Kuya’s Unsent Letter to Bunso II

14 03 2008

Dear Bunso, 

Dalaga na ang bunso ng pamilya.  Baka kung kani-kanino ka na nagpapaligaw nyan ah.  Piliin mo naman.  Okay lang naman kahit hindi mapera ‘yung nanliligaw sa ‘yo, basta ba may sariling kotse, bahay, at ekta-ektaryang rancho, pwede na ‘yun.  Haha.  Seriousli, di ko alam ang gagawin ko pag meron ka nang ipapakilalang boypren.  Kakaliskisan ko ba?  Pano ko kakaliskisan, pakuwadrado, pa-diagonal o pa letrang Zorro?  Kelangan bang itak ang pangkaliskis ko o pwede na ang palakol?   

Pasensiya ka na kung  hindi kita mabigyan ng advice kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon.   Kung tungkol sa ‘mens’, tanungin mo na lang si ate BebeMo.  Wala nga akong idea kung bakit tinatawag na ‘mens’ yan e babae naman kayo, dapat ‘womens’. Kung naging lalake ka lang, andali lang sana ng role ko bilang kuya mo.  Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag.  Tapos na.  The end. 

Medyo clueless pa rin ako sa pagiging kuya.  Pilit ko ngang inaalala kung pano ba ako bilang kuya nung past life ko.   Ang alam ko lang dati akong ‘kuya’ ipis.  At si ‘kuya’ ipis ay walang ginawa kundi batukan si ‘bunsong’ ipis.  Hehe siyempre, hindi kita puwedeng batukan dahil dalaga ka na.  Kaya huwag na huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para mapilitan akong batukan ka.              

Una, wag kang naglalakad ng sobrang pakembot kembot.  Maraming nagdaraan, hindi sa ‘yo ang kalsada.  Saka pato lang ang gumagawa ng ganun.   Huwag ka ring patuwad-tuwad, kung ayaw mong habulin ka ng mga manyak.  

Pangalawa, wag kang magsusuot ng maiikli kung ayaw mong lumuwa ang kaluluwa mo.  At pag lumuwa ang kaluluwa, hindi na babalik yan.  Sabi ng titser ko sa religion, pag nawalan ka ng kaluluwa, magiging zombie ka.  At huwag tinitipid ang telang suot.  Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas.      

Pangatlo, mag-aral ng mabuti.  Kelangang magsipag sa buhay kahit wala na si Papa.  Basta’t nandito ako, patatapusin kita sa pag-aaral, kahit pa magtrabaho akong macho dancer, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo. 

Finals exam mo na ngayong buwan.  Tignan mo, ambilis lang ng panahon, second year nursing ka na sa susunod na pasukan.   Heto, ipapadala ko na tuition mo.  May dagdag pang allowance ‘yan.  Nauto ko kasi ‘yung kaopismeyt kong bilhin ‘yung industrial electric fan na pinanalunan ko sa parapol sa opis.   ‘Bilhin mo na bosing, nakakapagpalamig ng ulo ‘yan.  Oo pramis, basta itutok mo lang ulo mo sa elisi’.  Hehe, binili naman agad sa akin ng 600 pesos.  Tapos nakita ko ‘yung presyo nun nasa halagang 450 pesos lang pala.  Tumubo pa ako ng siyento singkwenta. 

Sooner or later, hindi na ako ang namber wan na lalaki sa buhay mo.  Okay lang ‘yun, importante mahal ka ng boypren mo at aalagaan ka nya ng mabuti.  Wag ka lang nyang paiiyakin at magsusumbong ka sa ‘kin.  Alam mo namang immature ako sa mga ganyang bagay, baka idaan ko ang boypren mo sa ‘assassin-for-hire’ o sindihan ko na lang ng buhay.  Oo, pramis, try mong magsumbong sa ‘kin.

Advertisements




Unremembered Goodbye

8 01 2008

Huling meeting ko na ‘to sa klaseng Digital Circuit.  Late na naman akong pumasok, kaya naman paborito na ako ng mga estudyante.  Part time job ko ‘to.  Mapagbiro talaga ang Diyos.  Biruin mo, ako na mahilig mag-cutting class, pumapasok ng nakainom nung kolehiyo e halos tatlong taon na ring nagtuturo.  ‘Meron na si kulit’, narinig ko si Monsi na nagmamadaling pumasok na kanina lang ay panay ang tambol sa dalang beatbox.  

 Hindi ako nagpapatawag ng ‘sir’ sa klase.  Hindi uso sa ‘kin ang labeling ng position.  Sinasabi ko sa mga bata, kung may respeto ka sa tao, hindi ‘yun nakikita sa pagtawag-tawag ng sir.  Kaya nasanay sila na tawagin ako sa pangalan ko, ‘kuya’, pare o kaya bosing.  Ok lang sakin ‘yung bosing.  Tawag ko din kasi ‘yun pag sumasakay ng dyip, ‘Bosing, bayad ho’.  Pag tinawag kang bosing, clue na ‘yun:  hindi ka talaga bosing.   

Bosing, ano’ng zodiac sign mo?  Entrada ni Solomon, ang pinakamakulit sa lahat, pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto.  May nakahanda na namang ipa-punch line sa kin.  Pero hindi  ako nagpapawais.  ‘Cancer ako e, kaw ba tumor?’.  Tawanan.  Na-violate na naman ang number wan rule ko sa klase:  Wag pinapatawa ang guro pag may hang-over.  Nung minsan kasing natawa ako, lumipad ‘yung pinulutan kong mata ng tilapia palabas sa ilong.  Watdapaka.   

Tseking ng attendance.  Perpek.  ‘Wala talagang absent?’, panigurong tanong.  Wala nga.  Alam ng lahat na istrikto ako pagdating sa attendance.  Absentee kasi ako nung college.  Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.  Nag-eexcuse din ako basta ba naaksidente ka.  At dapat basag basag talaga ang bungo mo. 

‘Mga bata, redi na sa exam?’.  ‘Mga bata’ ang tawag ko pero kung tutuusin mas malalaki pa sila.  Pwedeng pwede nga nila akong sagasaan sa kanto kung gugustuhin lang nila.  Magaling lang akong mam-bluff kaya wala pang nagta-try.  ‘Bosing, ilang items ang exam?  Di nako sumagot pero sa ngiti ko pa lang, nasusuma na nilang 200 items na naman na puro problem solving. ‘Parusa naman ‘to’.  Set A, B saka C.  Panakot ko, ang lumingon sa kaklase tatargetin ng eraser o kaya itatapon sa bintana.  Maliban pa sa ALL CAPS na warning na nakasulat sa test paper:  Cheating is a mortal sin.  You will burn in hell.   

Nagsimula na ang exam.  Nagbigay din ako ng konting reminder na kabisadong kabisado na ng mga estudyante ko: ‘ Ang exam para ding seks ‘yan.  Hindi kailangang nagmamadali’.  Ang totoo, hindi naman talaga bawal ang mangopya sa klase ko.  Wag na wag ka lang magpapahuli.  Dapat mas wais ka sa akin.  At dahil papunta ka pa lang, pabalik na ako, alam na alam ko na ‘yang mga style tulad ng kodigo na size 4 ang font, ‘sign language’, ipit sa kilikili, atbp.  Busy na ang lahat mag-solve. Upo muna ako sa harap ng computer para magbloghop.  May offline message si Yvette sa Yahoo Messenger, dati kong estudyante.  ‘Bos tnk u.  Tenk yu po sa pagturo ng wireless network.  Naimpress sa kin ‘yung boss nung pinagawa kami’.  Nag-oojt si Yvette sa isang anti-virus company.  ‘Be good.  Galingan mo diyan’, nag-iwan ako ng offline message.  Putek, pakiramdam ko tuloy proud father ako na parang nag-pers honor ang isang anak.     

Matapos ang dalawang oras na exam at pangungulit sa mga bata, yosi breyk muna.  Nag-abot si Jon ng isang stick ng Marlboro green, ‘Bosing, nakatikim ka na ng chongki?’.  Umiling ako habang sinisindihan ang yosi, ‘Bakit, kayo ba?’.  ‘Dyan kami dati bumabatak bosing’.  Tinuro ni Jon ang basement ng building.  ‘Sige gawin nyo lang yan tangena nyo nang mapunta kayo sa impyerno’.  Tawanan.  

Putek, napaisip ako.  Di ko na makakakulitan ang mga ‘to ng ilang buwan.  Masakit mang isipin na pinagpalit ko sila para sa ilang araw na pahinga kada linggo, pero talagang ganun na nga.  Di ko pwedeng gawin ang lahat.  Di naman talaga ako si Superman.  Saka kelangan ko ring alagaan si BebeKo, namamayat na.  Pano pakonti-konti lang kumain.  Di ko na rin nga pinaunlakan ang imbitasyon sa isang kolehiyo na magturo.  ‘Bosing, seat in kami sa klase mo next term.’  Si Jalu.  Oo lang ako.  Di kasi ako marunong magpaalam.  Pero sina Jepoy nasabihan ko.  ‘Pano ‘yan, e di wala nang drinking session sa Alabang?’.   Malamang ganun na nga.   

Makulit nga siguro ako pero kahit papano meron din naman silang natutunang aral sa ‘kin na pwede nilang baunin pag-alis ko.  Higit pa sa lessons sa klase,  may mga mas importanteng aral tulad ng pakikisama, pagiging totoo, at respeto.  ‘Yun yon.   





What Men Can’t Do

5 11 2007

May mga babaeng nagrereklamo, ‘bakit ang lalake pedeng mangaliwa pero ang babae hindi pwede?’.  Tanggapin na natin ‘yun.  Ganun talaga.  Pero di lang naman babae ang nado-double standard sa lipunan.  Ayon sa aking masusing pakikipag-inuman, bar room story telling, at kung sino-sino pang nakakakwentuhan – rich, poor, doctor, meyor, meron din naman kaming di pwedeng gawin na ok lang gawin ng mga babae.   

Tulad na lang sa pangalan.   ‘Pag babae ang gumamit ng panlalakeng pangalan tulad ng ‘Billie, Ian, Jordan’  e ang cool pakinggan.  ‘Pag nakikipagkilala, “Hi, I’m Billie and dis is my foxy fren Ian, we’re wondering if we can fuck your brains out”.  Nakakalibog pakinggan.  Pero pag boys at ang pangalan namin ay pambabae, “[in big deep voice]  Hi I’m Jenifer and dis is my pren pareng Susan.  Ahh.. we’re wondering if we can fuck your brains out?”  Tangena di ko alam kung di pa kayo tumakbo sa takot.   

Ang babae pedeng magpasama sa kaibigang babae sa CR.  ‘Girl, powder tayo sa CR.  Retouch kita’.  Ayos lang, bonding moment ng mga babae.  Pero pag kami, ‘Pare, samahan mo nga akong juminggel sa CR.  Pa-assist ha’.  Pucha, di ba nakakakilabot-bulbol pakinggan?   

Hot chic ang babaeng naka-t-back.  Isipin mo na lang kung kami naman ang naka-t-back.  Ang hirap nun, kelangan ng sandamakmak na talent para balansehin ‘yung betlogs namin.  At hindi pwedeng ‘yung dalawang itlog ang naka-‘sakay’ sa t-back, siguradong nakalaylay ‘yung isa.  Hindi ba mas unfair ang mundo sa min?  Hem ay rayt chocolayt?   

Kaya payo ko, let’s accept things we can’t change, sabi yan ni St. Francis of Assissi.  Ang aangal pupunta sa hell.





Shit Happens

22 10 2007

May mga araw talaga na parang juma-jackpot ka ng kamalasan.  It happens.  Ganyan talaga mambatok si Papa Jesus, biglaan.  Pakiramdam ko sinabihan niya ako ng “Hoy! Kaw naman, nakakalimot ka na ah”.  Ewan ko ba.  Wa epeks ‘yung prayers ko na gawin na lang na installment ang kanyang mga pagsubok tsurba sa akin.  Papa Jesus, credit card na saka bumbay na papayb-six ang uso ngayon.  Pakiramdam ko nga parang buminggo ako sa ‘series of unfortunate events’ dis week.  Nag-obernayt inuman kami nina pareng Nap nung Huwebes kasi may dalang ‘abalin’ na pulutan sina pareng Ryan.  ‘Abalin’ ang tawag  sa larvae stage ng salagubang na sinasangag hanggang magkulay brown – exotic food naming mga Ilocano.  Nakalimutan kong may allergy nga pala ako dun pag sinabayan ng Red Horse.  Madaling araw nang magising akong kamot ng kamot.  Pagpasok ng opis kinaumagahan, hindi lang betlogs ko ang pulang-pula.  Umalsa din pati paa, kamay saka mukha ko, para akong naging kuya ni Jollibee.   

Mabilis namang naagapan kasi dinala ako sa clinic.  Binigyan ng pers ayd saka prescription ni doktora ng sandamakmak na Loratadine ‘yung mukang birth control pills.  Tinatanong nya kung ano ‘yung pinagkakain ko kaso di niya maintindihan kaya sinabi ko na lang na hipon.  Nagpayo si doktora na ‘wag daw muna akong magkakain ng malansa.  Putek, buti ‘yun lang ‘yung malansang bawal sa ‘kin.  Iniisip ko tuloy pano na lang kung may mas malas pa sa ‘kin na magkaroon naman ng allergy dahil sa pekpek.  ‘Pag tinanong ng  “Pucha pare bakit maga ‘yang nguso mo?”.  Pailing-iling na sagot “Allergic kasi ako sa pekpek pare”.  Tsk. Tsk.   

Dahil nga biyernes, tipikal na lunch out naming opismeyts magbabarkada sa Glorietta, walking distance lang naman sa Stock Exchange.  Paborito na namin ‘yung ‘Lechon Macau’ sa Food Choices, sa may second level lang – lechon baboy na may giant kangkong toppings with garlic rice.  Solb na naman.  Di pa ko nakakadighay nang parang may higanteng umutot.  Anlakas.  Nabulabog ang mga kopols na kanina lang ay binibilang namin kung ilan ang mga nagho-holding hands while walking.  Takbuhan ang mga tao.  State of terror.  Binalot ng higanteng abo ang Glorietta.  Zero visibility.  Takbuhan na rin kami.  Ang madapa tanga.  Nagbagsakan ang mga pintuan.  Di kami makalabas pero takbo pa rin.  Hanap ng ibang daanan.  Sa wakas bukas ang papuntang LandMark.  Seyb.  Parang isang prank lang ang lahat.  Wala akong kamalay-malay na isang balitang pambansa ang nangyayari.  Naging malinaw lang kung gaano kaseryoso nung nasa opis na kami at pinapanood ang flash news sa Kapuso tv.  Buti na lang at buhay ako.  Lalo tuloy akong naniniwalang masamang damo nga talaga ako. 

May isang computer programmer na namatay.  Nakakabadtrip lang kasi bakit kaming mga matinong nagtatrabaho,  mga walang sinasagasaang ibang tao ang kailangang madamay sa kung anong ginawa ng mga bwakananginang mga yan.  Pwede ba kong manisi ng iba? Di ko alam.  Gusto ko lang sumigaw, magpakyu, at magmura.  Dahil pagkatapos ng ‘shit happens’ na ganito, kelangan ituloy ang buhay.  Get up from the rubbles, clean your wounds, learn from the lessons and move on. 





Something Reminds Me of Home

15 05 2007

Bertdey ng kuya ni Beatriz’ So (‘yung Pinoy Big Bro Season2 housemate) kaya may lasingan sa labas ng bahay.  Katapat lang ng apartment namin ‘yung tinitirhan nila.  Hindi sa gusto kong makalibre ng Bicol express pulutan pero naisip kong mas nakakaluwag ng loob makipagkuwentuhan sa mga sunog baga sa ‘min kaysa kausapin ‘yung psychologist namin sa kumpanya.  Mas mahal ang makipag-usap sa propesyunal na psyhologist kaya sa mga lasenggerong kaibigan.  Ayos naman pamilya saka kamag-anak ni Bea pero mukhang apektado sila sa ‘sabong’ na nangyayari sa loob ng Big Brother House.  Oo, ‘yung away nina Bea saka Maricruz isang linggo na ang nakakalipas.  Di ko alam kung ano ‘yung gulo pero may nasabing tungkol sa ‘we all have our dark sides’.  Sigurado akong hindi ‘yung kili-kili ko ang tinutukoy nila.  May ‘dark side’ din ako lalo na pag pamilya ko na din ang nadadamay.  Minsan sa grocery sa Festival Mall, may lalaking may nang-agaw kay BebeKo ng grocery kart.  Anlaking mama tapos aagawan lang ‘yung patpatin kong maybahay ng ganun ganun na lang?  Binangga ko ‘yung lalaki.  Sinabihan ng salitang di kayang lunukin kahit ng aso.  Kailangang turuan ng leksiyon ang mga taong makakalimutin magdala ng kanilang ‘manners’ na malamang ay naiwan nila sa higaan nila. 

Alam kong ganyan ka din sa pamilya mo.  Ganyan naman tayong mga Pinoy sa pamilya natin.  Laban kung laban.  

Hindi pa rin ako sigurado kung ano pinag-awayan nila kaya wala akong ibang nasabi sa pamilya ni Bea kundi, ‘ayos si Bea’.  Kumbinsido naman sila.  Mamya pa lipat kami ng lugar ng pinag-iinuman sa may malapit sa manggahan.  Bigla kong naalala ‘yung sa probinsiya namin.  Ganitong ganito din ang setting.  Parang di nga rin ako lumayo sa probinsiya namin.  

Umuwi nako bago pa ang aking ‘curfew’.  Lasing na ‘ko kaya nahulog ako sa higaan.  Pero suspetsa ko talaga, sinipa ako ni BebeKo sa leeg kaya ako nahulog ng higaan.  Nagkaroon tuloy ako ng ‘dislocation’ sa may bandang shoulder blade.  Hanggang ngayon, ayaw niyang umamin. 

Mga alas kwatro na ng madaling araw, may narinig kaming nagkakabasagan ng bote ng beer at meron nang nagsisigawan at nagbabantaan ng buhay.  Naisip ko, parang wala ding pinagkaiba sa probinsiyang pinanggalingan ko.