Episode 2. Wedding Bells

24 04 2012

Sunod sunod sa mga kakilala ko ang kinakasal.  Noong nakaraang taon si pareng Maeng.  Sumunod si pareng Jay.  Kelan lang si Osep.  Epekto na ‘to ng global warming kaya madaling nag-iinit ang mga tao at nagpapakasal.  Pumapasok na tayo sa panahon ng tag-libog mga kaibigan.

Isa sa mga importanteng impluwensiya sa buhay ko si Maeng.  ‘Yung mabuting impluwensiya galing sa kanya.  ‘Yung masama, napulot ko lang sa tabi-tabi dito sa Maynila.  Kala ko nga ‘di na mag-aasawa ‘yun dahil pag nanonood kami dati ng porn sa opisina, hindi ‘yun nakikinood, masama daw magagalit si God.  Sa pustahan namin ng isa pang barkadang si Javi, si Maeng ang unang magpapari sa barkada.  Sino ba namang matinong tao ang aayaw sa porn?  Wala di ba?  Pari lang.

‘Yun pala sa huli ay hinihintay lang niya ang tunay na pag-ibig.  Naks.

Si pareng Jhay naman dati kong kaopisina nung bagong salta ako dito sa Maynila.  Walang ere.  Tahimik pero manyakol.  Kasama ko sa mga lakaran at panonood ng PBA.  Ginebra fanboy.  Matagal na sila ng syota nya at ‘pag nagkakalabuan,  ako ang nagsisilbing ‘love guru’.  Sinabihan ko rin siya na tigilan na niya ‘yung kakaiyot niya dun sa babaeng bayaran sa Bulacan  at baka magka-tulo siya.  Nakinig naman.

Kaya bago ang kasal ni pareng Jhay wala na munang stag party.  Iwas disgrasya. Iwas tulo.

Si Osep naman ang naging asawa ni Ishy, na bridesmaid naman dati ni misis noong kasal namin  Mga bagong kakilala dito sa Maynila.  Malaki ang utang na loob namin sa dalawang ‘yan dahil sa kanila kami umutang ng pampakasal namin noon.  Hindi ko naman sinasabi na utangan niyo din sila, kaibiganin nyo muna.  At ngayong sila naman ang nagkatuluyan, kasama kami sa mga taong masaya para sa kanila.
Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




Episode 1: Highschooled

16 04 2012

Naimbitahan akong maging commencement speaker sa aking mahal na high school alma mater.   Biruin mo sa dinami-dami ng pwedeng imbitahin na maging speaker, ako pa na isang hamak na kupal lamang.   Siguro naisip nila na magandang inspirasyon na ‘yung  dating parang walang patutunguhan sa buhay e magkakaroon naman pala ng disenteng trabaho.

Image

Pero di naman ako talaga ako bobong estudyante.  Nagkaroon naman ako honor ‘nung highschool.  Nalunod ‘yung talagang may honor, kaya no choice ako ang next in line.  ‘Yun yung punto ng buhay na di mo alam kung magiging masaya ka ba o malungkot.  Pinili kong maging masaya. [Oo masama na akong tao.]

Sampung oras akong nagmaneho pauwi sa probinsya namin.  Wala pa akong karelyebo kaya pagdating ko para lang akong isang box office na pelikula sa Hollywood: Hangover The Sequel.   Masaya ang lahat, lalo na ang mga guro.  Sinong hindi magsasaya, sa wakas ga-gradweyt na din ang mga sakit ng ulo nila.  Masaya din ang mga graduates.  Pagkatapos nito, may lisensiya na silang magbabad sa tv maghapon magdamag, buong linggo at buwan.

Basahin ang karugtong nitong lahok »