Episode 4. Lazy Boy

25 05 2012

May mga araw na tinatamad  ka, gusto mo lang talagang tumunganga, humilata at magpalaki ng betlog.  Minsan sa opisina bigla akong tinamaan ng lintek na katamaran, gusto kong matulog sa ilalim ng cubicle ko.  Office hours nun.  Tinimbrehan ko na ‘yung kaopisina ko na magpa-power nap ako sandali.  Ok na sana ‘yung pagkakapwesto ko kaso maya maya, nasarapan ako sa pagtulog napalakas na ‘yung hilik ko.   Narinig ng isang bosing namin na napadaan.

Bosing1:  Ano ‘yun?  May umuungol o?
Opismeyt:   Wala boss.  ‘Yung pusa ‘yun. *sabay sipa sakin.
Bosing1:  Meron di niyo naririnig?
Ako: Miyaw!  Miyaw!

Muntik nakong mahuli shyet.  Kaya ngayon inaaral ko na pano lumikha ng hilik na parang pusa.  At hindi siya madaling gawin.  Miyawh.  Miyewrrhh.  Miyu-owhhrrr.

Pero nakakabanas din ‘yung nagpipilit kang magtrabaho kahit wala ka ta-mod.  [*Buyoy ako].  Di mo man lang irespeto ang sinisigaw ng katawan mo na ‘gimme a breyk bosing’.    Naisip ko nga kung ako magiging presidente ng Pinas, magdedeklara ako ng National Day of Tunganga, ang araw na legal lang ang tumunganga sa opisina.  Hindi na natin kelangan i-celebrate ang Labor Day dahil sawang sawa na tayo sa kakatrabaho.  At hindi mo dapat pinagdiriwang ang Labor Day, di ka laborer.  Lalong di ka din nagle-labor.

Malaki ang nagagawa ng katamaran sa ating lipunan.  Biruin mo kung hindi tayo tamad, maiimbento ba ang mga bagay para sa mga taong tamad tulad ng washing machine, elevator at Jollibee delivery?  Pati nga ‘yung pag-aasawa kinatatamaran na din.  Kung sino na lang ang dumating sa buhay, ‘yun na agad ang pakakasalan.  Love at first sight?  Kamon. Kombins me.

Pinag-uusapan na din lang ang katamaran, ang pinakaayaw kong gawain sa bahay ay ang maghugas ng pinggan.  Lagi akong nagpapalusot para di mautusan ni misis.  Sinasabi kong ang paghuhugas ng pinggan ay gawaing pambabae.  Kaya ang tawag sa dishwashing liquid ay Joy — pangalan ng babae.  Kung gawaing panlalake sana ‘yan, di sana tinawag ‘yang Dagul Dishwashing Liquid.  Hindi kumbinsido si misis.  Eh di gumamit daw ako ng Mr. Clean.

Katamaran din ang dahilan ng hindi ko pagba-blog ng isang taon.   Aminado naman akong palusot ko lang ‘yung busy ako sa trabaho.  Oo busy akong matulog.  At kahit pa busy sa trabaho, siguro naman sa isang taon na ‘yun meron at merong oras akong mahahanap para makapag-blog.  Pero wala, tinamad.  Sabi ko nga, ‘Kung gusto maraming paraan, kung ayaw… tamad lang’.

Tanong:  Ikaw, anong pinakaayaw mong gawaing bahay?

PS.  Big big tenkyu kay pareng Danny ng lovelesspoet.wordpress.com sa pagpapaalala saking mag-blog ulit.  Kaya kung nakakalimot ako o tinatamad akong mag-blog, siya ang sisihin niyo hindi ako.  Haha.

PS Ulet.  Wag niyong bisitahin ‘yung blog niya.  Walang laman.  Haha.

Piktyur 1.] Cubicle ko.  Swerte ko ‘pag may naipupuslit akong momom sa opisina.

Advertisements

Mga Tugon

Information

16 responses

25 05 2012
L

dahil flexi-time dito sa o-pissed-sina, may mga pagkakataong half-day na lang ako pumapasok. tapos ang palusot ko, nag-fieldwork ako sa client kaya ganun. hindi pa naman ako nabubuking hanggang ngayon. dahil hindi talaga nawawalang paminsan-minsan eh dinadalaw din tayo ng katamaran sa trabahong nagpapalamon satin.

pero kung isasama ko naman siguro ‘yung wantusawang OTY pagkalembang ng 5:30 na madalas sa hindi eh inaabot ng ala-una ng madaling araw, bawing-bawi ang pinakamamahal kong kumpanya sa mga tulad kong alipin sa gilagid. yeah right, i’m rationalizing. hehe.

ang pinaka-ayokong gawaing-bahay eh ‘yung gawaing-bahay na iniuutos sa’yo ng ermats mo habang sarap na sarap kang nagpapakabatugan sa harap ng tv.

p.s. binisita ko crib ni ser danny. wala ngang laman.

26 05 2012
Bulandit

Ciao badoodles. Sana lage kang bulabugin ni sir danny pra ipaalala saung mgblog palage. Entry mu lng kz hnihntay q lage. Wla kzng mkpantay s galeng mu mgsulat, nghanap aq pero wla tlga. Ikaw lng ang nkkapag pautot s akin s pgtawa. Kahit maging ututin p aq ayos lang, mgblog k lng plage. Hehehe, slamat ng mdami.

Kinakatamaran kong gwaing bahay e mgtiklop ng nilabhan. Tik na yan, nilabhan n nga, ittiklupin pa.

26 05 2012
IKAY

madalas din mangyari yan sken sa office ngnanakaw ng power nap…hehehe!

sa trabahong bahay di ko masyadong trip ang mamalantsa nakakaubos kc ng pasensya…hehehe

26 05 2012
danny

…hehe salamat din po sir badoods s pagbibigay ng aliw. at least kmi kpag tinatamad may nababasa. kaw wala. kya dapat magsipag kang gumawa ksi dmi kmi tinatamad na followers mo. sbi nga ng lola ko balik ko na raw bakya nya. sbi tsaka n lng kpag cgurado ng dna tatamarin c sir badoods.

…hirap tlga umistayl ng tulog kpag cubicle ang office. unless may lahi kng syokoy pwede nakamulat khit tulog.

28 05 2012
filipinonoy

hahaha,nakakatawa namn yung last lines….

30 05 2012
Axel

Basta ayokong mautusan sa bahay.. lol

1 06 2012
Paps

sana maging presidente ka ng mag karoon ng national tunganga day!

9 06 2012
danny

…psst, idol, nalampasan na venus ung araw, kaw wl pa ring update? hala.

20 06 2012
kotsengkuba

ang pinaka-ayaw kong gawaing bahay e magluto tapos makikikain yung mga kasama mong makunat pa sa inuyat.

welcome back to me badoodles, lurker mode here. sobrang bagong buhay na e.

20 06 2012
danny

…ako e pinaka-ayaw kong gawain ung mangulit ng mangulit na mag-update sa mga tamad na blogers.

8 07 2012
Pareng Jay

yoko din maghugas ng pinggan. ewan ko ba. sulat ka pa pre.

2 08 2012
b0gz

Katamad magtupi ng damit ng iba. Dko alam kung panty ba ni mama, ni ate, o ni papa ung tinutupi ko..Tapos, Yung kay mama madalas ko pa maihanay sa mga damit nung bata. Pakshet. Akala q maliit na daster kc.

25 09 2012
KapitanOwsam

ako ayoko lahat… naghihintay lang ako ng grasya… nays kala ko mabubulok na to sa tagal ng update *apir buhay ka na ulet? ahaha

23 11 2012
cutie cute cute

asan ung episode 3?

22 05 2013
Lloyd Lopez

nakakarelate ako ng subra. hehe

maghugas ng lahat ng ginamit ko sa pagluluto at pinagkainan.

katamad magBlog

9 09 2013
Warren Ayag

sir..gwa kpa ng madami ha! jeje

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: