Chiksilog for Blogger’s Choice Award

11 12 2010

Sa ilang taon nang pagbibigay ng sandamakmak na tropeo ng Philippine Blog Awards, ilan na ba sa mga pinarangalan ang tagalog na blogs? Mahina ako sa bilangan, pero tingin ko naman kayang kaya kong bilangin kung ilan lang gamit ang isang kamay, kahit pa okupado ang ibang daliri ko sa pangungulangot. Sa pagkakaalam ko, si Samjuan.ph saka kwentongtambay.com – parehong OFW blogger. Ilagay natin sa statistics ‘yan, sa binigay na 76 awards para sa mga best Pinoy blogs sa iba’t ibang larangan, dalawa lang dito ang tagalog blogs o 2.6%. Bakit ganun? Di ko alam. Pero ang teorya ko, Ingles ang simbolo ng pagiging edukado ng isang blog.

Alala ko ang isang obserbasyon ko noong nasa law school pa ako. Sa kasaysayan ng mundo, ang mga batas at desisyon ng hukuman ng isang bansa ay nasusulat sa sariling wika. Pero ang mga batas at mga desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas mula noong unang panahon [190o’s] hanggang ngayon ay nasusulat sa dalawang lenggwahe: Espanyol at Ingles. Ang wika ang kaluluwa ng isang bansa, pero anong klaseng katrayduran ang kayang gawin para isulat ang mga batas natin sa banyagang salita? Pano ito maiintindihan ng mas nakararami? Hindi natin pwedeng sisihin ang isa’t isa pero ang pagiging colonial mentality natin ay may malalim na pinag-ugatan sa ating kasaysayan.

At iniisip ko rin, kaya mabagal ang galaw ng hustisya sa ‘tin, kasi ‘yung mga judge kelangan pa nilang isulat ang desisyon nila sa Ingles. Anhirap nun. Isipin mo kung tagalog ‘yun e di mas madali, sabihin mo lang, ‘Sa salang panggagasa ng kambing, ikaw ay hinahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo at putol titi’. Mas madali sabihin di ba? Tapos ang kaso. Kesa:

‘Upon the review of this Honorable High court, for forcefully coercing the goat, with malice and criminal intent to an unnecessarily, abusive, despicable sexual act, you are hereby sentenced with destierro or life imprisonment and.. and… [hirap na inglisin ‘yung putol titi].

Ang gusto ko lang naman talaga sabihin, paminsan-minsan naman, gawin nating bida ang sarili nating wika. Yung mga tagalog na blogs.

Kaya para sa 2010 Philippine Blog Awards, binoboto ko para sa Blogger’s Choice si chiksilog.com. Bakit Blogger’s Choice? Eto lang ang pagkakataon na may mananalong tagalog blog. At bakit si chiksilog? Dahil siya ang isa sa mga nakilala kong may bayag kung managalog. Siya lang din ang kupal makipagtalastasan sa sariling wika. Siya lang ang kilala kong hindi takot gamitin ang sariling wika, habang ang nakararaming blogger ay pinili ang daan ng ng pagsusulat sa wikang ingles, dahil ito ang ‘cool’.

At sa mga naniniwala dito sa pinagsasabi ko, sa mga kapwa ko bloggers, alam mo na ang iyong gagawin.

1. Gumawa ng entry bilang boto sa chiksilog.com.

2. Mag-iwan ng link ng iyong blog entry sa http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/

Advertisements

Mga Tugon

Information

28 responses

11 12 2010
xG

hindi ko pa tapos basahin itong entry mo nagkomento na ako
salamat ng sobra!

11 12 2010
kotsengkuba

nakita kita sa facebook kaya alam kong may bago na. at meron na nga pati snow bumabagsak na din ulit 😉

11 12 2010
kotsengkuba

at dahil jan, gumawa na ko ng google alerts para sa kwentong barbero para for sure and i don’t wanna miss a thing.

merry Christmas in advance to you and your family, wherever you are. hehehe

11 12 2010
kox

hahaha.. tama! si XG lang!

11 12 2010
jepoy

montik na kong mahimatay nung may nakita akong update mo Sir. Woot!

sana tuloy tuloy na ulet ang blogging career, kawawa naman kameng mga fans mo 😀

Congrats kay Xg malakas ang pakiramdam kong mananalo ang hitad. Yun lang. Tenchow.

11 12 2010
Roland

Uyy nabuhay ka Mr. Badoodles, na-miss ko ang mga entries mo tungkol sa pagkain ahihihi. Welcom back!!!!

11 12 2010
lio loco

holy pakingshet my pwet na malagket! nabuhay ka badoodles idol! hinahanap-hanap ka na ng legions of extraordinary followers, mo ser.

nasilip ko ang mga nominado sa humor blog at tulad ng dati, isa ka sa mga finalist. tulad din ng dati, taimtim kong pinagdarasal, sampu ng mga betlogs naming pans mo, ang pagwawagi mo sa kategoryang ‘yun.

nararamdaman kong taon mo ‘to, badoodles idol! taon ng mga malulupet na tagalog blogs na tulad ng iyo at ng kay xG! congratullllattttiiooooonnns!!! \m/

11 12 2010
lio loco

hindi pa rin ako makapaniwala. aykambilibabol! ang kwentong barbero, nagbabalik-loob muli sa blogging!

kasasabi ko lang kani-kaninang dapat manalo na ang kwentong barbero sa humor blog para magbalik-loob ka na ule sa pagtitipa ng malupet at makabuluhang kung anu-anong shit at heto’t nagkatotoo na nga. sana tuluy-tuloy na ‘to, ser!

blogenroll! \m/

12 12 2010
toni

salamat at nagising ka uli Manongko.

kahit bisi ka palagi kami dumadaan dito sa bakuran mo.

aw bumabagsak nga snow. apir!
meri krismas na.

13 12 2010
Olay

“Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit
pa sa malansang isda”
-wika ng ating pambansang bayani, Dr Jose P.Rizal…
Bakit niya isinulat ang “Noli Me Tangere” sa wikang
Espanyol?…

13 12 2010
salbehe

Hooray sa mga Tagalog blogs. Congrats kay XG. 🙂

14 12 2010
Maldito

Keep tagalog alive! aheheheh….Xg for the win na!!

at salamat naman at nag update ka bossing….he he he he.

15 12 2010
Super Balentong

mabuhay ka chicksilog!

16 12 2010
Yow

Wow. You’re back Mr. Badoodles. Nakakamiss magkaron ng update dito. Haha. Tama! Ang sakit sa kili-kili ng purong english na blog. Kahit nagbabasa ako, iba pa din ang purong pinoy. Haha. Congratulations sa chiksilog.com! Blog on. 🙂

17 12 2010
lei

si kuya badoods buhay pa!!

20 12 2010
Arkhut

matagal din ikaw nawala ah. buti at pagbalik ko sa mundong bumubuhay sa ikalawang ako, ikaw ay nagbalik! yey. 🙂

heka. natatandaan pa kayo ako ni bossing? 🙂 ertlotus hir! hahaha.

25 12 2010
toni

meri krismas Manongko!

1 01 2011
karlo

CHICKSILOG!!

7 01 2011
Baidu

Sir Manigong bagong taon sa iyo, at salamat may bago ka ng Entyr.. hehehe nakakatuwa at tama ang iyong mga salaoobin, sana tuloy tuloy na to..

23 01 2011
promking

huy! idol ko ang mga nagsusulat sa Filipino. Kaya ang blog ko, Taglish. ahaha.

basta kung paano ako mag-isip, ganoon ako magsulat.

27 01 2011
sows

cge na, tinamaan na ako. ako na ang guilty. hehe.
hindi lahat ng nagsusulat ng ingles (na baluktot) ay nagpapa COOL. alipin lang sila ng kahirapan. baket? kasi malupet si mang gugel. ayaw niya ng tagalog na blog para isama sa kanyang niche para mapunta sa unahang pahina ng kanyang mayabang na website. dahil dito, hindi sila (mga blogger) kikita dahil sa pangmamata ni manong. saklap lang ang tunay na dapat sisihin sa pag-iingles ng mga elektronic tagasulat ay si manong g. redundant na. ginoong g. oo, sya, sya ang may salaaaaa!!

kaya naman ser, patawarin mo na ako. cge na…plis?

hehe. umeepal lng. magandang araw po! bagong dating! ay siguradong magbabalik! 😛

17 02 2011
beero

huwaw! may update ka na bosing! 😀 go, go xG!

17 02 2011
dimaks

wow congrats! may bagong entry hehe. So ano na ang bagong chiksilog?

22 02 2011
tumblr

chisilog…

17 04 2011
Ph1l1p

bossing may bago pala akong pook-sapot tnx..

2 05 2011
gdpl

kindly click the link and read what’s in there.

http://gdpl.livejournal.com/1226.html

Any kind of help would e appreciated. Thank you.

21 06 2011
Philippines

Wala pa pala akong naisulat pinublish ko na… Anyway, bat antagal na tayatng di natulatan ang blog na to… Sayang naman.

6 07 2011
check

cool!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: