Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I

17 01 2014

Lumampas ang 2013 na wala man lang ako kahit isang blogpost.  Pasensya na mga kapatid sa blogosperyo sobrang busy ng buhay.  Di nako sumubok mangibang bansa ulit, ok naman ako dito sa Pinas kailangan doble kayod na lang.

Anong balita? Eto nagtatrabaho pa rin ako sa eroplanong mahilig magpiso sale.   Sa inyo ko lang sinabi kasi ‘yung ibang kamag-anak ko pag nalalaman, imbes na ang bati sakin  ‘Oy kumusta ka na?’ ang tinatanong ‘Kelan piso sale? Sabihan mo kami pag promo’.  Pa-tiketan mo na din.  Tsaka sa susunod na lang ‘yung bayad.  Huwayup.

Medyo tumaas na din ng konti ang ranggo ko sa opisina.  Kung dati ako lang ‘yung tagabili ng ulam sa kanto, ngayon binigyan nako ng mga tao ng boss ko – tatlong IT senior consultants tsaka isang bagitong programmer.  ‘Yung tatlo eksperiyensado na sa industriya kaya may mga sungay na, ‘yung bagong programmer naman di pa tinutubuan pero malapit na.  Okay lang isa lang naman ang management practice ko:  ‘Resistance is futile’.

At ang pinakadahilan kaya wala na din akong oras makipagkerengkengan sa inyo ay dahil meron na akong munting raket.  Ano pa bang pinapangarap nating mga empleyado kundi magkaroon ng munting negosyo onda side.  Meron na akong photo, video, saka photobooth.  Kung may oras kayo, pa-like na din –> http://facebook.com/speciallifeevents.  Murang mura.  Wala nang mumura sa pagkamura.  Haha. [Panalo maka-segue way]

Pero dami ko ding pinagdaanang epic fails bago ko nahanap ‘yung negosyong para sa ‘kin.  At para di mo danasin isi-share ko ‘yung mga natutunan ko:

Learn.  Common sense na ‘yung aralin mo ‘yung negosyong gusto mong pasukin pero ‘yun ‘yung basic rule.  Basta aral lang.  Sali ka sa mga grupo na malapit sa negosyong papasukin mo – Alyansa ng Maglalako sa Pinas mga ganun.  Mag-enrol.  Kung walang pang-enrol, mag youtube.   Mag-google. At bawasan ang panonood ng balita dahil puro patayan at nakawan lang mapapanood mo dun wala kang matututunan dun.

Just Do It.  Problema sa ‘tin gusto nating magnegosyo pero laging may palusot  na ‘saka na pag may puhunan’ o kaya ‘kulang pa kasi gamit ko’.  Natutunan ko ‘to kay misis.  kung ano lang ‘yung meron ka ‘yun muna ‘yung gamitin mo para magsimulang magnegosyo.  May cellphone ka?   Magloading business ka muna.  ‘Pag may ipon na, lipat ka na naman sa mas malaking kita na negosyo hanggang maabot mo ‘yung gusto mo.  Si misis nag-umpisa lang magbenta ng ice water sa bahay.  Ngayon dalawa na ‘yung ref niya may kasama pang softdrinks at munting tindahan.  Tawag ko sa kanya ngayon hindi na maybahay, maytindahan na. Di na masama di ba?

modelshootGame face on.  Kelangan kapalmuks ka din.  Konte lang.  Kung hindi, kahit pekein mo na lang.  Gusto kong raket ‘yung pagko-cover ng kasal.  Ang problema wala namang kumukuha sa ‘kin dahil wala pa ‘kong portfolio.  Ang ginawa ko, nag-gate crash ako sa kasal sa Tagaytay.  Mga dalawang beses ‘yun.  Walang bayad.  Nagpapaalam naman ako sa groom kaso ‘yung official photographer nagtataka lang kung sino ako.  Tapos pakaway kaway pa ‘ko sa groom and bride para kunyari close kami.  Pagkatapos nun, sunod sunod na ‘yung tanggap ko.  Naka-walong kasal din ako nung nakaraang taon.

Outsource.  Uso ngayon ang outsourcing kaya madami nang call centers ngayon.  Kung nakaluwag ka na at pwede mo nang i-outsource, i-outsource mo para makapagconcentrate ka kung ano ‘yung pinaka-skillset mo.  Halimbawa sa photography.  Kung pwedeng i-outsource mo na ‘yung pagsesetup ng gamit, kumuha ka ng tao para magsetup para sa’yo [aka assistant] gawin mo.  Pati nga pag-ihi kung pwede ko lang i-outsource, inoutsource ko na din.

Part I lang muna at ‘yan lang ang kinaya ng oras.  ‘Pag nakaluwag ulit.  Pasensya na wala akong baong jokes ngayon.  Hindi naman talaga ako joker.  Natatawa ka lang dahil malikot ang utak mo.  Ang totoo, may seryoso akong blog.  Tsek mo na din.  Segue way number two pasookkk!:

http://kuripotmode.wordpress.com

Di ka nga lang matatawa pero madami kang matututunan.  Pano maging kuripot ngayong malapit na ang World War Z.  Di mo nga lang magagamit ang limpak limpak na pera mo pero pwede mo ding ipambato sa mga zombies.

PS.  Pinapa-sponsor ko nga pala ang blog ko.  Isanlibo isang taon.  Pambayad din ng domain name registration ng kwentongbarbero.com para makatipid.  Anong kapalit?  Ilalagay ko ‘yung banner mo sa right side.  Tsaka libreng kiss.  Isasama din kita sa dasal ko kung gusto mo.

PS2.  Bihira akong magdasal.

Piktyur 1]  Unang sample shot ko nung sumama ako sa isang grupo ng mga photography hobbyists Photography Passion Club of the Pilipins para matuto magpiktyur.  NikonD40 pa ‘yung gamit ko dyan.

Advertisements

Mga Tugon

Information

25 responses

18 01 2014
Nelson

huwayup! dito lang talaga sa crib na ‘to ako hindi nahihiyang mag-base. kaya…base! hehe. kumusta na bossing? mukang bumibigat na yagbols sa dami ng raket ah. pinag-iisipan ko ngang maige kung alin ang may mas malaking ROI: magtayo ng sariling negosyo o mag-invest sa stock portfolios. watcha think?

kuripot din ako kaya swak na swak sakin ang bago mong blog. and iz in engrish huwayup!

welkambak ser!

18 01 2014
IKAY

Welcome back sir bossing! Naks kumikitang kabuhayan n pla ang peg mo ngayon…good luck sa bagong take mo po.. ^__^

18 01 2014
badoodles

@nelson long time no hear parekoy. ang dahilan kaya ako nagbukas ng bagong blog e para lang talaga magpraktis ng aking englishing.

depende sa sitwasyon mo ngayon, kung may extra time ka, magbukas ka na ng negosyo. kung wala stock investments muna. pwede din sabay kung kaya ng pisi.

18 01 2014
badoodles

salamat sa pawelkam ikay. musta buhay buhay?

22 01 2014
Dino

Gusto ko yung libreng kiss hehe. Napakalaking realization ang naidulot ng post na ito, na-move ako at napaisip. Hindi ko alam kung paano. Basta, salamat sa post. Na-inspire yata ako.

24 01 2014
badoodles

@Dino kalain mo may nainspire nako. yata. thanks bro.

23 01 2014
Fredster

Idol! I’m an avid reader and followr of your ‘pasulpot-sulpot’ blog hehe. Tumawag ako dati sa speciallifeevents nung bday ng anak ko, nagpa quote ako for PV coverage. Yung quote sa kin kasama yung 15pcs 4R print out (on the fly). Nakausap ko yung Rex, ikaw pala yowwwwnnn!!!! Sayang!!! – Daddy Fredster

24 01 2014
badoodles

salamat daddy fredster. at sana hindi na pasulpot-sulpot na blog. pwede na kahit parang mens lang – may regular na dalaw kada buwan.

26 01 2014
hitokirihoshi

pareho pala tayo ng peg ngayon at pareho kami ng principle ng misis. in short appear!

3 02 2014
badoodles

*thumbs up na may kasamang apir

20 08 2014
Russelle Lovedioro

namiss ko tong barbero na to haha..

11 09 2014
steam shower sauna

Lots of superb advise on this site, want to have a steam shower unit within my
bathroom

13 09 2014
Richardkempton.Jux.Com

Read the articles on the website lots, hoping to take the plunge in the near future and get a steam shower cabin, very likely just after the holiday season

19 09 2014
journalquebecpresse.org

Fantastic page, been browsing forever for tips on the perfect rattan furniture pieces for our home and in our back garden. This site truly helpedgreat blog some great info here

29 09 2014
Fat-Burning Back Workout Exercise Review

Thanks for your personal marvelous posting! I genuinely enjoyed reading it, you will be a great author.
I will be sure to bookmark your blog and may come back later in life.
I want to encourage continue your great
writing, have a nice day!

30 09 2014
www.newelectronx.com

I like the valuable information you provide in your articles.
I’ll bookmark your weblog and check again here frequently.
I’m quite certain I will learn many new stuff right here!
Best of luck for the next!

1 10 2014
steam shower spares

This looks similar to my own shower enclosure my family and i got
a hold of recently, very satisfied about it for any person found on the fence in regards to
getting one, get it done, you will not be sorry

6 10 2014
putuglo.wordpress.com

continuously i used to read smaller articles or
reviews that as well clear their motive, and that is also happening with this areticle
which I am reading now.

9 10 2014
kody do gry zoo tycoon 2 wymarle gatunki

Magnificent beat ! I would like to apprentice while you amend your website, how can i subscribe for a blog web site?
The account helped me a acceptable deal. I had been tiny bit acquainted of this
your broadcast provided bright clear concept

15 10 2014
rounddinner6822.snappages.com

I tink this is among tthe such a lot vital information for
me. And i am satisfied reading your article. However should observation onn few normal things, The webb
site style is great, the articles is actually excellent :
D. Juust right activity, cheers

18 10 2014
ช่างภาพรับปริญญา

Hello, after reading this awesome paragraph i am as well cheerful to share my know-how
here with colleagues.

23 01 2015
Wheel Nut Lock

Wheel Nut Lock

Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I | badoodles.wordpress.com

7 03 2015
Jura Capresso

Jura Capresso

Episode 5. How to Start a Business (Guerilla Mode) Part I | badoodles.wordpress.com

12 05 2015
magick power course free

Mammoth bonfires were created on Beltane in Ireland, on the Isle of Man and in Scotland.
Others are also manipulated into sinful habits like drinking, stealing,
prostitution, etc, and will be ultimately destroyed.
Although the witches and warlocks have been very widespread in history,
there are times when they are shown in a more negative light.

20 05 2015
Celulitis Nunca Mas.Pdf

We can’t actually turn fat in to muscle, but we can tighten our skin for a smoother appearance.

You will need to eat refined meals, consume more fruits, vegetables,
and grain products. Now take a look at everything that you can gain from implementing this strategy,
you lose fat, you blast away all of that cellulite and now you look and
feel great and don’t have to be embarrassed or ashamed at how your thighs look
anymore.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: