And Just Like That

22 05 2010

Nalungkot ako sa tineks na balita ng misis ko.  Binaril ng mga di pa nakikilalang kalalakihan si Judge Cipriano, dati naming propesor ng misis ko sa law school.  Sa may gitnang batok.  Ansama talaga nung mga gumawa nun.  Kung gusto nilang panggigilan ‘yung batok ni judge, bakit di na lang sila nambatok?  O kaya sinumpit na lang gamit ang binilog na basang dyaryo. O sulatan ng Stabilo Boss ang batok ng ‘You is a loser’.  Pwede ding All Caps kung matindi ang poot.  ‘YOU IS A LOZER’.  Those evil pipol. 

Inaasahang ibababa ni judge ang hatol nya ngayong linggo sa isang pulitiko. Ayun, inunahan na siya. Sabi nga ng singer na si Kanye West, ‘Heartless’.

Nung nabasa ko ang teks na ‘yun, nagulat ako.  Huminto ako sa mga napaka-importante kong gawain tulad ng paghahanap ng betsin sa isang asian grocery dito sa Melbourne.  At pati pangungulangot ko naantala.  Andun na sana, malapit na, malapit ko nang maabot ang langit nang biglang nag-tu-tooooot-tu-tooooooooot ‘yung cellphone.   Pati nga ‘yung magbayad ng mga ginrocery ko sa cashier nakalimutan ko.  Klepto?

Propesor ko si Judge Cipriano sa Criminal Law I.  Di ko makakalimutan ‘yung subject na ‘yun dahil mataas ang mga exam  ko dun kahit di naman talaga ako palaging nagre-review.  Kami ang nagtse-tsek ng sarili naming exam .  Siyempre pag nagtse-tsek na e di kino-korek ko lahat ng sagot ko.  Sabi i-check daw.  Hindi naman sinabing i-ekis.  Follow the instruction lang naman ako.
Basahin ang karugtong nitong lahok »

Advertisements




Boob Job

12 07 2009

Pawirdo ng pawirdo ang balita ngayon.  Ngayong linggong ito, nag-leak ang balita tungkol sa pagpapaayos ng suso ng presidente ng Pinas.  Kaya hindi na ako magtataka sa mga susunod pang ibabalita:  First gentleman nahuling nagpalagay ng nipol ring. Napapakamot na lang ako dun sa balitang nagpadagdag pala ng dede si Gloria Arroyo noon pang 1980s.  Langya naman.  Ano na lang ang sasabihin ko kapag nagka-apo nako at tinanong nila ako tungkol kay Gloria Arroyo:  ‘Uh apo, siya ang kauna-unahang presidente sa mundo na nagpadagdag ng suso.’  At nakakarimarim ang posibilidad na permanente ngang mailalagay sa mga pahina ng librong pang-kasaysayan, Sibika at Kultura sa elementarya ang pagpapalagay ng boobs ni GMA.
Basahin ang karugtong nitong lahok »





War For Peace

29 11 2007

Number wan na nakakabadtrip sa buhay ‘yung bigla kang nabibitin.  Sarap pa naman ng yosi breyk kasama ang barkada.  Perpek na lamig ng paligid, humidity, wind velocity at altitude sa baba ng Makati Stock Exchange.  Mamya biglang may nagpaputok sa mismong katabing Manila Peninsula Hotel.  Putek, eto nga ‘yung sinasabi nila kaninang umaga na magkukudeta na.  Nautot pa sa takot si pareng Abdiel.  Nasira na ang perpek moment.  Bad trip di ko na inubos ‘yung yosi.  Nagtatakbuhan na ang mga taong nagra-rally. Pers taym kong makakita ng nagwewelgang pilay na ambilis kumaripas ng takbo.  Sayang di ko nadala yung video cam, siguradong patok ‘yun pag na-upload ko sa youtube.  

Live na nagco-cover ng balita ang ABS-CBN chopper.  “Tara kaway tayo para makita tayo sa tv,” sabi ko sa mga uto-uto kong prens.  Pano na lang kung pinatulan kami ng ABS-CBN.  “Ahh, ako po si Doris Bigornia, heto ang live coverage sa Makati.  May limang unggoy na kumakaway, mukhang tuwang-tuwa sila sa nangyayari”.  Haha.  “Sana gumawa tayo ng banner na kartolina na may nakasulat na ‘Hi to my prens, family and kapitbahay.  Heto binobomba na kami, ansaya.”, dagdag ng isa pang siraulo kong barkada na si pareng Nathan.   

Balik kami sa opis para magtago sana pero redi na palang mag-evacuate mga kasama namin.  Sinabihan ako nung isang bosing na hanapin ‘yung immediate boss ko.  “Sa lower ground tayo dadaan, sabihan mo si boss mo na wag magpanic ha”, kulit sa akin.  Mabait naman akong sumunod kaya tumawag agad. “Boss, asan ka na?  Nagkukudeta na dito.  Andami nang tora-tora na lumilipad.  Papasabugin nila ang buong Makati.  Sabihin ko raw sa ‘yo, WAG KANG MAGPANIC HA?! WAG KANG MAGPAPANIC!!!”.  Haha.  Ewan ko ba lalo namang nagpanic.  Sira ulo talaga si boss. 

Palabas na kami ng harangin ng sekyu.  Delikado na raw lumabas.  Seryoso si manong guard.  Convincing kasi namumula ang mga pimples sa galit parang si Hellboy.  Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng pinakain ko sa kanyang libreng Jollibee meals mula nung January pa.  Nagbitiw na lang ako ng isang makabagbag damdaming verbal threat:  “Putsa pre, tirisin ko yang pimples mo, makita mo”.  Mamya, pinayagan na din kaming lumabas.   

Maayos ang evacuation.  Going to Ayala triangle ang lahat na parang mga langgam na sunod-sunod.  Pero dahil likas na matigas ang ulo ko, mula Paseo nag-U turn kami ng mga barkada ko pabalik ng LandMark galing Dela Costa.  Di pa kasi ako nakakakita ng Hummer na pang-giyera kaya gusto kong makiusyoso.  Nakakita naman ako.   

Wats my teyk on dis?  Bitin.  Sobrang pikon.  Wala man lang totoong bakbakan.  ‘Yung tipong matira matibay.  Mula pa nung Oakwood Mutiny, wala man lang nasaktan kahit isang guhit ng galos sa pwet.  Para ka lang nanonood ng boksing na nagpipitikan ng tenga.  Sabi sa balita, nagwalkout itong si Trillanes.  Ang alam ko, babae lang ang mahilig mag-walkout.  Ano kaya mga pinagsasabi nya?  “Asar na me [tampo].  Hurt na me.  Dito na lang me sa Manila Pen magpapalipas ng sama ng loob”.  Tapos ‘yung mga sundalo ng gobyerno naman, “Trillanes, Kainis na u.  Lumabas na u diyan.  Now na.  As in.  Kundi tatapunan ka namin ng tear gas na para kang nagmarathon movie ng Maalala Mo Kaya”.  Hay nakow, parang ganon na nga nangyari, puro satsat.  Ang alam ko, inevitable ang giyera para magkaron ng katahimikan once and for all.  Kelangan talaga ng bloodshed.  Kung sa video games nga, para makapagpatayo ka ng isang great civilization, kaylangan mong ubusin ang kalaban.  Kung nagkabarilan sana, tapos nanalo si Trillanes e di nagkaroon ng military takeover.  E di tapos na.  O kaya naman nadedbol si Trillanes.  Panalo ang gobyerno, back to normal ang lahat.  The end.  Lahat makakapagtrabaho ng matino.  Ewan mukang desensitized na ko sa mga nangyayari kaya nadedemonyo na ‘tong utak ko.  Bahala na sila sa buhay nila.  Magtitikol na lang ako.    





Shit Happens

22 10 2007

May mga araw talaga na parang juma-jackpot ka ng kamalasan.  It happens.  Ganyan talaga mambatok si Papa Jesus, biglaan.  Pakiramdam ko sinabihan niya ako ng “Hoy! Kaw naman, nakakalimot ka na ah”.  Ewan ko ba.  Wa epeks ‘yung prayers ko na gawin na lang na installment ang kanyang mga pagsubok tsurba sa akin.  Papa Jesus, credit card na saka bumbay na papayb-six ang uso ngayon.  Pakiramdam ko nga parang buminggo ako sa ‘series of unfortunate events’ dis week.  Nag-obernayt inuman kami nina pareng Nap nung Huwebes kasi may dalang ‘abalin’ na pulutan sina pareng Ryan.  ‘Abalin’ ang tawag  sa larvae stage ng salagubang na sinasangag hanggang magkulay brown – exotic food naming mga Ilocano.  Nakalimutan kong may allergy nga pala ako dun pag sinabayan ng Red Horse.  Madaling araw nang magising akong kamot ng kamot.  Pagpasok ng opis kinaumagahan, hindi lang betlogs ko ang pulang-pula.  Umalsa din pati paa, kamay saka mukha ko, para akong naging kuya ni Jollibee.   

Mabilis namang naagapan kasi dinala ako sa clinic.  Binigyan ng pers ayd saka prescription ni doktora ng sandamakmak na Loratadine ‘yung mukang birth control pills.  Tinatanong nya kung ano ‘yung pinagkakain ko kaso di niya maintindihan kaya sinabi ko na lang na hipon.  Nagpayo si doktora na ‘wag daw muna akong magkakain ng malansa.  Putek, buti ‘yun lang ‘yung malansang bawal sa ‘kin.  Iniisip ko tuloy pano na lang kung may mas malas pa sa ‘kin na magkaroon naman ng allergy dahil sa pekpek.  ‘Pag tinanong ng  “Pucha pare bakit maga ‘yang nguso mo?”.  Pailing-iling na sagot “Allergic kasi ako sa pekpek pare”.  Tsk. Tsk.   

Dahil nga biyernes, tipikal na lunch out naming opismeyts magbabarkada sa Glorietta, walking distance lang naman sa Stock Exchange.  Paborito na namin ‘yung ‘Lechon Macau’ sa Food Choices, sa may second level lang – lechon baboy na may giant kangkong toppings with garlic rice.  Solb na naman.  Di pa ko nakakadighay nang parang may higanteng umutot.  Anlakas.  Nabulabog ang mga kopols na kanina lang ay binibilang namin kung ilan ang mga nagho-holding hands while walking.  Takbuhan ang mga tao.  State of terror.  Binalot ng higanteng abo ang Glorietta.  Zero visibility.  Takbuhan na rin kami.  Ang madapa tanga.  Nagbagsakan ang mga pintuan.  Di kami makalabas pero takbo pa rin.  Hanap ng ibang daanan.  Sa wakas bukas ang papuntang LandMark.  Seyb.  Parang isang prank lang ang lahat.  Wala akong kamalay-malay na isang balitang pambansa ang nangyayari.  Naging malinaw lang kung gaano kaseryoso nung nasa opis na kami at pinapanood ang flash news sa Kapuso tv.  Buti na lang at buhay ako.  Lalo tuloy akong naniniwalang masamang damo nga talaga ako. 

May isang computer programmer na namatay.  Nakakabadtrip lang kasi bakit kaming mga matinong nagtatrabaho,  mga walang sinasagasaang ibang tao ang kailangang madamay sa kung anong ginawa ng mga bwakananginang mga yan.  Pwede ba kong manisi ng iba? Di ko alam.  Gusto ko lang sumigaw, magpakyu, at magmura.  Dahil pagkatapos ng ‘shit happens’ na ganito, kelangan ituloy ang buhay.  Get up from the rubbles, clean your wounds, learn from the lessons and move on. 





Lessons from the Dead

20 08 2007

Adik sa soap opera ang mga Pilipino.  ‘Wag ka nang magtaka kasi meron ‘tong malalim na dahilan.  Kung ano ang anyo ng demokrasya natin ngayon, nabuo ito dahil sa isang magulong ‘love triangle’.  Sa libro ni Conrado De Quiros na Dead Aim, umiikot ang mundo nina Ninoy, Cory at Imelda sa tema ng pagmamahal, galit at paghihiganti.  Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort ni Imelda itong si Ninoy sa isang charity ball.  Hot chick probinsiyana si Imelda noon.  Inaamin naman ni Ninoy na nagka-crush siya kay Imelda.  Pero kung bakit di sila nagkamabutihan, sinasabi lang ni Ninoy na “She’s too tall for me”.  Pero kung si Imelda ang tatanungin, alam niya kung bakit di siya niligawan.  Wala siyang maipagmamalaking breeding at wala din siyang pera.  Isang probinsiyanang nagbakasakali at sumali ng beauty contest sa Miss Manila, di niya inaasahang magku-krus ang kani-kanilang landas.  Pero mas pinili nga ni Ninoy ang isang tagapagmana ng hacienda.  Si Cory Aquino.  Tulad ng isang soap operang napapanood na may sound epek epeks pa ng Pers Lab Neber Dies, alam mo na na ‘yung isang karakter na naapi at nasaktan e magbibitaw ng linyang “Babangon ako’t dudurugin ang mga taong umapi sa ‘kin”.  Basta parang ganun. 

Hindi imposibleng nagustuhan nga ni Imelda si Ninoy.  May ‘thing’ kasi si Imelda sa mga pa-bad-boy epeks.  Laking kanto at Manila boy itong si Ninoy.  Ang tawag nga sa kanya ni Nick Joaquin [national artist for literature], ay batang siga.  Pero para sa isang pusong nasaktan, may ‘knight-in-shining-armor’ na magpapakyut.  Dobleng brusko at mahangin pa.  Isa sa mga mambabatas sa kapulungan noon at nakakitaan na ng kumpiyansa [at kayabangan] na magiging presidente balang araw, nakita ni Ferdinand Marcos si Imelda sa isang cafeteria.  Basta na lang lumapit at nagpakilala.  Hindi naman nabastusan si Imelda sa ganun.  In pak, na-impress pa nga.  Hiya naman daw itong si Imelda.  Kasi naman hindi daw siya ‘prepared’.  Nakapambahay kasi saka tsinelas lang.  Na love-at-first-sight si Marcos and right there and then ay nagpropose na pakasalan si Imelda. 

Hindi nga tinantanan ni Ferdie si Imelda.  Araw-araw may three red roses na natatanggap si Imelda.  Matapos ang labing-isang araw na pagpapakyut ay kinasal ang dalawa.  Ang lupet.  Kung nagkataon na nakasabayan kong lumaki itong si pareng Ferdie, sa kanya dapat ako nagpaturo ng ‘da moves’.  Nagpatuloy ang aktibong political career ni Ferdie habang si Imelda ay all-out support na tagakanta sa mga political rallies ng asawa.  Sa isang panig naman ay ang pagpayagpag ni Ninoy na naging pinakabatang mayor, pinakabatang senador [two weeks underage na muntik pang ma-disqualify] at sanay naging pinakabatang presidente ng Pilipinas.   

Naging presidente si Marcos.  Nasarapan sa aircon sa Malacañang kaya di na nagbalak umalis.  Nagdeklara ng martial law para ma-extend ang paggamit ng aircon kaya nagkaroon ng matitinding kaaway.  Isa dun si Ninoy.  Pero dahil under military regime noon, lahat ng kontrapelo ay kinukulong.  Nakulong si Ninoy sa Fort Bonifacio ng matagal na panahon.  Nagka-heart problem at na-confine sa Philippine Heart Center.  Ayaw niyang magpagamot dun dahil si Imelda nga ang nagpatayo.  Alam ko may halong tampo ‘yun.   

Nung May 8, 1980, isang surprise visit ang ginawa ni Imelda kay Ninoy sa hospital.  Ang sabi sa diyaryo, kinausap ni Imelda si Ninoy kung gusto niyang sa Amerika na lang magpagamot.  Pero iba ang iniisip kong pag-uusap ng nangyari: 

Imelda:  Una kang naging akin Ninoy. 

Ninoy:  Ipagpatawad mo.  Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang nasa isip. 

Imelda:  Sinungaling mong puso! 

Nagpagamot nga si Ninoy sa Amerika at dun na rin nanirahan kasama ang pamilya.  Nagpumilit bumalik sa Pilipinas at binanggit ang katagang ‘the Filipinos are worth dying for’.  Sa bandang huli ay na-assassinate.  Makasaysayan ang mga sumunod na pangyayari tulad ng Edsa revolt habang ang buong mundo ay nakatutok sa soap operang ito.  At kung bakit di pa rin nareresolba ang kaso ng assassination ni Ninoy hanggang ngayon, marahil magandang tignan ang anggulong ‘love triangle’.  Wat yu think?