Getting Physical

19 06 2010

Nagdududa na talaga ako na nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling imahe. Kung totoo ‘yun bakit si Jesus may abs, tapos ako wala? At kung totoo ang teoryang ‘yun e di mga taga-Fitness First lang ang tunay na anak ng Diyos. Pero syempre ayoko din sa teoryang nanggaling tayong lahat sa ebolusyon ng unggoy. Di naman ako mukang unggoy. Ebolusyon ng kambing, pwede pa. ‘Yung mga kapitbahay naming nagkukutuhan tuwing umaga, ‘yun ‘yung mga lahing unggoy.

Sa pagbabakasakaling tubuan ako ng abs, balik basketbol ako ngayon. Mahirap nga lang maghanap ng basketball court dito sa Melbourne, di katulad sa Pinas na bawat kanto meron. Ang paghahanap ng court dito ay parang paghahanap ng isdang marunong magbisikleta. Bakit ko nasabi? Gusto ko lang i-exaggerate. Napagod ako kakahanap.

Kakaiba maglaro ng basketbol ang mga kolehiyala dito. Mini skirt ang basketball uniform nila [tawag nila netball skirt] tapos panty panty lang sa loob na kulay itim. Ke maka-shoot o sablay, pagbagsak ng manlalaro mula sa ere, iisa lang ang reaksyon ng mga nanonood: ‘Ooooohhhhh!’… Isipin mo si Marilyn Monroe na nagdi-dribble ng bola. Ganun nga.

Nakahanap naman ako ng mga kalarong Pinoy. Mga second o third generation na kaya ‘yung iba di marunong managalog. Kaya pag sinasabi kong ‘Kupal pasa mo ‘yung bola’, ang sagot lang sakin, ‘I’m sorry can’t understand Tagalowg’. Tapos mga Aussie kalaban namin. Matatangkad ‘yung mga Aussie. Gusto ko ngang imbitahin sa Pilipinas, baka gusto nilang mag-apply bilang poste ng Meralco. O taga-hawak ng billboard sa Edsa. First quarter lamang kami. Second quarter lamang pa din. Second half, dumating na ‘yung mga resbak nila. Hanggang natapos ang laro. At dito na nagtatapos ‘yung kwento. Ayoko nang sabihin kung sinong nanalo, di naman daw importante ‘yun. [Tangina, bitter].

Natanong ako minsan nung opismeyt kong Aussie kung anong isports ang sikat sa Pinas. Sabi ko basketbol, basketbol at panghihipo sa dyip. Soccer naman saka rugby ang ‘national pasttime’ nila dito. Ayaw patalo, sabi ko madami ding nagra-rugby sa Pinas. Pakalat-kalat pa nga sa kalye.

World Cup fever ngayon dito. Kasama ang bansang Australia sa kumakampanya para makuha ang World Cup, ‘yun ‘yung may globo sa taas ng tropeo pero wala namang kasamang tasa. Sana di na tinawag na World Cup kung wala namang cup, World na lang. Aktwali, soccer ang numero unong isports sa mundo. Pero di ko nakikitang maging-number 1 din ang larong soccer sa Pinas [kahit naging midfielder pako sa soccer team sa dating opisina]. Mainipin ang Pinoy, mahilig tayo sa quickie. Eto pa naman ‘yung sports na isang oras nang naglalaro ang bawat koponan pero ang score pa din ay 1-0.


Bilang respeto naman sa bansang kumakanlong sakin pansamantala, kailangan ko ding ipakita na mahal ko ang mahal nila. Kaya pagkatapos matalo maglaro, naisipan kong magbarbekyu ng pinakaminamahal nilang hayop, ang kangaroo. Tsaka para pag-uwi ko ng Pinas at tinanong ako ng kapitbahay kong unggoy kung nakita ko na ba ‘yung kapatid kong kangaroo, pwede kong sagutin ng, ‘Nasa tinga ko, gusto mong makita?’. At isa pang malupet na hirit na ‘Kung utol ko ‘yung kangaroo, di utol ko rin tatay mo’. Rakenrol.

Question of the day: Anong palagi mong nilalaro nung bata ka? Mag-iwan ng pinaka-gago, henyo, o kahit na anong sagot sa comment box. Pero bawal sumagot ng ‘Titi ko’ dahil sagot ko na ‘yun.

Piktyur 1.] Kangaroo barbekyu ni Badoodles. Mas masarap syang ibarbekyu kesa panoorin sa zoo.

Advertisements




Land of the Sheepshaggers

1 06 2010

Habang tumatagal ako dito sa Australia, lalo akong napapabilib sa sistema nila. Bilib na may kasamang inggit. Panong di ka maiinggit, magtatapon ka ng basura kusang bubukas yung takip ng basura. Iinom ka sa gripo, meron nang pindutan ng hot or cold. Iihi ka sa urinal kusang papawpawan yung betlog mo. Ok ok, gawa gawa ko lang ‘yung pangatlo. Pero pag napapaisip ako, ang Pinas ay galing pa sa pinaghalu-halong maharlikang dugo ng mga ita, indones at nognog pero third world country pa din samantalang ang Australya na isang dating tapunan lang ng preso ng Gran Britanya ay isa na sa pinakasibilisado at asensadong lugar sa mundo.

Nung panahon ng British colony, tapunan lang ng preso ang Australia. Ayon sa kwento [ng isang barbero na nagba-blog], na-bored ang mga preso kaya nagbungkal na lang ng lupa, nagtanim ng sangkatutak na gulay, at nag-alaga ng sandamakmak na tupa. Sa atin pag nabo-bored ang mga preso, binobrokeback yung kapwa preso, pero sila malamang sa malamang pag nabo-bored ay mga tupa ang pinagdidiskitahan. Well, teorya ko lang naman yan na mahilig sila sa tupa, wala pa akong matibay na ebidensya maliban nga sa pag bumabati sila ay parating G’day meeehhh!

At pag ganitong mainggitin ako, balasubas akong sumagot sa usapan. Tinanong ako minsan ng isang opismeyt kong kupal na Aussie kung anong bansa ako.

Aussie1: Oh Philippines, from third world. How does it look like?
Badoodles: How does it look like?… Like two kangaroos f*cking a koala. It’s a country, mate. It looks like a country.

Partida di pa ako pikon dyan. Saka di mo magawang mapikon dahil nga dayo ka lang. Ang kaya ko lang gawin ay tayuan kung anong nasabi ko saka wag magpapalamang. At kung bastusan lang ang pag-uusapan, panalo tayo dyan. Kaya pag nababanggit ‘yung ‘third world country’ sadya man o hindi sadya, sinosopla ko lang ng ‘Dammit, you sheepshaggers’. Pero in general naman, marunong rumespeto at palakaibigan ang mga Aussies.

Ayos din sana mamuhay dito dahil nga mababa ang crime rate. Kung may krimen man dito, kasing bihira ng ngipin ng manok. Nakakita ka na ba ng ngipin ng manok? Kaya nga, ganun ka bihira. Ayos din ang ospital nila. Pag ang Aussie nagkaka-baby, binibigyan ng gobyerno nila ng 6 months na baby allowance. Sa ‘tin pag nagkaka-baby, binibigyan lang ng libreng pa-condom sa health center. Sa kanila, pag nagkasakit may libreng pa-ospital. Sa tin, ‘pag nagkasakit, may libreng palibing ni Mayor.

Ang problema ko na lang dito, hindi pa nila nadidiskubre ang pinakahenyong imbensyon ng mga Pinoy – ang tabo. Walang nagbebenta ng tabo dito. Hindi pa naman tayo sanay na walang tabo. Gumagamit tayo ng tabo panghugas ng pwet at hindi yung kaskas-tissue lang. Kaya pag merong nilalangaw ang pwet dito, syento porsyentong hindi ako ‘yun.

Tsaka walang Jollibee dito. Wala silang pagkain na tatakamin ka. Lasang papel ang pagkain nila. Kung minsan naman, lasang cardboard. At pag tinimplahan mo ng asin, magiging lasang inasinang cardboard. Oh Shyet, miss na kita Pinas.

Piktyur 1.] Ang mahiwagang tabo ni badoodles.





The Penis Monologue

16 07 2007

Women have sixth sense.  Lakas ng pang-amoy kung nagsisinungaling ka o hindi.  Early in my relationship, I can’t lie to MyBebe.  As a psychologist, she knows.  She said that generally, a right-handed man is lying when he keeps on glancing sideways to his left while explaining.  And so with a left-handed man who keeps on glancing sideways to his right.  That’s science.  But even after mastering the art of not glancing to my left (I’m right handed), she still knows.  I don’t know if it’s gut feeling or that clitoris has extra sensor that measures wavelength sort of a polygraph test. 

“Ano na naman ‘yang ginagawa mo sa banyo?”. 

“I’m taking a leak..” [shouts] 

“No you’re not.  I know what you’re doing. Nagjajakol ka na naman.” 

Packing sheet.  Why do I get cornered always?  I’ve been in a relationship for quite some time and have moved in to BebeKo’s apartment just last year.  Moving in means getting rid of my boyhood attachments to watching discovery channel (aka that channel 101 in wee hours of the morning that showcases human copulation), and ditching my reading materials on the field of human exploratory behavior (read: FHM).  MyBebe caught me reading porn once and I explained I just borrowed it from an MMDA guy standing along Ayala Av [one in a million chance but still is true].  She gave me that smoldering look I just wished the ground  opened up and swallowed me whole.   

May mga chances na kahit wala kang ginagawa, ikaw pa din ang may kasalanan.   

“What have I done?” 

“I saw you with another girl.” [sobbing] 

“Where?” 

“In my dreams.  And she’s only wearing white panty and bra and she’s cuddling you…” 

What da.  How do you defend yourself in that situation?  What would I say?  “Ah, I’m sorry?  I won’t do it in your dreams again.  Wag na u magalit, pleaze.”  Instead, I just said:  “Maybe it’s you.” 

“Nooo!  I don’t have a white bra.” 

Sigh.  Women. They’d pick you up for a fight just for the heck of, well… picking up a fight.  I tell you, they are bullies by nature.  And I don’t know why, but we love them even more… 🙂





Your Name Determines Your Destiny

2 07 2007

May pagkabingengot ang mga Pinoy.  Kaya mahilig tayo sa mga pangalang inuulit tulad ng Nene, Toto, BekBek, TonTon para matawag natin ‘yung tao ng dalawang beses.  Noynoy naman ang tawag sa akin noong panahong ang titi ko ay tinatawag pa lang na ‘little bird’ at di pa ko tinutubuan ng kilo-kilong pubic hairs.  Ang ibig sabihin ng Noynoy sa Bicol ay ‘bunsong makulit’.  Dahil sa pilosophy sa psychology na ‘your name determines your destiny’, unconsciously I have lived by my name’s meaning.  Sa lebel ng kakulitan, andun siguro ako in between the thin line of being genius and insane.  Genius ‘kuno’ dahil marunong na ako in terms of serious decision-making tulad ng anong uulamin sa umaga.  One time, five years old ako ng pinabili ako ng tuyo sa tindahan nina Aling Mameng.  Dahil wala silang tuyo, nagpasya akong tumawid sa super highway para bumili na lang ng itlog sa tindahan nina Aling ‘Marunong Managalog’.  Gulat sina Papa saka Mommy.  Though bumilib yata, pinag-promise ako na ‘wag na ‘wag ko na daw uulitin ‘yung pagtawid sa super highway.  Minsan naman pinabili ako ni Lola ng mantika.  Dahil gusto kong bumili ng babol gam, inihian ko ’yung supot saka binalik sa kanya.  Malabo na rin ang mata ni Lola kaya hindi napansin agad.  Siguro nung kumukulo na ’yung ’mantika’ saka lang naamoy na mapanghi pala.  

At dahil na rin siguro sa kakulitan ko, kung anu-ano pa ang binansag sa akin.  Iba pang ’pet peeves’ sa akin ay ’little monkey’, ’kulaspiro’, ’pulungkutoy’, at ’kutitubs’, ewan ko ba parang mga pangalan ng mga bagong recruits ng kampon ng kadiliman.  Siguro lang sa sobrang tuwa o inis kaya kung anu-ano ang pinapangalan sa akin.  O dahil may pagkalaitera din ang Mommy ko noon, ako ’yung nakatanggap ng bad karma.  Mahilig magpangalan si Mommy ng mga kapitbahay namin tulad ng Rositang Ulikba, Lusing Duling, Anita Laki-Mata, Tersing Bad Breath, atbp.  May kagandahan kasi si Mommy no’n, pero ngayon, pag nagkakaroon ng katuwaang ’intellectual debate’ sa bahay at natatalo na si Kuya, nandadaya at tinatawag niya si Mommy ng Tina Dalawang Ipin.  Foul ’yun sa debate dahil isa itong logical fallacy [ano’ng kinalaman ng ipin sa legitimacy ng presidency ni GMA?], ‘yun ang sinasabing argumentum ad hominem [o argument directed to the person].  Siyempre hurt si Mommy, at maglilitanya na naman na wala man lang siyang anak na gustong mag-isponsor ng kanyang ngipin.  [Nag-drama na, lagot].   

Aside from the fact na nakukyutan ang mga Pinoy sa mga salitang inuulit ang daglat sa mga pangalan ng tao, pati private parts pinagkatuwaan din.  Andiyan ang kili-kili, bulbol, pekpek, titi, suso, dibdib, atbp.  Nung childhood years ko, tinatakot ako ng mga kapatid ko na paglaki ko, dahil nga ang pangalan ni papa ay Manolo at ako’y junior, ang magiging tawag sa akin ay Uncle Mani-Maning.  Asar ako dahil katunog ng parte ng female genitalia.   Magiging buzzword ang aking pangalan sa mga sex education classes: 

Teacher:  Class, what do you call the part at the upper portion of the pudendum and between the labia majora and labia minora? 

Class:  Mani-Maning! 

Hindi na lang sinagad-sagad ang pagiging bahagi ko ng female genitalia.  Clit na lang kaya pangalan ko?  O Fellatio kaya.     

Mommy:  Fellatio, anak, nag-igib ka na ba ng tubig? 

Me:  Hindi pa po Mommy, nakapila pa po kasi si Kuya Cunnilingus saka ate Syphillis.   

Nakng baog na dilis naman ‘to.   

Sa psychology, may mga existing research na nagsasabing ang pangalan ng tao ay nag-dedetermine ng kanyang kinabukasan.  Ang mga may pangalang patawa tulad ng Inday Bote, Potenciana, o Maximiana ay nagiging inferior o lower ang status sa society.  Ang mga cool namang pangalan ay mas mahaba ang buhay ng 3-4 taon [pangalang Love, Joy, Sunshine] kumpara sa mga pangalang kahindik hindik tulad ng Candido, Gollum, Ismigol, atbp.  Ang mga may pangalang Ana, Elizabeth o Emma ay less likely na kukuha ng engineering o mathematical courses di tulad ng mga pangalang Abigail, Ashley atbpang less feminine names.  Ang mga may pangalang likeable ang tunog ay mas mataas ang binibigay na grade kaysa sa ibang less-likeable ang pangalan na kapareho lang naman ang galing.  Hmm… kaya siguro mababa grades ko.

 

*Pahabol:  Sa aking mga cute na prens sa blogroll, may bago na akong tahanan:  kwentongbarbero.com.  paki-update na lang ako sa inyong blogroll.  Tenk u marami!





Crazy People Don’t Know That They Are Crazy

25 06 2007

Madaling ma-stress out ang babae in terms of relationship issues.  Sinugod kasi sa bahay si BebeKo kagabi ng isang babaeng may sayad at hindi niya alam na may sayad.  Convincing kasi ‘yung babae.  Asawa daw niya ako at matagal na niya akong pinaghahanap.  Kung saan saan na siyang lupalop napadpad sa kahahanap sa akin.  May kasama pang galit galit epeks sa harap ng mala-diyosa kong asawa at sinabing ilabas daw ako.  Hayblad si BebeKo, nawala ang pagiging psychologist, kaya nilabas naman ‘yung kitchen knife saka chopping board, balak yatang gawing sizzling adobo chunks ‘yung claimant.  Turns out, may tililing ‘yung babae, naisip ko baka napagtripan siguro ng mga sunog baga boys sa kanto na ako ang itinuro.  Tapos na ang gulo at explanations pero nahirapan pa rin akong lambingin si BebeKo.  Outside the kulambo na naman.

Hindi na bago sa akin ang mga taong maluluwang ang turnilyo.  All through out our lives with MyBebe, napapaligiran na kami ng mga ‘yan.  Sa mental hospital ang apprenticeship ni BebeKo nung college.  Kakaiba nga panliligaw ko kasi pag nagka-cutting class ako, tinutulungan ko siya na magpakain ng mga pasyente.  Sa paliligo, nakikita ko na de tabo ang pagpapaligo pero dun sa mga silent aggressive types, binubuksan yung garden hose saka itinututok na lang.  Sabay na ring malilinisan ‘yung kulungan nila.  Two in one.  Tawag nila sa akin noon ay Dadi Cesar Montano at si BebeKo ay si Charlene Gonzales.  [Minsan lang magsabi ng totoo ang mga baliw kaya pagbigyan niyo na ako].  Nagpapakyut pa lang ako nun, karibal ko na sa atensiyon ang mga baliw.  Meron ’yung nagpapakyut ako kay BebeKo,  biglang agaw eksena ‘yung isang baliw tapos pinakita ‘yung titi niya tapos nagtikol pa sa harapan  namin.  Bad trip talaga.  Madapacking sheet, kung di ka ba naman magulat sa ganun, pero si BebeKo sanay na.  Sa psychology, huwag daw kutyain o kagalitan agad.  To do that  can be more damaging to their self image.  Self image?  E kung matamaan ang mata ko sa pagpusitsit ng sperm nung gagong ’yun, mabulag pa ako.  Pero dapat daw pinagsasabihan na lang  din na parang normal na tao. 

Naisip ko tuloy kung paano ko ipe-phrase ’yung sasabihin.  “Okay, puwede bang pagkatapos mong magsalsal diyan, umalis ka na sa harapan namin?”. 

Minsan naman, hiningan ako ng barya nung isa, toll gate daw.  Binigyan ko naman.  Malay ko bang lulunukin nung tarantadong ’yun. [Hehe!  Nakaganti rin ako].   Binabawi ko sabi niya di na daw pwede.  Bangko daw siya, hintayin ko na lang daw magkainteres.  

 Before, pag namamasyal naman kami sa public places, naaawa si BebeKo sa mga baliw kaya binibigyan niya ng pagkain.  Okay lang ’yun, ang ayaw ko lang ’yung niyayakap pa niya. Nagsasalubong kilay ko lalo na pag ako’y under matapobre-mode.  Kulang na lang dalhin niya sa salon tapos ipa-relax pa ’yung buhok saka ipa-pedicure ang paa.   Ipinapaunawa naman niya sa akin na walang gamot ang pagkabaliw dahil hindi organic ‘yung cause ng pagkabaliw.  The only thing she could do is give them love and care to bring them back to their senses.    Iniisip ko na nga rin minsan, kaya niya lang siguro ako ginusto ay dahil may pagka-sira ulo din ako [self-pity na ‘to].  Though she assures me, “Be, kung natanggap ko ‘yung pagiging malikot mo, ‘yun pa kayang pagiging sira ang ulo mo”.  Sabay kurot sa tagiliran.  Ayos.  Balik na naman sa kwarto ito. 





Shrek Is A Pinoy Mongoloid

4 06 2007

Masarap din pala ang lasa ng ‘McShrek’, ‘yung royal ChickenNugget meal ng Mcdo.  Nung una, medyo pakipot pa akong tikman.  Kulay uhog kasi ‘yung mustard dip saka ‘yung bubble gum float  parang blue dye na nilalagay kapag may beke ka.  In perness, masarap ‘yung uhog maasim-asim at ‘yung float drink, lasang mouthwash parang katatapos mo pa lang magpalinis ng ipin.  The fears are all in the mind.  Sabay nood na rin ng  Shrek The Third sa Festival Mall kasama si BebeKo.  Pagpasok ko pa lang, sinalubong na ako ng smart ass chick na taga-punit ng ticket.  ‘Shrek?’, tanong sa akin na sinagot ko agad ng ‘Yes’.  Hagikhik si BebeKo.  ’Si Shrek ka daw’.  Bagal ko talaga pumik-ap ng humor, naisahan tuloy ako.  The airconditioning inside is friggin’ cold enough, pampatibay ng relasyong mag-asawa. 

Shrek The Third is the final installment of the story of a green ogre living in a swamp disturbed by fairy tale characters which King Farquaad drove off from the kingdom.  The last of the trilogy opens with the death of the frog king aka Shrek’s dad-in-law.  By default, Shrek is next in line to the throne.  Hesitant to be a king, he struggles to find young Arthur who is the other closest replacement to the throne being Princess Fiona’s cousin. Shrek The Third has come a long way from its prequels.  12 years after Dreamworks acquired this William Steig’s piece, it now boasts with the highest opening of an animated movie with $121 M gross.  Ito lang yata ang napanood kong Hollywood animation na ang bida ay mas masagwa pa sa almoranas ang itsura.  Alala ko tuloy nung nagsisimula pa lang si dadi Mike Enriquez bilang news anchor sa Saksi.  Tipong lalangawin ang news program pero ngayon unbeatable na sa rating.  Natuto ang mga tao na tumingin sa content rather than face value.  Remarkable din ang kanyang copyrighted line na ‘Mga kapusow esmyuski pow… hat – sing!’.  Yes my friends, pangit can also rule the world.   

Shrek by all standards is an anatomy of a pinoy man.  His nose could never rival the aquilinian nose of greek Gods, but still well-sculpted like an oversized kubrekama.  He attempts to smile innocently, but still looks like a manyak.  He feasts on bugs and insects like salagubang, tipaklong and alibangbang. Ha! Ha!  Very pinoy.   Shrek would never exchange his vermin-infested swamp to any other things in the world.  That’s the part I get misty-eyed, I remember my room in the prabins with its clutter and maggot-infested pizza bins.  Watching the movie was like watching ‘Reflections’ to me.   

Shrek though a family comedy has serious undertones.   Shrek struggles on the idea of becoming a family man.  Like a pinoy bachelor, he cannot be ready for that.  Parang ‘yung barkada kong si Reggie, ilang babae na ang kinabayo nun pero pag tatanungin mo kelan magse-settle down, bigla kang titignan ng catatonic look.  ‘Hindi pa ako ready, pre’.  Pre my ass.  Kung ilang babae na ang nabulag mo sa kawiwisik ng sperm, baka kulangin pa ang buhok ko sa kili-kili sa pagbilang. 

Shrek The Third features the voices of Mike Myers (Shrek), Cameron Diaz (Princes Fiona), Eddie Murphy (Donkey), Antonio Banderas (Puss in Boots) and Justin Timberlake (young King Arthur).





You Are What Your Bedtime Manners Are

21 05 2007

Sanay akong matulog na naka-dekwatro habang hinihigan ng ulo ang dalawang palad.  Parang nagpapa-aircon ng kili-kili sabi ni BebeKo.  Lakas mang-asar nun.   Dagdagan na lang daw ng konting armpit hairs, pekpek na pekpek na daw ang tambok ng kili-kili ko.  Samantalang nagigising ako nang  madaling araw, nakasiksik naman sa akin, sa kili-kili ko pa.  Enjoy na enjoy sa amoy.  Ha! Ha! Di ko alam kung kelan ako nagsimulang mahiga ng ganito.  Siguro nung panahong nagsasama na  kami.  Sabi ng BebeKo who is a psychologist by profession, sleeping positions reveal the personality of a person.  There are six (6) basic sleeping positions: 

1.  Parang Beybi.  Nakatagilid na parang fetus in a crouched position.  ‘Yung mga taong ganito matulog ay tough on the outside, pero shy and sensitive naman in the inside. 

2. Tuod Style.  Naka-outstretch ang paa na parang kahoy at ang arms ay nasa gilid lang ng katawan.   Ang mga taong ganito matulog ay sociable and easy-going.  They always want to be part of the ‘‘in’’ crowd.  Ayaw na ayaw nila ng naa-out of place. 

3.  Namamalimos. Pa-side matulog.  Naka-outstretch ang paa at ang dalawang kamay ay naka-stretch na parang namamalimos.  Ganito matulog ang mga taong very open ang nature, pero suspicious sa iba. 

4.  Sundalong Kanin.  Flat ang pagkakadaupang ng likod ng katawan sa higaan.  Arms on the side.  Ang mga taong natutulog na parang sundalo ay mga tahimik at reserved.  They have a very high standards.   

5.  Tulog pa-Aircon ng Kili-Kili.  Naka-stretch ang paa kala mo sa kanya ang buong higaan.  Ang dalawang palad ay nasa gilid ng ulo o kaya’y hinihigan.  Ito ang sleeping position ng mga may pagkamahangin saka gregarious.  (Yehey!  Di naman sinabing ganito matulog ang mga malilibog).  They are sociable and bold but they don’t like criticisms. 

6.  Buyangyang na Tulog.  Kung ang No. 5 ay kala mo sa kanya ang buong higaan, ito naman kala mo pag-aari nya ang buong universe.  Walang pakelam kung anong position nakahilata.  Free form ika nga.  Ang mga natutulog ng pabuyangyang ay ang mga taong good listeners saka madaling makagaanan ng loob.  Beri prenli.   

Not necessarily na isang position lang ang tulog mo.  You can be a combination of any of the six basic positions.  Pero once na nasanay ka na sa ganung position ng pagtulog, you rarely change it.  It’s like a hard habit to break.

  sleeping position