. May patis na ‘yung ulam, bubudburan pa ng asin. Maalat, isasawsaw pa sa bagoong. Sabi nga ng bayaw kong Intsik sa paborito kong ulam na pinakbet, ‘Bakit kanyan pak-kain nyo maalat, palang pak-kain ng aso’, na sinasagot ko ng ‘Hoy supot, syatap!.

Kung makikipag-negotiate si Papa God sakin na dadagdagan niya ng ng limang taon ang buhay ko kung babawasan ko ng alat ang kinakain ko, sasabihin kong ‘Wag na lang po’. At least pag nadedo ako hindi ako mukhang matanda, dahil bata palang dedo na. Saka ‘yung pagkain ko ng maalat, malay mo mangailangan ako ng spare kidney, makakatulong pa ako sa ilegal na industriya ng bilihan ng kidney. Saka anong silbi ng pagkakaroon natin ng mga ‘kidney doctor’ sa Pinas kung hindi natin sila bibigyan ng oportunidad na kumita? [Lusot ba? Lusot?]

Anong pagkaing hindi Pinoy ang nagustuhan ko? Sa mga pagkaing Aussie, maliban sa barbekyu nila, wala na. ‘Yung pinagmamalaki nilang palaman na ‘vegemite’, lasang grasang may kalawang. Ok sakin ang Singaporean noodles dahil parang pansit canton with chili flavor lang. Pwede na din ang pasta ng mga Italian kung wala talaga.

Segue way ko ‘yan para sating Question of the day na: Anong pagkaing hindi Pinoy ang ayos sa panlasa mo? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago o kahit anong sagot sa comment box]

Piktyur 1.] Pritong salmon na ulam ni Badoodles. Iniisip ko na lang, kunyari bangus belly ‘yan.

Advertisements

Mga Tugon

Information

66 responses

4 07 2010
paps

napapadalas ang pag kwento mo ng pagkain….

ang taba mo parekoy.

este miss mo na talaga ang pinas

at sukang suka sa

kilikiling amoy bumbay

pabotiro ko ang pie sa jollibee
dun lang talaga ako naka kita ng pina fry ang pies

4 07 2010
badoodles

@paps lamon ang ginagawa ko. lamooonnnnnnnn!!!!

wala akong maikwentong iba. pero next week bagum bagong joke naman [mga bumbay na amoy kili-kili].

4 07 2010
MuntingBisiro

Pagkaing hindi pinoy? wala akong maisip. Pizza siguro.
Hahaha, pero masarap talaga dito sa pilipinas, kahit saan ka abutin ng gutom ay may makakainan ka.
natawa naman ako sa ‘vegetarian with meat’.

5 07 2010
badoodles

@mb sinabi mo. naalala ko tuloy yung kinakainan ko ng kwek kwek sa may baba ng boni station.

ang gusto ko talagang sabihin kumakain ako ng gulay saka karne. ang hirap iinglis yun kaya shinortcut ko na lang. vegetarian with meat. hehe.

4 07 2010
IKAY

d2 sa middle east nagkalat din ang pagkaing indiano….may piling-pili din akong pagkain nila na nagugustuhan ko…like biryani, sambusa, puri tsaka tsapati…at first mahirap kainin dahil sa amoy ng mga spiciest nila pero masarap n rin pagnakasanayan mo ng kainin.

ako ang pinakanamimiss kong pagkain pinoy eh pansit malabon,lechon, crispy pata at sisig…haist! kakamiss na tlga ang pinas :((

ang sosyal ng pagkain mo manong badoods ah..hehehehe

5 07 2010
badoodles

@ikay nakakain nako ng tsapati, yung tinapay yun di ba? pero yung puri mukang masarap yun. matikman nga minsan. hehe.

4 07 2010
Roland

Wow mukhang masarap yung mashed potato mo at stuffed olives :-P, sayu na yung salmon Sir kasi di ako kumakain ng isda hahaha. Ayoko rin ang pagkain ng mga pana/itik dito sa Middle East, nakakahilam masyado. Mas ok sa akin ang Shish Taouk..yummy!!

5 07 2010
badoodles

@roland pag ganyang mahirap i-pronounce nagdadalawang isip ako. hindi ba ilegal yang shisha taouk. parang tunog chongki. gawa san yan?

5 07 2010
Roland

Hahaha. Ano ka ba baka yung sinasabi mo eh Sisha o Hookah iyon (water pipe) pag nag ja-jamming kami ng mga kaopisina ko sa Bahrain tinitira namin iyon kasabay ng tequila, pag gising mo hubo ka na hahaha kasi mawawala ka sa sarili hahaha (di yon illegal dito). Yung Shish Taouk barbecue iyon na malalaking tipak ng boneless chicken na minarinate sa chili, salt, at tomato puree ( i guess). Try mo masarap iyon 🙂

5 07 2010
badoodles

@roland ahh.. meron din yang counterpart dito. chilli chicken sa portugal resto, ang tawag nila portugasm. sa sobrang sarap, magkakaorgasm ka yata. parang ganun. oo kwentong barbero na naman.

4 07 2010
kotsengkuba

SUSHI AT COLD SOBA!!! Pero ang talagang miss na miss ko na kahit isang saglit ay muli kong mapuntahan at makainan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan ay ‘yung Yamada Udon – isang munting yellow udon house sa kanto, kabila ng sebun-erebun across that karaoke bar. Di ko na sasabihin kung saan at baka mas lalong gumulo.

mahilig ako sa japanese food pero di ko trip ang sashimi – mga hilaw na isda, octopus at malalansang marine creatures.

5 07 2010
toni

kuya Noel mataas ang mercury ng tuna na ginagamit sa sushi.

5 07 2010
rocha ito

hehehe nakakatuwa naman kayo…tunog hapon na rin ang pag pronounce nyo ng7/11

5 07 2010
badoodles

sabi ko na nga ba, tunog pamilyar yang sebun-erebun na yan. haha.

5 07 2010
NoBenta

ayoko ang pagkain ng mga indiano. ang layo ng chicken curry nila sa chicken curry natin! kailangan mo ng baso ng tubig sa tabi ng plato kapag kumakain. at lintek sa hilig nila sa curry powder, lahat yata ng pagkain eh lalagyan nila! ginagawa rin yata nilang facial scrub, shampoo, at body wash ang curry dahil ‘yun ang amoy nila.

ang natutunan kong kainin dito sa saudi na hindi pagkaing pinoy ay ang authentic shawarma. malayo ang kaibahan niya sa mga binibenta sa atin dahil ang laman lang ng tunay na shawarma ay fries, garlic sauce, at pickles na sinamahan ng baka o manok. ang malufet, hindi mo alam kung baka nga yun o camel!

5 07 2010
badoodles

@nobenta meron din silang parang shawarma dito, pero souvlaki ang tawag. lutong greek na merong pickles, kamatis, sibuyas, lamb, garlic sauce saka nakabalot sa pita bread. masarap yung sandamakmak na garlic sauce.

5 07 2010
lio loco

mahilig kasi tayong mga pinoy sa kung anu-anong spices kaya siguro medyo maalat na ang dating sa mga porenjer. pero kung ako ang tatanungin, da best pa rin ang lasang pinoy kesa naman sa culinary ekek nilang sa totoo lang eh sobrang tabang.

mahilig ako sa mga pasta ser. ang hirap ding bigkasin ng pukenginang mga pangalan pero so far, so good. masarap namang lamunin.

bon appetite idol!

5 07 2010
badoodles

@lio meron akong kinakainan sa may columns dati malapit sa rcbc plaza, joey pepperoni. ok din pasta dun, meron sila dating promo apat na klase ng pasta for the price of one. nalugi yata sakin yun. haha.

5 07 2010
aubu22

pizza at pasta! panalo lagi un pag wala ka nang maisip na pagkain pag asa mall ka dito sa Pinas, hehe >:)

5 07 2010
badoodles

@aubu pizza for the win! lalo na yung monster pizza.

5 07 2010
toni

maganda ipares sa fried salmon ung spicy carrot salad(pinong hiwa ng kerot, cilantro, kapiranggot na sibuyas, siling pula tas konting lemon juice, olive oil at asin – mix).

hirap ako magisip ng paboritong pagkaing di pinoy dahil pakbet at sinigang pa rin paborito ko. tsaka mas masarap lasa ng baboy at manok saten, kahit buto-buto lang na pinakuluan sa konting tubig tas hulugan ng gulay ulam na.

5 07 2010
badoodles

@toni sige subukan ko yan. pero subukan ko muna yung sinigang na salmon. tignan ko kung pupwede. hehe.

haynaku, tinakam na naman ako.

5 07 2010
DEL

Chicken Shawarma, dun sa Batha. – Dating Pwesto ng jollibee sa Riyadh

5 07 2010
badoodles

@del ayos. di ko alam may jollibee sa riyadh.

5 07 2010
Pirate Keko

hahaha natawa ako dito.

yakisoba. hindi yung nabibili na nakasupot na parang pansit kanton. hindi rin yung gulay na may kaunting lantang noodles na mabibili sa tokyotokyo. yung totoong yakisoba… saka… kung ano anong noodles sa japan na hindimo matatasan ang pangalan kasi tunog kung fu trick. atsutsu

5 07 2010
badoodles

@pirate keko haha. ayos sa description tunog kung fu trick.

5 07 2010
poldo

Sana maisama mo ako sa iyong relihiyon bossing!….

gustong gusto ko dito yung ke-bab pagkaing arabo ata yun.. hihihi

kain lang ng kain bossing este lamong pala..

5 07 2010
badoodles

@pol sige welkam ka sa bagong tayo kong relihiyong Hindut. Ipapa-schedule na kitang bawtismuhan sa may ilog pasig. pero sigaw mo muna parekoy! [repeat after me..] I am Hindut!!

5 07 2010
badoodles

ps. salamat sa pag-add sa blogroll. na-add na din kita.

5 07 2010
superjaid

mdami akong trip na foreign food..nasa field kasi ng kurso ko..kaya kelangan iappreciate ang pagkain ng ibang lahi but para bumagay na rin sa mga sagot ng iba..trip na trip ko ang mga italian pasta at ilang noodle dish ng mga instik..^_^

5 07 2010
badoodles

@superjaid gusto ko din ng kursong yan, bachelor of science in home economics. ah hindi ba yun? k.

ako din mahilig sa noodles. payless.

5 07 2010
badoodles

ps. salamat sa pag add sakin sa blogroll. na-add na din po kita po.

5 07 2010
goyo

ako din. PIZZA tsaka SPAGHETTI at BURGER! pota puro galing sa fastfood na alam naman nating hiram lang natin sa ibang lahi.. kahit ano basta pwede kainin, kinakain ko naman. >:]

5 07 2010
badoodles

@goyo burger lang solb nako.

5 07 2010
goyo

sana isang araw makita ko ang pangalang GOYO sa sidebar mo sir. 🙂

5 07 2010
badoodles

@goyo ayun o! [sabay turo sa side bar –>] wala pala. nanggogoyo lang ako. pambihira e pareho lang tayo wala din ako sa side bar mo.

5 07 2010
ph1l1p

valenciana bossing ok lasa nun.

5 07 2010
badoodles

@ph1l1p paella ba pre? oo ayos din yung seafood paella. pero di ko pa nasusubukang magluto nun, sa restoran ko pa lang natikman.

5 07 2010
salbehe

Tao po. Kayo po ba si Badoodles, ang bossing ng buong blogosper? Mano po.

Maraming maraming salamat po sa paglagay nyo sa akin sa sidebar. Nagulat ako sa mukha ko. Hahaha. Seyoso, nagulat ako. Hindi ko naman kayo pinakain ng kahit ano para ilagay ako dyan ano? Wala akong utang? Wala akong ipambabayad. Lols. Sa totoo, kanina pa ako nag-iisip kung anong sasabihin, hanggang ngayon wala pa din akong masabi. Syet. Kinakabahan ako.

Sagutin ko yung Question of the Day, ang sagot ko ay Hungarian sausage. Yung medyo maanghang, matigas at mahaba. Hindi yan bastos.

5 07 2010
badoodles

@salbe welkam! welkam! maupo ka muna. anong gusto mo? kape, gatas o salabat? hindi ako bosing ng blogosphere. ako si big brader, ang nangpo-photograb ng piktyur ng may piktyur. paumanhin na din, di nako nagpaalam sa piktyur mo. kahit naman magpaalam ako at tumanggi ka, pwersahan talaga ang paglalagay namin ng calendar gel of the month.

at congrats. sa pagbibigay ngiti sa mga taong nabuburat.

5 07 2010
apollo

ako rin, bad trip ako sa mga indian food. nag-iiwan ng after taste. hindi kumporteble ang tiyan ko. pero gusto ko talaga ang chilicrab sa singapore. the best ung sa may geylang area. hehehe.

5 07 2010
badoodles

@apollo hahaha. ung chilicrab ba talaga ang habol mo o yung geylang. enjoy!

5 07 2010
ilocano

lahat yata ng asian food gusto ko. nasa Asia din ang Middle East kaya siguro nagustohan ko din ang Shawarma ng mga Arabo lalo na ung Turkey at Lamb ang karne sa loob.

Sarap ng ulam mo lakay, mahal dito yan. Siguro mga 300-400pesos na yan sa Hypermarket. hehehe

5 07 2010
badoodles

@ilocano natikman ko na yung lamb na shawarma pero di ko pa din masabi kung ganun talaga kasi aussie style na yung shawarma dito, hindi na authentic.

wala akong mabilhang bangus belly, kaya salmon na lang. susubukan ko yung sinigang na salmon baka pwede din.

6 07 2010
antuken

anong hindi pagkaing pinoy ang gusto ko? chinese! hehe. or italian. pero not on a daily basis ha.

di ba mahilig sa barbecue parties ang aussies? masarap ba naman mga barbecue nila?

6 07 2010
badoodles

@mareng chona yup. mahilig nga sila sa barbekyu, parang yun na yung pambansang pagkain nila. ok yung angus beef nila, malinamnam.

6 07 2010
Dorm Boy

Paborito kong pagkaing Pinoy yung mga pampa…. as in pampabata!

Lechong kawali
Balat ng Lechon
Crispy Pata
Chicharon
Balat ng Fried Chicken
Sisig
Bagnet ng Ilocos
saka…. isang malamig lamig na fresh from the freezer na Beer!

Ayos!

6 07 2010
badoodles

@dorm boy ultimate pampabata nga yan. ayoko yung chicharon bulaklak ng bulacan, bagnet ng ilocos, saka balat ng chicken joy ng jollibee.. ayoko na. ayoko nang tigilan. haha.

6 07 2010
super balentong

nagugutom ako parekoy. ang sarap ng nasa pektyur. ginugutom mo kami.

6 07 2010
badoodles

@paul hindi nga mukang ulam. mas mukang pulutan.

6 07 2010
ilocano

actually, the best na sinigang ang salmon belly at salmon head. nagnanam! hehe (wag mo lang kakalimutan tanggalin ung kaliskis kasi sa Hypermarket, di nila tinatanggal ung kaliskis kasi kapag hinugasan ang salmon, nababawasan ung lasa. kaya self service ang pagkaliskis dito.)

6 07 2010
badoodles

@ilocano nakakagutom tong usapang to. parang gusto ko na ngang isigang yung salmon.

7 07 2010
toni

tama kuya sinisigang ko din ulo ng salmon pero nililinis ko muna mabuti ng asin para mabawasan lansa, o kaya sinigang sa miso.

minsan hihiwa lang ng kamatis, spring onion, konting luya at asin sunod ung ulo ng isda at takpan mabuti. ung steam nila kusang magsasabaw at pede patakan 3tbsp olib oyl bago hanguin. di ko lam ano tawag sa lutong yan pero basta ok naman.

7 07 2010
beero™

naku po natotorture ka yata dyan bosing. may gusto ka mang kainin na lutong pinoy eh hirap ka naman sa paghahanap. iba kasi talaga sa tin yung pagkaing nakasanayan at nakalakihan na. sana naman eh di ka hirap maghanap ng bigas dyan. ehehe.

gusto kong pagkain na hindi nag-originate sa pinas eh pasta kasi magandang substitute sa kanin. hehe. gusto ko yung fettucini. hirap din espelingin eh. ewan ko kung taman yan. argh!

8 07 2010
badoodles

@beero meron naman akong bigas. pake-pakete lang ang binebenta dito dahil di naman malakas magkanin mga tao dito. ako isang sako kaagad binili ko. haha.

7 07 2010
DEL

Naimas pay tay lukdit ti baka, pagpatibker ti laslasag, hahaha.

Ramanam tay grilled spareribs kadagitay indian restaurant dita(take out a, tapno maimas mo). Isawsaw mo tay naiblender a kamatis nga adda bassit asinna wenno baggoong ti ilokano. Dayta man ti kailiw ko idiay riyadh.

8 07 2010
badoodles

@del wen. nag take out nak ti grilled spare ribs ditoy pero chinese restaurant. mandik ak pay napan indian restaurant tatta ta nagbangsit da nga talaga. pabuludan nak blender palang. hehe.

7 07 2010
Sphere

whaaa kanina lng bertday nong nong isang indiana hindi sya mabaho arkitek nmin sya ung minatamis nya ” sotanghon na may luya tapos nilagyan ng condense milk” hindi ko malaman kung pano lulunukin ung pagkain ko nahihiya naman ako kaya kada kain inom ng tubig…

pagkain? yung chapati w/ egg breakfast madalas ng mga kasamahan ko d2.

8 07 2010
badoodles

@sphere may masarap na sotanghon na may luya akong natikman pero chinese recipe naman yun. hinalo sa alimango saka tengang daga [hindi yung tenga talaga ng daga, yung tumutubo sa kahoy hehe]. masarap. kelangan ko mahanap yung recipe na yun.

7 07 2010
axel

ang arte nila ah.. parang ambabango nila.. lolz..

8 07 2010
badoodles

@axel lololollz

8 07 2010
tadonggeniuskuno

love your blog…inadd kita sa blog roll ko..salamat 🙂

11 07 2010
Olay

Here in Malaysia, we have “Roti Canai” and it’s variants “Roti Telur Bawang, Roti Pisang” to name a few. Much like the oven-cooked unleavened bread in Saudi Arabia.

24 07 2010
sikoletlover

japanese rice at ramen 🙂 ewan ko ba kung anong meron sa kanin nila at masarap. hindi ko nga lang kayang ubusin ang mala-planggana nilang serving ng ramen 😀

24 08 2010
Sean

masarap parin yung bituka ng manok at yung adidas sa mga guadalupe… pag marami talaga marasap.. mas marami, mas masarap

28 08 2010
Abad

Yey! Nagbo-blog ka na pala ulit!! At asa ibang bansa na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: