Episode 2. Wedding Bells

24 04 2012

Sunod sunod sa mga kakilala ko ang kinakasal.  Noong nakaraang taon si pareng Maeng.  Sumunod si pareng Jay.  Kelan lang si Osep.  Epekto na ‘to ng global warming kaya madaling nag-iinit ang mga tao at nagpapakasal.  Pumapasok na tayo sa panahon ng tag-libog mga kaibigan.

Isa sa mga importanteng impluwensiya sa buhay ko si Maeng.  ‘Yung mabuting impluwensiya galing sa kanya.  ‘Yung masama, napulot ko lang sa tabi-tabi dito sa Maynila.  Kala ko nga ‘di na mag-aasawa ‘yun dahil pag nanonood kami dati ng porn sa opisina, hindi ‘yun nakikinood, masama daw magagalit si God.  Sa pustahan namin ng isa pang barkadang si Javi, si Maeng ang unang magpapari sa barkada.  Sino ba namang matinong tao ang aayaw sa porn?  Wala di ba?  Pari lang.

‘Yun pala sa huli ay hinihintay lang niya ang tunay na pag-ibig.  Naks.

Si pareng Jhay naman dati kong kaopisina nung bagong salta ako dito sa Maynila.  Walang ere.  Tahimik pero manyakol.  Kasama ko sa mga lakaran at panonood ng PBA.  Ginebra fanboy.  Matagal na sila ng syota nya at ‘pag nagkakalabuan,  ako ang nagsisilbing ‘love guru’.  Sinabihan ko rin siya na tigilan na niya ‘yung kakaiyot niya dun sa babaeng bayaran sa Bulacan  at baka magka-tulo siya.  Nakinig naman.

Kaya bago ang kasal ni pareng Jhay wala na munang stag party.  Iwas disgrasya. Iwas tulo.

Si Osep naman ang naging asawa ni Ishy, na bridesmaid naman dati ni misis noong kasal namin  Mga bagong kakilala dito sa Maynila.  Malaki ang utang na loob namin sa dalawang ‘yan dahil sa kanila kami umutang ng pampakasal namin noon.  Hindi ko naman sinasabi na utangan niyo din sila, kaibiganin nyo muna.  At ngayong sila naman ang nagkatuluyan, kasama kami sa mga taong masaya para sa kanila.

Pero kung kaming mga lalake ang tatanungin,  ang totoo nyan ayaw talaga namin ng kasal.  Babae lang naman ang may gusto ng kasal.  Ang kasal ay imbensyon ng mga kababaihan para gawing ‘private property’ ang kalalakihan.  At ang wedding ring ay pinaliit lang na posas para gawin kaming bilanggo habambuhay.  Kayong mga babae, sana maintindihan nyo na kami ay regalo ng Diyos sa inyo, at ang regalo dapat i-share.  Ok? Lol.

Isa pang ayaw ko ‘pag kasal ka na, madami nang pinagbabawal si misis.  Pag nasa labas ka ng bahay, bawal na ang ‘good time’.  Bakit kelangan ba dapat nasa ‘bad time’ na lang palagi?
Isa pang pagbabago:
NOONG MAGSYOTA PA LANG
Badoodles:  BebeKo, I love you.
BebeKo:  I love you too.
NGAYONG KASAL NA
Badoodles:  BebeKo, I love you.  Mwah mwah tsup tsup!
BebeKo:  I love you ka dyan.  Aylabyuhin mo muka mo.  Siguro may ginawa kang kasalanan ano!?

Buhay nga naman… Pero siyempre wala nakong magagawa dun.   Pinasok ko ‘to.  ‘Touch move’.  Ang pwede ko na lang gawin ay tanggapin na may sabit na ako at mahalin kung anong meron ako ngayon.  At siyempre talagang sobrang mahal ko si misis kaya ako nagpakasal.  Biglang bawi? Haha.  Sa huli, maiisip mong mas masarap pa rin na may nagmamay-ari na sa ‘yo at tanggap ka kung sino ka.


Hypothetical question:  Sinong ‘celebrity’ ang gusto mong pakasalan?  Kwento naman dyan.  Hindi pwedeng ako lang.

Piktyur 1] Prenup pictorial nina Osep at Ish.

