In A Day’s Work

8 03 2008

Anhirap maipit sa trapik.  Andun ka sa lang upuan mo habang inaantay mong maubos ang iyong napakaimportanteng oras sa napakawalang kwentang bagay.  Kung meron mang makabuluhang pwedeng gawin habang nasa trapik, ‘yun ay ang pamamasyal ng daliri sa ilong at perpektong pagbilog ng kulangot para maging hugis sago.  At pag hindi perpekto ang pagkakabilog, pwede mong ipahid sa katabing upuan para may isa na namang kaluluwa ang mapapasigaw ng ‘Hesusmaryosep’ at muling manumbalik-loob sa panginoon.  Meron ka na namang isang kaluluwang naisalba.  Plus point ka kay Papa Jesus pag ganun.   

Pagkatapos ng trapik ay mahaba-haba namang lakaran papuntang opisina.  At sa tulad kong nasa Makati,  hindi ka pwedeng magmadaling tumakbo.  Guwardiyado ang bawat kilos mo at may mga K9 units sa bawat kanto.  Pag tumakbo ka at may pasaway na sumigaw ng ‘Magnanakaw!’, malas mo, dahil ikaw ang kauna-unahang almusal ng mga asong mas malaki pa kay Scooby Doo. 

Mamya madadaanan ko ulit ang mga bulag na kumbatsero na tumutugtog ng mga kantang kapanahunan ni Kuya Germs sa ibaba ng Landmark Makati.  Maghuhulog ako ng piso sa donation box kasabay ng isang payak na panalangin na sana bukas, ibang awit naman maliban kina Imelda Papin at Aegis ang kanilang awitin.  Pwede naman ang ‘Hit Me Baby One More Time’ ni Britney Spears o kaya ay’Kagat Labi’ ng Eat Bulaga.  ‘Yung isang tambolera nga nila alam kong may potential, pwedeng ipangtapat sa drummer ng Kamikazee.  Paniwala ko kasi, kahit mga bulag, may karapatan ding mag-showbiz.  Sabi nga ni Happy Slip, ‘Fame is being at the right place, at the right time’.  At malay mo, dagdagan ko pa ng dalawang piso ang hinuhulog ko.   

At pagdating sa opisina, pukpukan na naman sa trabaho.  Suwerte ng kumpanya ko sa akin.  Saan ka pa makakahanap ng tulad kong mabait, matalino at kapaki-pakinabang.  Di tulad ng boss kong pumapasok lang sa opis para maghapong ngumatngat ng butong pakwan.   

At sa maghapon, kelangang makibagay sa iba’t ibang klaseng tao meron sa opisina.  May mga taong di makatingin ng diretso pag kausap.  Ganung ganun ‘yung isa kong kaopismeyt.  ‘Uy musta na?  Life is great ‘no?’, tuwang tuwang kinakamayan ako habang sa kisame nakatingin.  Gustong gusto ko ngang hawakan sa ulo at iayos ang direksiyon.   

At pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina, muling sasakay pauwi, at magbakasakaling hindi matatrapik, tulad ng pagbabakasakaling pumuti ang betlogs sa patuloy na paggamit ng papaya soap.  Asa ka pa.  Muli, mangungulangot at magsasalba ng kaluluwa.  Kung hindi naman trip ang magpahid ng  kulangot sa katabing upuan, pwede mong ipahid sa panyo ang mga nalikom na kulangot at gawing ‘connect-the-dots’ mamya pagdating sa bahay pag di ka na busy.  Malay mo makabuo ka ng isang hugis giraffe, may maituro kang kapakipakinabang sa pamangkin mo tungkol sa kalikasan.  Maliban sa pag-dial sa ilong, wala na akong maisip na ibang pwedeng magawa pag trapik.  Owell, pwede kang mag-imagine na katabi mo lahat ng miyembro ng EB Babes na pinapaypayan ka, minamasahe at sinusubuan ng ubas, pero dahil nagbabasa nitong blog ang BebeKo, sasabihin kong hindi ko gawain ‘yun. 

Advertisements




Random Kindness

16 01 2008

 Kelangang pumasok ng maaga sa opis.  Tapos na ang mahabang breyk kaya rush hour na naman ‘to na walang katapusan.  Maaga pa lang pero punuan na ang mga bus papasok.  Buti na lang may naupuan pa rin.ako.  Em jas beri lucky today.  Kaso sa may bandang Susana Heights , may humabol na sumakay.  Nagmamadali si lola.  Isa-isang tumingin sa mga pasahero si lola, naghahanap ng mauupuan.  Walang gumagalaw.  Ngayon ko lang na-realize, yari pala sa bato ang betlogs ng mga taga-Maynila.  Wala talagang may gustong tumayo at magbigay ng upuan.  Tangena, mukang pangatlong araw ko na ‘tong bibinggo sa pagbibigay ng upuan.  Hindi muna ako gumalaw, naghihintay kung sino ang ma-touch move. 

Nung Lunes, may sumakay na tatay na nakasaklay kasama ang anak, binigay ko na ‘yung upuan ko dahil nahihirapan akong tignan ‘yung itsura ng tatay na akay-akay ang anak, nakatayo, at may mga nakatusok na mga bakal sa paa na kasinhaba ng antenna.  At dahil good boy ako nung araw na ‘yun, hindi ko na rin tinanong kung kaya bang makasagap ng tv reception ‘yung antenna nya sa paa.   

Martes, pauwi na ako sakay pa rin ng bus, may mag-asawa namang sumakay.  Dahil punuan na, sa sahig sila naupo malapit sa driver.  Lasing ‘yung lalake at nagpupumilit bumaba.  Kung anu-anong sinasabi.  ‘E kung gustong ibangga ‘to ng driver, pati tayo patay’.  Wow. Frustrated madam auring ata si manong, nangengealam sa gustong gawin ng driver.  At dahil naiistorbo ako sa aking seryosong pangungulangot, nilapitan ko ang mag-asawa at tinanong kung gusto nila ‘yung upuan ko.  Hindi ako mabait.  Gusto ko lang makakita ng dalawang senior citizen na nagkakandungan sa bus.  At nangyari nga ang gusto kong mangyari.  Ang erotic pala nila. 

Miyerkules.  Ngayon.  Duduling-duling pa ‘yung mata ko sa magdamagang panonood ng korean porno kagabi at di pa nakakarekober ng husto.  [Nadiskubre kong sagrado pala ang bulbol ng mga Koreana at Haponesa kaya hindi nila ito tini-trim.  Buti na lang pala at hindi ganun ang pananaw nating mga Pinoy.  Kung nagkataon, malamang pinaparada natin ang mga sagradong bulbol sa araw ng kapistahan habang pinupunas-punasan ng puting panyo ng mga deboto.]  Punuan pa rin ang bus.  At sumakay nga si lola. Nasa bandang looban ako kaya safe, sa isip ko.  Padedma epeks na lang  akong tumingin sa bintana.  Hayzz, ang ganda ng tanawin.  At anlambot ng upuan.  Dalawang oras akong makakatulog nito at mag-iimagine ng kung anu-ano.  Maya-maya, hindi pa nakakalayo nang pumara si lola.  Hindi yata kaya mag-standing position kaya bababa na lang daw.  Taragis talaga ‘tong mga kasabayan kong city boys.  Wala man lang nagbigay ng upuan.  Hindi pala bato ang betlogs ng mga taga-Maynila.  Yari ito sa adobe, at ang kaliwang betlog naman ay yari sa bakal.  Dahil nga hindi ko naman maatim na bumaba si lola, binigay ko kay lola ang aking ‘precious’ na upuan at bubulong-bulong na tumayo. ‘Papa Jesus, utang mo ‘to sa akin ah, sana may gumanti din ng kabutihan sa lola ko kung asan man siya ngayon’.       

Dalawang oras akong nakabitin sa estribo. Patulog-tulog habang humahampas ang katawan sa north-east- west-south na direksiyon.  Buti na lang hindi umariba ‘yung ‘morning sickness’ ko, ‘yung bigla na lang titigas ang etits lalo na pag malamig ang paligid.   Scandalous.  Nangyari sa akin ‘yun last week kaya nakaupo lang ako sa bus hanggang lumampas ako sa aking destinasyon.  Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking potoytoy at sinabihang, ‘Huminahon ka.  Wag kang padalos-dalos sa iyong nararamdaman.  Infatuation lang ‘yan!’. Kailangan kasi ng diplomasiya dito.  Hindi ito nadadaan sa pagpitik dahil lalong lumalaki.  At sa mga katutulad kong nakakaranas ng ganito, malaking tulong ang palagiang pagdadala ng bag para pantakip sa harapan.  Oo, ang backpack ay dapat ginagawang frontpack.   

Isang tapik sa balikat ang gumising sa kin.  ‘Lord ikaw ba yan’, automatic na sagot ko.  Si lola pala, pababa na sa bandang Guadalupe.  ‘Anak, salamat ha’.  May kasamang ngiting nagsasabi ng ‘Yowr my hero talaga’.  ‘Okay lang po ‘yun’.  Nakakatanggal talaga ng ngalay ang simpleng pasalamat.  Dahil malapit na, hindi na rin ako umupo.  Tumayo na lang malapit sa driver na nagtatanong.  ‘Bos, san ka ba?’.  Tinuro ko ‘yung malapit sa tabi ng nagtitinda ng mani, ‘Dun sa tabi’.  Alam kong hindi nagbababa dun ang mga bus, sa kabila pa ang babaan mga isang kilometro tapos nilalakad ko na lang pabalik.  E tinanong nung driver, sinagot ko lang.  Kaya nagtaka ako ng binaba ako sa saktong lugar.  ‘Sige na bos, okay lang ‘yun, para sulit naman ‘yung pagtayo mo ng matagal’, natatawang sabi ng driver.  Natawa na din ako.  ‘Sige salamat din’.   Hehe.  Naisip ko, hindi ko pala kailangang gumawa ng isang higanteng kabutihan para maging perpekto ang galaw ng mundo. Mali ‘yung iniisip ko na walang nakakakita sa ginagawang kabutihan ng tao.  Hindi lang ‘yung nasa taas ang nakakakita, pati ‘yung mga nasa paligid mo, north-east- west-south na direksiyon.  Na-realize ko, madaling makahawa ang isang simpleng kabutihan.  Baka nga sa ginawa mo o gagawin mo ay naka-inspire ka pa ng iba.  Hayyzz, it’s a good day today.    





Strangers in the City

3 01 2008

Ang Pinoy pag nakasalubong mo at inunahan mong batiin, ngingiti at ngingiti ‘yan.  Mamya na mag-iisip kung saan lupalop ka ba talaga niya nakilala.  “Wer da hell did I meet dat sheet?”.  Dugo-dugo gang kaya ‘yun? Madapacking sheet, siya ba ‘yung pumisil ng pwet ko sa pila ng sakayan?  Baka siya ‘yung nang-snatch ng cellphone ko, nangingiti kasi nakita na niya ‘yung mga sikret video scandals ko nakupo!  Madalas ‘pag nababato ako on my way to opis, nagti-trip akong kumaway o mag- gud morning sa mga nakakasalubong sabay tawag ng ‘Unkyel o Auntie’.  Makati is a city of strangers, they’re just there to do business, nothing more.  Kaya gustong gusto ko ‘yung weird expression nila pagkatapos mong batiin.  Tapos dahan-dahang ngingiti na rin.  Bahala silang mag-isip kung san nila ako nakilala dahil di naman talaga nila ako kilala.  He he.  Kung minsan, nakikipag-it-bulagaan ako sa mga makukulit na bata sa loob ng bus.  ‘Yung mga bata ‘pag kinulit mo, tawa na ng tawa, hindi naman ako si Kokey.  That just makes my day. 

Dami na ring nangyari sa ‘kin dito sa Maynila.  Sa araw-araw na kasasakay ng dyip at standing position sa bus, nagkaroon na ako ng masteral studies sa amuyan ng kili-kili.  Alam ko na kung gumamit ng Old Spice ‘yung katabi ko, Secret o kaya kalamansi na binudburan ng tawas.  Mortal enemy ko lang talaga ‘yung mga amoy putok.  Di ko alam kung mabaho sila o talagang maluwang lang ang ilong ko.  Anlalaki rin ng bilbord ni Kris Aquino dito, kitang kita ko na ‘yung malalaking pores nya sa mukha.  Ansarap tirahin ng dart at gawing dart board. 

Sa isip ko dati, pag nakatungtong na ‘ko sa Maynila, hahanapin ko si Pong Pagong.  Lumaki ako sa mga kwento ng Batibot.  Kaya hanggang ngayon, nagbabatibot pa rin ako.  Hindi ko na nasundan ang lab layf ni Pong Pagong.  Sabi sa kin ng siraulo kong pinsan, nakapag-asawa si Pong ng isang hot chick sa Amerika.  Suspetsa ko, baka nga tatay ng Teenage Mutant Ninja Turtles si Pong Pagong. 

Number one lesson dito, hindi mo hawak ang buhay mo. Hawak ng driver.  Ito ‘yung tipong, if the driver messes up, he’s messing up your life.  Tatlong klase lang ang mga tao dito – Adik, airheads o tulad kong mabait.  Adik ang tawag ko sa mga nakakatabi ko sa bus na sarap na sarap mangulangot sabay pahid kung saan saan.  Walang manners ang mga putek, at least ako binibilog ko.   

You also get amazed of the things you can get used to.  Sa araw-araw na buhay, ordinaryo na sa paningin ko ‘yung mga pulubing  pakyut,  rugby boys na hip hop,  at mga MMDA na nagsasabi ng ‘Ser, pangkape lang’.   Bakit ba hingi sila ng hingi ng pangkape?  Pag minsan hiningan ulit ako ng pangkape, talagang bibigyan ko na mga yan ng Nescafe 3-in-1.   

Everything is surreal.  Kaya huwag papabulag sa fame en fortune.  Tandaan, the only thing real in dis world is love and sex.  Ulit, love and sex. 





Last Song Syndrome

26 12 2007

Ang weird kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS.  ‘Yun ‘yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan.  Earworm ang common term sa ingles ng LSS.  Tapos na ang kasalan pero kumakanta pa din ako ng ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan..’.  Hanggang sa maglabing-labing kami ni BebeKo ay sumisipol pa din ako.  Buti nga di ako sinabihan ng ‘Ahm… wala bang fast version nyan ?’.  Pumasok na ko sa opis, nagbreyk, pumila sa carinderia.  ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan…’ pa rin  May kasama pang pakadyot-kadyot ‘yun.  Kala ko nga sisigaw ‘yung cashier sa kin ng ‘Guard!  Guard’.  Salubong na ‘yung kilay ng cashier, kala mo any moment biglang tatakbo dahil may isang manyak na sumisipol.  Patay malisya na lang ako na, ‘Sori Miss, kala ko caterpillar kasi ako’.   

Wala ka nang magagawa pag tinamaan ka ng LSS.  Parang hardwired na sa utak mo ‘yung kanta katulad ng unconscious na pagpikit at pag-utot. ‘Inpektious’ sabi nga.  Buti pa nga ‘yung pekpek pag naimpek may gamot, eto wala talaga.  Tiyak na maghapon ka nang ngangawa ng chorus ng kanta.  Suspetsa ko ‘brain glitch’ ito na hindi napaghandaan ni God nung hinulma niya ang tao galing sa dakot ng lupa [ano kaya ginamit ni God para bumuo ng clay ng tao, tubig kaya o ihi?  Wala lang, napaisip lang.  May mga tao kasing amoy ihi].   

Apekted ka din sa choices of music ng mga bus o dyipni drivers.  Nung bumiyahe nga ako galing ng probinsiya pabalik ng Maynila, tuloy tuloy na nagpapatugtog ng ‘new wave’ ‘yung driver ng bus ng dose oras.  Pagkababa ko tuloy ng bus, para akong nahypnotize na umuusal ng kanta ng AHA, ‘Take on me… Teyk me on.. I’ll be gone.. in a day or two-wuhuuu!’.  Putek, anong panama ng sandosenang boses ipis sa mundo sa pagngawa ko.  Wala. 

Ang LSS pa naman yung tipong pasipol-sipol in da wrong place, in da wrong taym.  Kasarapang nanonood kami ng laban ng Ginebra tapos biglang birit si pareng Eli ng ‘It’s raining men.  Aleluya,  it’s raining men’.  Patay.  Ansama tuloy ng tingin nung ‘Tatlong Itlog’ sa kanya.   Heto pa ang ibang LSS ng mga kaibigan:   

– Si pareng Nelson na kumakanta ng ‘To the left.. To the left’ ni Beyonce na binibirong tatadyakan sa betlogs nung receptionist. 

– Si pareng Abjil na nagbabawas sa CR habang sumisipol ng ‘Kapit kamay… Di kita iiwan, sa paglakbay’ ni Yeng Constantino 

Posible ring coping mechanism ng tao ang LSS.  Pampakalma pag stressed out.  Malamang pag stressed out si president GMA dahil sa sandamakmak ng problema ng bansa, napapasipol siya ng kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin. 

Ikaw, na-last song syndrome ka na ba?  Anong sinisipol-sipol mo dyan?