Episode 1: Highschooled

16 04 2012

Naimbitahan akong maging commencement speaker sa aking mahal na high school alma mater.   Biruin mo sa dinami-dami ng pwedeng imbitahin na maging speaker, ako pa na isang hamak na kupal lamang.   Siguro naisip nila na magandang inspirasyon na ‘yung  dating parang walang patutunguhan sa buhay e magkakaroon naman pala ng disenteng trabaho.

Image

Pero di naman ako talaga ako bobong estudyante.  Nagkaroon naman ako honor ‘nung highschool.  Nalunod ‘yung talagang may honor, kaya no choice ako ang next in line.  ‘Yun yung punto ng buhay na di mo alam kung magiging masaya ka ba o malungkot.  Pinili kong maging masaya. [Oo masama na akong tao.]

Sampung oras akong nagmaneho pauwi sa probinsya namin.  Wala pa akong karelyebo kaya pagdating ko para lang akong isang box office na pelikula sa Hollywood: Hangover The Sequel.   Masaya ang lahat, lalo na ang mga guro.  Sinong hindi magsasaya, sa wakas ga-gradweyt na din ang mga sakit ng ulo nila.  Masaya din ang mga graduates.  Pagkatapos nito, may lisensiya na silang magbabad sa tv maghapon magdamag, buong linggo at buwan.


My graduation thoughts:  Gago din talaga ang nakaimbento ng graduation gown ‘no?  Biro mo kahit lalake ka, required kang magsuot ng gown.  Noong nag-aaral ka pa ang tino ng porma mo tapos kung kelan graduation pagsusuutin ka na para ka lang sinukluban lang ng kulambo.

Ilang minuto lang akong nagsalita.  Ganun naman dapat ang speech parang si Ara Mina lang, seksi pero malaman.  Para hindi mabato ang mga ga-gradweyt.  Simple lang naman sinabi ko mga aral sa buhay na natutunan ko, na  ‘pag sinunod nila magiging ok ang buhay nila:

1.  Huwag mag-aasawa agad.  Panira ng diskarte kung mag-aasawa ka na e wala ka pang trabaho.  Hirap first, sarap later.

2.  Sa buhay,  kelangan ng konting angas.  Konti lang naman.  Walang magbubuhat sa sarili mong bangko kundi sarili mo din.

3.  Tumulong sa magulang.  ‘Pag tumulong ka sa magulang mo, para ka na ding tumulong sa bayan mo’.  Astig di ba?  Naisip ko lang ‘yan ilang minuto bago ako magsalita.  Pwede pang gamiting pang-slogan making contest.

4.  Pag may tiyaga, may nilaga.  Tiyagain mong magtapos ng pag-aaral.  Hindi mahalaga kung ano tinapos mo, ang importante may natapos ka.  Kahit sabihin mong ikaw ang pinakamatalinong tao sa mundo kung wala ka namang diploma, kailangan mong tanggapin ang katotohanan na mahihirapan kang makahanap ng trabaho.

Masaya akong nakita ang mga dati kong guro.   Masaya din sila at may nangyari namang mabuti sakin.  Pinaalala nila ang mga kalokohang ginawa ko tulad ng pagbato ng encylopedia sa kaklase ko na pumaleng at nasapol sa mukha ang music teacher ko.  Andun din ‘yung teacher ko sa Values Education na muntik nakong ibagsak dahil tinaas ko ‘yung palda ng kaklase ko.  Manyak days lang. Curious eh.

Ikaw, anong mga kalokohang ginawa mo noong highschool ka na naaalala mo pa?

Advertisements

Mga Tugon

Information

35 responses

17 04 2012
apollo

hinihintay ko rin ang panahong iimbitahan ako ng school ko para magbigay ng commencement speech. hehe…

kalokohan? naku, madaming madami. makipagsuntukan at makipagsipaan sa kaklase, maglagay ng malalaking bato sa bag ng kaklase, magpakopya sa lahat at marami pang kasalbahean. 😀

17 04 2012
badoodles

@apollo panalo yung paglagay ng malalaking bato sa bag. maloko din ako pero di ko naisipan gawin yun.

________________________________

17 04 2012
goyox1989

Isa ‘to sa pinakapapangarap ko sa buhay ko, ang maging isang guest speaker! Pero mukhang sandamukal na swerte pa ang kakainin ko.

Speaking of kalokohan, sorry matino akong tao. Hehe.

17 04 2012
badoodles

@goyo wala namang imposible. ako nga di ko inaasahan na maiimbitahan ako.

________________________________

17 04 2012
bagotilyo

wow nice words of wisdom ..

pangarap ko ding maging commencement speaker sa aking alma matter . kya lang bka puro kabulastugan lng matutunan nila sakin .hahahah

17 04 2012
badoodles

@bagotilyo haha. sa bawat kabulastugan naman, may aral sa dulo.

________________________________

17 04 2012
bagotilyo

hahah oo nga no. matututo sila sa mga pagkakamali ko non. lol

17 04 2012
L

naka ng! akalain mong pareho pala tayong nag-guest speaker sa sari-sarili nating high school alma mater, ser? inspirasyon ang katulad mong institusyon saming mga bagong sibol na kabataan. naki-kabataan talaga ko eh no?

congrats ser! seryoso, sa lahat ng taong nakilala ko (kahit sa bertwal na mundo lang), ‘yung shits na dinaanan mo sa buhay para makarating sa kung saan ka ngayon ang isa sa mga ginagawa kong inspirasyon para sa pagbatak ng sarili kong shit.

pero, asan ka na nga pala ngayon ser? at bakit blog entry number 1 ang title ng post? parang phoenix lang ba ‘to: rising from the ashes?

17 04 2012
badoodles

musta bro. long time no blog. congrats sa pag- guest speaker mo. nai-blog mo na ba? para mabasa ko din.

nilagyan ko ng bilang para mapwersa akong mag-blog ulit. target ko kahit 30 blogpost sa isang taon. kelangan maka-quota sa isang taon.

________________________________

17 04 2012
L

wow! sana nga talaga magtuluy-tuloy na ang blogging mojo mo, ser badoodles!

lio pala ‘to, ser. hindi ko alam kung tanda mo pa ‘ko pero ako, tandang-tanda pa rin kita. olats lang dahil di kita naabutan sa mse nung mga panahong nagsimula na ‘kong maging yuppie sa makati.

anyhow, welkam back ser! blogenroll! \m/

17 04 2012
badoodles

talagang nagpakilala.? di pa naman ako tinatraydor ng memorya ko bro. kilala pa din kita: same shit, different day. lio loco. cpa board passer. etc. etc.

________________________________

17 04 2012
L

hehehe! mahirap na ser. sa sobrang dami ng die-hard fans mo, baka bigla kang ma-amnesia. pero seryoso, natuwa ako na tanda mo pa ‘yung ssdd ko. XD

17 04 2012
Ulan

Inactivate ko yung fire alarm sabay takbo.

18 04 2012
badoodles

attorney musta. nagkita na ba kayo ng sis ko sa sg?

________________________________

17 04 2012
buhaylibro

Yown sana mag tuloy tuloy na to :p kelan yung Blog Entry #2? hehe

24 04 2012
badoodles

Eto na. Kaka publish lang. Sariwang sariwa. Episode 2.

24 04 2012
buhaylibro

Yehey, di pa ko nag susulat avid reader mo na ko heheh

19 04 2012
maxtor

nabuhay idol

24 04 2012
badoodles

Yo!

19 04 2012
Dorm Boy

naalala ko natulak (tinulak actually) ko kaklase ko sa kanal na me tubig baha… ayun nabasa bag, notebook at libro nya. As usual pinagalitan ako sa bahay.

24 04 2012
badoodles

Ikaw yung highschool bully no?

20 04 2012
itsyowtime

Wow. Guest speaker na pala ang level mo ngayon! Mas lalo tuloy tumaas ang tingin ko sa’yo. 6-footer ka eh! Haha. Joke lang. Nung highschool, isa ako sa nag-rurunong-runungan kaya ang boring ng buhay ko. Bukod sa pumasok akong may na-murder na kuko sa paa noong highschool ako, ang pinakamalaking kalokohan ko ata na nagawa e may na-kabog akong teacher. Hahaha.

24 04 2012
badoodles

Malamang pag nagkita kayo ng teacher mo sa reunion masasabi nya sayong di ka nya nakalimutan.

26 04 2012
Glenn Gonzaga Venancio

swerte ng teacher muh..hehehe..sana ako na lng ang naging teacher muh..lol jowk

21 04 2012
lovelesspoet

…lahat ng boys s physics subject nmin hindi kmi pumasok ksi last subject na cya 3PM nanood kmi ng pelikulang bold s quiapo. kinabukasan ns guidance kami lahat.

24 04 2012
badoodles

Anong palusot nyo? Sinabi nyo sana physics din yun, nanood kayo ng push and pull in action.

25 04 2012
lovelesspoet

sabihin sana nmin hanap kmi insertion tools, kya lng na-chicken na. kya warning letter agad.

22 04 2012
Dorm Boy

Kelan din kaya ako kukuning guest speaker? Pag dumating un I will take in mind your tips para sa paggawa ng speech! Congrats for being an effective guest speaker!

24 04 2012
badoodles

salamat dormboy!

29 04 2012
McRICH

nalungkot ako dahil hindi pumasok ang komento ko at biglang nawala hay, congrats na lang sir sa speech, i know u did a good job!!

24 05 2012
vane

sinusulatan ko ng chalk ang bangko ng classmate ko para pag umupo sila..mamumuti ang palda o pants nila..

18 09 2012
kris quinsay

hi im not a blogger pero matagal mo na akong avid fan,..
sa wakas bumalik ka na ulit,..

25 09 2012
JhanuzOne

nandudura ako ng tao sa baba ng building namin tapos pasok room… xDDDD galing eh…!!

22 08 2014
raizo

pinag papalit ang mga baon ng mga kaklasi ku .binabatukan ang d nagpapacopy sa pg exsam:)

16 12 2014
James Felizardo (@sprekik)

Kongratz ser sa pagbabalik-blog, pangarap ko sana yan (dahil madaldal ako sa personal at siguro pwede ring maging madaldal sa internet) kaya lang ningas-kugon ako sa larangang-yan. Nawa’y dumami pa ang matuto (at matuwa) sa blog mo. Kip it ap 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: