Culture Clash

4 07 2010

Kahit nasa ibang bansa ako, hangga’t maari nagluluto pa din ako ng nakasanayang almusal – longganisa, daing o kaya tuyo na may kamatis, samahan mo pa ng sinangag at ‘yung tinatawag ng lolo kong bulol na nekskape. Kaya pagpasok sa opisina, umaalingasaw ang pagka-Pinoy ko. Napapatingin ‘yung mga hindi sanay sa ganung amoy. At kung marunong lang managalog ang mga opismeyt ko, malamang bumubulong na mga ‘yun ng ‘Andito na si amoy longganisa’.

Pero mahirap din maghanap ng pagkaing Pinoy dito. Kelangan ko pang dumayo sa kabilang bayan. Saka ‘pag sinabing ‘Asian grocery’ ‘wag mong asahan kaagad na may produktong Pinoy, pagkain lang ni Jackie Chan ang meron dun. Sinubukan kong tumingin sa grocery ng mga negro baka sakaling merong produktong Pinoy, wala din. Uling lang nakita ko dun. Hehe.

Pag tanghali sa opisina, dahil ako lang ang Pinoy [technically, dahil ‘yung isa pinanganak sa Pinas pero bumbay], at ayaw kong kumaing mag-isa sa isang sulok, sumasama akong kumain sa mga bumbay. Pero ‘yung mga bumbay lang na sinasamahan ko yung mga hindi amoy kili-kili [at hindi hinuhusgahan ang pagiging amoy longganisa ko]. ‘Yung iba sa kanila vegetarian dahil Hindu ang relihiyon nila. Ako naman relihiyon ko Hindut. Tinanong nila ako kung vegetarian ba ako, sabi ko oo, ‘vegetarian with meat’. Tawanan. Kaya tawag sakin sa opisina ‘vegetarian with meat’.

Hindi ako sanay kumain ng Indian food. Ang pinaka-initiation ko lang sa pagkaing indian ay chicken curry saka curry-curry [hehe, pero walang biro, ang kare-kare ay dating curry-curry, isang orihinal na pagkaing bumbay]. Pag nasa Indian restoran na kami, hindi agad ako makaorder dahil ang hirap bigkasin ng mga pagkain nila. Tunog titulo ng mga porn DVD sa bansang Tsekoslovakia. Tse-.. Chekos-.. Ganun kahirap i-pronounce. Kaya ang ginagawa ko, nag-iini-mini-mayni-mo na lang ako, at kung saan matapat ang daliri ko ‘yun ang pananghalian ko. Kaya ang ending, laging sira ang tyan ko. Minsan, may natsambahan akong madaling bigkasin, Bowel of Sambar kaya inorder ko naman. Kaya naman pala Bowel of Sambar, dahil pagkatapos kong kainin, sunod sunod ang bowel ko. Langya ganun pa din, sira ang tyan.

Anlaki ng problema ko ano? Pagkain. Lagi kong sinasabi, ang pagkain ang repleksiyon ng isang bansa. Tangina, anlalim. Gusto ko lang naman sabihin, hindi ko kayang mabuhay sa ibang lugar tapos hindi makakatikim ng pagkaing Pinoy. Kahit pa sabihing kakaiba ang pagkaing Pinoy, ‘yun na ‘yung kinalakihan ko. May patis na ‘yung ulam, bubudburan pa ng asin. Maalat, isasawsaw pa sa bagoong. Sabi nga ng bayaw kong Intsik sa paborito kong ulam na pinakbet, ‘Bakit kanyan pak-kain nyo maalat, palang pak-kain ng aso’, na sinasagot ko ng ‘Hoy supot, syatap!.

Kung makikipag-negotiate si Papa God sakin na dadagdagan niya ng ng limang taon ang buhay ko kung babawasan ko ng alat ang kinakain ko, sasabihin kong ‘Wag na lang po’. At least pag nadedo ako hindi ako mukhang matanda, dahil bata palang dedo na. Saka ‘yung pagkain ko ng maalat, malay mo mangailangan ako ng spare kidney, makakatulong pa ako sa ilegal na industriya ng bilihan ng kidney. Saka anong silbi ng pagkakaroon natin ng mga ‘kidney doctor’ sa Pinas kung hindi natin sila bibigyan ng oportunidad na kumita? [Lusot ba? Lusot?]

Anong pagkaing hindi Pinoy ang nagustuhan ko? Sa mga pagkaing Aussie, maliban sa barbekyu nila, wala na. ‘Yung pinagmamalaki nilang palaman na ‘vegemite’, lasang grasang may kalawang. Ok sakin ang Singaporean noodles dahil parang pansit canton with chili flavor lang. Pwede na din ang pasta ng mga Italian kung wala talaga.

Segue way ko ‘yan para sating Question of the day na: Anong pagkaing hindi Pinoy ang ayos sa panlasa mo? Mag-iwan ng iyong pinaka-henyo, gago o kahit anong sagot sa comment box]

Piktyur 1.] Pritong salmon na ulam ni Badoodles. Iniisip ko na lang, kunyari bangus belly ‘yan.





Body Smell

12 06 2010

Bago ako umalis ng Pinas, pinabaunan ako ni misis ng sando niya na pinagbihisan. Pamahiin na nating mga Pinoy ‘yun para hindi mo ma-miss ang mahal mo. Sabi ko wag na lang sando, kahit panty niya na lang. Kinumbinsi ko pa na ‘Pwede ko lang ibulsa ‘yung panty mo at dala-dala ko kahit magpunta ako sa mall’. Ayaw daw ,‘so dyahe’. Para panty lang. Di naman ako mag-iiskandalo na ilalabas ko sa bulsa ko ‘yun saka sisinghutin sa publikong lugar. Syempre pasimple lang.

Sa huli, ‘yung sando na lang niya ang dinala ko. Sabagay baka maamoy ng sniffing dogs sa airport ‘yung panty niya, akalain amoy marijuana, ma-deport pa ako.

Pero may mga amoy na hindi natin gusto. Tulad ng putok at bumbay. Sige na nga, putok na lang kasi synonym naman ang putok at bumbay. Ang akala ko talaga, hindi mabantot ang bumbay dito sa Melbourne. Maling akala. Nung mga unang linggo ko dito, magaling lang pala talagang mag-ipit ng kili-kili ang mga ‘mapagkunwari’ para di naman ako ma-culture shock at sumigaw ng ‘Tangina pre ano ‘yun? Naamoy nyo yun?’.

‘Yung sumakay ka nga lang ng elevator na may katabi kang bumbay, parusa na. Pano pa ‘yung ikulong ka sa opisina na kalahati ng mga kasama mo bumbay? Para kang nasa tiyangge ng daing araw-araw. Nakakahilo ang amoy. Para na nga akong buntis nito. Araw araw akong tumatakbo sa lababo at naduduwal. Gusto ko na ngang mag-file ng reklamo sa may-ari ng kumpanya at humingi ng danyos perwisyo dahil ‘occupational hazard’ ang amoy. Pero naalala ko, bumbay nga din pala ang nakabili ng kumpanya namin. Fuck my life.

Nagtataka lang ako, hindi ba napapansin ng mga bumbay na mabaho sila. Na pag pumunta sila sa isang lugar, ‘Shyet may nakaapak ba ng tae?’. At kahit lumipat pa sila ulit ng lugar, ‘O andito na naman ‘yung amoy. Bakit kaya lagi akong sinusundan nung amoy na ‘yun?’. O baka nga naman, hindi ka nga ‘in’ bilang bumbay pag di ka na amoy expired na car freshener. Itatakwil ka na ng iyong mga kalahi oras na magpahid ka ng Rexona sa ‘yong kili-kili. ‘Lapastangan! Binabawi ko ang iyong mana at habang buhay kang uutang sa 5-6 tulad ng mga Pinoy na ‘yan’.

Pansin ko lang, may kanya-kanyang distinct na amoy ang bawat lahi. Depende ‘yun kung ano ang palaging kinakain ng lahi mo. Gaya sa opisina namin. ‘Yung bosing naming New Zealander, amoy binurong gatas [keso]. ‘Yung mga intsik sa network team amoy salabat. Pero ‘yung mga Taiwanese sa accounting office, amoy ihi ng babae [semi-mapanghi]. [Baka umiinom sila ng ihi ng babae, teorya ko lang naman,]. At ‘yung mga bumbay amoy pinaghalu-halong amoy ng curry, sibuyas, at pekpek ng prostitute [Di pako nakaamoy, ulit teorya ko lang]. At kaming mga Pinoy dito, syempre amoy ah, eh, pinipig. Booo. Pero totoo naman ‘yun, tayo na yatang mga Pinoy ang isa sa mababango sa mundo dahil wala namang amoy ang kanin saka araw araw pa tayong maligo.

At dahil last paragraph ko na ‘to dahil magba-basketball pa ‘ko, etong question of the day natin. Mag-iwan ng iyong pinaka-gago, henyo, o kahit anong sagot sa tanong na: Anong amoy mo ngayon?

Piktyur 1] Ang almusal ni badoodles. Ayan para pare-pareho na kaming amoy daing.

Twitter Update: Talo na naman kami sa basketbol. Pinag-iisipan kong magpakamatay. Sisinghutin ko ang amoy ng opismeyt kong bumbay.





Pinoy Foodie

23 05 2010

Pag ganitong araw ng Linggo, maaga akong gumigising para ipagluto si misis. Importante ang linggo para sa kin dahil sex slave day i-lab-yu-misis-ko day ito. Para sa isang linggong pag-aalaga sa aming mag-ama, ito lang ‘yung araw na pwede kong i-spoil si misis kung anong gusto niyang breakfast, lunch at dinner [at ako ang kanyang midnight snack]. Pero hindi mangyayari ‘yun ngayon dahil naiwan sila sa Pinas at nandito ako nagbabanat ng buto sa bansa ng Australiano. Yo!

Ang talagang talento ko, maliban sa pagra-rap at pambobola ay pagluluto. Masarap akong magluto. ‘Yung toasted bread ko lasang gourmet sandwich. ‘Yung kaldereta ko lasang beef stroganoff. At ‘yung banana cue ko lasang crème broullet. Titirik ang mata mo sa sarap. Sabi ‘yan ng mga fans ko – na binubuo ng lola ko at ng pusa niya. Asan na sila ngayon? Patay na. Iniisip ko kung talagang panahon na nila na kunin ni Lord o nasobrahan lang ako ng betsin. Oh well.

Ok din naman magluto ang misis ko. Nag-iiba din ang lasa. ‘Yung nilaga, lasang sinigang. ‘Yung sinigang, lasang adobo. At yung adobo, lasang ‘putangina ang alat’. [Biro lang Bebeko. Nami-miss ko lang ‘yung pagsimangot mo pag inaasar ko ‘yung luto mo. ]

Dahil gusto kong magluto ng pinakbet ngayong weekend, maaga pa lang dumayo na ako sa Footscray, ang pinakamalapit na lugar na may pinoy supermarket dito sa Melbourne. Eto ‘yung equivalent ng Tondo satin at syempre ang naghahari-harian e walang iba kundi dan-dyaran — Pinoy. Pati mga bumbay nga dito nagtatagalog. Tuwang tuwa ako [hindi dahil may bumbay na nagtatagalog ng baluktot] dahil nakabili nako sa wakas ng betsin, tuyo, at paborito kong bagoong. Akalain mo ‘yun, di ko na kailangang mag-puslit sa airport ng bagoong para lang makapagluto ng pinakbet dito.


Basahin ang karugtong nitong lahok »