From Here to Paternity

16 01 2009

False alarm ang panganganak ni misis nung bisperas ng bagong taon kaya balik ulit kami sa bahay, balik sa kanyang walang katapusang paglalakad-lakad at balik pagde-dress rehearsal kung ano ang gagawin namin kung sakaling sumakit ulit ang kanyang tiyan na walang kinalaman sa diarrhea.  Record to beat ay 5 minutes.  Lumipas ang isang linggo, wala pa rin.  Naiinip na ako. Pinapaakyat ko na nga si misis sa puno ng santol para mapwersa na ang baby na lumabas kaso lang ayaw ni misis.  [Sa dahilang ayaw niyang masilipan ko daw siya.  Akala mo pag-iingat sa sanggol ang dahilan ano? Haha].  At noong January 8 nga, isang napaka-kaswal na araw, sumakit ang tiyan ni BebeKo.  Naligo siya.  Ginising ako.  Ayaw kong magpagising.  Ginising ulit ako.  Naligo ako.  At pumunta kami ng ospital.

Pero hindi ganun kasimple.  Pagdating namin sa ospital, 3cm pa lang din si misis.  Walang pinagbago noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, ‘yung etits ko pa lang din ang may kakayahang  magpanik-panaog sa kanyang loob, in-out, left-right, up-down saka jump.  Hindi ko alam kung tamang desisyon ba pero pina-admit ko pa rin si misis para iinduce labor.  Nagpaalam na kami sa  isa’t-isa dahil bawal daw ang isang malaking mikrobyong nagkatawang tao sa loob ng delivery room.  Hmmkei.  At pasensiya na kung di ko alam ang sasabihin ko para i-cheer up ang isang buntis.  Wala akong nasabi sa kanya kundi ‘Go go girl?’ na may kasamang choreography ni Ultraman.

Nakalingat lang si misis, masaya na akong nakikipaglandian sa admitting section [kailangang ganun talaga, kinakausap ko kung baka naman pupwedeng ilipat kami sa private room dahil punuan ng mga panahong ‘yon].  Mamaya pa, bigla akong pinatawag ni doktora para bulagain ng isang OMG na balita.  Sabi niya humihina ang heartbeat ng fetus, ‘pag hindi nag-stabilize kailangan nang hiwain si BebeKo para i-caesarian.  Nabura lahat ng landi factor sa mukha ko.   

Sa unang pagkakataon, nakapagdasal ako kay Papa Jesaz ng seryosohan.  Usapang lalaki.  Pakiusap ko wag niyang pabayaan si misis at si fetus.  Nangako ako sa kanyang mamamanata at maglalakad ng walang tsinelas sa taunang pista ng Poong Nazareno sa Quiapo.  Nagpramis din akong maglalagay ng banal na salita sa blog ko – size 24 Arial Bold na font na nagsasabing, ‘Barilin ang nakikiapid’ at ‘Pag bad ka, lagot ka!’, mga ganun.   Kung pwede lang ibigay kalahati ng buhay ko sa misis ko para siguradong makayanan niya ang panganganak, binigay ko na.  Sa kabilang banda, ‘yun din ‘yung mga desperadong panahon na naiisip kong kung pwede lang ding isanla ang kaluluwa ko kay Satanas at maging advertising/PR manager niya sa impiyerno, ginawa ko na rin [yun ay kung mas maayos ang negosasyon namin].  Tulirong tuliro ako ng mga panahong ‘yon.  Oo, at may ‘as in’ talaga ‘yan dear ate Charo.
Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




To Be A Better Man

20 12 2008

Isang taon na pala ang nakakalipas mula ng mapikot kinasal ako sa maganda  kong asawa.  Heto ang mga bagay na natutunan ko bilang may asawa:

 

1.  Pag nagkakainitan sa usapan,  divert the topic.   Halimbawa,

BebeKo:  Lakwatsa ka ng lakwatsa, anong akala mo binata ka?  Kahapon.. yada.. yada…

PogiMe:  Be ano ‘yung nakasabit sa bintana?  Manananggal! [sabay turo]

BebeKo:  Asan?  Wala naman eh?

PogiMe:  Syempre wala na, nakalipad na. Antagal mong tumingin. 

 

2.  Pag nagkatampuhan, ‘wag piliting magkabati, take it slow.  Sabi ng mga ninong at ninang namin sa kasal, wag matutulog nang hindi nagkakaayos.  Di ko alam kung anong reference material nila sa pagsabi nila no’n, baka Abante Tonite saka iyottube.com.  Pero mas okay ‘yung wag munang magkibuan, pahupain ang sama ng loob.  Tapos mamyang madaling araw, oras ko na para umatake, maglambing, at yumakap ng mahigpit.  Wala nang usap-usap ‘yan.  ‘Yun na ‘yun.  Hindi nga lang fool-proof ang advice na ‘to dahil kung minsan, napagkakamalan niyang gumaganti pa din ako dahil hindi siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa leeg.  Choke slam kung choke slam ito.  Hahaha.

 

Hindi na masama ‘yan, dalawang aral sa isang taon.  Tama ‘yung sinasabi nila na ‘wisdom comes with age’ saka ano… ahm…  ‘sex is the best teacher’. Oo, ‘yun nga.   Anong typo error, walang typo error ‘yan, wag ka nang umangal kung ayaw mong masaktan.

Basahin ang karugtong nitong lahok »





My Wife Is A Gangster

4 12 2008

 

Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot.  Ang sweet ano?  Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’.  Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto.  Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama.  ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay.  Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’.  Natigilan ako, nagtakip ng ilong.  Mamya sabay na kaming nagtawanan.   

Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida.  Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay.  Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin.  Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata.  At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din.  Ayaw niya talaga.   Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Maid In The City

12 11 2008

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Letter To My Future Son

1 08 2008

Badoodles Junior,  Hoy ano na?  Excited nakong makita ka.  Kelan ka ba lalabas?  Antagal-tagal ng siyam na buwan.  Pwede bang labas ka na ng pitong buwan pwede na ‘yun.  Laro tayo ng football.   Tapos magpapancit tayo.  Tapos sama kita sa beerhaus.  Tuturuan kita pano mang-tsiks ng kahit walang pera.

 

Dalawang beses nang pinarinig sa ‘kin ni doktora ‘yung heartbeat mo gamit ang doppler.  Putik.  Anlakas ng tunog para kang rakistang nag-go-growl.  Ambilis pa. 150 beats per minute.  Pukinginangsheet.  Siguro kaskasero ka paglaki mo.  Baka maging magaling kang jeepney driver paglaki mo.  O kaya high speed kubrador ng hweteng.  Watdahek, basta makabuhay ka ng pamilya, oks na sakin ‘yun.  

 

Nakita na rin kita sa ultrasound. Syempre wala namang pinagkaiba, mukha kang baby. Sabi ni doktora, matangkad ka raw pero anliit mo pa rin tignan.  Pero syempre mas cute ka sa ‘kin.  Enero pa lang, hiningi na kita kay Mama Mary.   Sabi ko, ‘Mama Mary pa-order ng isang cute na badoodles junior na kasintakaw ko kumain’.  

 

Lam mo bang hindi matanggal ang ngiti ko pag naiisip kong magkakaroon na ako ng Badoodles Jr?  Pagpasok sa opisina, iniisip na nga ng mga nakakasabay ko sa elevator na baka manyak ako.  Lalo pa’t napapakapit ako kung kani-kaninong pwet dahil sa excitement.  ‘Yung tindera sa canteen, nagtaas ng kamay, kala holdap.

 

Pag niyayakap ko si BebeKo sa tiyan, sabi niya sumisipa ka raw, ayaw mo.  Kabata-bata mo pa lang possessive ka na.  Sige pag labas mo, sisipain din kita makita mo.  Hehe.  Ang likot mo na nga, palipat lipat ka pa ng lugar.  Iskwater boy in da making. 

 

Pag malaki ka na, una kong ituturo sa ‘yo ang pagbasa ng traffic lights.  Red is stop, green is go. Dami kasing Pilipino ngayon antatanda na hindi pa marunong sumunod sa batas trapiko .   Wala lang.  Trip lang kitang palakihin na socially aware saka responsable.

 

Palaging magpasalamat sa taong mabait sa ‘yo.  Ang Mommy mo, tinitiis lumunok ng mga bitaminang kasinlaki ng bato ni Darna para siguradong kumpleto ka sa nutrisyon.  Sabi ko kay BebeKo huwag gaano, masobrahan ka ng nutrients mamya tubuan ka ng tatlong mata.  Hindi ka na cute. 

 

Cool akong daddy.  Kung anuman ang gusto mong gawin sa buhay paglaki mo, igagalang ko ‘yun basta wala ka lang aapakang ibang tao.  ‘Yan ang gintong batas ng buhay.  Don’t shit others if you don’t want others shitting you.  At kung may mambully sa ‘yo sa school at hindi ikaw ang nauna, bahala ka nang mag-decide kung ano sa tingin mo ang tama sa mali.  I won’t judge you, I’m not a book.  Ang masasabi ko lang, ‘yang mga bully na ‘yan, bumabait ‘yan pag tinatarakan ng bagong tasang lapis sa mata.  [sipol]

 

Pero syempre wag mo naman akong tatablahin dahil kahit junior kita baka makatikim ka ng full swing na palo ng bat o batuhin kita ng granada.  Ang tatay ko, nahabol na ako ng kutsilyo kasi mayabang daw ako.  Hindi malayong maghabulan din tayo ‘pag mas mayabang ka sa ‘kin. 

 

For the record, pumapayag na ‘kong kahati kita sa dede ng Mommy mo.  Aprub.  Basta sa kaliwa ka lang ok? Sa kanan naman ako.  Buti nga kayong mga baby, konting pihit nyo lang ng iyak, nilalabas agad ng mga Mommy ang dede nila.  Kami kahit siguro umiyak kami ng todo todo, ayaw kaming padedein agad-agad.

 

Paglabas mo, alam ko na kakumpitensiya na kita sa lahat ng bagay tulad ng yakap ni BebeKo, atensiyon ni BebeKo, at pagmamahal ni BebeKo.  Tandaan mo, seniority first.  Dapat igalang ang nakatatanda.  Lalo na ang matandang isip bata.  Saka isa pa, pinakaimportanteng dapat mong tandaan, ako ang may-ari ng remote control sa bahay.

 

Hehe biro ko lang mga yan.  Huwag kang seryoso paglabas mo kundi hahatakin ko ‘yang bunganga mo ng pa-horizontal para mapilitan kang ngumiti.  Life is good.  Sabi nga ni Louis Armstrong, ‘watta wonderful world’.

 





War of the Roaches

22 06 2008

Hindi ka ba nababanas sa mga ipis dito sa siyudad? Anlalakas ng attitude problem, sobrang aangas. Malayong malayo sa mga ipis sa probinsiya na mahiyain, konserbatibo, at marunong magtago pag may nakikitang tao. Dito dumating ka na’t lahat sa bahay, dedma pa din. Tuloy tuloy lang sila sa kung anong pinagkakaabalahan nilang gawin. Para tuloy ako ang nakikitira, nakikisama at sila ang nagbabayad ng buwanang renta sa bahay. ‘Eksyusmi, parang ako yata nagbabayad ng renta dito’.

May kakaibang ugali ang mga ipis sa tinitirhan namin ngayon. Mahilig makinood ng tv. Sabi sa Google, ganun lang daw talaga, attracted ang mga ipis sa screen ng tv. Imposibleng ganun lang ‘yun. Kulang na nga lang ipalipat sakin ‘yung channel. ‘Krrt… krrtt… Badoodles, madaling araw na, palipat nga sa channel 100, ‘yung may bold’.

Pano ba gigiyerahin ang lahi ng mga ipis? Waepeks na kasi ang paggamit ko ng Baygon spray. Binabalewala lang ng mga ipis ang spray kaya tinigilan ko na din. Pag nag-iispray ako, para lang silang mga adik na tumatakbo paikot-ikot ng kabahayan pero di naman namamatay. Immune na yata. Mamya makikita mo pang nag-oorgy sa harapan mo na parang nasa taunang Woodstock concert sa Amerika. Taenang mga totnakerong sanamabits. Tinigilan ko na ang pagbili ng Baygon. Ano sila sinusuwerte? Ako tagabili ng pampa-high nila. Kung gusto nilang magpakaadik, bumili sila ng sarili nilang Baygon spray.

Ano ba talagang silbi ng mga ipis? Bakit ba sila ginawa ng Diyos? Alam naman ng Diyos na ‘bad’ sila at wala silang ibang pupuntahan pag namatay kundi sa impiyerno lang.

Si BebeKo naman kinagat din ng ipis sa paa. Sa buong magdamag, tatlong beses yatang binalik-balikan ang kanyang inosenteng paa. Inunahan pa nila akong dila-dilaan ang paa ng BebeKo, mga hayup na perverts. Dahil ayaw naman magkulambo ni BebeKo, sinusuotan ko na lang si BebeKo ng medyas kahit pa labag sa kanyang kalooban. Konting bola lang na astig pamatay ipis ang medyas, sabi sa medyas commercial ni Manny Pacquiao –anti-bacterial ‘yun – mabisang pang-knockout sa pasaway ni ipis.

Nung isang araw, nakagat ng ipis ang daliri sa paa ko. Sobrang kati di ko mapigilang ikaskas sa pader. Buti na lang pala hindi ako sa etits kinagat. Isipin mo na lang itsura ko habang kinikiskis ang sarili sa kahabaan ng pader sa EDSA. Kung may instant headliner sa TV Patrol at Bente Kwatro Oras, alam niyo na kung sinong tatawanan niyo.

Kahit diyahe mang ipa-check up ang pangangati ng paa ko, pinacheckup ko na din kay doktor kuwan. Nakalimutan ko ang pangalan ni doc, basta katunog ng bayag ang apelyido niya. Pero kung inaakala kong tatawanin ako ni doc dahil sa pagpapachekup ko ng kagat ipis, nagkamali ako.

‘Nung isang linggo nagpachekup sakin dito si US Ambassador Kristie Kenney. Nakagat ng insekto ang mata.’, expressionless na sagot ni Doc Bayag.

Naisip ko, mukhang nagkaroon ng masinsinang annual conference ang mga insekto at gustong puntiryahin ang mga high profile na mga tao. Kaya babala na din ito, konting ingat na lang sa inyo, mga katulad kong magagaling, matatalino at artistahin. Tayo ngayon ang target ng mga insekto. Di ko alam kung bakit, ‘wag nyo saking itanong. Baka trip-trip lang nila, pauso ba. Nagbigay na din ng prescription si doc na Chlorpheniramine para kay BebeKo, safe na antihistamine para sa buntis.

Kagabi ang oras ng paghihiganti. Magdamag kong inabangan ang ipis na salarin. Habang naghihintay, inumpisahan kong basahin ang Art of War ni Sun Tzu. Tinandaan ko ang sinabi ni Sun Tzu na ‘Speed is the essence of war’. Alas dose na pero di pa dumadating ang manyakis na ipis. Bumibigat na mata ko pero mukhang iisnabin ng ipis ang duwelong pinaghandaan ko. Madaling araw nang maalimpungatan ako. Isang maitim na bagay ang dahan dahang umaakyat sa aming higaan malapit sa paanan ni BebeKo. Ilang hakbang pa, mayabang na nitong inaangkin at minamarkahan ang teritoryong dapat ay sa akin. Kailangan kong ipaglaban ang aking karapatan. Ito ang nasasabi sa batas. Ang karapatan ay isang bagay na hindi binibigay sa iyong harapan, kailangan mo itong angkinin at ipaglaban kahit pa sa marahas na paraan. Itinaas ko ang aking hawak na Spartan tsinelas. At sa isang iglap, isang malakas na hataw ang tumapos sa walang kakwenta-kwentang buhay ng ipis. Patay ang ipis. Ito ang bihirang pagkakataong masasabi kong may katarungan pa rin sa mundo.





Daddylicious

22 05 2008

‘Miyawrrr! Be!!!!’.  Ginising ako ng isang mabigat na dagan sa butchog ko ng madaling araw.  Akala ko ‘yung pusa na naman, hahatawin ko na sana ng raketang dekuryente na pamatay namin ng langaw.  Kaboses ni BebeKo.  Pupungas pungas akong dumilat at pilit inaaninag sa dilim ang nakahambalang sa harapan ko.  Unti-unting nagkaporma ang kaninang hugis pusang nakadagan sa akin.  Si BebeKo nga, hawak ang isang strip ng papel na pinagmulan ng kanyang kakaibang kasiyahan.  Imposible namang na-promote si BebeKo kasi kung tungkol sa promotion ‘yun, dapat envelope ‘yun na punum puno ng milyones na kwarta. 

‘Tatay ka na!’

‘Ha?’

‘Hindi ka ba natutuwa?  Hindi ka ba tatalon sa tuwa?’.   Naghihintay si BebeKo ng gagawin ko.  Pero hindi ko pa maintindihan ang lahat.  Mabagal mag-reboot ang utak ko pag madaling araw.  Paano ako naging tatay nang dahil lang sa isang strip ng papel na amoy ihi? 

‘Ha?  Kailangan ko ba talagang…?’ Nagdadalawang isip akong tumalon.  Kung ikaw ba naman na tinatrangkaso at nagkumbulsiyon magdamag ay gigisingin ng madaling araw para patalunin, makakatalon ka kaya?

 

Sumimangot na si BebeKo kaya bigla kong binawi ang nasabi.  ‘Eto na po, tatalon na po’.    

 

Nag-umaga na at saka ko pa lang naintindihan ang lahat ng pangyayari.  Isang mayabang na ngiti ang binati ko kina kagawad, sa mga butihing kapitbahay at kay Haring Araw.  Sa wakas, nagbunga din ang pakikipaglabing-labing ni BebeKo sa kanyang labandero [Hehe, ako ‘yung labanderong ‘yun].  Certified na papabol na nga ako.  Papalicious na labandero.  At ngayon ko lang napagtanto ang kahulugan ng pangyayari ng mga nakaraang araw.

 

Nung isang linggo kasi pauwi na ‘ko nang mag-txt si misis nagpapabili ng spaghetti with meatballs saka chicken joy na DAPAT ay may extra gravy.  Meron naman si bayaw sa bahay pero ako daw DAPAT ang bumili. Pasarado na ang SM Munti pag-uwi ko, palabas na lahat ng mga saleslady matapos ang maghapong pagi-istapler ng kung anu-ano.  Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng mapapasukan.  Nakakita ng butas.  Nagmamadali akong sumalisi papasok sa exit para lang sawayin at harangin ng guwardiya. ‘Bos, sarado na po’.  Pero nagkunwaring bingengot ako at tumuloy-tuloy lang patungong Greenwich na noon ay nagsasara na.  Mabilis na kinausap ko ang hindi gaanong seksing bisor nila.  ‘Yun ‘yung mga pagkakataong kaya kong isugal ang aking katawan kapalit ng spaghetti with meat balls.  At kung hindi ko makuha sa santong dasalan ay handa akong magkagat labi sa harap ni miss bisor, magpakita ng nipple kong may dalawang piraso ng kulot na buhok o  kaya’y maghubo ng salawal ng tatlong segundo. ‘Baka naman naglilihi ang misis mo’, pabiro ni miss bisor sabay ang malagkit na tingin.  ‘Oo, naglilihi nga’, sinakyan ko na lang din na hindi ko sineryosong biro.  ‘Hindi kasi ako makakauwi pag walang dalang spaghetti’.  Mukang nauunawaan naman ako ni miss bisor pero kanina pa nagpapatintero ang magkabilang kilay nung cook sa pantry habang banas na sinusuot ulit ang toque at sinisindihan ang lutuan. 

 

At ngayon nga, may kakaibang hiling si BebeKo.  Madalas kasing humatsing si BebeKo ng sunod-sunod na parang armalite tuwing umaga.  [Sige na nga, ‘allergic rhinitis’ ‘yun para tunog mayaman].  Ilang daang araw na kaming mag-asawa pero ngayon nya lang ako tinanong kung bakit ako tumatalikod pag humahatsing siya.  ‘Ha? Ano..’, nag-iisip ako kung pano sumagot na walang damdaming masasaktan.  Di ko pwedeng sabihing sari-saring bacteria at germs ang malalanghap ko at pag tatlong sunod-sunod na hatsing ay triple strength bacteria + germs ‘yun.  Umilaw ang imaginary bumbilya  sa kukote ko. ‘Be, di ba talaga namang patagilid ako matulog?’

‘Ayoko’, hindi kumbinsido si BebeKo.

‘Anong ayaw mo?’

‘Basta, gusto ko pag humahatsing ako, nakaharap ka lang.’

Ha?  Kailangan ko ba talagang pagdaanan ang mga ganitong bagay sa ngalan ng paglilihi?  At kung level 1 pa lang na pahirap ito, ano na lang pagdating sa mga susunod na level up?  Sabi ni pareng Nap, hormones lang daw ito, mga pagbabagong nagaganap sa mga babae.  Pero hindi ako naniniwalang hormones ‘yun.  Si Big Brother lang ‘yun na bumubulong kay BebeKo para pagtripan ako at kung anu-anong tasks ang ipagawa.  Pakyu Big Brother!  Pakyu hormones!

 

Ibang klase din ang senses  ng buntis. Tumatalas ang pang-amoy.  Kala ko nga napalitan na ni Cat Woman ang misis ko.  Sinisilip ko nga ang pwet ni misis kung may buntot pero wala talaga akong makita.  Wala talaga.   ‘Ambantot moooo’, sinasabihan na ako ni BebeKo ngayon ng ganito na akala mo nakaamoy ng higanteng arinola.  Nung isang araw, sabi niya amoy dagat ako.  Tapos nung isa pang araw amoy ihi naman.  Huwat?  Ako mabantot?  Langya, hindi pa ba sapat ‘yung paliligo ko ng minsan sa isang buwan?  Hehe. 

 

Mahirap pala talagang maglihi ang mga babae.  Nung una, kala ko tsismis lang ‘yun.  Wala naman kasing paliwanag ang siyensiya sa lihi kundi mga ‘simple cravings’ lang.  Simple pala ‘yung  humiling ng manggang walang buto saka mansanas na hugis atis?  Bagamat hindi pa naman ako nakakaabot sa mga ganitong klase ng pahirap pero isa lang ang konklusyon ko, adik lang talaga mga babae sa Pinas.  Adik.  [At sana makapasok pa ako sa bahay pagkatapos nitong mga pinagsusulat kong ‘to].