Advertisements

Mga Tugon

Information

36 responses

24 04 2012
salbehe

Kelan lang pinag-usapan namin ang pagpapakasal.. ang mahal magpakasal! Kaya hindi ako nape-presyur ngayong unti unti nang nagpapakasal ang mga kaibigan ko.

Gusto kong pakasalan si Ramon Bautista. Because I believe that sense of humor is sexy. I. Thank. You.

Welcome back sa blogosphere! Kailan mo pala papalitan ang blogger of the month dyan sa sidebar mo, sir? Huwalalungs, isang taon na yata sya dyan. (:

24 04 2012
badoodles

Helo salve. Yaan mo muna sya dyan, wala pakong nakikitang pamalit sa trono nya.

24 04 2012
buhaylibro

Lols. ang mga lalake ay isang regalo para sa mga Babae na kailangang ishare. Salamat badoods me pamatay na excuse na ako sa GF ko pag nagkataon. hahaha.

25 04 2012
badoodles

Haha. Batok malamang aabutin mo bro.

24 04 2012
The Gasoline Dude ™

Mahal magpakasal. Mahal magpaaral ng anak. Mahal ang bilihin. Lahat na lang mahal! Sa akin na lang walang nagmamahal… *pasok Gary Granada song*

25 04 2012
badoodles

Gasul! Kalain mo andito pa din tayo. Last man blogging ba to?

24 04 2012
itsyowtime

Ang ganda nung pre-nup picture. Pre-nup nga ba yan?

Ngayon nga, mag-syota pa lang ‘private property’ na din e. Ang mga babae, lumalaking madidimot, di marunong mag-share ng biyaya. Haha. Sa barkada ko, ako siguro yung Maeng, not to the point na magpapari pero basta mukha lang mabait. Haha.

Si Anne Curtis for obvious reasons o kaya si Kaye Abad.. Pag nagkaganun, kahit magdimot sila okay lang.

25 04 2012
badoodles

Pinag iisipan ko ding pakasalan si kaye abad mukhang wife material kaso inunahan ako ni chito miranda. Haha

24 04 2012
L

nung isang araw, tinanghali ako ng gising gawa ng nakipag-inom ako sa mga ka-wavelength. ang usapan namin ni dude, sabay kaming magla-lunch; kaya hindi ko na kinain ‘ung chicken fillet na libre nung nag-beerday para makaabot ako sa lunch date namin.

pagdating ko sa o-pissed-sina, wala na si dude. nakipag-taguan pung siya sakin maghapon mula kahabaan ng ayala, landmark, greenbelt, glorietta, hanggang sa makarating ako sa makati avenue; parang teleserye, kinailangan ko siyang suyuin ng dalawang araw para lang mawala ang pagtatampururot.

oh gels! what are we without them?

p.s. ang totoong dahilan kaya hindi ko nakain ‘yung napakalaking chicken fillet ay dahil naramdaman ko nang magpapatuka ako sa mga pato. pero seryoso po talaga ‘kong tuparin ang lunch date pramis ko kay dude.

meron akong ultimate crush na celebrity na pasok sana sa survey question mo, ser. pero dahil baka magtampururot ule si dude pag nabasa niya kung sino ‘yun, hindi ko na lang sasabihin. aylabyu dude ko! XOXO

25 04 2012
badoodles

Hirap pa naman manuyo. Haha goodluck bro.

25 04 2012
Dorm Boy

Marami na rin nagpapakasal sa mga friends ko… at me trophy na rin sila…

Gusto ko pakasalan? Siguro… si Georgina Wilson! =)

25 04 2012
badoodles

Pwede!

25 04 2012
IKAY

pero manong eh Hindi bat ang mga lalaki naman ang ngtatanong sa mga babae ng “will you marry me”. oh so ibig sabihin ang mga lalaki ang may gusto ng kasal… hehehe

welcome back super badoodles!!

25 04 2012
badoodles

Scripted lang yun wala talaga kaming choice. Haha. Lusot ba? Hi ikay.

25 04 2012
b0gz

Tama regalo ang lalake sa babae..Kaso ung iba, yung niregalo sakanila, nireregalo din nila sa iba pag gipit na haha. -gusto ko pakasalan si yeng c0nstantino..\m/

25 04 2012
badoodles

Mukhang mahirap i conquest si yeng, pihikan.

25 04 2012
goyox1989

Huking inang kasal ‘yan! Sarili ko nga hindi ko pa rin kayang buhayin, ibang tao pa kaya! So, iyot iyot na lang muna tayo. With love syempre.

Wala akong crush na artista. Pero feel kong iyutin si Kris Aquino. Iyot lang. Madaldal, eh.

25 04 2012
badoodles

Bastos! Haha. Napanaginipan ko din yang si kris, di ko alam bakit. Repressed feelings?

25 04 2012
apollo

mas madami ang babae kesa sa lalaki tapos madami pang lalake ang nagiging babae. so tama ka na biyaya sa sanlibutan ang mga lalake. hehehe!

25 04 2012
badoodles

Yeah!! Rakenrol!

25 04 2012
smilelikeyouwereneverhurt

nabuhay nanaman ang makabuluhang blog mo… natawa ako ng malakas… hahahah…as LOL… mabuhay ka Badoodles…

25 04 2012
badoodles

Yung nakakatawa pwede, yung makabuluhan kwestiyonable. Hehe. Thanks sa pagbasa.

25 04 2012
JM

sir badudels! as usual wala ka pa rin kupas. kaya wala ring kupas ang pagbabasa ko ng blog mo. hihintay ko ebriday na magkaron ka ng post na bago. hehe. AYOS!!!

16 05 2012
badoodles

tenkyu jm. ngayon ka lang nagcomment kung tama ang memorya ko.

25 04 2012
Jenny

si kaye abad hiwalay na sila ni chito miranda, may ibang gf na si chito si neri naig. LOL

mahal nga ang magpakasal ngayon pwede munang i downpayment ng house and lot. haha

16 05 2012
badoodles

neri naig yun yung maganda din di ba. salamat sa showbiz balita.

25 04 2012
lovelesspoet

sa totoo lng sa panahon ngayon ang hirap mag-sustain ng maayus at masayang married life. financially, dapat stable. prang lahat progresses well kpag may pera. e hindi nman lahat ng nagpapakasal ngayon niri-regaluhan ng house and lot o condo unit man lang. si sir badoodles nga kailangan pa makisalamuha sa mga kangaroos at ipakita ung dede niya bago makalipat sa kaniyang mansion. at lately nga tinyaga na cya maging speaker ng mga walang kamuwang-muwang na mga estudyante. napansin nyo ba? lahat ng graduates naka-tungo isa lang ung nakatingin sa kaniya.

crush ko si ms. annie kurtis [tawag nung matandang contestant kahapon]. spontaneous ksi siya. kaya lng nung kinarir ung pagkanta bad trip na ako. sbi ksi nya once lng.

27 04 2012
Maldito

reminds me na dapat na rin ako humabol…timing tag init din naman.ahahhaha….

eh bakit mukhang maraming nagkakagusto kay kaye? count me in. ahahah

28 04 2012
jojitah

so kasal-kasal ang usapan dito?! ewan. hahaha! ang bitter.

gusto kong pakasalan si Jun Sabayton. dati ayoko sa may bigote e pero dahil bisyo niya ang umibig palagay ko magkakasundo kami. :))

salamat naman at nagbablog ka na ulit, rex [naks lakas makafeeling-close].

16 05 2012
badoodles

jojie close naman talaga tayo di ba.

29 04 2012
arvinlike

kasal nga nmn oo!! kawawa tlga ung mga lalaki, lagot ka pagnakita kau ng magulang ng jowa mu mgksama (lalo na pag galing SOGO hotel)lol,,, corner ka na nun, sabihin sau “iho panu yan iniyot mu na anak ko aba panindigan mu yan”

yari ka!!! “lol”

1 05 2012
palakanton

mhal tlga ang magpakasal.
ntawa nman ako dun sa pag nag i luv u ka iisipin kgad my kasalanan pero tma nga nman…
tma din na tayong mga lalaki ay kelangan i-share.

13 05 2012
Paps

hoy! nabuhay!

16 05 2012
badoodles

hoy paps!

16 06 2012
Sesaryo

Kung totoong ang mga babae lang ang gustong magpakasal at gawing private property ang mga kalalakihan, bakit ang mga lalake ang nagpopropose? =))

Artistang pakakasalan? Kung mangangarap nalang din naman ako, yung malaki na. Emma Watson!

29 08 2012
Manong Unyol

hehehe nakakatawa nman 🙂 ayos ang ganda

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: