Cross Cultural Communication

8 07 2010

Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. Kumbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.

At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.

Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom. [Opss, kwentong barbero alert]

Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.

Aussie1:        How do you say bad words in the Philippines?
Badoodles:   Gago tanginamo.
Aussie1:        It’s very long. There’s no short version?
Badoodles:   Pakyu.
Aussie1:        What do you call an ugly woman?
Badoodles:    A shrimp.
Aussie1:       Those are english words!!
Badoodles:   You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1:      What is beautiful woman?
Badoodles:  Pokpok.
Aussie1:       How do you say ‘Where’s the toilet’?
Badoodles:   Asan ang takubets?
Aussie1:       [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
Badoodles:   Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1:        How do you say ‘How much is this’?
Badoodles:   Magkano ka?

Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.

Indian Girl:   What do people in your country play?
Badoodles:    We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl:   Oh in India, we play titi.
Badoodles:   What?!
Indian Girl:   Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
Badoodles:   In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl:  Why? Women there don’t like titi?
Badoodles:    They like titi but they only play titi of their husband.

Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.

Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.

Ah, Question of the Day na ba. Sige, ang tanong ng bayan: Anong paboritong ekspresyon/mura mo pag badtrip ka? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago, o pinakahayup o kahit na anong sagot sa comment box. Ang di magparamdam, multo.

Piktyur 1.] Dito kami nagyoyosi breyk tapat ng train station nila na mukhang mall. May vandal din ako dyan na pentel pen ”Bawal umehi dito – Badoodles”.

Advertisements




Culture Clash

4 07 2010

Kahit nasa ibang bansa ako, hangga’t maari nagluluto pa din ako ng nakasanayang almusal – longganisa, daing o kaya tuyo na may kamatis, samahan mo pa ng sinangag at ‘yung tinatawag ng lolo kong bulol na nekskape. Kaya pagpasok sa opisina, umaalingasaw ang pagka-Pinoy ko. Napapatingin ‘yung mga hindi sanay sa ganung amoy. At kung marunong lang managalog ang mga opismeyt ko, malamang bumubulong na mga ‘yun ng ‘Andito na si amoy longganisa’.

Pero mahirap din maghanap ng pagkaing Pinoy dito. Kelangan ko pang dumayo sa kabilang bayan. Saka ‘pag sinabing ‘Asian grocery’ ‘wag mong asahan kaagad na may produktong Pinoy, pagkain lang ni Jackie Chan ang meron dun. Sinubukan kong tumingin sa grocery ng mga negro baka sakaling merong produktong Pinoy, wala din. Uling lang nakita ko dun. Hehe.

Pag tanghali sa opisina, dahil ako lang ang Pinoy [technically, dahil ‘yung isa pinanganak sa Pinas pero bumbay], at ayaw kong kumaing mag-isa sa isang sulok, sumasama akong kumain sa mga bumbay. Pero ‘yung mga bumbay lang na sinasamahan ko yung mga hindi amoy kili-kili [at hindi hinuhusgahan ang pagiging amoy longganisa ko]. ‘Yung iba sa kanila vegetarian dahil Hindu ang relihiyon nila. Ako naman relihiyon ko Hindut. Tinanong nila ako kung vegetarian ba ako, sabi ko oo, ‘vegetarian with meat’. Tawanan. Kaya tawag sakin sa opisina ‘vegetarian with meat’.

Hindi ako sanay kumain ng Indian food. Ang pinaka-initiation ko lang sa pagkaing indian ay chicken curry saka curry-curry [hehe, pero walang biro, ang kare-kare ay dating curry-curry, isang orihinal na pagkaing bumbay]. Pag nasa Indian restoran na kami, hindi agad ako makaorder dahil ang hirap bigkasin ng mga pagkain nila. Tunog titulo ng mga porn DVD sa bansang Tsekoslovakia. Tse-.. Chekos-.. Ganun kahirap i-pronounce. Kaya ang ginagawa ko, nag-iini-mini-mayni-mo na lang ako, at kung saan matapat ang daliri ko ‘yun ang pananghalian ko. Kaya ang ending, laging sira ang tyan ko. Minsan, may natsambahan akong madaling bigkasin, Bowel of Sambar kaya inorder ko naman. Kaya naman pala Bowel of Sambar, dahil pagkatapos kong kainin, sunod sunod ang bowel ko. Langya ganun pa din, sira ang tyan.

Anlaki ng problema ko ano? Pagkain. Lagi kong sinasabi, ang pagkain ang repleksiyon ng isang bansa. Tangina, anlalim. Gusto ko lang naman sabihin, hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar tapos hindi makakatikim ng pagkaing Pinoy. Kahit pa sabihing kakaiba ang pagkaing Pinoy, ‘yun na ‘yung kinalakihan ko. May patis na ‘yung ulam, bubudburan pa ng asin. Maalat, isasawsaw pa sa bagoong. Sabi nga ng bayaw kong Intsik sa paborito kong ulam na pinakbet, ‘Bakit kanyan pak-kain nyo maalat, palang pak-kain ng aso’, na sinasagot ko ng ‘Hoy supot, syatap!.

Kung makikipag-negotiate si Papa God sakin na dadagdagan niya ng ng limang taon ang buhay ko kung babawasan ko ng alat ang kinakain ko, sasabihin kong ‘Wag na lang po’. At least pag nadedo ako hindi ako mukhang matanda, dahil bata palang dedo na. Saka ‘yung pagkain ko ng maalat, malay mo mangailangan ako ng spare kidney, makakatulong pa ako sa ilegal na industriya ng bilihan ng kidney. Saka anong silbi ng pagkakaroon natin ng mga ‘kidney doctor’ sa Pinas kung hindi natin sila bibigyan ng oportunidad na kumita? [Lusot ba? Lusot?]

Anong pagkaing hindi Pinoy ang nagustuhan ko? Sa mga pagkaing Aussie, maliban sa barbekyu nila, wala na. ‘Yung pinagmamalaki nilang palaman na ‘vegemite’, lasang grasang may kalawang. Ok sakin ang Singaporean noodles dahil parang pansit canton with chili flavor lang. Pwede na din ang pasta ng mga Italian kung wala talaga.

Segue way ko ‘yan para sating Question of the day na: Anong pagkaing hindi Pinoy ang ayos sa panlasa mo? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago o kahit anong sagot sa comment box]

Piktyur 1.] Pritong salmon na ulam ni Badoodles. Iniisip ko na lang, kunyari bangus belly ‘yan.





Getting Physical

19 06 2010

Nagdududa na talaga ako na nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling imahe. Kung totoo ‘yun bakit si Jesus may abs, tapos ako wala? At kung totoo ang teoryang ‘yun e di mga taga-Fitness First lang ang tunay na anak ng Diyos. Pero syempre ayoko din sa teoryang nanggaling tayong lahat sa ebolusyon ng unggoy. Di naman ako mukang unggoy. Ebolusyon ng kambing, pwede pa. ‘Yung mga kapitbahay naming nagkukutuhan tuwing umaga, ‘yun ‘yung mga lahing unggoy.

Sa pagbabakasakaling tubuan ako ng abs, balik basketbol ako ngayon. Mahirap nga lang maghanap ng basketball court dito sa Melbourne, di katulad sa Pinas na bawat kanto meron. Ang paghahanap ng court dito ay parang paghahanap ng isdang marunong magbisikleta. Bakit ko nasabi? Gusto ko lang i-exaggerate. Napagod ako kakahanap.

Kakaiba maglaro ng basketbol ang mga kolehiyala dito. Mini skirt ang basketball uniform nila [tawag nila netball skirt] tapos panty panty lang sa loob na kulay itim. Ke maka-shoot o sablay, pagbagsak ng manlalaro mula sa ere, iisa lang ang reaksyon ng mga nanonood: ‘Ooooohhhhh!’… Isipin mo si Marilyn Monroe na nagdi-dribble ng bola. Ganun nga.

Nakahanap naman ako ng mga kalarong Pinoy. Mga second o third generation na kaya ‘yung iba di marunong managalog. Kaya pag sinasabi kong ‘Kupal pasa mo ‘yung bola’, ang sagot lang sakin, ‘I’m sorry can’t understand Tagalowg’. Tapos mga Aussie kalaban namin. Matatangkad ‘yung mga Aussie. Gusto ko ngang imbitahin sa Pilipinas, baka gusto nilang mag-apply bilang poste ng Meralco. O taga-hawak ng billboard sa Edsa. First quarter lamang kami. Second quarter lamang pa din. Second half, dumating na ‘yung mga resbak nila. Hanggang natapos ang laro. At dito na nagtatapos ‘yung kwento. Ayoko nang sabihin kung sinong nanalo, di naman daw importante ‘yun. [Tangina, bitter].

Natanong ako minsan nung opismeyt kong Aussie kung anong isports ang sikat sa Pinas. Sabi ko basketbol, basketbol at panghihipo sa dyip. Soccer naman saka rugby ang ‘national pasttime’ nila dito. Ayaw patalo, sabi ko madami ding nagra-rugby sa Pinas. Pakalat-kalat pa nga sa kalye.

World Cup fever ngayon dito. Kasama ang bansang Australia sa kumakampanya para makuha ang World Cup, ‘yun ‘yung may globo sa taas ng tropeo pero wala namang kasamang tasa. Sana di na tinawag na World Cup kung wala namang cup, World na lang. Aktwali, soccer ang numero unong isports sa mundo. Pero di ko nakikitang maging-number 1 din ang larong soccer sa Pinas [kahit naging midfielder pako sa soccer team sa dating opisina]. Mainipin ang Pinoy, mahilig tayo sa quickie. Eto pa naman ‘yung sports na isang oras nang naglalaro ang bawat koponan pero ang score pa din ay 1-0.


Bilang respeto naman sa bansang kumakanlong sakin pansamantala, kailangan ko ding ipakita na mahal ko ang mahal nila. Kaya pagkatapos matalo maglaro, naisipan kong magbarbekyu ng pinakaminamahal nilang hayop, ang kangaroo. Tsaka para pag-uwi ko ng Pinas at tinanong ako ng kapitbahay kong unggoy kung nakita ko na ba ‘yung kapatid kong kangaroo, pwede kong sagutin ng, ‘Nasa tinga ko, gusto mong makita?’. At isa pang malupet na hirit na ‘Kung utol ko ‘yung kangaroo, di utol ko rin tatay mo’. Rakenrol.

Question of the day: Anong palagi mong nilalaro nung bata ka? Mag-iwan ng pinaka-gago, henyo, o kahit na anong sagot sa comment box. Pero bawal sumagot ng ‘Titi ko’ dahil sagot ko na ‘yun.

Piktyur 1.] Kangaroo barbekyu ni Badoodles. Mas masarap syang ibarbekyu kesa panoorin sa zoo.





Betlog Diaries 2: 8 Crazy Things About My Life

12 09 2007

Bakit otso?  Hindi ko alam kay Chuck en’ Clare  en Pepe na nag-tag sa akin at wala ding kinalaman ang otso sa haba ng etits ko o sa aking lucky number.  Here’s 8 nutty things about me: 

1.   Kung anu-anong trabaho pinasok ko para makagradweyt.  Madiskarte sa buhay at kayang mabuhay sa tagilid na lupa.  Naging disc jockey sa Campus Radio saka Star FM gamit ang diplomang Made in Recto.  Undergrad pa kasi ako nun.  Sa radio kami nag-meet ni BebeKo nung college.  Best female guest dj kasi siya.  Nung year-end top twenty countdown, nag-propose ako sa kanya on-air.  Di ko alam na patay na patay na pala siya sa akin dati pa kaya sagot siya agad ng u-oh.  Haha! 

2.  Naging corps commander sa ROTC.  Na-expel lahat ng ka-batch kong officers dahil sa hazing at ako lang natira.  May pagka-sutil pa ako nun.  Pinapagulong ko sa field ang mga kadete pag may tantrums ako like nawala ‘yung scientific calculator ko o kaya nababato ako at gusto ko lang matawa.  [Kaya di ako makapaniwala pag sinasabi nilang ako daw ang pinakamabait na corps commander in da whole wide world] 

3.  Nagtrabaho bilang waiter sa Rose Garden, isang low class prostitution den nung hayskul pa lang.  Pang-gabi ang schedule ko sa halagang trenta pesos magdamag.  Minsan, tinawag akong ‘kulangot’ ng isang lasing na humihingi ng ice bucket.  Badtrip ako kaya bago ko muna binigay ’yung ice cubes, kinaskas ko muna sa betlogs ko para subukan ko kung talagang malamig.  Anlamig nga.  Hehe.  Lesson in life:  Be nice to waiters.  Be very nice. 

4.  Kahit adik mga barkada ko nung college, never tried doobie at all.  Not even once.  Never even joined frat groups. Kahit pa ‘yung limang barkada ko e presidente ng kung anu-anong frat.  Paniwala ko kasi ang mga sumasali ng frat ay duwag.  Sabi nga ni Conrado De Quiros, “they are like mosquitoes, they are brave when they’re in droves”.   

5.  Naging presidente ng student council sa college of law.  Sa law school ko din naranasan maging Best Brief twice [hindi ‘yung sinusuot na sumusuporta sa betlogs, ‘yun ‘yung tawag sa pleadings ng korte]  dahil sa pagiging natural na sinungaling sa courtroom.  Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, miyembro ng UP debate society na naging bar topnotcher noong 2006.    

6.  Muntik na akong maging sundalo.  CAFGU kasi si Papa tapos kalahating taon na din akong nagte-training sa kampo [Camp Upi, Gamu].  Iyak ng iyak si Mommy with matching sikip ng dibdib epek epeks kasi ayaw niya talaga pero kino-convince ako ng mga kapatid ko na tumuloy para meron naman daw silang kapatid na de kanyon.  Nag-teyk a breyk muna ako for a year para pagbigyan si Mommy.  Na-deploy naman agad sa Mindanao ang mga kasabayan ko [kasagsagan noon ng Abu Sayyaf].  Nabaril ng Abu ’yung ka-buddy ko at inuwing dedbol sa amin.  Buti na lang di pala ako nagtuloy.  Six feet below da ground na sana ako ngayon.  Di ko din sana naramdaman kung pano mainlab  at maranasan mag-blog at makipagkulitan sa internet. 

7.  Currently working as software engineer sa Makati Stock Exchange.  High tech promdi.  Natutuwa ako sa elevator kasi sanay lang ako dating sumasakay sa kalabaw.  Pag walang kasabay, tumatalon-talon ako sa elevator at biglang napapakanta ng ’takatak mo’.  Marunong akong makisama ke sunog baga boys man o senior executives.  Pag senior execs at di ako maka-ride on, dinadaan ko na lang sa usapang theory of relativity saka the medici phenomenon. 

8.  Pag may sobrang pera, nagpagti-tripan kong manlibre ng Jollibee super meal o Starbucks kape sa sinumang pulubi o mukang gutom na palaboy-laboy sa daan.  Sabay kwentuhan na din ng buhay buhay.  Mas okey na ‘yun kesa tumeybol ka ng pokpok sa Cubao.  Mga mukha na ngang ewan, di pa marunong mag-handle ng conversation.  Anong akala nila sa ming boys, pekpek lang ang habol?  Hehe.  Biro lang.  Pekpek lang talaga habol namin.  Hala naku!  Hehe. 

Never had regrets sa katarantaduhang pinaggagawa ko sa buhay ko.  Life is short.  Enjoy the ride.  You only pass this journey once so live it.  Laugh at your mistakes but never be afraid to cry.  Now, I’m tagging the following:  bebeKo [diyosa ng kaning lamig], brokenman [by reading this, u are estopped],  sawn [8 kamanyakan, sige na wak ka na bagumbuhay], chillidobo [hot, hot, hot] , nelo [boy tulis], si Chuck ulit [hehe, okay lang un 8 crazy things naman ‘to], earthlotus [boy tulis2], maru [hmm… can’t wait to read urs] .  Okay lang kahit di kayo sumagot.  May kilala naman akong voodoo doctor.  Biro onli.  ‘Yung iba, welcome din makipagkulitan sa tag na ‘to.

*Shoutout to Al and Tim Tayag,  mga guardian angel  at devil ko sa kakulitan para sa kanilang pagbabalik sa ‘Sup Radio – ‘the only morning radio show at night’ sa Jam 88.3 which airs Monday to Thursday, 9-midnight.  Kinig kayo.